Maganda Hapon din po ATTY.Tamang tama ang topic mo at may problema kami sa Lupa namin na Agricultural Land .Ano po mga Affidavit Required .?? Paano po kung RIP na ung Seller at paano po ang pirma na required doon ? Salamat po
Magandang araw po Atty. bago lang po ako naka pag subscribed po sa maganda ninyong vlog ito po ay malaking tulong po sa mga nanonood na kagaya ko na may mga problima pa tungkol sa lupa. May tanong lang po ako atty. kong ano ang dapat kong gawin kasi po 20 years ago nakabili po ang mga magulang ko ng lupa sa kamag anak namin pero nakasanla sa kanya nong binili ng mga magulang ko pero alam ng tunay na may ari ng lupa na ibibinta na niya sa amin kasi diniya na kayang tubusin kasi sumubra na rin ang taon na napag usapan nila so ngayon nabili ng mga magulang ko na resibo lang ang katibayan namin kasi wala na rin ang mga magulang ko pati ang tunay ng may ari ng lupa ay wala na rin siya ang tanging buhay ngayon ay ang nag binta.Ang problima po ang mga anak ng may ari ay nagpa survey sila na wala kami at kalahati sa nabili namin ay nasakop nila . Ano po ang dapat namin gawin kasi po ayaw namin umalis or ibigay sa kanila maraming nakakaalam na talagang nabili ng mga magulang ko ang lupa na kinatatayuan ng bahay namin.Sana po ay masagot ang tanong ko Atty. Maramibg salamat po .
Very much thanks for the great information Attorney! Can’t wait for the EP title agriculture land to be transfer the details and procedures as well Attorney 🙏💖 please and thanks po in advance 🙏
Mabuti at nakita kita atty. Probs po namin to kasi yung lolo ko owner ng lupa pero wlaa na po siya. At si tatay na po nag asikaso ng lupa pero di siya kasama sa co owner. Pero title na po siya ng CLoa hingi po ako ng advice kong anu dapat gawin namin thank u po
Good day po Attt, , si A ang dating may ari, binenta nya po ang beach lot kay B nong 2013 pero pirmahan lang po sa brgy ang nangyari, hindi po na notarize ang pirmahan since hindi pa po nakasubdivide ang mana ni A nuon, naka mother title pa po. nitong 2021 nalaman po ni B na may titulo na,kinuha nya po ito at nakita na hindi pa rin ipinangalan sa kanya kahit po fully paid na sa brgy nuon, ang ginawa po ni B ibinenta nya ito kay C. ngayon po naka transfer na ang titulo kay C, narelease na rin po. naghahabol po si A ngayon sa Denr, dahil gusto po nila makuha yung 1000sqm na tubong sangab. may kakilala po kasing atty si A sa loob ng DENR(from legal dept) pwede po ba nila makita ang doas ni B at C sa kanilang paghaharap ? Salamat po.
Atty sana masagot nyo ang tanong ko. Nakabili ako ng cloa titled na lote 864sqm lang naman na inaward nung year 2000 panahon ni erap at bayad na rin sa landbank. Nagsubmit ako at ang seller ng mga requirements sa DAR para sa clearance. Tama ba na cancellation order mula sa dar ang ibinigay sa akin? Pag nailipat na ba sa name ko ang title, TCT na ba ito? Pwede ko na rin bang ibenta ito later on? Salamat po atty. Nagsubscribed na rin po ako sa inyo.
Magandang gabi po Kuya Atty Noel, gusto ko pong patituluhan yun kapiraso kong lupa sa bukid. Palayan po yun na tabing kalsada pero sa Tax Declaration po e ang Classification e Residential Land, kailangan pa po ba nun ng DAR Clearance? Maraming salamat po
Atty ask ko lang po ano gagawin o pagtransfer ng lupa pag ito ay REGALO sa KASAL at ang nagbigay ay matandang dalaga..wala pang titolo pro ito ay nakapangakan na sa kanya..completo na papel niya transfer nalng pro neregalo niya sa kasal
Magandang gabi poh atty. panoh nman poh ipatitle ung nabiling Subdivided lot na my tax clearane n at Deed of sale ..ung tax dec poh ay nkaname n s nkabili ng subdivided at bayad n ang 7.5% na Gain tax..madali n poh b gawan titulo?
Ibig sabihin Attorney if bibibli ako ng agricultural land na naka TCT na , DAR CLEARANCE lang muna ang need ko i secure? Tas yung reclassifcation is later na lang i process pag na transfer na ang tct sa name ko as buyer? Need ko pa din ba i check if alienable or disposable ang property if naka TCT na ang titulo ng buyer? Naguguluhan po ako attorney. Baka kasi in the future if i benta ko ang lupa mag ka problema ako
Nawala po ang kopya ng deed of absolute sale ng property namin pwede po ba magpagawa ng bago ,paano naman po ang amilyar na ilang taon na di navayaran babaguhin po ba ang computation ng tax o bago na po ulit na computation.
magandang gabi po attorney ulit... yong nabili ko pong lupa ngayon na sinasaka ng parents in law ko for 35 years kinakamkam po halos ng kapatid ng nagbenta sa akin bigla nlng pong ngpasurvey ung kapatid nya na kaboundry namin at nakuha po kalahati ...ang hawak ko po ngayon ay abolute deed of sale tsaka tax declaration po..nilagyan po na ng mga mohon kahit my tanim na ...tac dec dn lng hawaknla ....any advice po attorney? pasurvey ko pa ung lot? salamat po sa tugon
Attorney, Tanong Lang poh pwd ba mag tayo nag bahay sa agricultural land? Kc my binili a kung lupa bali 1700sqm at plno ko po mag patayo ng maliit na bahay ..thank you
Good day po attorney tanung ko lng po meron akong pinsan na may ari ng lupa na Ang title ay CARP. Mag magmatured po sya this year August 2023 gusto nya pong ibenta at tanung po ng buyer Niya pwd bang I pa transfer comprehensive agrarian reform program to TCT title pag na bili daw po niya salamat po sa pag sagot God bless po
Hi Atty! Nagbabasakali lang po ako baka mapayuhan nyo po kami sa farm land po nang lolo po namin under Agricultural Free Patent issued in 1973 under name sa lolo po namin na matagal na rin po pumanaw.. but as checked po namin sa lupa may deed of absolute sale ang Philippine Industrial Authority dated in year 1976.. at ni insist nila na sa kanila daw po yung lupa.. totoo na po ba to atty na sa kanila na daw po eto? Pagka alam kasi namin di cya pwede e transfer kasi may restriction naman yan at that time na di pwede e sale or transfer under CT 141.. hopefully may mapayo po kayo atty. Thanks po and GodBless
Good morning atty. Tanong ko lang po sana..yung nanay ko po bininta yong share nya sa lupa..pinasabay nya sa may.ari..kakilala lang nila yung buyer po..wla pong natanggap na bayad yong nanay ko..namatay nlang po inay ko wla parin tapos pinapaalis na nila kami kc mai titulo na po daw sila. Ano po maaari namin gawin?
