Tawa ako ng nag hamon ng debate eh ego boost lang naman gusto nyang patunayan. Kesyo mekaniko sya. Kung mekaniko sya doesn't mean na tama na sya kasi unat sapol palang di naman siya ang naging engineer sa pag gawa ng sasakyan. May knowledge sya oo pero wag ipagyabang kasi mema nalang at mali mali pa. Buti nlng tong si Real Ryan eh researcher talaga at kumuha talaga ng information galing mismo sa kumpanyang gumawa ng sasakyan at nakausap pa mismo. Tapos na ang laban more power sa channel nato!
Always on the factual si Sir Ryan. Andami din kasi mga bara bara kung mag isip at magyabang. Pero hindi naman proven ang kesyo tamang ideas DAW nila. More power and more of these informational videos, Sir Ryan! God Bless always!!!
ito talaga tamang information. Good Job!! yung mekaniko na nagpakalat ng mali, cya pa hambog, pati mga kakilala ko nadamay sa kabobohan nung mekaniko na yun naniwala tuloy sa maling akala tsk2x
ok ok na ginawa mong icorrect ang ibang vlogger na mali naman ang pag tuturo ng ganitong content sa mga sasakyan saludo po ko sa inyo at saka hindi naman paninira na kapwa mong vlogger ang sa iyo lang kun ano ang totoo talaga real talk ka talaga sir ryan god bless po😊😊😊😊😊
Kailangan ko kasi mag explain ng maayos. Kasi madaming nauuto ng ibang content creators. Kapag hindi ko na explain ng maayos, mag mukhang “naninira” lang ako. Mahirap mag tama ng mali, kasi ang nagtatama pa ang nagiging mali. Kaya kailangan maging logical at factual, malamang kaya na appreciate mo content ko kasi nag iisip ka 😉
Salute sayo sir, wag mo na lang silang isipin... ang importante yung pag tulong mo sa amin at sa iba sa pagbibigay ng knowledge... More power to your Channel.... Solid sir sa napakadetail na information.
Agree ako sa hindi mo na need maghanap ng susi sa loob ng kotse kahit nasa bag lang yung smart key mo rekta start na agad. Convinient talaga lalo na pag nagmamadali ka
hindi talaga ako nagkamali sa pag subscribe sa iyo boss Real Ryan. iba ka talaga. Legit n puno ng kaalaman. kung pwede lang mag send ako ng gcash sayo kaso d ko alam ang number mo. kaya manunuod nlng ako ng Ads mo. laki talaga ng tulong mo
Tama ka idol ako mekaniko din ako pra hnd ako kampi dun hahaha.face ang problema lng kc ngaun satin dto.pag nabaha mas malala o mas magastos pagpalit mga parts pag smart key kysa sa susi...
For my POV, maraming mekaniko or even agent ng mga sasakyan na di nagbabasa ng manuals..lahat andun sa manuals..procedures, alarms..etc..tsaka pano naman nasabi na ung procedures sa manual ay masisira ung sasakyan..e naka warranty di malulugi ung car manufacturer..👍 ako kay Real Ryan kasi maraming mga paniniwala na naitatama..👍
di ko magets bat ang daming bitter sa content mo. eh sobrang educational siya at madaming natutulungan na tao. siguro dahil tablado sila kasi mali mali information nila. "mema content" lang kasi sila.
Thank you sa Video and sana naman matapos na ang mga haka haka sa maling steps pagppush start. Depress Brake Pedal and Push the push start button. That simple wag na pahirapan mga sarili 😂 for convenience ginawa yan hindi for complicated operation 😂
ang ganda ng paliwanag ang galing nyo po sir.. mahirap mag content ng ganito sa totoo lang grabe ba hehe #hashtag alam nyo ba na ang hitachi battery isa yan sa matibay at maasahan talaga. may balita nga ako na binibili nila ng mas mahal yung mga luma or sira battery na yon. compare sa mga ibang brand.
