Mga palatandaan nga totoong dinalaw ka ng isang patay sa iyong panaginip

Поділитися
Вставка
  • Опубліковано 5 кві 2021
  • Minsan ay napapanaginipan natin ang ating mahal sa buhay. Ngunit alam ba ninyo na may mag senyales na ang inyong panaginip at totoo? Narito ang ilang signs!
    Sa mga nais magpagabay at reading imessage po lamang ninyo ako sa aking facebook account Marivic Nuñez Pauyon
    / marivic.p.dornan
    Contact us
    philippineone@gmail.com
    fb page:
    Pinaysatlove.
    philippineone foundation
    Kung may tanong imessage kami sa aming fb page Pinaysatlove.
    Maraming salamat sa suporta
    kami ay grupo na nagnanais na magsilbi sa sambayanang pilipino. Kami ay tumutulong at nagsasagawa ng feeding program at palaro sa mga bata.
  • Розваги

КОМЕНТАРІ • 313

  • @jademasanegra941
    @jademasanegra941 Рік тому

    Salamat sa video nato naliliwanagan na ako. Kaya pala sa tuwing malungkot at my mga problima ako sa buhay nanaginip ako ni mama na masayang nasa bahay kami. Kasi pag na stress na ako umiiyak ako at nasabi ko sa sarili ko na kung my nanay sana ako makkauwi sana ako sa probinsya at makahinga man lang. Iba kasi pag my nakausap at mapagsabihan ka kahit di kami magkasundo pero feel ko parin sabihin ang mga kalungkotan ko sa buhay..

  • @cyrilamor7427
    @cyrilamor7427 2 роки тому +1

    Thanks madam for sharing I have support this video.

  • @louieinterno8242
    @louieinterno8242 16 днів тому

    Thank you madam at nabigyan nyo po ng linaw ung aking panaginip.kailan lang po kc pumanaw ung mahal kung asawa.isang araw napanaginipan ko xa mag 6am na ng umaga.nagising daw ako sa pagtulog KC may nakayakap sa akin.pagdilat ko nakita ko xa nakangita at yakap2 nya ako habang nakahiga nakatagilid ako noon nakaharap sa kanya.nakangiti xa at ang kinis kinis ng Mukha nya bumabata.ang linaw ng usapan namin,Ang sabi nya wag nadaw akung iiyak KC umiiyak din daw xa pag iiyak ako.ang sabi ko ang Akala ko KC patay kana ang akala iniwan mo na ako.iyak prin ako ng iyak.ang sabi nya sa akin di Kita iiwan.nilalambing nya ako ang sabi nya sa akin mahal na mahal talaga ako ng Asawa kung maldita.sabay tapik sa daliri nya sa ilong ko.maya2 sinabi na nya na aalis daw xa may nabanggit xa na oras.hindi ako pumayag hindi ko xa pinakawalan KC ayaw kung iwanan nya ako ulit dahil sobrang sakit parang di ko kaya.kaya lang bigla syang naging usok.nagising ako iyak nalang ako ng iyak.kahit ngaun po habang nag ta type ako iyak ako ng iyak Ang hirap sobra Lalo na sobrang bait ng asawa ko ginawa nya akung prinsisa sa buhay nya.

  • @gemmazaib3160
    @gemmazaib3160 27 днів тому

    Stress ako lately tas bgla ko npnaginipan ang isang yumaong kaibgan sinama nia ako s farm nia tas bngyan nia ako ng prutas ,sobrang saya ko nong mktaq xa ulit kht s pngnp lng,

  • @giansamonte1971
    @giansamonte1971 Рік тому +2

    Mother at father ko masaya kami lagi sa dreams.....❤❤❤

  • @karllatosa8830
    @karllatosa8830 10 місяців тому +1

    Lagi kong napapaginipan yung Pumanaw kong Ama.
    Then lately, yung dati kong teacher at kaibigan. Both ay pumanaw na rin.

  • @GuhitNiChris
    @GuhitNiChris Рік тому +3

    Napanaginipan ko si papa sobrang miss kona sya

  • @mariloupeleno9414
    @mariloupeleno9414 Рік тому

    Thank you maam

  • @JhunReblando-p1e
    @JhunReblando-p1e 6 днів тому

    Papa😭 na mimiss kita😢 kaya palage kita napapanaginipan.. Kita ko naman masaya ka

  • @cheloyamamoto
    @cheloyamamoto 4 місяці тому

    thank you🥰po🙏god bless😇😇😇

  • @keziahamkong3660
    @keziahamkong3660 2 роки тому +1

    Nayakap ko si papa sa panaginip ko kanina ang saya ko kase ngayon nalang sya ulit nag pakita ang sarap sa pakiramdam ❤️🥺

    • @PhilippineOneFoundation
      @PhilippineOneFoundation  Рік тому

      Ibig sabihin niyan, mahal na mahal ka ng Papa mo. Kahit wala na siya o nasa malayong lugar na, gianagabayan ka pa rin niya.

    • @JANEBITES
      @JANEBITES Рік тому

      Same ganyan din panaginip ko sa papa ko niyakap nya rin ako ng mahigpit hanggang sa nagising nlng ako

  • @nechchell2678
    @nechchell2678 Рік тому

    araw araw ko sya napapanaginipan. Madalas after ko asikaso sa school mga bata nakakatulog ako sa umaga na sobrang clear na panaginip kala mo totoo. at naaalala ko talaga pag gising ko.

