Episode 37: Language Delay or Disorder? What's the Difference? | Teacher Kaye Talks
Вставка
- Опубліковано 26 лис 2024
- Hey hey, it's Teacher Kaye!
So the doctor said, "Your child has a language delay" or "Your child has a language disorder," do they mean the same thing? Not exactly, but they will both benefit from early intervention.
#languagedelay #languagedisorder #diagnosis
Concerned about your child? Consider these next steps:
consult your pedia if a referral to a Developmental Pedia is necessary,
get in touch with me for an informal clinical impression.
Facebook: / teacherkayetalks
Instagram: / teacherkayetalks
Kumu ID: teacherkaye
Resources and Blog: www.onedaykaye...
PLAYLISTS:
Teacher Kaye Talks - Tips on Language Development and Stimulation: • Teacher Kaye Talks | S...
Teacher Kaye Sings - Original Filipino Children's Songs: • Teacher Kaye Sings
Live Consults / Libreng Konsulta - Q&A Live Stream Sessions: • Live Consults | Teache...
* *
I'm a certified Speech-Language Pathologist based in Metro Manila, Philippines.
Mas matimbang po ang delay sa baby ko which is turning 3 this july. Napa sobra ata ang pag bbaby namin sa kanya and sobrang nababad sa tv and cocomelon, iba iba pa man din ang language din na narrinig sa bahay like english, korean and tagalog kaya siguro nahirapan siya. Medjo poor ang eyecontact niya pero pagka nakikipag laro or nag ddance kami or nag ssing natingin siya madalas sakin.. Medjo hirap lang niya ako maintindihan pag inuutusan at medjo hirap din mag salita pero nag ttry na siya kahit papano. Napaka laking tulong po ng videos ninyo. Nawa'y wag po kayong mag sasawa ❤️🙏
Hi Teacher Kaye bago lang po ako dto sa channel nyo, 4 yrs. Old na po anak ko may global development delay po sya, laking tulong po ang mga videos nyo at madami po kami matututunan para maiguide ang anak namin, salamat po Teacher Kaye.
Thanks so much po... Naliwanagan na din Ako....❤
Teacher Kaye sobrang blessed ko na napapanood kita. Sana mas marami ka pa maturuan. Nagagamit ko lahat ng tinuturo mo sa anak ko. And nagiimprove siya 😚
Hi Kaladkaren! Sobrang masaya rin akong napadpad ka dito, at na nag-iimprove ang inyong anak! Thanks for sharing your progress! ✨
Iam glad I found you teacher
Bago lang ako dito sa channel mo
Ang bunso ay nya developmental speach delay
Thank you teacher kaye ang laking tulong po nito para saken ❤️
It took me 5 minutes of listening to realize that you were speaking in two languages, not one. Because that's how people sound to me all the time. At 68, I have a language processing "delay" that they thought I "outgrew" but I just learned to mask.
Hi Ms kaye, im glad i found you❤
My 8 yr old girl is having a hard way to construct a sentence mostly in tagalog,not all words in tagalog is familiar sya,lalo na sa mga diffrent tenses, but slowly i teach her as often as i can, she knows reading,writing and can follow instructions..
I provided her story books and slowly i taught her to understand and later on she can tell something what she has read,and what i do is read it again, explain to her and translate it to tagalog..then followed by question activity and i can clearly said that she is doing well..the hardest part is di nya masabayan sa discussion mga classmates nya..Since she is still in ODL i pushed her to say this and that silently in her class ,just to show that she is participating..pandemic was very helpful because i knew what was lacking on my girl, but parang mabagal, as a mother kung susumahin ko yung verbal communication nya is pang 4 years old..help me pls Ms Kaye🙏
Pacheck up nyu po developmental pidea.
Hi Harper, sorry for this late response.
Does your household converse in Tagalog? If not really, then it is her familiarity with the language, and not so much her comprehension?
Though the information I have is very limited to what you described -- does she have trouble with any other aspect in school?
Parehas po sa anak kung 8 yrs old boy ..
Thank you teacher kaye..sobrang blessing n nkita ko tong video nyo s UA-cam..parang blessing in disguise po kayo tlga.bigla n lang kasi nag appear ung videos nyo habang may pinapanood ako...godbless po tlga ang dami kung natutunan s mga videos nyo.💖🥰😊
I'm worried sa speech development ng baby ko.Thanks Teacher Kaye.
Galing mo mg explain maam..nabunutan ako ng tinik..i hav 4 yr old son 3yr 10months...i know speech delay lang sya.. siguro dahil sa tv o gadget ng 1 yr old pa sya
Same with my son
teacher kaye, ang baby ko po ang 2yrs and 7months, pero d din sya nkakabuo ng words like mommy or dede , pag may gusto siya hinihila nya kami at misan my ksama pang pag iyak,, arw araw ko n po sya tinuturuan now ng alphabet khit pano nkakapag recognize n sya ng letter pero pag sya lng po mag isa, pag tinuturo nmin, nkatingin lng sya at ayw mag talk, , sobrang dalang po nya mkipag eye contact, kulang po tlga communication skills nya, pg my natututunan syang action s nursery rhymes n pinapanood nya, once n ntutunan n nya ito, d npo nya ulit ginagawa, ng ssmile nlng po sya minsan., d ko po alm kung need ko na ba sya ipachek up.,ang laruan lng po na ngustuhan nya ay puzzle n shapes, kulang din po sya ng emosyon, poker face po lagi, at walang eye contack,
Hello! Kung kaya pong magpa-assess na sa speech therapist, mas mabuti po para maihabol na po yung skills na di pa niya nagagawa. By 3 years old po kasi, dapat nakakapag-kwento na po ang bata, kahit maiikli lang, tulad ng, "kanina kain ako cookie."
Yung alphabet po ay hindi niya naman magagamit para makipag-usap, so mas magfocus po tayong ituro yung magagamit niya para maka-communicate sa inyo. Yung mga functional sa pang-araw-araw, tulad ng mga actions like "hingi" "buhat" "kain" "inom" or mga pangalan ng laruan niya.
Kung nanonood ang bata ng videos, kahit po "educational," itigil po muna, mas lalo kung nakakapansin tayo ng kakaibang behavior. Gusto natin masigurado na hindi ito factor sa kanyang developmental delay. Subukan niyo po muna ng 1 to 2 weeks, at tignan po natin if may mapansin kayong improvement sa behavior and overall attention.
Andito ang paliwanag kung anong nangyayari sa brains ng baby kapag nanonood ng videos: ua-cam.com/video/OmZvmt-6Zug/v-deo.html
Signs of Screen Addiction:
instagram.com/p/CRJYfz7j_wq/
Sana po ay masubukan natin ito para ma-rule out natin na ito ang sanhi ng kanyang speech delay.
Baka rin po makatulong na makita nyo ang video na to, para malaman natin kung may ibang rason sa kanyang speech delay: ua-cam.com/video/9nNh5DR7wbQ/v-deo.html
Balitaan niyo ho ako kapag napractice at nagawa na po ang ilang ito.
Thank you so much teacher Kaye sa iyong mga videos. Very helpful ang iyong mga videos.God bless always😊😊😊
hi teacher kaye thanks to u for these infos.. i have 3yrs old son and i think he has language delay.. he grew up on pandemic years so hes more on watching yt that we think caused his english language not tagalog.. he had hard time catching up tagalog.. so we think he's confused.. so delay then.. this video cleared my thinking that my son has autism.. just worried about that but he has no signs of autism as i watched on your other videos.. Thanks teacher Kaye more power to your vlogs.. Godbless u and ur love ones.. ❤️
Same here mommy , hirap din magtagalog ang anak ko english din ang salita niya .. lumaki din siya ng panahon ng pandemic kaya more on cellphone din siya .. akala ko din autism yung anak ko pero wala din naman siya sign ng pagiging autism ..
Same mommy, super same cmula pandemic 3mos p lang nkkpanganak , ns loob n at nd nklabas kya napasubo s gadget..andami naman nssabi words alphabets, colors mga vehicles etc pero ung makipag communicate samin kkonti pa, halos nd nya maintndihan pg tagalog pg english smsunod nmn po
Hi teacher Kaye salamt Po these infos..I have 3 yrs old son pp I think he has language delay Po..he grew up on pandemic years..kaya more on gadgets Po siya..nakaka salita Naman Po siya ma'am pero hnd Po gaano ka straight..kaso may napansin lng Po Ako na lagi Niya ginagaw...lagi Po niyang kinakagat ung kuku Niya....
