Ep. 56: Social Communication Disorder or Autism? Differential and Therapy Tips | Teacher Kaye Talks

Поділитися
Вставка
  • Опубліковано 29 лис 2024

КОМЕНТАРІ • 112

  • @paanobajje6807
    @paanobajje6807 2 роки тому +4

    You're a blessing from God 🙏 tchr kaye.... Hindi mo pinagdadamot Ang kaalaman mo... Pagpalain ka ng Panginoon

  • @janemariedoromal9996
    @janemariedoromal9996 Рік тому +2

    My child is now 12 years old... parang ganun magsalita ang anak ko, nahihirapan sya kung paano dapat magkasunod-sunod ang mga words or ideas.. this episode is really helpful. Thank you so much.❤❤❤

  • @lifewithgabbi5068
    @lifewithgabbi5068 Рік тому

    Ganitong ganito po yung 5 year old ko, Teacher... I am so grateful na nakita ko ang channel nyo kasi we're still waiting here in Australia sa Paed at ST appointment nya. Mas naiintindihan ko na at malaki ang tulong nyo para mahelp ko din ang anak ko. God bless po.

  • @lovelyglainelumandas6770
    @lovelyglainelumandas6770 3 роки тому +9

    Eto talaga yung matagal konang hinahanap sa youtube precise and detailed info. My baby just got evaluated and her OT said "she had social speech delay" start na kami ng theraphy this wed. Sobrang worried ako about my baby's condition since shes my first baby but this channel make me think that everythings gonna be fine.

    • @TeacherKayeTalks
      @TeacherKayeTalks  3 роки тому +1

      Hello Lovely! Welcome, thank you for being here ✨
      Everything's gonna be fine 💖 Sana masuportahan ko kayo.

    • @neocyrusoliveros3182
      @neocyrusoliveros3182 Рік тому

      Same stituation tayo Sis.ang sakit sa dibdib

    • @reeloon
      @reeloon Рік тому

      Mommy nag improve po BA baby nyo

  • @hennypenny2025
    @hennypenny2025 2 роки тому +1

    My 7 year old just got diagnosed with SCD. Ang ganda po ng explanation ninyo. Mas naiintindihan ko po yung pinagdadaanan nya.

  • @boschfanchannel7138
    @boschfanchannel7138 3 роки тому +3

    Sobrang klaro !This is the only youtube channel where I don't skip ads! Maraming salamat,Teacher Kaye. You're awesome! 👩‍🏫❤️👶🤙

    • @TeacherKayeTalks
      @TeacherKayeTalks  3 роки тому +1

      Wowwwww thank you! (Ganun pala, dapat hindi ba skip yun ads? Kahit ako skini-skip ko LOL ok hindi na!)
      Ikaw, ako, tayo awesome woohoo 🥳

  • @erika0028
    @erika0028 3 роки тому +5

    Amazing. Ang galing mo mag explain Teacher Kaye! 💜

    • @TeacherKayeTalks
      @TeacherKayeTalks  3 роки тому

      🥺 Nakakataba naman ito ng puso, thank you for your encouraging words! ✨ I appreciate you!

  • @Haizekaniger
    @Haizekaniger 2 роки тому +1

    Thank you, ma'am! Makakatulong po ito sa activity ko 💙

  • @melanievangelista1722
    @melanievangelista1722 Рік тому +3

    Hello po Teacher Kaye.. Bunso ko mag 4yo na sa Oct7 kabisado nya ang alphabets, at paborito nya mag count 1-100 minsan kumakanta pa sya gaya ng sa number blocks alam na nya ang shapes , solar system, fruits vegetables , colors , nakakabasa nandin po sya ng animal words kapag binibigay ko ang flash cards kabisado na po nya. Pero hindi pa din sya makapag salita ng derecho pero pag hinahanap ako at humahabol sa akin tinatawag nya ako mommy.. kapag gutom o may gusto sya pagkain mag sasabi po sya ng yaya yum. Simula napanood ko ang mga videos nyo hindi ko na sya pinag gadget at baka dahil don kaya hirap sya mag salita.

  • @JannFrancineSFrias
    @JannFrancineSFrias 2 роки тому +2

    Please make another video for strategies for approaching and treating social comm disorder po. Thank you po!

  • @Icecandy1882
    @Icecandy1882 Рік тому

    Thank you for this thorough explanation teacher.

  • @indigomix
    @indigomix 6 місяців тому

    Teacher Kaye, if a child was diagnosed with ASD, can it be applied as PWD?
    Thank you for educating us. 🩷
    God bless you! 🙏

  • @nenengpanapanapana2700
    @nenengpanapanapana2700 3 роки тому +1

    Hi hope you make a video din explaining ASD w/ language impairment thank you

    • @TeacherKayeTalks
      @TeacherKayeTalks  2 роки тому

      Hi Neneng!
      Here are my videos on ASD:
      Autism ua-cam.com/video/QLmMf-Tqs10/v-deo.html
      6 Signs: ua-cam.com/video/9nNh5DR7wbQ/v-deo.html
      They need updating, and a Taglish version, so I will work on those next year.
      Language Impairment / Disorder:
      Delay or Disorder ua-cam.com/video/jXWzBPPoM6k/v-deo.html
      Hope these are what you were looking for? If not, let me know! ✨

  • @claritausita4214
    @claritausita4214 8 місяців тому +1

    Teacher kaye,meron po b kayo g clinic for social and communication skills( pragmatics) and how much po.meron po bang online?

  • @elnielaturnas5528
    @elnielaturnas5528 2 роки тому

    Teacher Kaye bagong subscriber po ako. Yung anak ko po mag 7 yrs old dipa po gaano maka express sa kung anong sasabihin niya feeling ko may social communication disorder po sya. Pero magaling po sya sa math grade 1 po sya ngayon pero pang grade 3 na math kaya nya na po.

  • @alex-zp5lj
    @alex-zp5lj 3 роки тому

    Hi teacher kaye thank you ang galing mo magpaliwanag.lagi kita pinapanuod.god bless

    • @TeacherKayeTalks
      @TeacherKayeTalks  3 роки тому

      Maraming salamat, Gicelle! Masaya akong kasama ka namin dito ✨

    • @tricianicolemojado2511
      @tricianicolemojado2511 2 роки тому

      Hello po
      . Ung anak kopo kindergarten and 5 years old po.. d po talaga sya naimik.. kahit kausapin sya ng kausapin ng teacher..

