@@pinoydiytv120 idol meron kabang video ilang bakal at anong sizes ang need sa flooring po. Please para ma complete kona tong details ng flooring ko salamat God bless❤
Sir tanong kolang po. Yung. 192 ano po iyan sa po kinuha iyan formula poba iyan. At my kulang pa dapat pa liwanag morin po yung dami ng tubig.. Salamat
Sorry sa late reply mejo busy lang.Kung 5 sq.meter ito ang Quantity: Ang ratio mo dapat ay 1:2:4, ibig sabihin 1 semento 2 sako ng buhangin at 4 na sako ng gravel.dapat ang magagamit mo lang ay 4.5 bags ng cement kaso syempre gagawin mo ng limang sako yan. *Cement- 4.5 bags *Sand - 9 sacks ( use cement sacks) * Gravel - 18 sacks ( Use also cement sacks)
Sir naka subscribe nako salamat sa kaalaman na ito magagamit ko tlga ito. Tanong ko po sana paano mag stimate ng cemento,buhangin at adhesive na magagamit sa 60sqm. At may thickness mortar na 1 or 2 salamat Po zana masagot
Sir salmat sa shared video mo ask ko sana sir dto sa amin probinsya mix gravel na ginagamit bihira ang cruser stone. ano kaya ang magandang mixture nya? Sana masagot mo sir
Yun ba yung mixed ba ang sand batong maliliit..Kapag ganun, 1 bag ng semento at 6 na bags ng mixed sand,kung gusto mo naman ng mejo matapang gawin mo lang 5 bags ng mixed sand..salamat ka DIY sana makatulong sayo ang sagot ko..😀
Boss. Mag papa compute na 24sqm . Plano namin ay 1st flr muna mga 8-10 ft tung taas. Tas next year is 2nd flr nman , then next2x yr is 3rd flr.. Pa compute po sa fist flr lng muna. Yung taas ng flooring nya po is mga 1.1ft. isam nalang po ung bim sa fist flrr lng na pag compute. Thanks please asap salamat.
Hello idol. Sa 4mx8m na flooring ng garahe ilang sako ng semento, ilang cubic ng gravel at buhangin magagamit. Maraming salamat po in advance sa inyong sagot.
Bale kung ang gagamitin mo ay CLASS A ( 1:2:4) ito ang magagamit mo sa 4m x 8m x 4 inches( kapal ng buhos) *Cement= 29 bags *Sand = 1.6 cu. mts. * Gravel= 3.2 cu. mts
Boss pwede mag pa compute yong terrace ko Kasi convert ko sa tindahan 1-1.54mx4m tapos gusto ko yong kapal mga 1-2 hallow blocks Kasi binabaha Dito sa Amin para di pasukin Ng baha.kailangan pa ba Ng panambak?salamat boss sa tugon.god bless
Kung 1.54 mts x 4 mts. ang dami ng semento ay 6 bags na may 4 inches na kapal ng flooring. Sa buhangin ay .308 cu.mts at sa graba eh .616 cu.mts. na may ratio & proportion na 1:2:4.Kailangan mo magtambak kung ganyan kataas tapos itatamper mo muna at basain ng tubig ang lupa bago umpisahang bakalan at buhusan..
Andun yun sa table ng video pwede mo sya i download para may guide ka.Bale multiplier yan ng 16mm. na kapal ng plaster na Class B. Para makuha mo ang quantity ng sementong magagamit mo kapag i minultiply mo yan kung ilang square meter ang pa plasteran mo..
Kung SOG ( Slab on Grade ), bale 45 pcs na 10 mm or 12 mm depende sa budget mo tapos ang spacing o bawat pagitan nya ay 40 cm. Kung mag dudugtong ka naman dahil 10 mts ang length mo at ang bakal mo eh 6 mts lang mag ooverlap ka ng 40 cm.
Good Day Sir regarding po sa Plastering nakalagay po sa computation mo po sa 15sqn is .24cu,meters of sand ano po yun yung regular sand na hindi pa bistay? Paano po kung binistay napo
Kapag pang palitada ang oorderin mong sand ay yung pure sand talaga at hindi mixed sand,bistayin mo man konti lang ang mababawas sa pure sand.Yang formula natin ay ginawa ng mga ekspertong architects at engineers,kasama na jan ang mga waste o mga sumobra na hindi na nagamit.Wala ka naman kasing mabibiling sand per cubic meter na bistay na,meron per sako.Pero depende parin sa hardware na bibilhan kung available yung bistay na per sako..