Tamang pag start sa sasakyan na may Push start ganito po, APAKAN ANG PRENO AT PRESS ANG PUSH START paki ramdaman nyo po pag push start mo may delay ng konti Segundo Bago mag start Diba po? Hindi naman agad agad a andar po yan may Delay Kaya dun po nka pag INITIALIZATION na Yung system bago mag start engine, Yun ang NORMAL. last 15 years tumatanggp kmi dati ng computer box malimit capacitor sunog board dahil leak, meron din iilan na nasisira dahil sa dutdut ng nag direct Kaya nasusunog mga resistor at mga diode at transistors, at ic integrated Circuit at minsan Yung mga Nababasa o nabaha, analysis ko Lang po yun mga sir ah, kc mga bago na sasakyan ngayon puro push start na at pwede PA sa remote at cellphone Napa start na agad, halos ganun din lahat, start agad wala naman akong nababalitaan na dahil dun may nasisira kc mismong Casa Yun ang advise, HINDI PUSH tapos PUSH tapos push BRAKE at push START Maliban nlang sa NAGYEYELO na LUGAR kailangan painitin ng husto HEATERPLUG o GLOW PLUGS , naalala ko nuon panahon pa ng 3210 (Para sa kaalaman ng mga Bata na di naabutan 3210 Nokia , model ng cell phone po yan na walang camera at hindi touchscreen ) nuon may ginawa akong auto start Tru cellphone pinapa andar ko Yung van, Maraming safety features din yun, kaso pag wala signal sa pupuntahan mo dimo ma start 😊Kaya sa manual nlang , Kaya Sabi ko Kung na papa start ko nuon van ko agad kahit nasa aparri ako at nasa Olongapo sasakyan KO, WALA naman nasira sa ECU ng Van 👍, experience ko Lang po yun mga sir,Kung sa palagay nyo Mali analysis ko, tumatanggap naman ako kung Mali ako, 😘Peace Lang po tayo, Hinding hindi MAKAKASIRA ang pag push start agad at Kung Nag CHECK ENGINE LIGHT ibig sabihin may SIRA na kailangan ipa check sa marunong GUMAGAWA. 👍
Well said,.sna gnyan school of hard knocks/ experience againsts research/development, meeting at the middle, kumbaga compromise, wag magalit kung mali un experience, nageevolve,nagimprove kc ang lhat, buhay, vlogger at technology...
@@officialrealryansir ask ko lang po. Yung sa Toyota Veloz po. Halimbawa po naka start ang sasakyan pag lalabas po ako at may bibilihin sa isang store pwede po ba syang ilock while the engine is on using the spare keyfob? Thank you po boss idol.
Boss Ryan ! 😁 Dati napacomment ako sa ibang videos mo lalo na sa mga tips .. Eto ngayon , nakabili nako ng new car ko , and pinanood ko yung previous video mo about sa Casa Maintain or PMS sa casa .. Thanks a lot 😊😊
@@officialrealryan hehe sorry 😁😁 currently watching your other videos . 😄😁 Lalo na sa push push start at parking (mali nga din daw ginagawa ko ) So mali pala ang manual ?? 🥺🤣🤣..
@@officialrealryan hahahaha manual po ata ng mga galing galingan nila yun eh ..🤣🤣 Hinahanap ko din po yung push push push start button sa manual , baka mali hawak kong Manual 🤣🤣🤣
Isa sa mga nagustuhan ko sa smartkey is yung keyless entry yung paglapit mo sa sasakyan matic unlock na yung unit at matic nag lolock pag malayo kana sa unit mo
Haha yessir. “Seamless” altho hindi lahat ng kotse may ganyan function. Haha anong tingin mo sa mekaniko na nagsasabi na nagugulat raw ang sasakyan? Haha
Sir wala namng pong mali sa dalawa. Eto po ang dahilan ng iba kung bakit ang iba pinipindot muna ang push start button na hindi inaapakan ang preno. Karamihan po kasing modernong sasakyan ay may feature na self-diagnostics mode. Sa pamamagitan ng pag push ng start button na hindi ina apakan ang preno ma initialize ito sa ibang sasakyan, minsan naman karagdagan pang dapat pindutin na button para ma activate ang feature na ito, dependi sa model or brand. Kaya wala naman pong mali sa dalawang pamamaran. Sharing lang po sana ng ideas para mas maramaing matutunan. Wag po tayong mag siraan mga sir.
Siguro idol. Mag pasensyahan nlng kayo. Hindi to matatapos. Inunahan mo ka c, pwed naman na hindi mo pinakita ung vid niya na mali siya, tapos kina usap mo nalng personal if ayaw mo nang ganun turo. Oo cguro mali siya, baka naka experence lang siya na na sira sa push start.kaya naisip niya ung push push start. Ika nga nang teacher ko. Promote understanding. Kaya peace nalang kayo. Mag pasinsyahan nlng. Love one another ikanga sa bible.