  • @rutchellcarpio92
    @rutchellcarpio92 2 роки тому

    Maraming salamat po ate .. na intindihan ko na po kasi may SCD din yung anak ko

    • @shirellolonan5330
      @shirellolonan5330 6 місяців тому

      Hi po,Anu pong ginagawa nyo para matulungan anak nyo?napapansin ko Kasi anak ko 13years old na dko na alam panu Sya matulungan Kasi pinasok ko Sya dati sa teraphy nagalit sya Kasi d daw sya baliw

  • @keanandrobi554
    @keanandrobi554 2 роки тому

    Happy New Year teacher Kaye! Finally na pacheck ko na po baby ko sa devped and was diagnosed with SCD. Ako po yung nag ask dati na My son can Sing pero hindi pa nagkukwento.3yrs8mos na po sya now will start ds month sa speech therapy po.thank you sa lahat ng Help...can i ask for more tips pa po ano po gawin namin as parents with Child with SCD? Thank you God Bless!

    • @TeacherKayeTalks
      @TeacherKayeTalks  2 роки тому

      Happy new year, Kean and Robi! Yes, I remember this username, pero sorry if I can't keep track of all the concerns, so thanks for reminding me! I remember yung kwento mo!
      Excited for you to start therapy!
      Generally, the same tips I gave here, with an emphasis on labeling all emotions sa lahat ng posibleng event. Like anong nararamdaman kapag naagawan ng toy, anong nararamdaman kapag umuwi na si mommy -- angry, happy, etc! Para the next time something similar comes up, and parang unusual ang reactions niya, you can help process an appropriate response that will still feel natural to the child. Social stories will really help, mas lalo nang socialization opportunities are very limited now sa pandemic.
      If you have any specific concerns pa, like a particular event, let me know! Medyo mahirap magbigay ng general advice kasi it's never one-size-fits-all, even for the same disorders.
      And since you will have a therapist who will know more about the particular needs ng anak ninyo, wag din mahiyang magtanong sa kanya ng follow-up activities and good habits for home practice.
      Here to support you! ✨

    • @rjindino2022
      @rjindino2022 2 роки тому

      Galing mag explain thnk you teacher kay

  • @luimarquez8533
    @luimarquez8533 2 роки тому

    Thank you Teacher Kaye ♥️

    • @TeacherKayeTalks
      @TeacherKayeTalks  2 роки тому

      You're welcome, Lui! Thank you for being here. ✨

  • @maritonilota1701
    @maritonilota1701 2 роки тому +1

    Teacher Kaye, yung son ko po ay 22mos po may mga words po sya pero hindi sya conversant and hindi sya magsasalita unless tanungin mo. Thank you po!

  • @marinapomasin5322
    @marinapomasin5322 2 роки тому +1

    Hi teacher Kaye,anak ko po 10years old sya di alam nya sabihin kahit bulol sya pero di nya po alam Yung iBang words kung Anu ibigsabihin

  • @catherinebigaw6655
    @catherinebigaw6655 2 роки тому

    My child is 7 yrs old diagnosed speech delay when she was 5...nahinto po ung therapy during pandemic. Now she's 7 very limited po ung mga words nanaiintindihan nia pag may certain topic iba ung cnsagot nia at parang pag naituro sa knya ang blis nia malimutan.

  • @reeloon
    @reeloon Рік тому

    Hi teacher Kaye. Good day. I'm a mom of 3 years and 6 months no verbal non social din po. SAlamat Ng marami SA videos mo. Napakahaba Ng panahon ang pag ignore ko na iba nga sya. Mula pa Nong baby sya ang hirap nya pong alangan nasi stress po ako Kasi kapapanganak ko palang di sya natutulog iyak sya Ng iyak Di ko sya maintindihan hanggat dumating ako SA point na kahit 3 days old palang sya angsarap nya Ng saktan. Napaka alagain nya po. Now I know pinanganak Pala talaga syang may Mali. Pahirapan Yong pagtulog nya breastfeed po sya kahit wala aqng milk Kasi ayaw nya mag bote talaga Nong mag 2 months sya alam nya na difference Ng real at bote. stressed akong nagbuntis hanggang SA nanganak at araw2x Kami nag aaway ng father nya.matagal na ako nag tingin2x SA UA-cam Pero ang hirap tanggapin hanggang nagdesisyon ako na malala talaga sya.di sya nakikipag usap or nakikipaglaro wala din sya words kahit mama or papa at 3 yes and 6 months. Nakakadurog Ng puso

  • @stef1405
    @stef1405 3 роки тому

    superrr THANK YOU...

  • @rubycrischua8889
    @rubycrischua8889 3 роки тому

    Thank you po plagi po ako nanunuod ng vlog mo.

  • @anisamortales6302
    @anisamortales6302 Рік тому +1

    Hi, teacher kaye..yung anak ko po 7 years old na..pero di ko pa na papacheck po..sa kadahilanan na kapos po ako..dati po 1 year old na kakasabi siya ng mama and papa po..pero ng lumaki na po nawala tapos if may gusto po siya kunukuha niya po yung kamay namin tapos nilalagay niya po duon sa gusto niya..pero alam niya po yung alphabet basahin di lang po talaga tama yung pag pronounce po..parang Chinese po ang pag pronounce..ano kaya po dapat gawin po

  • @janinetemperatura5982
    @janinetemperatura5982 2 роки тому

    I started socialize my baby right now. Pandemic Baby si Baby. It's not too late na po kaya.

  • @myezdish
    @myezdish 2 роки тому

    Teacher can you pls cover in your episodes about PDD NOS, to give us more information about it.

    • @TeacherKayeTalks
      @TeacherKayeTalks  2 роки тому

      Thank you for this suggestion, but to be honest, baka hindi na siya magiging very relevant, kasi hindi na po ginagamit ang diagnosis na PDD-NOS.
      If you watch back from this point ua-cam.com/video/rHZuHhqMqKk/v-deo.html -- I may not have been clear, but when the DSM-V came out, they stopped using PDD-NOS because they came up with better descriptors of the other characteristics of Autism.
      PDD-NOS was used when the child presented with enough Autism traits, BUT didn't meet the full criteria to be granted an ASD diagnosis (sometimes because nagpa-tingin ng medyo matanda na yun bata, and di na naobserve yung developmental presentations; minsan kapag hindi typical yung symptoms, but very similar).
      Also, the category in the DSM used to be called "Pervasive Developmental Disorders," but this was changed to "Neurodevelopmental Disorders," so the terminologies have changed, and di na talaga ginagamit yung PDD.
      Hope this explanation helps you! ✨

  • @violetaereno4933
    @violetaereno4933 Рік тому

    Teacher kaye ang grandson ko ay na diagnosed na may asd. He is now 11yrs old. Dipa po sya ba theraphy kahit occupational & zpeech theraphy dahil sa mahal po kasi. Up to now at his age ay di pa po sya marunong mag popo at weee on his own. Puede nyo po ba kaming matulungan ? Or ma i recomnend sa isang free na puedeng ma theraphy sya? Sana po matulungan nyo po kami. Thank u so much.