Parepareho po pla tayo ung anak ko nagaaral n ngdaycare sabi ng teacher ipachek up ko daw kc spech dlay nga daw 4 years old n cya pandemuc baby din cya at english lng naiintindhan nya kaso sa scholl nila tgalog d tuloy cya mkasaby ang skit lang sa feeling ung gnun ang coment ng teacher ng anak ko
@@angierosemayores3230 ung 2 yrs old twin ko po mejo hirap mag salita pero pag hilig nila kumanta
Anak ko 6½ hirap sa expressive and receptive language. Good thing nakita ko'to.kahit pano alam ko na na language delay sya at hindi disorder.thankyou² so much doc.hope to get some tips/advice on how to deal language delay(expressive and receptive).thanks and Godbless.
Hi Catherine! Lahat ng videos ko dito ay mga pwede niyong subukan sa bahay na techniques for speech delays. Sana maka-subscribe po kayo para mabalik-balikan niyo yung mga videos, at makita niyo kapag may bago pa akong videos para makatulong sa inyo ✨️
Well explained teacher. Salamat po
Walang anuman ✨
Hi teacher kaye...tnx po kc mas nauunawaan ko ngaun kalagayan ng baby girl ko...3yrs old n po xah then un pagsasalita nya ay d p rn buo.kka 3yrs old lng po nya nung aug.31.tpos kkaresign ko lng dn po nung aug.25 kya madalang po un co.municate nmin mag mommy.un panganay ko pong 10yrs old un nagbbantay s knya nung mga tym n my work po ako..ngaun o nagiguilty pi tlaga ko kc soeech delay po xah pro nkkaintndi nmn po xah at nasasabi un huling tunog ng salita..utal nga lng pi xah
Hello! Thank you so much for sharing this, kasi sigurado akong maraming makaka-relate! Syempre kailangan niyo rin po magtrabaho, and it's natural to feel guilty, PERO mas importante that you are more aware, we keep learning, and magawan natin ng paraan matulungan si baby ✨
1st advise ko po is: kung nanonood ang bata ng videos, kahit po "educational," itigil po muna, mas lalo kung nakakapansin tayo ng kakaibang behavior. Gusto natin masigurado na hindi ito factor sa kanyang developmental delay.
Subukan niyo po muna ng 1 to 2 weeks, at tignan po natin if may mapansin kayong improvement sa behavior and overall attention.
Andito ang paliwanag kung anong nangyayari sa brains ng baby kapag nanonood ng videos: ua-cam.com/video/OmZvmt-6Zug/v-deo.html
Signs of Screen Addiction:
instagram.com/p/CRJYfz7j_wq/
Kung sakali lang po itong na-iwan si baby na nanonood ng videos habang kasama ang kapatid, kasi hindi rin naman alam ng kapatid kung anong mas mabuting gawin.
At dahil 3 years old palang po si baby, maaaring yung pananalita nyang "utal" ay baka karaniwang proseso pa? Please watch my latest video, and may part 2 po yan this Wednesday!
ua-cam.com/video/8It3FQ-bLg8/v-deo.html
Kapag mas madalas sumesenyas pero di nagsasalita, ito ho:
ua-cam.com/video/wNfHEgG0jaQ/v-deo.html
Para dumalas ang pag-hingi nya sa inyo ng mga bagay, imbis na siya mismo kukuha o gagawa:
ua-cam.com/video/HzmHVBncick/v-deo.html
Suportahan ko po kayo, wag po panghinaan ng loob ✨
Hello Teacher Kaye, thank you for taking time and effort in explaining every single details we need to know. ♥️♥️♥️
Thank you for trusting me ✨
Hello teacher..
Bago lng Po Ako dito..
Salamat sa mga advice Marami akong natutunan na maaaply sa dalawa kong anak.
My son 2 yrs old nakakaintindi naman sya pro Hindi sya marunong magsalita...
Pag inutusan ko naman sumunod nmn sya naiintindihan nya kaso Ang pagsasalita nya ay Wala Kang maiintindihan sa kilos nalang nya ako makakaintindi.
Pra sa 6 yrs old son ko naman Ang pag sasalita hindi katulad Ng ibang bata na fluent magsalita..
Para syang pang 4 yrs old kung magsalita na sya..
May feeling ako delayed yong 6 yrs old son ko teacher...
Teacher kaye yung anak ko 5 yrs old nauutusan sya kpag tinawag mo sumasagot sya nag aaral din po sya kinder sya ngaun ang problema lang po utal sya mag salita di po sya nkakabuo ng word . Kpag sinabi mo banana sasabihin nya ambana tpos po kpag tinanong ko sya saan sya galing ganito sya magsalita" Don baay " Kpag po bibili sya ng piatos sasabihin nya " Bili Atos" Kpag po tinanong ko sya kung ano ginawa nila sa school di po nya masabi or kung sino po nkasira ng gamit nya ganun po
Thank u po teacher kaye
Thank you very much,Teacher Kaye! 👩🏫❤👶🤙
You're welcome 😊
Thank you teacher marami po ako natutunan sa channel niyo,
Yung sa lo kp po naiintindihan nya pag may inuutos sknya kaso hindi pa po sya nakakapag salita.. Mag 4 years old na po sya ngayong october..
Ung anak ko din,3 years oldnd 4 months na,d pa talaga cya strait magsalita,magsalita 1 word lang,tapos minsan pag tinatawag d makikinig,
Thank you Teacher Kaye for the information
You're welcome, Angeline! Thanks for being here ✨
Happy bday teacher kaye😊
Thank you so much! 💖
My toddler can say alot of words, mummy , daddy , when you call his name , he turns to look at you, understands the word stop, and no. That's about it. He makes eye contact, and smiles , just fine . But I sense he doesn't understand much .
Happy birthday teacher kaye!
Thank you! ✨
Eto ang problema ko? Saan po/kanino po ba dpat magpacheck up ng bata sa gnito sitwasyon pra malaman ang difference nyan kung saan anak ko sa dlwa?
Hi Teacher Kaye, nahanap ko lang po videos nyo dito randomly but still a blessing 😊 I have 3 yrs old baby boy, nkaka sing po cia then pag may gsto ciang gawin or pagawa, through action nya po pinapakita pero hnd pa rin po consistent ang eye contact nya.. as of now, hnd pa rn po nmen cia napa-assess kc po wla pa pong budget.. ano po kaya pwd nyong advise smen? thank you in advance po
Hi Jenilyn! Masaya akong naparito ka ✨️ Sana makatulong ako.
Kapag nakaka-kanta pero di nakikipag-usap, ang una nating gustong subukan ay tignan kung saan galing ang mga nakakanta nya, at baka nasosobrahan.
Kung nanonood ang bata ng videos sa TV o sa gadgets, itigil muna ito, kahit 2 linggo muna, dahil may epekto ito sa language development ng mga bata. Kung walang ibang kalagayan ang bata, asahang makakita ng pagbabago sa kanyang attention, at maaaring maenganyong mas magsalita ang bata.
instagram.com/p/CRJYfz7j_wq/?
Tungkol sa Screen Time:
ua-cam.com/video/OmZvmt-6Zug/v-deo.html
Kapag madalas sumenyas o magmwestra kesa magsalita:
ua-cam.com/video/wNfHEgG0jaQ/v-deo.html
ua-cam.com/video/HzmHVBncick/v-deo.html
Kung nahihirapan sa eye contact, o pagtingin pag tinatawag, subukan ito:
ua-cam.com/video/o7o7YKGW3ho/v-deo.html
O baka kaya'y hindi siya comfortable sa eye contact:
ua-cam.com/video/tLRSkxXxusM/v-deo.html
Sana masubukan ninyo at obserbahan ang bata.
Hello teacher kaye! I'm new here po, sa totoo lng po natatakot ako para sa anak kopong si Kr, nung 2 yrs old po kc xa kabisado nya na ung A to Z and 1 to 10, nung mag 3 yrs old nxa until now parang bglang dnpo nya kbisado, pero pag binibilangan kopo xa ng 1 to 10 sinsbi nya ung 8,9,10. Tpos kumakanta nmn po xa sinsbyn po nya mdlz ung mga nursery rhymes pero dpo maintindihan, dati po nasabi nya na ung mama,pero ngaun po dnya na binabanggit, pinaguulit ulit kopo ung mommy pero dnya msbi po, tpos sakin may time na lumilingon xa pag tinatawag ko pero may time na hindi po lalo kpag nanunuod xa ng vids like cocomelon, pero marunung nmn po xang sumunud like pag pinapaupo koxa sa sofa kc minsan nagtatatalon xa sumusunud nmn po, nag aalala po kmi ng asawa ko kc pag may gusto xa pagwa like papalipat ng palabas sa tv kinukuha nya lng kamay nmin tpos ddlhin sa remote ung kamay po nmin, by the way po 3yrs and 4 months npo xa. Nid npo ba nmin xang ipa assess po? And pag dindala po namin xa sa laruan ng mga bata dpoxa naglalaro umiiyak po xa na parang takot po sa maraming tao. Dpo kc nmin xa npag lalalabas nung panahon po ng pandemic po eh. Sana po msagot,thank u po!😊
hi teacher kaye yong daughter ko po 4 years old na sya ngayon pero hindi pa sya nakakausap pero nagsasalita naman po katulad ng lahat ng colors , alphabet , numbers at shape kabisado nya na nkakabasa narin sya ang kulng po sa knya hindi siya namamanduhan at nakikipag usap pero pag gusto nya humingi ng water or milk nagsasabi sya .
