Sana po mag release kayo ng book containing all your beautiful arrangements/renditions of OPM Harana/Kundiman. Sa generasyon namin (gen Z), tuluyan na po nalilimutan ang mga kantang ito na talaga naman ay masasabing YAMAN ng ating bansa. I enjoy listening to you very much sir and bumalik yung interest ko sa classical music. I'm gonna start practicing classical guitar again. More power to you po!
Salamat Florante sa masipag at matiyaga mong pananaliksik sa bahaging ito ng ating kultura. Nawa' maisakatuparan mo ang librong ginagawa mo upang maibahagi ang kagandahan ng kundiman sa mga susunod na generasyon ng Pilipino. Mabuhay ka!
Count me in po sa pagrelease ng inying libro... I am senior na kaya nagkaroon na kaunting exposure sa traisyunal na musikang Filipino. Originally taga Las Piñas, ngayon ako'y naninirahan na sa isang munting farm sa Dagatan Amadeo Cavite. Tuloy na nahuhumaling ako sa mga sinaunang mga musika at awit at music forms! Eh talaga naman nakakaakit at malalim ang tagos sa aking puso!!❤😊
I learned all these classical songs since I was 10 years old because my grandparents taught me, until now I'm still exposed to these songs because of its harmony.
Maraming salamat sa magandang paliwanag tungkol sa harana at kundiman. Ang akala ko lahat ng mga lumang awitin ay kundiman ang tawag. Kinalakihan ko ang magagandang awitin at tugtugin dahil sa aking mga magulang bukod sa akoy tubung Batangas. Akoy hanga sa iyong pagtugtug ng gitara at isang masugid na sumusubaybay sa mga nilalathala mo. Sa edad na 72 akoy nagagalak at merong kagaya mo na may malasakit sa ating lumang mga tugtugin at awitin. Mabuhay ka!
As a guitarist since grade 1 and now an incoming 3rd year BSED-Filipino, I realized I do really love the subject especially when it comes to filipino tradition such as its music. I can apply and share my talent towards my future students really well. ❤🇵🇭
Natatangi ang iyong talento ginoong florante...lubos akong humahanga sa iyong layunin na ibahagi ang harana at ang limot nang katutubong awiting kundiman...mabuhay ka at naway gabayan ka ng Maykapal...
I wish this classical music culture of the Filipino music lovers must have its place in every heart and mind of the present generation. I wish it shall remain in the high way of the Philippine music horizon. Thank you so much!...
Maraming maraming salamat po, isa akong mahilig sa musika, sa katunayan, isa akong Guro sa MAPEH, ngayon ko lang lubos na naunawaan ang pagkakaiba ng harana sa kundiman. maraming salamat po!
Salamat muli syo Guro, malaki an natutuhan q s dokumentaryo m n ito...isa dn aqng gitarista n 54 taong gulang n ngunit ngaun q ln nlaman an pgkakaiba ng Harana t Kundiman...maraming salamat muli syo...looking forward to more of this from you...tnx a lot
Maraming salamat kabayan sa iyong ibinahaging kaalaman. Tama ka hindi na tayo nakaririnig ng malalalim na salitang tagalog dahil na rin sa makabagong pamumuhay at pagbabahagi ng mga banyagang kagawian. Gayun pa man ikinagagalak ko na narinig kong muli kahit na pahapyaw lamang ang mga awitin na iyong ipinarinig at ang iyong mga pananalita. Mabuhay ka!
Grabe sir, wala akong masabi at bilib na bilib ako sa dedikasyon at pagmamahal nyo sa sining na 'to. Ibang-iba yung pagpapahalaga at kaalaman nyo sa sining na 'to. Sana po ay lalo pa lumawak ang inyo impluwensya at mabigyan ng pagpapahalaga ang nalalaman at talento nyo para sa kulturang Pilipino.
Mahirap nga naman magsalita ng tunay/puro na Tagalog kasi marami tayong hiram na mga salita. I really am enjoying this content Ginoong Aguilar. I grew up in the 60's and my parents listen to kundiman (Lagman/Miranda/Tagalog, etc...) when I was growing up. And, I've experienced being hinaharana noong aking kabataan. Thank you for this informative content.
...napakagaling maestro Florante ang pagtalakay mo sa kaibahan ng harana at kundiman. di na ako mangingiming sabihin sa mga kaibigan ko na ang isang awitin ay harana at hindi kundiman. maraming salamat!...
Salamat po sa inyong mga mungkahi ng katumbas sa salitang Pilipino. Ako po’y nagagalak at naaaliw, at maraming natutunan. Binabasa ko po ang karamihan ng inyong mga tugon kaya ako’y nagpapasalamat. Narito po yung ilan na makatawag pansin: computer - panuos (batay sa pagtuos o tuusin. Eng. - to compute). Comment Section - talahayagan Comments - mga masasabi Pure - taal, lantay o dalisay Verse - taludtod o talata Composer - manlikikha ng awit Pwesto - lunan o pook Formula - balangkas
Computer - Tambilangan or Ordenador Verse - Parilala Lagi - Madalas Chorus - Koro Bintana - Dungawan Depinisyon - Kahulugan Sikat - Kilala or Namamayagpag Estilo - Pamamaraan Katulad - Hawig or Kawangis Love Songs - Awit ng pag-ibig Trato - Isinunod or Nilapatan Kompositor - Tagapaglikha ng musika Ipaskil - Ilathala Parallel - Kahilera Key - Tono (music) or Teklado (Piano) or Tipa (Guitar) Major - Pangunahin Parallel Major Key - Kahilera sa Pangunahing Tipa Yun lang po.
Ang aking sister-in-law na may masters sa Education ang nagpaliwanag na ang formal na national language ng Filipinas ay "Pilipino". Ang mga tao ay "Filipino". Ang Tagalog ay isa sa mga dialects. Ang Pilipino ay puro. Walang foreign words, as you explained. Wala ring Intsik words. I applaud you. Kaya ako very moved by Church hymns. Karamihan ng mga Salita ay purong Pilipino. Hindi ko rin alam sabihin sa Pilipino : Those Church hymns are very moving. Emosional, nakaka-iyak. Maramdamin. Keep promoting this, please! We can not lose this beautiful language that touches the heart! You have a wonderful platform to promote it. You have a large following. I am one!
lumaki akong nririnig ang mga awit na pagsamba. hanggang ngayon ay ginagamit nmin sa amin kso hanggang ngayon hindi lahat ng nklahad ay aking nauunawaan dahil sa lalim nito 😅
Ang tinuro samin nung senior high is ginawang letrang F ang P sa wikang "Pilipino" para mairepresenta ang ibang pangrehiyonal na lenggawahe (madalas na ginagamit ang tunog na /f/ sa wika ng mga B'laan)
I'm learning a lot! sana po sir, you'll do more of this type of vids. very informative, especially for me who grew up in the 90s but love so much the old Filipino songs, lalo na po ang mga Kundiman at Harana. Salamat po for doing this.
napakasarap pakinggan ang awiting pilipino sa saliw ng isang guitara na may nylon strings. lalo na kung napakahusay ng gitarista na katulad mo florante. akoy 77 years old na kaya nagbabalik alala sa akin ang mga tugtugin na ito. salamat sa yo iho
Napakalinaw at nagkaroon ako ng kaunting kaliwanagan sa mga kaunting konsepto. :) Matagal na akong naghahanap ng mga ganitong uri ng lesson sa Music na may kinalaman sa Filipino Music. ❤
Sobrang saludo ako sayo ginoong Florante sa mga napanood kona sa sayong Pagsisikap na ibahagi ang mga Musika nating mga Makasaysayang Piilipino, wala akong masabi patunay na isa kang Tunay na Makabayan na Tunay na Alagad ng Sining at pagiging isang Dalubhasa sa Gutara, marami akong natuttunan sayo salamat muli at pagpalain ka ng Panginoon, mabuhay ka at ingat.
Maraming Salamat Ginoong Aguilar. Napakagandang talakayin at sana mabuhay multi and MGA katutubong awiting tulad ng harana at kundiman. Magulang ko ay mahilig sa ganitong musika kaya natuto Rin kaming Ang ganitong Uri ng musika. Hanggang ngayon may mga ganitong piyesa pa kaming tinatago.
