Pwede po magtanong? Naguguluhan kasi ako kung bibili pa ba ako ng pressure tank or motor pump nalang. Bungalow lang po ang bahay ko at sa lugar namin, 10 pm - 5 am lang ang tubig kaya hassle talaga. Ang plano ko kasi, magpapahukay ako ng butas siguro 1 cubic meter tapos sesementuhin ko at iwaterproof para walang leak. Bale dun ko po iiiimbak ang tubig kasi di na po umaakyat ang tubig if more than one meter sa mga oras na binanggit ko. Jan po ako naguguluhan. Dalawa kasi ang choices ko. Una, gagamit ako ng storage tank sa sa taas ng terrace. Siguro nasa 5 meters ang taas ng paglalagyan ko storage tank (600 liters). Gagamitan ko ng water pump para umakyat ang tubig galing sa storage tank sa baba patungo sa tanke sa taas at by gravity nalang ang means ng pagdidistribute ng tubig sa mga gripo ko. Bale, may shower po at may flush ang toilet ko. Ang ikalawang choice ko po ay instead na gagamit ako ng storage tank sa taas ng terrace ko, gagamit nalang po ako ng pressure tank (42 gallons). Asan po ako makakatipid dito at ano po sa dalawang to ang naaayun sa situation ko? Salamat po sa sagot.
Hello po! Pasensiya na po sa late na reply, naging busy po sa mga nagdaan na araw. Ganito po ang gawin ninyo, at dahil gagawa naman pala po kayo ng concrete water tank na nasa baba, ang bilihin niyo nalang po ay pressure tank at water pump. Hindi niyo na po kailangan ng storage tank na i-ma-mount niyo po sa mataas na parte ng bahay niyo po. Katulad po ng nasa video tutorial na ginawa namin po, hindi po nakamount sa mataas na lebel po ang mga tangke na iyan, puro lang po nasa baba. May pros and cons po ang dalawang choices na binanggit niyo po. Ipapaliwanag ko po ang outcomes: 1. UNANG CHOICE niyo po maglalagay po kayo ng tangke na mataas na lalagyan ng tubig gamit ang pump mula sa concrete storage tank. PROS: Madaming malalagay na tubig ang storage tank (600 liters). CONS: Walang pressure ang labas ng tubig sa mga gripo, at kailanga pang i-mount ang water storage tank sa mataas na lebel, na mas mahal at mahirap ang pagawa. Kung ididikit ang mount ng water storage tank sa pader hindi po advisable ang 600 liters, dapat po 300 liters lang po. Napakabigat po ng storage tank kapag may lamang tubig, baka mabuwal po ang pader ninyo. Kaya kailagan po talaga matibay at maganda ang mounting po nito. 2. IKALAWANG CHOICE niyo nama n po ay sa pressure tank. PROS: Malakas ang pressure ng tubig sa mga gripo. Kung magka-car wash mas maganda malakas ang pressure. CONS: Mas mahal ang pressure tank kaysa sa water storage tank, halos double the price. Kapag 42 gallons ang bibilhin, lalo't maraming gumagamit ng tubig, palaging tumatakbo ang motor, meaning lalakas bahagya ang bill niyo ng kuryente. Kaya mas advisable bilhin ay 86 gallons katulad po ng nasa video. Ayan po ang mga PROS and CONS ng dalawang choices niyo. Kung papipiliin niyo po ako sa choices niyo po, sa choice number 2 po ako pipilo at lalakihan ko po ang bili ng pressure tank. At kailangan niyo pong lagyan ng float switch ang concrete water tank niyo po. Wala pa po kasi dito sa video na ito yung paglalagay ng float switch at wirng tutorial sa next episode pa po, wala lang time po mag-edit. P.S. Balitaan niyo po ako kung anong choice po pinili niyo. Salamat po sana po nakatulong.
@@gawinmoito okay lang po kahit late reply. Medyo naliwanagan po ng kunti ang utak ko. Tanong lang po, magkano kaya magagastos kung bibili ako ng 86 gallons na pressure tank na sinasabi nyo?
@@MrCells10 Medyo nakalimutan ko na po. Around 13k po price niya, o baka may makita pa po kayong mas mura. Pero mas advisable po ang choice number 2 po sa inyo. Pero itanong niyo pa din po sa ibang gumagawa. Ito naman po ay suggestion lang din po na base po sa karanasan po namin.
Thank you sir sa mga info, inuulit ulit ko talaga yung video na to para mas lalong maintindihan ko yung mga dapat gawin bago ako bumili at mag install ng water pump sa bahay, thanks
Keep in mind po na medyo magkaiba po ang setup niyo kasi po deep well po ang source ninyo, ang kalaban niyo po kasi diyan ay yung mga putik na pumapasok po sa system niyo po. Kaya minsan-minsan kailangan niyo po mag-drain ng water para po matanggal po ang mga accumulated dirt po.
Sir tanung lang po. Bunggalow po bahay nmin pero slab po yung bubong. Meron po kami water storage sa taas. Question ko po paanu kaya palakasin pressure ng tubig sa mga gripo at para magamit din nmin mga shower. Lagi nman puno water storage nmin pero subrang hina ng lumalabas na tubig.
Para po lumakas ang daloy ng tubig niyo po ay mag-install po kayo ng water motor pump at pressure tank, or i-check niyo po muna ang mga linya niyo po baka po may mga bara ng dumi, nangyari po one time sa amin po humina po ang daloy, yun pala po may kalawang na po ang linya ng tubig po namin, g.i. pipe po kasi. sa PVC naman po posible din mabarahan po ng mga lumot.
Hello po, may pressure and storage tank kami pero yung waterline namin derekta sa storage tank, wala kaming tubig kase wala ng umaakyat na tubig sa tank, Napalitan na yung motor, pero wala parin umaakyat na tubig (nasa 5th floor yung tanks)
@@awtsgegengofficial Salamat po sa pag-reach out sa page namin kanina. Basta po kung kaya po ilagay ang pressure tank sa baba mas maganda po. God bless po!
@awtsgegengofficial Salamat po sa pag-reach out sa page namin kanina. Basta po kung kaya po ilagay ang pressure tank sa baba mas maganda po. God bless po!
Good morning po, 20 liters po? Hindi ko po sure kung may ganyan pong kaliit na tank, at anong tank po ba ito? Storage Tank o Pressure Tank? Wala pa po akong na-encounter na 20 liters, ang alam ko lang po ay 20 gallons. Kapag po 20 gallons, kahit 1HP lang po.
@@baykkarl9541 Hi po ulit. Ang ma-recommend ko po sa inyo yung pressure tank na may built-in na motor na po, mayroon pong mga maliit po na variations ang mga ganoong klase. Mas makakatipid ka sa space at installation cost po.
sir kung sa nawasa ko po ikakabit ang storage tank,, kaya bang umabot sa 2nd floor ang tubig kung nasa baba lng nakainstall ang mga water tank at pressure tank tulad nyan?? kasi balak kong mag pagawa ng boarding house sa taas ng bahay ko mga dalawang kwarto lng pero wala ng flush ang mga toilet na ilalagay ko labatory at dibuhos lng na toiletbowl,,
Hi po! Basta po naka-pressure tank aabot po iyan kahit hanggang 5th floor pa po. Ang setup sa video po na ito hanggang 3rd floor ang building, napakalakas po ng pressure hanggang sa pinakataas na palapag. Kahit maglagay pa po kayo ng de-flush walang problema po, kayang kaya po iyan ng pressure tank.
hello po sana masagot question ko kahit late na. meron po akong 1/2hp motor and pressure tank na nasa second floor. and nasa second floor din yung mga gripo namin. may suggestion po ba kayo. para every time na nagoopen ako gripo hindi patay sindi ung motor habang ginagamit (pricey na ksi sa elec bill). is it possible po ba maglagay ng storage tank beside sa pressure tank para hindi po on and off ung water motor? or overhead po ba dapat ung storage tank? thank you po marami kung mssagot ❤❤❤
Yung storage tank po ba na sinasabi niyo ay after the line ng pressure tank? Kung ganito po ang gusto niyo, hindi po puwede iyan. Kung ayaw niyo po na lagi patay sindi ang water motor pump, bili po kayo ng mas malaki na pressure tank.
Storage tank lang po, hindi po puwede maglagay ng water motor pump agad galing sa source, nasa batas po iyan, puwera lang po kapag galing sa deep well.
Puwede rin po yan ganyan, pero sa video po kasi ang ginawa namin ang inlet ay sa itaas, ang out ay sa baba, para kahit patay ang pressure tank free flowing ang daloy ng tubig, kaya naman po minsan binabaligtad ay para sa priming ng water, pero interchangeable po iyan.
@@mactb09 Halos magpantay naman po kasi ang tubo niyan sadyang hindi lang po nakatapat. Ano po bang itaas ang binabanggit niyo po? Yung sa pinakataas po kasi hindi po inlet yon, para po sa pressure switch po. Kapag po pinasukan po ng pressurized water po iyan sa baba po talaga pumupunta ang water, tapos po sa taas ang pressurized air. Hangin po ang magtutulak sa tubig kaya po lumalakas po ang buga nito sa mga gripo.
Boss pwed naba sa ganyan set up tank at motor walag pressure tank yung motor direct na papasok sa balay ang tubig? Yung motor pump lagyan ko lng ng pressure switch.
Hello! Kapag po walang pressure tank, palagi po aandar ang motor niyo po, kasi po pinupuno lang ng motor ang pressurized water sa mga linya ng tubig, which is kaunti lang ang kayang kapasidad na pressurized water. Kung gusto niyo mas madaling setup, mag-bladder type pressure tank po kayo. Maymalalaki din po nuon para di agad kayo nauubusan ng tubig at para hindi karga ng karga ang motor.
Hello po, malaki po talaga ang valve kasi 1" po ang mga fittings na ginamit dahil po malaki ang out na thread ng storage tank. Doon naman po sa 'bago mag motor' na valve, ay heto po ay para kapag naglinis ng storage tank, para hindi pumunta ang drain ng tubig papuntang motor.
@@gawinmoito HND PO tongkol sa check valve,,Wala akung comment sa installation m sa check valve,,Ang tamang Lagay Ng check valve ay after motor,,,Ang kadalasan masisira jan mechanical seal Ng motor
Hello sir bakit yong motor po umaandar kahit walang gumagamit ng tubig patay sindi sya, akala ko andar lang ang motor pag may gumamit ng tubig dhil nabawasan ang tubig sa tanke at umiikot din ang metro ng tubig namin pero mahina lang mahina ng mahina ang ikot
@@rowenacanido9534 possible PO my leak yung,or jan mismo sa mechanical seal Ng motor my tagas,,,kung ma find out m nasa motor Ang leak my kailangan Kang baguhin,,,,
Good morning po! 400 liters sa storage tank and 42 gallons sa pressure tank, pero ito po ay komporme pa din po sa pangangailangan ng isang building, kasi po kung maraming gumagamit po ng tubig dapat po mas malaki. Pero kung pang family size lang, puwede na po ang sinabi ko po.
@@christianconjelado3973 Hi po, pasensiya po late reply, galing po akong work kadadating lang po. May facebook page po itong channel na ito, paki hanap po sa facebook 'Gawin Mo Ito'.
ilang gallons po ba ang sp40? 40 din po? dito po sa video 86 gallons po ang pressure tank, bale 10 seconds lang para punoin ng pressurized water ang tank gamit ang 1.5 HP na water motor pump.
Good pm sir mag ask lang po ako meron po kaming storage tank madalas kami mawalan ng tubig (nawasa)nag pa second floor po ako ano po dpat gawin para po magkaron ng tubig sa taas.pasensya na at salamat po
Yung outlet po ng water storage tank po lagyan niyo po ng water motor pump tapos po lagyan niyo po ng pressure tank. Itong video na ito mismo po ang makakatulong po sa inyo, kopyahin niyo lang po, i-bypass niyo lang po yung installation ng storage tank kasi mayroon na po kayo noon.
Hello po! Kapag po walang pressure tank, magpa-pump ng magpa-pump po ang motor which is tataas po ang biil niyo po, mas maganda po may pressure tank po. Sorry po late reply, natabunan po ang comment na ito.
Hi po! Iyan naman po talaga ang tama, mababa po ang pasukan (inlet) tapos mataas po ang labasan (outlet), nasa video din po iyan, paki panuod nalang po ng buo. God bless po.
Kuya, Bunggalow po bahay namin, parating walang tubig samin ( Prime water ) kng my tubig man pero mahina pa rin daloy ng tubig, lalo na sa shower masyadong mahina, useless lng ung shower na kinabit. kelangan po ba ng Water tank at water pump ? Water tank hindi po ba bawal un lalo na kng sa baranggay nakatira? Thank you po
Kung bungalow po ang bahay niyo kahit water tank lang ang ilagay niyo, kahit walang water pump or pressure tank, kaso may mga kondisyon po ito: 1. Dapat po naka-mount po ang storage water tank niyo po sa mataas na bahagi ng bahay niyo po. (3 meters po ang height clearance mula sa pinakamataas na outlet ng tubig eg. shower) 2. Dapat po kayang punoin ng prime water ang water tank niyo po kahit mahina po ang daloy. (Lumalakas po kasi ang daloy ng tubig kapag madaling araw, madalas doon po kayang punoin ng water provider ang tangke.) 3. Dapat po may paglalagyan po ng water tank ang bungalow niyo. Kung may bakuran po kayo sa labas po maganda nakatayo at nakamount ng mataas. (Gravity po kasi ang magpapatulo ng tubig). Patungkol naman po sa 'bawal', walang bawal-bawal sa paglalagay ng water tank kahit saan po ito puwede ilagay (imbakan lang naman po kasi ito ng tubig). Ang bawal po ay ang paglalagay ng water pump 'after the meter'. Mahihigopan po kasi ng pressure ang Prime Water, meaning po mababawasan po ang pressure nila at maaapektuhan po ang mga kapitbahay niyo. Baka kaya po mahina ang tulo sa inyo dahil may nakatap po na water pump sa lugar niyo po na 'after the meter'. Bawal po iyan sa batas.
Magandang draw pwede ba maglagay ng multiple conventional pressure tank sa iisang malaking water tank? Para sana sa 1st floor up to 3rd floor? Tig iisa sila ng pressure tank per floor pero iisang water tank lng pwede ba yun sir?
Hi! No need na po sir, kahit isang pressure tank lang po, kakayanin na po nito ang maraming floors up to 5-10 floors, komporme din sa lakas ng horse power ng pump. Isang pressure tank lang oks na po.
