Sobrang dali lang mag-install ng dashcam na naka-hard wire | DDPAI Z40 Z50
Вставка
- Опубліковано 23 лис 2024
- Sa video na to pinapakita ko dito kung paano mag install ng Dashcam na may Parking Mode at nilagyan ng Hardwire Kit para diretsong naka install sa compartment fuse box. Itong model na gamit ko ay DDPAI Z50 at ang sasakyan na gamit ko ay Mitsubishi MIrage G4
Sana makatulong ang video na to sa inyo.
Dito ko binili:
Dashcam DDPAI Z50 - s.lazada.com.p...
Piggy Back Fuse Tap Micro - s.lazada.com.p...
Music: Retro - Wayne Jones
#dashcam #ddpai #70mai - Навчання та стиль
Dahil sayo sir na DIY ko pag lagay ng z40 ko, Easy instructions kahit babae or lalaki kya gawin , salamat sir kudos 🦾🦾
Nice!! Happy to help ma'am!
Tanong ko lang po if may entering parking mode sa z40?
@@zachole14 alam ko meron din po
Same lang ba sa innova na kapag ACC ay pwede sa fuse ng lighter at yung VCC ay sa dome light?
ayos to! mag DIY dn ako sa mirage ko
salamat sa panood bro!
I have a Rexing V33 dash cam installed in my F-Pace. For 3 years now, the durablity of this dash cam has been outstanding. My recommendation for dash cam buyres, by all means buy a reputable brand
@janes rosel, sir musta after 6 mos, ok nman dashcam, yun kumuha power sa Acc at dome lyt, no problem, di ka naka experience low bat ng car battery mo?
Goods pa rin po. Kakapalit ko lang ng battery kasi nung 2019 pa battery ko.
@@ljamesrosel bro kaka rcvi ko lang from shopee DDPAI order ko, mini pro binili ko, why yun hard wire is, ACC at GRND wire lang, so hindi ko ito magagamit sa parking mode?
Sir. ano benefits pag nka hardwire vs kung sa 12v slot lang isasaksak?
Hindi po ba nkakadrain ng battery kung nka hardwire gamit yung 24hr parking mode?
salamat po
Yung Hardwire kit po kasi may feature sya na auto cut off para maiwasan ma-drain yung battery nyo po. Ang benefits po nito kunwari nag park kayo saglit sa isang busy na kalsada, kahit naka off yung car nyo, mag rerecord po sya harap at likod ng sasakyan nyo.
Hindi nyo po yan magagawa sa 12v slot.
kapag ayaw ng parking mode, pwede naman bunutin lang yun supply sa mismong dashcam sir noh? sample nasa garahe lang ng bahay
yes po sir
@@ljamesrosel naexperience mo na madiskarga batt dahil sa parking mode?
@@acc1tester398 hindi pa sir. sundin nyo lang po yung settings..ginawan ko rin po ng video yun. ua-cam.com/video/khZMd-u-J3k/v-deo.html
ano po mas okay na hardwire kit for z50? yung obd hardwire kit po or fuse hardwire kit? ipapainstall ko naman po sa shop so okay lang kahit ano sa dalawa kaso may nabasa po ako na pag nagshort need palitan yung ECU
Yung sa z50 hardwire kit po yung gamit ko. Until now wala pa rin prob auto ko kahit 2019 pa battery ng car
Hello sir, nagpa install po ako ng DDPAI Z40 with Hardwire kit, kaso hindi po binalik ang original na chip na nakuha sa fuse? Okay lanh po ba yun? Fortuner 2022 model sir. Salamat po.
Tapos yung kinabit po nila wala din fuse? Kapag walang fuse, kapag dumating yung time na magkaroon ng short, masisira po dashcam nyo. Fuse kc ang magproprotect nyan
@@ljamesroselMeron naman pong fuse, pero hindi po fuse tap at hindi naibalik yung tinanggal sa fuse box. Still safe po?
hello sir ma vo-void po ba warranty ng unit pag kinonnect mo sya sa fuse box ng unit?
hindi po
Sir ilang meters po ung cable ng rear cam? Kc po balak ko pong lagyan ng ddpai cam ung l300 po nmin..salamat po godbless..
Naku hindi ko na nasukat pero sobrang haba pa po ng sobra sa sedan. Mukhang aabot po sa l300 yun
magi-install ako mamaya ng Z40, okay ba sa DomeLight ang VCC? di naman ma drain battery?
yes po..ilang buwan ko na po gamit..naka enable naman po protection battery sa app para hindi ma drain battery nyo po
@@ljamesrosel anu pong setting nyo sa Enable Batt Protection?
@@alexronniecruz1070 Yung High (12.4v) pinili ko boss... Malapit na kasi bumigay battery ko. Pero kung bago pa battery mo pwede mo piliin yung Middle or Low
Naka 24hr surveilance po ba kayo? Ano po yun nakatimelapse? At di po ba matakaw sa battery pag ganun?