Mabuhay ka Florante! Para sa akin, ikaw ay napaka galing mag tagalog. Sana ay matutunan ko rin ang iba pang salita sa tagalog. Kadalasan ako ay naghahagilap ng tamang tagalog word. And I end up asking my aunt's caregiver what is such & such in Tagalog. Luckily, he knows a lot of deep tagalog words even though his native tongue is Chavacano. My late grandfather was a native of Cavite, & I never heard him speak pure tagalog. He mixes Chavacano & Bicolano. By the way, I love string music---especially classical guitar & violin. My late father plays the violin expressively. I miss my father's playing. I play Kundiman songs, on the piano & other Philippine folk songs including patriotic songs. My father introduced me as a child to Spanish & Italian love songs. Now that I am lot older, I still play them. I would love to hear you play the Roman Guitar, & Two Guitars. I let my aunt listen to your rendition of O Ilaw while Mang Tino was singing. She loved it & it brought back fond memories to her. She is now 94 yrs old. She has a few music sheets of old Filipino folk songs, I just found. Keep on cultivating the old fashioned beautiful melodies that will remain the memories of today & tomorrow.
@@FloranteAguilarGuitar You are a brilliant classical guitarist. You play so beautifully. I pray you would be a role model to the children of today, & those adult young ones, who should be taught the Harana songs, the Kundiman, the Balitaw. And other Filipino folk songs. If there is any child age 5-15; and teenagers 13-19 and even older, that are watching Florante play, please be encouraged to learn classical guitar. It is only thru classical guitar playing that we can cherish & truly express the character, nature, meaning of every Harana melody. Folks please teach your children these songs by voice or by learning to play an instrument. Let them use their vocal cords to sing those love songs. Florante, I admire what you have done --when you searched for the oldish local folks who genuinely knew the songs. It must have been a fond memory for them---to get together & be able to sing their favorite songs. I thank you enormously for gathering those old folks. These melodies need to be revived so they will never be forgotten. I hear my aunt singing a filipino folk song entitled My Song of Love. This is her favorite. Not sure if it has a tagalog version.. I just heard it being sung in English. You can google it. Not sure if it was Ruben Tagalog who sang it. Have you heard the Lettermen sing Filipino folk songs when they performed at the Araneta Coliseum? They really did good. You might want to listen to their Filipino rendition. God bless you.
@@eleanormojica7349I am senior myself but not yet in my 70's and beyond! Perhaps similar to you, I am in love with our traditional love songs, harana's and kundiman's. I thought my feelings were rather rare... Only to realize that a lot other people either older and even younger than me (my current age is 68 yo) have some degree of deep longing for our harana's and kundiman's! Kaya really a big salute to you Florante Aguilar for your efforts in research, documentation, preservation and the propagation of our Harana's and Kundiman's! I now run a local restaurwnt that thru the past 5 yewrs has began to be known locally. Name ng resto ay Ricardo's Coffee + Classic Cuisine. In recent years I have allowed the facilities to be used for propagation of Phil arts and culture. May it now also serve the intentions of the propagation of love for our local music, Kundimans and Harana's!!!❤😊
Hindi ka lang pala bihasa sa pagtugtug ng gitara bilang Maestro Florante. Sana makamit mo ang iyong layunin na mapalago and katutubong kultura natin. Napakasarap pakinggan ang sariling atin.
Napakahalagang topic itong ginawa mo sir.florante. Maraming naliwanagan at isa na ako roon. Ako'y umaawit ng kundiman magmula noong ako'y nasa mataas na paaralan pa lamang at noong mga panahong yaon ay sumasama na sa mga pinsan kong mas nakakatanda sa akin sa panghaharana. Noong makita ko ang iyong pagpupursigi sa pagsusulong ng mga katutubong awiting kundiman sa pamamagitan ng Harana Documentary mo, ako'y nangarap na sana magkaroon ng mga "music centers for kundiman" sa ibat ibang panig ng bansa natin na kung saan ay maipagpapatuloy at mapalago pang lalo ang kulturang ito. Ito'y isa ring paraan para ma-arouse ang interes ng mga kabataan ngayon sa pag awit ng mga awiting kundiman. Kung meron sana akong resources ay ako na mismo ang magtatayo ng mga nasabing kundiman music centers, pero ito'y isa lamang pangarap sa dahilang tayo'y isang maralita lamang. Maraming salamat muli sir Florante sa ibinahagi mong kaalamang ito.
Magandang araw, Florante! Tubong Bulacan ako kaya't bihasa sa Tagalog na walang halong hiram na salita :) Nais kong imungkahi ang mga sumusunod na pagsasalin sa mga sumusunod puro (galing sa Kastila) - taal o dalisay. Bagama't ang dalisay ay may kaunting pagkakahawig sa "kalinisan/malinis", kaya't mas mainam ang "taal". (Para sa akin lang iyon, baka may mas mabuting mungkahi ang ibang mga tagasubaybay mo rito.) comments/komento - maraming salitang maaring gamitin ayon sa tiyak na kahulugang nais ng gagamit nito. "puna" ang pinakatuwid na pagsasalin, bagama't para sa iba ay mayroon itong di-mabuting kahulugan (gaya ng "pintas"). Maari ring gamitin ang "kuro-kuro". O kung nais naman ng iba na magbigay ng magagandang puna, maari rin namang gamitin ang "papuri" ;) puwesto/nakapwesto (galing sa wikang Kastilang "puesto" = position) - kung ito ay isang pangngalan (noun), ang tamang pagsasalin ay "lunan" o "pook". Ngunit kung ang tinutukoy ay ang tao sa halip na ang lunan o pook, mas mainam na banggitin kung ano ang ginagawa ng taong binabanggit (hal. "nakasandal sa bintana at nakadungaw") Western classical music - klasikong musikang kanluranin o kaya kanluraning musikang klasikal (Bagama't kailangan pa ring isalin ang "klasiko" o "klasikal" depinisyon (galing sa ingles na "definition") - bukod sa "pagtuturing" maari ring gamitin ang "kahulugan" (ka o "pagpapakahuligan" estilo ("estilo" sa kastila, "style" sa ingles) - paraan/pamamaraan pormula ("formula") - balangkas (kahawig ng "framework") o saligan berso ("verse") - taludtod kompositor ("composer") - manlilikha (ng awitin) Paumanhin at napakahirap isalin ang "[parallel] major/minor key", "art form", at "operatic". Mayroong inimumungkahing katawagan ayon sa kurikulum ng DepEd (Kagawaran ng Edukasyon) ngunit sa tunay na buhay ay malimit na maliit itong gamitin ng mga propesyonal/naghahanapbuhay na musikero. Hahayaan ko na lang muna sila nang ganyan...gaya nga ng nawika mo, may mga bagay na walang taal na salita sa Tagalog, kaya't lubhang napakahirap talagang maghanap ng salita para sa mga bagay na makabago. Nawa'y makatulong itong mga mungkahi ko :)
Maraming salamat po! Napakainam ng inyong pananagalog. At salamat din sa inyong mga mungkahi. Sangayon ako sa lahat. Ngayon ko lang po narinig ang balangkas at taal. Ako’y natutuwa. Mayroon pong isang nagmungkahi na ang Comment section daw ay talahayagan. Bagaman ito ri’y nangangahulugang “newspaper”, mukhang maaari ding gamitin na coment. Ano po sa palagay ninyo? Salamat po sa panonood!
@@FloranteAguilarGuitar ang karaniwang ginagamit para sa "newspaper" ("periodico" o "diario" sa Kastila) ay "pahayagan" :) Ngayon ko lang narinig ang "talahayagan" ngunit baka ganito ang mungkahi ng iba dahil ang ipinahihiwatig (implication) ng "talahayagan" ay ang bahagi ng pook na ito kung saan makikita ang kuro-kuro ng mga manonood (ika nga, "comments section" / "place where the comments are" / "lugar ng mga comments"). Ngunit nabangit. na rin lang...maari rin sigurong gamitin ang "pahayag" o kaya "talastas" bukod pa sa "puna", "kuro-kuro" atbp. Maraming pagpipilian, mas mainam. (O ika nga ng mga nagi-ingles, "the more the merrier" ;)
I loved your explanation, especially the "Kung," "Hindi," and "Man." I lived in the Philippines from 1948 to 1956 to go to high school and college. We actually still did Harana beneath the window at the houses of girls we liked. I also sang Kundiman in the Glee Club at Ateneo de Manila College. One kundiman was my favorite; "Ay, Ay Nenita Ko." I have tried to find the words to it on Internet, but could not. Can you tell me where I can get the lyrics? Maraming Salamat, Po and keep up the good work.