Good pm Att. Ask ko lang po masyado bang malaki ang 300 000 pesos na presyo sa 1 hectare na land kahit na nasa bundok or rural na area? at agricultural din ang area dahil may tanim po kaming mga coconut. Kase pinahuhulugan po ito samin ng DAR sa loob ng 30 years iaaward po kase ito sa lola ko na tenant ng lupa tinataniman namin.
Atty.good day po, nakabili po kami ng lupa from agricultural to subdivided lot, Yr 2019,400sqm, nagbayad po kami ng processing fee na 56K kasi po un ang hiningi nila , pero umabot po ng 6 yrs bago po maibigay ang Tax Dec ,now hinihingian pa po nila kami ng another 53K para po sa titling ,kasi po naabutan na dw po kami ng revision ng tax , kaya kulang na dw po ung 56K, di po ba nagligence po nila un kasi po ang tagal po nilang mkapag comply ng requirements sa DAR
Kailangan po bang isurrender ang cloa title sa DAR PARA maseparate ang title sa kanya kanyang pangalan saan po ba puedeng maseparate ang title. Kasi patay na yung 2 buhay pa yung isang kapatid bale 3 ang mayari
@@tataystv7924 yung CLOA ay title issued ng DAR sa farmer beneficiary ng agrarian reform. Yung ordinary title ay maaring sa bnthan ng lupa o namanang lupa
Atty. May ibinigay sa akin noon na lumang tax declaration ang lola ko at nabasa ko ang nakasulat nakalagay 19 hectare agricultural at 5 hectares forest with total 24 hectares, noon ipinakita ko sa assesors office kinuha nila sa amin at pinalitan ng iba ibang tax declation at hindi na buo hiwahiwalay na ang lot number, bakit ganoon ang nangyari doon
Good morning po atty.tanong ko lang po kung papaano po ba ang hatian sa lupa dahil ung lola ko po ay may asawa kinasal po sila noong 1958 at may 4 silang anak.May nabili po ang lola ko na lupa during their marriage.Namatay po ang asawa ng lola ko noong 1985.Dahil beyoda c lola ngpakasal po sya sa lolo namin noong 1989 at nagkaanak sila ng 2.Sa ngayon po patay na ang lola namin pero buhay pa po ang lolo namin.paano po ba ang hatian nila sa mana?dahil sabi nang anak ng lola ko sa unang asawa sila lang daw po may karapatan sa lupa.
hello po atty.. my tanong lang po ako na sana masagot po ang katanungan ko... ako poy nagguluhan sa lupa ng nabili ng nanay q noon myron xa ibinigay sa amin na nakalagay po declaration at nkapg byad xa ng tax noon 1975 ano pong unang hakbang ggawin po namin saan po kmi mag uumpisa at saan po kmi ppunta salamat po...❤
Atty. Ask lng po meron kasi kami bibilhin na lupa 1 hectar, ung may ari po nasa america ung ahente po nya daw ang magpirma nlng kasi po dalawang bigay ang bayad pag cash daw uuwi sya ok lng po ba un... Agriculture land po
Atty.magandang araw,may katanungan lng po,Paano ba ma e transfer sa Heirs Ang title ng lupa under cloa Po atty?at Paano ba proseso at gaano katagal rin Bago mailipat sa Heirs?
Hello po Atty.paano po maglipat ng titulo n nkaname pa s kapatid ko?.ito ay mana namin.. Ano po iyong unang process ang dpat gawin? Thank you po God bless
good day Attorney , mag tanong lang po may plano akong mag bili ng farm lot around 15hectare pwd ba ma register sa pangalan ko, ganyan kalaki lupa? hindi naman under sa agriculture land , thanks
Atty good eve. May inooffer po samen na portion of cloa land. 1500 sqm po inooffer pero ang kabuuang cloa land is 7000k sqm. Ang question ko po pede ba ipatitulo yung portion of land na bibilhin namen? 2008 po na award yung cloa tapos may TCT CLOA po yung 7000sqm.
Thanls Atty Mutillo for being here for us in giving clrificatipn about land In our😮.case its agric.land witj Tsx Dec in my grandparents name All their children 7 of them are decesed but they said they are given 8 hec each tru pointing only bec.no surnvey was done We the grsndchilren would like to make a move to process papers so wr can get title .pls let us lnow what are the proper syeps for us to do
Good Day Atty.ask ko po kung ang na issue Land Holding Certificate ng Assessor ay No Real Estate Record kc ex.PEDRO JUAN de la Cruz ang tunay na name pero ang naka Registered sa Title ay Juan de la Cruz lang) mgkaroon b ng Conflict sa DAR CLEARANCE? Ano po ang dapat gawin sa mga bagay na to lalo na kung mag execute ng Affidavit of Aggregate Land Holding ang seller at buyer..?Salamat po Atty.