  • @NoemikenValdez
    @NoemikenValdez 19 днів тому

    Totoo yan😢 😭😭😭 nanay at tatay ko miss na miss ko na.napanaginipan ko na si nanay palagi.nakikita ko sya parang buhay lang sya.

  • @jadelumapguid1301
    @jadelumapguid1301 2 роки тому +3

    Lahat ng sinabi mu ma'am totoong nangyare sa akin..namatay misis ko bago pa lang..mag 2weeks pa Hindi ko matanggap ang Nang yare sa akanya subrang sakit biglaan nya pagkamatay..na heart attack ...Hindi cya nag paparamdam.kaya Hindi ako nka tiis dinalaw ko cya sa kanang libing wala pa ang 40days ..pagka gabi yun. Duty po ako sa subrang puyat kaso may maliit pa akong anak.nka tulog ako . napanaghinipan ko cya na nka smile sa akin at pag gising ko biglang may malamig na hangin na parang may yumakap sa akin ..Hindi ko napigilan na lumuha...mahal ko misis ko😢😢😢😢😢

    • @PhilippineOneFoundation
      @PhilippineOneFoundation  Рік тому +1

      Ngunit, kahit mahal mo ang misis mo, kailangan mo na rin siyang palayain. Kailangan ay matahimik na rin siya. Saka, may anak kayo na kailangan mong pagtuunan ng pansin.

  • @tinievillarico2770
    @tinievillarico2770 2 роки тому +1

    salamat po sa sharing

  • @j.m.7796
    @j.m.7796 Рік тому +1

    Sakin , fresh pa panaginip ko . Namatay ang lola ko , last Oct 16, 2005 , napaginipan ko sya. Sa panaginip ko, tumawid kaming mag-asawa sa ilog gamit ang kanyang motor ng di lumulubog , napuntahan namin ang bahay ng lola ko , di nya talaga yun bahay sa totoong buhay . May tindahan sya na maliit , tapos nakasuot sya ng damit na sinusuot ng mga kabataan ngayon , ung backless . Sa panaginip ko , sabi ko , "Inang, di ka pa pala patay e , buhay na buhay ka pa . Namimiss kita! Batang bata ah . Nakabackless ka pa 😂" Sabay yakap at halik ko sa kanya . Sabi nya , "Ikaw naman e, di mo ko magawang dalawin dito." Sabi ko sa kanya , "Pasensya na Inang, naging busy kasi ako , nakapag-aral at nakapagtapos ako na maging guro, nakapag asawa na rin at may anak na." (sa totoong buhay, wala pa po akong anak pero may asawa na.) May bitbit akong sanggol at 1 batang babae na tinuturuan kong magmano sa kanya at tawagin syang Inang Osay. Paborito ako ng lola ko, sila ng lolo ko ang nag alaga sa akin , baby palang ako.
    Nagising ako sa panaginip ko kasi papasok na ang asawa ko sa trabaho .
    Natulog ako ulit kasi maaga pa . Napaginipan ko naman ung Master Teacher na may hawak samin dati . Kakamatay nya lang last November , 2022, malinaw ang pagkakasabi nya sakin , "pumunta ka naman sa parasal ko. " Kaka40 days nya lang kamakalawa. Nakita ko pa sa panaginip ko ung dati naming principal saka sya , pati mga kamag anak nya na naghahanda ng mga bulaklak para sa kanya . Takot na takot ako paggising ko . Kahit inaantok pa ko , di ko na nagawang matulog ulit . Nagtataka na ko kasi saming 8 teachers na hawak nya , sakin sya nagpapakita sa panaginip . Noong kamamatay nya palang , nagpaalam sya sa panaginip ko suot ung favorite nyang pink na damit. Noong buhay pa kasi sya , ako ang madalas nyang payuhan sa trabaho at sa buhay may asawa 😅

  • @mialiu5117
    @mialiu5117 Рік тому

    Salamat po

  • @preciousaleyco7680
    @preciousaleyco7680 2 роки тому +2

    Hi po! Watching your video kasi madalas ko mapanaginipan ang kapatid ko simula noong namatay sya nung 2020. Ang itsura nya sa panaginip ko ay bata kumpara sa edad nya noong namatay sya (16 y/o) tapos masigla at naka ngiti din sya sa panaginip ko. Miss na miss na namin sya😢

  • @anneleviinot
    @anneleviinot 2 роки тому +1

    Palagi akong nanaginip sa kaibigan ko namatay last 2018, napakalinaw ng mukha niya subra, gusto niya akong isama sa lugar niya.

  • @joshuagunabe9150
    @joshuagunabe9150 Рік тому

    Kananaginip kolang at nagsearcg agad ako about this. Namatay pinsan ko last 2020 sa motor accident nanaginip ako kanina sakanya nahahawakan ko sya na parang totoo at napakasaya nya bumata sya as in baby face at lumusog sya and then nakakausap ko sya na parang totoo
    :((

  • @janjanando4527
    @janjanando4527 Рік тому +1

    Notify po! may best friend aku na babae na namatay nong April 1, 2022 dinalaw ku sya sa last vigil nya kinabukasan tinabihan ku ang burol nya na umupo aku sa upoan and then mga ilang minuto nilalamig aku mula paa hanggang buong katawan ku na parang binalotan aku sa hangin. dalawang beses nangyari sakin nilalamig aku nong wala pang 40 days nya na binanggit ku sya kapitbahay ku and then mga ilang buwan nakalipas minsan ku sya napapanaginipan, sa ikatlong beses na napanaginipan ku sa best friend ku naglakbay kami at nag uusap kami sa anu-anong mga bagay sa panaginip ku sa kanya. Hanggang ngayon di pa aku naka get over sa kanya nanjan parin sya sa puso't diwa ku, nong buhay pa sya maalala ku lang ang mga tinig nya at kumanta halos maluluha pa aku! Kasi sobrang miss ku na sya..! ANO KAYA YUN AT BAKIT???