Hello po tecaher kaye
May 3 year old po akong anak , nakakapag salita naman po sya like nanay , tatay , mommy daddy ,nakakatanda narin naman po sya nun mga kanta alpahabet , number , animals ,alam na rin po nya yung pangalan nya,pag kinakausap kopo sya sumasagot naman po pero di po kagaya nun ibang ka age nya na tuloy2 ang imik .pag inuutusan ko sumusunod naman po sya. Pero minsan po hindi sya nakikinig pag masyado pong libang sa paglalaro o panunuod .
Hello po teacher Kaye,first time here,my son turning 4 years old this august,pero subrang bulol pa po nyang magsalita,and more on English po ang salita nya,pero bulol dn po,normal po ba un?thanks po teacher Kaye and God bless you always po😊
thanks for the info, keep safe
You're welcome, and thank you! ✨
Hi teacher kaye bago lng po ako dito...2 yrs.old son ko po some na sasabi ok nauulit nya pro hindi nya naiintindihan yun tpos wl syang eye contact pag kausap ko sya...
This is very helpful. My eldest son has autism and at the same time hyperlexia (have you heard about it?). I have a second child, naturally I’m more praning on his language milestones.
I'm glad to provide you the support you need, feel free to browse my other videos, or let me know if there's something you're curious about that I haven't covered.
Yes, hyperlexia is soooo interesting, and if you have a therapist, please take advantage of his hyperlexia to target goals ✨
@@TeacherKayeTalks My son has speech therapy for about 4 yrs now. He was born in SG and we are still based. He does not speak Filipino. Is it OK to learn a second language?
Teacher kaye saan po kayo makakausap online pls help me
Hello teacher kaye try ko lang po if masasagot pa nila kasi matagal na tong video niyo po.
I have a son turning 5 na po. Madaldal actually at lahat naman ng sinasabi namin ay nagagawa niya pero medyo hirap po siyang mag express ng sentences niya. Parang di po niya mabuo. Pansin ko rin kapag ibang tao ang kausap niya lalo na sa umpisa at di siya familiar sa question or sinasabi di niya masagot. May pagka bulol pa din po siya. Pero super galing magmemorize at nakakabasa na po. Pinasok ko po siy sa play group at napapansin ko naman na apaka daldal niya sa classmates niya. May mga bagay lang talaga siyang di mo mpipilit gawin niya tulad ng pagkanta pagsayaw at pictures. Kaya kapag ganun activity di po mapilit ng teacher?
Thank you teacher! I thought same lang yung language delay at language disorder. Kaya pala yung sa anak ko 3yrs old language disorder yung diagnosis ni doc. Kasi lahat naintindihan na halos ng anak ko kapag sabihin ko na "go get your blanket and wait for mom in the bedroom" kukunin nya yung blanket nya nasa couch tapos punta sa bed. Pero yun nga po tig one word lang nabigbigkas nya. I'm eager po na malaman yung mga nabanggit nyo pong mga may "XIA".
It's been a year mommy, how was your kid today? I have the same case...
Thank you po teacher kaye . Sobrang nag alala po ako ng mapansin ko na inuulit lang ng anak ko yung mga sinasabe ko sa kannya . Pero ng mapanuod ko po ito . naintindihan ko po . Yung anak ko po kasing 3 yrs old . Nakakapag salita naman po sya at nag re response naman po kapag inutusan at tinanong sa mga bagay na alam lang nya .minsan lang po Kapag me sinasabe ako sa kanya parang dpo nya maintindihan at inuulit lang po nya sinasabe ko .example po ng ligo Kana Nak . Tapos sasabihin nya din po sa akin .ligo Kana Nak .
Hello!
This sounds more like Echolalia, here is my video, sana makatulong sa inyo:
ua-cam.com/video/CFyPzpvX4TM/v-deo.html
Let me know if the tips in that video help you! Kung kaya pong magpatingin, mas mabuti rin pong magpa-assess sa speech therapist, para malaman kung paano siya tutulungang makahabol sa mga skills na kailangan niya, para mabawasan ang paguulit ng sinasabi ✨
Helo sis same sila nga ank q nun mga 4yrs old sya lahat ng itinatanong nmn sknya ginagaya nya lng dn..pero simula ng hinayaan q sya mkipag laro s lbas kasma mga kalaklro nya natuto sya sumagot kpag tinatanong nakakaintindi kpag inuutusan..ngaun ang prob q d nya kayang mkipag usap ng mahaba like ng kwento gnun..tas pag may ipapakabisado n maiksing sentence d nya kaya 5yrs old n sya ngaun....teacher kaye ano po kya prob s gnun sitwasyon nid nya lng po kya kausap kausapin lng pra maderetso ung speech nya or may something po tlga sknya.?
Thank you for this teacher Kaye 😍 Mas malinaw na po sa akin ang diagnosis ng anak ko. Ako nga po pla yung AquaAustic na nagcomment sa inyo last time about learning and language disorder
Hello, happy to help! Salamat din for inspiring this episode ✨ Sana marami tayong matulungan with this info 🤩
👍🏿 Thank you Teacher Kaye!
Very well said po.
Yunh anak ko po 7yrs old na, anu po sknya teacher kaye, nakakaunawa po sya nasunod din sya, nasagot din po sya pero slow po sya hnd agad nasagot, sabi nga ng pinsan ko maybe delay lang sya.
Belted happiieesstt birthdayieeessst teacher kaye!!😍😘😘😘
Thank you, thank you so much! 🥳 I can feel the joy! ✨
Hi Teacher Kaye, my son po is turning 3yrs old na po nxt yr. (January) sobrang nag aalala po ako na di pa rin po siya nakakapagsalita. May mga nasasabi po siya pero kakaunti lang, gaya po ng.. mama am-am, car, wow, baby, kat-kat(name po ng kapatid ko). Yun palang po ang kaya niyang masabi pero di po ganun kalinaw pagkakabigkas niya. Parati po siya nanunuod dati ng videos na halos araw araw at tumatagal po tlaga ng ilang oras. Bago din po siya mga 2 yrs old sumobsob po siya sa sahig habang tumatalon kaya po natanggal 2 ngipin niya sa itaas, iniisip ko din po baka isa rin yun sa dahilan bakit di siya makapagsalita. Madalas po tinuturo lang niya kung ano ang gusto niya. Nagwoworry po talaga ko
Hello Simon!
Noong nasubsob po ba yung bata dati, hindi naman po nasuka ang bata pagkatapos? Nakapagpa-check up ba pagkatapos?
Magandang sign po na meron naman siyang nasasabi, ibig sabihin kaya niyang matuto!
Bago makapag-sabi ang bata ng mga words, dapat nakailang-ulit na nila itong narinig at nakita kung paano ginamit.
To work on receptive and expressive vocabulary, here are some videos with techniques and activities you can practice para matulungan siya to learn more words that are meaningful sa kanya.
- episode 41 on Following commands ua-cam.com/video/nv1TQJv7xRs/v-deo.html
- episode 12 on Action Songs ua-cam.com/video/Yfn3iFiTklI/v-deo.html
- episode 44 on pointing ua-cam.com/video/IeLrLfWirVQ/v-deo.html
- episode 17 on object identification ua-cam.com/video/A2Y1GG2WJ7Q/v-deo.html
- episode 13 on Yes/No ua-cam.com/video/64SsrKgamhQ/v-deo.html
- episode 10 how to read books to babies ua-cam.com/video/RgaeneqlpTc/v-deo.html
- episode 5 on sounds to words ua-cam.com/video/mT3iKlDXxsc/v-deo.html
Para madugtungan ang mga salitang nasasabi na niya:
Extension / Expansion ua-cam.com/video/vnogwBiPm14/v-deo.html
Sanayin niyo pong ganito makipagusap sa bata PALAGI, pag mas maraming naririnig na words, lumalaki ang chance na may mapulot siyang bagong salita.
ua-cam.com/video/5xWLHDfzLZc/v-deo.html
Kapag mas madalas sumesenyas pero di nagsasalita, ito ho:
ua-cam.com/video/wNfHEgG0jaQ/v-deo.html
Para dumalas ang pag-hingi nya sa inyo ng mga bagay, imbis na siya mismo kukuha o gagawa:
ua-cam.com/video/HzmHVBncick/v-deo.html
Kung nanonood pa rin ang bata ng videos, kahit po "educational," itigil po muna, mas lalo kung nakakapansin tayo ng kakaibang behavior para sa kaniyang edad. Gusto natin masigurado na hindi ito factor sa kanyang developmental delay. Subukan niyo po muna ng 1 to 2 weeks, at tignan po natin if may mapansin kayong improvement sa behavior and overall attention.