hello atty. agricultural land nabili ko lupa mula sa kaibigan ko.. pumayag ako na bayaran ang lupa na nabili ko na nagkakahalaga ng 900k . nasa sukat lamang na 4400sqm na lupa..tama mo po ba na ganun ang halaga ng lupa na nabili ko
Hello atty. Meron po ba kayong mai-rerecommend na lawyer para matulungan kami makakuha ng DAR clearance sa agricultural land na nabili namin sa Batangas? San po ba law office nyo para makapagtanong na rin sa inyo? Thank you po
Good eve po magtatanong lang sana po ako may hawak po kami na tct na tittle 31 years na po nasa amin..yung katabing lote po namin sinasabi may nakuha daw po kami 1.5 meters na lupa na nagayon po ay mismo pader ng bahay namin..tapos ngpasurvey po sila sa geotetic engineer noong 2018 at nakita po walang nakuha..akala po namin tapos na ngayon taon po ngpasurvey po ulit sila at pinahaharap po kami sa brgy ano po kaya maari aksyon na maipapayo nyo po sa amin para po matigil na po ang ginagawa nila sa amin salamat po
Atty pede po ba yung nabili namin na agricultural land na 1000 sq.m po pede po ba na mai convert na sa residential ito para po sa trnsfer of title ay nakalagay na po, magkano kaya ang estimated mababayaran namin, salamat po sa kasagiutan
Good day po Atty. Gusto ko lang pong itanong kung Ang nakasanla po bang lupang pangsakahan tapos hiniram Ng pinagsanlaan Yung titulo ay pwedi po bang maibenta Ng pinagsanlaan? Ganito po Kasi Yan, matagal na pong nakasanla Yung lupa Namin tapos Patay na po Yung pinagsanlaan pati Yung totoong may Ari which is Yung lolo po Ng mama ko. Pero bago po namatay Lolo Ng mama ko gusto Ng matubos Yun sa halagang ₱130, pero ayaw Ng ipatubos tapos ayaw Ng ibalik Ang titulo ngunit Hindi pa naman Yun ibenenta tapos Wala namang Perma Yung Lolo Ng mama ko at Wala ding dead of sale. Ngayon po, gusto Ng ibenta Ng pinagsanlaan (anak Ng pinagsanlaan) Yung lupa po, may habol pa po ba kame Doon or Wala na? Salamat po, sana po ay masagot nyo po. More power po sa channel nyo. God bless 🙏🙏🙏
Good afternoon Atty. Noel may nagsangla sa akin bahay at lupa last September 2018 hangang ngayon hindi tinutubos ng may ari dahil namatay na last 2021. Ano po ang dapat kung gawin para makuha ko na yung pera kung sinangla? Buhay pa ang asawa at mga anak sa contract namin yung nagsangla lang ang pweedeng tumubos sa akin. Ano ang dapat kung gawin? salamat po sa sagot.
Hello po attorney.magandang hapon.may tanong po ako attorney may nabili akong lupa at may deed of sale na ako at may survey na rin.gusto ko po pagawaan ng titulo.pero may hiningi Ang Ang assessor office na skitch or blue print?may survey paper na po ako.ano po kakaiba sa skitch or blueprint? Salamat po
Hi Atty, Extrajudicial Settlement po yung gamit namin as Deed of Conveyance. Anong klaseng Affidavit po kaya yung need namin para dito. Sana masagot po ninyp. Maraming Salamat po.
@@atty.emmanuele.murillo3563 Para po sa DAR clearance sana. Meron pa po bang need na affidavit kung Extrajudicial po yung hawak namin. Salamat po ulit.
Sir tanong ko lng po about sa lupa na sinasaka namin na dati po ay river bed, at kini claim ng may ari ng lupa sa tabi nya po ito. Diba po sa government property po yun, dahil daanan po sya dati ng ilog ata naka lahay naman sa mapa. Ngayon po naging agricultural na po dahil sa baha na na imbak dun. umiba na ang daanan ng river kaya ngayon mataas na sya. Kami po nag sasaka dun simula pa nung pwedeng ng sakahan mga 15 years na din. Tapos ngayon po gusto kunin ng katabi ng lupa ng river bed gustong patayuan ng bahay. Ano po ba ang dapat gawin sa lupa na yun? May karapatan ba ang sa tabi ng sinasaka namin kahit hindi naman nya sakop sa lote nya? Thank you po sa sagot attorney
@@edmarrebreza1913 sa batas kc ay yung may-ari tlga ng katabing lote ang mamagmay-ari nyan. Bka pwd nyo rin pagusapan kc malaki na ang puhunan nyo sa lupa.
@@atty.emmanuele.murillo3563 anong batas o republic act Po Yan attorney, gusto ko din maintindihan Kasi Po paalisin kami basta2x Ng Hindi mabayaran. Ayaw talaga nila pag usapan sana dati pa Nung bago plng namin ginagawa eh pinigilan na kami. Nung Hindi pa maayos yun lote na may mga bato bato pa at kahoy na mga matitinik
atty maari pa rin po ba ibenta ng mother ko ang farm na naiwan ng father ko under his name as single kung dadaan kamk sa EJS pero meron pong dalawang minor heir? maari po ba i waive ng mother ko ang rights para mabenta ang farm ?
Atty. Sa assessors office po ba maitatanong magkano ang magagastos ng sa pagpapatitulo? Nakapangalan pa kasi ung lupa sa tatay ng nanay ko , buhay pa nman ung nanay ko and agricultural land po un ..nawala din po yong original copy ng title ..
Good day po Atty. Noel, ask ko lang po magandang gawin sa nabili ko pong agricultural land na tax declaration lang. Natransfer po tax dec sa nag-iisang apo(seller) thru self-adjudication last 2018 lately lang po nakita meron palang hawak ang seller na OCT. Upon verification with LRA wala daw pong record. Ano po kaya best way para matransfer sa name ko ung land with TCT? Thanks po.
Kung may title dapat may deed of sale ka kaya lng kung walabg record sa RD. O kht sa LRA cguraduhin mo na legit ang binibili mo. O kaya baka tax dec lng tlga ang hawak ng seller
Atty magandang araw po nkabili po ako ng lupa na titulado na agrikultural land po paano po ang proceso para malipat sa pangalan ko salamat po at ingat po kayo lagi😊
Attorney d ba hanggang 5 hectares lang ang maximum na pagmamay-ari ng isang individual kung agricultural land? Ano po ang mangyayari kapag nakabili tayo ng more that 5 hectares? Ano po ang mangyayari at paano po yan matituluhan?
Gud eve. Atty. Anong dapat gawin ng kamag anak namin, may mga tanim at bahay na cla sa lupa mahigit 20 yrs na silang naka-tira dun, agricultural land Ang area pagdating niLa dun Walang mga tanim medyo nasa bundok Ang location. Actually pina-brgy. Na ng may Ari Yung kamag anak namin , pagdating ng brgy. WaLang documents na pinapakita sa brgy. Yung nag claim taong 2020 yun. (Peru Ang Sabi may title daw cla). May karapatan ba silang mapa-alis Ang kamag anak namin na MatagaL ng naka position sa lupa? Thank you.
