Sukdulang Biyaya / Wala Kang Katulad - | Sherwin Bob Diaz | His Life Worship

Поділитися
Вставка
  • Опубліковано 22 гру 2024

КОМЕНТАРІ • 765

  • @johnniwrehs5562
    @johnniwrehs5562 11 місяців тому +130

    Naniniwala ako this Feb 2024, ako naman papasa ng Mechanical Engineering Board exam, in JESUS Name! ❤

    • @johnniwrehs5562
      @johnniwrehs5562 9 місяців тому +98

      Registered Mechanical Engineer na po ako!! Glory to God!!❤❤❤

    • @charomaequirimit2625
      @charomaequirimit2625 9 місяців тому

      @@johnniwrehs5562congratulations po engineer!💖

    • @daliaaa_
      @daliaaa_ 9 місяців тому +5

      ​@@johnniwrehs5562 Wow very nice update. Congrats po. To God be the glory ❤🎉

    • @justmitchiiee
      @justmitchiiee 9 місяців тому +3

      Praise God 🙏 Congrats po 🎉

    • @RamerDalimocon
      @RamerDalimocon 9 місяців тому +1

      Wow congrats po Glory to God

  • @robertcope8400
    @robertcope8400 Рік тому +869

    ISA TO SA PINAPATUGTOG KO DURING REVIEW BEFORE AND AFTER TAKING MY LICENSURE EXAM, AND NANINIWALA AKO SA MAKAKAPASA AKO!! IN GOD'S NAME!! ENGINEER NA SA MARCH 2023

    • @robertcope8400
      @robertcope8400 Рік тому +544

      THANK YOU LORD ENGINEER NAKO!!

    • @beldsx
      @beldsx Рік тому +14

      @@robertcope8400 congrats God is Good!

    • @EnricoDPavia
      @EnricoDPavia Рік тому +38

      Praise the Lord! Engr. Cope🎉

    • @ReelsforChrist
      @ReelsforChrist Рік тому +12

      Truly God is an answering God! Halleluiah Praise the Lord!

    • @raymarksicat6479
      @raymarksicat6479 Рік тому +4

      ​@@robertcope8400YOU PASSED ❤️

  • @orvilleatienza
    @orvilleatienza 6 місяців тому +96

    DOCTOR NA AKO!!! This is your divine work in me Lord! Jesus help me heal your people inside and out.

    • @kijekahandumon6961
      @kijekahandumon6961 5 місяців тому

      Wow, congrats Doc! Good job!

    • @lordunomyusikbidyos
      @lordunomyusikbidyos 4 місяці тому

      In JESUS NAME WE PRAY AMEN AMEN AMEN🙇🙌🙏🙇🙌🙏🙇

    • @evagardiana7099
      @evagardiana7099 4 місяці тому +1

      🎉🎉🎉🎉🎉🎉🎉

    • @gheogheo8413
      @gheogheo8413 4 місяці тому

      Congratulations🎉🎉🎉 All Glory and Praises belongs to JESUS ❤❤❤❤❤

    • @jeydeesshow7134
      @jeydeesshow7134 2 місяці тому

      Congrats po all glory to God 🔥❤️

  • @BestHillsongplaylist-qe1ol
    @BestHillsongplaylist-qe1ol Рік тому +117

    hey, you. whoever’s reading this, this is your sign. everything’s gonna be okay. you did not come this far to give up. I believe in you ❤

  • @Gene00014
    @Gene00014 6 місяців тому +51

    Wala akong ipagmamalaki dito, hindi kagaya ng ibang may titulo sa pangalan. Wala rin akong hihingiin. Gusto ko lang magpasalamat for keeping me alive. Salamat sa biyayang hindi ko naman deserve. Thank you for keeping me for almost 30 years (and more). Wala akong maipagmamalaki sa buhay ko kundi Ikaw.

  • @rabintacastacas6282
    @rabintacastacas6282 Рік тому +59

    DAY BEFORE BOARD EXAM FOR MECHANICAL ENGINEER I LISTEN TO THIS MUSIC AND I CRIED BECAUSE NAG DA DOUBT KUNG MAKA PASA SA BOARD EXAM DAHIL PANGALAWA KO NA PONG EXAM. 4 DAYS AFTER BOARD EXAM NAKITA KO PO PANGALAN KO. THANK YOU LORD DAHIL SA BIYAYA NA BINIGAY MO PO SAKIN 👏👏☝️

  • @leomarpolete4257
    @leomarpolete4257 Рік тому +75

    Ito yung pinapatugtug ko during and after board exam ❤ LPT NA KO 😭😭😭😭😭 all glory to God 💕💕😇😇😭