Isang napakaganda, kahangahanga at makapukaw-damdaming pilipino ang tungkol sa harana at kundiman. Ito'y maituturing na nating isa parte na ng ating kultura na tila nawawala na. Nawa'y malinang mo pa ng mainam ang ating musikang tatak at natatangi sa ating mga pilipino. Ako'y nagpupugay sa iyong nasimulang ito Ginoong Florante...
Mahirap magsalita nang dalisay (hindi ko alam kung ito ang wastong katumbas ng puro, palagay ko ay hindi 😄) na Tagalog. Ngunit marami akong natutunan sa mga tinalakay mo. Salamat sa pagsisikap mong maibahagi ang musika at kulturang Pilipino. Mabuhay!
Kahit bente anyos lamang ako, hilig kong manganta ng harana at kundiman. Masarap kung pakinggan at magandang paalala ng ating kultura at kasaysayan. Kung minsan ay nagsusulat din ako ng mga kantang Harana ngunit wala akong alam sa paggamit ng mga instrumentong musikal. Nawa'y maka-awit ako kasama ka Maestro! Iyan ang aking pangarap.
Correction lang po. Ang larawan po na nasa 10:04 ay si Julian Felipe. Yun lang naman po hehe. Maraming salamat pa rin po sa pagbibigay ng impormatibong video tungkol sa musika nating mga pilipino. ♥️🇵🇭
Salamat po sa lahat ng ginagawa niyo para sa ating kultura. Nawa ay dumami pa po ang mga kagaya niyong mang-aawit. Gusto ko din sana kaso hindi mabait sa akin ang gitara 😅
Ang galing mo MR. FLORANTE AGUILAR MAGALING KA TALAGA .HINAHANGAAN KO MGA SALITA MO MGA PALIWANAG TUNGKOL SA MUSIKA .ISA KA BINUHAY MO ANG AKING KSIDIPAN TUNGKOL SA MUSIKA .MUDIC LOVER KAMI NANG FAMILIA KO MARUNONG DIN AKO KUMANTA AT Sa guitara LALO NA AUTOHARP .
Bibihira na lang yung mga tao na gusto talaga magsalita ng purong Tagalog hehe. Napagamit din ako ng "puro." Nais ko lang po klaruhin na ang panghalip na "siya" ay ginagamit kapag tumutukoy sa tao. Mainam na gamitin ang mga salitang ito, iyan, o iyon kung tumutukoy sa isang bagay (maaraing kanta). Bukod doon, napakahusay po ng inyong pagsasaliksik para sa video na ito. Marami akong natutunan. Salamat po!
Love songs Parallel major key Ilan lamang sa nasambit mong salitang hindi tagalog. Ganon pa man akoy nasisiyahan sa iyong ginawang paksa at akoy may natutonan. 👏👏👏
Since wala akong alam sa musika kaya eto wala akong naunawaan sa mga pinaliwanag mo. Pero nagenjoy ako dahil narinig ko na magkaiba pala ang harana at kundiman at mga pangalang narinig ko na nuon pang kabataan ko. Ruben Tagalog, Larry Miranda Conching Rosal, Sylvia La Torre, etc. Salamat.
Isang magandang presentasyon. Maliwanag at sadyang puno ng kaalaman. Ako'y humahanga sa iyong pasyon at pagmamahal na inaalay mo sa ating sariling wika at sa bayan. Aking nais iparating na karamihan sa mauunlad na bansa ay hindi gumagamit ng banyagang wika. Alam ko po na ang salitang Ingles ay sinasabi na ating pangalawang wika, ngunit subalit bakit hindi po natin gamitin lamang ang salitang tagalog at letra sa pagsulat sa ating mga ahensiya o departamento ng pamunuan ng gobyerno na mayroong kinalaman sa pagpapaunlad sa ating bansa at pagbibigay ng publikong serbisyo, sa ganitong pamamalakad mas madaling maunawaan at maliwanagan ng ating mga kababayan ang bawat aspeto ng layunin ng ating mga namumuno at opisyal. in short (Tagalog only). 🙂
Salamat po Sir Florante Aguilar sa pagbubuhay nyo ng sinaunang awiting tagalog upang pukawin ang nahihimbing nating kulturang pagpapayag ng damdamin sa isang sinisinta. Harana man o kundiman walang problema sa akin. God bless you po
Kahangahanga ka Florante 👍🏾👍🏾👍🏾❤️, naway ipagkaloob sa iyo ng Panginoon Ang LAHAT ng pagkakataon sa ikakatupad ng iyong mga hangarin sa pag sasariwa ng ating kultura at sining pang awtin at tugtogin... ❤️
ganyan din po ako sa aking pang araw araw na pananalita. sinisikap ko pong magsalita muna ng tagalog bago ang ibang wika. gagamitin ko lng ang ingles o kastila kung wala akong maisip na katumbas ito sa tagalog. isang paraan po ito upang mpanatiling buhay ang ating wika n kung saan ay napapansin ko na hindi na napahahalagahan ng bagong salinlahi. isa rin po akong cavitenyo. mabuhay po kayo...
Maraming salamat sa iyo Florante sa muling pagbuhay ng ating kulturang Pilipino at sa iyong kaalaman lalo sa iyong paggigitara na lagi mong ibinabahagi !
Napakaganda talaga ng mga tugtugan dati, sa panahon ngayon bibihira nalang nakakaalam at tumatangkilik ng mga makalumang tugtugan at bibihira nalang po yung mga kagaya nyo sir, sa pangalan nyo palang po nailalarawan na yung pagiging magaling na musikero at maalamat. Isa po kayo kung bakit gusto kong tumugtog na classical na gitara at tumugtog ng mga harana at kundiman at maraming salamat po dahil my nalaman pa po ako patungkol sa mga gantong usapin, napakaganda bumalik sa dating panahon, takilikin talaga dpt yung sariling atin kasi napakaganda talagang pakinggan ng mga tugtugan noong panahon nakakapagbuhay ng mga magagandang alaala at pagiging isang tunay na Pilipino.
Salamat Sir sa natutunan ko at nalaman Ang salitang kundiman na pinaiksi Mula sa kung Hindi man. Once again thanks in a million sir for sharing your knowledge.
Salamat po Mang Florante Mahal ko po ang Harana at Kundiman dahil bumabalik alaala sa akin ang aking ama Magaling syang piyanista at gitarista Ito pong mga awitin na ito ang mga malimit nyang tugtugin Salamat po sa inyong pagbibigay ng importansya sa kultura nating ito Isa ako sa mga laging nanonood sa inyo😀 Salamat uli po
Salamat sa talino sa historia ng musika. Para man sa ating wika.. sa palagay ko ay hindi tayo puro bilang ethically we are mixed Malay Arab?, Chinese (not sure) pero masarap at dalisay ang marinig ang tunay na atin Mabuhay❤🇵🇭
Wrong. Outdated na yang views na yan. Lahat ay may austronesian ancestors, majority ay may negrito ancestors, at iilan, karamihang nasa siyudad, ay may chinese ancestors.
Mahusay! Natuto rin ako tumugtog ng classical guitar but of course not as well as you! Bravo! Na-inlove ako sa mga kundiman at balitaw before I went to NYC. I can still play Hatinggabi on my guitar pero huminto na ako. But your videos have inspired me to pick up my old yamaha again and go back to some surviving sheet music!
Ang galing naman po nang inyong pagtalakay sa pagkakaiba nang HARANA sa KUNDIMAN nawa po ay magpatuloy kayong magbahagi ng inyong kaalaman sa mga sinaunang awitin nang ating lahi salamat po sa kaalaman...nawa po ay dumami pa ang katulad ninyo na ganito ang tinatalakay
I just want to thank you for teaching me so much about traditional pilipino music! I am a Fil-Am vocal student studying in school, and i am just learning about pilipino music that I can sing in my studio classes. This really helps me stay connected with my culture, so thank you very much Mr. Aguilar :)
Napakaraming matututunan sa video mo,, at sana damihan at dalasan mo ang mga video ma kagaya nito at lagi akong susubaybay sa iyo......ingat po palagi and GOD BLESS.....