@@atty.emmanuele.murillo3563 Paano po atty . Kung may tittle Yung nag claim? Saka 3 years na ngayun mula ng nagpa Brgy. Cla at walang documents pinakita sa brgy Ang Sabi pa nga sa susunod na daw hearing ng brgy. niLa dalhin mga documents niLa,Peru hanggang ngayun Hindi na bumalik o nagparamdam sa kamag anak nami. Tnx po.
Attorney good day to you.. Meron na po nakuha na DAR clearance last time nung binenta sakin ng seller.. now need ko ibenta ang land ko na binili na agricultural, kukuha pa ba ako ng DAR clearance or ipapakita ko lang yung dating DAR clearance?
May isang titled agricultural property owned by a foreigner. The tax declaration designated a Filipino as administrator/beneficiary. The administrator/beneficiary paid the realty tax from the time it held the possession until to date. Tha foreigner did not pay any single centavo. Since 1966 the foreigner left for states and never come back to the Philippines. The administrator continue to pay realty taxes. Can the administrator own the land by way acquisitive prescription.
I do not know why the foreigner was able to own a property because he is not allowed under the law except when he inherits it from a spouse or son or daughter. Anyway, just the same since it is a titled property the administrator cannot own the land. Perhaps he can file a petition in court that it is an abandoned property. If granted he may apply for its ownership.
Magandang Hapon i highly Recommended this Channel....
SALAMAT ATTY.👍👍👍
Salamat po sa karagdagang kaalaman
Thanks attorney Noel😊😊😊❤❤❤
Magandang araw po Atty emmanuel. At salamat sa panibgong kaalaman na iyong binahagi.
God bless po Atty.
Salamat po Atty Noel.
Beth from Malolos Bulacan
Thank you po.Atty Noel.Dagdag kaalaman po.
marami pong salamat sir .God bless you always
Salamat po sa muling pagpo post n’yo ng very helpful topic. God bless you po!😇👍
Thank you po attorney god bless
Hello Po attorney.napagaling nyo Po🙏❤️❤️
Maganda Hapon din po ATTY.Tamang tama ang topic mo at may problema kami sa Lupa namin na Agricultural Land .Ano po mga Affidavit Required .?? Paano po kung RIP na ung Seller at paano po ang pirma na required doon ? Salamat po
New subscriber atty...
Thank you x info attorney Noel God bless 🙏
Salamat po sa info.
Thanks attorney Noel,Big help.ito exactly hinahanap ko na content.sakto may nabili ako na lupa na for transfer nlng sa name namin.
Maraming salamat po kuya atty, sa mga Advince sa lahat lahat
Salamat po atty. 😊
Good Morning po kuya atty manuel,❤ Blassed Sunday 🙏 po sa inyo at sa pamily, Happy 1.st Advent po kuya atty.😊☘
Magandang araw po Atty. bago lang po ako naka pag subscribed po sa maganda ninyong vlog ito po ay malaking tulong po sa mga nanonood na kagaya ko na may mga problima pa tungkol sa lupa.
May tanong lang po ako atty. kong ano ang dapat kong gawin kasi po 20 years ago nakabili po ang mga magulang ko ng lupa sa kamag anak namin pero nakasanla sa kanya nong binili ng mga magulang ko pero alam ng tunay na may ari ng lupa na ibibinta na niya sa amin kasi diniya na kayang tubusin kasi sumubra na rin ang taon na napag usapan nila so ngayon nabili ng mga magulang ko na resibo lang ang katibayan namin kasi wala na rin ang mga magulang ko pati ang tunay ng may ari ng lupa ay wala na rin siya ang tanging buhay ngayon ay ang nag binta.Ang problima po ang mga anak ng may ari ay nagpa survey sila na wala kami at kalahati sa nabili namin ay nasakop nila .
Ano po ang dapat namin gawin kasi po ayaw namin umalis or ibigay sa kanila maraming nakakaalam na talagang nabili ng mga magulang ko ang lupa na kinatatayuan ng bahay namin.Sana po ay masagot ang tanong ko Atty.
Maramibg salamat po .
God bless po,stay safe again
Very much thanks for the great information Attorney! Can’t wait for the EP title agriculture land to be transfer the details and procedures as well Attorney 🙏💖 please and thanks po in advance 🙏
Pag EP sa mga heirs lng yan pwdng ilipat. Pero sa iba d pwd
Hello po Attorney, pag po ba nailipat na sa heir ang title ng namayapang ama na land owner ng ep na title pwede rin po ba niya ibenta
@@chiquitita3954 hindi pwd ibenta
@@atty.emmanuele.murillo3563 Kahit portion lang po? Paano pag donation ung portion sa ibang tao na hindi kaanak po?
@@chiquitita3954 d rin pwd yan
Hi po Attorney....Anu po ibig Sabihin Ng Table Survey? Salamat
Gud pm po Attorney 👊❤️✌️👍
Hi po new subscriber po,,ganda ng topic po thanks
SA town namin atty..may nabalitaan ako na SA loon Ng RD NAMIN MAY NGA SINDIKATO DOUBLE JOB. MABAYARAN SILA PARA SUMIRA SA TITULO NG LUPA
@@CherylPinkUreta kung may ebdnsya subukan idemenda o isuplong sa mas nakakataas
Hi, Atty sana po mag topic kayo tungkol sa Pasalo ng housing loan tru Bank or Pag ibig, marami po Kasi nag post ng Pasalo ng housing loan...
Mabuti at nakita kita atty. Probs po namin to kasi yung lolo ko owner ng lupa pero wlaa na po siya. At si tatay na po nag asikaso ng lupa pero di siya kasama sa co owner. Pero title na po siya ng CLoa hingi po ako ng advice kong anu dapat gawin namin thank u po
@@tataystv7924 cno b ang mga naging tagapagmana ng lolo mo?
Sir paano Kong ilang years na Hindi nababaran Ang lupa anong pinalty!