Ganyan sinabi sakin nung agent sa Nissan, nung pag demo sa Nissan Terra, dalawang pindot daw muna, kapag lumabas na yung logo ng nissan at lahat ng ilaw sa dashboard.. saka apakan yung brake pedal... hahaha
Ang problema lang sa smart keys eh pwedeng gamitan ng relay repeater ng mga carnapper (i-extend/kopyahin and signal ng keyfob kahit hindi malapit sa kotse) so for added security, kelangan may faraday box na nilalagay lahat ng keyfobs. aside from that nakapaconvenient nilang gamitin.
Convenient nga ang smart key pero na compromise naman safety ng sasakyan marami na sa Canada at America na carnap dahil dyan, meron pa nga documentary na pinalabas gone in a minute carnap agad ang smart keys hindi pa Naka karga sa barko pa Punta ng Africa meron ng papeles ang sasakyan pag dating sa inspection completo na document ka carnap vehicle, pag dating sa Africa kahit mga ordinary people doon ma mahalin sasakyan nila.
Kuya Ryan! Di lang siya ung nagtuturo ng mali. Pati sa driving school na napasukan ko ganun din yung turo sa Push start. Note that I requested na same vehicle na kukunin ko sa casa ung iddrive ko.
push start user ako, dalawa lang yung ginawa ko sa aking unit. una, pag yung aking sasakyan nakatambay ng matagal kung baga overnight or known as cold start ang ginagawa ko PUSH muna ng isa for accesories and then PRESS the BRAKE sabay PUSH START. pangalawa, pag yung saksakyan ko naitakbo ko na or nagamit ko na sa arawa na iyan ang ginagawa ko PRESS BRAKE SABAY PUSH START. as of now OK pa naman yung unit ko. hehehehe
May bago na Ryan, Ito galing sa Atty, Mekanikz Tv. Bago patayin ang makina, kailangan sumayuaw muna ng macarena macarena para makapag rest ang turbo hehehehe
@@officialrealryan maganda ung explanation as to why push and start lang need. At nagulat ako na una pa pala naimbento push start sa de susi. 🤣Just to add and maybe you can include in this topic: yung idle/stop. If magugulat tlga ung ecu as claimed by master of puppets, baka naman bangungutin ung ecu sa idle/stop. 🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣
@@WheelHeaddwahahahaha hindi ko na nga sinama yun idle stop start kasi mas mechanical upgrades na yun vs non idle stop cars. Unfair na sa kanya. Pero good pt. Hahahaha
Manufacturer: "mas dumali ang buhay ng car owner" M: wag nyo gawin yan nakakasira yan HAHAHAHAHA! Kailan kaya sasabihin nun na wag mag manual mode sa AT kasi nakakasira ng transmission? HAHAHAHA
Idol, kung di mag lock pag naiwan sa loob ang susi, ganun din ba pag naka andar yung engine? Let’s say may kukunin lang saglit at gusto iwasan mag warning na nasa malayo ang susi. New car owner lang po kaya natanong.
Good job real ryan.. i just want to ask about nman po sa aircon kung ok lg ba na hindi ini off ang aircon mgstart ang stop the engine? New owner po ng nissan navara. Thanks
Parang aircon niyo lang sa bahay yun kahit Uma andar patayin mo Lang main switch ng buong bahay bago kayo umalis pag balik mo on mo naman main switch ma notice mo Naka andar na agad aircon mo kahit wala mo na switch on.
marami kalokohan talaga si master garage kaya ginisa ni speedlab yan sa vlog nya which tama lang.. more power, ayos ginagawa mo. kawawa maraming tao naloloko sa mga mekaniko na sinisira sasakyan kaysa ayusin.
Lol bago pa lumabas kay speedlab, nauna na ako 😆 hanapin mo nalng mga ibang sunday specials SUNDAY SPECIAL: 5 SIGNS NA RED FLAG ANG MEKANIKO MO ua-cam.com/video/mbqMeRRKNRU/v-deo.html
Sir REAL RYAN, ano pong opinion mo dun sa trending post sa pinoy auto mechanic forum na normal lang daw ang may langis sa air cleaner sabi ni master garage???