Andito ang paliwanag kung anong nangyayari sa brains ng baby kapag nanonood ng videos: ua-cam.com/video/OmZvmt-6Zug/v-deo.html
Signs of Screen Addiction:
instagram.com/p/CRJYfz7j_wq/
Balitaan niyo ho ako kapag nasubukan niyo na pong:
- 0 screen time
- practice lahat ng technique dito for at least 2 weeks.
Kung walang ibang kundisyon ang bata, aasahan makikita tayo ng progress. ✨
Teacher Kaye problema ko Po Ang anak ko kc 1yr and 9 months n Po eh iilan plng n salita Ang nababanggit nya.natural lng Po b un ?
My 2 apo are diagnosed ..the 4 yr old are level 2 and the younger are level 3...it makes me nervous..the other can speak but cant communicate that much..the other one is not responding to her name
ung anak ko po 4yr n old n po pero alam n niya ung abc kahit rambol po siya alam niya magbilang hanggng 1 to 100 at marunong n po magsabi n bye at dede di lng po siya sanay comvertion pls reply po
Hi po Teacher Kaye! Yung baby ko po na 2yrs old. Hindi pa po sya nkakapagsalita ng like 2words or more. Pero nababanggit nya naman po yung like mama papa dede and kapag gusto nya po magwash ng hands. Sasabihin nya po wash. And nkakasunod naman po sya pag sinabi ko po na kunin yung laruan at ibigay sakin. Yun po. I am just a little bit worried because my first born maaga po sya nagsalita eh.
Good day poh. Hnd poh tlga aq mpgcomment d2 s youtube. And this is my 1st time poh kya sna poh mbasa nyo at mtulungan nyo ko. Meron poh aq pamangkin 4yirs old girl, hnd p poh xa nkkpgsalita den meron poh flapping ng hands at mzydo poh active. Meron dn poh tip toeing. Anu poh kya un? Den nu poh need nya speech therapy or occupational therapy? Slmat poh.
Hi teacher! I am new here, thank you for the learnings. I just wanna ask what if a 4yrs old child has very low receptive and expressive language? I hope you can answer my question. Thank you
Gud pm dok,, ung bunso q po hirap xa sa 2 way communacation diagnose xa n autism.. Level 1
Hi teacher key sana po mapansin po itong tanong ko yung anak ko po kasi 4yrs old na nahihirapan pa din po sya mag salita kumbaga ngyon palang po siya natututo pero nakakaintindi naman po sya nauutusan at nakakasunod po sa lahat ng bagay problema lang po talaga yung salita nya madaldal po siya pero my mga ibang words po siya na hindi mo maintinidihan
Good Day Teacher kaye.
2 yrs old and 5 months na po ang anak ko. Pero ang nasasabi po nya eh bilang na bilang lang. Factor din po ba ang pagiging multi lingual na environment ng bata? Nasa europe po kasi kami. Ang naririnig po nya sa daily life nya eh german/english/ tagalog language.
Factor po kaya eto kaya may speech delay ang anak ko? Sa tingin nyo po confuse sya sa kung anong language gagamitin nya to communicate?
Thank you teacher kaye
Hello! Mga ilang words na po kaya ang nasasabi ni baby? Please use this guide to check kung anong considered as a "word": ua-cam.com/video/V1kmFVr9Ugk/v-deo.html
Include words na posibleng German yung pinanggalingan sa pagbilang. Importante po itong step na itong paglista para malaman natin kung pasok sa milestones yung # of words ng anak ninyo. By 2 years old, dapat meron na siyang at least 20 and up to 50 words for common objects, actions, greetings, etc.
Sa mga typically developing children, walang issue yung multi-lingual environment, because the brain has the capacity to actually absorb all of them very easily up to 3 years old. They may not know that they are called English or German, but yung tunog ng mga salita, nalalaman nilang magkakaiba ito and will have no problem picking up words from different languages, if presented to them meaningfully. I've been meaning to make an episode about this kasi ang dalas na rin siyang tanungin sa mga livestream ko. I'll try to give a more detailed explanation in the coming weeks.
Ito po ang mga important things to remember when trying to build their vocabulary: ua-cam.com/video/Y_TbJODtXQo/v-deo.html
kung maari, sa lahat ng panahon, ganito kayo mag-usap sa bahay para dumami ang mga napupulot niyang salita: ua-cam.com/video/5xWLHDfzLZc/v-deo.html
Sana makatulong ito sa inyo! ✨
Hi teacher kaye, can you recommend any public clinic or hospital? I'm planning to get a check up for my 2 year and 7 months old son. He hasn't spoken any words yet and he keeps on bumping his head on the floor and wall if he's upset.
Hi teacher kaye yung anak ko po nagsasalita na sya bago pa po mag 1yr old pero after sa maoperahan ng intusuception mga 2yrs na unti unti nwala yung mga words na nababanggit nya dati possible po ba na maapektuhan sya sa gamot kaya nkikitaan po namin sya ng sign ng asd?
Mam gud evening ako po mam lalaki kong anak mg4 years old now june pero alam plng salita mamama papapa bababa.last year mama LNG po buti po ngaun may papa na po pero ibang salita wala pa po pro sinusubokan niya po.ano po kaya dapat gawin
hi po teacher, laking tulong po s akin ang mga videos nyo, nanny po kasi ako ofw, ung alaga ko po diagnosed sya as spectrum,now po 8y/o n sya ok nman po sya nakakapag aral matalino sya pag interesado sya s topic pero medyo bugnutin po sya and lately po nananakit po sya naninipa po or nagnhahampas, kaya now po n expelled sya s school, paano po ba i handle pag nag wawala sya? nakaka awa dinnpo kasi ung school nd sya accept n ganun sya kaya ayun expelled ang bata, salamat po
Hi teacher ang batang my development delay ay mgi2ng ok p pow b cla like SA normal n bata ung anak q kz 13yrs old na
mam pano Po kaya Kong hnd Po xia makabuo Ng sentence pero alam nman Po nya Ang alphabet, no. color, animals, papa,mama,no .... ano po n kaya Ang problem mam sana Po masagot nyo Po ako
I wish you could use subtitles
Hi teacher Kaye. New here! Yung 18mos ko po na bby boy puro ma,pa, ba,ne, de , la lng po nabibigkas. Pag tinuturuan nman ayaw sumunod pero pag may sinasabi kme na "hwag mag go dyn", "balik dto/kunin to" eh naiintindhan naman nya. Kapag nman nanonood cya ng tv pag ayaw nya ng palabas eh panay sigaw pag may ayaw sya. I am worried kasi baka delayed c baby. O baka na fufrustrate lng cya.
Teacher Ang anak kopo dipa Po nag sasalita mag 4 yrs old na Siya Anu Po ggawin ko
Hi po Teacher Kaye sana po ay ma notice niyo po ako nag aalala na po Kasi ako sa anak ko hindi pa po Kasi siya nakakapagsalita ng diritso ang nababangit niya lang po ay mama, papa, tita, tito at yung sunod-sunod na word like for example tan-tan. Nag aalala na po kasi ako siya po ay 2yrs & 8months po. Salamat po Teacher Kaye ♥️
Hello Antoneth!
Sanayin niyo pong ganito makipagusap sa bata PALAGI, pag mas maraming naririnig na words, lumalaki ang chance na may mapulot siyang bagong salita.
ua-cam.com/video/5xWLHDfzLZc/v-deo.html
Kapag mas madalas sumesenyas pero di nagsasalita, ito ho:
ua-cam.com/video/wNfHEgG0jaQ/v-deo.html
Para dumalas ang pag-hingi nya sa inyo ng mga bagay, imbis na siya mismo kukuha o gagawa:
ua-cam.com/video/HzmHVBncick/v-deo.html
Kung nanonood ang bata ng videos, kahit po "educational," itigil po muna, mas lalo kung nakakapansin tayo ng kakaibang behavior para sa kaniyang edad. Gusto natin masigurado na hindi ito factor sa kanyang developmental delay. Subukan niyo po muna ng 1 to 2 weeks, at tignan po natin if may mapansin kayong improvement sa behavior and overall attention.