Good day po Attt, , si A ang dating may ari, binenta nya po ang beach lot kay B nong 2013 pero pirmahan lang po sa brgy ang nangyari, hindi po na notarize ang pirmahan since hindi pa po nakasubdivide ang mana ni A nuon, naka mother title pa po. nitong 2021 nalaman po ni B na may titulo na,kinuha nya po ito at nakita na hindi pa rin ipinangalan sa kanya kahit po fully paid na sa brgy nuon, ang ginawa po ni B ibinenta nya ito kay C. ngayon po naka transfer na ang titulo kay C, narelease na rin po. naghahabol po si A ngayon sa Denr, dahil gusto po nila makuha yung 1000sqm na tubong sangab. may kakilala po kasing atty si A sa loob ng DENR(from legal dept) pwede po ba nila makita ang doas ni B at C sa kanilang paghaharap ? Salamat po.
Gud evening po sir,tenant po kami ng agricultural land..tapos meron na po kaming OLT...ano pa po kelanagan gawin para ma ka kuha kami ng titulu??
Atty napakahirap kumuha ng dar clearance dating filing fee na 65 ngayon 2000 na ang filing fee.
Atty.paano po kaya yung pagpalit ng conversation..mula sa agri.to residential?
Atty sana masagot nyo ang tanong ko. Nakabili ako ng cloa titled na lote 864sqm lang naman na inaward nung year 2000 panahon ni erap at bayad na rin sa landbank. Nagsubmit ako at ang seller ng mga requirements sa DAR para sa clearance. Tama ba na cancellation order mula sa dar ang ibinigay sa akin? Pag nailipat na ba sa name ko ang title, TCT na ba ito? Pwede ko na rin bang ibenta ito later on? Salamat po atty. Nagsubscribed na rin po ako sa inyo.
Magandang gabi po Kuya Atty Noel, gusto ko pong patituluhan yun kapiraso kong lupa sa bukid. Palayan po yun na tabing kalsada pero sa Tax Declaration po e ang Classification e Residential Land, kailangan pa po ba nun ng DAR Clearance? Maraming salamat po
Need yan na ipareclassify mo muna sa assessor from residential to agricultural. Punta ka sa kanila
Atty ask ko lang po ano gagawin o pagtransfer ng lupa pag ito ay REGALO sa KASAL at ang nagbigay ay matandang dalaga..wala pang titolo pro ito ay nakapangakan na sa kanya..completo na papel niya transfer nalng pro neregalo niya sa kasal
Ano kailangan namin pra matransfer namin sa amin mag-asawa
Required din po ba din Ang conversion Ng lupa kapag Under CLOA title ? Around 2625 sq. Meter lang po.
thanks po atty. sa valuable information.
Magandang gabi poh atty. panoh nman poh ipatitle ung nabiling Subdivided lot na my tax clearane n at Deed of sale ..ung tax dec poh ay nkaname n s nkabili ng subdivided at bayad n ang 7.5% na Gain tax..madali n poh b gawan titulo?
Atty example nagbenta ako ng lote 700 sqm. Ang 400 ay agricultural at ang 300 residential. Paano po mag process sa asesors at bir. Salamat
Ibig sabihin Attorney if bibibli ako ng agricultural land na naka TCT na , DAR CLEARANCE lang muna ang need ko i secure? Tas yung reclassifcation is later na lang i process pag na transfer na ang tct sa name ko as buyer? Need ko pa din ba i check if alienable or disposable ang property if naka TCT na ang titulo ng buyer? Naguguluhan po ako attorney. Baka kasi in the future if i benta ko ang lupa mag ka problema ako
is there a requirement to have a permit from human settlement urban development if more than 10 subdivided lots of co heirs agricultural land
Nawala po ang kopya ng deed of absolute sale ng property namin pwede po ba magpagawa ng bago ,paano naman po ang amilyar na ilang taon na di navayaran babaguhin po ba ang computation ng tax o bago na po ulit na computation.
Anong prosiso sa agrecuture ung titulo nya tapos ung sa Amin residincial pano Po masabi na sa kanya nadaw ung samin
Ulitin mo ang tanung mo
magandang gabi po attorney ulit... yong nabili ko pong lupa ngayon na sinasaka ng parents in law ko for 35 years kinakamkam po halos ng kapatid ng nagbenta sa akin bigla nlng pong ngpasurvey ung kapatid nya na kaboundry namin at nakuha po kalahati ...ang hawak ko po ngayon ay abolute deed of sale tsaka tax declaration po..nilagyan po na ng mga mohon kahit my tanim na ...tac dec dn lng hawaknla ....any advice po attorney? pasurvey ko pa ung lot?
salamat po sa tugon
Attorney, Tanong Lang poh pwd ba mag tayo nag bahay sa agricultural land? Kc my binili a kung lupa bali 1700sqm at plno ko po mag patayo ng maliit na bahay ..thank you
Hello po ,ano po ba ang pagkakaiba ng agricultural land sa industrial classification ng lupa
@@delyvillegas3791 ang agriland gngamit sa pagsasaka at pagtatanim. Ang industrial nmn ay kupa na tinatayuan ng mga factories at mga warehouses.
Good day po attorney tanung ko lng po meron akong pinsan na may ari ng lupa na Ang title ay CARP. Mag magmatured po sya this year August 2023 gusto nya pong ibenta at tanung po ng buyer Niya pwd bang I pa transfer comprehensive agrarian reform program to TCT title pag na bili daw po niya salamat po sa pag sagot God bless po
Atty, paano po Yung school namin. Ang beneficiary na CLOA holder, nais I donate Ang lupa para gawing National High School. Paano po ito?
Hi Atty! Nagbabasakali lang po ako baka mapayuhan nyo po kami sa farm land po nang lolo po namin under Agricultural Free Patent issued in 1973 under name sa lolo po namin na matagal na rin po pumanaw.. but as checked po namin sa lupa may deed of absolute sale ang Philippine Industrial Authority dated in year 1976.. at ni insist nila na sa kanila daw po yung lupa.. totoo na po ba to atty na sa kanila na daw po eto? Pagka alam kasi namin di cya pwede e transfer kasi may restriction naman yan at that time na di pwede e sale or transfer under CT 141.. hopefully may mapayo po kayo atty.