Sir coment again po ako May mag patanong Yong 30x25 slab floring square meter Na house ilan bakal at ilan cemento at ilan cubic graba magagamit daw ?God bless
@@tansp4310 Sorry sa late reply mejo busy lang sa trabaho..Yung 30 ft x 25 ft na sukat kung iko convert sa meters ay lalabas na 9.144 mts x 7 62 mts. Ang magagamit na bakal jan kung Slab on Grade ( SOG ) eh 64 pcs. Yung nga pinagputulan mo sa pagdugtong sa 9 mts. Pwede mo pa gamitin sa pagdugtong sa 7 mts. Dahil ang commercial length ng mga rebar sa hardware ay 6 mts. Kaya may mga dugtungan ka..Sa cement naman bale 63 bags of cement 40 kg. Tapis sa buhangin 3.5 cu mts. At sa gravel eh 7 cu mts. Basta Class A ( 1:2:4 ) ang gagamitin na ratio & proportion..
@@pinoydiytv120 sir pa estemate nga ng slab 5at meters slab.ilang bag na cemento ang magagamit. Anim ang poste .plus cross beam. Ang sukat ng poste ay 20x30 simula footing hanngang slab po .ilng
Pwede kang gumamit ng class B sa flooring kung talagang low budget ka,pero kung meron ka naman budget mas matibay mas maganda,syempre dinadalaw din tayo ng lindol diba,mas matibay mas matibay sa bitak,pero tulad ng sinabi ko depende na yan sa budget mo.Thanks ka DIY..Pls. share to your friends mga videos ko para makatulong din sa kanila at suporta din sa channel ko..😊😊😊
Hello idol. Tanong ko lang idol yun bang graba at sand kapag hu 1 cubic mga ilang sako po kaya kapag nakalagay sa sako ng semento? Thanks po sa sagot. Godblesa
Kasi po sabi dito samen yung 1 cubic ng sand ay nasa 25 sako(sako ng cement) at ganun din daw po sa graba 25 sako din (sako ng cement).. Ngayon po kung Class AA 1:1.5;3 Area 20 sq.m =Cement 24 bags =Sand 1 cubic or 25 sako =Graba 2 cubic or 50 sako Sand 1.5 × 24 bags cement =36 bags of sand or 1.44 cubic Gravel 3 × 24 bags cement =72 bags of sand or 2.88 cubic Idol nagtataka lang ako sa mixture hindi po ba kulang yung sand at graba? Or kung susundin yung sand na 1cubic at gravel na 2 cubic parang sobra naman po yung number of bags ng cement kung suaundin natin yung 1:1.5;3? Sana mapansin mo idol. Nalilito kasi ako. Lalo nat magpapa flooring ako ng grahe ko idol. Thank you po godbless
Ang kakalabasan kc ng i cubic na buhangin kung isasako mo nasa 26 sako,ngayun kung ipapang flooring mo lang yan hindi na mababawasan ang 26 sako pero kung bibistayin mo yan mababawasan pa yan 2 hanggang 3 sako.
Boss tanong ko lang yong class AA ang ratio is 1 : 1.5 : 3 ibig sabihin 1 cement 1.5 sand and 3 gravel so sa example mo na 20 square meter ay 24 bags of cement ang kailangan so ibig sabihin ang kailangan na sand ay 1 cubic meter tapos 2 cubic meter ang gravel tama poh ba?
Oo kc kapag kinuha mo ang volume nyan sa kapal na 10 cm o .10 mts lalabas na 2 cu.mts ang volume mo. So ang gravel mo eh 2 cu.mts at 1 cu. mt. Ang sand.kung Class double AA mas maigsi ang mabuhuhusan nya dahil ang ratio nya eh 1.5 bags of sand sya at 3 gravel hindi tulad sa sa Clas A na every 1 bag of cement ay meron syang ratio na 2 bags of sand at 4 bags na gravel kaya mas mahaba ang itatakbo ng buhos nya. Kung wala ka kc sukatan na 1 cu.ft na gawa sa kahoy pwede na ang 1 empty bag ng cement equivalent na yan sa 1 cu.ft basta ang level ng buhangin o gravel na ilalagay mo sa sako eh yung eksktong may mahawakan ka lang sa ibabaw ng sako hindi naman yung punung puno sya.
Sir saan nanggaling Ang 12.0 pag class AA poba yang Ang imultiply mo sa vulolune na nakuna mo,for example is 10×9 Ang area 90 square meters 90×O.10 Yong kapal ng slab sample lang po 9 cubic meters so 12.0 ×9 =108 bags Ganon poba.tnz
Oo tama yang procedure mo,basta i screen shot mo lang ang dalawang table sa video ko dahil jan ka babase.Yung isang table sa Class mix & Proportion at yung isa para sa quantity ng cement,sand & gravel..Balikan mo lang ang video ko kung may na miss ka na explanation basta ang pinaka guide mo yung table hindi ka na maliligaw..Keep on watching sa mga videos ko ka DIY and thanks..
