Hello po, we just created a FB Support Group for all Filipinos with Strabismus Eyes. You're all invited to join and share your stories!!! facebook.com/groups/951910685224028/?ref=group_header
Relate po ako sir.. Actually strabismus extrotopia dn po ako kase bukod po sa palabas ung kanang itim ng mata ko.. Mas maliit dn po sya kesa sa kaliwa so madalas dn po ako matukso ng "Duling" nung bata pa ako which is humihina ung self confidence ko lalo pagka humaharap ako sa mga tao.. Isang dahilan dn po ata ito na hndi po ako madalas matanggap sa inaapplyan kong work.. And up until now po mahina parin po ang self confidence ko dahil trauma na dn po sa akin ung naririnig ko sa iba na "Duling".. Masakit po sya. Kase hndi nila alam ung pain na ibinibigay nila sa tuwing maririnig un ng mga kagaya ko lalo na kung mismong sakin sinasabi at ipinapamukha.. Kse first of all hndi ko naman ginusto magkaganito.. Which is ang hirap nia po ma over come.. Kase andun parin ung pain at doubt, na baka sabihin ulit sakin mga ganun..
naluluha ako while watching this video kase lahat ng naexperience nya is naeexperience ko pa din hanggang ngayon at legit talaga yumg sakit kapag naririnig mo yung salitang "duling" kahit pa di ikaw yung pinaguusapan nila iba talaga yung feeling pag ganyan yung condition mo. ganun din yung saken esotropia
Thank you for sharing your story. I cried a lot dahil dito sa condition na ito legit yong sakit basta sasabihan kang "ako ba kausap mo?" May trauma na ako sa word na "duling" simula bata hanggang ngayon. Looking forward sa araw na mawawala natong trauma nato, in God's perfect time. Thank you ❣️
i feel you. sobrang trauma ko lang talaga kapag naririnig ko yung word na "duling/banlag". i was NOT born with this kind of eye condition and hindi ko rin alam what cause it.. maraming theory yung family ko bakit nagkaganito haha hindi ko na alam paniniwalaan ko. but this is one of the things i forgot to be grateful for.. yung gumaling yung mata ko nang walang operation na naganap. hindi ko rin alam kung paano at kelan 'to gumaling basta ang alam ko lang.. sobra at matagal ko na noong pinag-pray na gumaling na 'to. lumipas lang yung panahon na hindi ko namamalayan🥺😇 keep inspiring and informing those who need it. kudos! ❤️
Thanks for sharing your story. My nephew has the same condition. And I’m scared he will experience bullying because of his Strabismus. Hearing your story validated my thoughts. Nakakatrauma ang bullying. Now you’re an instrument to help others who are experiencing the same thing. Also making others aware to be sensitive about people with health conditions or disabilities.
I feel bad talaga pag napag uuspan yang ganyang mga bagay. Since kase Nung nag school ako na bu-bully ako dahil sa mata ko . at dahil dun nagkaroon ako ng panic attack at trauma tuwing lalabas ng Bahay o kaya pag papasok sa school . Yung hirap na hirap kang makipag usap sa iba kase na ju-judge ka. Lalo na pag may lalapit sayo sasabihin na "uy bat ganyan Ang mata mo. May nakikita Kaba. Saan ka nakatingin" dun palang naaawa na ako sa sarili ko. Thank you kuya for sharing your story. Kahit papaano hindi ko naramdaman na nag iisa ako.
Nakarelate talaga ako sa lahat ng sinabi nyo po dito sa video, especially yung parang di mo masabi yung word na "duling" I'm happy kasi finally, after a long time of looking up sa mga videos about Strabismus sa PH, Finally nakita ko na rin to! Salamat po sir, kasi you are brave enough to share your story to everyone. Medyo nabigyan ako ng pag asa na gagaling din yung mata ko, sadyang pera lang yung kulang hahaha.
Totoo talaga yan ,dahil ramdam ku ang sakit na parang hindi ka normal sa tingin nila ,napakasakit Talaga .Tatanungin ko nlng sarili ko bakit ako pa 😭😭😭😭
Hello, Kevin. Just want to say that I'm really inspired by your video. I have the same condition and had the same feels growing-up. Pero never pumasok sa isip ko na magpa-opera kahet in a way I think kaya ko naman na siguro since I've been in the workforce for 12 years na and may naitabi naman kahet papaano. Siguro kase dahil sa takot kase if ever first time ko na mag undergo ng isang operation and maayos pa naman kase and vision ko. True, with this condition, medyo nakaka affect din ng self confidence. Kahet na sa edad ko ngayon (I'm 34) eh medyo nawawala na ren yung mga bumubully.. maybe because habang tumatanda tayo, we'll be surrounded with more mature people,.. medyo malala lang siguro talaga ang bullying sa mga may ganitong sitwasyon pag elem and hs days, pero you know, when I entered college and now, sa work ko nawala na sya in a way... as in parang naging "elephant in a room" sya in a way kase ni hindi na ito napag-uusapan, siguro kase at some point, you'll be surrounded by people that are mature enough to be sensitive sa nararamdaman naten. However, the consciousness and limitations remains; apektado pa den yung pakikipagsalamuha mo sa tao. Pero you know, after watching your video, on seeing how your life was changed after the operation, sobrang na inspire ako... I'm thinking now to contact Dra.Macaraig. Pero madedelay lang ng onte siguro because of the current COVID situation... but anyway, sobrang thank you.... antagal ko na nanonood ng mga videos sa YT about strabismus pero ngayon lang ako nakapanood ng content ng isang pinoy.. keep it up!
"duling n nga,bulag pa" yan ung isa s mga masasakit n salita na narinig ko, nakabaon sya s pusot isipan ko n d ko malilimutan . Duling at malabo ang mata ko. Ung labo ng mata n d n kaya pang idaan sa eyeglasses or contact lens. d ako bulag, pero parang bulag na s sobrang labo ( may astigmatism ako) tapos duling pa. ang sakit lng kc double kill na d. dalawa ung iniinda ko. sana kung isa lang. sobrang bumaba ung self esteem ko dahil s mga tukso at kantyaw nila sakin. ung trip na trip kang pagtripan kahit wala kang ginagawang masama s knila. kahit pabiro lang n sbihin nilang duling ka, putek tagos tlga s buto e. ung gusto mo mag aral mabuti na feeling mo kaya mong makipagsabayan s iba pero dahil duling ka at halos wala ka makita kahit sobrang kapal n ng salamin mo, pinili mo nlng manahimik which is un ung pinagsisihan ko kasi nagpakain ako sa sarili kong kahinaan. dahil s gantong condition ko ang dami kong na miss n chances s life ko na gusto kong balikan. im turning 30 next year at feeling ko mas lalong lumala pag kaduling ko. naka 3 eyes surgeries din ako para sa pagpapalinaw ng mata ko pero sad to say, d pdin naachieve ung 20/20 viaion n minimithi ko pero good thing bumaba naman grado ko. from -2000 naging 20/35 na. dati akong nearsighted, ngayon farsighted at nearsighted n ako due to operation. kaya naka progressive eyeglasses ako pero d padin achievable ung 20/20 kasi limitado lng daw kaya ng utak ko, gusto ko padin magpalinaw ng mata, un kasi priority ko over pagkaduling. pero in reality silang dalwa tlga ang priority ko kaya lang wala naman sapat na kaperahan. my healthcard ako at philhealth sana matulungan ko na mapavaba ang fee incase n gusto ko magpa strabismus surgery. 30 na at madalang n akong makarinig ng kantyaw s pagkaduling pero I know behind my back my sayings padin cla. aware naman ako dun at nacoconcious padin ako. masakit padin pag tinatawag kang duling. tagos tlga hanggang buto, marerealize mong kahit matanda kana nasasaktan kapdin pala. naoovercome ko naman pero sadyang masakit padin. sabi ng opta ko no need n daw n mag pa strabismus surgery ako baka daw ikalala lang daw ng mata ko pero gusto ko padin mag oa 2nd opinion s iba, ung specialist tlga s mga duling. try ko s doctor mo baka sakaling pwede ako. marami pa akong gusto sabihin pero sobrang haba n itong natype kom im happy for you kasi naachieve mo na ung gusto mo :) thank you din at may vlog kadin para s ganto. :)
yes, I feel you but, i don't mind the toxic people, because they do not know our struggling situation is. positive lang, pero alam mo, ilap din ako sa tao kasi , kahit ano pang gawin natin, may masasabi talaga sila, pero kung mahal natin sarili natin, pwede naman eh enhance ang lahat lahat, salamat sa inspirations mo, binigyan mo ako ng pag asa and goals para mag pa surgery soon..
i feel u..dala2 ko hanggang ngaun..ang sakit tagus sa puso..buti nlng may tumanggap saken..ang pinaka masakit ok lng sana kung ako lng kaso pati isang anak ko ganyan din😭naaawa ako tuwing papasok sa school kase lageng umiiyak pag uwi ng bahay..sana pagpalain kami ng panginoon para di na nya maranasan mga naranasan ko nuon..😔😭
Im literally crying right now. 😭 27 years na, Ive learned to accept it but now, gusto ko na ding maayos to. Worst experience ko was napagkamalan akong manyak kasi ang sama daw ng tingin ko. Grabe tusok sa puso na sabihin na "Sorry po, may diperensya po mata ko, duling po ako" Dahil sa takot ko kasi lalaki yung tao at malaki yung katawan.