Thanks po and GodBless
Good morning atty. Tanong ko lang po sana..yung nanay ko po bininta yong share nya sa lupa..pinasabay nya sa may.ari..kakilala lang nila yung buyer po..wla pong natanggap na bayad yong nanay ko..namatay nlang po inay ko wla parin tapos pinapaalis na nila kami kc mai titulo na po daw sila. Ano po maaari namin gawin?
Magandang umaga atty. Hindi na po ba pwede gamitin ang TCT after 6 months of issuance sa DAR clearance?
Yes yun yta rqmnt nila
Good pm Att. Ask ko lang po masyado bang malaki ang 300 000 pesos na presyo sa 1 hectare na land kahit na nasa bundok or rural na area? at agricultural din ang area dahil may tanim po kaming mga coconut. Kase pinahuhulugan po ito samin ng DAR sa loob ng 30 years iaaward po kase ito sa lola ko na tenant ng lupa tinataniman namin.
Atty.good day po, nakabili po kami ng lupa from agricultural to subdivided lot, Yr 2019,400sqm, nagbayad po kami ng processing fee na 56K kasi po un ang hiningi nila , pero umabot po ng 6 yrs bago po maibigay ang Tax Dec ,now hinihingian pa po nila kami ng another 53K para po sa titling ,kasi po naabutan na dw po kami ng revision ng tax , kaya kulang na dw po ung 56K, di po ba nagligence po nila un kasi po ang tagal po nilang mkapag comply ng requirements sa DAR
@@malounartea5159 bka naman inabot ng pandemic kaya bumagal cla.
Salamat atty pwede na magamit ANG TITULO galingvsacDAR NA TITULO MAGAMIT MAG LOAN SA LAND BANK
Pwd na yan
Kailangan po bang isurrender ang cloa title sa DAR PARA maseparate ang title sa kanya kanyang pangalan saan po ba puedeng maseparate ang title. Kasi patay na yung 2 buhay pa yung isang kapatid bale 3 ang mayari
good evening atty, how to make agricultural land to residential lot meron na akong TCT.... at paano kukuha nang CERTIFICATE OF NON COVERAGE...
Sa assessor ng munispyo kung nasan ang lupa nagppareclassify.
Atty . Ask ko lang po . Magkaiba po ba ang title of land sa CLoa?
@@tataystv7924 yung CLOA ay title issued ng DAR sa farmer beneficiary ng agrarian reform.
Yung ordinary title ay maaring sa bnthan ng lupa o namanang lupa
Atty. May ibinigay sa akin noon na lumang tax declaration ang lola ko at nabasa ko ang nakasulat nakalagay 19 hectare agricultural at 5 hectares forest with total 24 hectares, noon ipinakita ko sa assesors office kinuha nila sa amin at pinalitan ng iba ibang tax declation at hindi na buo hiwahiwalay na ang lot number, bakit ganoon ang nangyari doon
Bka ngbili ng lupa ang lola mo. Mas mainam na sa assessor monyan tstanungin
Good morning po atty.tanong ko lang po kung papaano po ba ang hatian sa lupa dahil ung lola ko po ay may asawa kinasal po sila noong 1958 at may 4 silang anak.May nabili po ang lola ko na lupa during their marriage.Namatay po ang asawa ng lola ko noong 1985.Dahil beyoda c lola ngpakasal po sya sa lolo namin noong 1989 at nagkaanak sila ng 2.Sa ngayon po patay na ang lola namin pero buhay pa po ang lolo namin.paano po ba ang hatian nila sa mana?dahil sabi nang anak ng lola ko sa unang asawa sila lang daw po may karapatan sa lupa.
att.saan po yun office nyo saan po kmi pwede mkhinge ng tulong salamat p0
Attorney, ano Po ba ang Torrens Title,, ano po ang pagkakaiba, kung Ang titulo ko ay Hindi ito galing sa Torrens Title, thanks,,
Ang torrens title at pareho din ng transfer cert of title. Ang torrens system ang tntawag na registration ng mga titulo sa kanya kanyang may-ari.
hello po atty.. my tanong lang po ako na sana masagot po ang katanungan ko... ako poy nagguluhan sa lupa ng nabili ng nanay q noon myron xa ibinigay sa amin na nakalagay po declaration at nkapg byad xa ng tax noon 1975 ano pong unang hakbang ggawin po namin saan po kmi mag uumpisa at saan po kmi ppunta salamat po...❤
@@virginiaohiman3228 punta kau sa assessor at magrequest ng tax declaration at malalsman kung nakapangalan pa sa nanay nyo.
Atty. Ask lng po meron kasi kami bibilhin na lupa 1 hectar, ung may ari po nasa america ung ahente po nya daw ang magpirma nlng kasi po dalawang bigay ang bayad pag cash daw uuwi sya ok lng po ba un... Agriculture land po
Dapat may SPA para dun sa ahente na pipirma pag gnawa yung contract to sell.
Atty.magandang araw,may katanungan lng po,Paano ba ma e transfer sa Heirs Ang title ng lupa under cloa Po atty?at Paano ba proseso at gaano katagal rin Bago mailipat sa Heirs?
Panoorin mo mga vlog ko tungkol sa extrajudicial settlement of estate. Nndun detalye
Hello po Atty.paano po maglipat ng titulo n nkaname pa s kapatid ko?.ito ay mana namin..
Ano po iyong unang process ang dpat gawin?
Thank you po
God bless
@@ginabendo3299 dami ko ng vlog nyan. Hanapin mo. Pag single ang namatay cno ang tagapagmana
good day Attorney , mag tanong lang po may plano akong mag bili ng farm lot around 15hectare pwd ba ma register sa pangalan ko, ganyan kalaki lupa? hindi naman under sa agriculture land , thanks
Atty good eve. May inooffer po samen na portion of cloa land. 1500 sqm po inooffer pero ang kabuuang cloa land is 7000k sqm.
Ang question ko po pede ba ipatitulo yung portion of land na bibilhin namen? 2008 po na award yung cloa tapos may TCT CLOA po yung 7000sqm.
Pwd nmn yon need lng sa pagtransfer ng title dar clearance.
May vlog ako ng bilihan ng portion ng lupa panoorin mo.