Naalala ko ang lolo ko...prati nya ko pinapakanta ng pabirito nyang kanta ako ay 6 na taon gulang..at pinapakanta din ako ng aking maestra sa eskwelahan ng makalumang kanta "lambingan".. noong ako ay siyam n taong gulang ng ang aming eskwelahan ay may programa..❤❤❤..napakaganda pkingan..
napaka ganda sir ng kundiman at harana sana sa tulong mo maibalik ang mga ganyan kantahin napakasarap sa pandinig ang mga sinaunang kanta kumpara sa ngaun,sana sir ipagpatuloy mopa ang naumpisahan mo..salamat at god bless
@FloranteAguilar kudos po sa inyo sa pagpapahalaga ng ating kulturang musika... sana po marami pang katulad ninyo ang lumabas sa mga social media platfrom para lalo pang maipalaganap ang ating nawawala ng kultura samusika; at maging inspirasyon ng mga bagong henerasyon ngaun na mapanatili ang ating kulturang musika. mabuhay po kayo, more power at God Bless 🙏🙏🙏🙏🙏😎❤
saludo ako sir ginawa mong ito, dahil ang alam ko sadyang kaakibat ng harana ay ang kundiman. Meron pala talagang pagkakaiba yoong dalawa. Naraming salamat si Florante
Ako ay 56 años na guro sa Piano at Gitara. Nang mapanood ko iro nasabik talaga ako sa makalumang musika ng Pilipinas. Naalala ko tuloy si Tatay, lolo at lola. Sa ngayon kasi, modernong musika tinuturo ko at "classical music."❤❤
Thank you very much …I’m very happy to know about…I very proud singing tagalog songs cuz my heart is Filipino …I grow up with Tatang Doding singing old songs Harana and kundiman ….God bless you and your family 🙏❤️🙏
Sana nga Meron magturo sa mga kabataan Ngayon Ng tamang Tagalog walang kastila,,puro Tagalog Kasi mga kabataan Ngayon kung Hindi taglish, Tagalog nga Mali Ang grammar,, Tagalog na nga Mali pa,,at Saka mag tuturo Ng mga awiting kundiman o harana,,para Po Hindi mawala Ang culture nating mga Pinoy, ipagpatuloy mu lang Po Yan sir florante salamat sa pag saliksik sa nakaraan,,to God be the glory
Labis po akong nasiyahan sa inyong palabas (video) Ginoo. Nawa'y patuloy kayo sa paggawa ng ganitong tema at ako ay naaliw sa pakikinig at pagdama ng inyong musika. Ako po ay bagong tagatangkilik nyo na ..salamat 😊👍
Sir napaka - gandang paliwanag, salamat sa iyong karunungan. Walang sawang pagsubay -bay iyo. Sa naman ma-pakinggan ko ang dalawang tugtuging Waray: "Guin Hilom ko" at "Kun Harapit nan Adlaw Matunod" Hindi ako Waray ..ang asawa ko. Di ko akalaing ang dami rin nilang magandang tugtugin. Salamat na muli at laging tuma-taguyod sa 'yo.
Ginoo, natutuwa po ako sa inyong mga naitalakay. Sana po ay magkaroon pa po kayo bg mga ganitong halimbawa ng paksa tungkol sa kasaysayan ng musika sa bansa at iba't ibang uri ng katutubong musikang Pilipino. Maraming salamat po ulit!
Labis akong naliligayahan na makarinig ng mga lumang awitin, palibhasa lumaki ako na ang aking ama at ina ay nakikinig ng mga awiting tagalog. Ako ay limampu’t limang taong gulang, at sa mga taong walumpu ang aking mga awitin.
Maraming salamat sa 'yong paliwanag, Florante. Noong 60s o 70s, may linathalang talasalitaaan ang Surian ng Wikang Pambansa ukol sa mga salitang Ingles na tinumbasan ng Makabagong Pilipino (Batay sa Tagalog, nguni't may salong ibang wikain, gaya ng Bisaya, Ilokano, atbp.). Halim., "panuos" ang salin sa 'Computer'. Kung 'di ako nakakamali, may ibang banyag na ang SWP.
una pa lang may idea na ako kung ano ang pagkaka-iba ng awiting kundiman at harana. ang harana ay inaawit lamang ng mga kalalakihan upang ihayag ang kanilang damdamin sa kanilang napupusuan. ang kundiman naman ay maa-aring awitn ng kababaihan o kalalakihan. maraming salamat maestro florante sa napakalinaw ng pagpa-paliwanag mo kung ano ang pakaka-iba ng awiting harana at awiting kundiman. saludo po ako sa iyo. naway marami oa ying maibahabi sa amin tungkol sa mga awitin ngvating mga ninuno. manuhay ponkayo. isa po ako sa mahigpit nyong taga-subaybay..
Yay! So nice to see you again! I enjoyed your clear explanation… it’s very hard to speak pure Tagalog. It’s sure takes practice,,, but it’s awesome to hear the explanation from you😊
Salamat po sa paliwanag mo. Ang akala ko talaga ay ang harana at kundiman ay pareho lang yon. At ngayon ko rin lang nalaman na ang "Kundiman: ay short cut ng "Kung hindi man".
Sana po mag release kayo ng book containing all your beautiful arrangements/renditions of OPM Harana/Kundiman. Sa generasyon namin (gen Z), tuluyan na po nalilimutan ang mga kantang ito na talaga naman ay masasabing YAMAN ng ating bansa. I enjoy listening to you very much sir and bumalik yung interest ko sa classical music. I'm gonna start practicing classical guitar again. More power to you po!
Thank you! I’m working on it:)
Salamat Florante sa masipag at matiyaga mong pananaliksik sa bahaging ito ng ating kultura. Nawa' maisakatuparan mo ang librong ginagawa mo upang maibahagi ang kagandahan ng kundiman sa mga susunod na generasyon ng Pilipino. Mabuhay ka!
Count me in po sa pagrelease ng inying libro... I am senior na kaya nagkaroon na kaunting exposure sa traisyunal na musikang Filipino. Originally taga Las Piñas, ngayon ako'y naninirahan na sa isang munting farm sa Dagatan Amadeo Cavite. Tuloy na nahuhumaling ako sa mga sinaunang mga musika at awit at music forms! Eh talaga naman nakakaakit at malalim ang tagos sa aking puso!!❤😊
Ito ang kulturang Pilipinong maipagmamalaki natin sa ibang lahi. Maraming salamat ginoong Florante sa pamamahagi mo sa amin tungkol sa kaalaman.
I learned all these classical songs since I was 10 years old because my grandparents taught me, until now I'm still exposed to these songs because of its harmony.
Maraming salamat sa magandang paliwanag tungkol sa harana at kundiman. Ang akala ko lahat ng mga lumang awitin ay kundiman ang tawag. Kinalakihan ko ang magagandang awitin at tugtugin dahil sa aking mga magulang bukod sa akoy tubung Batangas. Akoy hanga sa iyong pagtugtug ng gitara at isang masugid na sumusubaybay sa mga nilalathala mo. Sa edad na 72 akoy nagagalak at merong kagaya mo na may malasakit sa ating lumang mga tugtugin at awitin. Mabuhay ka!
Salamat po sa pagtangkiling at sa inyong mainam na pananagalog!
As a guitarist since grade 1 and now an incoming 3rd year BSED-Filipino, I realized I do really love the subject especially when it comes to filipino tradition such as its music. I can apply and share my talent towards my future students really well. ❤🇵🇭
Natatangi ang iyong talento ginoong florante...lubos akong humahanga sa iyong layunin na ibahagi ang harana at ang limot nang katutubong awiting kundiman...mabuhay ka at naway gabayan ka ng Maykapal...
I wish this classical music culture of the Filipino music lovers must have its place in every heart and mind of the present generation. I wish it shall remain in the high way of the Philippine music horizon. Thank you so much!...
Bilang isang nag-aaral ng Tagalog na Filipino-Amerikano, salamat po sa pagsasalita ng purong Tagalog dito!
Maraming maraming salamat po, isa akong mahilig sa musika, sa katunayan, isa akong Guro sa MAPEH, ngayon ko lang lubos na naunawaan ang pagkakaiba ng harana sa kundiman. maraming salamat po!
Salamat muli syo Guro, malaki an natutuhan q s dokumentaryo m n ito...isa dn aqng gitarista n 54 taong gulang n ngunit ngaun q ln nlaman an pgkakaiba ng Harana t Kundiman...maraming salamat muli syo...looking forward to more of this from you...tnx a lot
Maraming salamat kabayan sa iyong ibinahaging kaalaman. Tama ka hindi na tayo nakaririnig ng malalalim na salitang tagalog dahil na rin sa makabagong pamumuhay at pagbabahagi ng mga banyagang kagawian. Gayun pa man ikinagagalak ko na narinig kong muli kahit na pahapyaw lamang ang mga awitin na iyong ipinarinig at ang iyong mga pananalita. Mabuhay ka!
Grabe sir, wala akong masabi at bilib na bilib ako sa dedikasyon at pagmamahal nyo sa sining na 'to.