Hello po. Pano po gawin time lapse video yung 24hr parking mode?
Nakita nyo na po sir? Sa settings lang po ng dashcam. Sa app nyo po mababago
Sir ung sa acc ba un ung dome light na pinagkabitan mo, puede din ba kabitan ung spare na mga fuse instead i top sya sa dome light
pwede sa spare na fuse basta po swak sa Amps ng dashcam
@@ljamesrosel ok po salamat
Boss sana mreplyan mko... Kkbili ko lang ng Ddpai z40 walang ksma na Hardwire kit yung saken .. nag hanap ako sa store nila wala ako mkita .. ang tanong ko pwede ba lagyan ang z40 ng Hardwire kit??? At kung pwede bka mkka hingi ng link.. salamat..
ito po sir link ng pang z40 hardwire kit nyo po shopee.ph/DDPAI-Hardwire-Kit-Fuse-Global-Version-N3-Z40-Mini-Hardwire-Kit-for-24-Hours-Parking-Monitor-i.605392960.12062052234
Good day. Hindi po ba magiging shorten ang lifespan ng car battery if naka-hard wire? Also, meron po ba option to disconnect yung hard wire in case meron times na hindi ko kailangan ng 24-hour parking monitor? e.g. kapag naka-park sa bahay.
Hindi po sya ma-shorten kasi may yung parking mode po ay may settings sya na automatic mag cut off kapag bumaba sa voltage na sinet nyo po. Kung ipapark nyo lang po sa bahay, i-unplug nyo lang po yung power cable sa mismong ddpai camera. Kapag gagamitin nyo na, connect nyo lang po ulit yung cable. Madali lang po sya matanggal kabit dun sa mismong camera.
@@ljamesroselSalamat po sa reply. Malaking tulong po ang video ninyo sa desisyon ko kung magpapa-install po ba ako ng hardwire kit. God bless po.
@@LuvCora-c8x Welcome po. Happy to help
boss napansin ko lang pag naka park sa babad ang araw dipo ba siya delikado? sobramg init kasi nung after 3 hrs
Hindi po. Naka capacitor type po kasi sya. Yung ibang dashcam hindi kaya madaling masira.
Hello po sir, ask ko lang po yung z50 ko kasi hindi kinabit sa accessories so dirediretso siya nag rerecord maski nakapatay na sasakyan ok lang po ba iyon? Thanks
baka po ma darin battery nyo sir. dapat po dalawa e. isa sa accessory, isa sa lamp (always on)
Pwede ba yan sa Mitsubishi adventure 2017 gls sport?
Yes po
Boss, san loc mo? baka pwede pa-install? kakatakot kc mag kalikot ng fuse sa mirage glx ko hahaha
Batasan Hills q.c. boss
Mas maganda sana to magamitan muna ng Tester. Wala naman prob sa sasakyan ko nung baliktad ko nasaksak yung fuse.
ano po ung pputi na USB an nkasaksak sa accessory port or cigarette port?
Accessories or cigarette lighter same lang po
@@ljamesrosel ano ung puting USB nka konek don?
Mavovoid po kaya ung warranty sa pag galaw sa fuse box po?
Hindi po
Sir micro type din ba sa xpander gls?
hindi ko po sure ma'am. mirage g4 lang po na testing ko
Sir CRV car ko, same lng ba ng mga fuse ito? Salamat.
Hindi po e. need nyo po mismo tingnan yung fuse na gamit nyo. compare nyo po kung pareho.
Kung hindi ko kaya diy ng wiring puede na ba sa lighter plug mapapagana ko na cam?
Yes mapapagana nyo po. Pero hindi nyo po mapapagana yung Parking Mode.
@@ljamesrosel ah ok yun Pala pinagkaiba
Boss lahat b ng ddpai may 24 hrs recording?
z40 at z50 ang sure akong meron po...check nyo po kung merong nakalagay na PARKING MODE sa features na mapipili nyong DDPAI.
Sir nadiskarga po kotse ko after 1 week of using ddpai hardwire kit, ano po dapat kong gawin para di na madiskarga ulit?
Dapat po naka High (12.V - Vehicle Battery Protection) yung sa DDPAI app settings nyo po. Para madali sya mag disconnect kapag ang remaining ng batttery ay 12v. Dapat din po yung hardwire kit nyo ay yung bundle nya mismo sa Z40 or Z50.
Yun sir e, sa case ko Wala mabili sa ddpai Phil's flag ship store lazada shopee
, from abroad meron, kaso safe ba ito?
I really want mapagana parking mode Ng ddpai
Di po ba na didischarge ang battery kung 24hrs running ang dashcam?
mag auto cutoff po ang power ng dashcam kapag na-reach nya yung battery protection threshold. Dahil po yun sa hardwire kit ng DDPAI.
hello, hindi ba madidicharge ang battery nyan kapag 24 hr surveillance parking?
Mayroon po syang battery protection galing sa hardwire kit..mag trigger sya ng cutoff at a certain voltage para hindi ma-drain ang battery nyo po.
