ARALINGPANLIPUNAN04L13: Mga Pamanang Pook bilang Bahagi ng Pagkakakilanlang Kultural ng mga Pilipino

Поділитися
Вставка
  • Опубліковано 5 лис 2024
  • MGA LAYUNIN
     Matutukoy ang mga pamanang pook bilang bahagi ng pagkakakilanlan ng
    kulturang Pilipino.
     Makagagawa ng mungkahi sa pagsusulong at pagpapaunlad ng kulturang
    Pilipino.
    NILALAMAN NG ARALIN
    Mga Pamanang Pook
    Ang mga Pamanang Pook ay mga makakasaysayang lugar na nagbibigay ng
    pagkakakilanlang kultural sa mga Pilipino. Ilan sa mga ito ay nakalista sa ibaba.
    1. Banaue Rice Terraces
    Ang lugar na ito ay tinatawag ding Hagdan-Hagdang Palayan sa lalawigan ng
    Ifugao sa Cordillera Administrative Region. Ito ay tinatayang may 2,000 taon na simula nang gawin ito ng mga katutubong Ifugao. Masasalamin sa pamanang pook na ito ang pagighing masipag, matiyaga, at masining ng mga Pilipino.
    2. Makasaysayang Lungsod ng Vigan sa Ilocos Sur
    Ito ay kilala rin sa pangalang Ciudad Fernandina de Vigan. Noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol noong ika-18 hanggang 19 siglo, ang Vigan ang itinuturing na isa sa pinakamahalagang siyudad ng bansa, kasunod ng Maynila at Cebu. Ang kahanga-hangang arkitektura ng mga gusali, kalsada, at maging mga plaza nito ay naglalarawan na ang Vigan ang sentro ng politika, ekonomiya, relihiyon, at ng sining sa Hilagang Luzon. Ang mahuhusay at matitibay na arkitektura nito ay nagpapakita sa makulay na kasaysayan ng mga Pilipino nang masakop tayo ng mga Espanyol. Ito ay idineklarang World Heritage Site ng
    UNESCO noong 1999.
    3. Simbahan ng San Agustin sa Paoay, Ilocos Norte
    Ang simbahang ito ay tinatawag din itong Simbahan ng Paoay. Ang simbahang ito ay sinimulang gawin noong taong 1694 at ito ay natapos noong 1710. Isa ito sa natatanging gusali sa Pilipinas na maituturing na may disenyong baroque. Ang kampanaryo nito ay sadyang nilikha bilang proteksiyon sa lindol. Kilala rin ito sa pagkakaroon ng natatanging arkitektura kung saan makikita rito ang malaking buttresses sa gilid at likod ng gusali. Noong 1993, itinalaga ito bilang UNESCO World Heritage.
    4. Fort Pilar
    Kilala rin sa pangalang Royal Fort of Our Lady of the Pillar of Zaragoza, ang Fort Pilar ay isang tanyag na kuta o moog na matatagpuan sa Zamboanga City na ipinagawa ng pamahalaang Espanyol dahil sa hiling ng mga Heswitang pari noong 1635 at naging tanggulan ng mga Espanyol at Kristiyanong Pilipino sa pananalakay ng mga katutubong Muslim. Ito ay isa sa pinakatanyag na pamanang pook sa Zamboanga.
    5. Sheikh Karimul Makhdum Mosque
    Ito ay itinuturing na pinakamatandang mosque sa Pilipinas. Ito ay itinatag ni Sheikh Karimul Makhdum noong 1380 sa Simunul, Tawi-Tawi. Ang orihinal na mga haligi nito ay matatagpuan pa rin dito. Kinilala ito sa kasalukuyan na isa sa National Cultural Treasure ng Pilipinas. Ang pamanang pook na sumasalamin sa paniniwala at pagpapahalaga ng mga Pilipinong Muslim sa bansa.
    Pagpapaunlad ng Kulturang Pilipino
    Ang kulturang Pilipino ay mas napapaunlad ng iba’t ibang pagdiriwang gaya ng ilang halimbawa sa ibaba. Itinatag rin ang isang ahensiya ng pamahalaan upang mangasiwa sa pagpapaunlad ng Kulturang Pilipino. Ito ay ang National Comission for Culture and Arts o NCCA.
    1. Proklamasyon Blg. 1148 Nagtatadhana ang kautusan na ipagdiwang ang National Culture Consciousness Week tuwing ika-1 hanggang ika-7 ng Hulyo taon-taon.
    2. Proklamasyon Blg. 683
    Itinatag ang Buwan ng Pambansang Sining o National Arts Month (NAM) na ipinagdiriwang tuwing buwan ng Pebrero.
    3. Buwan ng Wika
    Ipinagdiriwang ito tuwing buwan ng Agosto sa mga paaralan taon-taon. Nilalayon nitong paunlarin ang paggamit ng wikang Filipino.
    Pagpapatayo ng mga Sentrong Pangkultura
    Ang pamahalaan ay nagpatayo rin ng mga sentrong pangkultura na tumutulong sa pagpapaunlad ng kulturang Pilipino at sa pagdodokumento ng mga pagbabago at impormasyon tungkol rito sa paglipas ng panahon, sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.
    1. Sentrong Pangkultura ng Pilipinas o Cultural Center of the Philippines (CCP)
    Nilalayon ng sentrong ito na hasain ang kakayahan ng mga Pilipino sa iba’t ibang larangan ng sining gaya ng teatro, sayaw, sine, at sining biswal. Kasali rin sa kanilang tungkulin ang magsagawa ng mga pananaliksik hinggil sa anumang porma ng sining pati na ang mga katutubong sining ng Pilipinas.

КОМЕНТАРІ •