ARALING PANLIPUNAN04L11: Ang Saligan ng Pagkakakilanlang Pilipino

Поділитися
Вставка
  • Опубліковано 13 вер 2024
  • MGA LAYUNIN
     Mailalarawan ang mga pagkakakilanlang kultural ng Pilipinas
     Matutukoy ang ilang halimbawa ng kulturang Pilipino sa iba’t ibang rehiyon
    ng Pilipinas (tradisyon, relihiyon, kaugalian, paniniwala, at kagamitan)
    NILALAMAN NG ARALIN
    Pagkakakilanlang Kultural ng Pilipinas
    Ang kultura ang nagsisilbing pagkakakilanlan ng isang lugar o bansa. Ito ay
    nagpasalin-salin na kaugalian, tradisyon, paniniwala, selebrasyon, kagamitan, kasabihan, awit, sining at pamumuhay ng mga tao sa isang lugar. Ang Pilipinas ay mayroong mayaman at makulay na kultura. Nabuo ito sa loob
    ng mahabang panahon. Nararapat natin itong pahalagahan, pagyamanin, at
    ipagmalaki bilang mga Pilipino. Nahahati ang kultura sa dalawang uri:
    1. Kulturang materyal - tumutukoy sa mga bagay na maaaring hawakan
    a. kagamitan - Ang mga gamit ng mga sinaunang Pilipino ay
    karaniwang yari sa bato at kahoy. Ang mga ito ay kanilang
    hinuhugis at kinikinis upang makagawa ng mga sandatang
    gagamitin sa pangangaso, pangingisda, pagtatanim, at maging sa
    pagtatanggol sa kanilang sarili. Hindi nagtagal, natutuhan din nila
    ang paggamit ng metal sa kanilang pamumuhay.
    b. kasuotan - Noong una, ang damit na isinusuot ng ating mga ninuno
    ay yari sa pinatuyong balat ng hayop at kahoy. Sa paglipas ng
    panahon, ang kalalakihan ay gumamit ng kangan o pang-itaas na
    kasuotan na walang manggas at kuwelyo. Bahag naman ang tawag
    sa kanilang kasuotang pang-ibaba. Ang putong ay nagsisilbing
    panakip sa kanilang ulo. Ang kababaihan naman ay nagsusuot ng
    tapis. Mahilig din silang maglagay ng mga palamuti sa katawan
    tulad ng tattoo na nagsisilbi ring tanda ng kanilang kagitingan sa
    pakikidigma. Ang may pinakamaraming bilang nito ay itinuturing na
    pinakamagiting sa lahat.
    c. pagkain at inumin - Ang mga pangunahing pagkain ng ating mga
    ninuno ay kanin. Kumakain din sila ng karne, isda, gulay, at prutas. Sila ay nagluluto sa mga palayok at tubo ng kawayan, at kumakain
    sa mga dahon ng saging at bao ng niyog. Gumagawa sila ng apoy
    sa pamamagitan ng pagkiskis ng dalawang kahoy. Nag-iimbak sila
    ng tubig sa malalaking banga o malalaking biyas ng kawayan. Mayroon na rin silang alak noon na tinatawag na tuba. Ngayon, ang mga Pilipino ay nagsasalo-salo sa masasarap na
    pagkain tulad ng adobo, sisig, pansit, kare-kare, sinigang, at lechon. Mahilig din ang mga Pilipino sa suman, puto, kutsinta, biko, bibingka, leche flan, halayang ube, at halo-halo.
    d. tahanan - Noong unang panahon ay sanay sa pamumuhay na
    nomadiko ang ating mga ninuno kung saan sila ay walang
    permanenteng tirahan. Naninirahan sila kung saan may
    makukuhang pagkain. Yungib o kuweba ang kanilang unang tirahan. Pagkalipas ng matagal na panahon, natuto ang mga Pilipinong
    maghanapbuhay at gumawa ng mga bahay na gawa sa kawayan, sawali, pawid, o cogon. Ang katangian ng tahanan nila ay nakabatay
    sa lugar. Ang mga bahay sa pampang ng dagat o ilog ay may
    mataas na haligi. May mga bahay rin sa taas ng puno. Ang ganitong
    uri ng tahanan ay matatagpuan sa Hilagang Luzon at Silangang
    Mindanao. Samantala, ang mga bahay naman sa kapatagan ay
    karaniwang may mataas na haligi, patulis, may mataas na bubong, at may malalaking bintana. Ang silong ay ginagawang imbakan ng
    iba’t ibang bagay o mga alagang hayop. May bahagi rin ng bahay na
    tinatawag na batalan. Dito sila naliligo at naghuhugas ng mga
    kagamitan. Ang mga bahay naman sa Batanes at Isla ng Babuyan
    ay yari sa bato dahil madalas itong daanan ng malalakas na bagyo.
    2. Kulturang di-materyal - tumutukoy sa mga bagay na hindi pisikal o hindi nahahawkan
    a. edukasyon - Noong unang panahon, walang pormal na paaralan
    ang ating mga ninuno. Ang mga magulang at isang gurong pantribo
    ang tanging nagsisilbing guro noon. Tinuturuan ang mga bata ng
    pagsulat, pagbilang, at pagbasa. Noon pa man ay may kakayahan
    nang bumasa at magbilang ang ating mga ninuno. Mayroon silang
    timbangan na tinatawag na talaro. Bukod rito, may iba pa silang
    panukat ng iba’t ibang bagay katulad ng kaban, kagitna, salop, gatang, at dangkal. Sa kanilang pag-aaral, higit na binibigyang- pansin ang kaalaman sa paggawa upang maging kapaki- pakinabang. Ang mga ama ang nagtuturo sa mga anak na lalaki ng tamang paraan ng pagsasaka, pangingisda, pangangaso, pakikidigma, at iba pang gawaing pangkabuhayan. Samantala, ang mga ina naman ang nagtuturo sa mga anak na babae na magluto, maghabi, magtanim, mag-alaga ng mga hayop, at iba panggawaing-pantahanan. Ito ay paghahanda sa mga anak sa pagaasawa pagdating ng panahon.

КОМЕНТАРІ • 5