Iba iba design ng bawat brand. Syempre, Depende sa design ng makina.. Be smart, be open minded. Always "diagnose" before u speak. Kung may design na ang breather ay nasa air box, e d dun talaga bagsak. If nasa gitna yun breather between airfilter and intake manifold, dapat wala. Ano ba sabi nya? Oks lang yan. Kahit naman mali siya, pinaglalaban nya. lalo tuloy siya nadidiin. Siya rin naman napapahiya. Kaya d na nga umimik sa video na to 😂
Kung totoo man ang sinasabi nila na pera pera nalang ang mga manufacturer ngayon edi sana walang mga mekaniko na tulad nila kasi di na nasisira ang sasakyan eh so pera pera din ang mga mekaniko
Tawa ako ng nag hamon ng debate eh ego boost lang naman gusto nyang patunayan. Kesyo mekaniko sya. Kung mekaniko sya doesn't mean na tama na sya kasi unat sapol palang di naman siya ang naging engineer sa pag gawa ng sasakyan. May knowledge sya oo pero wag ipagyabang kasi mema nalang at mali mali pa. Buti nlng tong si Real Ryan eh researcher talaga at kumuha talaga ng information galing mismo sa kumpanyang gumawa ng sasakyan at nakausap pa mismo. Tapos na ang laban more power sa channel nato!
Tama tsaka depende yan kahit di qko mekaniko
Ikw tukloy Dami mong alam
Always on the factual si Sir Ryan. Andami din kasi mga bara bara kung mag isip at magyabang. Pero hindi naman proven ang kesyo tamang ideas DAW nila. More power and more of these informational videos, Sir Ryan! God Bless always!!!
Good Job. about time na may ganitong mga videos. Hirap kasi sa mga ibang mekaniko, masmagaling pa sila sa Manual and safety booklet ng manufacturer.
ito talaga tamang information. Good Job!! yung mekaniko na nagpakalat ng mali, cya pa hambog, pati mga kakilala ko nadamay sa kabobohan nung mekaniko na yun naniwala tuloy sa maling akala tsk2x
Send m tong vid 😂
super real ryan mabuhay ka...isa kang talentado...thanks for sharing 🤟
@@franciscojrliwanag8260 haha parang na enjoy mo to a hahaha
ok ok na ginawa mong icorrect ang ibang vlogger na mali naman ang pag tuturo ng ganitong content sa mga sasakyan saludo po ko sa inyo at saka hindi naman paninira na kapwa mong vlogger ang sa iyo lang kun ano ang totoo talaga real talk ka talaga sir ryan god bless po😊😊😊😊😊
Laking bagay na napanood ko UNG Blog mo sir Ryan atleast may alam na ako about smart key.....more power po💪💪💪
baket ang galing mo mag explain Sir Real Ryan.. klaro n klaro talaga kung mag bbgy k ng info n mga cars.. well verse sa mga auto.
Kailangan ko kasi mag explain ng maayos. Kasi madaming nauuto ng ibang content creators. Kapag hindi ko na explain ng maayos, mag mukhang “naninira” lang ako. Mahirap mag tama ng mali, kasi ang nagtatama pa ang nagiging mali.
Kaya kailangan maging logical at factual, malamang kaya na appreciate mo content ko kasi nag iisip ka 😉
Salute sayo sir, wag mo na lang silang isipin... ang importante yung pag tulong mo sa amin at sa iba sa pagbibigay ng knowledge... More power to your Channel.... Solid sir sa napakadetail na information.
Lahat ng features ng smart key nagustuhan ko. Natry ko dn dati maiwan susi sa loob na lock kotse hahaha
Very interesting videos
Push start na tayo
Thank you idol Real Ryan
More power sir. Bago lang ako sa car ownership pero dami ko natutunan sayo.
tama po real ryan,, here in japan, ganiyan ang turo ng pag start sa driving school :D
wow ang galing very informative
Agree ako sa hindi mo na need maghanap ng susi sa loob ng kotse kahit nasa bag lang yung smart key mo rekta start na agad. Convinient talaga lalo na pag nagmamadali ka
Magbasa kasi ng Manual ng sasakyan - end of story. Kudos to Ryan for fighting this misinformation.
hindi talaga ako nagkamali sa pag subscribe sa iyo boss Real Ryan.
iba ka talaga. Legit n puno ng kaalaman. kung pwede lang mag send ako ng gcash sayo kaso d ko alam ang number mo. kaya manunuod nlng ako ng Ads mo. laki talaga ng tulong mo
Buti na lang nandyan si Real Ryan. Salute!
Tama ka idol ako mekaniko din ako pra hnd ako kampi dun hahaha.face ang problema lng kc ngaun satin dto.pag nabaha mas malala o mas magastos pagpalit mga parts pag smart key kysa sa susi...