Sa experience mo sir sa plastering ang 3 bags na cement ilan balde ng buhangin ang kada isang sement. Ano ratio ng cement at sand. Halimbawa 1 cement is to ? Sand?
Sa isang bag ng semento na 40 kg, 2 bags ng buhangin na binistay, matibay na yan lalo kapag ang wall mo na papalitadahan ay laging naaarawan at nauulanan o yung nasa exterior.Thanks ka DIY,keep watching my videos.😊
Sir ask ko lng baka kasi mali pagkakaintindi ko... sa unang table po na pinakita natin, meron po tayong mixture ratio example sa class A na 1:2:4, pero sa other column may value na po agad na 40kg for the cement.. ibig sabihin po ba nun pag kumuha ako ng 40kg cement lumalabas po sya ng total of 9 bags ? sorry na confuse lng
Depend kc sa volume na makukuha mo dun sa i slab mo,kung ang volume mo lang ay 1 cu. meter multiply by 9 yan yung cement na magagamit mo sa 1 cu. meter.Ang table na yan ay ginawa din ng mga expert..Ang 9 na nakikita mo sa table kasama pa ng ibang mga class eh multiplier yan..Kung 2 cu.mts ang na compute mo sa slab mo na bubuhusan tapos multiply by 9 kung CLASS A ang gagamitin mong mixture and proportion,so 2 cu.mts x 9= 18 bags of cement. Ang oagkuha kc ng volume ay L X W X H ( thickness )= VOLUME..Salamat sa tanong ka DIY..😀
Pag sa Slab on ground( SOG ),Ang spacing ng bakal mo ay 30 cm.ang iba ginagawang 40 cm. Both ways or paayon at pahalang.sa width madali mo ng ma compute i divide mo lang ang dimension mo sa width sà 30 cm. Kuha mo na kung ilang pirasong bakal ang paayon.Pag sa length naman ang commercial length kc ng bakal eh 6 mts. Kung lalagpas naman aabot ng 6 mts ang flooring mo obligado ka magdugtong basta ang lapping length mo ay diameter ng bakal multiply mo sa 40 cm.halimbawa 12 mm ang bakal mo multiply mo sa 12 mm kaya ang lapping length mo o overlap ng dugtong mo eh,480 mm.o pwede mo gawing 500 mm or katumbas ng 50 cm. Kung suspended slab naman yung sa 2ng floor ang spacing ng bakal mo jan eh 15 cm. Mas masinsin na sya kc mabigat na load na ang dadalhin nya at naka suspend pa sya.
@@pinoydiytv120 maraming salamat po sir .. malaki po ang itulong neo sa amin na baguhan palang sa constraction po .. god bless po sir maraming salamat po ulit ..
Sir may tanong lang ako halimbawa isang sako na cemento ang gagamitin ko tapus ang mix racio na gagamitin ko ay 123 paano i calculate sir diba sa mixture na 123 ay 9 bags of cement paano sir hindi ko gagamin ang 9 bags of cement racio pls explain
Bale yung multiplier na x 9 eh para sa 1:2:4 yun..bale Class A yun.Yung Class AA ay may ratio na 1: 1.5 : 3 ang mulriplier naman nya ay x 12..Salamat sa tanong ka DIY. I screen shot mo lang ang table dun sa video para sa ratio and proportion ng mortar para may guide ka kung ano ang prefer mong gamitin na ratio and proportion..
Sir kung ang area na buhusan ko ay ang area na 10 inches ang haba 6 inches ang lapad 4 inches ang kapal tapus dalawang area to ang ginagamit ko na ratio ay 124 anong multiplier ang gagamitin ko sir
Kung pang back fill o pang tambak,yan eh lalabas na 22.275 cu.mts or let say 23 cu. mts. kc itatamper pa yun..mejo mataas kc ang tambak mo na .90 mts 10 cm. Na lang i meter na.Kung babalikan mo ang video ko ang pag compute ng cu. mts ay L x W x H, kaya 4.5 mts. x 5.5 mts x .90 mts.
