Paano Gamitin ang Unigrow Soil Condtioner

Поділитися
Вставка
  • Опубліковано 3 лют 2025
  • Paraan sa paggamit ng Unigrow Soil Conditioner. Ang isang sachet ng Unigrow Soil Conditioner ay may laman na 20gms. Ito ay ihahalo sa 50-60 liters na malinis na tubig, walang chlorine. Upang mas masiguro ang pagka lusaw ng Unigrow powder sa tubig, maghanda ng tatlong takal na tubig, gamit ang anumang uri ng lata ng sardinas. Ihalo ang Unigrow at tatlong takal ng tubig sa isang plastic na bote at alugin ng maigi. Siguraduhin na maayos ang pagkalusaw ng polbo ng Unigrow. Pagkatapos malusaw, itabi muna ng 30 minuto hanggang 1 hour upang masiguro ang pagka buhay ng mga bakterya. Pagkalipas ng isang oras, kumuha ng isang takal ng Unigrow mixture mula sa plastic na bote na pinag-haluan at ibuhos sa isang balde na may laman na tubig na may dami na 20 liters. Ito ay sapat na para sa isang load o karga na knapsack sprayer. Siguraduhin lang po na malinis ang knapsack sprayer. Para sa mga pananim na kakatanim lang, mas mainam ang pag spray ng Unigrow sa puno na may sukat na isang baso bawat buhos. Kung may natitira pang Unigrow mixture, maari itong i-spray ng pahapyaw sa mga dahon. Ang Unigrow ay dapat gamitin sa ika 7 days to 10 days mula transplanting (lipat tanim) or seeding (sabog tanim). Paalala lang po, kung gumamit ng kemikal na pataba o pestisido, maglaan ng 7 hanggang 10 days na pagitan bago mag spray ng Unigrow. Hindi po pwede pagsabayin ang Unigrow sa mga kemikal na pataba. Ang isang sachet ng Unigrow ay katumbas ng tatlong load ng knapsack sprayer. Ang pag spray po ng Unigrow ay mas maganda gawin sa umaga (5am to 9am) o sa hapon (4pm to 6pm). Iwasan po ang pag spray nito kung mataas na ang araw.

КОМЕНТАРІ •