  • @IVYHAGANAS
    @IVYHAGANAS Рік тому

    Hello teacher kaye. May baby is turning 4 yrs old this coming April..but hinde sya makapagsalita..may mga times na mg step toe ..flapping his hands..at pg kinakausap de cya mg eye contact..pg may gusto cya he cry at hawakan nya kamay ko at hihilahin nya but not exactly sa bagay na gusto nya..basta lng nya hilahin ang kanay ko.

  • @rubycrischua8889
    @rubycrischua8889 3 роки тому +1

    Ms kaye ganyan din po ang anak ko,

    • @TeacherKayeTalks
      @TeacherKayeTalks  2 роки тому +1

      Hi Ruby, sana mabigyan ng tulong ang inyong anak ✨

  • @krishjandelacruz5752
    @krishjandelacruz5752 9 місяців тому

    My son just got diagnose with SCD he is 5yrs old. His pedia advised na wag muna ipasok sa school kasi di pa siya ready and to undergo Occupational Therapy. I would like to ask can I enroll him in playschool? play groups? Sana mapansin po

  • @kimdarrenduenas5774
    @kimdarrenduenas5774 2 роки тому

    Hi teacher kaye good day ask ko lang po magkaiba ba ang social communication disorger at communication disorder

  • @shirellolonan5330
    @shirellolonan5330 6 місяців тому

    Napapansin kopo yan sa 13years old kung anak,panu kopo kaya sya matutulungan?may magagawa paba ako?by the way po yong kapatid nya po na 5yers old nadiagnozed na language disorder

  • @trishamarietrasmonte9916
    @trishamarietrasmonte9916 2 роки тому

    Good morning ma'am
    My baby brother is 3 years old na ma'am pero Hindi pa din siya nagsasalita

  • @camzalejo
    @camzalejo Рік тому

    hello po teacher kaye!good evening po!tanong lang po last year ngpacheck up po kami sa Neuropedia about po sa anak nmin lalaki now po 4 na sya turning 5.bale nadiagnosed po sya sabi ni Doc ng Global Developmental Delay and that time she reccommend us to go to Dreamcatcher sa school po nya for occupational therapy .ngtagal po ng 6months dn po therapy ni bunso may changes nmn o nabago kay bunso teacher Kaye yung pagkinausap po nmn sya ni misis may eye contact nmn po sya and may isa dalawang word na po sya ngayon nasasabi and yun nga po tpos ngayon po ang problema nmn po nmn is parang bumalik na nmn behavior nya na nangangalmot sisigaw pag my gusto sya tpos yun nga po dati pa hngng ngayon po d makontrol kilos nya tnong ko po,ano po kya pwede namin gawin sa bunso nmin teacher Kaye?papasched po ba ulit kami for another checkup sa Neuropedia?salamat po sa tulong nyo in advance po!God Bless!

  • @elieryganda
    @elieryganda 3 роки тому +1

    Late comment pero ganitong ganito anak ko bigla nalang sya magsasalita out of nowhere nakakaintindi minsan marunong sumagot sa tanong marunong din magtanong ,marunong pag pinagagalitan , marunong mag iloveyou mag thankyou magsorry . marunong kumanta marunong sumayaw , pero hirap sya makpag halubilo ayaw nya sa ibang tao kahit pinsan nya minsan ayaw nya kalaro in all hirap sya sa social.communication sa ibang tao ,and speech delay din po sya hays ano kaya pwede gawin.

    • @TeacherKayeTalks
      @TeacherKayeTalks  2 роки тому

      Hello Lezly! Pinaka-mainam po ay magpa-assess muna sa Dev Ped, para mas matiyak nating yung problema. Maaari din po kasing iba pala ang problema, at iba ang approach sa kanya. ✨

  • @JA-uw8ii
    @JA-uw8ii 2 роки тому

    Teacher Kaye Anu Po pinagkaiba ng behavioral therapy vs. Occupational therapy? I tried to research about it pero nalalaboan pa din Po Ako..

  • @gajesdianearvip.5173
    @gajesdianearvip.5173 3 роки тому +1

    Teacher Kaye, same po ba yung social communication disorder sa communication disorder lang po? My 2 y/o baby was diagnosed of having communication disorder by a dev ped po kasi. Thank you po and more power po.

    • @TeacherKayeTalks
      @TeacherKayeTalks  3 роки тому

      Hello Diane! Magkaiba pa yun. Ang Communication Disorder ay ibang terminolohiya para sa Language Disorder, na ipinaliwanag ko dito:
      ua-cam.com/video/jXWzBPPoM6k/v-deo.html
      Sana po masuportahan ko kayo sa pagtulong sa inyong anak. ✨

    • @xtianvg0073
      @xtianvg0073 3 місяці тому

      @@TeacherKayeTalks Hi teacher Kaye, yong daughter ko po ay na diagnose na may GDD nong 2 years old sya. Ang sabi ng developmental pedia nya ay enroll namin sya sa therapy center (ST and OT). Pagbalik namin sa Dev pedia nya last March 2024 ang diagnose na sa kanya ay SCD na. Pero continous parin yong SP at OT nya sa therapy center.

  • @alfredoselmo7915
    @alfredoselmo7915 Рік тому

    teacher kaye anak ko po 3 yrs old.he knows how to count ,fruits colors letters but cannot say it properly

  • @janinetemperatura5982
    @janinetemperatura5982 2 роки тому +1

    Hello Teacher Kaye. Was it okay to teach the word mama by saying the sounds of it. Like /m//a//m//a/= mama. Thank you Teacher Kaye.

  • @momamazing
    @momamazing 2 роки тому

    Hi Teacher Kaye, what do we need to do to address SCD?