Kung 5 x 6 na slab at may kapal na 10 cm. ( 4 inches ) ang slab mo,bale ang volume nyan ay 3 cu. Meters kaya kung ang gagamitin mong mixture & proportion ay CLASS A, kaya ang 9 na constant formula sa table natin ay imu multiply mo sa nakuha nating volume na 3 cu. mts. Kaya ang semento mong magagamit ay 27 bags,1.5 cu.mts ( sand ), 3 cu.mts. ( gravel )..gusto ko lang malaman kung slab on ground ( SOG ) o suspended slab ang ang gagawin mo at yung overlap ba na sinasabi mo eh para sa terrace?
Nakita mi ba ang tabke boss,dun nakalagay na kung anumang ang nakuha mong cu.mts sa bubuhusan mo halimbawa 2 cu.meters, i multiply mo sa .50 para sa dami ng buhangin mo at para naman sa graba multiply mo lang sa 1.0 kaya ang buhangin mo 1 cu.meter at ang graba mo 2 cu. Meters..Subok ko na yan ka diy..Ang pag kuha ng cu.meters eh i multiply mo lang ang haba, lapad at kapal ng bubuhusan mo ( LxWxH ) Kung Class A ang gagamitin mo multiply mo lang sa 9 sa makukuha mong cu. Meters.
Sir paano ang gagamitin na ratio is 1:4 isang cemento at 4 na buhangin pwede ba an 8.0 gamitin para sa semento para mkuha ang bilang na magagamit na semento
Sa Class AA : 12 bags ( cement 40 kg ), .50 cu mts ( sand ), 1.0 cu mts ( gravel ) Sa Class A naman : 9 bags( cement ),.50 cu.mts.( sand ), 1.0 cu. mts ( gravel )..para sa 1 cubic meter lahat yan,kung para sa 2 cubic meters naman i multiply mo lang sa 2 lahat ng quantity.Balikan mo lang ang video ko at andun ang table para jan i screen shot mo lang sya para may referrence ka.Thanks ka DIY,keep on watching sa mga tutorial videos natin..😁
Kung 11 meters x 20 meters tapos ang kapal ng buhos mo ay .10( 4ninches ) or 10 centimeter ganito ang computatikn nyan: 11 x 20=220 sq.m 220 sq.m x .10 ( thickness of concrete = 22 cubic meters = 22 (cu.m) × 9 ( Class " A " multiplier) = 198 ( bags of cement) = 22 cu.m ( gravel ) = 11 cu.m ( sand ) Pero advice ko sayo kalahati muna ng quantity ang orderin mo just to make sure.Thanks ka DIY,share lang sa mga friends mo para support lang sa channel ko,God bless..😊
Panoorin mo lang ang video tapos i screen shot mo lang ang table jan ng ratio & proportion ng mortar..Pero wag mo kakalimutan mag subscribe like & share ha..😁
Kung ang concrete mixture mo jan sa slab on ground ( SOG ) ay Class A, ang slab mo sa 2nd floor pwede mong gawing Class AA kung may budget ka naman. May table ako jan sa Video para sa concrete mixture as a multiplier mo kapag nskuha mo na ang volume ng slab mo
Kung ang ibig mong sabihin ay 12 square meters,bale imu multiply mo sa .076 ( 3 inches ) ang lalabas na Volume eh .912 cu meters.Sa table natin ang multiplier ng Class A ( 1:2:4 ) ay 9 kaya ang bilang ng semento mo sa 12 square meters na may kapal na 3 inches ay 8.208 or 9 bags at sa gravel ay .9 cu.meters at sa buhangin ay .45 cu.meters.Thanks pls subscribe lang mga ka DIY
@@pinoydiytv120 boss sana masagut m tanong K ilan ang bakal at semento na magagamit sa slab sa Second floor 6x8meter ang sukat matagal K na ito tinatanong sa iba Pro ayaw nila sagutin
@@benmacnew4820 sa suspended slab kc ka DIY, ang spacing ng bakal ay dapat 15 cm.( 150 mm ),kaya yung 6 meters mo kapag ikinonvert mo sa cm. ang resulta eh 600 cm. kaya i divide mo lang ka DIY 600 cm ÷ 15 cm. =40 pcs. na 12 mm × 6 mts. ( commercial length )..sa 8 meters naman na length ng slab magiging 800 cm. yan kaya, 800÷15= 53 pcs. + 250 cm. na pang splice kc hanggang 6 mts. lang ang commercial length so para makumpleto mo ang 8 mts kailangan mo mag dugtong ng 2 mts plus 50 cm. na pang splice kaya ang magiging suma ng bakal mo para sa 8 mts. Na length eh 75 pcs. na 12 mm × 6 mts. Kaya ang total ng bakal mo eh 40 pcs. + 75 pcs. = 115 pcs na 12 mm × 6 mts.mejo mahal kaso ang pinag uusapan natin jan eh ang durability kc nga suspended slab sya.Alternate nga pala ang pag splice, kung nag spluce ka dito sa dulo ang susunod eh sa kabila naman ang splice o dugtong na may lapping na 50 cm.