Salamat po ng marami! gusto ko bumili nito.. sana may maayos na installer malapit sa amin@@ljamesrosel
Sir hindi po ba ma-drain yung battery ng sasakyan, lalo na po sa mga hybrids na sasakyan ngyn? Salamat po.
Hindi po. Yun po ang purpose ng Hardwire kit para ma protektahan ang battery ng sasakyan natin.
@@ljamesrosel sir compatible po ba yung hardwire kit ng ddpai sa toyota yaris cross hybrid? Salamat po..
@@dbarbo4063 basta po same na may fuse box sir. dun po kasi icoconnect yung hardwire kit.
Pwede po ba yan coolray geely?
Di nyo po ba naencounter sa frontcam recording ng Z50, lagging yung video
Wala po ako naeencounter na lag yung video sir.
Baka sd card mo mo yan sir
Sir sugartowne kalang po ba? Pwede po kami paturo pa connect sa mga fuse fuse para makapag 24hrs record po. Z40 po yung dash cam namin salamat po
Pm ka lang po sa fb page: James Rosel
micro mini fuse ba yung sa g4? tapos bibilhan lang ng micro fuse adaptor?
yes micro boss. piggy back nalang bibilhin..may isang fuse na kasama din sa piggyback
@@ljamesrosel salamat boss... my specific na voltage bah yung fuse natin na itatap at fuse ng dashcam?
@@darrenfamiliar9683 yung included na fuse ng piggyback enough na po..10A po yata yun..yung sa fusebox naman ng mirage g4 ay 15A. or baka baliktad ako
@@ljamesrosel salamat boss
May night vision ba 24 hours recording nyan?
Wala po night vission sir
San po nabibili ung pang tap nyo sa fuse yung pede dalawang fuse
Sa lazada at shopee po
ask ko lang po. ganyan din po ba ang size ng mirage glx?
Yes same lang po
Nasan po link ng part 2 para sa optimal settings ng dashcam?
Ito na po yung optimal settings ng ddpai natin
ua-cam.com/video/khZMd-u-J3k/v-deo.html
Kaibigan okay lang ba na ang new fuse ay 5amps lang?
10amps po para safe
Sir ano po tint ng front at rear nyo?
medium dark sa front, super dark sa rear po.
Yan b ung resistor type n dashcam?
Ang alam ko capacitor po. Di sya battery na madaling masira kapag nababad sa tanghaling tapat
Ah naka microfuse ba lahat ng maliit na sasakyan?
Sa Mirage G4 lang po yung Microfuse. Double check nyo po sa car ninyo kung anong gamit na fuse.
Pwede po sa wigo to
yes pwedeng pwede po
Hindi ba ma diskarga ang battery
Hindi sir..panoorin mo po yung video na ginawa ko para sa best settings ng ddpai:
ua-cam.com/video/khZMd-u-J3k/v-deo.htmlsi=4pLshIVgLHGmMG7b
Kamusta ang battery sir, okay parin kaya?
Yes po. Okay na okay pa rin battery ko. Partida pa po na since December 2019 (Amaron) ko pa po nabili yung battery ko. And installed this dashcam February 2024. Today June 10, 2024 hindi pa rin ako nagpapalit ng battery. Pero baka this year magpapalit na ako dahil sobrang tagal na tong battery ko.
@@ljamesrosel nice! I guess di masyadong malakas sa power ang dashcam?
@@JeremieBenitez-m9o hindi po. may battery protection sya na kapag masyadong matagal na syang nag rerecord habang naka patay ang sasakyan, at ma detect nya na bumababa na karga ng battery mo, matic i-off nya na po agad yung pag record ng dashcam para hindi ma-drain battery ng sasakyan
Kumusta ang battery nyo after using 24 hours parking monitoring?
Yung battery ko po guamgana pa rin. since December 2019 pa po kasi ito kaya hindi ito nakaka tagal ng 24hrs. May auto cut off feature yung hardwire kit, kaya umaabot lang siguro to ng 3-4hrs na naka record kahit patay makina. Tapos kusa na mapuputol yung recording.
Aabot po siguro sa 24hrs recording kung bago pa battery
boss saan nkakabili ng hardware kit
sa shopee ko lang nabili sakin boss
pki send iyong picture ng pinagbilhan mo boss or link
Boss @@ljamesrosel specs naman ng fuse holder po
@@markfesalboni2036 Kung same po tayo ng car sir na Mirage, Fuse Tap Holder "Micro" po piliin nyo
@@ljamesrosel opo boss..same lang..ilang AMP po? 15A pwede?
Di Po nkaka discharge battery yan. ?
kaya po hindi na didischarge battery dahil sa hardwire kit. auto cut off po sya kapag nag low voltage. pero makakapag start pa rin ng makina
Ilan amperes po ung micro fuse holder
yung holder kaya nya hanggang 30amp...yung included fuse na kasama ay 10amps yung dumating po