Ibang-iba yung pagpapahalaga at kaalaman nyo sa sining na 'to. Sana po ay lalo pa lumawak ang inyo impluwensya at mabigyan ng pagpapahalaga ang nalalaman at talento nyo para sa kulturang Pilipino.
Mahirap nga naman magsalita ng tunay/puro na Tagalog kasi marami tayong hiram na mga salita. I really am enjoying this content Ginoong Aguilar. I grew up in the 60's and my parents listen to kundiman (Lagman/Miranda/Tagalog, etc...) when I was growing up. And, I've experienced being hinaharana noong aking kabataan. Thank you for this informative content.
Napaka gandang paliwanag Sir,ngayon ko rin lang nalaman na may pag kakaiba pala ang harana at kundiman.
Wow! Crush na kita😁😀😀✌✌✌JK, napahanga mo ako sa iyong talino sa musika at wika. Isa kang mahusay na musikero, marahil ay mahusay ka ring mang-aawit.
...napakagaling maestro Florante ang pagtalakay mo sa kaibahan ng harana at kundiman. di na ako mangingiming sabihin sa mga kaibigan ko na ang isang awitin ay harana at hindi kundiman. maraming salamat!...
Salamat po sa inyong mga mungkahi ng katumbas sa salitang Pilipino. Ako po’y nagagalak at naaaliw, at maraming natutunan. Binabasa ko po ang karamihan ng inyong mga tugon kaya ako’y nagpapasalamat.
Narito po yung ilan na makatawag pansin:
computer - panuos (batay sa pagtuos o tuusin. Eng. - to compute).
Comment Section - talahayagan
Comments - mga masasabi
Pure - taal, lantay o dalisay
Verse - taludtod o talata
Composer - manlikikha ng awit
Pwesto - lunan o pook
Formula - balangkas
Computer - Tambilangan or Ordenador
Verse - Parilala
Lagi - Madalas
Chorus - Koro
Bintana - Dungawan
Depinisyon - Kahulugan
Sikat - Kilala or Namamayagpag
Estilo - Pamamaraan
Katulad - Hawig or Kawangis
Love Songs - Awit ng pag-ibig
Trato - Isinunod or Nilapatan
Kompositor - Tagapaglikha ng musika
Ipaskil - Ilathala
Parallel - Kahilera
Key - Tono (music) or Teklado (Piano) or Tipa (Guitar)
Major - Pangunahin
Parallel Major Key - Kahilera sa Pangunahing Tipa
Yun lang po.
comments = Puna o napupuna ❤
COMMENT SECTION... suggestions ko po, "pahayagang bahagi" or "talahayagan".
by the way, salamat po sa content nyo! more like this!
dagdag ko lang po yung "berso" or verse,. sa pagkaka alam ko ay "stanza" din sya so pwedeng gamitin ang "unang talata"(verse 1)
Maganda yang talahayagan! Bagaman iyan din yata’y nangngahulugang “newspaper”. Salamat sa mungkahi!
Ang talata yata ay paragraph. Ang dapat kong ginamit sa halip na berso ay taludtod. Salamat sa mungkahi!
Ang aking sister-in-law na may masters sa Education ang nagpaliwanag na ang formal na national language ng Filipinas ay "Pilipino". Ang mga tao ay "Filipino". Ang Tagalog ay isa sa mga dialects. Ang Pilipino ay puro. Walang foreign words, as you explained. Wala ring Intsik words. I applaud you. Kaya ako very moved by Church hymns. Karamihan ng mga Salita ay purong Pilipino. Hindi ko rin alam sabihin sa Pilipino : Those Church hymns are very moving. Emosional, nakaka-iyak. Maramdamin. Keep promoting this, please! We can not lose this beautiful language that touches the heart! You have a wonderful platform to promote it. You have a large following. I am one!
lumaki akong nririnig ang mga awit na pagsamba. hanggang ngayon ay ginagamit nmin sa amin kso hanggang ngayon hindi lahat ng nklahad ay aking nauunawaan dahil sa lalim nito 😅
Ang tinuro samin nung senior high is ginawang letrang F ang P sa wikang "Pilipino" para mairepresenta ang ibang pangrehiyonal na lenggawahe (madalas na ginagamit ang tunog na /f/ sa wika ng mga B'laan)
Tagalog is not a dialect, it's a language. Ang filipino ay hindi rin puro. Walang lingwahe sa buong mundo ang "puro".
I'm learning a lot! sana po sir, you'll do more of this type of vids. very informative, especially for me who grew up in the 90s but love so much the old Filipino songs, lalo na po ang mga Kundiman at Harana. Salamat po for doing this.
napakasarap pakinggan ang awiting pilipino sa saliw ng isang guitara na may nylon strings. lalo na kung napakahusay ng gitarista na katulad mo florante. akoy 77 years old na kaya nagbabalik alala sa akin ang mga tugtugin na ito. salamat sa yo iho
Mabuhay ka Florante at maraming salamat sa musika at sa mga harana at kundiman na ibinabahagi mo sa mga kapwa natin mga pilipino.. God bless 🇵🇭
Napakalinaw at nagkaroon ako ng kaunting kaliwanagan sa mga kaunting konsepto. :) Matagal na akong naghahanap ng mga ganitong uri ng lesson sa Music na may kinalaman sa Filipino Music. ❤
Isang pambihirang pagtalakay sa isang bahagi ng aking kalinangan. Mabuhay ka, Ginoong Aguilar.
Maraming salamat po ginoo sa ibinahagi ninyong kaalaman at kalinawan sa dalawang salitang matagal na naming hindi maituwid gamitin.👍🏻
Sobrang saludo ako sayo ginoong Florante sa mga napanood kona sa sayong Pagsisikap na ibahagi ang mga Musika nating mga Makasaysayang Piilipino, wala akong masabi patunay na isa kang Tunay na Makabayan na Tunay na Alagad ng Sining at pagiging isang Dalubhasa sa Gutara, marami akong natuttunan sayo salamat muli at pagpalain ka ng Panginoon, mabuhay ka at ingat.
Salamat po!
Continue this educational content on Philippine music. Please.
God bless you always.
Maraming Salamat Ginoong Aguilar. Napakagandang talakayin at sana mabuhay multi and MGA katutubong awiting tulad ng harana at kundiman. Magulang ko ay mahilig sa ganitong musika kaya natuto Rin kaming Ang ganitong Uri ng musika. Hanggang ngayon may mga ganitong piyesa pa kaming tinatago.
Mabuhay ka Florante!
Para sa akin, ikaw ay napaka galing mag tagalog. Sana ay matutunan ko rin ang iba pang salita sa tagalog. Kadalasan ako ay naghahagilap ng tamang tagalog word. And I end up asking my aunt's caregiver what is such & such in Tagalog. Luckily, he knows a lot of deep tagalog words even though his native tongue is Chavacano. My late grandfather was a native of Cavite, & I never heard him speak pure tagalog. He mixes Chavacano & Bicolano.
By the way, I love string music---especially classical guitar & violin. My late father plays the violin expressively. I miss my father's playing. I play Kundiman songs, on the piano & other Philippine folk songs including patriotic songs. My father introduced me as a child to Spanish & Italian love songs. Now that I am lot older, I still play them.
I would love to hear you play the Roman Guitar, & Two Guitars.
I let my aunt listen to your rendition of O Ilaw while Mang Tino was singing. She loved it & it brought back fond memories to her. She is now 94 yrs old. She has a few music sheets of old Filipino folk songs, I just found.
Keep on cultivating the old fashioned beautiful melodies that will remain the memories of today & tomorrow.
Thanks for sharing your thoughts! And for watching. Cheers
@@FloranteAguilarGuitar You are a brilliant classical guitarist. You play so beautifully. I pray you would be a role model to the children of today, & those adult young ones, who should be taught the Harana songs, the Kundiman, the Balitaw. And other Filipino folk songs. If there is any child age 5-15; and teenagers 13-19 and even older, that are watching Florante play, please be encouraged to learn classical guitar. It is only thru classical guitar playing that we can cherish & truly express the character, nature, meaning of every Harana melody. Folks please teach your children these songs by voice or by learning to play an instrument. Let them use their vocal cords to sing those love songs. Florante, I admire what you have done --when you searched for the oldish local folks who genuinely knew the songs. It must have been a fond memory for them---to get together & be able to sing their favorite songs. I thank you enormously for gathering those old folks. These melodies need to be revived so they will never be forgotten.