Ok boss,kaya naka indicate jan ang simple computation kc pwede na mismo ang magpapagawa ang mag bawas kung ilang bintana at pintuan ang ibabawas nya,halimbawa,ang main entrance door mo ang mason opening eh 2.1 meters (210 cm.) by 1.1 meters.bale 2.31 sq. meters agad yan multiply lang sa 12.5 lalabas na 28.875 or 29 ang hollow blocks na maibabawas mo sa total computation mo sa isang pinto palang..pero hindi advisable na i eksakto mo kc kapag ang nabili mong hallow blocks eh marurupok at madaling masa sacrifice ang setting mo kc mapipilitan kang magdugtong ng mga basag basag..pero thanks sa comment boss and more power..
@@rodeliogenatilan832 manipis ang .05 m o 5 cm. Na thickness ng suspended slab.Ang minimum nyan eh 5 inches o 12.7 cm.Delikado yan kapag nagkaroon na ng load sa idagdag pa ang lindol..
Kung ilang cu. meters ang makuha mo sa slab na bubuhusan mo,yun ang cu. meters ng gravel at ang kalahati ng cu. meters ng gravel yun ang magiging cu. meters ng sand.Halimbawa ang na compute mong cu.meters ng slab mo ay 2 cu. meters,ang gravel mo ay 2 cu. meters at ang sand mo naman ay 1 cu. meter lang..Andun sa video ko kung paano kunin ang cubic meters.Salamat ka DIY share mo din sa mga frends mo para matulungan din sila..😁
Dapat naka bistay na talaga ang buhangin bago ihalo sa semento kc kapag may bato bato pa kahit maliit lang kapag binuli mo ang palitada kakayod ang mga maliliit na bato.Ang bistay na tinatawag yung pagsasala ng buhangin para mahiwalay ang bato sa pamamagitan ng galvanized screen marami nyan sa harware basta sabihin mo pambistay..Thanks ka DIY,Subscribe lang sa channel nati para updated ka sa mga video ko pang ilalabas soon..😁
@@andrewenricotanrrt1875 oo kakasya yan may sobra pa nga yan basta ang orderin mong buhangin ay yung mejo pino na tapos bibistayin mo pa din kc may kasama pa din yung maliliit na bato. may tinatawag naman na mixed sand yun yung may kasama ng katamtamang laki ng bato ginagamit naman yun pag flooring para hindi na sila gumamit ng gravel para lang yun sa mga nagtitipid at bungallow type lang ang bahay.
boss, in this video, ur sample for Plasterng is 15 sq.m x 0.16 = 0.24 cu m. of SAND, ilang Bag of cement ba ang 0.24 cu.m? hirap yata bumili s hardware ng 0.24cu.m n buhangin, in most cases per Bag ung bentahan nila.. how do u convert Vol of mixture into Bag of Sand or gravel?
.24 cu. Meter na buhangin ay equivalent sa 8.5 na bag ng buhangin ( 1 cu.ft ),kaya gawin mo ng 9 bags..1 cu.ft kc o 1 bag o sako na nilagyan ng semento ay equivalent sa .0283 cu. meter kaya kapag idinivide mo ang 24 cu.meter sa .0283 ( 1 bag or sako ) ay lalabas na 8.45 kaya gawin mo ng 9 or 10 na sako mas maganda ang may sobra ng konti kc hindi maiiwasan ang mga waste..
Lets convert into cu.ft para accurate po naakuha nyo per bag of sand 1meter=3.28ft 1ft³=0.0283m³ Since 0.24cubic meter ang sand Therefore:👇 1ft³ is equivalent of 1bag or sack of empty cement... 0.24m³ × (3.28ft)³= 8.46 ft³ Sand: 8.46ft³ × 1bag/1ft³=8.46bags or 9 bags 0.24m³ ×1ft³/0.0283m³=8.48ft³ or bags Therefore 9 bags of Sand 30pesos/bag of sand × 9 bags = P270
Oo ka DIY, 1:3 ang ideal mixture sa pag plaster basta wag ka ng lumampas sa 15 mm ang kapal,pero dipende pa din yan sa pa plasteran mo kung hindi pantay ang asintada kailangan mong habulin ang lalim kaya mas maganda sa asintada palang mapantay mo na para hindi aksaya sa semento at buhangin..