@gawin mo ito sir pwde mg tanong. Deep well po kasi yung set up ng tubig sa bahay meron nang motor at pressure tank pero need namin mg install ng filter. Saan ba talaga dpat e lagay ang filter bago ba mg pressure tank or after na hindi ma aapektuhan ang water pressure sa loob ng bahay thank you po 8n advance
Hi po! Question lang po, ano po pinagkakaiba ng Water Tank, Pressure Tank at Water Pump Motor po? Ano po yung difference kapag wala po ang isa po? Pano po nakakaapekto sa daloy ng tubig kapag wala po o present po yung mga yun po? Marami pong salamat. Great video po, informative po.
Subukin ko po sagutin ang mga tanong niyo in a simple way as possible po. 1. Water Tank - Dalawa po ang types nito, Storage Tank or Pressure Tank. Ang Storage Tank ay imbakan ng tubig, mahalaga po ito lalo kung nawawalan po kayo ng tubig palagi sa area niyo. Ang Pressure Tank naman ay lagayan ng tubig na may halong pressurized air, hindi po ito gagana kung walang Water Motor Pump, mas maliit ito kumpara sa Storage Tank. 2. Water Pump Motor - Dalawa po ang uses nito una: humihigop ito ng tubig mula sa Deep Well (Ground Water) pangalawa: Puwede mag akyat ng tubig mula sa 1st floor ng building papuntang 2nd floor or more (Formula po nito ay 1 horse power per 50 feet, ang isang palapag po ay 10 ft po madalas, kaya 5 floors kaya po ng 1hp) Kailangan po talaga mag lagay ng Water Motor Pump sa mga buildings na matataas, lalo na po kung mahina ang pressure ng tubig galing sa distributors (Maynila, NAWASA, Prime, etc.). Note : Hindi po puwedeng iderekta ang Water Motor Pump mula sa kuntador / metro ng tubig, bawal po iyan, may fine po iyan kapag na-check po ng water distributors niyo. 3. COMBINATION SYSTEMS - Heto po ang sagot doon sa 2nd question niyo po. Diagram po itong itatype ko po, magmumula po sa water meter po. 1st combi - Water Meter --> Storage Tank --> Water Motor Pump --> Pressure Tank --> Water Outlets (Gripo) Ito pong 1st combi ang ginamit po sa video na ito. 2nd combi - Deep Well (Poso / Ground Water) --> Water Motor Pump --> Pressure Tank --> Water Outlets 3rd combi - Water Meter --> Storage Tank (1st floor) --> 1Hp Water Motor Pump (1st floor) --> water line directly to 5th floor --> Storage Tank --> Water Outlets (Gravity Assisted water flow) 4th combi - (If malakas naman ang pressure sa area niyo, no need na ng Water Motor Pump) Water Meter --> Storage Tank installed sa isang water tower, or taas ng building (rule: 5 meters po dapat ang layo ng height ng storage tank sa pinakamalapit na water outlet / gripo.) --> Water Outlets (Gravity Assisted water flow) Marami pa pong puwedeng combinations, ito lang po ang kaya ko pong i-type, hahaba pa po lalo explanations, pero heto lang po ang madalas na combis na ginagamit po. Heto po ang mga sagot sa mga tanong niyo po, sana po makatulong po ito. Happy new year po!
@@gawinmoito WOWWWWWW GRABE PO! Thank you so much. Dami ko po natutunan. Wait ko po uli mga next videos nyo po. Merry Christmas and Happy New Year po! God bless po.
@@kurocchiii You're welcome po, nais lamang po namin na makatulong sa mga tao sa pamamagitan ng pag-share ng aming experiences sa iba't ibang aspeto ng buhay, lalo na po sa mga DIY. See you next vid po.
Ang equipment po nasa 40k-50k, equipments pa lang po iyon wala pa po labor, ang labor po niyan lumalaro po sa 5k to 10k po, komporme po sa contractor. Pero kung kaya niyo po magDIY para makatipid po kayo sa labor, kopyahin niyo nalang po itong video na ito.
Hi! Kapag wala po kuryente, uubusin lang ng tangke po ang air pressure ng pressure tank niyo po, and then iba-bypass na niya yung pressure tank using the pressure ng water distributor (Maynilad, NAWASA, Prime etc.) Magkakaroon ka pa din ng water, kaso mahina tulo sa first floor niyo. Kasi itong setup na ito na nasa video ay para sa isang building na may multiple floors.
@@jeffmutia Heto po mismong video na ito, ito po ay setup sa building na may 3 floors. Umaabot po sa taas ng 3rd floor ang water, malakas din po ang buga dahil pressurized.
Ano po ba ang advisable sa waterpump nasa taas po ba or dapat nasa ibaba 4th floor po kc bahay nmin nasa 3rd floor po ung waterpump nmin lagi naandar yung waterpump nmin....wala po kmi storage tank ano po ba dapat gawin slamat po
Kailangan maglagay ng storage tank, kaya yan tumatakbo palagi kasi baka walang mahigop na tubig, kailangan may storage tank tapos nasa baba lahat setup.
Para po ito sa paglilinis po ng mga units, halimbawa po maglilinis or magde-drain ka ng pressure tank, may pagpapatayan ka ng linya para hindi magtapon ng tubig kung sakaling puno ang water storage tank.
Sir good day question lng po...may water tank po kme nasa 2nd floor ang problim po nmin mahina n ang tulo ng tubig s gripo nmin pwede po b n gamitan sya ng pressure tank s taas para po s 2nd floor para lumakas po ang tubig s gripo at shower po ng 2nd floor po nmin o may iba p po n remede n gawin salamat po ..
Hi! Yung water tank po ba na nasa 2nd floor ay napupuno po ba ng tubig iyon? Kung hindi po niya kayang punoin, hindi po talaga lalakas ang daloy niyo ng tubig sa gripo kasi po gravity po ang magpapalakas niyan, o baka naman po marumi ang mga linya niyo? Ano po ba ang storage tank niyo? Plastic po ba o stainless? Sa plastic po kasi naglulumot po yan kaya mababarahan ang linya. Yun tanong niyo naman kung advisable maglagay ng pressure tank? Ang sagot po ay hindi, bakit kanyo? Mayroon na po kasi kayong storage tank sa taas tapos mahina po ang tulo, sa aking pagkakaintindi sa sinabi niyo po ay parang hindi po napupuno ang tubig sa tangke niyo, madalas pong dahilan niyan ay mahina po ang pressure ng metro niyo po. Suggestion: Ibaba niyo po ang tangke niyo po sa 1st floor tapos po lagyan niyo po ng pressure tank.
Pls help ,Hindi na nag po automatic yung amin , problema pa nung una nabutas tank namin nung naayos sya pag natagalan ng bukas dahil sinasaksak nalang namin sya pag gagamitin nasira naman yung pvc na dinasaluyan ng tubig namin di kinakaya ng tubo kahit inaayos na nag hahanap ng lusutan ang tubig namin pag di namin ginamit na naka andar sya sobrang lakas ng pressure po nya , pano po kaya gagawin nun slamaat po
Hi po! Mukhang nasira po ang pressure switch po ng pressure tank. Iyan po ang nagpapa-automatic stop po ng water motor pump, magsisira po talaga ng tangke ang motor niyo po kung hindi po ito gumagana plus din po ang pvc na tubo, kung papalitan niyo po ng G.I. pipes yan sasabog naman po ulit tangke niyo. Yung sa end ng video po na ito kung saan may 'to be continued' pinakita namin po doon ang pressure switch. Di palang po namin na-eedit at naa-upload ang part 2.
Hello po need ko po sana ng advice ninyo. May storage tank po kami nasa 2nd floor level. Nagpupump po kami ng tubig from provider pag gabi. Minsan kusa naman umaakyat pag malakas ang tubig. Ngayon po nasira ang water pump and bumili kami ng bago. Hindi pa po nakabit. Nagpapatayo din po kami ng 2nd floor na may isang cr. Siguradong hindi po kayang umakyat ng tubig pag umaga. Paanong setup po ng pump at pressure tank ang pwede? Pwede bang iakyat ang pressure tank sa 3rd floor level kasi wala na space sa tabi ng storage tank?
Puwede naman po ilagay ang pressure tank po sa 3rd floor, pero po ang water pump po dapat nasa baba kasi nga po hirap nga po umakyat ang tubig. Basta po after ng storage tank water pump na po, 'wag niyo po ilalagay ang pump after the meter, dapat po after ng storage. Sana po makatulong.
@@minimixing4678 Puwede naman po iyan, kaso nga lang po sayang ang pressurized water kung storage tank lang po ang sasalo. Wala pong water pressure ang storage tank, dapat po talaga pressure tank, at isa pa po malakas sa kuryente po kung storage tank po ang sasalo.
Hello po Sir. Current set-up: Bundok na area - source ng tubig is deepwell. Yung bahay po is about 200meters away (paakyat). Kakayanin po kaya ng 1hp motor+pressure tank ung pagsupply ng water dun sa bahay? And need paba ng storage sa msmong bahay pra sa distribution nman nung water? Thank you🙏🏻
Mag 1.5HP na po kayo para sigurado, or kung may budget 2.0HP, mediyo malayo po kasi ang 200 meters, and yes po, kailangan niyo po ng storage tank para po sa imbakan po ng tubig, kasi po magpa-pump ng magpa-pump ang water pump kapag naka-asa lang po sa linya ang pump.
Mayroon pong filter na nailalagay po, kaso sa linya lang po ng tubo. Try niyo po linisin ang pressure tank niyo po, may mga namumuo po kasing dumi po doon sa katagalan. May plug po iyan sa ilalim para po matanggal ang mga dumi.
@@Romeo-zq3vk Yung katulad po ng nasa video ang materyales. Di po kasama labor diyan. Nasa P5k po ang labor niyan, pero komporme po sa singil ng gagawa.
@@Romeo-zq3vk Ilan po ang mga nakatira sa per bahay? Baka kulangin po ang setup na katulad nito kapag po ganyan kadaming bahay. Malamang lagi po kayo mauubusan niyan ng tubig lalo na kapag sabay sabay naglaba ang mga nakitra sa limang bahay.
Hello po sir, mas makakatipid po ba pag may storage tank? kesa nka rekta sa main papuntang pump>pressure tank? Bilis kasi ng ikot ng kuntador pag nka rekta po.. salamat po
Hi! Lalakas po talaga ang ikot niyan, kasi po nakarekta sa metro ang water motor pump, hindi lang naman po kasi tubig ang nahihigop ng water pump, nakakahigop din po ng kaunting hangin ang pump po, `tsaka po pinagbabawal po ng water companies ang nakarektang pump sa metro kasi po nahihigupan po ng pressure ang line po nila, maapektuhan po ang ibang consumers. Best po talaga nag maglagay po kayo ng storage tank po.
Good day po, praktikal po ba na water tank lang tapos ieelevate lang? No need na daw po motor at pressure pump, bungalow house lang po kasi un sa amin. Or need pa din both motor and pressure tank? Medyo confused din po kmi kung ano dapat ipagawa dito s bahay
Basta po malakas ang pressure ng water distributor niyo, kahit storage tank lang na naka-elevate. Puwede na po iyan, pero kung mahina kailangan mag water motor pump at pressure tank.
Boss, mga ilang gallon capacity ng water tank at anong horsepower ng pump ang kelangang gamitin para sa 7 units 3 storey apartment . Ganyan din ang gusto kong setup doon ko lang ilalagay sa may likod ng building sa ground level. Thank you
Ito po mismog specs ng video na ito ang saktong sakto sa inyo po. 3 storey setup din po ito, paki panood nalang po ng buo ang video na ito, tulong niyo na din po sa channel. God bless po!
Tumatakbo ang motor basta naubusan na po ng laman ang pressure tank. Kapag naman naubusan ng tubig ang storage tank, kailangan may float switch para tumigil ang motor kapag wala nang laman ang storage tank.
@@gawinmoitopwede po ba na blue drum ang gamitin..imbis na storage tank..para mas mura? ano ano po mauuna..mula sa pagkuha ng tubig sa balon..at papunta ng bahay sa gripo?
@@roymanilaboy7882 Wala naman pong kailangang height ang storage basta kasya ang 300 liters, iyan kasi ang isa sa pinakamaliit sa sukat, mababa sa 300 liters ay mabilis maubos ang tubig lalo kung malakas gumamit. Kung balon / deep well ang source, kahit pump na agad tapos deretso sa storage tank o kaya blue drum (basta malaki dapat ang drum niyo, sayang naman kung magmomotor pa kayo tapos pangkaraniwang blue drum lang).
Nadagdagan ng P500 po monthly bill, komporme din sa gamit, sa summer mas mataas. Around P45k naubos po namin, wala pa ang labor diyan kasi kami po gumawa.
Good day po, ask ko lang po pano po set up kung magpapalagay po ako ng storage tank? meron po kc ako deepwell water pump at pressure tank, ang problem ko po halos walang pahinga ung pump. Kaya po mag papa lagay sana ako ng Storage tank. Storage tank lang po ba need? or meron pa halos 8bahay po kc sinusuplayan ng water pump. salamat
Good day din po. Gaano po kalaki ang pressure tank niyo po? Kapag po kasi hindi nakakapahinga ang tank, baka po sobrang liit ng tank tapos po walong bahay pa po, o kaya naman po mahina lang po ang horsepower ng pump. Ito po bang mga bahay na ito ay puro first floor lang po ba o matataas na buildings po? Masakit po talaga sa bulsa kung bomba po ng bomba ang motor (kuryente po kasi iyan), ang suggestion ko po maglagay po kayo ng storage tank after po ng deepwell pump, tapos po itaas niyo po ang installation ng storage tank (5 meters po ang layo (height distance) mula po sa pinakamataas na gripo ng mga bahay), hayaan niyo na po gravity ang magpressure ng water po sa mga gripo ng mga bahay. At kung maglalagay po kayo ng storage tank dapat po yaong malaki po talaga kasi po walong bahay po ang susuplayan niyan po.
@@uklaham59 Deep Well Motor Pump > Storage Tank (800+ liters) Mounted sa maliit na tower o kaya sa second floor (Basta dapat mataas) > Water Outlets Ayan po ang setup, kung maglalagay po kayo ng pressure tank, kailangan niyo po ng dalawang motor, isa po sa deep weel isa po after ng storage tank papuntang pressure tank, which is hindi niyo po gagawin dahil tataas bill ng kuryente niyo po. Suggestion ko po, huwag na po kayo magpressure tank.