  • @floramaegalo1233
    @floramaegalo1233 3 роки тому

    hi teacher kaye ang anak ko po diagnose autism nakapag salita po pero one word lng po 5 yrs old na po siya ngayon

    • @TeacherKayeTalks
      @TeacherKayeTalks  3 роки тому

      Hello Floramae!
      Ililista ko po dito yung mga videos ko na sana makatulong sa inyong maintindihan ang mga madalas nararanasan ng mga batang may Autism, para mas matulungan natin ang inyong anak:
      Definition of Autism ua-cam.com/video/QLmMf-Tqs10/v-deo.html
      6 Signs Your Child May Have Autism: ua-cam.com/video/9nNh5DR7wbQ/v-deo.html
      Echolalia ua-cam.com/video/CFyPzpvX4TM/v-deo.html
      Jargon ua-cam.com/video/1tmWaB4OZA8/v-deo.html
      Improving Attention ua-cam.com/video/RDzW1YbTntE/v-deo.html
      Stimming ua-cam.com/video/tLRSkxXxusM/v-deo.html
      Regression ua-cam.com/video/dd7ozgCV9pk/v-deo.html
      Kung may kakayahan naman pong magpa-therapy, mas makakabuti po ito para may guide ho kayo kung paano ma-target ang mga goals para sa inyong anak.
      Sana makatulong ito, at masuportahan kayo sa patulong sa inyong anak ✨

  • @queencepags
    @queencepags 3 роки тому

    Thank you po. 2 yrs old po anak ko. Language nya lang po ay. Aaaahhh aaaahhh. Hmmm hmmm. Pro wala ko siyang repetitive behavior. Walang fidgeting. He can understand No No. He is not very active naman po. Pag time for eating. Minsan nagbingingihan. Minsan madaling tawagin. Wala lang po talagang words na nabibigkas. Also may heart shape po yun tongue nya. Once in a blue moon ko lang po nakikitang lumalabas sa bibig nya

    • @marieannsasa7584
      @marieannsasa7584 3 роки тому +1

      Tongue-tied siguro kaya heart shape parang sa baby ko. Pina cut ko sa Paedia nun newborn pa lang siya. Nun nacut lumakas ang iyak. Sabi makakaepekto sa pagsaslita kapag tongue tied.

    • @TeacherKayeTalks
      @TeacherKayeTalks  3 роки тому

      You are right, Marie Ann! Thank you for responding to Mommy Queence! ✨ Mga input na ganito, sobrang nakakatulong sa community natin 👌🏾
      In case you need more info on the effects of tongue-tie to speech and feeding: ua-cam.com/video/rMI3b9hPjVk/v-deo.html

    • @TeacherKayeTalks
      @TeacherKayeTalks  3 роки тому +2

      Hello Queence!
      Base lang po sa kwento ninyo, masasabi ko na pong delayed yung speech and language ng anak ninyo, kasi by 2 years old, usually ang bata ay may 10-50 words na nasasabi, at nagsisimula na mag-short phrases, tulad ng "mama kain."
      "Nagbibingi-bingihan" -- naririnig ho kaya kayo ng mabuti? Importante pong ma-check kung naririnig ng bata ang pangkalahatan ng speech sounds. Please watch this video to help you check: ua-cam.com/video/_TOaZ2jZ5JI/v-deo.html
      "heart-shaped tongue" -- tama po si Mommy Marie Ann na nagreply din sayo. This is a strong indication of a tongue-tie, please watch this to check:
      ua-cam.com/video/rMI3b9hPjVk/v-deo.html
      Pero kahit po tongue-tied ang bata, dapat po halos lahat na ay naiintindihan nya, kasi wala po itong kinalaman sa comprehension ng bata.
      Kung nanonood ang bata ng videos, kahit po "educational," itigil po muna, mas lalo kung nakakapansin tayo ng kakaibang behavior. Gusto natin masigurado na hindi ito factor sa kanyang developmental delay. Subukan niyo po muna ng 1 to 2 weeks, at tignan po natin if may mapansin kayong improvement sa behavior and overall attention.
      Andito ang paliwanag kung anong nangyayari sa brains ng baby kapag nanonood ng videos: ua-cam.com/video/OmZvmt-6Zug/v-deo.html
      Signs of Screen Addiction -- kasama po diyan ang hindi pag-pansin kapag kinakausap o tinatawag:
      instagram.com/p/CRJYfz7j_wq/
      Para po dumami ang mga sounds na masubukan ni baby, maliban sa "aaah"
      ua-cam.com/video/mT3iKlDXxsc/v-deo.html
      Sanayin niyo pong ganito makipagusap sa bata PALAGI, pag mas maraming naririnig na words, lumalaki ang chance na may mapulot siya
      ua-cam.com/video/5xWLHDfzLZc/v-deo.html
      Kapag mas madalas sumesenyas pero di nagsasalita, ito ho:
      ua-cam.com/video/wNfHEgG0jaQ/v-deo.html
      Para dumalas ang pag-hingi nya sa inyo ng mga bagay, imbis na siya mismo kukuha o gagawa:
      ua-cam.com/video/HzmHVBncick/v-deo.html
      Kahit yan po muna homework niyo for 2 weeks, tapos balitaan niyo ho ako pagkatapos
      Para mas mabilis po ang ating progress, you may want to consider therapy kung may access and resources ho kayo. Pwede ko ho kayo tulungan maghanap ng therapist.
      Balitaan niyo ho ako kapag nasubukan niyo na pong:
      - 0 screen time
      - practice lahat ng technique dito for at least 2 weeks.

    • @rubycrischua8889
      @rubycrischua8889 3 роки тому

      Hi mam ganyan din po ang ank ko hindi ko pa sya napapa check up 4na sya

    • @mirasolverdadero4988
      @mirasolverdadero4988 2 роки тому

      @@rubycrischua8889 hello Po mam..kumosta Po anak nyo mam?

  • @michellesantos3046
    @michellesantos3046 3 роки тому +2

    Hi Teacher Kaye. My daughter is turning 2 this November, wala pa syang first word 😌 even mama or papa wala. Before she responds to sound of cow, wheres her body parts.then slowly hindi na sya nagrerespond until totally ayaw na nya.. can you advise what I should do. My inlaws at mga kasama ko sa bahay would say 'magsasalita din sya, baka late lang".. im located in tarlac at pinaka malapit na dev ped sa Bolinao Pangasinan pa. Do you happen to know a dev pedia dito sa North? 😔

    • @isabelguevarra6181
      @isabelguevarra6181 3 роки тому

      Hi Mommy Michelle. May Dev Pedia po sa Angeles Medical Center (AUF) baka mas malapit po sa inyo☺️