You're lucky because you have an understanding and loving family. Godbless you and your family, And thank you for sharing this. Nagkaroon ako ng pag-asa na magkaroon ng normal na mga mata. Mag-iipon talaga ako para magkapagpa opera. Salamat ulit bro.
ngayon lang ako napadpad sa channel mo sir Exotropia po ako pero nagpapasalamat po ako kay lord na binigyan nya po ako ng lakas para lumaban at hindi apihin ng madaming tao....... hindi ko po sinasabing masama ako pero alam mo yung feeling natitignan ka nila ng matagal tapos sabay bubulong sila sa katabi nila hindi ko mapigilan ang sarili ko nakakasakit ako ng tao...... pero maraming salamat sa mga kaibigan ko na laging nandyan at kasama sa tawanan nakakatanggal ng sama ng loob... share ko lang po ang karanasan ko....
Yung feeling na prang my kirot s puso ko while watching this vdeo at nluluha nlng ako.. ksi my pmangkin din po ako na 3yrs old plang at same condition po s inyo d ko po kaya marining na binubully sya lalo na pa mg aaral na sya.. Godblesss you po.
I have the same condition sayo sir,, but i already had my operation last 2007, DR. Javate is my doctor pero yung ginawa lang nya sakin is idiretso lang yung mata ko..im 18 years old that time at ang sabi nya yun lang ang kaya nyang gawin na idiretso lang ang mata ko at hindi kagaya ng sayo na malaya mong naigagalaw.. Ngayon 29 years old na ko at bumalik na rin yung mata ko sa dati (Esotropia) 😭..im a registered nurse at license teacher pero despite of it,, malungkot pa din kasi gusto kong maayos ang mata ko.. Habang pinapanood ko tong video mo nabuhayan ako ng loob.. Hindi ko alam pero nainspired ulit ako.. Gagawin ko ulit ang lahat para maayos ang mata ko..thanks 😘
i am 20 years old and i have like that condition since birth, thank you to your video now i have hope .....pero nahihiya akong sabihin sa family ko na may paraan pa even kaya nman namin masulosyunan ang babayaran pero nahihiya talaga ako magsabi....cguro kapag handa na akong sabihin or after ko nlng mag aral mga 4 years after para ready na ako....thank you sayo nagkaruon ako ng pag asa. dami kasing nagsasabi manikin ang mata ko it was hurts for me😭😭😭
Im live in mindanao and i hope 😇my problem be solve because my eye make me start bullying my personality i have no enough money that kind of surgery and my family is poor i hope there is a foundation for free surgery for cross eyes 😢
I also have visual impairment especially exostropia.Magandang balita po yan. Maraming salamat po sa pagbabahagi ng karanasan mo kuya. Sana ako din , money matters lang talaga problema. In born din ako.
Literally cried while watching this. May mga tao pala na nakakaramdam ng feelings ko even in the comment section. I am often bullied at sobrang baba ng self esteem ko, sobrang nalilimit ng eye condition ko yung maraming opportunities (you know those superficial people) Kahit random lang na makarinig ng word na "duling", para akong sinasaksak at sobrang nakakalungkot. Rly inspired me a lot. Thank you for sharing your journey, sir. 😊
isa din ‘to sa rason kaya i have no confidence talaga as in wayback nung elem ako, hehe like they always asking me pag nakikipag-usap sa kanila “san ka nakatingen?” obvious ba edi sayo, yung nangiti kana lang although ang saket na hehez, kaya ayoko makipag contact eye sa isang person kase ganon nga dahil sa eye ko, they always calling me DULING! DULING DULING! syempre nakakadown lang diba, parang gusto mo nalang mapag-isa, pero pagdating nung g8 na ako, i can control my eyes na, di tulad nung elem ako, just practice nalang tas ayon minsan naman nag aano paden mata ‘ko pero as in madalang nalang kase yon i can control na talaga wala kong treatment na gamit as in pinapairal ko nalang din sa utak ko non na “maayos din ‘to” tas gulat ako mga classmate ko wayback elem is bat daw di na daw masyadong pansin, kaya nga nung i watch this video natuwa ako at the same time naiyak kase di pala ako nag iisa nakaranas ng pambubully, to those have a lazy eyes, tiwala lang gawen nyo nalang motivation yung mga pambubully sainyo, just trust maayos din ‘yan never give up! hopefully na makahelp ‘to and now i’m happy kase ayos na mata ko, just believe in yourself!! at wag susuko!
I got curious again sa condition ko until now so i searched my condition here sa youtube and nakita ko vid mo. I have congenital esotropia and it affected my life so much. I always got bullied people calling me “Duling” or “Banlag” but di nya palage ngayon kase medyo nacocontrol ko, like mej nakaside view ako kaya di napapansin nung iba pero pag nakakarinig ako ng word na yun na joke keme lang nung iba, sempre kahit di saken sinasabe yun naapektuhan pa din ako ng sobra. Pag nakakrinig ako ng ganon ewan ko natatahimik ako at maiiyak maya maya. Nung elementary ako ilang beses kaming pabalik balik sa pgh aadmit na for operation pero di natutuloy mga two times na ata na ganon kase gawa nga may asthma ako. Kaya wlaa na din di na kami tumuloy. Kaya ganto pa rin ako hanggang ngayon though tinatry ko nga yung best ko para di mahalata pero anghirap pa din kase minsan alam ko na napapansin na din nila at sempre nalulungkot ako. Minsan tanggap ko na ganto ako pero minsan hindi. naiiyak na lang ako pagnaaalala ko yung pambubully na ginagawa sakin noon. ansakit lang po ganon naiiyak po ako while eatching your vid kase naaalala ko mga bad experiences ko :(((((( I’m 19years old po. I can say na anlucky nyo po na nacorrect po yung eyes nyo hehe :)))) Looking forward din po ako na sana maoperahan na din yung mata ko.
Thank you po. Nakakaiyak habang pinapanood ko to. Yung experience ko din po yan sobrang nabully ako simula elementary ako hanggang ngayong college nako bat daw ganyan mata ko. Kahit mga pinsan ko niloloko nako dahil sa mata ko ay idol ay duling sobrang sakit po nun.
kakascroll ko dito sa yt bigla ko lang nakita tong video na to, na-curious ako. Biglang naalala ko lahat nung elementary days ko 🥺 lugmok na lugmok ako sa pambubully sakin ng kahit sino😭 8yrs old palang nagsalamin na ako, hindi kaya ng operasyon dahil walang pera 😔 ngayon hndi naman na gaanong "ganun" (hindi ko dn kaya banggitin yung WORD na yun😭) minsan pag makikipag usap ako sa tao hindi nalang ako tumitingin sknla 🥺
Ako pag naririnig ko yung term na "banlag" biglang tumitibok ng mabilis yung puso ko at pinag papawisan ako kasi kinakabahan ako dahil ayan nanaman sila pag ttripan ako . Simula elementary ako lagi ako nabubully dahil sa mata ko minsan ayoko na pumasok at literally hindi na lang talaga ako pumapasok kasi na tttrauma ako sa mga laging nang aasar sakin pati teacher ko. Kaya andito ako sa video mo kasi namamangha ako sayo at nakakaya mo i spoken out yung nararamdaman mo tungkol sa kapnsanan natin saludo ako sayo . Simula bata ako hanggang ngayon hindi ko gusto lumabas samin kasi lalaiitin lang ako kaya until now taong bahay lang ako .❤😢
Sa totoo lang napakahirap ang may ganyan situation dahil sa ambition mo at plano sa buhay iyan ang bumabagabag sa iyong isip at puso ang panlalait ng mga tao sa iyong kapaligiran kung minsan magawa mo na sukuan at tapusin ang iyong dahil sobra talaga sakit kahit sisihin mo man mga tao o Diyos na lumikha sa iyo wala kana talaga magagawa pa kundi labanan ang puno ng hinanakit at lain araw-araw sa mga tao sa iyo paligid. Tulad ko 42 years old strabismos pinanganak ako normal dahil sa compulsion iyong mata ko ay nadis align at kahit bata sinikap ng mama ko na maoperahan sa mga free charity kasamaan hindi nagtagumpay sa pag opera kaya ngayon dala parin ang sakit at hinanakit sa araw-araw ng panglalait ng mga tao. Labis akong nangarap sa buhay para mulutasan lang ang ganitong kalagayan ko ngunit sa medical ako hindi pasado dahil sa mata. Ang hirap talaga kaya buhay ko hanggang construction nalang pero araw-araw pa ako naiiyak na minsan para gusto ko na sumuko at mamatay nalang dahil sobra pagod na talaga ako sa ganito kalagayan ng aking mata. Kaya hinanap ko saan saan mapa FB GOOGLE at UA-cam sa iyong content parang napalakas mo loob ko. Lalo na siguro makatagpo ko ang Doktora nag opera sa iyo. Dalangin ko bumalik na sa normal paningin ko sa pamagitan ni Doktora kaso diko alam saan ako kumuha ng ganun kalaki halaga. Tulungan nawa ako ng Panginoong Diyos at Hesu Cristo bigyan ako ng pag asa makita ko ang totoong realidad ng mundo sa totoo at normal na buhay.
Naiiyak ako grabe ang dami palang kaparehas ng nararamdaman ko😭 Since elementary nabubully ako. I was being called Idol(idoling) or saying na banlag ka. Or kapag may kausap ako pagtatawanan nila ako kasi parang di ako sa kanya nakatingin. Sobrang laki ng impact sa life ko until now 22 years old ako although nagpa salamin ako pero until now kapag may kausap ako I cant look at them directly. Ang sakit na pagtawanan ka sa jeep ng mga bata kasi duling daw ako. Sana makapag pa opera din ako. Can you please pin on the comment section yung location nung hospital or yung fb page ni Doc pleaseeee You give hope to us thank you kuya. I'm so down right now 😭
Hi Kevin. I have a son and he also has the same case as yours. He has strabismus eyes. He is only 1 year old and 4 months. It hurts everytime some kids tell me "Alla tita bakit nagduduling siya". I'm afraid na pag nagaral na siya ibully siya ng mga ibang bata. 💔 I hope maayos yung eyes niya before he start going to school. And sana we can bring him also to the same doctor who treated yours. Wala kasing pedia optha dito sa Cagayan. But an optha here in our province is currently checking on him. Anyway, I am just glad na I heard your story. God bless you. ❤️
same situation kuya I'm also cross-eyed. Ramdam na ramdam ko mga sinasabi mo. Sana one day makapag paopera din ako. Sobrang baba na ng self esteem ko. Lagi ko na ina isolate self ko. mag iipon talaga ako para makapag paopera. Sobrang sakit na ng nafifeel ko e.