@@gawinmoito salamat po sa info sir.. kaya naman po cguro ng water motor pump i-akyat ang tubig papuntang storage tank kahit naka-elevate ng 5meters? at isa pa po pwede po ba set up waterpump>storagetank then from storagetank po hahatiin po bali dalawa ung outlet, ung unang outlet po gravity pressure papunta sa mga bahay, pangalawang outet po papunta pressure tank para po main house para may pressure (additional na motor) salamat po..
Mas mura po kasi ang blue pvc na pirpe. Wala naman po kasi kaming maraming pera pang bbili noong white na PVC, matagal na po kaming may experience po sa pagkakabit ng blue PVC, pero po nuong dumating ang white pvc (PPR) 'di po namin nakuha ang ROI sa white PVC. Kasi po hindi po kakayanin.
Ask lang po sir, kasi yung poso po kasi namin minsan naglalabas ng buhangin, balak ko sana magkabit ng water pump din tulad nyan, hindi kaya makasira yun sa motor ng water pump, any suggestion po... Thanks
So bale po, before water pump, so ganto po ba mangyayari sir, linya ng tubig, tapos papunta sa filter bago pumasok sa water pump, tama po ba? Pasensya na po sir
@@Tristan019 After po ng water motor pump po ang filter, or ng water pressure tank. Yun pong filter na sinasabi ko po para sa safety ng water motor pump po ay nakabaon po iyon sa lupa. Hindi po kasi ako masyado maalam sa deep well pipe installation, ibang trabaho po kasi iyon. Ang alam ko po nilalagyan nila ng mga filtering na mga bato sa kailaliman para sa proteksiyon ng motor, kaso po sa case niyo buo na ang linya. So regular clean up lang po sa accumulated na mga dumi po para magtagal ang system niyo po.
hello po! Meron po ako apartment. Tig-iisang unit po sa 2nd-3rd floor, need po supplyan ng water. Di po umaabot ang tubig sa 3rd and 3th floor. Sa 2nd naman po mahina na. Okay lang po ba sama sama ang storage tank, pressure tank at motor pump sa 5th floor po? Or need po ung motor nasa 1st floor? Ayaw po kasi sana namin maglagay ng tangke sa 1st fooor kasi wala pong space. Maraming salamat po sa magiging tugon nyo.
Hi po! Puwede sana po kung kahit sa 2nd floor lang po, pero kapag po napakataas na tulad po ng 5th floor, alanganin na po ito. Kung kulang po sa space, mayroon pong mga storage tank na nakabaon po sa lupa (medyo matrabaho lang po ito) parang septic tank po pero pang tubig po ang laman, tapos po i-water motor pump niyo po pataas sa 5th floor kung saan ilalagay niyo po ang pressure tank (maglagay lang po kayo ng check valve para po hindi bumalik ang pressure sa linya ng tubo. Isang way lang po ito, pero dapat po talaga ang mga tanks ay nasa ibaba lang po (1st floor or 2nd floor) kapag po hindi talaga kayang ipa-akyat ng pressure ng NAWASA ang tubig sa mga iba't ibang palapag ng gusali po.
Hi po.. may tanong lng po ako . Mahirap kc tubig dito sa probinsya namin. Lahat ng mha bahay dito nag papadeliver lng ng tubig sa tangke. Kailangan pba gumamit n water pump pra sa pag daloy ng mga tubig sa cr at lababo? Thanks in advance.
Hi! May sarili na po kayong tangke? Sa pagkakaintindi ko po sa 'nag papadeliver lng ng tubig sa tangke' ay ibigsabihin may sarili po kayong tangke pero bakit hindi dumadaloy sa lababo (?), baka po ang tangke ng tubig niyo po ay mababa, dapat po kasi mataas ang installation po niyan, gravity po kasi ang magpapadaloy ng tubig papunta po sa mga outlets (gripo, lababo, cr). Pero kung hindi po dumadaloy ang tubig papuntang tangke na nagmumula naman sa source ng water niyo po (deep well lang po ang puwede) ay kailangan niyo pong maglagay ng water pump para po umakyat ang tubig papuntang tangke. Bakit ko po sinabing deep well lang ang puwede, bawal po kasing mag-install ng water pump directly sa line nga mga suppliers ng water (eg. NAWASA, Prime Water, Maynilad) kahit after the meter pa po iyan. Ang masa-suggest ko po sa situation niyo po ay deep well (Jetmatic Setup).
Hello po. Question ko po is may tanke po kami nasa itaas kaso yung water provider dito saamin is low pressure kaya di maka akyat yung tubig para ma pondohan. Ano pong bagay na set up saamin? Thank you po and more power to contents like this!
Hello po! Ang suggestion ko po, ibaba niyo nalang po ang storage tank niyo po, tapos maglagay po kayo ng water pump at pressure tank. Pero kung hindi po kayang ibaba, kailangan niyo po ng motor pump para mapaakyat ang tubig sa storage tank niyo po sa itaas, kaso nga lang po bawal po maglagay ng nakaderekta ang motor pump after po ng water meter (bawal po kasi iyon, mahihigupan po ng pressure ang mga kalapit na bahay po). Bale dalawa po ang choices niyo na setup: 1. Kung hindi ibababa ang storage tank sa taas heto po: Water Meter > Storage Tank (1st floor) > Water Motor Pump > Storage Tank (Yaong nasa taas na sinasabi niyo po) 2. Kapag ibababa naman ang Storage Tank na sinasabi niyo po, ganito po setup: Water Meter > Storage Tank > Water Motor Pumo > Pressure Tank (Kagaya po ng nasa video na ito ang setup na ito) Ayan po maya dalawa po kayong choices, puwede din naman po kayo bumili ng Pressure Tank na may built-in na Motor Pump (Bladder Type / Diaphragm Type po tawag) para po makatipid kayo sa space, kaso nga lang po maliliit lang po ang sizes nito, di kagaya po na bukod ang pressure tank, malalaki po sizes. Sana po makatulong! God bless po!
Hi po! Kapag po may pressure tank, kahit hindi na po ilagay sa mataas na bahagi ng bahay po ang inyong tangke. Pero kung mayroon po kayong pressure tank, kahit sa first floor lang po ilagay ang storage tank tulad po ng ginawa ko po sa video na ito.
Hi po! wala po eh, pero madalas po niyan mga kontratista na tubero po gumagawa niyan, nasa around 5k yata na po labor niyan ngayon di lang namin po sure. Pero kung magpapagawa po kayo niyan, ang susi lang po ay bantayan niyo po maigi ang pinapagawa niyo po. Tsaka hihingi po kayo ng warranty sa kanila if ever po may back job (eg. Nag leak ang system).
Hello po, deep well po yung source ng tubig namin. Ngayon may storage tank and water pump kami. Nagrereklamo yung members ng water association samin, hinihigop daw ng water pump lahat ng pressure ng tubig namin eh hindi naman sa main line yun naka connect kundi sa storage tank. Tama naman po ba diba na di naman affected yung water pressure ng iba dahil sa set up namin.
Ipakit niyo po sa mga kapitbahay niyo po na naka deep well po kayo. Tama naman po setup niyo basta ipakita niyo lang ang source niyo na deep well para tapos agad usapan at reklamo nila.
hello po tanong ko lang may epekto po ba ang taas ng watts ng motor sa pag distribute ng water? 370watts kasi gamit nmin sa simple vendo machine, pwede ba yun babaan ng watts like 100 or 150watts? at ano po ba magandang brand ng motor? mahal kasi sa kuryente, parang dun nlng napunta ung kinikita 24hrs tas ang taas ng watts
Hi po! Ano po ba ang vendo machine ninyo po? Car wash po ba ito? Heto pong nasa video namin na water motor pump ay nasa 750 watts, may imbakan po kami ng pressurized water, ito po ang pressure tank. Ang purpose po nito ay para hindi magbomba ng magbomba ang water pump. Ang ginagamit po namin na brand ay Leo. So far naman sa setup namin ay hindi naman lumaki ang bill namin (lumaki din pero bahagya lang, around P350 - P500 ang itinaas monthly. Mataas po talaga ang watts ng mga motor pump, baka po bomba ng bomba ang pump ninyo kaya po mataas ang bill ng kuryente, dapat po maglagay po kayo ng malaking pressure tank. Doon naman po sa magpapababa ng watts, may mga nagbebenta ng adapter na sinasaksak sa mga device para daw bumaba ang bill, pero parang scam lang po ang mga ito, ang proven method po ay dapat po hindi lagi nagpa-pump ang motor, kumbaga maglagay po ng mas malaking pressure tank.
sir kung malakas nman po ang tubig sa nawasa pwede po bang switchoff muna yung linya storage tank at pressuretank?? tapos dun muna sa nawasa kumuha ng tubig??
Hi sir, tanong q lang poh, kapag poh ba magkakabit ng pressure tank need din poh ba ng storage tank para makaakyat sa 2nd floor ang tubig or pwede nang walang storage tank?
Kailangan po talaga ang storage tank, bawal po kasi maglagay ng water motor pump after the meter, nawawalan o humihina po ang pressure ng ibang mga customers ng water provider niyo po, puwera nalang po kung deep well ang source ng tubig niyo.
Thank you poh sa sagot😊 isang tanong nalang poh, saan poh ba ang tamang pwesto ng pressure tank sa baba or sa taas(2nd floor)? Thanks poh sana masagot😊😊
@@melindaobias390 Kahit saan po kasi dalawang palapag lang naman po iyan, pero ideal po sa ibaba for easy maintenance, minsan po kasi ide-drain niyo din po laman niyan eh pag sa taas pa manggaling ang tubig baka bumaha. Note - Malakas po ang pressure ng pressure tank, hanggang limang palapag po ang kayang paakyatin na tubig (1.5 HP). Mas malakas na horsepower mas maraming palagpag ang mako-cover. Kaya kahit sa baba ang install walang problema.
Sir water source is rekta galing ilalim ng lupa. Duplex lang ang bahay. Ok lang ba kahit storage tank and pump nalang? Dami kasi buhangin sumasama sa tubig.
Yes po, puwede po kahit water motor pump lang po at storage tank ang gamitin niyo po. Basta po may filter po ang linya ng tubig bago po dumating sa motor pump, para po hindi sumama ang buhangin at mga lupa sa inyong tubig at storage tank.
Sir plano ko water tank at motor lang bilhin ko 5meters taas ng water tank Ok n kaya pressure papunta ng gripo? Hind n sana ako bibili ng pressure tank kc magastos masyado Ano diskarte maganda sir?
may messenger po b kayo? meron po kinabut samin waterpump tapos nasa taas ang storage hirap po maglagay ng tubig sa storage tank tapos mahina din ang tulo sa mga gripo sabi ng contractor ay gravity daw ang magpapalakas at kailngan daw ng mas malaking storage para mas malakas ang pressure tama po b iyon?
Sir ano po dapat gawin kapag mahina ang water pressure dahil tangke lang po ang pinagkukunan ng aming subdivision pero hindi naman po nawawalan ng tubig, need po ba ng water pump at pressure tank?
Maglagay muna po kayo ng imbakan ng tubig (storage tank) tapos lagyan niyo po ng pressure tank afterwards para po lumakas tubig niyo po. Iyon ay kung gusto niyo lang po ng pressurized water, pero kung ako papipiliin, kahit storage tank lang po puwede na sa subdivision niyo po.
@@AlbertEinstein-py8wb Mababawasan po ng pressure ang mga kapitbahay niyo po kasi hinihigop po ng pressure tank niyo po, kapag po nag-complain po sila na mahina po ang pressure nila mag-iimbestiga po ang water company at hahanapin po ang bumabawas ng water pressure nila, ngayon kung magaling po kayo magtago ng tangke hindi nila kayo made-detect, pero once nakita po nila yan at may nagreport may huli po iyan. Mas maganda po na sumunod nalang po tayo sa batas para po mas payapa ang loob po natin.
Thank you @Gawin moto mag ask lang ako about sa Pag lalagay ng water tank Samin din madalas nawawalan ng tubig Meron kami per purok na mga tank na naka deep well. Pero sad to say madalas nawawalan pa din kami ng tubig dahil sguro sa Dami na din nagamit. Tanong ko lang ok lang ba storage tank lang need ko kahit Wala na ng pressure motor or pressure tank. Ang reason ko lang is para lang habang Wala tubig Ng ilang oras atleast may naka imbak kami. At take note din po ok lang ba sa pvc connect kung saan nangagaling Yung source ng tubig Namin ayoko po kasi mag pa butas (Deep well) nga kung tawagin masyadong mahal Yun purpose ko lang is mag imbak ng tubig talaga para atleast may reserve kami. Or need pa Ng pressure motor para yung labas ng tubig sa mga gripo at malakas Tama po ba ko paki correct nalang ako salamat sa masagot nyo po ito
Hi po! Yaong source po ba ng tubig po ninyo ay saan po nanggagaling? Deep well, bukal, o NAWASA? I mean yung nawawalan po kayo ng tubig, saan po ang source nito? kung sa NAWASA po, kahit po storage tank tapos po pvc pipes nalang po papunta sa tangke, kahit wala na pong water motor pump at pressure tank basta kaya niyang paakyatin ang tubig papuntang storage tank, kasi po mataas po ang height installation requirement ng storage tank kapag po walang pressure tank. Kapag po may laman po ang storage tank kahit 1/4 full lang po ito, kaya po nitong palabasin ang tubig sa gripo as long po na mataas po ang pagkaka-install nito (3-5 meter height clearance po sa pinakamataas na gripo na gripo, iyan po ay gripo ng lababo, pero kung may shower po kayo mas mataas po dapat) Kapag po walang pressure tank, ang labas po ng tubig sa gripo ay kasing lakas po ng labas ng tubig sa water jug container po, yaong sa mga mineral water po na binebenta na kulay blue.
Hi po Sir. Need lang po help and mag ask suggestion Mahina po pressure ng tubig namin sa 2nd and 3rd floor Anu po ba need namin ikabit? Water pump and pressure tank then need pa po ba storage tank? Ilang hp din po ng water pump yung maganda
Sir, matanong ko lang. Ilang liters po ba ng water tank, ilang hp ng water pump, at ilang liters ng pressure tank ang bibilhin ko para sa two-story with 3 bedroom and 3 CR house?? Thanks po.