    • @TeacherKayeTalks
      @TeacherKayeTalks  3 роки тому

      Hello!
      Yung una pong gusto kong malaman ay kung exposed ang bata sa screens/gadgets? Maaaring may epekto kasi ito sa communication development ng bata, lalo na from 0-2 years old.
      Kung nanonood ang bata ng videos, kahit po "educational," itigil po muna, mas lalo kung nakakapansin tayo ng kakaibang behavior. Gusto natin masigurado na hindi ito factor sa kanyang developmental delay. Subukan niyo po muna ng 1 to 2 weeks, at tignan po natin if may mapansin kayong improvement sa behavior and overall attention.
      Andito ang paliwanag kung anong nangyayari sa brains ng baby kapag nanonood ng videos: ua-cam.com/video/OmZvmt-6Zug/v-deo.html
      Signs of Screen Addiction:
      instagram.com/p/CRJYfz7j_wq/
      By 2 years old, dapat po higit na sa 50 words ang nasasabi ng bata, at nagsisimula nang mag-dugtong ng mga salita, tulad ng "mama kain." Kung wala pa hong ni-isang salita, 'wag na pong maghintay kung may kakayanan naman pong magpatingin at magpa-assess. Ipinaliwanag ko po dito kung bakit importante ang early intervention, at kung bakit dapat hindi maghintay.
      instagram.com/p/CRsxEk9j9so/
      Yung pagkawala ng communication ay maaaring regression din po, kaya ho importanteng mapatingin sa isang Dev Ped. Sa instagram ko po, maaari niyong hanapin ang ilan sa mga fina-follow kong Devped, tulad ni @effectivemommy at @drpabsdevped para sa online consultation.
      Ito po ay Facebook page ng mga Therapist na taga-Pampanga:
      facebook.com/SiwalaPampangueno
      Meron po sila diyang directory, para makahanap po kayo ng malapit sa inyo.
      Ito pa hong mga videos ko na maaaring makatulong sa level ng comprehension niya ngayon:
      - episode 41 on Following commands ua-cam.com/video/nv1TQJv7xRs/v-deo.html
      - episode 12 on Action Songs ua-cam.com/video/Yfn3iFiTklI/v-deo.html
      - episode 44 on pointing ua-cam.com/video/IeLrLfWirVQ/v-deo.html
      - episode 17 on object identification ua-cam.com/video/A2Y1GG2WJ7Q/v-deo.html
      - episode 13 on Yes/No ua-cam.com/video/64SsrKgamhQ/v-deo.html
      - episode 10 how to read books to babies ua-cam.com/video/RgaeneqlpTc/v-deo.html
      - episode 5 on sounds to words ua-cam.com/video/mT3iKlDXxsc/v-deo.html
      Balitaan niyo ho ako kung may maitutulong pa ako sa inyo!

  • @jonagarcia4187
    @jonagarcia4187 3 роки тому +1

    Hello po teacher kaye! Yung 4 y/o babyboy ko po hindi sya nakikipag laro sa ibang bata o takot sya sa ibang tao ano po pwede gawin?

    • @TeacherKayeTalks
      @TeacherKayeTalks  3 роки тому +1

      Hello!
      Dumadalas ang ganitong issue sa akin lately, baka may kinalaman sa pandemya, at hindi nasasanay ang bata sa socialization. 🥺
      Paano niyo po nasasabing "takot"? Pero sa inyo po nakikipaglaro siya?
      Subukan niyo po na kapag may ibang bata, at ayaw niyang makipaglaro, makisali kayo dun sa isang bata habang naglalaro kayo in the same room. This is called Parallel Play, and observe (or ask niyo yung asawa ninyo to observe) kung titingin-tingin siya habang naglalaro kayo? Tignan niyo kung yung play behaviors ninyo ay gagayahin niya? Or if later on, biglang gusto niya sumali sa inyo. Importante na mukhang enjoy na enjoy kayo nung isang bata.
      Yung "takot" naman, make sure you make the child feel safe first and foremost, so either hawak ninyo yung kamay niya while you are talking to the other person, para makita niya na "ahh kapag safe kay mommy, safe din siguro sa akin, at hindi hahayaan ni mommy na may mangyari sakin."
      Let me know if these work for you!
      If the behaviors become more extreme, for example, magwawala siya kapag nakakita ng hindi niya kilala, I suggest magpatingin na po sa doctor who may refer you to a child psychologist.

    • @jonagarcia4187
      @jonagarcia4187 3 роки тому

      @@TeacherKayeTalks thank you po teacher kaye sa advice. Gagawin ko po lahat ng advice nyo. Maraming salamat po 🙏🙏🙏

    • @reeloon
      @reeloon Рік тому

      Hi mommy nagsasalita BA sya? Sakin Kasi Hindi eh

  • @geraldinesotingco6563
    @geraldinesotingco6563 2 роки тому

    Thanks Teacher saan ang clinic mo?..

  • @Pulyn25
    @Pulyn25 2 роки тому

    May alaga po ako autism...ofw Saudi may ... 9 yrs old non verbal..
    Sa una mahirap talaga alagaan Sila kailangan ng mataas na pasensya paiba iba mannerisms nila, ..
    Hirap ako ma stop repeating action nya.. .

  • @myezdish
    @myezdish 2 роки тому

    Hello teacher kaye, saan po makakabili ng DSM 5?

    • @TeacherKayeTalks
      @TeacherKayeTalks  2 роки тому

      Hi! Sa mga specialty bookstores that sell other medical textbooks, like C&E sa Recto:
      www.cebookshop.com/
      Minsan, if walang stock, you need to order in advance.
      Sana makatulong ito ✨ but note that you need to have a medical background to fully understand, and definitely to interpret the data. These also don't include the standardized tests per disorder, they only have the descriptions.

  • @jhunnisperos5973
    @jhunnisperos5973 3 роки тому +1

    Teacher kaye ask ko po ung anak ko po 2 years and 7 months n po sya madalang po.sya mag salita papa at mama madalang lagi nalang sya actions kung may gusto syang gawin o ipakuha tinuturo po nya o kaya kinukuha nya kamay ko para kunin ung isang bagay na gusto nya at nauutusan ko naman po sya Bakit po kaya? Delay lang po ba sya? Thanks po

    • @rubycabigting8865
      @rubycabigting8865 3 роки тому +1

      Ganyn din anak ko maam

    • @TeacherKayeTalks
      @TeacherKayeTalks  3 роки тому +1

      Hello Jhun!
      Hindi ko po masasabi kung may ibang kalagayan ang bata, o speech delayed lang, hangga't hindi siya nakikita at naa-assess. Marami pong posibleng rason kung bakit hindi pa nagsasalita ang bata, isa na rito ay kung madalas manood ng videos sa TV o gadgets.
      Kung nanonood ang bata ng videos, kahit po "educational," itigil po muna, mas lalo kung nakakapansin tayo ng kakaibang behavior (hindi pa nagsasalita at halos 3 years old na, na dapat nakakapag-kuwento na kahit simple lang). Gusto natin masigurado na hindi ito factor sa kanyang developmental delay. Subukan niyo po muna ng 1 to 2 weeks, at tignan po natin if may mapansin kayong improvement sa behavior and overall attention.
      Andito ang paliwanag kung anong nangyayari sa brains ng baby kapag nanonood ng videos: ua-cam.com/video/OmZvmt-6Zug/v-deo.html
      Signs of Screen Addiction - kasama po diyan ang speech delay:
      instagram.com/p/CRJYfz7j_wq/
      Kapag mas madalas sumesenyas pero di nagsasalita, subukan niyo po ito:
      ua-cam.com/video/wNfHEgG0jaQ/v-deo.html
      Para dumalas ang pag-hingi nya sa inyo ng mga bagay, imbis na siya mismo kukuha o gagawa:
      ua-cam.com/video/HzmHVBncick/v-deo.html
      Sanayin niyo pong ganito makipagusap sa bata PALAGI, pag mas maraming naririnig na words, lumalaki ang chance na may mapulot siyang bagong salita.
      Balitaan niyo ho ako kapag nasubukan niyo na pong:
      - 0 screen time
      - practice lahat ng technique dito for at least 2 weeks.
      Kung walang ibang kundisyon ang bata, aasahan makikita tayo ng progress. ✨
      ua-cam.com/video/5xWLHDfzLZc/v-deo.html