Andito ang paliwanag kung anong nangyayari sa brains ng baby kapag nanonood ng videos: ua-cam.com/video/OmZvmt-6Zug/v-deo.html
Signs of Screen Addiction:
instagram.com/p/CRJYfz7j_wq/
Other videos at around this skill level are:
- episode 41 on Following commands ua-cam.com/video/nv1TQJv7xRs/v-deo.html
- episode 12 on Action Songs ua-cam.com/video/Yfn3iFiTklI/v-deo.html
- episode 44 on pointing ua-cam.com/video/IeLrLfWirVQ/v-deo.html
- episode 17 on object identification ua-cam.com/video/A2Y1GG2WJ7Q/v-deo.html
- episode 13 on Yes/No ua-cam.com/video/64SsrKgamhQ/v-deo.html
- episode 10 how to read books to babies ua-cam.com/video/RgaeneqlpTc/v-deo.html
- episode 5 on sounds to words ua-cam.com/video/mT3iKlDXxsc/v-deo.html
Para mas mabilis po ang ating progress, you may want to consider therapy kung may access and resources ho kayo. By 3 years old kasi, yung vocabulary ng bata up to 1000 words na, so madami-dami na ang kailangan niyang habulin. Sabihan mo ako kung kailangan niyo maghanap ng teletherapist, o malapit sa inyo.
Balitaan niyo ho ako kapag nasubukan niyo na pong:
- 0 screen time
- practice lahat ng technique dito for at least 2 weeks.
Kung walang ibang kundisyon ang bata, aasahan makikita tayo ng progress. ✨
Hello po teacher kaye yung anak kupo 2years old na pero dipa po sya nakakapag salita pero may mga naiintindahan po sya yung speach lang po talaga nya yung problema normal lang poba yun . Sana po masagot nyo
Hello teacher kaye, ano po pwdng gawin pag language disorder?.
Hello! Kailangan po naming mahanap kung saang parte ng communication nagkakaproblema: nasa pandinig ba? Nahihirapan kayang mag-pay attention or focus? Nasa pag-intindi ng sinasabi sa kanya? Nahihirapan ba siyang mag-tanda ng mga salita? Nahihirapan ba siyang hanapin ang salitang gusto niya sabihin kahit alam na niya ito? Meron kayang problema sa paggalaw ng mga parte ng bibig?
Napakraming kailangan intindihin, kaya po pinapa-assess ang bata, at para alam natin kung paano siya tulungan.
✨
Hello po T. Kaye, yung son ko po napacheck up ko last March 23 bale 2y5m sya non sa Devped kasi limit lang po nasasabi niya at neto lang din po march 9 napansin ko na nakakapag imitate na po sya ng words. Yun nga po naadiagnosed po sya for having Language disorder. Ang kanyang expressive po ay pang 1y7m daw po.
Sa sobra nerbyos ko po di ko po nasabi na may tongue tie sya. Nakakaaffect po ba ang tongue tie speech? E natanong ko rin po eto sa pedia dentist ng son ko nung april sabi niya po di nia po advised pa kasi traumatic daw po sa toddler na i cut ang tie.
Ngayon po ay undergo po kami ng OT at ST. May improvement na rin po sya sa 1 month Ot at 4sessions ng St. May single word na po sya at nasasabi na rin yun mga basic na pangangailangan niya pero bulol pa rin po at parang panay hangin
Medyo nagworry po ako sa sinabi niyo na ang language disorder ay nakakonekta po sa learning disabilities like dyslexia at dysgraphia. Automatic po ba yun sa batang may language disorder?
Im hoping kasi na after namin magawa yun therapies nia pati ff up sa bahay eh macatch up niya yun delay baka magkaprob naman kami ng iba pag nagschool na sya katulad ng nasabi niyo po learning disabilities
Thank you for sharing your experience, at masaya akong marinig na merong siyang progress with his therapies 💖
Depende po sa severity ng tongue tie, maaari itong maka-apekto sa speech, especially sa sounds na kailangan umakyat ang dila niya. Nasagot ko po ito dito: ua-cam.com/video/rjYRpUChPM4/v-deo.html (you can go direct to the time stamp sa description). Pero hindi ko po masagot kung bakit tunog mahangin, so baka mabigyan mo ako ng examples ng mga nasasabi niya at ano ang tunog ng pagkakasabi niya. Baka po depende sa speech sound, halimbawa mga tunog ng letter L or N?
Clarify ko lang that Learning Disabilities are classified under language disorders, BUT IT does not mean na lahat ng Language Disorder at nagiging Learning Disability later on. I hope this relieves you of additional worry! ✨
Teacher Kaye may mura po bng pedia development po.
Thank you teacher kaye ❤️
Hello, just watched the vid. What if the parents of the child are not open to discussing the disorder? Very obvious na di na sya delay gaya ng sinasabi nila.
Hello Via!
Sadly, the best we can do is to keep giving them information that may help them make better choices for the child, tulad ng pagpapatingin sa doctor or therapist. Pero ang pamilya pa rin ang tanging makakapagdesisyon para sa bata 🥺 Kailangan kasi ng kanilang acceptance and commitment para matulungan ang bata.
Mahirap na sitwasyong makita itong mangyari sa mga taong malapit sa atin, pero hindi natin mapipilit.
Kung malapit ka rin sa bata, maaaring subukan mo ring gawin ang mga techniques dito tuwing kalaro mo siya, para kahit papano may karagdagang language stimulation and guidance na natatanggap ang bata.
I wish you the best ✨
hi tcher kaye, now ko lng napanood ilang mga segments mo and narealized ko na me problema ang apo ko. akala ko mabagal lng ang development nya, mag 2 years old na sya pero di pa sya nagsasalita at me mga signs na sya ng autism based on sa mga napanood kong mga segments mo. gusto ko po sanang humingi ng referal sa inyo kung saan ako pde pumunta para mapa check ko ang apo ko. maraming salamat po in advance however it will be much more appreciated if i can go to your clinic for an assessment.
Hi. I'm Jane. Concern lang po ako sa anak kong si Jasper 9y.o. Nakakaintindi naman at magaling sumagot sa mga modules nya pero bulol parin po siya. Minsan po di namin sya maintindihan o di kaya siya po mismo hirap siyang i express yung gusto nyang sabihin. Dahil po sa video nyo nagka idea po ako na baka need na nya ipaconsult. Pero para lang po handa ako pde po ba malaman kung magkano ung price ranges kung may therapy man pong needs? Hindi po kase kami financially stable para lang po mapagipunan at mapagusapan po namin mag asawa. Sana po mapansin. Salamat po.
Also may times po kase na parang super hyper po nya. Di ko alam if normal lang po ba kase bata pero may pinsan po kase sya na kasing edad lang nya pero hindi naman po ganun like pag naglalakad po tumatalon talon na may pag ikot pa po minsan. Kaya gusto ko din po talaga na ipaconsult na sya para po sigurado. Salamat po ulit.
Teacher kaye pwede po ako magpaconsult sayo..
Taga quezon city po ako
hi teacher Kaye I'm new here. . teacher ung anak q po kz is going 4 yrs old na this Aug po but no words coming out from him only bababababa dadadadadada but sometimes po he saying a word n hnd q po maintndihan ung prang gusto nyang sabhin but he don't know how to say it..and sometimes he says mama or papa . . pro pg my gusto po xa kukunin nya yung kmay q or hihilain nya q then ituturo nya ung thing n gusto nya.. anu po Kya meaning nun.. i hope u read my message about it . . thank you and God bless
Hi po teacher kaye , ang anak ko po is 2 yrs.old pero hindi pa po sya makapag salita ...
@@analizadelacruz5751 musta na po anak nyo mommy? Nagsasalita na po ba?
Gud am po..anak ko po 2yr and 2months n po pero di p nkkapagsalita pero malakas nman po yo pandinig nya.
Hello! Mabuti pong na-check niyo na ang hearing niya, that is a good 1st step.
Posible din pong exposure to videos / screens / gadgets ang communication delay. Kung nanonood ang bata ng videos, kahit po "educational," itigil po muna, mas lalo kung nakakapansin tayo ng kakaibang behavior. Gusto natin masigurado na hindi ito factor sa kanyang developmental delay.
Subukan niyo po muna ng 1 to 2 weeks, at tignan po natin if may mapansin kayong improvement sa behavior and overall attention.
Andito ang paliwanag kung anong nangyayari sa brains ng baby kapag nanonood ng videos: ua-cam.com/video/OmZvmt-6Zug/v-deo.html
Signs of Screen Addiction:
instagram.com/p/CRJYfz7j_wq/
Kahit po ba anong sounds wala siyang nasasabi? Kung kahit po babbling wala, try niyo po ito
ua-cam.com/video/mT3iKlDXxsc/v-deo.html
Kapag mas madalas sumesenyas pero di nagsasalita, ito ho:
ua-cam.com/video/wNfHEgG0jaQ/v-deo.html
Para dumalas ang pag-hingi nya sa inyo ng mga bagay, imbis na siya mismo kukuha o gagawa:
ua-cam.com/video/HzmHVBncick/v-deo.html
Balitaan niyo ho ako kapag nasubukan niyo na pong:
- 0 screen time
- practice lahat ng technique dito for at least 2 weeks.
