Basang Sapatos by Juan Miguel Severo

Поділитися
Вставка
  • Опубліковано 7 січ 2025

КОМЕНТАРІ • 27

  • @coffeebeannn
    @coffeebeannn 5 місяців тому +2

    3 years ago, pandemic. i'm here. 3 years later, i'm here again. di ako mapapagod makinig sa obra mo juan miguel. isa ka sa laging sumasagip sakin. mahal kita.

  • @irokimaori6426
    @irokimaori6426 4 роки тому +13

    "Anak nagmahal ka... dapat masanay ka ng maglakad nang may mabigat na paa"
    OMG feels 😭😭😭😭

  • @synysterg135
    @synysterg135 5 років тому +12

    Napaka underrated nito. Sana gawan ng ganito lahat ng tula ni Juan Miguel sa book na yan.

    • @martinezchristianr.5677
      @martinezchristianr.5677 4 роки тому

      Meron nyan sa libro niya matagal na ang title ay "Habang Wala Pa Sila".

    • @sixtoturtosa4657
      @sixtoturtosa4657 Рік тому

      saan pwedeng maka iscore ng book nya lods? @@martinezchristianr.5677

  • @sixtoturtosa4657
    @sixtoturtosa4657 Рік тому

    d@mn! Goosebumps! Sobrang tumayo talaga balahibo ko sa piece mo na to idol Juan Miguel Severo!

  • @eizapason5535
    @eizapason5535 2 роки тому +4

    Isang beses noong nasa kinder pa 'ko, umuwi ako mula sa eskwela nang umiiyak. Nabasa ng tubig-baha ang loob ng sapatos ko, sabi ko kay Nanay.
    "Bakit ka umiiyak?" tanong niya sa'kin.
    "Paano kung masira 'to?" "Anak, taga-Malabon ka. Dapat masanay ka nang nababasa ng baha ang sapatos mo."
    Minsan naman noong nasa elementary ako, umuwi ako mula sa eskwela nang tumatawa. Hinubad ko kaya hindi nabasa ng tubig-baha ang sapatos ko.
    "Bakit ka tumatawa?" sabi ni Nanay. "Paano kung nabubog ka sa daan?" dagdag niya. "Anak, huwag kang magpa-paa sa baha. Hindi mo nakikita nang husto ang nilalakaran mo."
    Kaya paglaki ko nasanay na akong maglakad ng basa ang sapatos. Hindi ako nito napapaiyak. Hindi rin naman ako natatawa. Kahit ang bigat nito sa paa. At may tunog na nakakairita. Pero tuwing may babati sa mga sapatos nilang may tubig sa loob, sa isip-isip ko, "Naku, taga-Malabon ako. Sanay akong maglakad ng may tubig sa loob ng sapatos." Sanay ako sa bigat nito sa paa. At sa tunog na ginagawa ng tubig sa suwelas, sanay ako na mairita. Alkohol lang naman ang katapat niyan pag-uwi sa bahay at maiiwasan na ang alipunga.
    Tag-ulan noon nang makilala kita. Nilulusong ko ang baha suot ang tsinelas ko, para lang makita ka. Matibay ang tsinelas ko, hindi ito basta-basta masisira. At naglalakad ako sa ilalim ng mga poste ng ilaw para matiyak na walang bubog na nakakalat sa kalsada.
    "Bakit ka pa nagpunta?" tanong mo. "Nabasa pa tuloy ang paa mo ng tubig-baha."
    Sabi ko, "Taga-Malabon ako. Kaya't sanay ako sa bigat sa paa ng paglusong sa baha at sa nakakairitang tunog ng suwelas na basa."
    "Bakit ka pa nagpunta?" tanong mo. "Paano kung nabubog ka sa kalsada?"
    "Tinitignan ko ang dinadaanan ko," sabi ko. "At saka isa pa, gusto kasi kitang makita."
    Tag-ulan noon nang makilala kita. Binabagtas natin ang mga kalsada tuyo man ito o baha. Hindi ko na alam kung bakit, basta, natatawa tayo. At matagal-tagal na rin na hindi ako nababasa ng luha. Mas magaan sa paa ang baha kung ikaw ang pinupuntahan ko. Walang nababasag na bote sa kalye kung ikaw ang naka-schedule na makipagkita. Ilang bote ng alkohol ang naubos ko para lang hindi magkaalipunga. Malapit na ring maubos ang bagong bote na binili mo, nakita ko sa isa kong pagbisita.
    Isang gabi ay dumating ka nang pagod at halos maiyak-iyak.
    Sabi ko, "Mahal, taga-Malabon ka. 'Di ka pa ba sanay na maglakad ng basa ang paa?"
    "Bakit pa ba ako nagpunta?" sabi mo. "Paano kung bumigay bigla itong sapatos kong luma?""Mahal," sabi ko, "huwag kang mag-alala. Kung masira man yan ay sasamahan kitang maghanap ng kapalit na mas maganda."
    Sumunod ay ako naman ang dumalaw nang masaya at tumatawa.
    Sabi ko, "Mahal, nasira ang sapatos ko sa daan kaya heto ako, lumusong nang naka-paa."
    "Bakit ka pa ba nagpunta?" sigaw mo. "Paano kung nabubog ka't nasugatan -- e 'di kasalanan ko pa?!" "Mahal," sabi ko, "bakit ka ba nag-aalala? Kung masugatan ako gagamutin mo naman ito agad, hindi ba?"
    Maliwanag ang langit noong muli kitang makita; suot ang isang mamahaling sapatos na parang hindi kayang pasukin ng baha. "Mahal, saan ka ba nagpunta?" bibiruin kita sana. Pero mabilis ka nang naglalakad -- walang pakialam kung may bubog man o baha.
    Umuwi ako nang hindi umiiyak pero hindi rin tumatawa. Ang bigat ng mga paa ko sa paglulusong, at parang may lumulubog na bubog sa kada hakbang, kaya tinaktak ko ang sapatos ko pagdating ko sa bahay pero wala kahit kapirasong bubog o isang patak ng tubig. Hindi basa ang medyas ko at ligtas sa kahit anong sugat ang aking mga paa. Pero ang bigat. Ang sakit. Nakakairita.
    Hindi pala baha sa Malabon noong gabing 'yon! At noong kinuwento ko ito kay Nanay, ang tanging sinabi niya, "Anak, nagmahal ka. Dapat masanay ka nang maglakad ng may mabigat na paa."