We thank you for real informations,
More powers to you Sir Real Ryan
For my POV, maraming mekaniko or even agent ng mga sasakyan na di nagbabasa ng manuals..lahat andun sa manuals..procedures, alarms..etc..tsaka pano naman nasabi na ung procedures sa manual ay masisira ung sasakyan..e naka warranty di malulugi ung car manufacturer..👍 ako kay Real Ryan kasi maraming mga paniniwala na naitatama..👍
Galing mo Men additional knowledge na naman.👏👏👏
di ko magets bat ang daming bitter sa content mo. eh sobrang educational siya at madaming natutulungan na tao. siguro dahil tablado sila kasi mali mali information nila. "mema content" lang kasi sila.
Haha etong satin daw ang mema content 😂
Thank you sa Video and sana naman matapos na ang mga haka haka sa maling steps pagppush start. Depress Brake Pedal and Push the push start button. That simple wag na pahirapan mga sarili 😂 for convenience ginawa yan hindi for complicated operation 😂
Pinaka gusto ko talaga yung remote start kasi lalo dito sa PH na napakainit. Ang sarap pag pasok mo sa sasakyan naka bukas na AC. D na masyado mainit.
Thank you for all the knowledge, Ryan! More POWER to you!! 💪💪☺️
Sana nakatulong 😉
Tin Pangilinan brought me here. Love your channel
Glad to hear :)
Nakikita ko ito real ryan dami basher sa ibang car group eh real talk lang naman. Salute sayo sir!
San group yun? 🤣
@@officialrealryan mirage group ata dumaan lang sa timeline ko mga butt hurt first time ata nagka kotse
@@chrisagawin1119 haha tagal na o recent ? Haha
@@officialrealryan matagl na sir mga ilang months na din. Parang regarding car meet ata yun. Haha
@@chrisagawin1119 ah wahahhaha madami naman dyan, puro satsat fan lang sa harap ng screen e 😆 kamsta tong episode sayo?
Remote Start ng bagong Honda BRV 2023, ang fave feature ko.
Tama Yan boss Ryan naabutan ko na yang ganyan
Very Informative video. Salamat po. ❤❤❤
Sana nakatulong 🙏
ang dami na nman mag iiyakan nyan sir hahaha
ang ganda ng paliwanag ang galing nyo po sir.. mahirap mag content ng ganito sa totoo lang grabe ba hehe #hashtag alam nyo ba na ang hitachi battery isa yan sa matibay at maasahan talaga. may balita nga ako na binibili nila ng mas mahal yung mga luma or sira battery na yon. compare sa mga ibang brand.
Uy good info yan a. Binibili pala ang luma/sira na battery?
ang ganda pa ng remote start kahit ang layo at mainit ma start mo yung sasakyan at malamig na pag pasok mo
yessir!!!
Sapul ako dun sa double cranking, hehe, thank you sa informative videos as always sir ryan!, road to 1m subscribers!
Haha wag mo na ko paasahin sa 1M subs 😅😅😅
THANKS SIR RYAN
The best talaga to si @realryan.
Good explanation...
Very informative. Jusko ewan ko na lang talaga. Maayos na ang pagkaka explain. Penge po ng balato sa 1M! Haha
Mahal talent fee nung parang net geo vibes 😆
tamang inpormasyon sa lahat lalo na sa mga sasakyan.
Tamang pag start sa sasakyan na may Push start ganito po, APAKAN ANG PRENO AT PRESS ANG PUSH START
paki ramdaman nyo po pag push start mo may delay ng konti Segundo Bago mag start Diba po? Hindi naman agad agad a andar po yan may Delay Kaya dun po nka pag INITIALIZATION na Yung system bago mag
start engine, Yun ang NORMAL.
last 15 years tumatanggp kmi dati ng computer box malimit capacitor sunog board dahil leak, meron din iilan na nasisira dahil sa dutdut ng nag direct Kaya nasusunog mga resistor at mga diode at transistors, at ic integrated Circuit at minsan Yung mga Nababasa o nabaha, analysis ko Lang po yun mga sir ah, kc mga bago na sasakyan ngayon puro push start na at pwede PA sa remote at cellphone Napa start na agad, halos ganun din lahat, start agad wala naman akong nababalitaan na dahil dun may nasisira kc mismong Casa Yun ang advise, HINDI PUSH tapos PUSH tapos push BRAKE at push START Maliban nlang sa NAGYEYELO na LUGAR kailangan painitin ng husto HEATERPLUG o GLOW PLUGS , naalala ko nuon panahon pa ng 3210 (Para sa kaalaman ng mga Bata na di naabutan 3210 Nokia , model ng cell phone po yan na walang camera at hindi touchscreen ) nuon may ginawa akong auto start Tru cellphone pinapa andar ko Yung van, Maraming safety features din yun, kaso pag wala signal sa pupuntahan mo dimo ma start 😊Kaya sa manual nlang , Kaya Sabi ko Kung na papa start ko nuon van ko agad kahit nasa aparri ako at nasa Olongapo sasakyan KO, WALA naman nasira sa ECU ng Van 👍, experience ko Lang po yun mga sir,Kung sa palagay nyo Mali analysis ko, tumatanggap naman ako kung Mali ako,
😘Peace Lang po tayo,
Hinding hindi MAKAKASIRA ang pag push start agad
at Kung
Nag CHECK ENGINE LIGHT ibig sabihin may SIRA na kailangan ipa check sa marunong GUMAGAWA. 👍
Well said,.sna gnyan school of hard knocks/ experience againsts research/development, meeting at the middle, kumbaga compromise, wag magalit kung mali un experience, nageevolve,nagimprove kc ang lhat, buhay, vlogger at technology...
