February 09, 2025 | Ang Mabuting Balita at Homiliya -8am | Rev. Fr. Douglas D. Badong
Вставка
- Опубліковано 9 лют 2025
- PEBRERO 9, 2025, Ika-5 Linggo sa Karaniwang Panahon
Ang Mabuting Balita at Homiliya (8:00am)
"Kapag marunong sumunod, marunong makinig ang tao sa Diyos, pagpapala ang darating sa kanya. Yung inaakala nya na kailangan nyang biyaya, hindi pala yun ang tutugon sa kanyang pangangailangan. Higit pa ang ibibigay ng Diyos sa taong marunong sumunod sa Kanya. Mas higit na maganda ang plano ng Diyos kesa plano ng tao." - Rev. Fr. Douglas D. Badong
...........
MABUTING BALITA: Lucas 5, 1-11
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas
Noong panahong iyon, nakatayo si Hesus sa baybayin ng Lawa ng Genesaret. Pinagkalipumpunan siya ng napakaraming tao na ibig makarinig ng salita ng Diyos. May nakita siyang dalawang bangka sa baybayin; nakalunsad na ang mga mangingisda at naghuhugas ng kanilang mga lambat. Lumulan siya sa isa sa mga bangka at hiniling kay Simong may-ari nito, na ilayo nang kaunti sa tabi. Naupo siya sa bangka at nangaral sa mga tao.
Pagkatapos niyang magsalita ay sinabi kay Simon, “Pumalaot kayo at ihulog ang mga lambat upang manghuli.” Sumagot si Simon, “Guro, magdamag po kaming nagpagod at wala kaming nahuli! Ngunit dahil sa sinabi ninyo, ihuhulog ko ang mga lambat.” Gayon nga ang ginawa nila sa dami ng kanilang huli ay halos magkansisira ang kanilang mga lambat. Kaya’t kinawayan nila ang kanilang mga kasamahang nasa ibang bangka upang patulong, at lumapit naman ang mga ito. Napuno ang dalawang bangka na halos lumubog. Nang makita iyon ni Simon Pedro, siya’y nagpatirapa sa paanan ni Hesus at nagsabi, “Lumayo po kayo sa akin, Panginoon, sapagkat ako’y makasalanan.” Nanggilalas siya at ang kanyang mga kasama dahil sa dami ng kanilang huli gayon din sina Santiago at Juan, mga anak ni Zebedeo, na mga kasosyo ni Simon. At sinabi ni Hesus kay Simon, “Huwag kang matakot. Mula ngayo’y mamamalakaya ka ng mga tao.” Nang maitabi na nila ang kanilang mga bangka, iniwan nila ang lahat at sumunod kay Hesus.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
.........
"Pumalaot kayo at ihulog ang lambat upang manghuli." - Luke 5,1-11
Tandaan natin na si Kristo ang tumawag sa atin upang maging mangingisda Nya.Walang pinipili ang Diyos sa panawagan ng misyon. Lahat ay tinatawag Niya na magpahayag at magbigay saksi sa Mabuting Balita tungkol sa Kanyang paghahari. Ang kahinaan natin at ng ibang tao ay hindi dapat maging hadlang upang masundan natin ang iniuutos ng Panginoon. Ang mahalaga ay ang ating pagtugon sa tawag ng misyon upang mahalin at paglingkuran natin ang Diyos at kapwa tao. Kinakailangan nating ihagis ang lambat ng ating buhay sa pagtuturo at pagsasabuhay ng Mabuting Balita sa araw araw na pamumuhay. Amen - (Fifth Sunday in Ordinary Time)
Jesus I trust in You! 🧡🙏
...........
Follow Rev. Fr. Douglas D. Badong's spiritual journey for inspiring real talk reflections and contents, important announcement, latest updates and shared experience regarding St Joseph Parish Gagalangin and Rev. Fr. Douglas D. Badong.
Like, subscribe and follow on other social media platforms. Click the link below to explore his page:
( / douglas.badong )
UA-cam channel: / @fr.douglasbadongmisaa...
TikTok: www.tiktok.com...
ST. JOSEPH PARISH GAGALANGIN
2671 Juan Luna St. Gagalangin,Tondo, Manila 1012 Metro Manila
Visit the Parish's official facebook page:
/ @saintjosephgagalangin
Let's walk this path of faith together!🙏🧡
#frdouglasbadong
#PintakasingIbig
#ikmsjnayan