I hear my aunt singing a filipino folk song entitled My Song of Love. This is her favorite. Not sure if it has a tagalog version.. I just heard it being sung in English. You can google it. Not sure if
it was Ruben Tagalog who sang it.
Have you heard the Lettermen sing Filipino folk songs when they performed at the Araneta Coliseum? They really did good. You might want to listen to their Filipino rendition. God bless you.
@@eleanormojica7349I am senior myself but not yet in my 70's and beyond! Perhaps similar to you, I am in love with our traditional love songs, harana's and kundiman's. I thought my feelings were rather rare... Only to realize that a lot other people either older and even younger than me (my current age is 68 yo) have some degree of deep longing for our harana's and kundiman's! Kaya really a big salute to you Florante Aguilar for your efforts in research, documentation, preservation and the propagation of our Harana's and Kundiman's! I now run a local restaurwnt that thru the past 5 yewrs has began to be known locally. Name ng resto ay Ricardo's Coffee + Classic Cuisine. In recent years I have allowed the facilities to be used for propagation of Phil arts and culture. May it now also serve the intentions of the propagation of love for our local music, Kundimans and Harana's!!!❤😊
Isa ka sa mahuhusay n klasikong, kundimang gitarista sa ating bansa...
Paborito ko yun duo nyo n dadap sa awiting baliwag
Ganitong mga bagay ang nais kong malaman. Nawa ay yumabong pa at masundan ay ganitong kabanata. 👏🏻
Hindi ka lang pala bihasa sa pagtugtug ng gitara bilang Maestro Florante. Sana makamit mo ang iyong layunin na mapalago and katutubong kultura natin. Napakasarap pakinggan ang sariling atin.
Salamat po sa pagtangkilik!
Comment sa tagalog sa tingin ko ay puna.. Base sa obserbasyon at narinig makapagbigay tayo ng puna o comment.. Husay mo sir lodz tlg !!! Mabuhay ka!!!
Napakahalagang topic itong ginawa mo sir.florante. Maraming naliwanagan at isa na ako roon. Ako'y umaawit ng kundiman magmula noong ako'y nasa mataas na paaralan pa lamang at noong mga panahong yaon ay sumasama na sa mga pinsan kong mas nakakatanda sa akin sa panghaharana. Noong makita ko ang iyong pagpupursigi sa pagsusulong ng mga katutubong awiting kundiman sa pamamagitan ng Harana Documentary mo, ako'y nangarap na sana magkaroon ng mga "music centers for kundiman" sa ibat ibang panig ng bansa natin na kung saan ay maipagpapatuloy at mapalago pang lalo ang kulturang ito. Ito'y isa ring paraan para ma-arouse ang interes ng mga kabataan ngayon sa pag awit ng mga awiting kundiman. Kung meron sana akong resources ay ako na mismo ang magtatayo ng mga nasabing kundiman music centers, pero ito'y isa lamang pangarap sa dahilang tayo'y isang maralita lamang. Maraming salamat muli sir Florante sa ibinahagi mong kaalamang ito.
Magandang araw, Florante! Tubong Bulacan ako kaya't bihasa sa Tagalog na walang halong hiram na salita :) Nais kong imungkahi ang mga sumusunod na pagsasalin sa mga sumusunod
puro (galing sa Kastila) - taal o dalisay. Bagama't ang dalisay ay may kaunting pagkakahawig sa "kalinisan/malinis", kaya't mas mainam ang "taal". (Para sa akin lang iyon, baka may mas mabuting mungkahi ang ibang mga tagasubaybay mo rito.)
comments/komento - maraming salitang maaring gamitin ayon sa tiyak na kahulugang nais ng gagamit nito. "puna" ang pinakatuwid na pagsasalin, bagama't para sa iba ay mayroon itong di-mabuting kahulugan (gaya ng "pintas"). Maari ring gamitin ang "kuro-kuro". O kung nais naman ng iba na magbigay ng magagandang puna, maari rin namang gamitin ang "papuri" ;)
puwesto/nakapwesto (galing sa wikang Kastilang "puesto" = position) - kung ito ay isang pangngalan (noun), ang tamang pagsasalin ay "lunan" o "pook". Ngunit kung ang tinutukoy ay ang tao sa halip na ang lunan o pook, mas mainam na banggitin kung ano ang ginagawa ng taong binabanggit (hal. "nakasandal sa bintana at nakadungaw")
Western classical music - klasikong musikang kanluranin o kaya kanluraning musikang klasikal (Bagama't kailangan pa ring isalin ang "klasiko" o "klasikal"
depinisyon (galing sa ingles na "definition") - bukod sa "pagtuturing" maari ring gamitin ang "kahulugan" (ka o "pagpapakahuligan"
estilo ("estilo" sa kastila, "style" sa ingles) - paraan/pamamaraan
pormula ("formula") - balangkas (kahawig ng "framework") o saligan
berso ("verse") - taludtod
kompositor ("composer") - manlilikha (ng awitin)
Paumanhin at napakahirap isalin ang "[parallel] major/minor key", "art form", at "operatic". Mayroong inimumungkahing katawagan ayon sa kurikulum ng DepEd (Kagawaran ng Edukasyon) ngunit sa tunay na buhay ay malimit na maliit itong gamitin ng mga propesyonal/naghahanapbuhay na musikero. Hahayaan ko na lang muna sila nang ganyan...gaya nga ng nawika mo, may mga bagay na walang taal na salita sa Tagalog, kaya't lubhang napakahirap talagang maghanap ng salita para sa mga bagay na makabago.
Nawa'y makatulong itong mga mungkahi ko :)
Maraming salamat po! Napakainam ng inyong pananagalog. At salamat din sa inyong mga mungkahi. Sangayon ako sa lahat. Ngayon ko lang po narinig ang balangkas at taal. Ako’y natutuwa. Mayroon pong isang nagmungkahi na ang Comment section daw ay talahayagan. Bagaman ito ri’y nangangahulugang “newspaper”, mukhang maaari ding gamitin na coment. Ano po sa palagay ninyo? Salamat po sa panonood!
@@FloranteAguilarGuitar ang karaniwang ginagamit para sa "newspaper" ("periodico" o "diario" sa Kastila) ay "pahayagan" :)
Ngayon ko lang narinig ang "talahayagan" ngunit baka ganito ang mungkahi ng iba dahil ang ipinahihiwatig (implication) ng "talahayagan" ay ang bahagi ng pook na ito kung saan makikita ang kuro-kuro ng mga manonood (ika nga, "comments section" / "place where the comments are" / "lugar ng mga comments"). Ngunit nabangit. na rin lang...maari rin sigurong gamitin ang "pahayag" o kaya "talastas" bukod pa sa "puna", "kuro-kuro" atbp. Maraming pagpipilian, mas mainam. (O ika nga ng mga nagi-ingles, "the more the merrier" ;)
Computer daw ay maaaring panuos mula sa salitang tuusin o pagtutuos, to compute in English
@@FloranteAguilarGuitar hindi ko alam kung sasang-ayon doon ang Komisyon ng Wikang Filipino 😅hahahaha
Oo nga pero nakaka-intriga.
Maganda po ang video ninyo. Alam ko magkaiba talaga ang harana sa kundiman. Mas naliwanagan ako pagkatapos Kong mapanood ang iyong video. Salamat.
I loved your explanation, especially the "Kung," "Hindi," and "Man." I lived in the Philippines from 1948 to 1956 to go to high school and college. We actually still did Harana beneath the window at the houses of girls we liked. I also sang Kundiman in the Glee Club at Ateneo de Manila College. One kundiman was my favorite; "Ay, Ay Nenita Ko." I have tried to find the words to it on Internet, but could not. Can you tell me where I can get the lyrics? Maraming Salamat, Po and keep up the good work.
ua-cam.com/video/8HQiqKO_cnk/v-deo.html
Isang napakaganda, kahangahanga at makapukaw-damdaming pilipino ang tungkol sa harana at kundiman. Ito'y maituturing na nating isa parte na ng ating kultura na tila nawawala na. Nawa'y malinang mo pa ng mainam ang ating musikang tatak at natatangi sa ating mga pilipino. Ako'y nagpupugay sa iyong nasimulang ito Ginoong Florante...
Mahirap magsalita nang dalisay (hindi ko alam kung ito ang wastong katumbas ng puro, palagay ko ay hindi 😄) na Tagalog. Ngunit marami akong natutunan sa mga tinalakay mo. Salamat sa pagsisikap mong maibahagi ang musika at kulturang Pilipino. Mabuhay!