Hi! 300 liters po sa Storage Tank, 1HP po ng Water Motor Pump, at 42 Gallons po para sa Pressure Tank po. Nasa around 40k po magagastos niyo po diyan (komporme sa brand) wala pang labor po.
Tanong lang boss, ganito setup ko: storage tank > pump (na nakapatong sa pressure tank) > pressure tank. Yung intake ng pump kumukuha sa ibabaw ng storage tank (para bang naka straw). Pero nakaliko pababa yung linya papuntang pump kc maliit lang pressure tank ko (kung saan nakapatong yung pump). Pagkahinto ng pump, nagsa-siphon pa rin ng tubig from storage tank. So nalulunod yung pressure tank, unti unti bumabagsak pressure. Anong dapat gawin?
Ang intake po kasi dapat ng water motor pump ay dapat po sa ibaba ng storage tank kumukuha ng tubig. Dapat po kasi buong tubig ang nakukuha po ng pump, wala dapat pong hangin, kapag siphon po kasi may air pockets pong pupunta sa linya na magpapa-drop ng pressure. Yun naman pong nalulunod ang pump niyo, i-check niyo po ang pressure switch kung nasa tamang PSI pa din po (dapat po 40 PSI po iyan ang pressurized water). Lastly, i-check niyo din po ang presure tank niyo po kung may leak na sa ibabaw, minsan po mayroong microscopic leak ang tank na hindi natin napapansin, gamitan niyo po ng foam na may bula para mag-check ng mga butas. Sana po makatulong.
Salamat boss. Follow up question, kung yung linya ng intake ng pump ilipat ko galing sa ilalim ng storage tank, ok lang na nakapatong pa rin pump sa ibabaw ng pressure tank? Or kailangan ko ilagay sa floor yung pump na kalevel siya ng outlet ng storage tank?
@@codezionjr Okay lang po iyan na mataas, kailangan po talaga niyan ay elevated, pero huwag lang po sobrang taas na nasa 3rd floor para hindi masyado hirap ang pump.
Hello po, request lang po, ano2 po yung materials na ginamit nyo sa video po? Gusto ko po kasi gumawa din sa bahay, kaso di ko alam kung ano ano bibilhin ko, paki lagay naman po yung mga ginamit nyo, salamat....
Hi po! Heto po mga nasa video 600 liters Water Storage Tank, 86 Gallon Pressure Tank, Leo 1.5HP Water Motor Pump, 1" PVC para sa linya ng tubig sa pagitan ng mga Tangke, Ball Valve para sa patayan ng Linya, Check Valve anti balik ng pressure ng tubig sa mga linya, Pressure Switch, Pressure Gauge, 1/4" to 1" Adapter. 1/4" G.I. Tee, 1" Inch PVC Female Adapter, PVC Solvent (Kung mag-pi-pvc kayo or puwede kayo gumamit ng PPR, mas matibay kaso po mahal), 1/2" PVC Pipe (para ito sa linya papuntang bahay niyo), Teflon Tape 1" and 1/2", PVC Cutter (optional, puwede gumamit ng lagaring bakal, kaso matagal), Circuit Breaker 25AMP, Gauge 10 Wire direkta papuntang main breaker, Mounting ng Water Motor Pump (dito sa video, gumamit kami ng angle bar), Ayan po ang mga ginamit po namin na materials, kayo nalang po ang magbibilang ng quantity kung ilan ang bibilhin niyo po kasi magkaiba po ang hitsura ng pinagkabitan po namin sa pagkakabitan niyo po, kaya kailangan kayo po ang estimate sa quantity, baka po may namiss-out pa po ako na materials pero ito napo halos lahat iyon, pakipanood nalang po ulit ang video. Sana po makatulong.
Hello po sir! subscriber po ako sa inyo. need ko lang po expert advise nyo. Bali po sa amin is 2 story na bahay. ang problem ko po is currently yung source of water namin is deep well na may nka kabit na pump which is yung water output nya is nka direkta sa pressure tank. problem ko po is pag may gumagamit ng tubig around 1 minute at dredretso na andar nung pump lalo na pag naliligo. gusto ko lng po e reduce yung electricity consumption namin. on the other hand po meron kaming stainless tank na nasa 2nd floor around 600liters ata pero as of this moment di pa ginagamit. Tanong ko lng din po if tama ba na from my water source(deepwell) pump ako ng water papuntang storage tank(2nd floor) then pressure tank na? or maglalagay pako ng water pump in between? enough na po ba yung gravity na maging pressurized yung water line namin sa bahay? need ko po expert advice.. Salamat po
Hi po! Unang una po, We are no expert po, marunong lang po kami at maalam lang po sa ganitong larangan. Pero ibabahagi ko po ang nalalaman namin buhat sa aming mga karanasan. Una Sagutin natin ang unang problem niyo : High Elecricity Consumption. Kapag po naka-deep well pump po kayo (eg. jetmatic) talaga pong bahagyang mas malakas ang magiging kuryente niyo po dahil po wala po kayong tubig galing sa NAWASA. Kumbaga, nakaasa po kayo sa kuryente para magkatubig. Solusyon: Magpakabit po kayo ng linya ng tubig para hindi po kayo magbayad ng kuryente sa deep well pump or mag lagay po kayo ng manual pump (poso). Pangalawang porblema : Magkakaroon ba ng pressure sa pressure tank gamit ang gravity lamang mula storage tank? Sagot: Hindi magkakaroon ng pressure ang pressure tank na mula lamang sa gravity ng storage tank, bakit kanyo? Kasi ang pressure tank, kinakailangan ng pressurized air para magkaroon ng pressure sa loob ng tangke nito, at tanging water motor pump lamang ang nakakapaglagay ng pressurized air at water sa pressure tank. Mga Advise: Huwag nang gumamit ng pressure tank, kung ayaw mag konsumo ng malaking kuryente. Kung gusto naman mag-pressure tank, na hindi bomba ng bomba ang motor, maglagay ng malaking storage tank (600 liters sinabi niyo mayroon na kayo) na nakakabit sa NAWASA ang linya ng tubig. Sa ganitong paraan mababawasan ang paggamit masyado ng water motor pump dahil pressure tank lamang ang paggagamitan nito at hindi na ang deep well. Sana po ay nasagot namin po ang inyong mga problems. God bless po!
Hello Sir..ano kayang problema ng ganyan namin,di kasi kusang tumitigil yung daloy ng tubig sa pressure tank once na mapuno na ito..masyadong hassle na kailangan pa naming i-on and off yung switch twing gagamitin at di gagamitin..salamat po
Sir sorry kung medyo makulit ako, last na po, Sir ask lang po, kung may automatic pump controller po ako, need ko pa po ba maglagay ng pressure switch? sorry po ulet...😅 Thank you...
Yes po, kailangan po ng pressure switch. Ang pressure switch po kasi ang nagpapatay sa water motor pump kapag puno na po ang water pressure sa loob po ng pressure tank. Ang automatic pump controller po kasi nagpapatigil lang po ng water motor pump kapag po walang na-detect na daloy ng tubig sa linya. Pero kahit pressure switch lang puwede na, basta mayroon kang float switch sa loob ng storage tank mo. Ang float switch po ay ang magpapatay sa water motor pump kung sakaling bumaba ang level ng tubig sa loob ng storage tank, mas mura pati ang float switch kaysa sa automatic water controller.
@@Tristan019 No problem po! God bless po. Magtanong lang po kayo ng magtanong, sasagutin po natin iyan, hangga't kaya. Lahat po halos ng nagko-comment po sa channel namin nirereplyan po namin. Marami po kasing channel na DIY pag naupload na video hindi na po nakakakilala ng mga subscribers. Kaya thank you din po sa inyo.
Ay nalimutan ko na po sir, pero bigyan kita po ng estimate nasa around 30k to 40k po (Siyempre hindi po kasama labor diyan, kami po kasi nag-setup). Update kita sa price kapag nakita ko mga resibo po.
Boss sa po location at contact number nyo? Ipapaayos lang sana yung kinabit na ganyan samin useless kasi nangyari nag bypass lang kaya ang laki ng kuryente namin.
Correction po.. Ung mababang coupling ng pressure tsnk un ang inlet galing motor ung mataas outlet puntang bahay para pag nag Brown out di maubusan tubig pump nka prime pa rin.. Dapat nag gi Bushing reducer muna na 1 1/4 x 1"sa inlet ng pump Then pvc male adapter 1 inch. Dapat may ball valve discharge pipe ng pump close to pressure tank..dapat din may float switch sa loob ng storage tank para pag naubusan tubig papatsyin nya motor protection against dry running.. And lastly vacuum breaker sa pressure tank to prevent wster logging.. This is almost the complete valves and accessories needed..
Pwede po magtanong? Naguguluhan kasi ako kung bibili pa ba ako ng pressure tank or motor pump nalang. Bungalow lang po ang bahay ko at sa lugar namin, 10 pm - 5 am lang ang tubig kaya hassle talaga. Ang plano ko kasi, magpapahukay ako ng butas siguro 1 cubic meter tapos sesementuhin ko at iwaterproof para walang leak. Bale dun ko po iiiimbak ang tubig kasi di na po umaakyat ang tubig if more than one meter sa mga oras na binanggit ko.
Jan po ako naguguluhan. Dalawa kasi ang choices ko. Una, gagamit ako ng storage tank sa sa taas ng terrace. Siguro nasa 5 meters ang taas ng paglalagyan ko storage tank (600 liters). Gagamitan ko ng water pump para umakyat ang tubig galing sa storage tank sa baba patungo sa tanke sa taas at by gravity nalang ang means ng pagdidistribute ng tubig sa mga gripo ko. Bale, may shower po at may flush ang toilet ko.
Ang ikalawang choice ko po ay instead na gagamit ako ng storage tank sa taas ng terrace ko, gagamit nalang po ako ng pressure tank (42 gallons).
Asan po ako makakatipid dito at ano po sa dalawang to ang naaayun sa situation ko? Salamat po sa sagot.
Hello po! Pasensiya na po sa late na reply, naging busy po sa mga nagdaan na araw. Ganito po ang gawin ninyo, at dahil gagawa naman pala po kayo ng concrete water tank na nasa baba, ang bilihin niyo nalang po ay pressure tank at water pump. Hindi niyo na po kailangan ng storage tank na i-ma-mount niyo po sa mataas na parte ng bahay niyo po. Katulad po ng nasa video tutorial na ginawa namin po, hindi po nakamount sa mataas na lebel po ang mga tangke na iyan, puro lang po nasa baba.
May pros and cons po ang dalawang choices na binanggit niyo po. Ipapaliwanag ko po ang outcomes:
1. UNANG CHOICE niyo po maglalagay po kayo ng tangke na mataas na lalagyan ng tubig gamit ang pump mula sa concrete storage tank.
PROS: Madaming malalagay na tubig ang storage tank (600 liters).
CONS: Walang pressure ang labas ng tubig sa mga gripo, at kailanga pang i-mount ang water storage tank sa mataas na lebel, na mas mahal at mahirap ang pagawa. Kung ididikit ang mount ng water storage tank sa pader hindi po advisable ang 600 liters, dapat po 300 liters lang po. Napakabigat po ng storage tank kapag may lamang tubig, baka mabuwal po ang pader ninyo. Kaya kailagan po talaga matibay at maganda ang mounting po nito.
2. IKALAWANG CHOICE niyo nama n po ay sa pressure tank.
PROS: Malakas ang pressure ng tubig sa mga gripo. Kung magka-car wash mas maganda malakas ang pressure.
CONS: Mas mahal ang pressure tank kaysa sa water storage tank, halos double the price. Kapag 42 gallons ang bibilhin, lalo't maraming gumagamit ng tubig, palaging tumatakbo ang motor, meaning lalakas bahagya ang bill niyo ng kuryente. Kaya mas advisable bilhin ay 86 gallons katulad po ng nasa video.
Ayan po ang mga PROS and CONS ng dalawang choices niyo. Kung papipiliin niyo po ako sa choices niyo po, sa choice number 2 po ako pipilo at lalakihan ko po ang bili ng pressure tank. At kailangan niyo pong lagyan ng float switch ang concrete water tank niyo po. Wala pa po kasi dito sa video na ito yung paglalagay ng float switch at wirng tutorial sa next episode pa po, wala lang time po mag-edit.
P.S. Balitaan niyo po ako kung anong choice po pinili niyo. Salamat po sana po nakatulong.
@@gawinmoito okay lang po kahit late reply. Medyo naliwanagan po ng kunti ang utak ko. Tanong lang po, magkano kaya magagastos kung bibili ako ng 86 gallons na pressure tank na sinasabi nyo?
@@MrCells10 Medyo nakalimutan ko na po. Around 13k po price niya, o baka may makita pa po kayong mas mura. Pero mas advisable po ang choice number 2 po sa inyo. Pero itanong niyo pa din po sa ibang gumagawa. Ito naman po ay suggestion lang din po na base po sa karanasan po namin.
@@gawinmoito thanks po☺️
@@MrCells10 Welcome po! Please continue supporting the channel. God bless po!
Thank you sir sa mga info, inuulit ulit ko talaga yung video na to para mas lalong maintindihan ko yung mga dapat gawin bago ako bumili at mag install ng water pump sa bahay, thanks
Keep in mind po na medyo magkaiba po ang setup niyo kasi po deep well po ang source ninyo, ang kalaban niyo po kasi diyan ay yung mga putik na pumapasok po sa system niyo po. Kaya minsan-minsan kailangan niyo po mag-drain ng water para po matanggal po ang mga accumulated dirt po.
gomagawa po ba kau sa marikina?
pwede po ma ilista ang lahat ng kakailanganin
Check valve dapat sa discharge ng pump to prevent back flow which can cause damage to the pump
salamat sa video sir marami akong natutunan
Mabuti naman po at nakatulong po kami sa inyo. God bless po sa inyo.
Sir tanung lang po. Bunggalow po bahay nmin pero slab po yung bubong. Meron po kami water storage sa taas. Question ko po paanu kaya palakasin pressure ng tubig sa mga gripo at para magamit din nmin mga shower. Lagi nman puno water storage nmin pero subrang hina ng lumalabas na tubig.
Para po lumakas ang daloy ng tubig niyo po ay mag-install po kayo ng water motor pump at pressure tank, or i-check niyo po muna ang mga linya niyo po baka po may mga bara ng dumi, nangyari po one time sa amin po humina po ang daloy, yun pala po may kalawang na po ang linya ng tubig po namin, g.i. pipe po kasi. sa PVC naman po posible din mabarahan po ng mga lumot.