    • @kpop2.023
      @kpop2.023 Рік тому +3

      Congrats po

    • @lordunomyusikbidyos
      @lordunomyusikbidyos 5 місяців тому

      Anu pong balita?olweys GOD Bless🙌🙌🙌

    • @leomarpolete4257
      @leomarpolete4257 5 місяців тому +1

      @@lordunomyusikbidyos PASADO PO 😭😭

    • @lordunomyusikbidyos
      @lordunomyusikbidyos 5 місяців тому

      @@leomarpolete4257 wooow PRAISED GOD Congrats po Parati Olweys GOD Bless🙌👏❤️‍🔥🥳

  • @popetv5722
    @popetv5722 Рік тому +190

    Nawala ako sa presensya ng Panginoon ng ilang buwan. Bumalik ako sa mga bisyo ko gaya ng pagsindi ng marijuana at pag-take ng lsd. At ang pinaka malala talaga ay ang sugal. Hundred thousand ang nakukuha ko sa sugal at pinangbibisyo ko ang mga ito. Akala ko wala na kong pag-asa makabalik kay Lord pero grabe yung pagpapatawad ni Lord. Ngayon naglakas loob akong magcommit sa ministry sa church namin. Kahit maraming struggles, magpapatuloy pa rin ako. AYOKO na ulit mawalay sa Panginoon. KAYA SALAMAT PANGINOON SA MULING PAGKAKATAON!!! KARAPAT-DAPAT KANG SAMBAHIN!!!

    • @encounterJesus23
      @encounterJesus23 Рік тому +2

      Hallelujah! Praise The Lord🙌

    • @amboyenstibi4369
      @amboyenstibi4369 Рік тому +7

      Bigla ako naiyak sir, nun sinulat mo jan "Grabe Magpatawad ang Panginoon"

    • @joeytorres7528
      @joeytorres7528 Рік тому

      npkabuti ng diyos.. diyos n wlang hanggng magpaptwad. dhil tyű ay mga anak nya at bblik tyű sa knya. purihin sya.

    • @vicwaje
      @vicwaje Рік тому

      Walang Katulad and Sukdulang Biyaya ng Panginoon. Iiwan ka ng mundo pero ang Panginoong Jesus di ka niya iiwan at tatalikuran.

    • @maylyn9536
      @maylyn9536 Рік тому

      Praise God!

  • @OldGospelSongs92
    @OldGospelSongs92 11 місяців тому +18

    God bless everyone who listens to read this comment and know that God is really bigger than whatever you are going through.
    Thank you for spreading Jesus's love to everyone through worship!

  • @JaicaMaeEIbe
    @JaicaMaeEIbe Рік тому +19

    October 14, 2023, Eto yung pinapatugtog ko during exams midterm, Final, Pre final, because i believe, mag tatagumpay ako, kapag kasama ko si Lord sa buhay ko, And naniniwala ako, matutupad lahat ng mga pangarap ko, babalikan koto comment Kona to kapag isa nako BS CRIMINOLOGY, I loveeee you Lordddd!!!! YAHWEH, JIREH, SHADDAI, HADONAI,HELOHIM, JAIRA! PANGINOON!!!!❤️

    • @princesslyn6476
      @princesslyn6476 2 місяці тому

      Kumusta ka ngayon? Anong balita sayo kaya? Praying that you get what you are praying for.

  • @IcyNievera
    @IcyNievera 4 місяці тому +38

    Gusto ko lang i share yung experience ko sa kanta na to. Nag back slide kasi ako at muli akong nag balik loob sa PANGINOON, and nung nakahanap na ako ng church, binigyan ako ng PANGINOON ng opportunity para mapasama sa Worship Team (na matagal kong hinintay na ibigay saakin) and nung mag la-line up na ng kanta, itong kanta na ito yung napili ko para sa Worship namin dahil pasok sa theme namin for the month. 1st time kong kumanta sa pulpit, at sa harap ng tao na hindi na makamundong awitin yung kinakanta ko, at nung kantahin ko na ito, nagulat nalang ako na lumuluha na ako dahil naalala ko yung mga pinag-gagagawa ko nung nag back slide ako (pero hindi tinignan ng PANGINOON yon at muli nya akong pinatawad) at nagulat nalang ako pag tingin ko sa congregation umiiyak narin sila, at pagdating sa part na "Wala kang katulad" humahagulhol na ako, pero habang humahagulhol tuloy parin ako sa pag kanta, sumabay din ang congregation, natapos naman ng maayos ang pagkanta ko, at pag tapos doon ko na-realize na napaka buti talaga ng PANGINOON, naging marumi man ako, niyakap parin nya ako at pinatawad. Ngayon patuloy parin ako sa pag awit para sakanya, at madalas po na nagagamit namin ang mga songs nyo @Hislifeworship, isa po kayo sa inspiration ko para mag patuloy sa pag awit para sa ating PANGINOON, sa DIYOS lahat ng papurit pagsamba ☝🏽🙏🏽, MARAMING SALAMAT sa ating PANGINOONG HESUS ☝🏽🙏🏽

  • @JhonOre-g1n
    @JhonOre-g1n 2 місяці тому +2

    Wala man akung degree Hindi ako naka pag tapos. But God use me to be pastor and now we enjoy our life by serving the Lord 🙏

  • @angelicacantil8361
    @angelicacantil8361 11 місяців тому +5

    Kay Lord lang ako kumakapit sa dami ng problema ko ngayon sa family, sa partner, pati trabaho wala ako, wala din ako ka pera pera. pero di nako mawawala sa Panginoon kahit ano mangyari🙏🙏🙏🙏

  • @Cloudcasas29
    @Cloudcasas29 6 місяців тому +8

    Lord, natatakot ako. Pero naniniwala ako sa pangako mo. Naniniwala ako sa pagmamahal, awa, at grasya mo. Itinataas ko na po lahat panginoon.