Kung walang ibang kundisyon ang bata, aasahan makikita tayo ng progress. Balitaan niyo ho ako ✨
Delay po talaga anak ko nakakapag salita sya 5 years old na , naiintidihan din nya sinasabi nya kaya po niya magsalita iba lang bulol at sa ibang tao di sya nag respond
Is language disorder same as communication disorder or not? If so, what is/are difference/s? Thank you.
Good question: sometimes they are used interchangeably, when the usage of "Language" pertains to all modes of communication, including gestures. But if we're to be semantically strict, language is the use and comprehension of SPOKEN communication, and language disorders are only 1 type of communication disoders.
In my case, because we were taught to use "Language" to mean all communication, I use them interchangeably, because our practice includes teaching people to communicate, whether by gestures, or other tools like Augmentative or Alternative Communication systems. ✨
natatakot po ako sa baby ko mag 2 years old na siya ni mama or papa di niya masabi pero yung dede nasasabi niya delay lang po ba siya? since nakakapagsalita siya kaso para siyang may sariling language.
yung kahit turuan mo siya parang ayaw niya matuto
Hello teacher kaye i was new here.thank you for explaining a lot and sharing informative vedios. My son is not yet diagnosed but i feel he has disorder. he is turning 7 y o.ds december. I can see the signs of being autistic as you shared in your vedio.somehow i was hoping and praying that my son b corrected soon.🙏🙏🙏
What is that herb
Teacher kaye yung anak ko po 6years old na pero bulol.pa rin po mag salita pag nag sasalita po sya ang bilis tapos wala po maintindihan. Nung pinag sabihan ko po na dahan dahan mag salita para maintindihan. Pag nag sasalita po sya ngayon parang gumagasgas sa lalamunan
Hello Mae! Base lang po sa naikwento mo dito, fluency po ang problema ng bata. Yung tamang rate of speech / bilis ng pagkakabigkas para klaro sa nakikinig.
Yun pagka-bulol ng bata, nangyayari ho ba kahit iisa lang ang sasabihing salita? Baka makatulong ang mga tips dito:
Bulol ua-cam.com/video/ufRPsI6jViA/v-deo.html
Yun boses naman po na parang gumagasgas sa lalamunan, para ho bang paos? Ano ho ba ang usual activities ng bata, at ganito ho ba ang tunog niya sa lahat ng panahon?
Lahat po ng ito ay maaaring ma-assess ng isang therapist. Kung gusto niyo pong magconsulta sa akin, mag-set po tayo ng appointment sa Facebook:
facebook.com/teacherkayetalks/
Sana makatulong ho ako sa inyo ✨
2.7 mons. Na po si baby ko and nd pa sya nakakapagsalita ng mommy or daddy, pero may lumalabas n sa bunganga nyang mga words...ndi nga lang po maintndhan... And pag clap clap jump, close d door..naiintndhan nman po nya... Need n po ba namen syang ipacheck up?or wait po namen mag 3 sya..
Hello! Wag na pong maghintay, magpatingin na ho kasi ang 2 years old, inaasahang may 2-words na yan tulad ng "kain mama," kaya kung wala pa ho siyang 1 word, kailangan na natin siyang tulungang humabol.
Tungkol po sa mga nasasabi niyang di niyo maintindihan, subukan niyo ho ito: ua-cam.com/video/1tmWaB4OZA8/v-deo.html
Pero magandang sign po na nakakaintindi siya ng ilang utos tulad ng clap, atbp. Subukan ho nating mapasalita siya gamit ang mga technique dito:
ua-cam.com/video/wNfHEgG0jaQ/v-deo.html
ua-cam.com/video/HzmHVBncick/v-deo.html
✨
Hi po ms kaye! Hanggang anong edad safe po na masasabi na speech delay lang po ang bata? Or kelan po o anong edad dapat mag worry na may something na po sa bata? Thanks po.
Hello!
From as early as 6 months, maaaring makakakita tayo ng signs of delays if may mga milestones siyang hindi naaabot. Check out these gestures to watch out for: instagram.com/p/CSjQvKvh_PP/
Let me know kung may ibang tanong! ✨
Ito po, quick look milestones:
www.onedaykaye.com/2021/03/from-0-months-to-3-years-childrens-language-milestones-filipino/
@@TeacherKayeTalks thank you for replying. He is 3 years old at ito po ang observation ko sa kanya (sana makatulong):
- may eye contact pag kinakausap
- sumusunod sa utos
- sumasagot sa tanong
- napagsasabihan
- malaro gaya ng ibang bata
- nagrerespond sa tv (sumsayaw, kumakanta, gumagaya sa mga characters.) Natuturuan at marunong umintindi.
- nakakapag memorize like abc etc. (learning stuffs)
- one syllable lang halos nababangit (chinese like)
Yung lang po talaga di pa sya nagsasalita. Medyo nababahala kasi ako sa edad nya kasi 3 na sya. Thanks po.
@@21stkenn89 how old npo ngaun c baby nyo? halos same din sya ng baby ko, same dn ng naoobserve ko s knya. konti plng nsslita nia,
@@gladysmaloles5229 pamangkin ko maam. Turning 4 po. Nakakapagsalita naman po sya pero hindi buo.
Thank Teacher Kaye.. new subscriber here..😍
You're welcome, Mommy Jo! Glad to have you here with us ✨
Hi po teacher dapat ba akong mangamba sa anak ko kung ang alam niya lng na sabihin ay mga sounds tulad po ng car ang tawag niya dito a broom broom 2years and 3months old na po siya?
Hi! By 2 years old, around 50 words na po ang karaniwang nasasabi ng bata, so kung sounds palang at wala pa ni "mama" o "no," kailangan na po natin siyang bigyan ng karagdagang tulong at atensyon.
Para fair tayo sa bata, ilista niyo po muna lahat ng sounds or word approximations na nasasabi niya. Sundin ang instructions dito: ua-cam.com/video/V1kmFVr9Ugk/v-deo.html
Kapag nabilang niyo na lahat, at hindi umabot sa expected developmental milestones, magpa-assess na po tayo sa therapist para maabisuhan o magsimula ng therapy. ✨
Check milestones here: www.onedaykaye.com/2021/03/from-0-months-to-3-years-childrens-language-milestones-filipino/
New subscribe r here,
Thank you po for all the videos about speech development ect
First po akala ko may autism si LO but following your tips on your vids iba nanaman akala ko po, he can follow instructions, mag fix ng bed, mag close ng door, maligo, mag brush, now po nakakapag salita na sya but may mga omitted na letter,
And 1 syllable lang kaya nya, and more on english words lang kaya nya , hirap po sya sa tagalog, (di papo sya nakakapag sentence) 2 yrs old po si LO
Still trying to convince my hubby na i consult nmn si lo
Na frufrustrate na po kc ako sa sinasabi nila kc kasing age nya nakakapag sentemce na,
Hayss hoping for more vids 😇
Hello! Thank you for being here ✨
Matanong ko po kung English kayo mag-usap sa bahay? Kasi kung hindi naman po, at mas-English yung gamit niya, baka ho sign yan na nasosobrahan ng screen time.
At 2 years old, yung mga dapat po may higit-kumulang na 50 nasasabing salita, at nagdudugtong na sila ng 2 salita tulad ng "mama kain." Maaari talaga hindi pa klarong klaro ang pagkakasabi, baka po makatulong ang video na ito: ua-cam.com/video/ufRPsI6jViA/v-deo.html kaya baka ang tunog pa ay "ma a-en" imbis na "mama kain." Okay lang po yun hanggang mga 3 years old, na medyo dapat 80% na ng sinasabi niya ay klaro sa atin.
Sana po makatulong ito, at kung sakaling ready na po kayo magpa-consulta, magmessage lang po sa facebook.com/teacherkayetalks/ at tutulungan ko po kayong maghanap ng therapist na malapit sa inyo.
✨
@@TeacherKayeTalks hi teacher newbie here. gnyan din po ang daughter ko 3yo more english na hndi maintindihan. pero nakakaintindi nman din sya ng command english at tagalog. thank u so much sa mga videos nyo even di pa kmi nasched ng developmental test nagttry po ako na sundin esp. un screentime po niless ko n s knya. nakaka 3 words na sya. I'm glad kc nakita ko un konti improvement nya. simula nun niless ko screentime nya. wala din kasi ako pambbyad ng theraphy if ever eh. kya sana madami pa kayo videos para sa katulad ko po wala pangspeech theraphy. salamat
Teacher kaye ok lang ba un sa 2yrs n 1months.. nakakaintindi naman xa n nakaka pronounce ng words ng mama.. pero mahilig xa sa sounds like want nya mag eat "amp" cnasabi nya.. pag sa nursery din nakalagay sa tv say eat say eat tapos yum3x un sinasabi nya is un yum3x.. tapos po sa cat n dog.. meow2x and aw2x un nasasabi nya
Hello, Nathalyn!