  • @myearsburn2808
    @myearsburn2808 4 роки тому +5

    Still one of the best. Sobrang simple pero well written. Patuloy ko tong magihing inspirasyon

  • @IJ_shi
    @IJ_shi 4 роки тому

    Since on the wing of love fan here and every may hinanakit napapapunta talga ako dito parang ngayun ays💔 I love you Juan Meguel💞💞

  • @keithalasco6330
    @keithalasco6330 3 роки тому

    Grabe yong last line. Di ko kinaya. Sobrang bigat sa dibdin.

  • @ptrixiaerijoiebrecio4224
    @ptrixiaerijoiebrecio4224 3 роки тому

    Ang sakiiiit, naramdaman ko yung bigat.

  • @eyesinthedark4713
    @eyesinthedark4713 4 роки тому

    Solid din tong piece na to, nabasa ko na to bago ko pa napakinggan dito.

  • @cwsanchez375
    @cwsanchez375 4 роки тому +1

    Still one of the best! Pero iba parin yung emosyon pag sa personal hahahah

  • @camilleoliveros4974
    @camilleoliveros4974 4 роки тому +1

    Ang ganda... 😢

  • @caspillovheyt
    @caspillovheyt 3 роки тому +3

    Walang nag tanong pero nandito lang talaga ako kase ayaw kong basahin yung napaka habang babasahin sa Module

  • @joebelynbelmonte9522
    @joebelynbelmonte9522 4 роки тому

    Iba ka talaga!

  • @arianemaecamas3667
    @arianemaecamas3667 3 роки тому

    gandaaaaa

  • @Deviruichi
    @Deviruichi 5 років тому

    iba taga pag si Juan Severo... nakaka touch

    • @OweGT
      @OweGT 2 роки тому

      nag lalaro ka ng gt?

  • @rogir7682
    @rogir7682 4 роки тому

    Ganda

  • @hansr1393
    @hansr1393 3 роки тому +1

    Ang sakit kahit wala akong jowa hahah 🙃

  • @pandalism2880
    @pandalism2880 4 роки тому

    Kailan yung guimaras i want that

  • @venusayudoc979
    @venusayudoc979 4 роки тому +1

    spoken poetry ito right?

  • @ellaizamanez37
    @ellaizamanez37 4 роки тому

    .