Bale kung sa meters ang 5 inches ay .127 meters..Ganito kc yan kung gusto mo i convert ang inches sa meters,i multiply mo lang sa .0254 halimbawa 5 inches x .0254 = .127 meters..
Kung babalikan mo yung video,may table dun. Yung 12.0 at multiplier ng Class AA. Kapag nakuha mo na ang volume ng bubuhusan mo,Jan mo sya imu multiply para makuha mo ang dami ng sementong kailangan mo.kung Class A lang ang napili mong Mixture & Proportion, i multiply mo lang ang volume sa 9 (x9)..Ang pagkuha ng volume ay lapad ng bubuhusan x haba ng bubuhusan x kapal ng bubuhusan ( L x W x H ).
Yung thickness ay .10 bale may decimal point sa unahan kc ang ,10 meters ay katumbas ng 4 inches o 10 centimeter..kaya bale ang kapal ng slab mo ay 4 inches kailangan kc i convert sa meters ang thickness para multiply dun sa formula sa table na makikita mo sa video ay cu.meters ang lalabas na sagot.Salamat sa tanong ka DIY subscribe like & share lang tayo..😁
Boss prang kulang pagdaying sa sand at gravel, Sa 10.5 x .15 = 1.575 x .50 =0.7875, wala pa 1 m3 sand, hahaha laki ng area 3m x 3.5m x .15m tas wala pa isang cubiko
Tanong ko lang,ano yung 10.5 mo,yan ba ang total ng area mo kc makukuha mo lang ang cubic meters kapag ang area mo iminultiply mo sa height ng bubuhusan mo.Ang resulta nun cubic meters yun ang imumultiply mo sa .50 para makuha mo ang dami ng buhangin.
Meron na tayong mix sand sa hardware yun yung buhangin na may halong maliliit na bato..Sa isang bag ng semento 6 na bag ng mix sand..Bale ang gagamitin mong panukat ng mixed sand ay yun ding walang laman na bag ng semento..
Yung 12 multiplier yun ng Class AA ( 1:1.5:3 )na mixture and proportion ng Mortar na ibubuhos sa slab. Kapag nakuha mo na kung ilang cubic meter ang buhuhusan mo i multiply mo lang ang 12 at makukuha mo na ang dami ng semento na kailangan mo.Para hindi ka malito balikan mo ang video at panuorin mo uli kung pano kunin kung ilang cubic meter ang bubuhusan mo at i screen shot mo ang table na inilagay ko dun para sa mixture & proportion..Yun yung kulay dilaw na table..
Kailangan natin ipaalam ang procedure tulad ng computation,kapag idinerekta mo agad sigurado may magtatanong kung saan nanggaling at kung papano nakuha ang quantity..Kailangan maintindihan ng viewers kung papano kinukuha ang volume dahil yan ang key para magamit mo ang formula sa table ng mixture and proportion.Anyway salamat sa concern mo ka DIY and God bless..
Sa slab mo lalabas na 1.68 cu.mts, ito ang magagamit mo: 16 bags- Cement ( 40 kg ) .84 cu.mts.- sand 1.68 cu.mts.- gravel Sa beam naman paikot: 11 bags- cement ( 40 kg ) .246 cu.mts - sand .492 cu.mts- gravel Wala pang cross beam yan,kung lalagyan mo madadagdagan pa ng quantity yan..
Multiplier yan para sa Class AA na mixture and proportion.Kapag nakuha mo na ang Volume ng bubuhusan mo imu multiply mo lang yan para makuha mo ang dami ng semento, buhangin at graba.Pwede mong balikan ang Video at i screen shot mo ang table dun para sa mixture and proportion.
Sir,meron sana akong i ask magpapa slab aq ng suspended slab bale terrace ang ibabaw, kusina sa baba 5.20 m x4.40 m x .10m/4" ilan po kayang sako ng semento Kse may beam din sya sa gitna sa dulo ng terrace at sa bothside ng 3 wall bale lima yong beam kasama pati don sa dulo ng pahaba na 5.20 m.ilan po kaya ang mga bakal at sukat na kailangan Cement? Sand? Gravel? D.B.? Class A lng sir..subscribe na kita..sana masagot mo sir salamat!
Dun sa sukat ng slab na pinadala mo na 5.2 mts x 4.4 mts x .10 ( 4" ) ito ang quantity: Cement - 21 bags Sand - 2.3 cu. mts. Gravel- 1.2 cu. mts. Kung maipapadala mo sana ang kahit sketch plan ng ipapagawa mo kasama ang beam at kung ano ang diameter ng beam maibibigay ko din sayo ang dami ng semento,gravel at sand pati size ng bakal.