  • @miraschannel
    @miraschannel Рік тому

    Totoo yan sis naramdaman ko yan ng mawala ang nanay ko nag paramdam xa sa panaginip ko kalembang na din sau ndi ako mka comment sa fb page mo walang options comment like ang share lng kaya dito nlng ako mag comment

  • @kristinemariano9978
    @kristinemariano9978 2 роки тому +1

    Dadeh ko always ko nakikita sa panaginip lalo na kapag may problema ako at family ko ..pero saming pamilya ako lang ang nakakakita at nakakausap sa panaginip

    • @PhilippineOneFoundation
      @PhilippineOneFoundation  Рік тому

      Kaya mo napapanaginipan ang mga yumao ay dahil ginagabayan ka nila. Kung may desisyon kang ginawa, makikita mo sa mukha nila kunv sang ayon sila o hindi. Kung masaya sila tama ang desisyon mo at inaayunan nila. Kung sakali namang malungkot sila o galit, ibig sabihin di sila sang ayon sa desisyon mo.

  • @xtineyanne2785
    @xtineyanne2785 11 місяців тому

    Ganitong ganito ung senyales nun napanaginipan ko ung tatay ko last May 2, 2023 (exactly a month ago ung pinakahuling gabi namin at ako na nakausap sya sa ICU). Sa nap ko, aware daw ako na may nangyare sa kanya at nagpapagaling sya sa opera from accident. Un setting pa noon biglang umulan nang malakas at nung tumila... naging white un background namin.. parang cloudy na katatapos lang umulan. Tas tinanong ako ng nanay ko kung nasan na daw tatay ko, paglingon ko sa likuran ko wala n sya sa bed nya ( yung death bed nya nung nakaratay pa sya.. same sa dream ko). Laking gulat ko bat sya biglang nakatayo at nakalakad. Akala ko noon magaling na sya kaya hinanap ko daw sya at pinagtanong² at sabi ng mga nakakita ay tumawid daw sya. Hinanap ko sya daan at nakita ko sya sa kabilang lane..naglalakad na parang walang nangyare..masigla ang body at nakasuot ng black pants and white or parang sky blue tshirt....sinigawan ko sya na "ok ka na?" Tapos sumagot sya sa akin na nakangiti na ok na daw sya at nakahand sign rin. Nilapitan ko sya noon.. ang banayad ng mukha nya at nakangiti.. yung mukha nya bumata din ng mga late 30s or 40s (kaka 68 lang nya nung pumanaw nung Huwebes Santo). Sabi nya sa akin... gutom na daw sya habang hinihimas nya ung tyan nya. Hanggang sa naputol un convo namin kasi ginising ako ng nanay ko para samahan sya iclaim dapat un bday give away sana nila sa brgy nun. Mga ilang secs bago nag sink in sa akin na dreams lang lahat at naluha ako kasi sobrang totoo un nakita at nakausap ko sya. Ung panaginip na un, parang continuation nung pagbabantay ko sa kanya sa ospital hanggang sa nagunstable at deep sleep na lang sya from April 3 at namatay nung 6. 🥺 Marami akong series na na napapanaginipan pa sya, pero casual lang. Pero itong pinaka una ang masasabi kong vivid at visitation.. kasi winish ko noon kay God na dalawin sana ako ng tatay ko sa dream. Alam na alam kong visitation din ito kasi ang tatay ko ay mahilig gumala... ayaw nya napipirme sa bahay kasi lalo lang daw sya nanghihina. At kahit tipong kakagaling lang nya sa sakit, madalas aalis yan at di namin mamalayan. 😅 Noong nasa ICU naman sya, di sya makakain ng solid foods kaya naka ENT at patak² lang ng tubig sa labi ang ppwede sa kanya.
    -Mayroon din mga times na naeencounter din ng sis ko sa dream un father namin at tulad sa akin.. smile at positive at reunion ng mga departed loved ones (lola, tito ko at sya) na pawang nakangiti. Alam namin ever since na umalis sya, in light and at peace na sya kahit di sya nakapagpaalam sa amin. Di rin kami nakakaexperience ng any paranormal activities sa bahay. Pero patuloy namin sya tinitirikan ng kandila sa altar at kada bwan naman ay binibisita namin sya sa sementeryo. Kaya kahit ganoon ang nangyare, na naself accident at di na sya nakauwi nung gabi para icelebrate sana un bday din nya noon March 27 ay thankful ako kay Lord na pinahiram pa sya sa amin ng more than week.. nirevive nya sya from operation nung March 29. Kakaresign ko lang din noon nung Mar 24, pero God moved mysteriously.. kahit di kami nanlilimos nung financial help dahil nahihiya kami ipaalam. Di namin ineexpect noon na marami ang nagpapadala ng kusang tulong financial sa kanya noong nasa ospital pa sya at gumawa pa ng mga gc as prayer warrior at yung iba, nakikisympathy.
    Doon ka narealized, kung gaano sya kabuting tao sa iba na hindi ko.. kami sa family nakikita. Higit sa lahat.. very timely un mga events nun pagkaresign ko.. ginawa ni Lord na instrument un short time na makapagbond at maalagan ko personally tatay ko.... kaya nun alam kong di na rin sya magtatagal at kalooban na din ni Lord soon, pinapatugtugan ko na lang sya worship song habang minamasahe at chinecheer ko na lang sya na magpalakas at lagi magpray. Alam kong masaya at payapa din ang paglisan nya kasi para lang syang tulog..magaan ang kanyang mukha nung dinatnan namin sa ospital na kakamatay lang nya. 🥲👨🏽🩵🤍