Thanls Atty Mutillo for being here for us in giving clrificatipn about land
In our😮.case its agric.land witj Tsx Dec in my grandparents name
All their children 7 of them are
decesed but they said they are given 8 hec each tru pointing only bec.no surnvey was done
We the grsndchilren would like to make a move to process papers so wr can get title .pls let us lnow what are the proper syeps for us to do
Pa survey muna ang lupa. Then ppgawa ng extrajudicial settlement of estate with partition. Punta n lng kau sa lawyer dyan sa inyo for assistance.
Good Day Atty.ask ko po kung ang na issue Land Holding Certificate ng Assessor ay No Real Estate Record kc ex.PEDRO JUAN de la Cruz ang tunay na name pero ang naka Registered sa Title ay Juan de la Cruz lang) mgkaroon b ng Conflict sa DAR CLEARANCE? Ano po ang dapat gawin sa mga bagay na to lalo na kung mag execute ng Affidavit of Aggregate Land Holding ang seller at buyer..?Salamat po Atty.
Dapat ipacorrect muna ang maling dokumento bago mag dar clearance para d magkproblma.
Good afternoon po atty, kahit po ba government ang bibili ng CLOA ay kailangan parin ng DAR clearance?
Yes
😊
hello po ask kulang attorney ano pong possibleng mangyari kung yung tct number po sa titulo ay dina nabago pagkatapos maitransfer ang titulo
hello atty. agricultural land nabili ko lupa mula sa kaibigan ko.. pumayag ako na bayaran ang lupa na nabili ko na nagkakahalaga ng 900k . nasa sukat lamang na 4400sqm na lupa..tama mo po ba na ganun ang halaga ng lupa na nabili ko
Hello atty. Meron po ba kayong mai-rerecommend na lawyer para matulungan kami makakuha ng DAR clearance sa agricultural land na nabili namin sa Batangas?
San po ba law office nyo para makapagtanong na rin sa inyo?
Thank you po
@@pingpongpamoretayo5253 punta k lng DAR at humingi ng rqmnts. Bbyan ka nila at yun ddlhin mo sa lawyer dyan sa inyo
Good eve po magtatanong lang sana po ako may hawak po kami na tct na tittle 31 years na po nasa amin..yung katabing lote po namin sinasabi may nakuha daw po kami 1.5 meters na lupa na nagayon po ay mismo pader ng bahay namin..tapos ngpasurvey po sila sa geotetic engineer noong 2018 at nakita po walang nakuha..akala po namin tapos na ngayon taon po ngpasurvey po ulit sila at pinahaharap po kami sa brgy ano po kaya maari aksyon na maipapayo nyo po sa amin para po matigil na po ang ginagawa nila sa amin salamat po
Atty.pede ba i benta ang sales patent agri land?wala ba itong restriction?sana po atty.your opinion po.tnx
@@gabriellinogao429 sa pagkakaalam ko wala
@@atty.emmanuele.murillo3563 so pede ibenta diretsahan po?salamat atty sa opinion nyo po
Atty pede po ba yung nabili namin na agricultural land na 1000 sq.m po pede po ba na mai convert na sa residential ito para po sa trnsfer of title ay nakalagay na po, magkano kaya ang estimated mababayaran namin, salamat po sa kasagiutan
atty..kapag DAR title po,nangangamba Ang buyer pag ito ay DAR Ang title?
Pag over 10 yrs na ng na-award sa kanila pwd ng ibenta
Good day po Atty. Gusto ko lang pong itanong kung Ang nakasanla po bang lupang pangsakahan tapos hiniram Ng pinagsanlaan Yung titulo ay pwedi po bang maibenta Ng pinagsanlaan? Ganito po Kasi Yan, matagal na pong nakasanla Yung lupa Namin tapos Patay na po Yung pinagsanlaan pati Yung totoong may Ari which is Yung lolo po Ng mama ko. Pero bago po namatay Lolo Ng mama ko gusto Ng matubos Yun sa halagang ₱130, pero ayaw Ng ipatubos tapos ayaw Ng ibalik Ang titulo ngunit Hindi pa naman Yun ibenenta tapos Wala namang Perma Yung Lolo Ng mama ko at Wala ding dead of sale. Ngayon po, gusto Ng ibenta Ng pinagsanlaan (anak Ng pinagsanlaan) Yung lupa po, may habol pa po ba kame Doon or Wala na? Salamat po, sana po ay masagot nyo po. More power po sa channel nyo. God bless 🙏🙏🙏
Pwd nyo nmng habulin. Kuha agad kau ng lawyer dysn sa inyo for assistance
paano po hatiin namin ang lupa na under cloa
D p yan mahahati kung wala pang 10taon na naibgay o na-issue
Good afternoon Atty. Noel may nagsangla sa akin bahay at lupa last September 2018 hangang ngayon hindi tinutubos ng may ari dahil namatay na last 2021. Ano po ang dapat kung gawin para makuha ko na yung pera kung sinangla? Buhay pa ang asawa at mga anak sa contract namin yung nagsangla lang ang pweedeng tumubos sa akin. Ano ang dapat kung gawin? salamat po sa sagot.
Bkt d mo sabhin sa kanila.
May kasulatan b kau. Real Estate Mortgage contract?
Hello po attorney.magandang hapon.may tanong po ako attorney may nabili akong lupa at may deed of sale na ako at may survey na rin.gusto ko po pagawaan ng titulo.pero may hiningi Ang Ang assessor office na skitch or blue print?may survey paper na po ako.ano po kakaiba sa skitch or blueprint? Salamat po
Yung orginal na plano na approved ng denr ang need mo.
Tsnungin monyung geodetic engr mo nanagsukat
@@atty.emmanuele.murillo3563 ok po maraming salamat.
Magandang araw po,mahahati pa po b ang lote na naiaward na ng nha ?ung kalahati po sa relocation
Anong relocation? Ang lupa at bhay na naibgay na ng nha ay sa beneficiary na yun. Bbyad lng sya.
Hi Atty, Extrajudicial Settlement po yung gamit namin as Deed of Conveyance.
Anong klaseng Affidavit po kaya yung need namin para dito.
Sana masagot po ninyp. Maraming Salamat po.
Para saan ang affd?
@@atty.emmanuele.murillo3563 Para po sa DAR clearance sana. Meron pa po bang need na affidavit kung Extrajudicial po yung hawak namin. Salamat po ulit.