Good job Ryan, Thanks a lot.
Fave ko yung alarm at di nagsasara pinto once maiwan susi sa loob.. sakto sa makakalimutin...😅
Very informative content😊👏
After watching most of your recent videos, you just earned another subscriber and my trust
Ah the 2 most important things im conscious about, being credible and relevant!! Thank you.
@@officialrealryansir ask ko lang po. Yung sa Toyota Veloz po. Halimbawa po naka start ang sasakyan pag lalabas po ako at may bibilihin sa isang store pwede po ba syang ilock while the engine is on using the spare keyfob? Thank you po boss idol.
dami ko na natutunan sau sir ryan
Boss Ryan ! 😁
Dati napacomment ako sa ibang videos mo lalo na sa mga tips ..
Eto ngayon , nakabili nako ng new car ko , and pinanood ko yung previous video mo about sa Casa Maintain or PMS sa casa ..
Thanks a lot 😊😊
Hello, sorry d ako nagpptawag ng boss. Allergic ako sa tawag na yun 😅😅😅
@@officialrealryan hehe sorry 😁😁 currently watching your other videos . 😄😁
Lalo na sa push push start at parking (mali nga din daw ginagawa ko )
So mali pala ang manual ?? 🥺🤣🤣..
Lol ano nakasulat sa manual mo? Push twice muna at neutral handbrake park? Kindly read ur manual again.
@@officialrealryan hahahaha manual po ata ng mga galing galingan nila yun eh ..🤣🤣
Hinahanap ko din po yung push push push start button sa manual , baka mali hawak kong Manual 🤣🤣🤣
@@officialrealryan kaya nga ako nag matic na , para maging convenient lalo ang driving ko ..
Pati ito pahihirapan ko pa sarili ko 🤣🤣🤣
Isa sa mga nagustuhan ko sa smartkey is yung keyless entry yung paglapit mo sa sasakyan matic unlock na yung unit at matic nag lolock pag malayo kana sa unit mo
Haha yessir. “Seamless” altho hindi lahat ng kotse may ganyan function. Haha anong tingin mo sa mekaniko na nagsasabi na nagugulat raw ang sasakyan? Haha
Hahah.. bakit sayo lang sya mainit pero sa speedlab di sya pumapalag. Hahah
More power sir Ryan.
Syempre low key lang tayo 😉
Sir wala namng pong mali sa dalawa. Eto po ang dahilan ng iba kung bakit ang iba pinipindot muna ang push start button na hindi inaapakan ang preno. Karamihan po kasing modernong sasakyan ay may feature na self-diagnostics mode. Sa pamamagitan ng pag push ng start button na hindi ina apakan ang preno ma initialize ito sa ibang sasakyan, minsan naman karagdagan pang dapat pindutin na button para ma activate ang feature na ito, dependi sa model or brand. Kaya wala naman pong mali sa dalawang pamamaran. Sharing lang po sana ng ideas para mas maramaing matutunan. Wag po tayong mag siraan mga sir.
Siguro idol. Mag pasensyahan nlng kayo. Hindi to matatapos. Inunahan mo ka c, pwed naman na hindi mo pinakita ung vid niya na mali siya, tapos kina usap mo nalng personal if ayaw mo nang ganun turo. Oo cguro mali siya, baka naka experence lang siya na na sira sa push start.kaya naisip niya ung push push start. Ika nga nang teacher ko. Promote understanding. Kaya peace nalang kayo. Mag pasinsyahan nlng. Love one another ikanga sa bible.