    • @TeacherKayeTalks
      @TeacherKayeTalks  3 роки тому

      Hello Ruby! Kung parehas ang problema kay Jhun, pareho ang aking maipapayo sa iyo, sana mabasa at masubukan niyo po ang mga tips na ni-reply ko sa kanya 👆🏽
      Sana masuportahan ko po kayo ✨

    • @jhunnisperos5973
      @jhunnisperos5973 3 роки тому

      Teacher kaye simula po nung napanood ko mga videos mo abt. Speech delay ginawa ko po sa anak ko ung mga sinabi nyo hindi n po sya nanonood s cp. At tv. Malaki po pinagbago po nya ngayon po nakakapag salita n po sya ng pakonti konti dati tinuturo lng nya ung bird ngayon sinasabi n din po nya na bird sabay turo s mga ibon at lagi ko po syang kinakausap Nakatulong po talga s akin mga videos nyo teacher kaye..thank you so much po

  • @marysonmagtibay7572
    @marysonmagtibay7572 3 роки тому

    Hellow teacher kaye ganyan din ang aking anak 6yrs.old na po cya hindi rin po marunong makipag kwentohan sa knya kalaro po nakakaintindi namn po at alm namn nya kpag mali cya ... anu po dapat gawin ko po ? Kapag nag babasa po ako nang story taleng .. pagkatapos ko po basahin tinatanong ko sya .. hindi nya masagot ang tinatanong ko.. teacher faye

    • @TeacherKayeTalks
      @TeacherKayeTalks  3 роки тому

      Hello Maryson!
      Dahil hindi ko pa po nakikita ang bata, at kaunti lang po ang naikuwento niyo dito, hindi po ako makasigurado kung saan po nahihirapan yung anak ninyo.
      Yung SCD po kasi, mostly sa FEELINGS and social contexts po ang nagiging problema, nila, pero maaaring hindi naaapektuhan ang kanilang pagkakaintindi ng ibang bagay.
      Nabanggit niyo po na hindi siya nakakasagot ng tanong, at parang hindi niya naiintindihan ang storya, baka po kailangan din niya ng tulong sa comprehension.
      Pwede niyo ho bang panoorin ito, baka sakaling mas malapit dito ang ang nararanasan ng anak ninyo:
      Delay or Disorder ua-cam.com/video/jXWzBPPoM6k/v-deo.html
      Para naman po matulungan siya sa pagsagot ng mga tanong, simulan po natin sa mga ito:
      Yes/No ua-cam.com/video/64SsrKgamhQ/v-deo.html
      Wh- Questions ua-cam.com/video/KGERmMHNtrc/v-deo.html
      Dahil 6 years old na po siya, para mas mabilis po siyang maturuan, you may want to consider therapy kung may access and resources ho kayo. Please message me on Facebook.
      facebook.com/teacherkayetalks/
      Sana makatulong ho ito ✨

  • @JiomairaFabrigar
    @JiomairaFabrigar Рік тому

    Helo po ask lang po anak ko hindi po natigin sa akin. Pag kinakausap ko po sya

    • @TeacherKayeTalks
      @TeacherKayeTalks  Рік тому

      Hello, marami pong posibleng rason dito. Sana makatulong ang mga videos na ito >>
      ua-cam.com/video/R-fFfIkfWVs/v-deo.html
      Virtual Autism
      ua-cam.com/video/tLRSkxXxusM/v-deo.html
      Stimming (possible visual avoidance)
      ua-cam.com/video/RDzW1YbTntE/v-deo.html
      Improving Attention

  • @mommyfurry9596
    @mommyfurry9596 3 роки тому

    Teacher, my 19 months old is building words pa lang, like parang jaggle of words ang ginagawa nya. Minsan she does call me one time by my name, then regularly she can say mama, papa, baba, and ssss sound (to shoo dogs 😂 kse maingay dogs namin I normally do shooing) I don't know if this is normal for her age. Kse napapansin ko dn I rarely get her attention or must I say she doesn't have the focus most of the time. I does a lot of reading and talking naman, what I notice to her is she can easily learn and immitate yung normally ginagawa sa bahay. She is careful once she experienced bad, like slipping sa floor, she knows it when I say something is hot hndi nya hahawakan yun. I got worried bec yung younger sakanya ng 2 mos can identify and learned animals and colors. But sya wala pa 😔

    • @TeacherKayeTalks
      @TeacherKayeTalks  3 роки тому +2

      Hi Mommy Furry! Subukan ko pong ipaliwanag lahat ng nabanggit ninyo.
      I understand how it must feel kapag nakukumpara natin ang mga bata sa iba, and to avoid this, let's refer to Developmental Milestones, where we look at averages (worldwide!)
      At 19 months, karamihan po ng bata ay may nasasabi nang 10-50 (single) words. So napakalaking range po ng 10-50, ibig sabihin na kahit 10 palang ang nasasabi niya, sumusunod pa naman sa typical expectations natin sa mga ka-edad niya. Base sa naikwento ninyo, may 4 words na siya, at maaaring may iba pa siyang nasasabi na hindi niyo lang nailista, o hindi niyo pa napapansin. Sundan itong guide na ito para malaman kung paano mas mabuting mabilang kung ilan na talaga ang nasasabi ng bata:
      ua-cam.com/video/V1kmFVr9Ugk/v-deo.html
      It's good to know she has good memory and reasoning (understanding Cause and Effect, kaya naalala niya not to repeat the same things kapag may nangyaring masama).
      It's also good that she can imitate well, you can definitely use this as an advantage to teach her. Just keep repeating the same words na gusto mo talagang matutunan niya, until magugulat ka nalang siya na magsasabi nyan eventually.
      As for attention, I hope this video helps:
      ua-cam.com/video/RDzW1YbTntE/v-deo.html
      Kung nanonood ang bata ng videos, kahit po "educational," itigil po muna. Gusto natin masigurado na hindi ito factor sa kanyang attention problems. Subukan niyo po muna ng 1 to 2 weeks, at tignan po natin if may mapansin kayong improvement sa behavior and overall attention.
      Andito ang paliwanag kung anong nangyayari sa brains ng baby kapag nanonood ng videos: ua-cam.com/video/OmZvmt-6Zug/v-deo.html
      Signs of Screen Addiction -- kasama dyan ang loss or lack of attention:
      instagram.com/p/CRJYfz7j_wq/
      It is possible that your child is not interested in animals or colors, or the words are not used enough around her? It matters kung ano din kasi ang palagi niyang activities -- that will determine the words she will learn.
      I hope masubukan niyo po lahat ng payo ko dito, and let me know how else I can support you ✨