Ang husay niyo po! Ang iyong pantasya ay siya ding akin ginoo! Mabuhay po kayo at salamat sa impormatibong panooring ito. ❤️🥺
Kahit bente anyos lamang ako, hilig kong manganta ng harana at kundiman. Masarap kung pakinggan at magandang paalala ng ating kultura at kasaysayan. Kung minsan ay nagsusulat din ako ng mga kantang Harana ngunit wala akong alam sa paggamit ng mga instrumentong musikal. Nawa'y maka-awit ako kasama ka Maestro! Iyan ang aking pangarap.
Lalo Po akong naguluhan sa nrinig Kong mga pliwanag nyo. Sorry Po,
Salamat sa natutunan ko saiyo nananaliksik sa atin musikang kundiman at harana naunti unting naglalaho, 😢 maibalik
Musiko 101. Very educational and entertaining.. excellent presentation. Salamat Florante!
Correction lang po. Ang larawan po na nasa 10:04 ay si Julian Felipe. Yun lang naman po hehe.
Maraming salamat pa rin po sa pagbibigay ng impormatibong video tungkol sa musika nating mga pilipino. ♥️🇵🇭
Nakakataba ng puso na muling maulinigan ang mga makalumang awitin na madalas bigkasin at bigyang tono ng aking mga ninuno.
Salamat po sa lahat ng ginagawa niyo para sa ating kultura. Nawa ay dumami pa po ang mga kagaya niyong mang-aawit. Gusto ko din sana kaso hindi mabait sa akin ang gitara 😅
Ang galing mo MR. FLORANTE AGUILAR MAGALING KA TALAGA .HINAHANGAAN KO MGA SALITA MO MGA PALIWANAG TUNGKOL SA MUSIKA .ISA KA BINUHAY MO ANG AKING KSIDIPAN TUNGKOL SA MUSIKA .MUDIC LOVER KAMI NANG FAMILIA KO MARUNONG DIN AKO KUMANTA AT Sa guitara LALO NA AUTOHARP .
Bibihira na lang yung mga tao na gusto talaga magsalita ng purong Tagalog hehe. Napagamit din ako ng "puro."
Nais ko lang po klaruhin na ang panghalip na "siya" ay ginagamit kapag tumutukoy sa tao. Mainam na gamitin ang mga salitang ito, iyan, o iyon kung tumutukoy sa isang bagay (maaraing kanta).
Bukod doon, napakahusay po ng inyong pagsasaliksik para sa video na ito. Marami akong natutunan. Salamat po!
Ang Tagalog po ng pure/puro sa tagalog - DALISAY .
Maraming salamat po sa harana .
Ito po ang pamparelax ng Nanay ko na 99 years bago siya matulog.
Love songs
Parallel major key
Ilan lamang sa nasambit mong salitang hindi tagalog.
Ganon pa man akoy nasisiyahan sa iyong ginawang paksa at akoy may natutonan. 👏👏👏
Since wala akong alam sa musika kaya eto wala akong naunawaan sa mga pinaliwanag mo. Pero nagenjoy ako dahil narinig ko na magkaiba pala ang harana at kundiman at mga pangalang narinig ko na nuon pang kabataan ko. Ruben Tagalog, Larry Miranda Conching Rosal, Sylvia La Torre, etc. Salamat.
Isang magandang presentasyon. Maliwanag at sadyang puno ng kaalaman. Ako'y humahanga sa iyong pasyon at pagmamahal na inaalay mo sa ating sariling wika at sa bayan. Aking nais iparating na karamihan sa mauunlad na bansa ay hindi gumagamit ng banyagang wika. Alam ko po na ang salitang Ingles ay sinasabi na ating pangalawang wika, ngunit subalit bakit hindi po natin gamitin lamang ang salitang tagalog at letra sa pagsulat sa ating mga ahensiya o departamento ng pamunuan ng gobyerno na mayroong kinalaman sa pagpapaunlad sa ating bansa at pagbibigay ng publikong serbisyo, sa ganitong pamamalakad mas madaling maunawaan at maliwanagan ng ating mga kababayan ang bawat aspeto ng layunin ng ating mga namumuno at opisyal. in short (Tagalog only). 🙂
Salamat po!
Salamat po Sir Florante Aguilar sa pagbubuhay nyo ng sinaunang awiting tagalog upang pukawin ang nahihimbing nating kulturang pagpapayag ng damdamin sa isang sinisinta. Harana man o kundiman walang problema sa akin. God bless you po
Ayun! Nasagot na rin ang matagal ko nang gustong malaman tungkol sa kundiman at harana. Salamat po sa episode na 'to, air Florante! Mabuhay po kayo!
Marami pong salamat sa pagbabahagi Ginoong Florante. Napakalaking kaalaman ang inyong ibinahagi tungkol sa harana at kundiman.
Kahangahanga ka Florante 👍🏾👍🏾👍🏾❤️, naway ipagkaloob sa iyo ng Panginoon Ang LAHAT ng pagkakataon sa ikakatupad ng iyong mga hangarin sa pag sasariwa ng ating kultura at sining pang awtin at tugtogin... ❤️
Maraming salamat Ginoong Florante Aguilar sa napakayamang kaalaman na iyong ibinahagi sa amin. Mabuhay!
ganyan din po ako sa aking pang araw araw na pananalita. sinisikap ko pong magsalita muna ng tagalog bago ang ibang wika. gagamitin ko lng ang ingles o kastila kung wala akong maisip na katumbas ito sa tagalog. isang paraan po ito upang mpanatiling buhay ang ating wika n kung saan ay napapansin ko na hindi na napahahalagahan ng bagong salinlahi. isa rin po akong cavitenyo. mabuhay po kayo...
Maraming salamat sa iyo Florante sa muling pagbuhay ng ating kulturang Pilipino at sa iyong kaalaman lalo sa iyong paggigitara na lagi mong ibinabahagi !
Napakaganda talaga ng mga tugtugan dati, sa panahon ngayon bibihira nalang nakakaalam at tumatangkilik ng mga makalumang tugtugan at bibihira nalang po yung mga kagaya nyo sir, sa pangalan nyo palang po nailalarawan na yung pagiging magaling na musikero at maalamat. Isa po kayo kung bakit gusto kong tumugtog na classical na gitara at tumugtog ng mga harana at kundiman at maraming salamat po dahil my nalaman pa po ako patungkol sa mga gantong usapin, napakaganda bumalik sa dating panahon, takilikin talaga dpt yung sariling atin kasi napakaganda talagang pakinggan ng mga tugtugan noong panahon nakakapagbuhay ng mga magagandang alaala at pagiging isang tunay na Pilipino.
Salamat Sir sa natutunan ko at nalaman Ang salitang kundiman na pinaiksi Mula sa kung Hindi man. Once again thanks in a million sir for sharing your knowledge.
Salamat po Mang Florante
Mahal ko po ang Harana at Kundiman dahil bumabalik alaala sa akin ang aking ama
Magaling syang piyanista at gitarista
Ito pong mga awitin na ito ang mga malimit nyang tugtugin
Salamat po sa inyong pagbibigay ng importansya sa kultura nating ito
Isa ako sa mga laging nanonood sa inyo😀
Salamat uli po
Narito po ako dahil kay San Roque (kapistahan nya ngayon) at sa Awit ng Pulubi
Salamat sa talino sa historia ng musika. Para man sa ating wika.. sa palagay ko ay hindi tayo puro bilang ethically we are mixed Malay Arab?, Chinese (not sure) pero masarap at dalisay ang marinig ang tunay na atin Mabuhay❤🇵🇭
Wrong. Outdated na yang views na yan. Lahat ay may austronesian ancestors, majority ay may negrito ancestors, at iilan, karamihang nasa siyudad, ay may chinese ancestors.
Mahusay! Natuto rin ako tumugtog ng classical guitar but of course not as well as you! Bravo! Na-inlove ako sa mga kundiman at balitaw before I went to NYC. I can still play Hatinggabi on my guitar pero huminto na ako. But your videos have inspired me to pick up my old yamaha again and go back to some surviving sheet music!
Ang galing naman po nang inyong pagtalakay sa pagkakaiba nang HARANA sa KUNDIMAN nawa po ay magpatuloy kayong magbahagi ng inyong kaalaman sa mga sinaunang awitin nang ating lahi salamat po sa kaalaman...nawa po ay dumami pa ang katulad ninyo na ganito ang tinatalakay
I just want to thank you for teaching me so much about traditional pilipino music! I am a Fil-Am vocal student studying in school, and i am just learning about pilipino music that I can sing in my studio classes. This really helps me stay connected with my culture, so thank you very much Mr. Aguilar :)
Glad to hear and thank you for watching!