  • @lifeatseatv
    @lifeatseatv 9 місяців тому +3

    Sa tuwing naliligaw ako at nakakalimot eto pinapatugtug ko and May magic na nangyayari. Mas lalo kung narerealized na dapat lahat ng gagawin ko at para sa ikakaglorify ng PANGINOON. At ngayon pinipilit kung gawin ang purpose ko para sa DIYOS which is makatulong sa mga anak nya at magserve sa kanya

  • @kennethmanalo9929
    @kennethmanalo9929 2 роки тому +37

    ENGINEER BY FEBRUARY 2023, IN JESUS NAME AMEN!! 100%

  • @andrewcastanedajr6665
    @andrewcastanedajr6665 9 місяців тому +2

    Niyakap mo ako sa aking karumihan 😭 Thank you Lord ❤️

  • @WelAutor
    @WelAutor 2 місяці тому +8

    I don't know who's gonna read it but congratulations to those who passed. That is one of the God's glory I can tell but the salvation is the most important gift that we've received and it was given by His grace and we can receive it through faith in our Lord Jesus Christ, Ephesians 2:8. Romans 10:9-10 confess that He is our Lord and Savior.

  • @itsmejericho278
    @itsmejericho278 2 місяці тому +3

    While listening to this worship song, then realizing every trials in my Life, masasabi ko na lang talaga it's all because of the Grace of God and sustaining grace from Him. Na di mo talaga kaya pag sa sariling lakas at kaalaman mo lang. But it's all for Him.

  • @jonathanviray4800
    @jonathanviray4800 Рік тому +24

    Eto yung palagi pinapatugtog ko tuwing nagrereview for board exam, palagi kong inaalala kabutihan ng Panginoon sa buhay ko. Ngayon I passed the LPT September, Licensed Professional Teacher nako, maraming salamat sa walang hanggang pagmamahal at sukdulang biyaya Panginoon 😭🫶

  • @nikasandiego8378
    @nikasandiego8378 Місяць тому +2

    Kayo lang po ang nakakaalam ng lahat… itinataas na po namin sainyo ang lahat, Panginoon. 🙏🏻

  • @JoyceAnneUbaldo-wh8be
    @JoyceAnneUbaldo-wh8be 18 днів тому +1

    naniniwala akong aayon din ang panahon sakin. In Jesus name. Amen

  • @faithmagluyan3242
    @faithmagluyan3242 Місяць тому +3

    praying makagraduate this year and makapasa ng CSE professional take 1 this coming 2025 !! I already claimed it Lord in Jesus Name🙌🏻🙌🏻

  • @marlynmanal2191
    @marlynmanal2191 Рік тому +6

    Isa sa taga comfort na song ko tuwing stress sa review. Lord I believe na magiging RCrim ako this march 2024, in Jesus Name!

  • @jerwinyao4762
    @jerwinyao4762 10 місяців тому +1

    Iba ang pag mamahal ng Panginoon ang sarap sa pakiramdam na may ama na nag babantay sayo at lagi mong kasama para Gabayan ka sa kabutihan❤ salamat Panginoon sa iyong kabutihan😊

  • @FaithSarino
    @FaithSarino 2 дні тому

    I love listening to this song kase whenever I feel so doubtful of my future it always remind me na hindi ako nag iisa, na may Diyos na nagmamahal sakin at laging nakaagapay sakin. I will forever be grateful to Jesus. I'm surrendering my future to him for I know his plans are better than mine. Praying that hopefully someday magiging bombero ako🙏✨. Glory be to God ❤️

  • @MariaNitoMabuang
    @MariaNitoMabuang 11 місяців тому +5

    I love also this songs,it penetrates my heart and I feel always d presence of God while im sang dz song,God bless everyone at naway masmgkaroon Pa tayo Ng mas malalim na relasyon s LORD d lng kng my hihingin tyo kundi Sa lahat Ng oras palagi tyong umawit upang sya ay mapapurihan☺️☝️🙏

  • @HUMSS11-3BarramedaEdclarenceCa
    @HUMSS11-3BarramedaEdclarenceCa Місяць тому +2

    NOW NASA HEALING PROCESS PAKO AND I KNOW NA WALANG SCHEDULE AT SI LORD LANG NAKAKAALAM KUNG KELAN AKO MAG SSTUGLE DITO PERO KAILAN MAN HINDI AKO TITIGIL HUMINGIN NG GABAY AT PEACE SAKANYA KASI SYA LANG AT SYALANG MALALAPITAN SA LAHAT GUIDE ME LORD

  • @jhomarricogarcia
    @jhomarricogarcia Місяць тому +2

    I REMEMBER THIS SONG. NUNG NA CONFINE AKO SA HOSPITAL TIPONG HIRAP NA HIRAP NA AKO AT 50/50 NA AKO ITO LNG LAGI KO PINAPAKINGGAN AT THANK GOD HEALTHY AT MAGALING NA AKO

  • @arthurbetancor937
    @arthurbetancor937 10 місяців тому +2

    Sa kataas taasan Panginoon Diyos, Salamat sa Lahat ng sukdulang biyaya smin. buhay.Glory to God

  • @DongBertJecker
    @DongBertJecker 2 роки тому +110

    Grabe yung transition sa Wala Kang Katulad.. Ang swabe.. 😍😊

  • @timothyyy_21
    @timothyyy_21 22 дні тому +1

    I am facing a new journey in life in this foreign land and this song speaks to me greatly of the holiness of God.