Sir Maraming salamat po sa video nyu very inspiring po and i hope someday na mapaayos ko din yung mata ko , I'm 20 years old now and i'm still bullying dahil sa mata ko and nakita ko po tong video niyo na same sa nararasan ko .
Ako banlag po ako pang 3rd picture po ung Mata ko ganun po xa, Ang hirap mag karuon Ng kapansanan Lalo na sa mata kc may mga Tao tlga mapanghusga tapos mawawala ung self confidence ko pag nakikita nila Mata ko Kaya lagi naka takip Ng buhok ko Yung Kanan na Mata ko para Hindi nila makita na sa iba nakatingin Ang mata ko, nahihirapan din ako mag hanap Ng work nuon kc una nakikita nila kapansanan ko, Ang sakit lang sa puso, minsan nag tatanung ako Kay LORD bakit sa Mata pa Sana sa tenga nlg o ung natatago ko, minsan na ngangarap ako na Sana mapaayus ko Yung Mata ko, un lang tlga Ang wish ko sa buhay ko,
Patagilid alo tumingin pero hindi po talaga ako nakakakita sa malayo kaylangan subrang lapit halos dikit na sa muka ko yung papel kapag nag sulat hirap my school so I stop
I feel you my friend. May pamangkin akong ganito laging nabubully . At dahil sa video na to, hopefully next year mapaopera na din namin ung mata niya... Laban lang.
Appreciated vlog po. Thank you po sa encourage sa mga tao. An yes isa ako don katulad mo di lang halata hehez. Keep it up. Godbles and more vlogs papo 😘
Same lang po tau ng narasan ser kevin sence na maliit pakonhanganag x nag aral na wlang arw2x na D aq tinutukso mg mga kaklase at mga taong nakkakita skn gaya mo maiiyak lamg aq x sama ng loob Exotropia skn 😭😭😭 subra 26 nko ngaun at etong nakaraang arw lang den aq ni surgery sa aawa ng nsa itaas tunupad nia ang pinaka matagal konamg parangap ang maayus ang mata ko wlanG skingskit ung arw2x kang sinasabiahan ng duling😭😭😭
Naiiyak ako 😢 feel ko to simula elem until hs ko dami nag sasabi "san ka nakatingin" yun word na ganon palang ang sakit na matik naiwas na agad ako nahihiya nako makipag usapa , tas naranasan ko din bullyhin talaga .. im 29 yrs old now maayos pa po kaya hanggang ngayon praying padin ako sana maayos pa kase nakaka wala talaga confindece 😢 diko ako maka straight ng tingin sa kausap ko o kahit nag lalakad ako always ako nayuko ..
I know your feelings kuya it's really hurt talaga. Sa akin nga din hanggang ngayon nangyayari pa rin hiyang hiya na nga ako eh kaya every na lang na may pinupuntahan ako nakayuko na lang ako. Since elementary kuya lagi nila akong tinatanong kung ilang daw yun ganun sakit sa feeling kuya.😭😭😭😭
Boss🍺 Ako din banlag. Since nung bata pa ako at nag.aaral. after college na ako nagpa.tingin sa mata ko dahil d ko na ma.control ang pareho kong mata after sinubukan ko ang welding. Pero dun ako nagka.ideya na comportable pala mata ko kapag may salamin, ...so dun na nag.start gumamit ako ng salamin yun nga lang sa katagalan ay sumasakit kaya nagpunta ako ng maynila para mag.hingi ng tulong. Nagkonsulta ako sa ideal vision sa SM Bicutan para sana maganda salamin ko, tas napansin nga ni Doc. Ruiz na mata ko nga daw napsok yung isa kong mata tas yung isa lumalabas...so nag.advice sya na kung gusto ko pa talaga magpa.tingin sa mata ay pumunta ako sa eye clinic para matingnan... 2018 sa east avenue, lung center nakita ko EYE CENTER ang balita ko pa ay libre...lalo ako nabuhayan....bumalik ako kahit magastos pamasahe mula Laguna..yun nga na.check ang mata ko. Sa una wala sila makita na problema sa aking mata baka pagod lang daw, pero pinagawan pa din ako ng salamin every 6 months ang balik...mas ok na mata ko na sila ang nagsukat kasi hindi na nasakit ang mata ko kapag nagsosot ako ng salamin...Evwry 6 months ang balik ko, nahinto lang noong 2020 pandemic...nakabalik na ako 2023... Ang problema d ko na kilala ang doctor na nag.susukat ng salamin ko, kaya balik nanaman ako after six months para tingnan ulit, ang salamin ko sa mata ay mula pa noong kalagitnaan ng 2019...minsan sumasakit mata ko... Kaya malaking bagay na may nirecommend na doctor si Kevin...sana mag.update pa rin sya at gumawa ng vlog na marami... At anu na kaya nangyari sa GC nya guto ko pa naman sana sumali...iyon lang... theory?... marami ako theory dati kung bakit ganito na banlag ang mata ko...gaya halimbawa ,masilaw tas pinaglalaruan ko ang paningin ng mata ko...pero ang pinaka malaking CHANCE na naapektuhan ang mata ko ay dahil sa panonood ko ng TV noong bata pa ako at hindi pa nag.aaral...dahil base sa pagkaka.alala ko...dati kc kapag tapos na ang news pinapatualog na kami, eh kaso may teleserye, tas yung Dingding namin sa kwarto ay tagpi tagpi lang, kaya kapag nanood ako ng sumisilip ako...yung kaliwa kong mata-yun ang pumapasok dahil yung tv sa baba ay nasa gawing kanan ko...at kapag napagod na ang kaliwa kong mata ay ang kanan mata ko naman ginagamit kaya ang nangyari lumalabas ang kanang mata ko... 2024 ngayun ang ginagawa ko nagsesearch ako sa youtube ng mga effective eye exercise...ang iba pamparelax ang iba focus...tsaka search din ako kung anu strabismus...panu ang proper pencil push-up...dapat center ang pencil kc sakin nahihila ng kanan kong kamay ang pencil papunta sa kanan kong kamay imbes sa gitna...kaya ginagawa ko nakaharap ako sa salamin para sure ako na ang lapis ay sa pagitan ng dalawa kong mata para pareho dalawa mata ko gumagana... Tas gumagamit din ako ng brock string pero ganun din nakaharap ako sa salamin para ang ang string talaga ay nasa gitna , pagitan ng dalawa kong mata... Nag.share sya grabe kaya nag.share din ako...pero pupunta din ako sa sa sto tomas hospital para ipa.atingin ko mata ko p .
Gd ev po! Sir Kevin aq po ay my strabismus din.pero po hndi nman sya masyadong malala.hndi KC e2 inborn. Ngkasakit lng aq ng grabbing lagnat non 1yrs old plang aq. Alam nio po ba kung ano po Ang treatment o exercises Ang dapt kung gawin.para po mawala po e2. Mhirap lng po aq hndi q po Kaya mgpa opera po..
Ako dn kuya may ganyang kondisyon lagi ako nabubully pero kinakaya ko may mga nagsasabi dn na maganda ka sana kaso ganyan yang mata mo ,peRo ngayon sanay na ako at alam ko ung mga taong mapanghusga babalik dn sa kanila mga cnasabi nila dont lose hope kuya kaya mo yan magtiwala ka lang kay god malalagpasan mo yan
I really felt your pain Kuya Kevin. :( May strabismus isothermia rin ako in my left eye. Grabehhh, naiiyak ako sa content mong ito kasi halos lahat parehas tayo ng dinanas ang kaibahan nga lang ay wala kaming kakayahan magpaopera ng mata. Nanlumo ako nang sinabi mo na 'yong operation expense niyo ng magulang mo kasi alam ko sa sarili ko na malayong magkaroon kami ng ganiyang halaga ng pera kasi mahirap lang kami. Ultimo pambili lang ng eyeglass ay wala kaming kakayahan. I am so proud to you Kuya Kevin na nakawala ka na sa ultimate problem/burden sa mga katulad nating may ganitong kapansanan. I am so happy na nagkaroon ka ng content o ang lakas ng loob mo mag-open up through your vlog tungkol sa mga naranasan mo noon. Maraming salamat!!! PS: Ano pong full ng doctor na nag-opera sa'yo?
Hello Adrian. You may check Tzu chi Hospital. Check mo din YT channel ni Jay Nna. May vlog sya about sa Tzu chi. Foundation yun wala syang binayaran. Ang case nya is lazy eye din. Tzu chi hospital is located at Sta. Mesa Manila. Godbless you Edrian.