Madali lang malaman ang magagastos basta ipakita mo lang ang listahan ng mga gamit sa hardware tulad nito; For 2 cu. meters na volume of flooring ( Class A ); bags of cement 40 kg- 18 bags 10 mm deformed bars ( steel bars )- 23 pcs. x 6 mts. Sand - 1 cu.meter Gravel - 2 cu. Meters Tie wire - half kilos
boss, sa 0.24 cu.m.= 9 bags of sand + 3 bags of cement = 12 bags of mixture (Sand & Cement) X 0.0283 ( vol. of 1bag) = 0.3396 cu.m , bat hindi equal sa 0.24 cu.m? wat is ur theoritical analysis to dis? hindi ba dapat ganito: bag of CEMENT + bag of SAND = 0.24 cu.m? tanong, how can u determine the number of bags for Cement & Sand?
Sorry hindi agad ako naka reply mejo busy eh..kung babalikan mo kc ang table natin sa plastering eh per sq. meter yun,ang per cu.mts ay sa slab kc may halong gravel yun..yung .24 na sinasabi mo ay para sa plastering na may kapal na 20 mm. So, halimbawa ang nakuha mo sa wall na paplasteran mo eh 20 sq. Meter imu multiply mo yun sa .240 or .24 kaya ang magiging sagot nyan eh 4.8 bags or 5 bags,ngayun kung ang gagamitin mo eh Class B ang magiging ratio nyan eh 1( cement ) : 2.5 hanggang 3 (sand )..kaya ang nakuha mong 5 bags multiply mo sa 3 kaya mangngailangan ka ng 15 bags of sand..wag mo ng isali ang cu. mts sa plastering kc may sariling table ang slab kc per cu. mts ang kwentahan jan..Andun din sa video ang table ng slab balikan mo lang..Salamat sa tanong..
Pero kung titingnan mo sa table ng Class & Mix proportion ang Class AA ay 1: 1.5 : 3 na may multiplier na 12,ibig sabihin ang 1 cubic meter ay 12 bags ba semento ang magagamit.
Hindi mo nakita sa video?Dun ka babase sa cubic meter na nakuha mo kung ilang cubic meter ang nakuha mo sa computation,i multiply mo sa .50 yan ang magiging cubic meter ng buhangin mo,sa gravel naman x1 lang..intindihin mo lang mabuti ang paliwanag sa video..
Pag slab ang 30 sq.meter,i multiply mo lang sa kapal na gusto mo,karamihan naman eh 4 inches (.10 meters) ang kapal ng flooring sa loob ng bahay kaya 30 sq.mts. x .10= 3 cu. mts. Kung Class A ang gagamitin mong mixture & proportion(see the table in the my video),ang multiplier nya ay 9 kaya 9x3 cu.mts ay 27 bags of cement,3 cu.mts na gravel at 1.5 cu.mts na sand..i screen shot mo lang ang table sa video at panuorin mo lang ulit kung may hindi ka naintindiha.Salamat ka DIY subscribe lang at i share sa mga friends para matuto din sila..
Good day po engr/sir,,, Ano po ba ang kaibahan ng ginagamit ng ibang engineers. Halimbawa, 1:2:4 yung concrete proportion, tapos yung volume ng concrete ay 6m³. Yung formula nila sa pagcompute ay, Cement= Dry volume x 36/sum of ratio = (6x1.54x36)/(1+2+4) =47.52 or 48 bags Samantala naman po kung katulad ho sa inyo, Cement= Volume x 36/mix proportion = (6x36)/4 =54 bags Kung ibabawas po 54-48= 6 bags talaga yung deperensya ng dalawa Tapos kung ko-kompyutin din yung mga buhangin at graba, magkalayo din po ang mga quantity nila Nalilito na rin po ako sir kung ano din po ang gagamitin ko eh kung actual na talaga
Yang sa mixture and proportion nung sa akin tested ko na yan kc hands on din ako sa paggagawa ng bahay,para maka sure ka i minus mo muna sa order yung sinasabi mong difference at kapag kinulang ka madali ng mag reorder ng kulang..nakakalito talaga pag marami tayong binabasehan mas maganda talaga ma actual experience natin ang consumption..Pero ang computation na binigay mo simplify na yan pwede mong gawing guide yan pero tulad ng sinabi ko kapag oorder ka ng quantity bawasan mo muna at pagnakita mo na sa actual ang takbo ng ibinuhos mo madali na ang reorder ng kulang kc ikaw mismo makikita mo na kung klang bag pa ang kulang..Salamat sa tanong ka DIY..😁
Para sa 6.1 x 13.4 at kapal na 4 inches at mixture na ( 1:2:4 ) Class "A" Cement = 63 bags Sand = 3 cu.mts Gravel= 6 cu.mts. Sundin mo lang ang sukat na: 1 bag = cement 2 bags= sand 4 bags= gravel Sand = 3 cu.mts
Anong ibig mong sabihin sa 1+2=3?..baka ang ibig mong sabihin eh 1:2:3 na mixture and proportion ng concrete..Tanong,may nakalagay ba sa table na 1:2:3? CLASS AA- 1: 1.5 : 3 CLASS A - 1: 2 : 4 CLASS B - 1 : 2.5 : 5 CLASS C - 1 : 3 : 6
Thank you bossing,napakalinaw ng yong tutorial,napakadaling unawain..good idea..