  • @markgilbolivar3501
    @markgilbolivar3501 Рік тому +2

    for how many times I asked help and forgiveness and you never failed.. walang hanggang pasasalamat sayo hesus...

  • @jonnelsalistre9031
    @jonnelsalistre9031 5 місяців тому +8

    Lord, medyo natatakot ako sa part na baka mag fail ako sa board exam na ito. Bigyan niyo pa po ako ng lakas ng loob, talino at kasipagan para sa preparation for my board exam. I surrender everything to you Lord, i know hindi mo ko pababayaan sa laban na ito. Nakakapagod mag review, pero ilalaban ko to para sa mga pangarap ko at para sa pamilya ko. Thank you Lord, claiming papasa ako sa SEPTEMBER 29, 2024 LET EXAM TO BECOME PROFESSIONAL TEACHER. Hinihiling ko na samahan mo ako Lord sa laban kung ito, palakasin mo ako kung pinanghihinaan ako ng loob, gabayan mo ako sa lahat ng desisyon ko, at samahan mo ako sa araw ng exam ko Lord. Thank you Lord! All praises, worship and thanksgiving belongs to you alone. In JESUS name. 🥹🙌🏻☝️❤️✊🏻

    • @tatumcleofe9206
      @tatumcleofe9206 4 місяці тому +2

      Magiging LPT ka po . Papasa ka po ma'am .In Jesus name. 🙏

    • @jonnelsalistre9031
      @jonnelsalistre9031 2 місяці тому +2

      Today is my battle for my license Lord. Thank you for the reminder and for bringing me here sa comment kung ito. Salamat sa pagremind. All praises and worship belongs to you Gid. I love you Lord. Glory and honors belongs to you alone. Amen. 🙏😊🤞

    • @ronecalapati5570
      @ronecalapati5570 Місяць тому

      Ty po Lord naway matupad pangarap ko ngayong pasko
      LPT 2024

    • @amycabal576
      @amycabal576 17 днів тому

      ​@@jonnelsalistre9031Pasado na yan Sir.LPT KANA CLAIM IT!🙌
      I been with your situation,self review lang ako way back 2022,at December lumabas ang result non board that time.LPT passer ako.
      Be still and know that HE IS GOD-PSALM 46:10
      Yan ang pinanghahawakan kong bible verse nong nagrereview ako that time.God always guide you in all ways.

  • @theonedesired
    @theonedesired 11 місяців тому +7

    listening to this while having my review. March 2024 LPT, by God’s amazing grace

  • @steakxbt
    @steakxbt 10 місяців тому +4

    Worship changes lives. Keep it up, His Life.

  • @bjhaytresfuentes5482
    @bjhaytresfuentes5482 7 місяців тому +2

    Naniniwala rin ako na makakamit ko rin pangarap ko 5 years from now sariling bahay at lupa.
    In Jesus name Amen ☝🙏

  • @nissinielcortes9001
    @nissinielcortes9001 11 місяців тому +3

    habang pinapakinggan ko. Praying for the will of God para ibibigay nya bagong oppurtunity it's not easy to make a difficult decesion without God's vision but he will never fail us. God will guide us. Lord good luck po sa interview ko tomorrow. I love you Lord.

  • @nonoytsatrds2821
    @nonoytsatrds2821 11 місяців тому +2

    Anointed. Napaluha ako habang nakikinig. Tagos sa puso ang oag awit.

  • @johnberniealarma7353
    @johnberniealarma7353 12 днів тому

    2 days nalang RRT na ako at lahat ng mag tatake . Salamat panginoon ❤ Gabayan nyo po kaming lahat ng mag tatake. MARAMING SALAMAT LORD

  • @justinbonita951
    @justinbonita951 11 місяців тому +6

    this song is very tearful, and it's nice to listen while telling the Lord about sins. so praise the lord.

    • @landoalfonso-pc9td
      @landoalfonso-pc9td 9 місяців тому

      please wake me up in the dream call my mom Rebecca juco and ALJON juco lord I love you lord Nicole juco

  • @babylynGonzales-l6p
    @babylynGonzales-l6p Місяць тому +1

    Thank you Lord alm ko po mkkapasa Ang aking anak sa exam sa army Ikaw n po Bhala alm ko po n Wala kung katulad lhat Kya mong gawin salamat po lord

  • @MitraNaome
    @MitraNaome 7 місяців тому +1

    I declared in the name of Jesus sana araw araw malakas po ako Kasama Ang buong pamilya ko...everyday po ako nakikinig sa mga song ninyo...amen always lord❤❤❤

  • @starrynnnn
    @starrynnnn 11 днів тому

    Feeling so down. Just got rejected from a job I always thought I really needed. But I still praise God, for I know He has the best plans for me always.