Hello po, may pressure and storage tank kami pero yung waterline namin derekta sa storage tank, wala kaming tubig kase wala ng umaakyat na tubig sa tank, Napalitan na yung motor, pero wala parin umaakyat na tubig (nasa 5th floor yung tanks)
Dalawa pa yung motor, tig isa sila ano po kaya solusyon? Possible ba na madumi yung storage tank kaya wala pumapasok na tubig?
@@awtsgegengofficial Salamat po sa pag-reach out sa page namin kanina. Basta po kung kaya po ilagay ang pressure tank sa baba mas maganda po. God bless po!
@awtsgegengofficial Salamat po sa pag-reach out sa page namin kanina. Basta po kung kaya po ilagay ang pressure tank sa baba mas maganda po. God bless po!
Ano po yung recommended HP ng jetpump if 20Liters po yung tank na bibilhin ko?
Good morning po, 20 liters po? Hindi ko po sure kung may ganyan pong kaliit na tank, at anong tank po ba ito? Storage Tank o Pressure Tank? Wala pa po akong na-encounter na 20 liters, ang alam ko lang po ay 20 gallons. Kapag po 20 gallons, kahit 1HP lang po.
Salamat po. Pressure tank po pang bahay sana po. 20 gallons pala.
@@baykkarl9541 Hi po ulit. Ang ma-recommend ko po sa inyo yung pressure tank na may built-in na motor na po, mayroon pong mga maliit po na variations ang mga ganoong klase. Mas makakatipid ka sa space at installation cost po.
Boss yong water control valve anong size ba nilagay nyo 1/2 or 3/4 thanks po
Hello po, de-uno po at de-medya po ang nilagay po namin dito.
@@gawinmoito pwede po bang magpagawa sa inyo para sa building ko po? Saan po kayo located? How can I contact you po?
sir kung sa nawasa ko po ikakabit ang storage tank,, kaya bang umabot sa 2nd floor ang tubig kung nasa baba lng nakainstall ang mga water tank at pressure tank tulad nyan?? kasi balak kong mag pagawa ng boarding house sa taas ng bahay ko mga dalawang kwarto lng pero wala ng flush ang mga toilet na ilalagay ko labatory at dibuhos lng na toiletbowl,,
Hi po! Basta po naka-pressure tank aabot po iyan kahit hanggang 5th floor pa po. Ang setup sa video po na ito hanggang 3rd floor ang building, napakalakas po ng pressure hanggang sa pinakataas na palapag. Kahit maglagay pa po kayo ng de-flush walang problema po, kayang kaya po iyan ng pressure tank.
@@gawinmoito sige po raming salamat,,
@@rockyroger8905You're welcome po.
hello po sana masagot question ko kahit late na. meron po akong 1/2hp motor and pressure tank na nasa second floor. and nasa second floor din yung mga gripo namin. may suggestion po ba kayo. para every time na nagoopen ako gripo hindi patay sindi ung motor habang ginagamit (pricey na ksi sa elec bill). is it possible po ba maglagay ng storage tank beside sa pressure tank para hindi po on and off ung water motor? or overhead po ba dapat ung storage tank? thank you po marami kung mssagot ❤❤❤
Yung storage tank po ba na sinasabi niyo ay after the line ng pressure tank? Kung ganito po ang gusto niyo, hindi po puwede iyan. Kung ayaw niyo po na lagi patay sindi ang water motor pump, bili po kayo ng mas malaki na pressure tank.
2 ang pressure tank ko pwede bang yung isa ang storage?
Konti po kasi malalaman na tubig pag ginawang storage ang isang pressure tank.
Hello...ask ko lang jan sa main source ano dapat nakakabit motor or tank?
Storage tank lang po, hindi po puwede maglagay ng water motor pump agad galing sa source, nasa batas po iyan, puwera lang po kapag galing sa deep well.
yung pressure tank ko po yung maliit, 21L, tama po ba na ang inlet nya yung nasa baba na butas at ang output naman yung nasa taas? salamat po
Puwede rin po yan ganyan, pero sa video po kasi ang ginawa namin ang inlet ay sa itaas, ang out ay sa baba, para kahit patay ang pressure tank free flowing ang daloy ng tubig, kaya naman po minsan binabaligtad ay para sa priming ng water, pero interchangeable po iyan.
@@gawinmoito nalito po kasi ako sa mga nababasa at napapanood ko na ang air sa loob ay nasa taas and sa ibaba naman ang water. Thanks po sa reply.
@@mactb09 Halos magpantay naman po kasi ang tubo niyan sadyang hindi lang po nakatapat. Ano po bang itaas ang binabanggit niyo po? Yung sa pinakataas po kasi hindi po inlet yon, para po sa pressure switch po. Kapag po pinasukan po ng pressurized water po iyan sa baba po talaga pumupunta ang water, tapos po sa taas ang pressurized air. Hangin po ang magtutulak sa tubig kaya po lumalakas po ang buga nito sa mga gripo.
Boss pwed naba sa ganyan set up tank at motor walag pressure tank yung motor direct na papasok sa balay ang tubig? Yung motor pump lagyan ko lng ng pressure switch.
Hello! Kapag po walang pressure tank, palagi po aandar ang motor niyo po, kasi po pinupuno lang ng motor ang pressurized water sa mga linya ng tubig, which is kaunti lang ang kayang kapasidad na pressurized water. Kung gusto niyo mas madaling setup, mag-bladder type pressure tank po kayo. Maymalalaki din po nuon para di agad kayo nauubusan ng tubig at para hindi karga ng karga ang motor.
Salamat boss
@@gerzonroykanapia3670You're welcome po.
Ang lagi k napansin yung check valve bakit before motor???ganyan naba ang bagong installation Ngayon?
Hello po, malaki po talaga ang valve kasi 1" po ang mga fittings na ginamit dahil po malaki ang out na thread ng storage tank. Doon naman po sa 'bago mag motor' na valve, ay heto po ay para kapag naglinis ng storage tank, para hindi pumunta ang drain ng tubig papuntang motor.
@@gawinmoito HND PO tongkol sa check valve,,Wala akung comment sa installation m sa check valve,,Ang tamang Lagay Ng check valve ay after motor,,,Ang kadalasan masisira jan mechanical seal Ng motor
Hello sir bakit yong motor po umaandar kahit walang gumagamit ng tubig patay sindi sya, akala ko andar lang ang motor pag may gumamit ng tubig dhil nabawasan ang tubig sa tanke at umiikot din ang metro ng tubig namin pero mahina lang mahina ng mahina ang ikot
@@rowenacanido9534 possible PO my leak yung,or jan mismo sa mechanical seal Ng motor my tagas,,,kung ma find out m nasa motor Ang leak my kailangan Kang baguhin,,,,
ilang gal po nang storage tank and pressure tank ang recommended po para po sa dlwang palapag po na parang bonggalo type po??salamat po
Good morning po! 400 liters sa storage tank and 42 gallons sa pressure tank, pero ito po ay komporme pa din po sa pangangailangan ng isang building, kasi po kung maraming gumagamit po ng tubig dapat po mas malaki. Pero kung pang family size lang, puwede na po ang sinabi ko po.
meron po aqng water pump po dto indi q po sya kabisado qng pano po iinstall indi q po alam qng pde na pong wla nang pressure tank...
indi q po mapakita sainyo ung picture pano po ba kau ma ppm sir??salamat po
@@christianconjelado3973 Hi po, pasensiya po late reply, galing po akong work kadadating lang po. May facebook page po itong channel na ito, paki hanap po sa facebook 'Gawin Mo Ito'.
@@gawinmoito sir good eve ilan hp mo motor pump s 400ltrs n storage tank at 42gal n pressure tank? At mgkno ngastos lht lahat? Thank you po sir
Sir tanong lang po ilang oras po ba bago umakyat sa 40psi ang pressure guage sa sp40 na pressure tank?
ilang gallons po ba ang sp40? 40 din po? dito po sa video 86 gallons po ang pressure tank, bale 10 seconds lang para punoin ng pressurized water ang tank gamit ang 1.5 HP na water motor pump.
Thank you sir, may problema nga talaga sa ginawa ko, 1h na dpa rin umabot ng 20 psi yung guage sa pressure tank ko😆
@@Tristan019 I-check niyo po sa mga leaks po at naadjsut din po ang PSI niyan po sa pressure switch, may coil po iyan pinipihit sa loob.
Good pm sir mag ask lang po ako meron po kaming storage tank madalas kami mawalan ng tubig (nawasa)nag pa second floor po ako ano po dpat gawin para po magkaron ng tubig sa taas.pasensya na at salamat po
Yung outlet po ng water storage tank po lagyan niyo po ng water motor pump tapos po lagyan niyo po ng pressure tank. Itong video na ito mismo po ang makakatulong po sa inyo, kopyahin niyo lang po, i-bypass niyo lang po yung installation ng storage tank kasi mayroon na po kayo noon.
good day po..pwede po ba from tank to water pump to house na kahit wla na pong pressure tank??
Hello po! Kapag po walang pressure tank, magpa-pump ng magpa-pump po ang motor which is tataas po ang biil niyo po, mas maganda po may pressure tank po. Sorry po late reply, natabunan po ang comment na ito.
Sir ok lng b magkabaliktad ung inlet at outlet s pressure tank,.ung mas mababa ang pasukan at mas mataas ang outlet,
Hi po! Iyan naman po talaga ang tama, mababa po ang pasukan (inlet) tapos mataas po ang labasan (outlet), nasa video din po iyan, paki panuod nalang po ng buo. God bless po.
Kuya, Bunggalow po bahay namin, parating walang tubig samin ( Prime water ) kng my tubig man pero mahina pa rin daloy ng tubig, lalo na sa shower masyadong mahina, useless lng ung shower na kinabit. kelangan po ba ng Water tank at water pump ?
Water tank hindi po ba bawal un lalo na kng sa baranggay nakatira?
Thank you po
Kung bungalow po ang bahay niyo kahit water tank lang ang ilagay niyo, kahit walang water pump or pressure tank, kaso may mga kondisyon po ito:
1. Dapat po naka-mount po ang storage water tank niyo po sa mataas na bahagi ng bahay niyo po. (3 meters po ang height clearance mula sa pinakamataas na outlet ng tubig eg. shower)
2. Dapat po kayang punoin ng prime water ang water tank niyo po kahit mahina po ang daloy. (Lumalakas po kasi ang daloy ng tubig kapag madaling araw, madalas doon po kayang punoin ng water provider ang tangke.)
3. Dapat po may paglalagyan po ng water tank ang bungalow niyo. Kung may bakuran po kayo sa labas po maganda nakatayo at nakamount ng mataas. (Gravity po kasi ang magpapatulo ng tubig).
Patungkol naman po sa 'bawal', walang bawal-bawal sa paglalagay ng water tank kahit saan po ito puwede ilagay (imbakan lang naman po kasi ito ng tubig). Ang bawal po ay ang paglalagay ng water pump 'after the meter'. Mahihigopan po kasi ng pressure ang Prime Water, meaning po mababawasan po ang pressure nila at maaapektuhan po ang mga kapitbahay niyo. Baka kaya po mahina ang tulo sa inyo dahil may nakatap po na water pump sa lugar niyo po na 'after the meter'. Bawal po iyan sa batas.
Maraming salamat kuya, God bless po😊
@@jenny-bd1yt Thank you po!
Magandang draw pwede ba maglagay ng multiple conventional pressure tank sa iisang malaking water tank? Para sana sa 1st floor up to 3rd floor? Tig iisa sila ng pressure tank per floor pero iisang water tank lng pwede ba yun sir?
Hi! No need na po sir, kahit isang pressure tank lang po, kakayanin na po nito ang maraming floors up to 5-10 floors, komporme din sa lakas ng horse power ng pump. Isang pressure tank lang oks na po.
@gawin mo ito sir pwde mg tanong. Deep well po kasi yung set up ng tubig sa bahay meron nang motor at pressure tank pero need namin mg install ng filter. Saan ba talaga dpat e lagay ang filter bago ba mg pressure tank or after na hindi ma aapektuhan ang water pressure sa loob ng bahay thank you po 8n advance
Deep well po iyan dapat po before the water pump para safe din po ang pump at pressure tank kasi po minsan may mga buhangin na nakukuha sa deep well.
Hi po! Question lang po, ano po pinagkakaiba ng Water Tank, Pressure Tank at Water Pump Motor po? Ano po yung difference kapag wala po ang isa po? Pano po nakakaapekto sa daloy ng tubig kapag wala po o present po yung mga yun po? Marami pong salamat. Great video po, informative po.
Subukin ko po sagutin ang mga tanong niyo in a simple way as possible po.
1. Water Tank - Dalawa po ang types nito, Storage Tank or Pressure Tank. Ang Storage Tank ay imbakan ng tubig, mahalaga po ito lalo kung nawawalan po kayo ng tubig palagi sa area niyo. Ang Pressure Tank naman ay lagayan ng tubig na may halong pressurized air, hindi po ito gagana kung walang Water Motor Pump, mas maliit ito kumpara sa Storage Tank.
2. Water Pump Motor - Dalawa po ang uses nito una: humihigop ito ng tubig mula sa Deep Well (Ground Water) pangalawa: Puwede mag akyat ng tubig mula sa 1st floor ng building papuntang 2nd floor or more (Formula po nito ay 1 horse power per 50 feet, ang isang palapag po ay 10 ft po madalas, kaya 5 floors kaya po ng 1hp) Kailangan po talaga mag lagay ng Water Motor Pump sa mga buildings na matataas, lalo na po kung mahina ang pressure ng tubig galing sa distributors (Maynila, NAWASA, Prime, etc.). Note : Hindi po puwedeng iderekta ang Water Motor Pump mula sa kuntador / metro ng tubig, bawal po iyan, may fine po iyan kapag na-check po ng water distributors niyo.
3. COMBINATION SYSTEMS - Heto po ang sagot doon sa 2nd question niyo po. Diagram po itong itatype ko po, magmumula po sa water meter po.
1st combi - Water Meter --> Storage Tank --> Water Motor Pump --> Pressure Tank --> Water Outlets (Gripo) Ito pong 1st combi ang ginamit po sa video na ito.