  • @lovelyjoyurbano6351
    @lovelyjoyurbano6351 Рік тому +1

    Hello po lagi ko napapanaginipan ang auntie ko na syang nag alaga sa amin nung nanganak kami nung namatay kasi sya wala sya nasabi oh nabilin ni isa. :( nakikita ko sya sa panaginip nakangiti sya palagi i hope she's now in peace Missyou so bad auntie 🥺😭

  • @herotiger-vq5qs
    @herotiger-vq5qs 2 роки тому

    nananaginip aq maam ng patay na ung mga tao na un hnde q nmn kmg anak..pero sa panaginip q buhay cla..sana mapansin nyo at masagot...ofw from jeddah

  • @NoemikenValdez
    @NoemikenValdez 19 днів тому

    Naninindig balahibo ko nakikinig ako sayu.nany ko nakita ko sa nanaginip natutulog bago ligo at nakahiga Pero patay na nanay ko 1year mahigit.

  • @aliciayeh3889
    @aliciayeh3889 Рік тому +1

    Panaginip pan ko ang aking nanay at tatay Kuya ngayon my sakit ako
    Tapos gumaling din ako, siguro Ina alalyan din ako

  • @lenlenjacinto9902
    @lenlenjacinto9902 3 місяці тому

    Tangap ko n wala n cla pero may time n lgi cla nag ppaginip sakin n uuwi dw kmi sa probinsya ksama ko mma ko na nag llkad at lgi kmi pblik sa dti nmin lugar n pinangalingan o kya pauwi dw kmi sa peobinsya

  • @jaketv6455
    @jaketv6455 Рік тому

    That was happened to me many times.

  • @AhMing-tf2wy
    @AhMing-tf2wy 2 місяці тому

    Totoo po ito. Bgo lng nmatay asawa ko 3weeks plang peru panay dalaw siya sa mga panaginip ko. Lagi kmi magkamausap at niyayakapako ng mihgpit..

  • @urcobramartin-i4t
    @urcobramartin-i4t Рік тому

    Naranasan Korin Po Yan Sa Panaginip Ko

  • @geraldinedawnmaipid7782
    @geraldinedawnmaipid7782 Рік тому

    Ako madalas ko mapanaginipan Lola ko. Namatay siya nung 2021. Ganun parin itsura niya kng ilang taon n sya. N masaya kami kabonding sya s panaginip ko.

  • @junleparto9887
    @junleparto9887 Рік тому +1

    Amen

  • @user-mc4si4wj2v
    @user-mc4si4wj2v 28 днів тому

    I miss my Brother😢😢

  • @manenitahalasan2394
    @manenitahalasan2394 7 місяців тому

    napasearch ako bgla kakapanaginip ko lng sa biyenan kong lalaki meron syang hinahanap tpos hnahanap nya sakin ung biyenan kong babae. pang apat na beses kona syang napapanaginipan

  • @mycatonog5296
    @mycatonog5296 9 місяців тому

    hala nung nakaraan po napanaginipan ko ung kakilala lang namin hindi po namen kamag anak kumbaga kaibigan ng nanay ko ,tapos nung buhay pa sya lagi syang nagpapabunot sakin ng puting buhok tapos binibigyan ako lagi ng pera ,tapos nung napaniginipan ko sya sinabe ko kay mama ,tapos sabe ng mama ko patay na pala un 😢 nagulat ako bigla kasi sa panaginip ko kitang kita ko sya tapos binati kopa sya sabi ko ate gelyn parang mas bumata ka ngayon kinis ng muka mo ah san ka po ngayon nakatira tapos sabi nya sa alabang sa anak nya 😢😢😢 ,grabe ate gelyn sana ok ka po ngayon kung san ka naroroon miss kita para na din kitang nanay 😢😢❤ sobrang bait mopo sakin noon 😢

  • @evavale2933
    @evavale2933 10 місяців тому

    May inalagaan po ako sa abroad dati palagi ko po xa napapanaginipan na buhay talaga xa

  • @SUPLADITOVLOG3515
    @SUPLADITOVLOG3515 Рік тому +1

    Totoo seguro Yan,kasi nanaginip na ako about sa Lola ko,kitang Kita ko Yung Mukha Niya,at humingi ng tulong sa akin,at Ang Sabi Niya.. LOLA:Apo tulungan mo kasi nahihirapan na ako.
    At Yun Ang sinabi Niya sa akin,pero binaliwala kulang, at pagka Gabe ulit noon,,nanaginip ulit ako sa Lola ko,dinala Niya ako sa isang bundok at may nadadaanan kaming cementeryo,at laking gulat ko,duon ko sa Nakita sa panaginip ko Kung paano kinuha Ang laman loon at dugo ng tao,na buhay pa sila,Kaya noong kinabukasan pumunta agad ako sa puntod ng Lola ko,at pag dating ko duon,wasak pala Ang libingan Niya at Yun pinaayos ko,at Yun lang ndi na Siya pumupunta sa panaginip ko,

  • @evamaevega2755
    @evamaevega2755 2 роки тому

    Sana mapansin ako.may isang taong lagi Kung mapanaginipan ,buhay pa Naman cya .Peru bakt lagi ko cyang mapanaginipan..? Na kaht kailan hnd ko Naman cya iniicp.actually kapit bahay namin cya noon.kaibigan kopo.pru lagi ko cya mapanaginipan.bakt anong ibig sabhin.pareho na kami na may kanya kanyang pamilya.