  • @EmilioCruz-ct2pe
    @EmilioCruz-ct2pe 2 місяці тому +1

    Bawat worship song dko kayang kantahin ..mas nauuna ang emosyon ko sabay pagpatak ng luha na dko mapigilan.ewan koba kung bakit😢

  • @ShorTy-uo1jm
    @ShorTy-uo1jm 7 місяців тому +6

    CLAIMING THIS MAY 24, 2024 LPT NA AKO! BY GOD'S GRACE! THANK YOU LOOOOORD!

    • @ShorTy-uo1jm
      @ShorTy-uo1jm 7 місяців тому +4

      LPT NA BY GOD'S GRACE! ALL GLORY TO GOD!😭😇

    • @meloaesthete1168
      @meloaesthete1168 6 місяців тому

      Congratulations 🎉

    • @lordunomyusikbidyos
      @lordunomyusikbidyos 5 місяців тому

      Ano pong balita?Olweys GOD Bless🙌🙌🙌

    • @LINEPAPER-wj7up
      @LINEPAPER-wj7up 4 місяці тому

      Claiming this August psychometrician na ako ❤

  • @lastsamurai7204
    @lastsamurai7204 11 місяців тому +4

    Eto ako andito na sa us. Struggle pero kakayanin sa tulong ng atin mahal na diyos!. Kakayanin para sa family ko.

  • @anjbello5477
    @anjbello5477 19 днів тому +1

    Crying to GOD while listening to this🥺😢🙏🏻🙏🏻🙏🏻

  • @vincentvendollo6521
    @vincentvendollo6521 Рік тому +82

    Isa po ito sa ila-line-up ko sa darating na sunday. Nawa'y gabayan po ako ng ating Panginoon. To God be all the highest Glory!

  • @joshuasales1271
    @joshuasales1271 11 місяців тому +5

    Great your graciousness and faithfulness Lord! 🙌🏻😭

    • @landoalfonso-pc9td
      @landoalfonso-pc9td 9 місяців тому

      please wake me up in the dream call my mom Rebecca juco and ALJON juco lord is my savior I love you lord Nicole juco

  • @miagracebindoy1612
    @miagracebindoy1612 2 місяці тому +1

    When I heard the song, Realization hits me. He will accept you khit na marami kang nagagawang kasalanan. He will hug you no matter what. He will give you everything you need, he will be there for you. He’s just waiting for you to comeback to him. Thank you Lord.. 🙏🙏🙏

  • @lirezagalletes6699
    @lirezagalletes6699 9 днів тому

    Lord, handa na ako na mag exam ng CELE sa April. Pinagkakatiwala ko na sayo lahat lahat.

  • @maydoctama1940
    @maydoctama1940 2 місяці тому +1

    Kung sino man po makakabasa nito please include me in your prayers to passed the Let Exam this September 29, 2024 in one take.🙏 MAY REZARE DOCTAMA. Good blessed po🥰😇

  • @salomeestrella4151
    @salomeestrella4151 2 місяці тому +1

    Sana ako din dumating na yung season of winning In Jesus name!

  • @jamvalles556
    @jamvalles556 10 місяців тому

    alam ko na malapit ko na makuha ang aking lisensya ngayong MAY 2024 magiging RN na ako. sana ako naman Lord🤞🏻🙏🏻

  • @ma.janiceasis2660
    @ma.janiceasis2660 Рік тому +3

    one of my favorite Christian song

  • @haydeemaeflores3791
    @haydeemaeflores3791 Рік тому +1

    Diyos ko ikaw sana ang gumabay sa akin sa nalalapit na Licensure Exam this coming September 24, alam ko sa sarili ko lord na wala akong masyadong narereview dahil self review lamang ako❤ but raising my two hands lord MAKAKAPASA AKO NA AKO 😇.

  • @dianaguillermo9737
    @dianaguillermo9737 5 місяців тому

    Lord, You're a great healer. Wala kaming ibang malalapitan kundi Ikaw lang. Lord, sana gumaling na anak ko. She's only 3 years old, too young para makaramdam ng hirap. 🙏🙏🙏

  • @RejeleenMallari-kv2kb
    @RejeleenMallari-kv2kb 7 місяців тому +1

    Naniniwala ako by next year makakapag abroad ako or this year. In Jesus Mighty name! Amen! 🙏🙏🙏

  • @realtalker8982
    @realtalker8982 Рік тому +18

    Grabe yung bawat lyrics umaapaw sa kabutihan ng Diyos tapos dineliver pa ng buong worship team with anointing wala na! basag ang puso ko

  • @salvadorsantos9972
    @salvadorsantos9972 7 місяців тому +1

    In Jesus name mag eexam daughter ko at ito Yung favorite song nya. Hopefully makapasa na sya sa susunod nyang exam sa CLE, in Jesus name RCrim. Na sya Amen.