2nd combi - Deep Well (Poso / Ground Water) --> Water Motor Pump --> Pressure Tank --> Water Outlets
3rd combi - Water Meter --> Storage Tank (1st floor) --> 1Hp Water Motor Pump (1st floor) --> water line directly to 5th floor --> Storage Tank --> Water Outlets (Gravity Assisted water flow)
4th combi - (If malakas naman ang pressure sa area niyo, no need na ng Water Motor Pump) Water Meter --> Storage Tank installed sa isang water tower, or taas ng building (rule: 5 meters po dapat ang layo ng height ng storage tank sa pinakamalapit na water outlet / gripo.) --> Water Outlets (Gravity Assisted water flow)
Marami pa pong puwedeng combinations, ito lang po ang kaya ko pong i-type, hahaba pa po lalo explanations, pero heto lang po ang madalas na combis na ginagamit po.
Heto po ang mga sagot sa mga tanong niyo po, sana po makatulong po ito. Happy new year po!
@@gawinmoito WOWWWWWW GRABE PO! Thank you so much. Dami ko po natutunan. Wait ko po uli mga next videos nyo po. Merry Christmas and Happy New Year po! God bless po.
@@kurocchiii You're welcome po, nais lamang po namin na makatulong sa mga tao sa pamamagitan ng pag-share ng aming experiences sa iba't ibang aspeto ng buhay, lalo na po sa mga DIY. See you next vid po.
Good day Sir. Ask ko po sa 1combination po aabdot po ba hanggang 3rd
@@maridelpineda7192 Hi! Ang mga combinations po na iyan ay independent po. Pipilii lang po kayo ng isa, kung ano po ang naaayon po sa inyong bahay po.
sir mag kano po kaya magagasto pag nag pagawa aqo ganyan? marikina po kame.
Ang equipment po nasa 40k-50k, equipments pa lang po iyon wala pa po labor, ang labor po niyan lumalaro po sa 5k to 10k po, komporme po sa contractor. Pero kung kaya niyo po magDIY para makatipid po kayo sa labor, kopyahin niyo nalang po itong video na ito.
pag wala po kuryente wala na din po tubig sa bahay?
Hi! Kapag wala po kuryente, uubusin lang ng tangke po ang air pressure ng pressure tank niyo po, and then iba-bypass na niya yung pressure tank using the pressure ng water distributor (Maynilad, NAWASA, Prime etc.) Magkakaroon ka pa din ng water, kaso mahina tulo sa first floor niyo. Kasi itong setup na ito na nasa video ay para sa isang building na may multiple floors.
@@gawinmoito paano po setup Kung para Lang po sa 3 floors na bahay?
@@jeffmutia Heto po mismong video na ito, ito po ay setup sa building na may 3 floors. Umaabot po sa taas ng 3rd floor ang water, malakas din po ang buga dahil pressurized.
boss okay ba itong set up if bungalow lang 2 bedroom 1 toilet?
Ano po ba ang advisable sa waterpump nasa taas po ba or dapat nasa ibaba 4th floor po kc bahay nmin nasa 3rd floor po ung waterpump nmin lagi naandar yung waterpump nmin....wala po kmi storage tank ano po ba dapat gawin slamat po
Kailangan maglagay ng storage tank, kaya yan tumatakbo palagi kasi baka walang mahigop na tubig, kailangan may storage tank tapos nasa baba lahat setup.
Anong gamit ng ball valve bakit mayron pa
Para po ito sa paglilinis po ng mga units, halimbawa po maglilinis or magde-drain ka ng pressure tank, may pagpapatayan ka ng linya para hindi magtapon ng tubig kung sakaling puno ang water storage tank.
Sir good day question lng po...may water tank po kme nasa 2nd floor ang problim po nmin mahina n ang tulo ng tubig s gripo nmin pwede po b n gamitan sya ng pressure tank s taas para po s 2nd floor para lumakas po ang tubig s gripo at shower po ng 2nd floor po nmin o may iba p po n remede n gawin salamat po ..
Hi! Yung water tank po ba na nasa 2nd floor ay napupuno po ba ng tubig iyon? Kung hindi po niya kayang punoin, hindi po talaga lalakas ang daloy niyo ng tubig sa gripo kasi po gravity po ang magpapalakas niyan, o baka naman po marumi ang mga linya niyo? Ano po ba ang storage tank niyo? Plastic po ba o stainless? Sa plastic po kasi naglulumot po yan kaya mababarahan ang linya. Yun tanong niyo naman kung advisable maglagay ng pressure tank? Ang sagot po ay hindi, bakit kanyo? Mayroon na po kasi kayong storage tank sa taas tapos mahina po ang tulo, sa aking pagkakaintindi sa sinabi niyo po ay parang hindi po napupuno ang tubig sa tangke niyo, madalas pong dahilan niyan ay mahina po ang pressure ng metro niyo po.
Suggestion: Ibaba niyo po ang tangke niyo po sa 1st floor tapos po lagyan niyo po ng pressure tank.
Pls help ,Hindi na nag po automatic yung amin , problema pa nung una nabutas tank namin nung naayos sya pag natagalan ng bukas dahil sinasaksak nalang namin sya pag gagamitin nasira naman yung pvc na dinasaluyan ng tubig namin di kinakaya ng tubo kahit inaayos na nag hahanap ng lusutan ang tubig namin pag di namin ginamit na naka andar sya sobrang lakas ng pressure po nya , pano po kaya gagawin nun slamaat po
Hi po! Mukhang nasira po ang pressure switch po ng pressure tank. Iyan po ang nagpapa-automatic stop po ng water motor pump, magsisira po talaga ng tangke ang motor niyo po kung hindi po ito gumagana plus din po ang pvc na tubo, kung papalitan niyo po ng G.I. pipes yan sasabog naman po ulit tangke niyo. Yung sa end ng video po na ito kung saan may 'to be continued' pinakita namin po doon ang pressure switch. Di palang po namin na-eedit at naa-upload ang part 2.
Hello po need ko po sana ng advice ninyo. May storage tank po kami nasa 2nd floor level. Nagpupump po kami ng tubig from provider pag gabi. Minsan kusa naman umaakyat pag malakas ang tubig.
Ngayon po nasira ang water pump and bumili kami ng bago. Hindi pa po nakabit.
Nagpapatayo din po kami ng 2nd floor na may isang cr. Siguradong hindi po kayang umakyat ng tubig pag umaga.
Paanong setup po ng pump at pressure tank ang pwede? Pwede bang iakyat ang pressure tank sa 3rd floor level kasi wala na space sa tabi ng storage tank?
Puwede naman po ilagay ang pressure tank po sa 3rd floor, pero po ang water pump po dapat nasa baba kasi nga po hirap nga po umakyat ang tubig. Basta po after ng storage tank water pump na po, 'wag niyo po ilalagay ang pump after the meter, dapat po after ng storage. Sana po makatulong.
@@gawinmoito thank you po sa sagot. If after pa po ng storage tank ang water pump, paano po kaya mapapaakyat ang tubig sa storage tank?
@@minimixing4678 Puwede naman po iyan, kaso nga lang po sayang ang pressurized water kung storage tank lang po ang sasalo. Wala pong water pressure ang storage tank, dapat po talaga pressure tank, at isa pa po malakas sa kuryente po kung storage tank po ang sasalo.
Hello po Sir. Current set-up:
Bundok na area - source ng tubig is deepwell. Yung bahay po is about 200meters away (paakyat). Kakayanin po kaya ng 1hp motor+pressure tank ung pagsupply ng water dun sa bahay? And need paba ng storage sa msmong bahay pra sa distribution nman nung water? Thank you🙏🏻
Mag 1.5HP na po kayo para sigurado, or kung may budget 2.0HP, mediyo malayo po kasi ang 200 meters, and yes po, kailangan niyo po ng storage tank para po sa imbakan po ng tubig, kasi po magpa-pump ng magpa-pump ang water pump kapag naka-asa lang po sa linya ang pump.
Hello po..meron po bang filter na pedeng ilagay sa pressure tank kase kpag mtagl na ung tubig nag yyellow po kase .thanks po
Mayroon pong filter na nailalagay po, kaso sa linya lang po ng tubo. Try niyo po linisin ang pressure tank niyo po, may mga namumuo po kasing dumi po doon sa katagalan. May plug po iyan sa ilalim para po matanggal ang mga dumi.
Boss taga dasma aq.magkano mag pa install?ng gnyan?
Around P45k - P50k ang magagastos mo.
@gawinmoito lahat2x naun?ksma na labor at materyales?ilang liters ng tangke un?
5 bahay ung susuplayan puro bungalow lang namn.tag iisang toilet at lababo
@@Romeo-zq3vk Yung katulad po ng nasa video ang materyales. Di po kasama labor diyan. Nasa P5k po ang labor niyan, pero komporme po sa singil ng gagawa.
@@Romeo-zq3vk Ilan po ang mga nakatira sa per bahay? Baka kulangin po ang setup na katulad nito kapag po ganyan kadaming bahay. Malamang lagi po kayo mauubusan niyan ng tubig lalo na kapag sabay sabay naglaba ang mga nakitra sa limang bahay.
Hello po sir, mas makakatipid po ba pag may storage tank? kesa nka rekta sa main papuntang pump>pressure tank? Bilis kasi ng ikot ng kuntador pag nka rekta po.. salamat po
Hi! Lalakas po talaga ang ikot niyan, kasi po nakarekta sa metro ang water motor pump, hindi lang naman po kasi tubig ang nahihigop ng water pump, nakakahigop din po ng kaunting hangin ang pump po, `tsaka po pinagbabawal po ng water companies ang nakarektang pump sa metro kasi po nahihigupan po ng pressure ang line po nila, maapektuhan po ang ibang consumers. Best po talaga nag maglagay po kayo ng storage tank po.
@@gawinmoito maraming salamat Po..
@@shinjiikari6654 You're welcome po!
Hello, pwede bang pressure tank at water motor pump lang?
Good day po, praktikal po ba na water tank lang tapos ieelevate lang? No need na daw po motor at pressure pump, bungalow house lang po kasi un sa amin. Or need pa din both motor and pressure tank? Medyo confused din po kmi kung ano dapat ipagawa dito s bahay
Basta po malakas ang pressure ng water distributor niyo, kahit storage tank lang na naka-elevate. Puwede na po iyan, pero kung mahina kailangan mag water motor pump at pressure tank.
Boss, mga ilang gallon capacity ng water tank at anong horsepower ng pump ang kelangang gamitin para sa 7 units 3 storey apartment . Ganyan din ang gusto kong setup doon ko lang ilalagay sa may likod ng building sa ground level. Thank you
Ito po mismog specs ng video na ito ang saktong sakto sa inyo po. 3 storey setup din po ito, paki panood nalang po ng buo ang video na ito, tulong niyo na din po sa channel. God bless po!
dapat po ba mauuna lagi yung storage tank mula sa main, tapos pump na? or vise versa? ty
Storage po muna bago pump. Sayang po ang pressure kung mauuna ang pump.
@@gawinmoito ty po
@@dannofthefriday You're welcome po!
ilan po ba aabutin o dagdag sa electric bill pag may setup na ganito?
Komporme po sa palagiang takbo ng motor. Dito po sa video, ang average consumption namin ay nasa P400.
@@gawinmoito ty po
@@JulieAlfonso-si1de You're welcome po!
hanggat hindi ba nauubos ung tubig sa storage tank? hindi tatakbo ung motor nya?
Tumatakbo ang motor basta naubusan na po ng laman ang pressure tank. Kapag naman naubusan ng tubig ang storage tank, kailangan may float switch para tumigil ang motor kapag wala nang laman ang storage tank.
@@gawinmoitopwede po ba na blue drum ang gamitin..imbis na storage tank..para mas mura? ano ano po mauuna..mula sa pagkuha ng tubig sa balon..at papunta ng bahay sa gripo?
gaano din po ba kataas hieght..ang storage tank gagawin ko bluedrum.. first floor yung bahay
@@roymanilaboy7882 Puwede naman po blue drum, kaso prone po ito sa lumot at mahirap linisin wala kasi itong drain.
@@roymanilaboy7882 Wala naman pong kailangang height ang storage basta kasya ang 300 liters, iyan kasi ang isa sa pinakamaliit sa sukat, mababa sa 300 liters ay mabilis maubos ang tubig lalo kung malakas gumamit.
Kung balon / deep well ang source, kahit pump na agad tapos deretso sa storage tank o kaya blue drum (basta malaki dapat ang drum niyo, sayang naman kung magmomotor pa kayo tapos pangkaraniwang blue drum lang).
Malakas po ba sa kuryente ang water pump? and magkano po inabot ang set-up na ito.. kahit rough estimate lang.
Nadagdagan ng P500 po monthly bill, komporme din sa gamit, sa summer mas mataas. Around P45k naubos po namin, wala pa ang labor diyan kasi kami po gumawa.
Good day po, ask ko lang po pano po set up kung magpapalagay po ako ng storage tank? meron po kc ako deepwell water pump at pressure tank, ang problem ko po halos walang pahinga ung pump. Kaya po mag papa lagay sana ako ng Storage tank.
Storage tank lang po ba need? or meron pa halos 8bahay po kc sinusuplayan ng water pump.
salamat
Good day din po. Gaano po kalaki ang pressure tank niyo po? Kapag po kasi hindi nakakapahinga ang tank, baka po sobrang liit ng tank tapos po walong bahay pa po, o kaya naman po mahina lang po ang horsepower ng pump. Ito po bang mga bahay na ito ay puro first floor lang po ba o matataas na buildings po? Masakit po talaga sa bulsa kung bomba po ng bomba ang motor (kuryente po kasi iyan), ang suggestion ko po maglagay po kayo ng storage tank after po ng deepwell pump, tapos po itaas niyo po ang installation ng storage tank (5 meters po ang layo (height distance) mula po sa pinakamataas na gripo ng mga bahay), hayaan niyo na po gravity ang magpressure ng water po sa mga gripo ng mga bahay. At kung maglalagay po kayo ng storage tank dapat po yaong malaki po talaga kasi po walong bahay po ang susuplayan niyan po.
salamat po sa sagot, follow up question po, bali po WATER PUMP>PRESSURE TANK>STORAGE TANK>WATER OUTLET, yan po ba magkasunod sunod?
@@uklaham59 Deep Well Motor Pump > Storage Tank (800+ liters) Mounted sa maliit na tower o kaya sa second floor (Basta dapat mataas) > Water Outlets
Ayan po ang setup, kung maglalagay po kayo ng pressure tank, kailangan niyo po ng dalawang motor, isa po sa deep weel isa po after ng storage tank papuntang pressure tank, which is hindi niyo po gagawin dahil tataas bill ng kuryente niyo po. Suggestion ko po, huwag na po kayo magpressure tank.