Legit po yung sakit sa pakiramdam lalo na kapag nilalait ako minsan. Ginagawa ko nalang pasok sa isang taynga labas sa kabilang taynga kasi di naman natin ginustong mangyari to eeh. Nakakawalang pag asa sa buhay yung mga pangarap ko diko na matutupad kasi isa sa mga pangarap ko ay maging sundalo. Unang una bawal ang may problema sa mata.. mahirap para sa mga kagaya ko na lazy eye
I am here watching you, and it makes me cry po, knowing na maeexperience to ng anak ko...Mas sobra ang sakit... I just noticed this sa knya lately...And I am just reseaching lung paano to pwedeng magamot😢😥
anyway i am 33 years old and this happen to me 3 days ago . possible ba mangyari to na hindi naman ako duling for 33 years taz bigla nalang ako magkaka problema na ganito ?
Ung naaccidente po ko sa motor. Nag ka fracture ako naapektuhan mata ko. Strabismus 6th nerve palsy. Naoperahan nko pero 1month na di p nagalaw pakaliwa. Need ko specialist sa nerve at muscle. Sana gumalaw na ulet mata ko 🙏
Yah hate that words to kaya tumigil ako sa pagaaral dahil sa mata ko hindi pa ako nakakakita sa malayo ikaw ba noon sa 18 year naka kita paba sa malayo Alam ko yong feeling lagi lng akong umayak in school so I stop school I'm only grade 4
hello po this video really inspired,motivated and encourage me kalako wala ng sulosyon, naghihiwalay po ang isa kong mataaa or lazy eye at bumalik din nmn peroo nasasabihan akong duling and i do really really hate that word too pooo sobrang bumabaon sa utak at puso kopo eung sakit then pagkinakausap ako minsan ayokong tumingin like "san ka nakatngin?"or titignan nila eung beside nila like pinahihiwatig na di nakitingin eung isa kong mata sa kanyaaaaa its hurt so bad then sasabihin pa ang ganda mo sa sanaaa sobrang pwede ka sa pageants kaso duling ka nakakababa talaga ng confidence lalo na 13 years old palang pu ako u really made me cry po kasee sobrang related ako
Ganan din po eyes ko sobrang sakit talaga marinig yung word na dul*ng😢pero normal naman po ang paningin ko thanks pa din kay lord kasi po di nag dodoble yung paningin ko. Ang akala kasi ng mga nakakakita saken doble paningin ko😢
Thank you po sa pag share.meron po aq ank 3 taon pa lng po .masakit sa pkiramdam n bilang Isang ina.ay naririnig mong sabihAn Ang ank mo na duling.😭😭😭😭
Same po sa ank ko si dr. Catherine din po ang doc. Nya sa ngayon po pina eye glass muna sya sna maalis nrin po sa ank ko soon hirap pg nasasabihan sya duling kahit hndi nmn po sya duling
Same poo tayu kuya 😊 hirap po talaga ng ganitong kalagayan kase nakawalang gana lumabas ng bahay madalas din po akong Absent kase sa mga classmate kung mga bully Gusto ko man mag pa opera Wala pa akong budget kaya ito ako ngayun nag titiis
Hello po strabismus po ang eye condition ko but nag start cia since birth n may catarata... After ng operation ko... Successful po ung operation nawala po ung cataract.... After years... Naging strabismus po.... Cia... Now po s age pong 37..kaya p po bang maayus ung eye condition ko.. Thnx po..
Hi po,ganun po ung anak Kong 5 yrs.old,Meron po xang strabismus eye,ung kanan nyo po,tpos page sa malayo po,hirap na po xang makakita,last week galing kmi ng hospital,Sabi ng doktor,need dw po ng anak ko na maoperahan mata nya.eh wla pa po kmi pera.
It really hurts, actually di ako totally duling, nasstraight ko pa siya pero malabo mata ko masakit makarinig ng tukso sa ibang tao, prang di tayo normal. nakakadown 😢
Same po tau condition sir,I hope na Sana may makakausap ako sa condition ko aukong mag open up sa IBA kc sobrang shy po ako gusto ko ung same ko para same nakakarelate
Same lods kso sakin yong kabilang mata di na nakakakita nalamog kc ito di ko rin ma mapa check up kya na ging katarata kya ngayon nag flix na sya subrng longkot lods wlang saya puro nlng lungkot
Hello po kuya I have that condition but mind is exotropia at guto ko po Sana mag patingin sa doctor. Because I want my confidence back lalo sa school kasi po nakakawala po talaga sya nang conference po kuya.tanong lng po kong paano nyo sya na itama
ramdam ko yung sakit sir may condition din ako na ganyan palabas naman po yung left eye ko, mnsan nawawalan na ako ng pag asa dahil wala nman ako pampaopera at may pamilya n din ako na kelangan ko buhayin,kapit lng ako sa panginoon kung ano yung plano nya sakin
Hai Po Good Noon , Ako Din Po Duling ever sence until now Binubully Po talaga Ako dahil Po sa kapansanan ko , May katarata Kasi ako , When I was a baby , At sira na daw Ang retina ko dahil Sa katagalan , Binato Kasi mata ko ehh a noong maliit pa Ako Huhuhu Gusto ko din sana Makakita at Maging normal Ang mata ko , Pro Wala akong Pera 😭😭 Gusto ko sana na Maging Normal
Hello po, we have the same condition po. Ask ko lang nung dikapa na surgery yung vision nyo po maganda ba? Or hindi ba malabo? Both eyes? After ilang years po, okay padin po ba yung surgery? Sana masagot po salamat 😊
ngayon ko lang to napanuod sir ako po mag 31 years old na po ako ,nung 24 years old ako naoperahan po ako kaso hndi na luminaw yung left eye ko cataract po yun,may lazy eye po ako sir, palabas po yung left eye ko ,mnsan naiisip ko rin na kung pano ko to mapapa opera, pamilyado na rin ako kaya wala ako budget sa operation,hndi ko rin alam kung lilinaw pa yung left eye ko. sana balang araw makapagpa opera din ako gaya niyo sir😊
Paano Po mahirap Po Ako gusto ko Po gumaling Isa Po Ako sa lazy eye please 🙏🙏🙏 tulungan niyo Po Ako gusto ko maayos Ang mata ko kc hirap Ako mag apply Ng trabaho dahil sa mata ko
Since birth ganyan na din ako hanggang ngayon 17 y/o nako same experience Po tayo ayaw na ayaw ko maririnig o mababasa Yung salitang 'Dul*ng' Minsan Nalang ako lumabas ng bahay Kasi nga ayaw Kong masabihan ng dul*ng nahihiya ako tumingin ng mata sa mata kahit parents ko di ko magawa tignan ng mata sa mata dinadaan ko nalang sa pangiti ngiti pag tinatawag na Dul*ng pero deep inside napakasakit naiiyak Nalang din ako nung napanood ko tong vid
Hi po ask ko lang po sana kung ilang months po ang recovery this coming 3rd week po ng November ay gagawin na po ang aking strabismus surgery sana po ma replayan niyo po ako 🙏
Hello po, we just created a FB Support Group for all Filipinos with Strabismus Eyes.
You're all invited to join and share your stories!!!
facebook.com/groups/951910685224028/?ref=group_header
patulong po
Sana po matulungan nio ako maayos at matuwid paningin ko 🙏🙏
Ilan taon po kau inoperahan?
San po kayu nag pa opera
Relate po ako sir.. Actually strabismus extrotopia dn po ako kase bukod po sa palabas ung kanang itim ng mata ko.. Mas maliit dn po sya kesa sa kaliwa so madalas dn po ako matukso ng "Duling" nung bata pa ako which is humihina ung self confidence ko lalo pagka humaharap ako sa mga tao.. Isang dahilan dn po ata ito na hndi po ako madalas matanggap sa inaapplyan kong work.. And up until now po mahina parin po ang self confidence ko dahil trauma na dn po sa akin ung naririnig ko sa iba na "Duling".. Masakit po sya. Kase hndi nila alam ung pain na ibinibigay nila sa tuwing maririnig un ng mga kagaya ko lalo na kung mismong sakin sinasabi at ipinapamukha.. Kse first of all hndi ko naman ginusto magkaganito.. Which is ang hirap nia po ma over come.. Kase andun parin ung pain at doubt, na baka sabihin ulit sakin mga ganun..
naluluha ako while watching this video kase lahat ng naexperience nya is naeexperience ko pa din hanggang ngayon at legit talaga yumg sakit kapag naririnig mo yung salitang "duling" kahit pa di ikaw yung pinaguusapan nila iba talaga yung feeling pag ganyan yung condition mo. ganun din yung saken esotropia
Sending virtual hugs! Laban lang, Carl! 😊
Same po tau huhu
@@KevinSeries san po kayo nagpagamot slamat po
Anong name ng hospital?
@@indonaygirl5306 UST hospital
Thank you for sharing your story. I cried a lot dahil dito sa condition na ito legit yong sakit basta sasabihan kang "ako ba kausap mo?" May trauma na ako sa word na "duling" simula bata hanggang ngayon. Looking forward sa araw na mawawala natong trauma nato, in God's perfect time. Thank you ❣️
i feel you. sobrang trauma ko lang talaga kapag naririnig ko yung word na "duling/banlag". i was NOT born with this kind of eye condition and hindi ko rin alam what cause it.. maraming theory yung family ko bakit nagkaganito haha hindi ko na alam paniniwalaan ko.
but this is one of the things i forgot to be grateful for.. yung gumaling yung mata ko nang walang operation na naganap. hindi ko rin alam kung paano at kelan 'to gumaling basta ang alam ko lang.. sobra at matagal ko na noong pinag-pray na gumaling na 'to. lumipas lang yung panahon na hindi ko namamalayan🥺😇
keep inspiring and informing those who need it. kudos! ❤️
Wowwwww, happy to hear that Marxgie! 😊❤
Patulong nman po
Anong way po ginamit mo??
Thanks for sharing your story. My nephew has the same condition. And I’m scared he will experience bullying because of his Strabismus. Hearing your story validated my thoughts. Nakakatrauma ang bullying. Now you’re an instrument to help others who are experiencing the same thing. Also making others aware to be sensitive about people with health conditions or disabilities.