    • @cuddlydaintyd
      @cuddlydaintyd 3 роки тому

      @@TeacherKayeTalks I appreciate your response. I will all of this teacher Kaye. And I hope we can have you check her up. Do you have clinic or do you allow teleconsult po ba? 1 month ago when she learned pointing and I learned it from you! More powers to you.

  • @michellegutierrez764
    @michellegutierrez764 3 роки тому

    Hello po May pamangkin po ako mag 3yrs old na po sya sa January 23 girl . pero ang madalas nya pong salita ay ""Aaaaaaaaa aaa aaa" , nakakapagsabi naman na po sya ng mama,lola,tita,papa, maamam (water), pagka po may sasabihin sya. "Tita aaaa aaa aaa tas ituturo turo nya lang po . Para syang nagsasign laguange. Kunyare gusto ng ice cream . Iaakting nya lang po kung pano kainin yung ice cream . Di nya po kaya bigkasin. Inaapply ko po sa knya yung kausapin lang ng paulit ulit pag may introduce na new word . Kaso dj nya po talaga kaya. Ano po kaya yun. Sana masagot po.

    • @TeacherKayeTalks
      @TeacherKayeTalks  2 роки тому +2

      Hello Michelle!
      Base lang sa naikwento mo, I want you to watch this video tapos balitaan mo ako kung sa tingin mo similar sa pamangkin ninyo:
      ua-cam.com/video/q_PuUcq8_tE/v-deo.html
      Kapag mas madalas sumesenyas pero di nagsasalita, ito ho:
      ua-cam.com/video/wNfHEgG0jaQ/v-deo.html
      Para dumalas ang pag-hingi nya sa inyo ng mga bagay, imbis na siya mismo kukuha o gagawa:
      ua-cam.com/video/HzmHVBncick/v-deo.html
      Sana makatulong ito! ✨

    • @lanitapillarteteammhelswor1008
      @lanitapillarteteammhelswor1008 2 роки тому

      @@TeacherKayeTalks yung anak ko 3years old boy hindi pa sya nakakapagsalita ng daretso less than 10 words lang nababanggit nya yung mga basic word lang like mama/no no / mine / weee (where)/mamam (iinom) / wiwi (iihi) yan lang puro basic words lang. Tinatry ko sya turuan pinapabanggit ko sa kanya yung word na PAPA tinatry naman nya pero nalabas sa bibig nya is MOMMY di ko alam kung bakit nagiging mommy yung nalabas sa bibig nya pero papa ang pinababanggit ko sa kanya. May mga alam naman po sya na sound ng animal pero hindi nya din mabanggit kung anong animals yun. May scenario din na tuturuan ko sya ng alphabet may gamit akong flash card di nya mababanggit pero alam nya kung para saan o ano yung mga nakadrawing sa flashcard example yung C for cat pagpinakita ko na sa kanya mag meow sya agad tapos pag U umbrella i aact nya kung pano gamitin yung umbrella ganon lang. Sana po masagot nyo po tanong ko, lagi po kasi sya naikukumpara sa mga ka age nyang bata na tuwid na magsalita. Lagi din po sya niloloko ng mga kalaro nya imbis na kausapin ng tuwid ay ginagaya pa nila yung way kung paano magsalita ang anak ko which is parang chinese sya magsalita mabilis pero di maintindihan. Bilang ina nasasaktan ako kaya minsan di ko na lang sya pinapayagan makipaglaro, ako na lang nakikipaglaro sa kanya. Sana masagot nyo po yung tanong ko.

  • @mariaangelinabuenaventura811
    @mariaangelinabuenaventura811 3 роки тому

    Hi teacher kaye.. ung anak ko po 7yrs old na po sya hnd ko pa po sya na ppacheck up hirap din po sya mkipag usap .. by word lng po ung nsasabi nya ... Hnd lng po nya mtuloy tuloy . Pagsasalita nya kung baga alam nya ung nangyayari hnd lng nya masabi .. ng tuloy tuloy Nkkaintindi nmn po sya.. anu po kya pde gawin ..

    • @portiamayasdolo978
      @portiamayasdolo978 3 роки тому

      Ay ganyan din yung anak ko na 7 years old.

    • @TeacherKayeTalks
      @TeacherKayeTalks  3 роки тому

      Hello Maria Angelina!
      Base lang po sa naikwento ninyo dito, ito ang mga posibleng problema:
      - kung sa tingin niyo naiintindihan na niya lahat ng inyong sinasabi (at ibig sabihin ko sa lahat, ay kakausapin o kukuwentuhan siya na para nang adult -- hindi iisa o dalawang salita lang -- at maipapakita niya sa ibang paraan na naintindihan niya) pero hindi siya maka-respond verbally, baka po may problema sa paggalaw ng kanyang mga muscles sa bibig. Panoorin niyo po ito para malaman kung ito ang napapansin ninyo: ua-cam.com/video/q_PuUcq8_tE/v-deo.html
      - kung sasagot yung bata ay parang di niya masimulan ang salita, o may nauulit na mga tunog tulad ng "-----b-b-b-all" o "bo-bo-bo-bola" >> maaring may stuttering ang bata (hindi ko pa ito nagagawan ng video)
      - kung ang naiintindihan ay mga simpleng utos napalagi nang pinapagawa sa kanya tulad ng "kunin mo ang ___" o "isara mo ang pinto," ang mga command na ito ay maaaring maintindihan na rin ng mga 1-2 year old na mga bata. Kung gayon, maaaring may language disorder po ang bata. Panoorin mo ito para malaman ang ibig sabihin nito: ua-cam.com/video/jXWzBPPoM6k/v-deo.html
      Kung 7 years old na po ang bata at 1 word lang ang nasasabi, mas mainam po talagang magpa-tingin na, kung may kakayahan po, para po malaman kung ano ang sanhi ng kaniyang kahirapan at mas mabigyan siya ng akmang tulong.
      Sa ngayon, kung nanonood ang bata ng mga videos sa TV/UA-cam, kahit po "educational," itigil po muna, mas lalo kung nakakapansin tayo ng kakaibang behavior. Gusto natin masigurado na hindi ito factor sa kanyang communication difficulties. Subukan niyo po muna ng 1 to 2 weeks, at tignan po natin if may mapansin kayong improvement sa behavior and overall attention.
      Andito ang paliwanag kung anong nangyayari sa brains ng baby kapag nanonood ng videos: ua-cam.com/video/OmZvmt-6Zug/v-deo.html
      Signs of Screen Addiction:
      instagram.com/p/CRJYfz7j_wq/
      Para matulungan natin siyang paramihin/pahabain ang mga kaya niyang sabihin, subukan niyo po ang technique na ito:
      ua-cam.com/video/vnogwBiPm14/v-deo.html
      Sana po makatulong itong lahat sa inyo ✨