Kaya sa'yo ako Real Ryan. Hanep talaga, kulang na lang ingudngod sa mukha ang user manual at dashboard prompt! Hahahaha
haha... 🔥🔥 ung Mekaniko turn vlogger..
kaya ikaw finafollow ko eh.. my sense mga sinasabi mo.. More Informative Content Real Ryan.. Godbless.. 👏👏
Haha napanuod mo n ba ibang mga sunday specials?
Solid more power sir👌👌👌
Good job +100% tlaga tips mo idol
Haha napanuod mo ba yun turo ng kabila? 😆
@@officialrealryan hinde pa idol pero base on your videos and content well done po yaan 🙂
@@xCORE_21 Wahahaha mas kapanipaniwala ba kesa sa mekaniko?
Ganyan sinabi sakin nung agent sa Nissan, nung pag demo sa Nissan Terra, dalawang pindot daw muna, kapag lumabas na yung logo ng nissan at lahat ng ilaw sa dashboard.. saka apakan yung brake pedal... hahaha
Mag rereact sana ako kaso disusi sasakyan ko HAHAHA
Solid content Real Ryan, keep it up!
Thank you for all the informative videos❤
Ang problema lang sa smart keys eh pwedeng gamitan ng relay repeater ng mga carnapper (i-extend/kopyahin and signal ng keyfob kahit hindi malapit sa kotse) so for added security, kelangan may faraday box na nilalagay lahat ng keyfobs. aside from that nakapaconvenient nilang gamitin.
Convenient nga ang smart key pero na compromise naman safety ng sasakyan marami na sa Canada at America na carnap dahil dyan, meron pa nga documentary na pinalabas gone in a minute carnap agad ang smart keys hindi pa Naka karga sa barko pa Punta ng Africa meron ng papeles ang sasakyan pag dating sa inspection completo na document ka carnap vehicle, pag dating sa Africa kahit mga ordinary people doon ma mahalin sasakyan nila.
Kuya Ryan! Di lang siya ung nagtuturo ng mali. Pati sa driving school na napasukan ko ganun din yung turo sa Push start. Note that I requested na same vehicle na kukunin ko sa casa ung iddrive ko.
Galing! Hihi
Ang funny dun sa sample part 😆
Hahahaha parang natgeo ba?
Real information kay real ryan kana👌👍
Naalala ko tuloy school days ko real ryan fundamentals is the real key😁😎🗝️🗝️🗝️
push start user ako, dalawa lang yung ginawa ko sa aking unit. una, pag yung aking sasakyan nakatambay ng matagal kung baga overnight or known as cold start ang ginagawa ko PUSH muna ng isa for accesories and then PRESS the BRAKE sabay PUSH START. pangalawa, pag yung saksakyan ko naitakbo ko na or nagamit ko na sa arawa na iyan ang ginagawa ko PRESS BRAKE SABAY PUSH START. as of now OK pa naman yung unit ko. hehehehe
Nasa owner's manual sya?
Wala naman ganyan sa owners manual, pwde mo naman icold start kahit naka start na engine
Real Ryan the best
Besh lang for beshy
May bago na Ryan, Ito galing sa Atty, Mekanikz Tv. Bago patayin ang makina, kailangan sumayuaw muna ng macarena macarena para makapag rest ang turbo hehehehe
😂 meganun?
Ayun may #AlamMoBa Captions na ❤
Best benefit ng Push Start
nag marunong na naman pala sa engineers si Master Garage hahaha akala ko nadala na yan sa pagmamarunong dun sa aftermarket air cleaner.
"oh, sagot!" is the 2024 sentence of the year.
😂
Watching. Meron pala follow up to lol
Solid tong content na to 👌🏼
Anong natutunan mo?
@@officialrealryan maganda ung explanation as to why push and start lang need. At nagulat ako na una pa pala naimbento push start sa de susi. 🤣Just to add and maybe you can include in this topic: yung idle/stop. If magugulat tlga ung ecu as claimed by master of puppets, baka naman bangungutin ung ecu sa idle/stop. 🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣
@@WheelHeadd hahahaha! aatakihin na sa puso yung kotse pag ganyan mga sasakyan nila.
@@WheelHeaddwahahahaha hindi ko na nga sinama yun idle stop start kasi mas mechanical upgrades na yun vs non idle stop cars. Unfair na sa kanya. Pero good pt. Hahahaha
@@thelonglostbrotherevery apak nalng brake gulat 😮
fav feature ng may keyfob is mag aalarm sasakyan mo na naiwan mo sa loob yung keyfob.
Nagustuhan kong benefit - reduce chances of car accident, engine wont start without depressing the brake pedal and push button start key fob.