Why am i crying while watching this. 😭😭
I feel bad talaga pag napag uuspan yang ganyang mga bagay. Since kase Nung nag school ako na bu-bully ako dahil sa mata ko . at dahil dun nagkaroon ako ng panic attack at trauma tuwing lalabas ng Bahay o kaya pag papasok sa school . Yung hirap na hirap kang makipag usap sa iba kase na ju-judge ka. Lalo na pag may lalapit sayo sasabihin na "uy bat ganyan Ang mata mo. May nakikita Kaba. Saan ka nakatingin" dun palang naaawa na ako sa sarili ko. Thank you kuya for sharing your story. Kahit papaano hindi ko naramdaman na nag iisa ako.
Nakarelate talaga ako sa lahat ng sinabi nyo po dito sa video, especially yung parang di mo masabi yung word na "duling"
I'm happy kasi finally, after a long time of looking up sa mga videos about Strabismus sa PH, Finally nakita ko na rin to!
Salamat po sir, kasi you are brave enough to share your story to everyone. Medyo nabigyan ako ng pag asa na gagaling din yung mata ko, sadyang pera lang yung kulang hahaha.
Totoo talaga yan ,dahil ramdam ku ang sakit na parang hindi ka normal sa tingin nila ,napakasakit Talaga .Tatanungin ko nlng sarili ko bakit ako pa 😭😭😭😭
Hello, Kevin. Just want to say that I'm really inspired by your video. I have the same condition and had the same feels growing-up. Pero never pumasok sa isip ko na magpa-opera kahet in a way I think kaya ko naman na siguro since I've been in the workforce for 12 years na and may naitabi naman kahet papaano. Siguro kase dahil sa takot kase if ever first time ko na mag undergo ng isang operation and maayos pa naman kase and vision ko. True, with this condition, medyo nakaka affect din ng self confidence. Kahet na sa edad ko ngayon (I'm 34) eh medyo nawawala na ren yung mga bumubully.. maybe because habang tumatanda tayo, we'll be surrounded with more mature people,.. medyo malala lang siguro talaga ang bullying sa mga may ganitong sitwasyon pag elem and hs days, pero you know, when I entered college and now, sa work ko nawala na sya in a way... as in parang naging "elephant in a room" sya in a way kase ni hindi na ito napag-uusapan, siguro kase at some point, you'll be surrounded by people that are mature enough to be sensitive sa nararamdaman naten. However, the consciousness and limitations remains; apektado pa den yung pakikipagsalamuha mo sa tao. Pero you know, after watching your video, on seeing how your life was changed after the operation, sobrang na inspire ako... I'm thinking now to contact Dra.Macaraig. Pero madedelay lang ng onte siguro because of the current COVID situation... but anyway, sobrang thank you.... antagal ko na nanonood ng mga videos sa YT about strabismus pero ngayon lang ako nakapanood ng content ng isang pinoy.. keep it up!
Aww, Thank you June! ❤🥺 yes po, its not yet late.
"duling n nga,bulag pa"
yan ung isa s mga masasakit n salita na narinig ko, nakabaon sya s pusot isipan ko n d ko malilimutan .
Duling at malabo ang mata ko. Ung labo ng mata n d n kaya pang idaan sa eyeglasses or contact lens. d ako bulag, pero parang bulag na s sobrang labo ( may astigmatism ako) tapos duling pa. ang sakit lng kc double kill na d. dalawa ung iniinda ko. sana kung isa lang. sobrang bumaba ung self esteem ko dahil s mga tukso at kantyaw nila sakin. ung trip na trip kang pagtripan kahit wala kang ginagawang masama s knila. kahit pabiro lang n sbihin nilang duling ka, putek tagos tlga s buto e.
ung gusto mo mag aral mabuti na feeling mo kaya mong makipagsabayan s iba pero dahil duling ka at halos wala ka makita kahit sobrang kapal n ng salamin mo, pinili mo nlng manahimik which is un ung pinagsisihan ko kasi nagpakain ako sa sarili kong kahinaan. dahil s gantong condition ko ang dami kong na miss n chances s life ko na gusto kong balikan.
im turning 30 next year at feeling ko mas lalong lumala pag kaduling ko. naka 3 eyes surgeries din ako para sa pagpapalinaw ng mata ko pero sad to say, d pdin naachieve ung 20/20 viaion n minimithi ko pero good thing bumaba naman grado ko. from -2000 naging 20/35 na. dati akong nearsighted, ngayon farsighted at nearsighted n ako due to operation. kaya naka progressive eyeglasses ako pero d padin achievable ung 20/20 kasi limitado lng daw kaya ng utak ko,
gusto ko padin magpalinaw ng mata, un kasi priority ko over pagkaduling. pero in reality silang dalwa tlga ang priority ko kaya lang wala naman sapat na kaperahan. my healthcard ako at philhealth sana matulungan ko na mapavaba ang fee incase n gusto ko magpa strabismus surgery.
30 na at madalang n akong makarinig ng kantyaw s pagkaduling pero I know behind my back my sayings padin cla. aware naman ako dun at nacoconcious padin ako. masakit padin pag tinatawag kang duling. tagos tlga hanggang buto, marerealize mong kahit matanda kana nasasaktan kapdin pala. naoovercome ko naman pero sadyang masakit padin.
sabi ng opta ko no need n daw n mag pa strabismus surgery ako baka daw ikalala lang daw ng mata ko pero gusto ko padin mag oa 2nd opinion s iba, ung specialist tlga s mga duling. try ko s doctor mo baka sakaling pwede ako.
marami pa akong gusto sabihin pero sobrang haba n itong natype kom im happy for you kasi naachieve mo na ung gusto mo :) thank you din at may vlog kadin para s ganto. :)
Sending virtual hug po ma'am daisy! 😊 Try nyo po wala naman po mawawala. Gob bless po.
I feel you ganyan Rin sinasabh saakin
@@marizmahinay6597 hello you can join strabismus support group philippines in FB. 😊
😢😢😢
I feel you sis. duling na nga malabo pa mata and may astigmatism pa ako. 😢 nakakadown sya totally
yes, I feel you but, i don't mind the toxic people, because they do not know our struggling situation is. positive lang, pero alam mo, ilap din ako sa tao kasi , kahit ano pang gawin natin, may masasabi talaga sila, pero kung mahal natin sarili natin, pwede naman eh enhance ang lahat lahat, salamat sa inspirations mo, binigyan mo ako ng pag asa and goals para mag pa surgery soon..
Naalala ko yung pag encourage mo sakin nung nadisgrasya ako bro, coming from that experience na enlighten ako sayo. Thanks bro and keep it up!!
Thanks also Vincent sa appreciation and support :)
i feel u..dala2 ko hanggang ngaun..ang sakit tagus sa puso..buti nlng may tumanggap saken..ang pinaka masakit ok lng sana kung ako lng kaso pati isang anak ko ganyan din😭naaawa ako tuwing papasok sa school kase lageng umiiyak pag uwi ng bahay..sana pagpalain kami ng panginoon para di na nya maranasan mga naranasan ko nuon..😔😭
Im literally crying right now. 😭 27 years na, Ive learned to accept it but now, gusto ko na ding maayos to. Worst experience ko was napagkamalan akong manyak kasi ang sama daw ng tingin ko. Grabe tusok sa puso na sabihin na "Sorry po, may diperensya po mata ko, duling po ako" Dahil sa takot ko kasi lalaki yung tao at malaki yung katawan.
You're lucky because you have an understanding and loving family. Godbless you and your family, And thank you for sharing this. Nagkaroon ako ng pag-asa na magkaroon ng normal na mga mata. Mag-iipon talaga ako para magkapagpa opera. Salamat ulit bro.
Same po
Thank you Kuya Kevin. Napanood ko 'yong journey mo at ngayon magaling na ako. Successful 'yong operation ko huhu.
Mgkano po nagastos nyo mam
San po kyo ngpaopera
ngayon lang ako napadpad sa channel mo sir Exotropia po ako pero nagpapasalamat po ako kay lord na binigyan nya po ako ng lakas para lumaban at hindi apihin ng madaming tao....... hindi ko po sinasabing masama ako pero alam mo yung feeling natitignan ka nila ng matagal tapos sabay bubulong sila sa katabi nila hindi ko mapigilan ang sarili ko nakakasakit ako ng tao...... pero maraming salamat sa mga kaibigan ko na laging nandyan at kasama sa tawanan nakakatanggal ng sama ng loob... share ko lang po ang karanasan ko....
Yung feeling na prang my kirot s puso ko while watching this vdeo at nluluha nlng ako.. ksi my pmangkin din po ako na 3yrs old plang at same condition po s inyo d ko po kaya marining na binubully sya lalo na pa mg aaral na sya.. Godblesss you po.