Yung eat -> yum ; cat -> meow, etc. tawag po diyan ay word associations! This is actually a good skill, meaning alam niya ang sounds and common phrases associated dun sa konsepto. Yun nga lang, hindi niya sinasabi yung word labels.
Mga ilang words na ho ang nasasabi ng bata? By 2 years old, ayon sa language milestones, inaasahang may higit kumulang na 10-50 words nang nasasabi ang bata, at nagsisimula nang mag-dugtong ng 2 salita tulad ng "yum (amp)"
Para po matiyak niyo kung nakakasabay pa ang bata sa kanyang mga ka-edad, paki sunod ang instructions sa video na to:
What’s a Word ua-cam.com/video/V1kmFVr9Ugk/v-deo.html
Kung wala pang at least 10 words ang bata, ibig sabihin nahihirapan siyang matuto magsalita at kailangan niya ng karagdagang tulong.
Dahil nabanggit ninyo ang nursery rhymes sa TV, unang payo ko po ay subukang mag-screen detox. Kung nanonood ang bata ng videos, kahit po "educational," itigil po muna, mas lalo kung nakakapansin tayo ng kakaibang behavior para sa kaniyang edad. Gusto natin masigurado na hindi ito factor sa kanyang developmental delay. Subukan niyo po muna ng 1 to 2 weeks, at tignan po natin if may mapansin kayong improvement sa behavior and overall attention.
Andito ang paliwanag kung anong nangyayari sa brains ng baby kapag nanonood ng videos: ua-cam.com/video/OmZvmt-6Zug/v-deo.html
Signs of Screen Addiction:
instagram.com/p/CRJYfz7j_wq/
Sanayin niyo pong ganito makipagusap sa bata PALAGI, pag mas maraming naririnig na words, lumalaki ang chance na may mapulot siyang bagong salita.
ua-cam.com/video/5xWLHDfzLZc/v-deo.html
Kapag mas madalas sumesenyas pero di nagsasalita, ito ho:
ua-cam.com/video/wNfHEgG0jaQ/v-deo.html
Para dumalas ang pag-hingi nya sa inyo ng mga bagay, imbis na siya mismo kukuha o gagawa:
ua-cam.com/video/HzmHVBncick/v-deo.html
Kahit yan po muna homework niyo for 2 weeks, tapos balitaan niyo ho ako pagkatapos
Para mas mabilis po ang ating progress, you may want to consider therapy kung may access and resources ho kayo.
Balitaan niyo ho ako kapag nasubukan niyo na pong:
- 0 screen time
- practice lahat ng technique dito for at least 2 weeks.
Kung walang ibang kundisyon ang bata, aasahan makikita tayo ng progress. ✨
Teacher k.ask ko lng naiintindihan nya kami.kilala nya mga tinuturo.k tao,hayop,nauutusan.natatawag nman nya kmi pero puro halos mommy bihira daddy.kapag me pinagagawa cya ask ko cya.anu gagawin ito b ay open or close kylangan k pa magbigy Ng hint.pra matandaan ok lng b ung? Disorder or delay b cya
Hi Abby!
Ilang taon na ang bata? Hindi ko po masisigurado kung delay o disorder nang walang assessment sa bata, kasi marami pong aspeto na kailangang tignan, at matiyak ko ang Language Age ng bata (ipinaliwanag ko ito sa video).
Okay po yun ginagawa ninyo na binibigyan siya ng hint, tawag dito ay "cuing." Depende sa hirap ng tanong (kung open or close, kahit 18-24 months old maaaring masagot na yan, kahit hindi masyadong klaro ang pagkakabigkas), kapag sinisimulan nating turuan ang bata ng kahit anong skill, tulad ng pagsasagot ng mga tanong, maraming beses muna natin dapat ibigay at ipakita and sagot bago nila ito masasagot ng mag-isa.
Sanayin niyo pong ganito makipagusap sa bata PALAGI, pag mas maraming naririnig na words, lumalaki ang chance na may mapulot siyang bagong salita.
ua-cam.com/video/5xWLHDfzLZc/v-deo.html
May tips din dito on cuing for choices, na hindi ibibigay ang tamang sagot:
Foils ua-cam.com/video/pR8Lz64CIuk/v-deo.html
At tips for finding how much cues you should be giving:
Scaffolding Tagalog ua-cam.com/video/99l_XnBz9vE/v-deo.html
Sana makatulong ito ✨
Will share this to my SLP 21 class! Haha
HAHAHA TEACHER VIAAA yasss! Mandatory subscribe na rin, LOL 🤪
my concern nmn po sa daughter ko she can understanding things and even can read such a simple such as ba-be-bi-bo-bu and so on pero hindi lang po sya nkkpg salita ng dretso like other kids na nag kkwento at nag sususmbong hindi ko na po alam ang gagawin ko she's turning 5 next year
Try nuo panuurin pagbasa sa kinder, anak ko po ganan dn dti, gabi2 bago matulog tiyaga lng po, kahit di nya pa naiimik. Napasok pla sa isip nla
Hi Trisha! By 4 years old, tama ka na ang mga bata ay nakakapagkwento na, kahit hindi pa masyadong tama ang grammar. Sa ngayon, gaano karami na ang nasasabi ng bata?
Kung may nasasabing iilang salita, subukan niyo ito para matutunan niyang dugtungan yung alam na niya:
Extension / Expansion ua-cam.com/video/vnogwBiPm14/v-deo.html
Kahit po ba anong sounds wala siyang nasasabi? Kung kahit po babbling wala, try niyo po ito
ua-cam.com/video/mT3iKlDXxsc/v-deo.html
Sanayin niyo pong ganito makipagusap sa bata PALAGI, pag mas maraming naririnig na words, lumalaki ang chance na may mapulot siyang bagong salita.
ua-cam.com/video/5xWLHDfzLZc/v-deo.html
Kapag mas madalas sumesenyas pero di nagsasalita, ito ho:
ua-cam.com/video/wNfHEgG0jaQ/v-deo.html
Para dumalas ang pag-hingi nya sa inyo ng mga bagay, imbis na siya mismo kukuha o gagawa:
ua-cam.com/video/HzmHVBncick/v-deo.html
Para mas mabilis po ang ating progress, you may want to consider therapy kung may access and resources ho kayo, kasi medyo malaki na rin yung bata, at marami nang skills na kailangang maituro.
Balitaan niyo ho ako kapag nasubukan niyo na pong:
- 0 screen time
- practice lahat ng technique dito for at least 2 weeks.
Kung walang ibang kundisyon ang bata, aasahan makikita tayo ng progress. ✨
Malaki talaga nagagawa ng tiyaga ✨
Idagdag ko na rin:
Kung nanonood ang bata ng videos, kahit po "educational," itigil po muna, mas lalo kung nakakapansin tayo ng kakaibang behavior para sa kaniyang edad. Gusto natin masigurado na hindi ito factor sa kanyang developmental delay. Subukan niyo po muna ng 1 to 2 weeks, at tignan po natin if may mapansin kayong improvement sa behavior and overall attention.
Andito ang paliwanag kung anong nangyayari sa brains ng baby kapag nanonood ng videos: ua-cam.com/video/OmZvmt-6Zug/v-deo.html
Signs of Screen Addiction:
instagram.com/p/CRJYfz7j_wq/
Good day teacher Kaye,ask ko Po ung anal ko Po 8 yrs old nkakaintindi nauutusan nmn Po pero Yung pagsasalita Niya pag mAbilis Hindi naiintindihan Minsan naiintindihan 1word to two words lang Po Kaya niyang bangitin Sabi Po Ng pedia Niya late lang daw Po mag salita at her age ano Po Kaya magandang Gawin,lge Po nmin Siya kinakausap sinsabay ko Rin Po sa pag nagbabasa Yung 6 yrs old niyang Kapatid ,ano Po Kaya UN teacher Kaye ? Pls advice Po salamat
Hi Teacher Kaye.. Yung baby ko po is 4 years old, boy... Hindi pa sya nakakapagsalita ng maayos po. Nakakasalita sya ng konting words lang. Pero kapag tinuturuan ko sya ng mga salita nabibigkas naman po nya pero kpag pina ulit ko na sa knya Di na nya nasasabi. Then nauutusan ko naman po sya and may kusa sya for example kpag alam nyang aalis kami kusa na nyang nililigpit ung mga toys nya binabalik nya sa mga lagayan. Yung problem ko lang ung sa pagsasalita nya po. Sana mabigyan mo po ako ng advise. Thank you po. 😊
Hi Vanessa!