@@dwightp3842 kung agriland yan, may mga forms na ng mga affd sa DAR na ibbgay at fill up nyo at panotryo
@@atty.emmanuele.murillo3563 Maraming salamat po ulit.👍👍👍👍
Sir tanong ko lng po about sa lupa na sinasaka namin na dati po ay river bed, at kini claim ng may ari ng lupa sa tabi nya po ito. Diba po sa government property po yun, dahil daanan po sya dati ng ilog ata naka lahay naman sa mapa. Ngayon po naging agricultural na po dahil sa baha na na imbak dun. umiba na ang daanan ng river kaya ngayon mataas na sya. Kami po nag sasaka dun simula pa nung pwedeng ng sakahan mga 15 years na din. Tapos ngayon po gusto kunin ng katabi ng lupa ng river bed gustong patayuan ng bahay. Ano po ba ang dapat gawin sa lupa na yun? May karapatan ba ang sa tabi ng sinasaka namin kahit hindi naman nya sakop sa lote nya? Thank you po sa sagot attorney
@@edmarrebreza1913 sa batas kc ay yung may-ari tlga ng katabing lote ang mamagmay-ari nyan.
Bka pwd nyo rin pagusapan kc malaki na ang puhunan nyo sa lupa.
@@atty.emmanuele.murillo3563 anong batas o republic act Po Yan attorney, gusto ko din maintindihan Kasi Po paalisin kami basta2x Ng Hindi mabayaran. Ayaw talaga nila pag usapan sana dati pa Nung bago plng namin ginagawa eh pinigilan na kami. Nung Hindi pa maayos yun lote na may mga bato bato pa at kahoy na mga matitinik
atty maari pa rin po ba ibenta ng mother ko ang farm na naiwan ng father ko under his name as single kung dadaan kamk sa EJS pero meron pong dalawang minor heir? maari po ba i waive ng mother ko ang rights para mabenta ang farm ?
Good evening. Gaano po katagal ang process ng pagpapalipat ng title from agricultural to residential farm lot?
Sa assessor k dapat naginquire nyan. Ibat iba kc. Depende sa pagsubmit mo ng rqmnts.
Atty. Sa assessors office po ba maitatanong magkano ang magagastos ng sa pagpapatitulo? Nakapangalan pa kasi ung lupa sa tatay ng nanay ko , buhay pa nman ung nanay ko and agricultural land po un ..nawala din po yong original copy ng title ..
Kung nawala ang titulo ay nagpepetisyon sa korte para palitan ito.
Depende sa value ng lupa sa lugar ang magagastos
Paano po nalalaman if compensable and non-compensable land, saan po pwede malaman?
Anong compensable?
Good day po Atty. Noel, ask ko lang po magandang gawin sa nabili ko pong agricultural land na tax declaration lang. Natransfer po tax dec sa nag-iisang apo(seller) thru self-adjudication last 2018 lately lang po nakita meron palang hawak ang seller na OCT. Upon verification with LRA wala daw pong record. Ano po kaya best way para matransfer sa name ko ung land with TCT? Thanks po.
Kung may title dapat may deed of sale ka kaya lng kung walabg record sa RD. O kht sa LRA cguraduhin mo na legit ang binibili mo. O kaya baka tax dec lng tlga ang hawak ng seller
Pag tax Dec to title po atty
A ibang proseso.
Attorney magandang hapon po,,saan po Yong office nyo.magkonsulta po ako sa lupa,
Pag viewer ko d ko tntnggap na personal client ko. Bawal yan sa amin. Free kegal advice lng ako dto.
Atty magandang araw po nkabili po ako ng lupa na titulado na agrikultural land po paano po ang proceso para malipat sa pangalan ko salamat po at ingat po kayo lagi😊
Panoorin mo yang vlog ko, nndyan detalye
Attorney d ba hanggang 5 hectares lang ang maximum na pagmamay-ari ng isang individual kung agricultural land? Ano po ang mangyayari kapag nakabili tayo ng more that 5 hectares? Ano po ang mangyayari at paano po yan matituluhan?
@@agwantamaria d matitulohan ang higit 5 hectares kc madedeny mbgyan ng dar clearance
@@atty.emmanuele.murillo3563 thank you po attorney
Gud eve. Atty.
Anong dapat gawin ng kamag anak namin, may mga tanim at bahay na cla sa lupa mahigit 20 yrs na silang naka-tira dun, agricultural land Ang area pagdating niLa dun Walang mga tanim medyo nasa bundok Ang location.
Actually pina-brgy. Na ng may Ari Yung kamag anak namin , pagdating ng brgy. WaLang documents na pinapakita sa brgy. Yung nag claim taong 2020 yun.
(Peru Ang Sabi may title daw cla).
May karapatan ba silang mapa-alis Ang kamag anak namin na MatagaL ng naka position sa lupa?
Thank you.
Kung may titulo cla na matagal na rin tlgang maghahabol sya
@@atty.emmanuele.murillo3563 Paano po atty . Kung may tittle Yung nag claim?
Saka 3 years na ngayun mula ng nagpa Brgy. Cla at walang documents pinakita sa brgy Ang Sabi pa nga sa susunod na daw hearing ng brgy. niLa dalhin mga documents niLa,Peru hanggang ngayun Hindi na bumalik o nagparamdam sa kamag anak nami.
Tnx po.
Attorney good day to you.. Meron na po nakuha na DAR clearance last time nung binenta sakin ng seller.. now need ko ibenta ang land ko na binili na agricultural, kukuha pa ba ako ng DAR clearance or ipapakita ko lang yung dating DAR clearance?
Kukuha ulit
May isang titled agricultural property owned by a foreigner. The tax declaration designated a Filipino as administrator/beneficiary. The administrator/beneficiary paid the realty tax from the time it held the possession until to date. Tha foreigner did not pay any single centavo. Since 1966 the foreigner left for states and never come back to the Philippines. The administrator continue to pay realty taxes. Can the administrator own the land by way acquisitive prescription.
I do not know why the foreigner was able to own a property because he is not allowed under the law except when he inherits it from a spouse or son or daughter.
Anyway, just the same since it is a titled property the administrator cannot own the land.
Perhaps he can file a petition in court that it is an abandoned property. If granted he may apply for its ownership.