  • @mrs.mapalad
    @mrs.mapalad Рік тому

    Napanaginipan ko po ang Nanay ko na na 6 years ng pumanaw,, paulit ulit ko siya napapanaginipan,
    Kagabi po napanaginipan ko nanghihingalo na siya at biglang bumangon sabay tanong sa akin "si ate mo?" Yan ang tanong po sa akin..
    Ano po ang ibig sabihin ma'am? Please pakisagot po.may sakit pa man din po ako ngayon.

  • @Jennifer-ym8mn
    @Jennifer-ym8mn 18 днів тому

    ako palagi kung napapa nginipan ang mama ap papa ko

  • @michellemadrid8619
    @michellemadrid8619 Рік тому

    Totoo po yan last yr December 15 nawalan ako ng boyfriend biglaan tlgang sobrang gumuho ang mundo di manlang sya nagpaaalam sakin sobrang sakit pero netong February napapanaginipan ko sya totoong kitang kita ko rinig na rinig ko yung boses nya sa panaginip sobrang miss na miss kona sya ang ganun po pala kapag lagi kang nag iisip sa knya hirap pa din pala silang umakyat sa itaas😢

  • @cristinamaedelacruz5472
    @cristinamaedelacruz5472 5 місяців тому

    Hello po. 4 months napo patay ang lola ko sya po nagpalaki sakin at ako din po kasama nya non namatay. Madalas kupo sya napapaginipan na nasa tubig kami na nakapalinaw na tubig , tas ito lang napaginipan ko sya sabi nya sakin payakap ako miss na kita. Parang buhay na buhay sya sa panaginipan ko.

  • @Jeanacole25
    @Jeanacole25 2 роки тому

    Ayy. Ako kase mga 2weeks palang si papa namatay, Nanaginip po ako sa kanya, na inuutusan nya po ako magpiso wifi kase manunuod sya nang pelikula sa youtube! Mahilig po kase sya manuod sa youtube bago sya pumanaw kahit mahina na sya. Kaso di kopo nakita mismo yung mukha nyang malinaw nakalikod po kase ako sa kanya parang yung katawan lang nya ang nakikita nang gilid nang mata ko. Basta inuutusan nya po ako. yun lng

  • @loramaenacita171
    @loramaenacita171 9 місяців тому

    4 years na namatay mama ko at papa sa edad nila 43 at 51 ngkasunod Po cla nmaty pagkaburol ni mama after one week c papa Naman 😢😢 apat n taon n cla nawala at apat n taon Rin Ako sa abroad halos every week Ng pakita cla sakin sa panagip ko hnggang Ngayon .tama Po sina Sabi nyo ganYan Ang mga panaginip ko sa mga magulang pagbabala

  • @manumontes5578
    @manumontes5578 4 місяці тому

    nanay q po napaginipan q po maganda cya sa panaginip q mukha ngang bata,😇

  • @pearlyjarantilla6343
    @pearlyjarantilla6343 Рік тому

    Madam pwede po mag tanong,ano po ang ibig sabehin ng bigla mo lang na alala ang taong patay na, salamat po

  • @user-uy6bw1ks6s
    @user-uy6bw1ks6s Рік тому

    My lolo was died 21 yrs ago pero now lng niya ako dinalaw that im 26 weeks pregnant🥺😭i miss him so much sya na kasing tumayong papa skn 🥺pero lola namatay on january 8,2022 palagi sya nasa panaginip ko😢😢

  • @catherinesamonte3881
    @catherinesamonte3881 2 роки тому

    Npanaginipan ko asawa ng friend ko malungkot sa panaginip tas yung kulay sa kpaligiran black and white.after 3 years npanaginipan ko sya..nsa kalsada dw sya at ksama mga kaibigan nya tawa sya ng tawa at colorful ang kpaligiran.

  • @isabelloves1937
    @isabelloves1937 11 місяців тому

    gnyn po ngyari p pnaginip ko npnaginipan ko tito ko may sakit tumawid xa s isang tubig n pyapa nklutang at naging bata xa pero buhay p xa noon npnginipan ko knbukasan nmatay ung tito ko

  • @jenniferlajom8812
    @jenniferlajom8812 2 роки тому

    Yung asawa kopo nung bago bago palang sya namatay lagi kopo sya napapanaginipan at parang totoo po sya..