I have the same condition sayo sir,, but i already had my operation last 2007, DR. Javate is my doctor pero yung ginawa lang nya sakin is idiretso lang yung mata ko..im 18 years old that time at ang sabi nya yun lang ang kaya nyang gawin na idiretso lang ang mata ko at hindi kagaya ng sayo na malaya mong naigagalaw.. Ngayon 29 years old na ko at bumalik na rin yung mata ko sa dati (Esotropia) 😭..im a registered nurse at license teacher pero despite of it,, malungkot pa din kasi gusto kong maayos ang mata ko.. Habang pinapanood ko tong video mo nabuhayan ako ng loob.. Hindi ko alam pero nainspired ulit ako.. Gagawin ko ulit ang lahat para maayos ang mata ko..thanks 😘
❤ laban!
i am 20 years old and i have like that condition since birth, thank you to your video now i have hope .....pero nahihiya akong sabihin sa family ko na may paraan pa even kaya nman namin masulosyunan ang babayaran pero nahihiya talaga ako magsabi....cguro kapag handa na akong sabihin or after ko nlng mag aral mga 4 years after para ready na ako....thank you sayo nagkaruon ako ng pag asa. dami kasing nagsasabi manikin ang mata ko it was hurts for me😭😭😭
Im live in mindanao and i hope 😇my problem be solve because my eye make me start bullying my personality i have no enough money that kind of surgery and my family is poor i hope there is a foundation for free surgery for cross eyes 😢
I also have visual impairment especially exostropia.Magandang balita po yan. Maraming salamat po sa pagbabahagi ng karanasan mo kuya. Sana ako din , money matters lang talaga problema. In born din ako.
Try nyo po tzu chi foundation libre lang po dun strabismus surgery sta.mesa manila location
Literally cried while watching this. May mga tao pala na nakakaramdam ng feelings ko even in the comment section. I am often bullied at sobrang baba ng self esteem ko, sobrang nalilimit ng eye condition ko yung maraming opportunities (you know those superficial people)
Kahit random lang na makarinig ng word na "duling", para akong sinasaksak at sobrang nakakalungkot.
Rly inspired me a lot. Thank you for sharing your journey, sir. 😊
Join k s fb group page namin. Strabismus support group philippines
Kasali na po ako. Thank youuuuu
isa din ‘to sa rason kaya i have no confidence talaga as in wayback nung elem ako, hehe like they always asking me pag nakikipag-usap sa kanila “san ka nakatingen?” obvious ba edi sayo, yung nangiti kana lang although ang saket na hehez, kaya ayoko makipag contact eye sa isang person kase ganon nga dahil sa eye ko, they always calling me DULING! DULING DULING! syempre nakakadown lang diba, parang gusto mo nalang mapag-isa, pero pagdating nung g8 na ako, i can control my eyes na, di tulad nung elem ako, just practice nalang tas ayon minsan naman nag aano paden mata ‘ko pero as in madalang nalang kase yon i can control na talaga wala kong treatment na gamit as in pinapairal ko nalang din sa utak ko non na “maayos din ‘to” tas gulat ako mga classmate ko wayback elem is bat daw di na daw masyadong pansin, kaya nga nung i watch this video natuwa ako at the same time naiyak kase di pala ako nag iisa nakaranas ng pambubully, to those have a lazy eyes, tiwala lang gawen nyo nalang motivation yung mga pambubully sainyo, just trust maayos din ‘yan never give up! hopefully na makahelp ‘to and now i’m happy kase ayos na mata ko, just believe in yourself!! at wag susuko!
❤❤❤
may rp ka komi?
I got curious again sa condition ko until now so i searched my condition here sa youtube and nakita ko vid mo. I have congenital esotropia and it affected my life so much. I always got bullied people calling me “Duling” or “Banlag” but di nya palage ngayon kase medyo nacocontrol ko, like mej nakaside view ako kaya di napapansin nung iba pero pag nakakarinig ako ng word na yun na joke keme lang nung iba, sempre kahit di saken sinasabe yun naapektuhan pa din ako ng sobra. Pag nakakrinig ako ng ganon ewan ko natatahimik ako at maiiyak maya maya.
Nung elementary ako ilang beses kaming pabalik balik sa pgh aadmit na for operation pero di natutuloy mga two times na ata na ganon kase gawa nga may asthma ako. Kaya wlaa na din di na kami tumuloy.
Kaya ganto pa rin ako hanggang ngayon though tinatry ko nga yung best ko para di mahalata pero anghirap pa din kase minsan alam ko na napapansin na din nila at sempre nalulungkot ako. Minsan tanggap ko na ganto ako pero minsan hindi. naiiyak na lang ako pagnaaalala ko yung pambubully na ginagawa sakin noon. ansakit lang po ganon naiiyak po ako while eatching your vid kase naaalala ko mga bad experiences ko :(((((( I’m 19years old po. I can say na anlucky nyo po na nacorrect po yung eyes nyo hehe :)))) Looking forward din po ako na sana maoperahan na din yung mata ko.
Aww thanks for sharing your story Janina. Yup, in God's perfect timing. Laban lang. 😊
Ako po sana po mtulungan niu po kondisyon ng eyes ko tampuhan din po ako ng mga tukso.. dahil sa mata ko
SNa po mtulungan niu po ako nhhiya po ako sa sarili ko
Feel you 💔😭
Tinatawag nila akong "duling na parang 'yon 'yung pangalan. Sakit lang kasi hindi ko naman gust o 'to.😰
Just keep moving mami. Maayos din lahat 💪
Me too 🥺
Thank you po. Nakakaiyak habang pinapanood ko to. Yung experience ko din po yan sobrang nabully ako simula elementary ako hanggang ngayong college nako bat daw ganyan mata ko. Kahit mga pinsan ko niloloko nako dahil sa mata ko ay idol ay duling sobrang sakit po nun.
kakascroll ko dito sa yt bigla ko lang nakita tong video na to, na-curious ako. Biglang naalala ko lahat nung elementary days ko 🥺 lugmok na lugmok ako sa pambubully sakin ng kahit sino😭 8yrs old palang nagsalamin na ako, hindi kaya ng operasyon dahil walang pera 😔 ngayon hndi naman na gaanong "ganun" (hindi ko dn kaya banggitin yung WORD na yun😭) minsan pag makikipag usap ako sa tao hindi nalang ako tumitingin sknla 🥺
Hindi namin ginusto ito.. This line nakakaiyak.. Hindi nila alam ang nararamdaman natin. nakakawala ng self confident..24 yrs old napo ako..
ang sakit lodz☹️
CORRECTION ✌
*lose
Also, I just recalled, I wore eyeglass for 1 year po pla before my operation not 6 months. 😊
Tnx sir
Sir pwd bha tayo mag usap kasi parehas tayo ng mata sir call or txt sir Kevin.. 09757605432 gusto ko kasi maayos mata ko sana sir mag reply ka
@@marlocuya5423 hello Marlo, slr. You can reach me at KevInSeries FB
sir ako din po
Pa help po sakin kuya... Parehas po tayo ng condition 😭😭😭😭
Ako pag naririnig ko yung term na "banlag" biglang tumitibok ng mabilis yung puso ko at pinag papawisan ako kasi kinakabahan ako dahil ayan nanaman sila pag ttripan ako . Simula elementary ako lagi ako nabubully dahil sa mata ko minsan ayoko na pumasok at literally hindi na lang talaga ako pumapasok kasi na tttrauma ako sa mga laging nang aasar sakin pati teacher ko. Kaya andito ako sa video mo kasi namamangha ako sayo at nakakaya mo i spoken out yung nararamdaman mo tungkol sa kapnsanan natin saludo ako sayo . Simula bata ako hanggang ngayon hindi ko gusto lumabas samin kasi lalaiitin lang ako kaya until now taong bahay lang ako .❤😢
Awww thank you for the words. Keep fighting MB!
Sa amin po libat pag narinig ko Yang word na Yan nanginginig ako
Gnyan Po mata ko ngaun...thanks sa video mo nagkaroon ako Ng pag ASA na maaayos pa ito
Thanks sa pag upload sir. Ganun po din ang mata ko. Eto ang hinahànap ko talaga. Maraming salamat
Sa totoo lang napakahirap ang may ganyan situation dahil sa ambition mo at plano sa buhay iyan ang bumabagabag sa iyong isip at puso ang panlalait ng mga tao sa iyong kapaligiran kung minsan magawa mo na sukuan at tapusin ang iyong dahil sobra talaga sakit kahit sisihin mo man mga tao o Diyos na lumikha sa iyo wala kana talaga magagawa pa kundi labanan ang puno ng hinanakit at lain araw-araw sa mga tao sa iyo paligid. Tulad ko 42 years old strabismos pinanganak ako normal dahil sa compulsion iyong mata ko ay nadis align at kahit bata sinikap ng mama ko na maoperahan sa mga free charity kasamaan hindi nagtagumpay sa pag opera kaya ngayon dala parin ang sakit at hinanakit sa araw-araw ng panglalait ng mga tao. Labis akong nangarap sa buhay para mulutasan lang ang ganitong kalagayan ko ngunit sa medical ako hindi pasado dahil sa mata. Ang hirap talaga kaya buhay ko hanggang construction nalang pero araw-araw pa ako naiiyak na minsan para gusto ko na sumuko at mamatay nalang dahil sobra pagod na talaga ako sa ganito kalagayan ng aking mata. Kaya hinanap ko saan saan mapa FB GOOGLE at UA-cam sa iyong content parang napalakas mo loob ko. Lalo na siguro makatagpo ko ang Doktora nag opera sa iyo. Dalangin ko bumalik na sa normal paningin ko sa pamagitan ni Doktora kaso diko alam saan ako kumuha ng ganun kalaki halaga. Tulungan nawa ako ng Panginoong Diyos at Hesu Cristo bigyan ako ng pag asa makita ko ang totoong realidad ng mundo sa totoo at normal na buhay.