    • @TeacherKayeTalks
      @TeacherKayeTalks  3 роки тому +1

      Hi Portia, nag-reply po ako kay Mommy Maria Angelina, at dahil sabi niyo pareho kayo ng sitwasyon, sana makatulong din sa inyo ang mga payo ko sa kanya. Maaaring pakibasa nalang rin ang reply ko sa kanya ✨
      Kung may iba ho kayong concern, balitaan niyo ho ako!

  • @hamzaabdelrashid8208
    @hamzaabdelrashid8208 2 роки тому

    My clinic Po ba kayo?

  • @mommyannee
    @mommyannee Рік тому

    Natawa ako Teach sa opposite.hha😂😂😂

    • @TeacherKayeTalks
      @TeacherKayeTalks  Рік тому

      😂 Sobrang lumang joke niyan, nung high school pa ako! Happy to make you laugh, Annee! ✨

  • @joandimalanta3554
    @joandimalanta3554 3 роки тому

    Hello po teacher kaye nag message po ako sa facebook page nyo salamat po.

    • @TeacherKayeTalks
      @TeacherKayeTalks  3 роки тому +1

      Hello Joan, hindi ko pa nabababasa kasi sobrang daming messages doon at dito. Makakarating din ako diyan, salamat sa pasensya.

  • @elaine7979
    @elaine7979 3 роки тому

    How about ASD?

    • @TeacherKayeTalks
      @TeacherKayeTalks  2 роки тому

      Hi Elaine!
      For more info on Autism, here are my related videos:
      - Regression ua-cam.com/video/dd7ozgCV9pk/v-deo.html
      - 6 Signs: ua-cam.com/video/9nNh5DR7wbQ/v-deo.html
      - Autism ua-cam.com/video/QLmMf-Tqs10/v-deo.html
      - Stimming ua-cam.com/video/tLRSkxXxusM/v-deo.html
      Sana nakatulong ito! ✨

  • @rhenz3795
    @rhenz3795 2 роки тому +2

    Communication disorder starts by bottling up your emotions... 😔

  • @xtra_love3961
    @xtra_love3961 3 роки тому

    Hello po teacher kaye.. pwede po ba akong magtanong? 😟 ung baby boy kopo kase wla pang nasasabing isang salita pero nagsasalita nmn po siya.. di ko lang po maintindihan.
    May gestures nmn po siya chka social interaction sa amin sa bahay..
    Pero pag tinatawag po sa pangalan madalang lng po lumilingon unless may pagkain po akong hawak. doon lng po siya lilingon..
    Sana po masagot niyo po ako.. slamat po 😥

    • @TeacherKayeTalks
      @TeacherKayeTalks  3 роки тому

      Hello Aila!
      Ilang taon na po ang baby? Baka ho ganito siya magsalita:
      Jargon ua-cam.com/video/1tmWaB4OZA8/v-deo.html
      Sana po makatulong rin ang tips sa video na ito:
      Respond to Name / Eye Contact
      ua-cam.com/video/o7o7YKGW3ho/v-deo.html
      Tanong ko na rin kung bakit madalang lumingon, ano pong kinabu-busyhan? Sigurado ho bang nakakarinig ang bata ng maayos? Check Hearing ua-cam.com/video/_TOaZ2jZ5JI/v-deo.html
      Posible ding hindi siya lumilingon kapag masyadong madalas ang panonood ng videos sa TV/gadgets? Isa ho kasi itong indikasyon ng Screen Addiction:
      instagram.com/p/CRJYfz7j_wq/
      Kung nanonood ang bata ng videos, kahit po "educational," itigil po muna, mas lalo kung nakakapansin tayo ng kakaibang behavior (hindi na namamansin). Gusto natin masigurado na hindi ito factor sa kanyang developmental delay. Subukan niyo po muna ng 1 to 2 weeks, at tignan po natin if may mapansin kayong improvement sa behavior and overall attention.
      Andito ang paliwanag kung anong nangyayari sa brains ng baby kapag nanonood ng videos: ua-cam.com/video/OmZvmt-6Zug/v-deo.html
      Simulan niyo rin pong paramihin ang mga naiintindihan niyang salita, kahit wala kayo masyadong maintindihan. Subukan niyo po ang mga videos na ito:
      - episode 41 on Following commands ua-cam.com/video/nv1TQJv7xRs/v-deo.html
      - episode 12 on Action Songs ua-cam.com/video/Yfn3iFiTklI/v-deo.html
      - episode 44 on pointing ua-cam.com/video/IeLrLfWirVQ/v-deo.html
      - episode 17 on object identification ua-cam.com/video/A2Y1GG2WJ7Q/v-deo.html
      - episode 13 on Yes/No ua-cam.com/video/64SsrKgamhQ/v-deo.html
      - episode 10 how to read books to babies ua-cam.com/video/RgaeneqlpTc/v-deo.html
      Kapag mas madalas sumesenyas pero di nagsasalita, ito ho:
      ua-cam.com/video/wNfHEgG0jaQ/v-deo.html
      Para dumalas ang pag-hingi nya sa inyo ng mga bagay, imbis na siya mismo kukuha o gagawa:
      ua-cam.com/video/HzmHVBncick/v-deo.html
      Balitaan niyo ho ako kapag nasubukan niyo na pong:
      - 0 screen time
      - practice lahat ng technique dito for at least 2 weeks.
      Kung walang ibang kundisyon ang bata, aasahan makikita tayo ng progress. Balitaan niyo ho ako ✨

  • @yhenkagami
    @yhenkagami 3 роки тому

    Wag na tau maganak! Peste! Hirap magturo ng bata..🤣🤣🤣🤣🤣

    • @TeacherKayeTalks
      @TeacherKayeTalks  2 роки тому

      😅 mukhang pinakamahirap na trabaho ho talaga sa mundo ay maging magulang ✨