  • @carbonlodi2320
    @carbonlodi2320 Рік тому

    Ako yung papa ko lagi2 nag papakita sa panaginip ko lalo na pag my dinadala akong mabigat na problema, yung tipong minsan gusto ko ng sumuko tapos bigla2 na lg sya papasok sa panaginip ko, tas minsan pg my mga problema sa pmilya na namin na hnd ko alam nagpapakita sya ulit sa panaginip ko, d ko alam yun pala ang ibig sabihin my gusto pla syang ipahiwatig, minsan nga nagulat ako bigla lg sya nagpakita sa panaginip ko, pg uwi ko yung pic nya na sa altar pinako pla nila sa ding2...😢

  • @almanulat407
    @almanulat407 Рік тому

    Panaginip ko nmn sa kaibigan ko na kapit bahay lng namin last year lng sya namatay, malinaw tlga muka nya at Ang gwapo nya pero d tlga sya nag ssalita

  • @daisysiason8973
    @daisysiason8973 10 місяців тому

    Parang normal na sa akin na kasama ko ang aking ina, auntie at ama na mga namatay na. Nag uusap pa kami as usual sinasamahan nila ako sa usual ko na mga ginagawa sa dreams lang. Kung minsan wala sila sa dreams ko. Kaya Lang bigla Silang nawawala but I do dream about them as usual.

  • @belindiedelfin783
    @belindiedelfin783 Місяць тому

    Gd pm po ask ko po Pala kung ano ibig Sabihin Ng panaginip k pala nag huhukay daw kmi ....

  • @mekaylajandesanjuan8715
    @mekaylajandesanjuan8715 8 місяців тому

    Hello mam good morning po..na2ginip po aq ung pinsan q my tinuro n bata nka tingin dw s akn pero ung bata dko po kilala tz nung nkita q ung bata iyak dw aq ng iyak tz niyakap q dw ung bata pero ung bata dko po kilala anu po kya ibig sbhn nun

  • @storyoflifechannel3458
    @storyoflifechannel3458 Рік тому

    Good day po, napanaginipan ko po Asawa ko, may nagkakagusto sakanya TAs nakapikit Asawa ko na parang pagod na natutulog pero nakatayo Naman sya na nasa shower pinapaliguan ng babae at nandun aq . Ano po kaya ibig sabihin nun?

  • @kgdghkfry4100
    @kgdghkfry4100 Рік тому

    Ate ano ba ibig sabihin ng panaginip ko sa tatay ko may involve kasi na kulam po pero di ganon kalinaw pero nag iba mukha nya sa panaginip

  • @lornaponsica8792
    @lornaponsica8792 2 роки тому +1

    Namatay Ang papa ko Dec.27,2018
    Madalas sya pumapasok Sa panaginip ko at inaabot sakin Ang lupa...na NASA kamay nya...

  • @babyarmy516
    @babyarmy516 3 роки тому +1

    Pano po b i let go kung wala pa pong 1 buwan xang nawawala

  • @MommyMona729
    @MommyMona729 Рік тому

    Kung naghihingi po ng kape at slurpee at donut?

  • @mary21cabrera37
    @mary21cabrera37 2 роки тому

    NAnAginip ako diko kilala 2 sila isang bata babae at isang babae uli na nakatayo sa tinutulugan ko kuarto bukas ang ilaw nmin mgasawa kita ko tlga at nag hi pa sakin bata. Nu po baibig sabihin nun.? Sana makita mo coment ko reply agaty. 🙏🙏🙏God bless you. 🙏🙏🙏

  • @rosehabitan4494
    @rosehabitan4494 Рік тому

    Hi po, ask ko Lang po ksi po last month po namatay yng brother ko tapos po napanaginipan sya NG nanay ko na nakita yng katawan nya sa panaginip na inuuod na pro di nya po nakita ang mukha NG kapatid ko katawan nya lng po ang nakita NG nanay ko, ano po kayang ibig sabihin non? Maraming salamat po

  • @Agilangridercavite
    @Agilangridercavite Рік тому

    Mam mapapanaginipan ko ang tatay ko,hipag ko ,bayaw ko isang buwan ko sila napapahinipan,gabi gabi ko po sila napapaginipan at klaro kong naririnig ang sinasabi.isang beses napaginipan tatlp sila sa isang scenerio ma panaginip.pinagtataka ko bakit gabi gabi?

  • @neysiesaulan6732
    @neysiesaulan6732 2 роки тому +1

    Wala na pong patay ang bumabalik pa..ayon yan sa bible ...ang mga nagpaparamdam sa inyo ay mga masamang ispiritu na gustong magligaw sa tao ...magbasa ng bible upang hindi maloko ..

  • @blessy6810
    @blessy6810 Рік тому

    Hi po madam , si mama ko po kase napaginipan ko may inuutos sya saken gagawin ko po ba ang sinasabi nya

  • @aleiaandreawonderland1847
    @aleiaandreawonderland1847 Рік тому

    Hello po , tanung lang po kakalibing lang po Ng Tito ko Nung december 4 , 2022 Ngayon December 8 Nagpakita sya sa Panaginip nagkaharapan at may parang gusto syang sabihin kaso may gumising sakin . Ano po Kaya Yun? Ano po kaya ibig sabihin.

  • @Miss_Caregiver
    @Miss_Caregiver 9 місяців тому

    Lagi akong dinadalaw ng nanay ko sa oanaginip at may binibigay cia skn ano kya ibg sbhn nun

  • @estrellaguevarra156
    @estrellaguevarra156 7 місяців тому

    Mam ano po kahologan ng panaginip ng ahas kinagat Ako ng ahas sa panaginip apat na ngipin mam paki reply po mam

  • @reginamonding
    @reginamonding Рік тому

    Kaya nandto ako, kasi bago lang po namatay ang kapatid ko. nanaginip po ako, nakasakay ako sa sakyanan, nkta ko kapatid ko, sa daanan may dalang dalawang 🎒 . Ang isa nilagay niya sa likod ang isa hawak2 niya. Nakatayo at nakatalikod. Anong ibig sabihin po?