Thank you for sharing this story. Banlag din po ako. Gusto kong maging normal yung paningin ko. Subrang sakit sabiham ka ng duling
Naiiyak ako grabe ang dami palang kaparehas ng nararamdaman ko😭 Since elementary nabubully ako. I was being called Idol(idoling) or saying na banlag ka. Or kapag may kausap ako pagtatawanan nila ako kasi parang di ako sa kanya nakatingin. Sobrang laki ng impact sa life ko until now 22 years old ako although nagpa salamin ako pero until now kapag may kausap ako I cant look at them directly. Ang sakit na pagtawanan ka sa jeep ng mga bata kasi duling daw ako. Sana makapag pa opera din ako. Can you please pin on the comment section yung location nung hospital or yung fb page ni Doc pleaseeee You give hope to us thank you kuya. I'm so down right now 😭
Super relate aq dto sobrang sakit until now n ang tingin sau ng mga nsa paligid mo eh iba k sknila😪😪😪😪
I have same condition po nkakawla po ng self confidence thank you for sharing your experience po sir ❤️❤️🙏🙏
Hi Kevin. I have a son and he also has the same case as yours. He has strabismus eyes. He is only 1 year old and 4 months. It hurts everytime some kids tell me "Alla tita bakit nagduduling siya". I'm afraid na pag nagaral na siya ibully siya ng mga ibang bata. 💔 I hope maayos yung eyes niya before he start going to school. And sana we can bring him also to the same doctor who treated yours. Wala kasing pedia optha dito sa Cagayan. But an optha here in our province is currently checking on him. Anyway, I am just glad na I heard your story. God bless you. ❤️
Hi, Ely. Join ka on our Fb support group! 😊
Thank you for sharing your journey. Naiyak ako 🥹
same situation kuya I'm also cross-eyed. Ramdam na ramdam ko mga sinasabi mo. Sana one day makapag paopera din ako. Sobrang baba na ng self esteem ko. Lagi ko na ina isolate self ko. mag iipon talaga ako para makapag paopera. Sobrang sakit na ng nafifeel ko e.
Sir Maraming salamat po sa video nyu very inspiring po and i hope someday na mapaayos ko din yung mata ko , I'm 20 years old now and i'm still bullying dahil sa mata ko and nakita ko po tong video niyo na same sa nararasan ko .
Thank you, Jefferson. Laban lang ha. 😊
@@KevinSeries thank you so much sir 😇
Try nyo po sa tzu chi foundation nagaaccept po sila strabismus surgery wala pong bayad
Ako banlag po ako pang 3rd picture po ung Mata ko ganun po xa, Ang hirap mag karuon Ng kapansanan Lalo na sa mata kc may mga Tao tlga mapanghusga tapos mawawala ung self confidence ko pag nakikita nila Mata ko Kaya lagi naka takip Ng buhok ko Yung Kanan na Mata ko para Hindi nila makita na sa iba nakatingin Ang mata ko, nahihirapan din ako mag hanap Ng work nuon kc una nakikita nila kapansanan ko, Ang sakit lang sa puso, minsan nag tatanung ako Kay LORD bakit sa Mata pa Sana sa tenga nlg o ung natatago ko, minsan na ngangarap ako na Sana mapaayus ko Yung Mata ko, un lang tlga Ang wish ko sa buhay ko,
Same nakakaiyak lang kase kahit hindi ikaw yung pinaguusapan at nagbibiruan kapag naririning ko yung word na duling or banlag ang sakit sa feeling😢
I’m 21 na po and still got bully 😢
ramdam na ramdam ko to hanggang ngayon for almost 25 years😢😢😢😢😢
Patagilid alo tumingin pero hindi po talaga ako nakakakita sa malayo kaylangan subrang lapit halos dikit na sa muka ko yung papel kapag nag sulat hirap my school so I stop
I feel you my friend. May pamangkin akong ganito laging nabubully . At dahil sa video na to, hopefully next year mapaopera na din namin ung mata niya... Laban lang.
Appreciated vlog po. Thank you po sa encourage sa mga tao. An yes isa ako don katulad mo di lang halata hehez. Keep it up. Godbles and more vlogs papo 😘
Thank you din Ann, Just be positive. Okay? 😊
Same lang po tau ng narasan ser kevin sence na maliit pakonhanganag x nag aral na wlang arw2x na D aq tinutukso mg mga kaklase at mga taong nakkakita skn gaya mo maiiyak lamg aq x sama ng loob Exotropia skn 😭😭😭 subra 26 nko ngaun at etong nakaraang arw lang den aq ni surgery sa aawa ng nsa itaas tunupad nia ang pinaka matagal konamg parangap ang maayus ang mata ko wlanG skingskit ung arw2x kang sinasabiahan ng duling😭😭😭
Naiiyak ako 😢 feel ko to simula elem until hs ko dami nag sasabi "san ka nakatingin" yun word na ganon palang ang sakit na matik naiwas na agad ako nahihiya nako makipag usapa , tas naranasan ko din bullyhin talaga .. im 29 yrs old now maayos pa po kaya hanggang ngayon praying padin ako sana maayos pa kase nakaka wala talaga confindece 😢 diko ako maka straight ng tingin sa kausap ko o kahit nag lalakad ako always ako nayuko ..
I know your feelings kuya it's really hurt talaga. Sa akin nga din hanggang ngayon nangyayari pa rin hiyang hiya na nga ako eh kaya every na lang na may pinupuntahan ako nakayuko na lang ako. Since elementary kuya lagi nila akong tinatanong kung ilang daw yun ganun sakit sa feeling kuya.😭😭😭😭
Laban lang, MJ! My mga options tho surgery ang natry ko.
Boss🍺
Ako din banlag. Since nung bata pa ako at nag.aaral. after college na ako nagpa.tingin sa mata ko dahil d ko na ma.control ang pareho kong mata after sinubukan ko ang welding. Pero dun ako nagka.ideya na comportable pala mata ko kapag may salamin, ...so dun na nag.start gumamit ako ng salamin yun nga lang sa katagalan ay sumasakit kaya nagpunta ako ng maynila para mag.hingi ng tulong.
Nagkonsulta ako sa ideal vision sa SM Bicutan para sana maganda salamin ko, tas napansin nga ni Doc. Ruiz na mata ko nga daw napsok yung isa kong mata tas yung isa lumalabas...so nag.advice sya na kung gusto ko pa talaga magpa.tingin sa mata ay pumunta ako sa eye clinic para matingnan...
2018 sa east avenue, lung center nakita ko EYE CENTER ang balita ko pa ay libre...lalo ako nabuhayan....bumalik ako kahit magastos pamasahe mula Laguna..yun nga na.check ang mata ko. Sa una wala sila makita na problema sa aking mata baka pagod lang daw, pero pinagawan pa din ako ng salamin every 6 months ang balik...mas ok na mata ko na sila ang nagsukat kasi hindi na nasakit ang mata ko kapag nagsosot ako ng salamin...Evwry 6 months ang balik ko, nahinto lang noong 2020 pandemic...nakabalik na ako 2023... Ang problema d ko na kilala ang doctor na nag.susukat ng salamin ko, kaya balik nanaman ako after six months para tingnan ulit, ang salamin ko sa mata ay mula pa noong kalagitnaan ng 2019...minsan sumasakit mata ko...
Kaya malaking bagay na may nirecommend na doctor si Kevin...sana mag.update pa rin sya at gumawa ng vlog na marami... At anu na kaya nangyari sa GC nya guto ko pa naman sana sumali...iyon lang...
theory?... marami ako theory dati kung bakit ganito na banlag ang mata ko...gaya halimbawa ,masilaw tas pinaglalaruan ko ang paningin ng mata ko...pero ang pinaka malaking CHANCE na naapektuhan ang mata ko ay dahil sa panonood ko ng TV noong bata pa ako at hindi pa nag.aaral...dahil base sa pagkaka.alala ko...dati kc kapag tapos na ang news pinapatualog na kami, eh kaso may teleserye, tas yung
Dingding namin sa kwarto ay tagpi tagpi lang, kaya kapag nanood ako ng sumisilip ako...yung kaliwa kong mata-yun ang pumapasok dahil yung tv sa baba ay nasa gawing kanan ko...at kapag napagod na ang kaliwa kong mata ay ang kanan mata ko naman ginagamit kaya ang nangyari lumalabas ang kanang mata ko...
2024 ngayun ang ginagawa ko nagsesearch ako sa youtube ng mga effective eye exercise...ang iba pamparelax ang iba focus...tsaka search din ako kung anu strabismus...panu ang proper pencil push-up...dapat center ang pencil kc sakin nahihila ng kanan kong kamay ang pencil papunta sa kanan kong kamay imbes sa gitna...kaya ginagawa ko nakaharap ako sa salamin para sure ako na ang lapis ay sa pagitan ng dalawa kong mata para pareho dalawa mata ko gumagana...
Tas gumagamit din ako ng brock string pero ganun din nakaharap ako sa salamin para ang ang string talaga ay nasa gitna , pagitan ng dalawa kong mata...
Nag.share sya grabe kaya nag.share din ako...pero pupunta din ako sa sa sto tomas hospital para ipa.atingin ko mata ko p
.
Gd ev po! Sir Kevin aq po ay my strabismus din.pero po hndi nman sya masyadong malala.hndi KC e2 inborn. Ngkasakit lng aq ng grabbing lagnat non 1yrs old plang aq. Alam nio po ba kung ano po Ang treatment o exercises Ang dapt kung gawin.para po mawala po e2. Mhirap lng po aq hndi q po Kaya mgpa opera po..
same here po Hindi ito inborn nagkasakit lang din po ako
Ako dn kuya may ganyang kondisyon lagi ako nabubully pero kinakaya ko may mga nagsasabi dn na maganda ka sana kaso ganyan yang mata mo ,peRo ngayon sanay na ako at alam ko ung mga taong mapanghusga babalik dn sa kanila mga cnasabi nila dont lose hope kuya kaya mo yan magtiwala ka lang kay god malalagpasan mo yan
I salute your bravery Sharmaine! Sana maging inspirayson ka sa lahat! ❤
I feel you po ..When I was elementary palagi akong binubully😭😭😭
I really felt your pain Kuya Kevin. :( May strabismus isothermia rin ako in my left eye. Grabehhh, naiiyak ako sa content mong ito kasi halos lahat parehas tayo ng dinanas ang kaibahan nga lang ay wala kaming kakayahan magpaopera ng mata. Nanlumo ako nang sinabi mo na 'yong operation expense niyo ng magulang mo kasi alam ko sa sarili ko na malayong magkaroon kami ng ganiyang halaga ng pera kasi mahirap lang kami. Ultimo pambili lang ng eyeglass ay wala kaming kakayahan. I am so proud to you Kuya Kevin na nakawala ka na sa ultimate problem/burden sa mga katulad nating may ganitong kapansanan. I am so happy na nagkaroon ka ng content o ang lakas ng loob mo mag-open up through your vlog tungkol sa mga naranasan mo noon. Maraming salamat!!!