  • @HeyyItsKing
    @HeyyItsKing Рік тому +1

    I've been lost before, totoo nga yung peer pressure. Madadala ka ng mga kaibigan mo na akala mo tama yung ginagawa, go with the flow ika nga, makihalubilo sa makamundong gawain, magbisyo.
    Since i can play guitar, one of my classmates wayback on college invited me to attend their practice and sunday service as well. Ayoko pa noong una, pero na realize ko na once na makatugtog ako sa harapan dagdag pogi points for clout chase ika nga. I've been attending service regularly starting that day. Hindi na ako sumasama sa mga tropa, umiwas ako sa bisyo. I followed what our pastor made us to do. Suddenly i realize na hindi na ako yung dating ako, na nabago ako ng salita ng Lord, yung tipong every saturday at sunday excited kang makapag practice, at makapag serve sa Lord.
    Kaya every time na mapapakinggan ko yung Wala Kang Katulad, goosebumps! Kasi ito yung first song na kinanta ko sa church na talagang napaluha ako after.
    Kaya sa mga aspiring youth leaders dyan, overcome the pressure! We are gifted and blessed. We just need to search your heart for what gifts you have. Always manifest, and P R A Y!

  • @huitmarkvinc.1027
    @huitmarkvinc.1027 4 місяці тому +1

    CSE-PPT PASSER 2024! I CLAIM IT, IN JESUS NAME!☝️

  • @glennespiritu2827
    @glennespiritu2827 5 місяців тому

    ..hindi ako talaga nakikinig ng mga gospel songs..pero nung narinig ko tong kanta na to nag iba pananaw ko sa buhay..masyado na siguro akong nakalimot sa ating ama masyado akong nagpakasarap sa buhay ..sorry ama !!!..salamat sa inyo😢😢😢

  • @LGUmali
    @LGUmali 2 місяці тому +1

    Salamat sa DIyos na Buhay! Praise you!

  • @williamperez2429
    @williamperez2429 3 місяці тому +1

    IN JESUS NAME, MAGIGING ENGINEER AKO NGAYONG OCTOBER 2024

  • @JaicaMaeEIbe
    @JaicaMaeEIbe 7 місяців тому +1

    Lord!!!!😭 Nawa'y ipagkaloob nyopo saken na makapasok sa PNPA😭 para sa family, future at para sa bayan po😭 araw araw kopo yan na dinadalangin sainyo PANGINOON! NGUNIT, ANG KALOOBAN MO PARIN MASUSUNOD AMA😭

  • @olchondrachristinemaetan646
    @olchondrachristinemaetan646 8 місяців тому

    lagi akong nakakalimut at naliligaw, but God is good laging may grace nireremind Niya ako lagi na wag bumitaw at magpatuloy, laging may mercy at tulong na bumalik sa Kanya, sana lahat ng nakakabasa nito wag tayong bumitaw sa faith na meron tayo at magpatuloy. Nandyan lagi ang Lord para magpatawad at makinig 😭🙏❤️

  • @chieladra
    @chieladra 9 місяців тому

    ito na isip ko kanta bago mag take kami ng exam tom nawa maka pasa tayo at mag tiwala sa Diyos ama pray at tiwala sa ama Diyos amen!

  • @darrenescasulatan1763
    @darrenescasulatan1763 2 роки тому +23

    Grabe talaga yung mga ginagawa nang Lord sa Buhay natin. Grabe yung pagmamahal niya, walang katulad, walang hanggan, walang limitasyon.

  • @rowellbiron2955
    @rowellbiron2955 14 днів тому

    Sunday makapg abroad dn sna..para sa familya..in god's name..amen

  • @katecalimlim6356
    @katecalimlim6356 Рік тому +7

    Lord Let Your Will Be Done !! 🙌🏼❤️ Salamat sa Sukdulang Biyaya mo Panginoon . AT NANINIWALA AKO PANGINOON NA MAKAKAPASA AKO SA BOARD EXAM THIS COMING JUNE 2023 ! IN GOD’S GRACE AND GOD WILL 🙏🏼🤍 I KNOW YOU ARE WITH ME IN MY BATTLES ❤️

  • @razzurtan7845
    @razzurtan7845 Місяць тому

    Salamat sa sukdulang biyaya mo sakin, Lord. 😭
    Sayo ko pagkakatiwala lahat. Sana gabayan at samahan Niyo po ako sa Licensure Exam ko this November 29, 2024. With You Lord, nothing is impossible.
    Claiming OIC NW LICENSE this coming November 29, 2024!🙏

  • @macxtv8828
    @macxtv8828 Рік тому +1

    Isa ako sa mha nag take ng board exam last april and i tahnk God sa sukdulang biyaya niya dahil pumasa ako. Napawi lahat ng pagod at hirap ko. Sobrang nag papasalamat ako sayo walang hanggang AMA. Ikaw ang siyang maluwalhati AMEN

  • @IceeAlegrado
    @IceeAlegrado 2 місяці тому +1

    IN JESUS NAME, RCE NA AKO THIS NOV 2024

  • @CarlaMaylacson
    @CarlaMaylacson Рік тому

    May mga bagay man tayong hinihintay sa buhay natin but Let the will of God prevail. Panginoon naniniwala ako na makakapasa ako sa Civil Service Exam this year 2023.. August 2023 CSE PASSER.. IN JESUS NAME. ❤