  • @joselitomalabanan3494
    @joselitomalabanan3494 3 місяці тому

    Ano kahulugan po ang father ko yumaon na pero niyakap nya ang aking fiancé, ano kaya ang ibig sabihin?

  • @helenaquejano2930
    @helenaquejano2930 2 роки тому

    Ako nakikita ko mga parents ko pero masaya naman sila duon.

    • @PhilippineOneFoundation
      @PhilippineOneFoundation  Рік тому

      At kahit nasaan man ang parents mo, gusto nilang malaman mo na mahal na mahal ka nila.

  • @That_DUO353
    @That_DUO353 Рік тому

    Ano po ibig sabhin yung Nakita mo yung byenan Sa panaginip medyo bumata at medyo tumataba din umiiyak ako at niyakap Nya ako at tinapik takip Nya likod ko

  • @meliciasadao4631
    @meliciasadao4631 Рік тому

    Paano po kung ang panaginip ko sa tatay ko matagal na patay nagagalit daw saakin at magastos daw ako gumamit ng tubig.ano po ibig sabihin thanks God bless wait ko kasagutan.salamat po

  • @YaelManaig2014
    @YaelManaig2014 Рік тому

    Wala ako naintindhan po sa sinabe mo hehe paulit ulit

  • @ramillague807
    @ramillague807 2 роки тому

    Ma'am nanaginip Ako sa nanay ko. May sakit sya sa panaginip ko .. 2years napo syang patay

  • @user-ro3fj5wn3e
    @user-ro3fj5wn3e 4 місяці тому

    Aq po ma'am Yun ankol KO KC sya eon nag papakit sakin ,,,, nakita ko sya Tas ngumiti sya sakin

  • @janicebiancaguevarra766
    @janicebiancaguevarra766 2 роки тому

    Nanaginip ako sa byanan ko n lumalapit s mga ansk ko sumigaw ako na nay...ano ibig sbihin. Slmat

  • @viermonmuyco4443
    @viermonmuyco4443 2 роки тому +2

    Magandang umaga sa yo idol. Nanaginip ako na nag kasakit daw ako. Ang nagbabantay daw sa kin ay ang namatay ko ng lola galit daw sya sa akin kasi na pagod na daw sya sa pag a bantay sa kin. Dahil pag may ma sakit akong naramdaman. Humihingi ako ng tulong sa kanya. Pinatay daw ng lola ko ang ilaw namin para di na ko maka destorbo sa kanya. Humingi daw ako ng tulong sa mga tao sa labas. Upang ibalik o I repair ang ilaw namin. Dami daw tao sa labas ng bahay namin. Anong ibig sabihin ng panaginip ko

    • @PhilippineOneFoundation
      @PhilippineOneFoundation  Рік тому

      Hello, base sa panaginip mo ay mayroon kang pinagdaraanan ngayon. Kung anuman yan ay tatagan mo ang iyong kalooban at solusyunan mo ang bawat problema.

    • @elizabethgalvez2066
      @elizabethgalvez2066 Рік тому

      Hi po ako po asawa ko isang beses ko lng npnaginipan mula ng yumao xa at malayo pxa ntanaw ko lng tas ank ko prng lagi xa nbntay sken pero 3 x ko lng xa npnaginipan sbi p nia gusto nia ung bumili ako ng maanghang n pagkain n lgi nia inoorder s work nia ano po kya ibig sbhin nun magksunod po yumao asawa ko at ank

  • @princemendoza2683
    @princemendoza2683 Рік тому

    nanaginip po aqo nawala daw ung cellphone qo... nd qo po alam bkt nasa palengke aqo, at ung cellphone qo po ay nasa pitak dun nawala..

  • @princessjewelacosta8334
    @princessjewelacosta8334 Рік тому

    😢

  • @mamaleah5529
    @mamaleah5529 10 місяців тому

    Napanaginipan ko po ang tatay ko na may tinuturo sa akin toz hindi ko maintindihan kung ano, ano kaya ibig sabihin non?

  • @lizzyofficialchannel4899
    @lizzyofficialchannel4899 2 роки тому +2

    Asawa ko almost every night naiiyak padin aq... Last Dec 3 2020 xa nawala... Pero lagi ko padn xa naiisip. Halos sa knya na kasi umikot ang mundo ko sya lng nakakasama q palagi. Sana maka move on na aq kasi alam q lagi nya aq dinadalaw cguro nakikita nyang naiyak padin aq😥

    • @yanz2745
      @yanz2745 2 роки тому

      pareho lang tayo masakit padn naman 2019 po sakin hirap talaga araw at gabe iniisip kpa sya.

    • @maricelmacra5635
      @maricelmacra5635 2 роки тому

      xame lng tayo .mahirap mag move on lalo n kapag asawa mo .

    • @leacarlos211
      @leacarlos211 2 роки тому

      Sobra pong hirap..lalo na po kapag puro kabutihan lang po ung lahat ng pinakita nya 😢😢😢

    • @maverickjibreel4147
      @maverickjibreel4147 Рік тому

      sobrang relate po ako sa inyo. Asawa ko po namatay nung 2021 hanggang ngayon di ko pa rin matanggap kaya palage ko pinag ppray na tulungan ako ni Lord na matanggap na wala na sya, Sobrang bait po kase ng asawa ko wala kaming bad memories sobrang namimiss po namin sya ng anak ko. Kinakausap ko sya nagsosorry ako kase sabi nga nila tanggapin ng maluwag sa kalooban pero di talaga ganun ang nararamdaman ko kaya si Lord na lang bahala. Sobrang sakit mahal na mahl ko po kase sya.