PS: Ano pong full ng doctor na nag-opera sa'yo?
Hello, Edrian. Laban lang 😊 you can check my other video sa charity. Dr. Catherine Macaraig
Hello Adrian. You may check Tzu chi Hospital. Check mo din YT channel ni Jay Nna. May vlog sya about sa Tzu chi. Foundation yun wala syang binayaran. Ang case nya is lazy eye din. Tzu chi hospital is located at Sta. Mesa Manila. Godbless you Edrian.
Legit po yung sakit sa pakiramdam lalo na kapag nilalait ako minsan. Ginagawa ko nalang pasok sa isang taynga labas sa kabilang taynga kasi di naman natin ginustong mangyari to eeh. Nakakawalang pag asa sa buhay yung mga pangarap ko diko na matutupad kasi isa sa mga pangarap ko ay maging sundalo. Unang una bawal ang may problema sa mata.. mahirap para sa mga kagaya ko na lazy eye
I am here watching you, and it makes me cry po, knowing na maeexperience to ng anak ko...Mas sobra ang sakit... I just noticed this sa knya lately...And I am just reseaching lung paano to pwedeng magamot😢😥
anyway i am 33 years old and this happen to me 3 days ago . possible ba mangyari to na hindi naman ako duling for 33 years taz bigla nalang ako magkaka problema na ganito ?
Thanks for sharing like me oo ,masakit kapag lagi tayung binubolly dahil sa mata na dolling 😓😓kagaya ko po Hanggang ngayun dala dala ko po ..
Relate kuya. This really hurt so much 😢💔
Ung naaccidente po ko sa motor. Nag ka fracture ako naapektuhan mata ko. Strabismus 6th nerve palsy. Naoperahan nko pero 1month na di p nagalaw pakaliwa. Need ko specialist sa nerve at muscle. Sana gumalaw na ulet mata ko 🙏
Yah hate that words to kaya tumigil ako sa pagaaral dahil sa mata ko hindi pa ako nakakakita sa malayo ikaw ba noon sa 18 year naka kita paba sa malayo
Alam ko yong feeling lagi lng akong umayak in school so I stop school I'm only grade 4
hello po this video really inspired,motivated and encourage me kalako wala ng sulosyon, naghihiwalay po ang isa kong mataaa or lazy eye
at bumalik din nmn peroo nasasabihan akong duling and i do really really hate that word too pooo sobrang bumabaon sa utak at puso kopo eung sakit then pagkinakausap ako minsan ayokong tumingin like "san ka nakatngin?"or titignan nila eung beside nila like pinahihiwatig na di nakitingin eung isa kong mata sa kanyaaaaa its hurt so bad then sasabihin pa ang ganda mo sa sanaaa sobrang pwede ka sa pageants kaso duling ka nakakababa talaga ng confidence lalo na 13 years old palang pu ako u really made me cry po kasee sobrang related ako
Aww Thank you Lujille. Laban lang okay? Maayos din ang lahat. 😊
My boyfriend always bullied me sana maayos pa ang mata ko😞😞😞😞
Please share the charity org please.
Ganan din po eyes ko sobrang sakit talaga marinig yung word na dul*ng😢pero normal naman po ang paningin ko thanks pa din kay lord kasi po di nag dodoble yung paningin ko. Ang akala kasi ng mga nakakakita saken doble paningin ko😢
Andito po ako ngayun sa manila for eye surgery pls suggest kayu ng affordable na hospital🙏
Thank you po sa pag share.meron po aq ank 3 taon pa lng po .masakit sa pkiramdam n bilang Isang ina.ay naririnig mong sabihAn Ang ank mo na duling.😭😭😭😭
Same po sa ank ko si dr. Catherine din po ang doc. Nya sa ngayon po pina eye glass muna sya sna maalis nrin po sa ank ko soon hirap pg nasasabihan sya duling kahit hndi nmn po sya duling
Same poo tayu kuya 😊 hirap po talaga ng ganitong kalagayan kase nakawalang gana lumabas ng bahay madalas din po akong Absent kase sa mga classmate kung mga bully Gusto ko man mag pa opera Wala pa akong budget kaya ito ako ngayun nag titiis
Hi Tuan, there is a charity you can try. Watch my other video. 😊 Laban lanh Tuan!
Hi ngayon ko lang ito napanuod. and im related with ur conditions i hope u will recognize my comment.
I felt of all the pain whenever they call me 'duling' and everything 😔😥
Same tayo ganyan din yung eyes ko and nawawalan ng self confidence minsan.
Hello po strabismus po ang eye condition ko but nag start cia since birth n may catarata... After ng operation ko... Successful po ung operation nawala po ung cataract.... After years... Naging strabismus po.... Cia...
Now po s age pong 37..kaya p po bang maayus ung eye condition ko.. Thnx po..
Exotropia po yung akin ayoko rin po na nakakarinig ng duling dahil masakit po kase naaasar po ako kapag na babanggit na po yung salitang yun!
Laban lng Charoen, maayos din lahat! 😊
same po tayo.. 😢😢
Hi po,ganun po ung anak Kong 5 yrs.old,Meron po xang strabismus eye,ung kanan nyo po,tpos page sa malayo po,hirap na po xang makakita,last week galing kmi ng hospital,Sabi ng doktor,need dw po ng anak ko na maoperahan mata nya.eh wla pa po kmi pera.
It really hurts, actually di ako totally duling, nasstraight ko pa siya pero malabo mata ko masakit makarinig ng tukso sa ibang tao, prang di tayo normal. nakakadown 😢
I pray din na mahanap ko solusyon ng pagkabanlang ng isang eye ng anak ko
Same po tau condition sir,I hope na Sana may makakausap ako sa condition ko aukong mag open up sa IBA kc sobrang shy po ako gusto ko ung same ko para same nakakarelate
Kaya pa kaya matanggal pagkaduling kaht 35yrs old.
Same lods kso sakin yong kabilang mata di na nakakakita nalamog kc ito di ko rin ma mapa check up kya na ging katarata kya ngayon nag flix na sya subrng longkot lods wlang saya puro nlng lungkot
Hello po kuya I have that condition but mind is exotropia at guto ko po Sana mag patingin sa doctor. Because I want my confidence back lalo sa school kasi po nakakawala po talaga sya nang conference po kuya.tanong lng po kong paano nyo sya na itama
Good job sir..Sana Aku din maoperahan din
Masakit talaga pag sinasabi yung Word na Duling. 😭 yung asawa ko banlad need din operation pero sobrang gwapo ng asawa ko. ♥️
ramdam ko yung sakit sir may condition din ako na ganyan palabas naman po yung left eye ko, mnsan nawawalan na ako ng pag asa dahil wala nman ako pampaopera at may pamilya n din ako na kelangan ko buhayin,kapit lng ako sa panginoon kung ano yung plano nya sakin
nandito ako dahil nakakaramdam ako ng pagkaduling , ayaw sumabay ng kaliwang mata ko sa movement ng kanan
Hai Po Good Noon , Ako Din Po Duling ever sence until now Binubully Po talaga Ako dahil Po sa kapansanan ko , May katarata Kasi ako , When I was a baby , At sira na daw Ang retina ko dahil Sa katagalan , Binato Kasi mata ko ehh a noong maliit pa Ako Huhuhu Gusto ko din sana Makakita at Maging normal Ang mata ko , Pro Wala akong Pera 😭😭 Gusto ko sana na Maging Normal
Hello po, we have the same condition po. Ask ko lang nung dikapa na surgery yung vision nyo po maganda ba? Or hindi ba malabo? Both eyes? After ilang years po, okay padin po ba yung surgery? Sana masagot po salamat 😊
sir good evening po,need ko po Sana humingi Ng advice Kung saan po mas mainam magpagamit.occidental mindoro po ako sir.
Happy for you kuya!!
Thank you Soshi!
ngayon ko lang to napanuod sir ako po mag 31 years old na po ako ,nung 24 years old ako naoperahan po ako kaso hndi na luminaw yung left eye ko cataract po yun,may lazy eye po ako sir, palabas po yung left eye ko ,mnsan naiisip ko rin na kung pano ko to mapapa opera, pamilyado na rin ako kaya wala ako budget sa operation,hndi ko rin alam kung lilinaw pa yung left eye ko. sana balang araw makapagpa opera din ako gaya niyo sir😊
Same tyo sir
Kapag napapagod ako nangduduling yung mata ko. Pero kapag hindi lalo na kapag malamig ay hindi naman nangduduling.
Salamat sir sa magandang video
Paano Po mahirap Po Ako gusto ko Po gumaling Isa Po Ako sa lazy eye please 🙏🙏🙏 tulungan niyo Po Ako gusto ko maayos Ang mata ko kc hirap Ako mag apply Ng trabaho dahil sa mata ko
Yes ang sakit para sakin na na bubully anak ko eye condition din..