@@gawinmoito
salamat po sa info sir..
kaya naman po cguro ng water motor pump i-akyat ang tubig papuntang storage tank kahit naka-elevate ng 5meters?
at isa pa po pwede po ba set up waterpump>storagetank
then from storagetank po hahatiin po bali dalawa ung outlet, ung unang outlet po gravity pressure papunta sa mga bahay, pangalawang outet po papunta pressure tank para po main house para may pressure (additional na motor)
salamat po..
@@uklaham59 Yes po kaya po iyan, ang deep well nga po 100ft po lalim niyan pero kaya po ng motor pataasin ang tubig.
Bakit kasi na blue pipe ginamit pa bakit di na lang PPR pipes and fittings
Mas mura po kasi ang blue pvc na pirpe. Wala naman po kasi kaming maraming pera pang bbili noong white na PVC, matagal na po kaming may experience po sa pagkakabit ng blue PVC, pero po nuong dumating ang white pvc (PPR) 'di po namin nakuha ang ROI sa white PVC. Kasi po hindi po kakayanin.
hello sir,tanong lang po,pwede po ba deepwell then waterpump tapos pressure tank?
Yes, puwede yan.
bkit walang check valve at by pass?
Ask lang po sir, kasi yung poso po kasi namin minsan naglalabas ng buhangin, balak ko sana magkabit ng water pump din tulad nyan, hindi kaya makasira yun sa motor ng water pump, any suggestion po... Thanks
Hi po! Masisira po talaga kapag wala pong filter, may nabibili pong in-line filter po, kinakabit po sa linya ng tubig.
Thank you sir sa info..
So bale po, before water pump, so ganto po ba mangyayari sir, linya ng tubig, tapos papunta sa filter bago pumasok sa water pump, tama po ba? Pasensya na po sir
@@Tristan019 Walang anuman po.
@@Tristan019 After po ng water motor pump po ang filter, or ng water pressure tank. Yun pong filter na sinasabi ko po para sa safety ng water motor pump po ay nakabaon po iyon sa lupa. Hindi po kasi ako masyado maalam sa deep well pipe installation, ibang trabaho po kasi iyon. Ang alam ko po nilalagyan nila ng mga filtering na mga bato sa kailaliman para sa proteksiyon ng motor, kaso po sa case niyo buo na ang linya. So regular clean up lang po sa accumulated na mga dumi po para magtagal ang system niyo po.
Sir wala po ba problema, if ung source ng tubig eh galing sa Water works? ganito sana setup gusto ko rin ipagawa sa bahay ko
Hi, ano po ba yung Water Works? Parang Maynilad, NAWASA, Prime Water po ba? Kung katulad po nito wala pong problema.
hello po! Meron po ako apartment. Tig-iisang unit po sa 2nd-3rd floor, need po supplyan ng water. Di po umaabot ang tubig sa 3rd and 3th floor. Sa 2nd naman po mahina na. Okay lang po ba sama sama ang storage tank, pressure tank at motor pump sa 5th floor po? Or need po ung motor nasa 1st floor? Ayaw po kasi sana namin maglagay ng tangke sa 1st fooor kasi wala pong space. Maraming salamat po sa magiging tugon nyo.
Hi po! Puwede sana po kung kahit sa 2nd floor lang po, pero kapag po napakataas na tulad po ng 5th floor, alanganin na po ito. Kung kulang po sa space, mayroon pong mga storage tank na nakabaon po sa lupa (medyo matrabaho lang po ito) parang septic tank po pero pang tubig po ang laman, tapos po i-water motor pump niyo po pataas sa 5th floor kung saan ilalagay niyo po ang pressure tank (maglagay lang po kayo ng check valve para po hindi bumalik ang pressure sa linya ng tubo. Isang way lang po ito, pero dapat po talaga ang mga tanks ay nasa ibaba lang po (1st floor or 2nd floor) kapag po hindi talaga kayang ipa-akyat ng pressure ng NAWASA ang tubig sa mga iba't ibang palapag ng gusali po.
Sir pwede b malaman magkano estimate sa materials? storage tank,pump at pressure tank
40k to 50k, hindi pa po kasama labor diyan.
Hi po.. may tanong lng po ako . Mahirap kc tubig dito sa probinsya namin. Lahat ng mha bahay dito nag papadeliver lng ng tubig sa tangke. Kailangan pba gumamit n water pump pra sa pag daloy ng mga tubig sa cr at lababo? Thanks in advance.
Hi! May sarili na po kayong tangke? Sa pagkakaintindi ko po sa 'nag papadeliver lng ng tubig sa tangke' ay ibigsabihin may sarili po kayong tangke pero bakit hindi dumadaloy sa lababo (?), baka po ang tangke ng tubig niyo po ay mababa, dapat po kasi mataas ang installation po niyan, gravity po kasi ang magpapadaloy ng tubig papunta po sa mga outlets (gripo, lababo, cr). Pero kung hindi po dumadaloy ang tubig papuntang tangke na nagmumula naman sa source ng water niyo po (deep well lang po ang puwede) ay kailangan niyo pong maglagay ng water pump para po umakyat ang tubig papuntang tangke. Bakit ko po sinabing deep well lang ang puwede, bawal po kasing mag-install ng water pump directly sa line nga mga suppliers ng water (eg. NAWASA, Prime Water, Maynilad) kahit after the meter pa po iyan. Ang masa-suggest ko po sa situation niyo po ay deep well (Jetmatic Setup).
Ask lng po bkit po sandLi pa lng nabubuksan ang gripo umaandar agad ang motor nmin lakas po tuloy sa kuryente😢
Hi po, sa palagay ko po ay wala po kayong water pressure tank, kung mayroon naman po, baka po sobrang liit ng pressure tank niyo po.
Hello po. Question ko po is may tanke po kami nasa itaas kaso yung water provider dito saamin is low pressure kaya di maka akyat yung tubig para ma pondohan. Ano pong bagay na set up saamin? Thank you po and more power to contents like this!
Hello po! Ang suggestion ko po, ibaba niyo nalang po ang storage tank niyo po, tapos maglagay po kayo ng water pump at pressure tank. Pero kung hindi po kayang ibaba, kailangan niyo po ng motor pump para mapaakyat ang tubig sa storage tank niyo po sa itaas, kaso nga lang po bawal po maglagay ng nakaderekta ang motor pump after po ng water meter (bawal po kasi iyon, mahihigupan po ng pressure ang mga kalapit na bahay po). Bale dalawa po ang choices niyo na setup:
1. Kung hindi ibababa ang storage tank sa taas heto po: Water Meter > Storage Tank (1st floor) > Water Motor Pump > Storage Tank (Yaong nasa taas na sinasabi niyo po)
2. Kapag ibababa naman ang Storage Tank na sinasabi niyo po, ganito po setup: Water Meter > Storage Tank > Water Motor Pumo > Pressure Tank (Kagaya po ng nasa video na ito ang setup na ito)
Ayan po maya dalawa po kayong choices, puwede din naman po kayo bumili ng Pressure Tank na may built-in na Motor Pump (Bladder Type / Diaphragm Type po tawag) para po makatipid kayo sa space, kaso nga lang po maliliit lang po ang sizes nito, di kagaya po na bukod ang pressure tank, malalaki po sizes.
Sana po makatulong! God bless po!
Boss pwede po b malaman mga specs ng tank at motor plan ko po ganyan set up ko dahili 5th floor po ang paupaan ko tanxs po
Heto po, 1.5hp Leo Water Motor Pump, 600 liters water storage tank, 86 gallons water pressure tank. Ayan po ang nasa video po.
Magkno po gastos sa gamit and labor?
Nasa video and comment po sagot.
Ok lang po ba na hindi na itaas ang stoarage tank?
Hi po! Kapag po may pressure tank, kahit hindi na po ilagay sa mataas na bahagi ng bahay po ang inyong tangke. Pero kung mayroon po kayong pressure tank, kahit sa first floor lang po ilagay ang storage tank tulad po ng ginawa ko po sa video na ito.
May ma recommend po ba kayo na mag install ng water tank? Iyong kasing linis at ayos po ng ginawa sa video.
Hi po! wala po eh, pero madalas po niyan mga kontratista na tubero po gumagawa niyan, nasa around 5k yata na po labor niyan ngayon di lang namin po sure. Pero kung magpapagawa po kayo niyan, ang susi lang po ay bantayan niyo po maigi ang pinapagawa niyo po. Tsaka hihingi po kayo ng warranty sa kanila if ever po may back job (eg. Nag leak ang system).
Hello po, deep well po yung source ng tubig namin. Ngayon may storage tank and water pump kami. Nagrereklamo yung members ng water association samin, hinihigop daw ng water pump lahat ng pressure ng tubig namin eh hindi naman sa main line yun naka connect kundi sa storage tank. Tama naman po ba diba na di naman affected yung water pressure ng iba dahil sa set up namin.
Ipakit niyo po sa mga kapitbahay niyo po na naka deep well po kayo. Tama naman po setup niyo basta ipakita niyo lang ang source niyo na deep well para tapos agad usapan at reklamo nila.
hello po tanong ko lang may epekto po ba ang taas ng watts ng motor sa pag distribute ng water? 370watts kasi gamit nmin sa simple vendo machine, pwede ba yun babaan ng watts like 100 or 150watts? at ano po ba magandang brand ng motor? mahal kasi sa kuryente, parang dun nlng napunta ung kinikita 24hrs tas ang taas ng watts
Hi po! Ano po ba ang vendo machine ninyo po? Car wash po ba ito? Heto pong nasa video namin na water motor pump ay nasa 750 watts, may imbakan po kami ng pressurized water, ito po ang pressure tank. Ang purpose po nito ay para hindi magbomba ng magbomba ang water pump. Ang ginagamit po namin na brand ay Leo. So far naman sa setup namin ay hindi naman lumaki ang bill namin (lumaki din pero bahagya lang, around P350 - P500 ang itinaas monthly. Mataas po talaga ang watts ng mga motor pump, baka po bomba ng bomba ang pump ninyo kaya po mataas ang bill ng kuryente, dapat po maglagay po kayo ng malaking pressure tank. Doon naman po sa magpapababa ng watts, may mga nagbebenta ng adapter na sinasaksak sa mga device para daw bumaba ang bill, pero parang scam lang po ang mga ito, ang proven method po ay dapat po hindi lagi nagpa-pump ang motor, kumbaga maglagay po ng mas malaking pressure tank.
Sir nasa 2nd floor po bahay namin hindi naakyat ang tubig ano po ba ang tamang setup, water meter - pressure tank - water pump? Thank you po
Hi! Heto po ang tamang pagkakasunod-sunod:
Kuntador > Storage Tank > Water Motor Pump > Pressure Tank.
Sana po makatulong.
Good day po, ask ko lang po if kasama na po ba nung water storage tank yung overflow sensor or binili siya ng separate? Thank you po
May kasama na po na anti over flow sensor.
sir kung malakas nman po ang tubig sa nawasa pwede po bang switchoff muna yung linya storage tank at pressuretank?? tapos dun muna sa nawasa kumuha ng tubig??
Yes po, puwede pong patayin muna. Dadaloy pa din po ang tubig galing NAWASA sa mga storage tank at pressure tank kahit nakapatay ang mga ito.
Hi sir, tanong q lang poh, kapag poh ba magkakabit ng pressure tank need din poh ba ng storage tank para makaakyat sa 2nd floor ang tubig or pwede nang walang storage tank?
Kailangan po talaga ang storage tank, bawal po kasi maglagay ng water motor pump after the meter, nawawalan o humihina po ang pressure ng ibang mga customers ng water provider niyo po, puwera nalang po kung deep well ang source ng tubig niyo.
Thank you poh sa sagot😊 isang tanong nalang poh, saan poh ba ang tamang pwesto ng pressure tank sa baba or sa taas(2nd floor)? Thanks poh sana masagot😊😊
@@melindaobias390 Kahit saan po kasi dalawang palapag lang naman po iyan, pero ideal po sa ibaba for easy maintenance, minsan po kasi ide-drain niyo din po laman niyan eh pag sa taas pa manggaling ang tubig baka bumaha.
Note - Malakas po ang pressure ng pressure tank, hanggang limang palapag po ang kayang paakyatin na tubig (1.5 HP). Mas malakas na horsepower mas maraming palagpag ang mako-cover. Kaya kahit sa baba ang install walang problema.
Approximate magkano aabutin ang labor sa ganitong set-up?
Sa labor nang mga ganito umaabot ng P5k, pero ang iba P10K, kapag nakakuha ka nang P5k mura na yan, baka nga may mas mababa pa.
Sir water source is rekta galing ilalim ng lupa. Duplex lang ang bahay. Ok lang ba kahit storage tank and pump nalang? Dami kasi buhangin sumasama sa tubig.
Yes po, puwede po kahit water motor pump lang po at storage tank ang gamitin niyo po. Basta po may filter po ang linya ng tubig bago po dumating sa motor pump, para po hindi sumama ang buhangin at mga lupa sa inyong tubig at storage tank.
Sir plano ko water tank at motor lang bilhin ko
5meters taas ng water tank
Ok n kaya pressure papunta ng gripo?
Hind n sana ako bibili ng pressure tank kc magastos masyado
Ano diskarte maganda sir?
Asan ung next bidyo ser?
may messenger po b kayo? meron po kinabut samin waterpump tapos nasa taas ang storage hirap po maglagay ng tubig sa storage tank tapos mahina din ang tulo sa mga gripo sabi ng contractor ay gravity daw ang magpapalakas at kailngan daw ng mas malaking storage para mas malakas ang pressure tama po b iyon?
Mayroon po, paki hanap po sa FB ang page name ay 'Gawin Mo Ito'.
Sir ano po dapat gawin kapag mahina ang water pressure dahil tangke lang po ang pinagkukunan ng aming subdivision pero hindi naman po nawawalan ng tubig, need po ba ng water pump at pressure tank?
Puwede po iyan kahit saan, kahit sa hindi tituladong lupa puwede rin, hehehe.
Maglagay muna po kayo ng imbakan ng tubig (storage tank) tapos lagyan niyo po ng pressure tank afterwards para po lumakas tubig niyo po. Iyon ay kung gusto niyo lang po ng pressurized water, pero kung ako papipiliin, kahit storage tank lang po puwede na sa subdivision niyo po.