  • @ricmarbullos8071
    @ricmarbullos8071 Рік тому +20

    Eto na ata ang sunday Anthem namin sa Church kapag inaawitt namin to we feel the presence of Lord Jesus ❤

  • @reynaldovlog8919
    @reynaldovlog8919 5 місяців тому

    Panginoon , Dalangin kopo makamit ko ang mga Pangarap ko sa gabay na nagmumula sayo ,
    thankyou po Lord ❤️
    I love you Lord ❤️
    purihin ka Lord ❤️
    🙏

  • @evanizaporras3660
    @evanizaporras3660 4 місяці тому

    D man nakapasok sa bucor pero Lord d po matatapos ang taon na ito na wala lang, makakapasok dn sa uniform services 🙏🏻🙏🏻🙏🏻 salamat Lord patuloy parin sa pagtitiwala 🙏🏻

  • @Kakai0307
    @Kakai0307 7 місяців тому +1

    Thank you His Life Church Worship team! Thank you for leading us in workshipping God even if it is just online. The same pa rin ang impact ni God kahit recorded na ang worship songs! Still crying even at home because I feel God's presence. Thank you God!

  • @ThePinoyFoodWanderer
    @ThePinoyFoodWanderer 10 місяців тому +1

    I started praying to him Last December 2022 with this song. I claim that jesus would grant that prayer. In Jesus Name makakapunta ako ng Germany this year for work. AMEN!

    • @landoalfonso-pc9td
      @landoalfonso-pc9td 9 місяців тому

      please wake me up in the dream call my mom Rebecca juco and ALJON juco lord is my savior I love you lord Nicole juco

    • @ThePinoyFoodWanderer
      @ThePinoyFoodWanderer 6 місяців тому

      HALLELUJAH! All praises belongs to him.. binalikan ko tlaga ito para sabhn na last June 26, After 1 year and 7 months na received ko na yung recognition ko sa germany awatining for the Pre Approval Visa na.. Indeed he made it happen in his perfect time. Kahit ano mang ang mga napag daanan ko before this day. All worth ang pahhntay. Kaya bro and sis maniwa ka lang sakanya.. Sambahin mo siya and make him the center of your plans hinding hindi ka matatalo

    • @ThePinoyFoodWanderer
      @ThePinoyFoodWanderer 3 місяці тому

      Amen! Update May flight na ako this October 1 papubtang Germany. To God Be all the Glory and Honor

  • @streamflixstudioph
    @streamflixstudioph Рік тому

    Maayo gid ang Ginoo sa akun kabuhi biskan sa piyak sang nag ka damo damo nga mga kasalanan ko sa Iya, pro still ang Ginoo nag palangga gyapon sa akon, wala nya ko gin pabayan. Blessed gid ko katama sa sini nga kanta. Salamat Lord Jesus❤️.
    Sana ma release sa spotify ang version na ito.

  • @michelleatilano2915
    @michelleatilano2915 Рік тому +2

    To God be all the Glory 🙏🙏🙏
    Naiiyak parin ako sa tuwing pina pakingan ko tong kanta. Naway pagpa lain pa kayo ng ating Panginoon Jesus. ♥️♥️♥️

  • @markallendumlao
    @markallendumlao 9 місяців тому

    Salamat sa sukdolang biyaya mo oh Diyos. Manifesting Rcrim na aka sa August 2024 🙏🏽🥺

  • @alliahespero7199
    @alliahespero7199 2 роки тому +11

    Everytime na pinakikinggan ko to ang gusto ko lang😢 i’m a sinner but He loves me so much😢❤

  • @SyconeFlores-l1u
    @SyconeFlores-l1u 7 місяців тому

    Hanggang ngayon iniiyakan ko pa din kantang to😭Grabe🙏Sobrang buti talaga palagi ng Lord.Undeserving pero sobra kung ibuhos ang Blessings😭Nakakaiyak pa din kung iisipin palagi kung gaano ka naging pasaway sakanya🥺Thank you Lord🥺kulang ang salitang salamat sa lahat ng kabutihan mo😇🥺🥺

  • @palilioreynald4032
    @palilioreynald4032 Рік тому +2

    I was searching for a worship song then nag scroll ako tapos nakita ko ito habang pinapakinggan ko yung music bigla nalang tumulo yung luha ko dahil ramdam na ramdam ko yung presensya at pagmamahal ng ating Panginoon😭 Praise God

  • @Halabirabai
    @Halabirabai 6 місяців тому +1

    Claiming for this 2024 a prosperous life for our family ,🙏🙏🙏 GOD BLESS EVERYONE 😇😇😇

  • @johnanik2612
    @johnanik2612 Рік тому +5

    I cried so much in this song reminiscing those times na naging malapit at inlove talaga ako kay Lord. Missed this feeling of fullfiment.
    Me and my Ex-Gf was part of our Church Music Team. Malapit na sana kami ikasal kaso nagloko sya at naghiwalay kami ,dun na natapos ang lahat. Napuno na ng hinanakit at galit ang puso ko. Kasi alam pala ng family nya ang affair nya sa iba( bumibisita pa sa bahay ni X ung lalaki) tas di man lng sila sinaway.
    We part ways and from then di nako bumalik sa Church na yun. Tito kasi ni Ex ang Pastor tas malapit ng bahay nila sa Church.
    Now, Its been 3 years na di parin ako nabalik sa pagsisimba.
    Please pray for me😢😢..