Maraming Salamat ❤ Sana nga magkaroon ng Isang samahan na magtataguyod ng nga ganitong musika ng atong lipi.
Miss ko na makarinig ng mga lumang awiting Tagalog. ❤
Nais kong maibalik ang mga makalumang Tagalog na awitin!! Wow naalala ko mga lolo at lola ko❤
Napakaraming matututunan sa video mo,, at sana damihan at dalasan mo ang mga video ma kagaya nito at lagi akong susubaybay sa iyo......ingat po palagi and GOD BLESS.....
Naalala ko ang lolo ko...prati nya ko pinapakanta ng pabirito nyang kanta ako ay 6 na taon gulang..at pinapakanta din ako ng aking maestra sa eskwelahan ng makalumang kanta "lambingan".. noong ako ay siyam n taong gulang ng ang aming eskwelahan ay may programa..❤❤❤..napakaganda pkingan..
napaka ganda sir ng kundiman at harana sana sa tulong mo maibalik ang mga ganyan kantahin napakasarap sa pandinig ang mga sinaunang kanta kumpara sa ngaun,sana sir ipagpatuloy mopa ang naumpisahan mo..salamat at god bless
?!=
Maraming salamat po sa pagpapaliwanag na ito. Sana magpatuloy kayo sa pagtalakay ng iba pang topic tungkol sa musikang Pilipino.
@FloranteAguilar kudos po sa inyo sa pagpapahalaga ng ating kulturang musika... sana po marami pang katulad ninyo ang lumabas sa mga social media platfrom para lalo pang maipalaganap ang ating nawawala ng kultura samusika; at maging inspirasyon ng mga bagong henerasyon ngaun na mapanatili ang ating kulturang musika.
mabuhay po kayo, more power at God Bless 🙏🙏🙏🙏🙏😎❤
saludo ako sir ginawa mong ito, dahil ang alam ko sadyang kaakibat ng harana ay ang kundiman. Meron pala talagang pagkakaiba yoong dalawa. Naraming salamat si Florante
I did not know this about Filipino culture despite me studying it often. Salamat po for this upload.
Ako ay 56 años na guro sa Piano at Gitara. Nang mapanood ko iro nasabik talaga ako sa makalumang musika ng Pilipinas. Naalala ko tuloy si Tatay, lolo at lola. Sa ngayon kasi, modernong musika tinuturo ko at "classical music."❤❤
❤️❤️
Thank you very much …I’m very happy to know about…I very proud singing tagalog songs cuz my heart is Filipino …I grow up with Tatang Doding singing old songs Harana and kundiman ….God bless you and your family 🙏❤️🙏
Comment, sa tagalog siguro ito po ay puna. He he he! Not so sure. Mabuhay po kauo
Comment, sa tagalog siguro ito po ay puna. He he he! Not so sure. Mabuhay po Kayo
@@allanarcilla8885pwede ring sabihin na isang kuro-kuro o saloobin sa isang paksang pinag-uusapan....
@@emiemarzan8967 opo
Pls continue your passion about kundiman, harana at lhat ng katutubong musika🙏🇵🇭❤️Mabuhay ka
1958 ako ipinanganak, noong teenager pa ako, basta may bagong mukha sa barrio namin(hindi pa barangay) hinaharana namin!❤❤❤❤❤
Sana nga Meron magturo sa mga kabataan Ngayon Ng tamang Tagalog walang kastila,,puro Tagalog Kasi mga kabataan Ngayon kung Hindi taglish, Tagalog nga Mali Ang grammar,, Tagalog na nga Mali pa,,at Saka mag tuturo Ng mga awiting kundiman o harana,,para Po Hindi mawala Ang culture nating mga Pinoy, ipagpatuloy mu lang Po Yan sir florante salamat sa pag saliksik sa nakaraan,,to God be the glory
More contents like this Sir Florante. I really appreciate your work. Inspirasyon kita kaya ako nag aaral ng classical guitar
Labis po akong nasiyahan sa inyong palabas (video) Ginoo. Nawa'y patuloy kayo sa paggawa ng ganitong tema at ako ay naaliw sa pakikinig at pagdama ng inyong musika. Ako po ay bagong tagatangkilik nyo na ..salamat 😊👍
Sir napaka - gandang paliwanag, salamat sa iyong karunungan.
Walang sawang pagsubay -bay iyo.
Sa naman ma-pakinggan ko ang dalawang tugtuging Waray: "Guin Hilom ko" at "Kun Harapit nan Adlaw Matunod"
Hindi ako Waray ..ang asawa ko. Di ko akalaing ang dami rin nilang magandang tugtugin.
Salamat na muli at laging tuma-taguyod sa 'yo.
Sige po hahanaping ko yang mga awiting inyong minungkahi. Salamat po!
@@FloranteAguilarGuitar Salamat sir, Salamat sa 'yong pag-tugon, pag-palain ka nawa ng Panginoong may Kapal.
Ginoo, natutuwa po ako sa inyong mga naitalakay. Sana po ay magkaroon pa po kayo bg mga ganitong halimbawa ng paksa tungkol sa kasaysayan ng musika sa bansa at iba't ibang uri ng katutubong musikang Pilipino. Maraming salamat po ulit!
Marami pong mga darating. Subaybayan! :)
Ginoong Florante, maraming salamat sa muli mong pag vlog, inaabangan talaga namin ung mga vlogs mo..missing the Haranistas
Salamat po sa pagtangkilik!
Maraming salamat at may Florante Aguilar na nagpapaalala sa atin sa magandang Musika nating mga Pilipino.
Kaganda naman ng paliwanag mo tungkol sa pagkakaiba ng kundiman at harana.
Support po.
Wow medyo nkk hanga Ang inyong npag alaman at naibahagi mo sa aming manonood, maraming Salamat po AMANG
Mabuhay ka
napagaling ang paghahayag mo sa kaibhan ng harana at kundiman. salamat sa iyong pagturo.
Labis akong naliligayahan na makarinig ng mga lumang awitin, palibhasa lumaki ako na ang aking ama at ina ay nakikinig ng mga awiting tagalog.
Ako ay limampu’t limang taong gulang, at sa mga taong walumpu ang aking mga awitin.
Maraming salamat, sana ay dumami ang tulad mo, nag mamahal sa kulturang pilipino.
Salamat sa isang tulad mo at ibinabalik ang nakaraan. Nawa'y magkaroon ka pa ng mga susunod pang karugtong ng alaala.
Maraming salamat sa 'yong paliwanag, Florante. Noong 60s o 70s, may linathalang talasalitaaan ang Surian ng Wikang Pambansa ukol sa mga salitang Ingles na tinumbasan ng Makabagong Pilipino (Batay sa Tagalog, nguni't may salong ibang wikain, gaya ng Bisaya, Ilokano, atbp.). Halim., "panuos" ang salin sa 'Computer'. Kung 'di ako nakakamali, may ibang banyag na ang SWP.
una pa lang may idea na ako kung ano ang pagkaka-iba ng awiting kundiman at harana. ang harana ay inaawit lamang ng mga kalalakihan upang ihayag ang kanilang damdamin sa kanilang napupusuan. ang kundiman naman ay maa-aring awitn ng kababaihan o kalalakihan. maraming salamat maestro florante sa napakalinaw ng pagpa-paliwanag mo kung ano ang pakaka-iba ng awiting harana at awiting kundiman. saludo po ako sa iyo. naway marami oa ying maibahabi sa amin tungkol sa mga awitin ngvating mga ninuno. manuhay ponkayo. isa po ako sa mahigpit nyong taga-subaybay..
Salamat po sa pagtangkilik!
Yay! So nice to see you again! I enjoyed your clear explanation… it’s very hard to speak pure Tagalog. It’s sure takes practice,,, but it’s awesome to hear the explanation from you😊
Ang Alam q sa haryana isang paraan ng panlligaw...
Ang kundimn nmn mga lumang awit
Salamat po sa paliwanag mo. Ang akala ko talaga ay ang harana at kundiman ay pareho lang yon. At ngayon ko rin lang nalaman na ang "Kundiman: ay short cut ng "Kung hindi man".
Maraming salamat sa pagpapaliwanag ng pagkakaiba ng Harana at Kundiman. Mabuhay po kayo
Nawa'y magpatuloy at yumabong pa ang inyong adhikain sa aspetong eto ng kulturang Filipino. Patuloy po kaming sumusubaybay 🎶🎸
Salamat po