  • @edcelramos06
    @edcelramos06 2 роки тому

    good am po napanood ko po ang vlog nyo,namatay ang lola ko noong nov.19,2019,mula nong namatay siya hanggang ngayon gabi gabi ko siyang napapanaginipan,halos gabi gabi ko po siya napapanaginipan hanggang ngayon.kasi po mula maliit po ako hanggang sa mag asawa ko at magkaanak ako sya po ang nag alaga sa akin subrang mahal na mahal nya po ako.subrang mahal na mahal ko po ang lola ko kahit wala na siya.ano po ibig sabihin na gabi gabi ko po sya napapanaginipan mula nong namatay sya hanggang ngayon.

    • @gma484
      @gma484 2 роки тому

      pamisahan mo ang kaluluwa niya dahil ikaw lang ang makatulong

  • @user-mc4si4wj2v
    @user-mc4si4wj2v 28 днів тому

    Dinalaw ako ng yumao ko kapatid ano po ba ibig sabihin na hinawakan n'ya ko kamay ko at hinalikan

  • @user-yp3fs3ju1b
    @user-yp3fs3ju1b 6 місяців тому

    Panaginip ko po Yong Kuya ko.patay na.tinawag nya ako.sabi nya uwi na daw kami.

  • @user-mn6tl7zw5b
    @user-mn6tl7zw5b 9 місяців тому

    Hai poh Kong kung patay na task umiyaak xa sa harapan mo nag USAP kayu at nagkwentohan anong ibex sachin nun Salamat poh

  • @Agilangridercavite
    @Agilangridercavite Рік тому

    Kagabi lang tatay ko na nman ulit.basta po gabi gabi kp napapanaginipan basta isa sa kanila.

  • @wengrobinsonvlog4706
    @wengrobinsonvlog4706 Місяць тому

    Bakit po ilang Beses kuna napapa naginipan ko lagix noon ung husband ko laging NASA tubig at lagi nya ako hinahabol?

  • @jhenpistonchannel1289
    @jhenpistonchannel1289 Рік тому

    Hi po late tanong po madam at magandang hapon po sayo..yung lola ko po lagi ko napapanaginipan at malinaw po ang mukha nya sa aking panaginip minsan po kasama ko pa sa kainan pero kung ano po ang hitsura nya nong na matay ganun din po sa panaginip ko minsan po nakakausap ko sya sa panaginip ko ang lola ko ano pong ibig sabihin yun..

  • @evelyngloriane7459
    @evelyngloriane7459 2 роки тому

    Madam palage ko po napapanaginipan asawa ko patay n poh xia nong June 9 sabi ko s knya kelan balik niya sagot nia sakin babalik ako pero parang bata na

  • @emperorpaluwagan
    @emperorpaluwagan 4 місяці тому

    Ano po ibig sabihin ng Patay na naka burol sa panaginp pero Wala syang kabaong sa sahig lang

  • @ignaciobuzar2084
    @ignaciobuzar2084 2 роки тому

    Yan lhat nkita ko s panaginip ko ang tatay ko at nanay.. Sinbi nila s akin nsa maayus sila.. Maaliwalas n mukha

    • @PhilippineOneFoundation
      @PhilippineOneFoundation  Рік тому

      Ayaw na kasi nila na nag aalala ka pa. Saka nais na rin nila na makapag move on ka.

  • @edelinetimbol4344
    @edelinetimbol4344 2 роки тому

    ako po napanaginipan xa twice na, knausap q xa at aq umiiyak sa panaginip niyakap nya q at bgla nawala..

  • @maritesbernabe396
    @maritesbernabe396 3 роки тому

    Paanu po kung ang mukha eh blurred pero alam mo sa sarili mo na siya yun sa panaginip mo

  • @hitomidakzkaminaga591
    @hitomidakzkaminaga591 2 роки тому

    ako po bunso sa 7 magkakapatid namatay na nanay nmen nung december 30,2019, plge ko sya npapangnipan pro mga kapatid ko hndi rw nla noapanagnipan ako lang at ibang mga pmangkin ko.

  • @msison4872
    @msison4872 2 роки тому

    palagi ko po napapaginipan ung namatay kong asawa pero bkit ang gulo sa panaginip ko po hindi ko alam n patay n sya...

  • @rosarios.empleo2428
    @rosarios.empleo2428 2 роки тому

    Gd morning po maam lagi po akung nanaginip na .Mga kaluluwa ano po ibigsabin ng mga ganyan

    • @PhilippineOneFoundation
      @PhilippineOneFoundation  Рік тому

      Ipagdasal mo ang kanilang mga kaluluwa na di pa
      nagagawang tanggapin ang kanilang kamatayan.

  • @pogiako4125
    @pogiako4125 Рік тому

    boss napanaginipan ko yung lolo ko na diko naman siya naabutang buhay. nakahiga daw kami at nakayakap daw ako sakaniya kasama namin lola kong buhay pa sabi ko love na love ko sila . hindi ko po nakita mukha ng lolo ko sa panaginip at hindi korin po alam ang mukha niya alam kolang mapayat siya
    ano po ibig sabihin?