    • @jrgabriel9818
      @jrgabriel9818 10 місяців тому

      Let the love of the Lord overcome your pain. In Jesus name.

    • @jonocana8925
      @jonocana8925 8 місяців тому

      Brother lage mong tatandaan na palaging nag hihintay si Jesus sayo. lumayo ka man pero walang nagbago sa pagmamahal nya sayo. yout Future is bright just allow Jesus to change and heal your heart. 🤍 God bless!

  • @jeancapunong9331
    @jeancapunong9331 Рік тому +30

    Board exam na sa June pero Lord hindi maaapektuhan ng review ang gawain mo!!! This will be the song of my heart, our worship song this week as I lead the worship, Lord may you lead me as well to pass the Psychometrician Licensure exam by your ULTIMATE GRACE 🙌❤

    • @robertcope8400
      @robertcope8400 Рік тому +1

      Sure pass na yan! Tuloy lang and tiwala sa taas! Congrats agad 🎉

    • @jeancapunong9019
      @jeancapunong9019 Рік тому +6

      SALAMAT SA SUKDULANG BIYAYA MO PANGINOON!! Licensed Psychometrician na po ako!!!! 😭💗

    • @EnricoDPavia
      @EnricoDPavia Рік тому

      Congrats po Ma'am! Mabuti talaga ang Diyos sa mga buhay natin, napaka mabiyaya Niya sa kabila ng pagkukulang natin Sakanya.❤❤❤

  • @patriciaronquillo6332
    @patriciaronquillo6332 Рік тому +27

    Pinapakinggan ko po ito nung nagrereview ako for board exams and after exam while waiting for the result. This calms me down whenever I am having anxiety attacks. God is so good that He had answered my prayers. Architect na po ako! All Glory belongs to God!

    • @jonathanperegrino4808
      @jonathanperegrino4808 Рік тому

      Proverbs 3:9 Honor the lord with your wealth and with the best part of everything you produce.
      now it is time to give back to the lord
      by honoring, giving and helping to the church
      ano mang pinasya Ng iyong Puso
      may JESUS BLESS YOU sis

  • @MaryGraceBasco-x3o
    @MaryGraceBasco-x3o 4 місяці тому

    PINAPATUGTOG KO ITO NGAYON, HABANG NAGREREVIEW AKO FOR LET. NAWA, IN JESUS NAME, KATULAD NG MGA NAG COCOMMENT DITO, MAGING LPT DIN AKO SA SEPTEMBER 2024.
    MARY GRACE P. BASCO, LPT
    TOP 1

  • @christianregidor7507
    @christianregidor7507 2 місяці тому

    Papasa ako sa exam ko this month 🎉🎉 THANK YOU LORD.. takot ako pero alam ko may plano ka para sakin.

  • @ghiancharlespina7236
    @ghiancharlespina7236 Рік тому +1

    🥹🥹🥹😭😭😭 everytime na pinapakinggan ko ito di ko mapigilan umiyak 😭😭😭 Salamat po Diyos

  • @jerickacman5364
    @jerickacman5364 29 днів тому

    Praise God, praise God, praiseeee GOD!!!!!!!!!!!!!! Thank You, LORD.❤

  • @ardnaxelacampomanes9727
    @ardnaxelacampomanes9727 2 роки тому +13

    Thank Lord! Salamat sa maganda pag awit! We are Blessed ❤

    • @rickiealbania2526
      @rickiealbania2526 2 роки тому

      God bless you po galing nyo patuloy lng ang pag serve kay lord 🙏🙏🙏

  • @SasukeItachi-m1r
    @SasukeItachi-m1r Рік тому

    Board Exam ko sa AUGUST FOR CLE 2023 ❤ LORD IKAW NA BAHALA SAKEN 56 DAYS LEFT LORD IBUBUHOS KO ORAS SA PAGBABASA AT PAKIKINIG NETO BABALIK AKO DITO SA SEPT LICENSED HOLDER NA AKO AMEN 🙏🙏🙏

  • @CarmelaOlvido
    @CarmelaOlvido 3 місяці тому

    Nakakaiyak pag nababasa k un kabutihan ng Panginoon sa bawat isa Lord ako po patuloy na mananalangin at mgaantay ng kalooban mo salamt po mahal na mahal ko kayo

  • @masterajr6163
    @masterajr6163 Рік тому

    Kht mga katoliko n touched tlga s mga Christians n tunay n nagpupuri s Diyos. Praise and worship ang passion ng mga Born again Christians or evangelical Christian

  • @keymiii
    @keymiii Рік тому +7

    Nagtitiwala ako magiging RCE ako. I claim it. Salamat Lord sa lahat! Forever grateful for making this far and sustaining me. Salamat sa sukdulang biyaya! ❤

    • @missl7239
      @missl7239 Рік тому

      Napamakasarili ng dasal mo.
      Tsk tsk wag laging ganyan ang prayer, dapat patatagin pananampalataya at tagasunod ni Cristo, dahil yan ang mas mahala kesa sa pagiging RCE mo.