Base lang sa kwento mo, at dun sa sinabing mong may nasasabi siyang salita pero hindi nauulit, baka po makatulong ang video na ito:
ua-cam.com/video/q_PuUcq8_tE/v-deo.html
Dahil 4 years old na po yung bata at kaunti palang ang nasasabing words, kailangan na po niya ng tulong. Sa edad na yan, dapat nakakapagkwento na ang bata, kahit na hindi pa tama ang lahat ng porma ng sentence (halimbawa: inom ako water, sobra lamig, ang sarap!)
Kung nanonood ang bata ng videos, kahit po "educational," itigil po muna, mas lalo kung nakakapansin tayo ng kakaibang behavior para sa kaniyang edad. Gusto natin masigurado na hindi ito factor sa kanyang developmental delay. Subukan niyo po muna ng 1 to 2 weeks, at tignan po natin if may mapansin kayong improvement sa behavior and overall attention.
Andito ang paliwanag kung anong nangyayari sa brains ng baby kapag nanonood ng videos: ua-cam.com/video/OmZvmt-6Zug/v-deo.html
Signs of Screen Addiction -- kasama ang speech delay:
instagram.com/p/CRJYfz7j_wq/
Sanayin niyo pong ganito makipagusap sa bata PALAGI, pag mas maraming naririnig na words, lumalaki ang chance na may mapulot siyang bagong salita.
ua-cam.com/video/5xWLHDfzLZc/v-deo.html
Kapag mas madalas sumesenyas pero di nagsasalita, ito ho: ua-cam.com/video/wNfHEgG0jaQ/v-deo.html
Para dumalas ang pag-hingi nya sa inyo ng mga bagay, imbis na siya mismo kukuha o gagawa: ua-cam.com/video/HzmHVBncick/v-deo.html
Balitaan niyo ho ako kapag nasubukan niyo na pong:
- 0 screen time
- practice lahat ng technique dito for at least 2 weeks.
Kung walang ibang kundisyon ang bata, aasahan makikita tayo ng progress. ✨
Ganayn din Po anak ko Anu na Po Ng yare sa anak niyo ..
Hi po teacher kaye magtatanong lang sana ako tungkol sa anak ko mag4 napo sya pero hindi sya ngsasalita ng kahit ano as in wala tlga syang nababangkit pero minsan nauutusan kunaman sya nakakaintindi naman sya ng ibang bagay na sinasabi ko pero din syang hindi naintindihan tapus may eye cuntact sya tapus kilala nya naman ang pangalan nya tapus wala syang tantrum tapus napapagsabihan at sumusunod naman sya kaya lang wala tlga syang nasasabi na kahit ano at myrun po syang ginagawa na kapag may isang bagay syang nilalaruan un lang po ang nilalaro nya ng paulit ulit tapus wala po syang pakialam sya mga bata maysariling mundo po sya salamat po sana masagot nyo po ako mayrun po kami nakausapa ng dr mild autistic daw sya
Hello!
Yung Autism po ay isang developmental disorder, maaarin niyo pong mas maintindihan ang diagnoses ng inyong anak dito:
ua-cam.com/video/QLmMf-Tqs10/v-deo.html
ua-cam.com/video/9nNh5DR7wbQ/v-deo.html
Mas mahirap nga po yung communication para sa kanila, kaya kailangan bigla sila ng extra na tulong.
Unang-una na ho ay if nanonood ang bata ng videos, itigil po muna, mas lalo kung nakakapansin tayo ng delay. Gusto natin masigurado na hindi ito nakakadagdag sa kahirapan nila sa attention. Subukan niyo po muna ng 1 to 2 weeks, at tignan po natin if may mapansin kayong improvement sa behavior and overall attention
Andito ang paliwanag: ua-cam.com/video/OmZvmt-6Zug/v-deo.html
Bago po sila makapag-salita, kailangan paramihin po muna natin yung naiintindihan ng bata. Practice po kayo with activitis na tulad nito:
- episode 41 on Following commands ua-cam.com/video/nv1TQJv7xRs/v-deo.html
- episode 12 on Action Songs ua-cam.com/video/Yfn3iFiTklI/v-deo.html
- episode 44 on pointing ua-cam.com/video/IeLrLfWirVQ/v-deo.html
- episode 17 on object identification ua-cam.com/video/A2Y1GG2WJ7Q/v-deo.html
- episode 13 on Yes/No ua-cam.com/video/64SsrKgamhQ/v-deo.html
Kung ni babbling ay wala rin po, dito ho kayo magsimula:
episode 5 on sounds to words ua-cam.com/video/mT3iKlDXxsc/v-deo.html
Sanayin niyo po yan araw-araw at balitaan niyo ho ako, pero mas mabuti hong kung may access at resources, magpa-therapy na po.
Thank you for this, Teacher Kaye :)
Thank you for being here ✨
Teacher Kaye sken nmn 5 yrs old sya.. pro ang hirap intndihn ang mga sinasabi nya... nauutusan sya at nkkaintndi nmn...
Hi Catherine! May nasasabi ang bata pero hindi ninyo naiintindihan? Posibleng Jargon po ang ginagawa niya, sana makatulong ang tips dito:
ua-cam.com/video/1tmWaB4OZA8/v-deo.html
Baka makatulong din ang mga paliwanag dito:
"Bulol" ua-cam.com/video/ufRPsI6jViA/v-deo.html
Phono Processes 1 ua-cam.com/video/8It3FQ-bLg8/v-deo.html
Phono Process 2 ua-cam.com/video/eXH2MRvUmng/v-deo.html
Dahil 5 years old na ang bata, mas mabilis po ang ating progress kung magpa-therapy, kung may access and resources ho kayo. Dadami at dadami pa kasi ang kakailanganganin ng bata sa pang-araw araw at sa school, kaya sana matulungan na sya kung saan siya nahihirapan. ✨
Dok saan ako. Ppwedepmg pumunta n doktor
Hi Josmary!
Kung hindi sigurado kung kanino magpapatingin, panoorin ito:
ua-cam.com/video/NJJOMZKDFR4/v-deo.html
Ito na rin po ang updated directory ng mga Developmental Pediatrician sa Pilipinas.
drive.google.com/file/d/1Zx1r4FiiogeQbcLp1yDZ22H-9y8FwFQT/view?pli=1
Sa Facebook ko rin po, may Pinned 📌 post kung saan may discounted o libreng assessment.
Sana makatulong ito ✨
♥️♥️♥️
Hi po San po clinic nyo po?
Hello Nene, pumapasok po ako sa Kids in Motion BGC, pero wala na ho akong slots for assessment and therapy. I offer online Household Coaching, how can I help you?
Teacher Kaye pde po ba mag tanong ? meron po akong anak 4yrs.old na sya pero ndi pa sya marunong makipag communicate sa tao .. mga karaniwan lng po nya nasasabi . Drink water , milk mommy pls or daddy , no more , sama daddy or mommy etc. mga ganun po pero kpag kinausap mu sya ng diretsyo parang ndi nya naiintindhan yung cnasabi mu minsan kpag tinuruan mu sya uulitin lng nya yung exactly na cnabi mu.. My question is ? is it delay lng or my disorder na sya ?
then marunong nman po sya mka appreciate ng mga bagay or kpag my pasalubong sa knya tuwang tuwa sya .. lalo na kpag dumadating daddy nya galing work tuwang tuwa sya
Una po, good sign na marami-rami na rin siyang nasasabi na word combinations, kahit na maiikli pa lang.
Base po dun sa concern niyo na parang di kayo naiintindihan at naguulit ng sinasabi niyo, nangyayari po ba ito sa lahat ng sabihin sa kanya? Pwede ho bang pansinsin kung nangyayari ito kapag mahaba or maraming sinabi? Subukan niyo pong 1 or 2 words lang din po muna ang pagkaka-usap sa kanya, para lang makita natin kung ang length ng message ay nakaka-apekto.
Sakaling makatulong din ito about yung paguulit niya: ua-cam.com/video/CFyPzpvX4TM/v-deo.html
and then this Wednesday po, meron akong technique na gusto ko hong subukan niyong gamitin para malaman kung gaano kadami ang naiintindihan ng anak ninyo.
Di ko ho masagot kung delay or disorder, kasi yan po mismo and sinusuri namin pag-inaassess ang bata. Pero sakali lang, gusto natin ma-rule out ang factor of screen time and gadgets, so payo ko po itigil po muna ang panonood ng videos or pagkalikot sa gadgets. Pinaliwanag ko po dito:
ua-cam.com/video/OmZvmt-6Zug/v-deo.html
ua-cam.com/video/OhCYVi7RrOE/v-deo.html
✨
Teacher 3 years and 6 months old na po anak ko pero di pa po siya maka pagsalita ng diretso.maisa isa palang po..katulad ng mama papa.hi bye bike doon.eat egg ball mga ganyan plng po ang mga nasasalita nia.ung iba po di ko po maintindihan