@@gawinmoito ano po ang mangyayari kapag pressure tank lang at motor ang inilagay? Thank you po
@@AlbertEinstein-py8wb Mababawasan po ng pressure ang mga kapitbahay niyo po kasi hinihigop po ng pressure tank niyo po, kapag po nag-complain po sila na mahina po ang pressure nila mag-iimbestiga po ang water company at hahanapin po ang bumabawas ng water pressure nila, ngayon kung magaling po kayo magtago ng tangke hindi nila kayo made-detect, pero once nakita po nila yan at may nagreport may huli po iyan. Mas maganda po na sumunod nalang po tayo sa batas para po mas payapa ang loob po natin.
Thank you @Gawin moto mag ask lang ako about sa Pag lalagay ng water tank
Samin din madalas nawawalan ng tubig Meron kami per purok na mga tank na naka deep well. Pero sad to say madalas nawawalan pa din kami ng tubig dahil sguro sa Dami na din nagamit. Tanong ko lang ok lang ba storage tank lang need ko kahit Wala na ng pressure motor or pressure tank. Ang reason ko lang is para lang habang Wala tubig Ng ilang oras atleast may naka imbak kami. At take note din po ok lang ba sa pvc connect kung saan nangagaling Yung source ng tubig Namin ayoko po kasi mag pa butas (Deep well) nga kung tawagin masyadong mahal Yun purpose ko lang is mag imbak ng tubig talaga para atleast may reserve kami. Or need pa Ng pressure motor para yung labas ng tubig sa mga gripo at malakas Tama po ba ko paki correct nalang ako salamat sa masagot nyo po ito
Hi po! Yaong source po ba ng tubig po ninyo ay saan po nanggagaling? Deep well, bukal, o NAWASA? I mean yung nawawalan po kayo ng tubig, saan po ang source nito? kung sa NAWASA po, kahit po storage tank tapos po pvc pipes nalang po papunta sa tangke, kahit wala na pong water motor pump at pressure tank basta kaya niyang paakyatin ang tubig papuntang storage tank, kasi po mataas po ang height installation requirement ng storage tank kapag po walang pressure tank. Kapag po may laman po ang storage tank kahit 1/4 full lang po ito, kaya po nitong palabasin ang tubig sa gripo as long po na mataas po ang pagkaka-install nito (3-5 meter height clearance po sa pinakamataas na gripo na gripo, iyan po ay gripo ng lababo, pero kung may shower po kayo mas mataas po dapat) Kapag po walang pressure tank, ang labas po ng tubig sa gripo ay kasing lakas po ng labas ng tubig sa water jug container po, yaong sa mga mineral water po na binebenta na kulay blue.
Pwede pakabit Ng motor? Molino 4 Bacoor Cavite
Sorry po pass po.
Pwede po ba water tank at pressure tank lang ?
Hi! Bawal po magrekta ng water motor pump after the meter po, may multa sa water provider kaya need po talaga ang water storage tank.
Hi po Sir. Need lang po help and mag ask suggestion
Mahina po pressure ng tubig namin sa 2nd and 3rd floor
Anu po ba need namin ikabit? Water pump and pressure tank then need pa po ba storage tank?
Ilang hp din po ng water pump yung maganda
Hi! Nasa video na po na ito ang lahat ng dapat niyong malaman. 3rd floor din po ang setup ng video na ito, tamang tama po sa inyo.
Sir, matanong ko lang. Ilang liters po ba ng water tank, ilang hp ng water pump, at ilang liters ng pressure tank ang bibilhin ko para sa two-story with 3 bedroom and 3 CR house?? Thanks po.
Hi! 300 liters po sa Storage Tank, 1HP po ng Water Motor Pump, at 42 Gallons po para sa Pressure Tank po. Nasa around 40k po magagastos niyo po diyan (komporme sa brand) wala pang labor po.
Ilan gal po yung pressure tank nyo po at storage tank po
Yung sa pressure tank po ay 82 gallons po, yun naman pong storage tank ay 600 liters.
Ano po ibig sabihin ng patinte?
Iyan yung de-roskas na tubo para madali matanggal kung sakaling may ire-repair.
Opo amen po.....
God bless po!
Boss nasan part 2 yung pag kabit ng wiring ng preasure tank
Hello po, sa ngayon po hindi ko pa po naeedit, pasensiya na po, pero ia-upload ko din po dito soon.
Follow up po dito 😁
Tanong lang boss, ganito setup ko: storage tank > pump (na nakapatong sa pressure tank) > pressure tank. Yung intake ng pump kumukuha sa ibabaw ng storage tank (para bang naka straw). Pero nakaliko pababa yung linya papuntang pump kc maliit lang pressure tank ko (kung saan nakapatong yung pump). Pagkahinto ng pump, nagsa-siphon pa rin ng tubig from storage tank. So nalulunod yung pressure tank, unti unti bumabagsak pressure. Anong dapat gawin?
Ang intake po kasi dapat ng water motor pump ay dapat po sa ibaba ng storage tank kumukuha ng tubig. Dapat po kasi buong tubig ang nakukuha po ng pump, wala dapat pong hangin, kapag siphon po kasi may air pockets pong pupunta sa linya na magpapa-drop ng pressure. Yun naman pong nalulunod ang pump niyo, i-check niyo po ang pressure switch kung nasa tamang PSI pa din po (dapat po 40 PSI po iyan ang pressurized water). Lastly, i-check niyo din po ang presure tank niyo po kung may leak na sa ibabaw, minsan po mayroong microscopic leak ang tank na hindi natin napapansin, gamitan niyo po ng foam na may bula para mag-check ng mga butas. Sana po makatulong.
Salamat boss. Follow up question, kung yung linya ng intake ng pump ilipat ko galing sa ilalim ng storage tank, ok lang na nakapatong pa rin pump sa ibabaw ng pressure tank? Or kailangan ko ilagay sa floor yung pump na kalevel siya ng outlet ng storage tank?
@@codezionjr Okay lang po iyan na mataas, kailangan po talaga niyan ay elevated, pero huwag lang po sobrang taas na nasa 3rd floor para hindi masyado hirap ang pump.
@@gawinmoito ok boss thank you. Pa-modify ko muna linya tas observe ko kung hihinto yung siphon.
@@codezionjr Okay po. Maraming salamat po sa suporta.
Hello po, request lang po, ano2 po yung materials na ginamit nyo sa video po? Gusto ko po kasi gumawa din sa bahay, kaso di ko alam kung ano ano bibilhin ko, paki lagay naman po yung mga ginamit nyo, salamat....
Hi po! Heto po mga nasa video 600 liters Water Storage Tank, 86 Gallon Pressure Tank, Leo 1.5HP Water Motor Pump, 1" PVC para sa linya ng tubig sa pagitan ng mga Tangke, Ball Valve para sa patayan ng Linya, Check Valve anti balik ng pressure ng tubig sa mga linya, Pressure Switch, Pressure Gauge, 1/4" to 1" Adapter. 1/4" G.I. Tee, 1" Inch PVC Female Adapter, PVC Solvent (Kung mag-pi-pvc kayo or puwede kayo gumamit ng PPR, mas matibay kaso po mahal), 1/2" PVC Pipe (para ito sa linya papuntang bahay niyo), Teflon Tape 1" and 1/2", PVC Cutter (optional, puwede gumamit ng lagaring bakal, kaso matagal), Circuit Breaker 25AMP, Gauge 10 Wire direkta papuntang main breaker, Mounting ng Water Motor Pump (dito sa video, gumamit kami ng angle bar), Ayan po ang mga ginamit po namin na materials, kayo nalang po ang magbibilang ng quantity kung ilan ang bibilhin niyo po kasi magkaiba po ang hitsura ng pinagkabitan po namin sa pagkakabitan niyo po, kaya kailangan kayo po ang estimate sa quantity, baka po may namiss-out pa po ako na materials pero ito napo halos lahat iyon, pakipanood nalang po ulit ang video. Sana po makatulong.
Dapat swing valve Ang nilagay Hindi vertical spring valve
Okay po.
Bakit walang Teflon tafe
Mayroon po. Pinakita lang namin po muna bago isalpak pero nilagyan po namin lahat ng may threads.
Hello po sir! subscriber po ako sa inyo. need ko lang po expert advise nyo. Bali po sa amin is 2 story na bahay. ang problem ko po is currently yung source of water namin is deep well na may nka kabit na pump which is yung water output nya is nka direkta sa pressure tank. problem ko po is pag may gumagamit ng tubig around 1 minute at dredretso na andar nung pump lalo na pag naliligo. gusto ko lng po e reduce yung electricity consumption namin. on the other hand po meron kaming stainless tank na nasa 2nd floor around 600liters ata pero as of this moment di pa ginagamit. Tanong ko lng din po if tama ba na from my water source(deepwell) pump ako ng water papuntang storage tank(2nd floor) then pressure tank na? or maglalagay pako ng water pump in between? enough na po ba yung gravity na maging pressurized yung water line namin sa bahay? need ko po expert advice.. Salamat po
Hi po! Unang una po, We are no expert po, marunong lang po kami at maalam lang po sa ganitong larangan. Pero ibabahagi ko po ang nalalaman namin buhat sa aming mga karanasan.
Una Sagutin natin ang unang problem niyo : High Elecricity Consumption. Kapag po naka-deep well pump po kayo (eg. jetmatic) talaga pong bahagyang mas malakas ang magiging kuryente niyo po dahil po wala po kayong tubig galing sa NAWASA. Kumbaga, nakaasa po kayo sa kuryente para magkatubig. Solusyon: Magpakabit po kayo ng linya ng tubig para hindi po kayo magbayad ng kuryente sa deep well pump or mag lagay po kayo ng manual pump (poso).
Pangalawang porblema : Magkakaroon ba ng pressure sa pressure tank gamit ang gravity lamang mula storage tank? Sagot: Hindi magkakaroon ng pressure ang pressure tank na mula lamang sa gravity ng storage tank, bakit kanyo? Kasi ang pressure tank, kinakailangan ng pressurized air para magkaroon ng pressure sa loob ng tangke nito, at tanging water motor pump lamang ang nakakapaglagay ng pressurized air at water sa pressure tank.
Mga Advise: Huwag nang gumamit ng pressure tank, kung ayaw mag konsumo ng malaking kuryente. Kung gusto naman mag-pressure tank, na hindi bomba ng bomba ang motor, maglagay ng malaking storage tank (600 liters sinabi niyo mayroon na kayo) na nakakabit sa NAWASA ang linya ng tubig. Sa ganitong paraan mababawasan ang paggamit masyado ng water motor pump dahil pressure tank lamang ang paggagamitan nito at hindi na ang deep well.
Sana po ay nasagot namin po ang inyong mga problems. God bless po!
Hello Sir..ano kayang problema ng ganyan namin,di kasi kusang tumitigil yung daloy ng tubig sa pressure tank once na mapuno na ito..masyadong hassle na kailangan pa naming i-on and off yung switch twing gagamitin at di gagamitin..salamat po
Hi! Yaong check valve po, mayroon po ba kayo naka-install sa line niyo po? Yuon po yung kulay gold po na nilalagay sa line po.
Sir kumukontrata ba kayo magkabit nyan? Las Piñas area.
Hindi po, sorry po.
Sir sorry kung medyo makulit ako, last na po, Sir ask lang po, kung may automatic pump controller po ako, need ko pa po ba maglagay ng pressure switch? sorry po ulet...😅 Thank you...
Yes po, kailangan po ng pressure switch. Ang pressure switch po kasi ang nagpapatay sa water motor pump kapag puno na po ang water pressure sa loob po ng pressure tank. Ang automatic pump controller po kasi nagpapatigil lang po ng water motor pump kapag po walang na-detect na daloy ng tubig sa linya. Pero kahit pressure switch lang puwede na, basta mayroon kang float switch sa loob ng storage tank mo. Ang float switch po ay ang magpapatay sa water motor pump kung sakaling bumaba ang level ng tubig sa loob ng storage tank, mas mura pati ang float switch kaysa sa automatic water controller.
Thank you po sir, have a nice day
@@Tristan019 No problem po! God bless po. Magtanong lang po kayo ng magtanong, sasagutin po natin iyan, hangga't kaya. Lahat po halos ng nagko-comment po sa channel namin nirereplyan po namin. Marami po kasing channel na DIY pag naupload na video hindi na po nakakakilala ng mga subscribers. Kaya thank you din po sa inyo.
Magkano po nagastos nyo sa set na yan?
Ay nalimutan ko na po sir, pero bigyan kita po ng estimate nasa around 30k to 40k po (Siyempre hindi po kasama labor diyan, kami po kasi nag-setup). Update kita sa price kapag nakita ko mga resibo po.
Magkano po ang labor sa pagpagawa nyan?
Nasa P3,000 - P5,000 po, province rate po iyan.
Nasaan po Part 2?
San yong part 2 sir?
Magkano po ang ganyan
Ang budget po nito ay P40,000 po. All in na po, wala lang pong labor, kasi kami po ang gumawa. Materyales lan po ito.
saan na po ang next?
Sorry po di pa nae-edit po.
Paano kayo ma contact para mag consult?
Hello po. May official page po tayo sa facebook, puwede po kayo mag message doon po.
😢Magkano pa install po! Malate ppo loc.
Yung paglagay mo ng teflon e baliktad kya lumulukot...
Kaya nga po, nasanay kasi doon po sa ganung ikot hehehe.
asan na part 2?
Di pa nae-edit po.
Boss sa po location at contact number nyo? Ipapaayos lang sana yung kinabit na ganyan samin useless kasi nangyari nag bypass lang kaya ang laki ng kuryente namin.
Correction po.. Ung mababang coupling ng pressure tsnk un ang inlet galing motor ung mataas outlet puntang bahay para pag nag Brown out di maubusan tubig pump nka prime pa rin.. Dapat nag gi Bushing reducer muna na 1 1/4 x 1"sa inlet ng pump Then pvc male adapter 1 inch. Dapat may ball valve discharge pipe ng pump close to pressure tank..dapat din may float switch sa loob ng storage tank para pag naubusan tubig papatsyin nya motor protection against dry running.. And lastly vacuum breaker sa pressure tank to prevent wster logging.. This is almost the complete valves and accessories needed..
Tama ka po jan
Kahit ilagay sa taas yung connection ng pump, di mauubusan ng tubig ang pump
ok lang un
May tutorial vid po kayo?
pede b walang pressure tank
Mas maganda po may pressure tank, para hindi bomba ng bomba motor.
kung kabitan po Ng pressure switch nlang ano po maiirecommned nyo na motor na may pressure switch
wala kang priming valve
Sir pagawa ako