Security Safety at Convenience pa pag naka push start
Hahahahaha, classic tlaga ung baka magulat ung kotse pag biniglang pindot 😅
Sir Ryan may review ka na ba sa car conversion from conventional key to push start system?
Wala 😁
Manufacturer: "mas dumali ang buhay ng car owner"
M: wag nyo gawin yan nakakasira yan
HAHAHAHAHA!
Kailan kaya sasabihin nun na wag mag manual mode sa AT kasi nakakasira ng transmission? HAHAHAHA
idol ryan, ano ang pros and cons ng after market na push start system?
Goodpm boss wala ka ba review sa mga ford lalo na sa everest model 2016 up model, baka naman idol.
nice and very interesting video sir.. new subscriber here😁
Haha 😂 hanapin mo mga sunday special episodes
New subscriber here.. tanong lang boss.. ok lang ba yung mga ini-install na push start system sa mga car na desusi talaga?
Si @master garage hha
Idol, kung di mag lock pag naiwan sa loob ang susi, ganun din ba pag naka andar yung engine? Let’s say may kukunin lang saglit at gusto iwasan mag warning na nasa malayo ang susi. New car owner lang po kaya natanong.
Conviniet
Baka may magsabi na naman na tinitira mo na naman yung garahe ni... Hahaha! Dami mo na resibo sa topic na ito ah. 👌
Natawa ako sa bulong mo real ryan solid
Alin bulong? Yun mala nat geo? 😆
Pahiya kau ngyn hahaha. Simple lng nmn pinahihirap nyo . 😂😂😂😂 Galing ni pareng Ryan
Wahhahahhaah basa ka dyan sa comments section, need daw mechanic or engineer para maka “real experience” hahahahhaah
Good job real ryan.. i just want to ask about nman po sa aircon kung ok lg ba na hindi ini off ang aircon mgstart ang stop the engine? New owner po ng nissan navara. Thanks
Parang aircon niyo lang sa bahay yun kahit Uma andar patayin mo Lang main switch ng buong bahay bago kayo umalis pag balik mo on mo naman main switch ma notice mo Naka andar na agad aircon mo kahit wala mo na switch on.
naka subscribe tuloy ako sayo idol...
Buti naman 😁
hi po. curious lang po ako. push button related din po. what if accidentally napindot ang button while driving? any personal experience po? thanks
👍👍
Isama mo daw “sila” sir sa mga invites mo na Car Manufacturer. Baka kasi gusto din nila ma invite at ng ma educate🙊
No pets allowed 😅
@@officialrealryan 😆
Pero boss pag ang sasakyan na di susi. Tapos lagyan ng push start? Dapat ba direct din o push push break push pa?
marami kalokohan talaga si master garage kaya ginisa ni speedlab yan sa vlog nya which tama lang.. more power, ayos ginagawa mo. kawawa maraming tao naloloko sa mga mekaniko na sinisira sasakyan kaysa ayusin.
Lol bago pa lumabas kay speedlab, nauna na ako 😆 hanapin mo nalng mga ibang sunday specials
SUNDAY SPECIAL: 5 SIGNS NA RED FLAG ANG MEKANIKO MO
ua-cam.com/video/mbqMeRRKNRU/v-deo.html
Sir REAL RYAN, ano pong opinion mo dun sa trending post sa pinoy auto mechanic forum na normal lang daw ang may langis sa air cleaner sabi ni master garage???
Iba iba design ng bawat brand. Syempre, Depende sa design ng makina.. Be smart, be open minded. Always "diagnose" before u speak. Kung may design na ang breather ay nasa air box, e d dun talaga bagsak. If nasa gitna yun breather between airfilter and intake manifold, dapat wala.
Ano ba sabi nya? Oks lang yan. Kahit naman mali siya, pinaglalaban nya. lalo tuloy siya nadidiin. Siya rin naman napapahiya. Kaya d na nga umimik sa video na to 😂
astig
San ang branches ng tuflong battery?
Gusto ko itry next purchase..
Kung totoo man ang sinasabi nila na pera pera nalang ang mga manufacturer ngayon edi sana walang mga mekaniko na tulad nila kasi di na nasisira ang sasakyan eh so pera pera din ang mga mekaniko
Pinoy UA-cam Boxing Real Ryan vs Master Garage
Boss Ryan Pedi bang mag topup Ng others color of coolant
2024 na mga pre. wag na natin gawing de-susi ang push start button ng sasakyan hahahaha
Haha 😂 may bagong masisira nanaman daw hahahaga