Salamat ka diy,paki share lang para marami tayong matulungan..😁
ayus sir. malaking tulong sa maliit na project namin. ngayon may reference na kami pag sa mga ganyang project. salamat po ng marami..
Currently my house is under renovation.... I use your videos as references and I save alot frankly.
The best and simple. Madaling makuha ang explanation ❤
Salamat idol my natutunan nman ako ngayon sau god bless.
Salamat po aa pag share mo..may natutunan po ako
salamat sa tutorial na ito...malaking tulong sa akin na magpapagawa ng bahay..maihahanda ko na ang lahat ng kakailanganin ko bago magpasimula..
Thanks its so helfull for me doing construction works❤
Thanks bro,paki share mo lang sa mga friends at followers mo para makatulong din sa kanila..😃
Salamat ng Marami sir
salamat sir nice content sir...
Salamat ka DIY,paki share mo na lang sa fb mo para makatulong din sa iba..😊
Good sharing Po mlking tulong sa akin kung Ilan cement Ang kailangan kung bilhen sa slab ko
Thanks, guide yan para sa mga gustong mag DIY,please subscribe,like & share..😁
so simple, thanks 👌👏
Salamat ka DIY,Paki Like & share mga videos ko para makatulong sa iba at suporta din sa channel ko.Thanks..😊
Thank sa tutorial vedeos
naga sucreive nako lods
Okey Boss mas mabilis kung naintindihan ang computation mo salamat..ganun lang paLa kabilis yun..
Hello idol. Pa help po sa 4x8meters na flooring ng garahe mga ilang sako ng cement, at ilang cubic ng gravel at buhangin ang magagamit. Tnx po
New subscriber boss
Nice one pare..malaking tulong.
Salamat pre,Subscrbe lang para suporta sa channel nato..😁
@@pinoydiytv120 idol ka DIY ano po multiplyer ng class B?
@@conie_chiwaofficial8727 Ang multiplier ng Class B ay .522
@@pinoydiytv120 idol meron kabang video ilang bakal at anong sizes ang need sa flooring po. Please para ma complete kona tong details ng flooring ko salamat God bless❤
@@pinoydiytv120 ilang steel bars po kaya ka DIY yong magagamit sa flooring ng 5m×6m? Please notice thank you
Maraming salamat boss.. Subscribed
Salamat boss naintindihan ko na
Sir tanong kolang po. Yung. 192 ano po iyan sa po kinuha iyan formula poba iyan. At my kulang pa dapat pa liwanag morin po yung dami ng tubig.. Salamat
Boss pa compute din po 5 sqm yun bubuhusan kung water tank pad tapos 4 inch yung kapal ilang semento gravel at sand magagamit
Sorry sa late reply mejo busy lang.Kung 5 sq.meter ito ang Quantity: Ang ratio mo dapat ay 1:2:4, ibig sabihin 1 semento 2 sako ng buhangin at 4 na sako ng gravel.dapat ang magagamit mo lang ay 4.5 bags ng cement kaso syempre gagawin mo ng limang sako yan.
*Cement- 4.5 bags
*Sand - 9 sacks ( use cement sacks)
* Gravel - 18 sacks ( Use also cement sacks)
Sir naka subscribe nako salamat sa kaalaman na ito magagamit ko tlga ito. Tanong ko po sana paano mag stimate ng cemento,buhangin at adhesive na magagamit sa 60sqm. At may thickness mortar na 1 or 2 salamat Po zana masagot
Thank you sir
Thank you sir.
Thanks boss
Salamat din ka DIY,Share mo lang mga videos ko para magkaroon din ng idea ang iba..God bless..😊
Sir salmat sa shared video mo ask ko sana sir dto sa amin probinsya mix gravel na ginagamit bihira ang cruser stone. ano kaya ang magandang mixture nya? Sana masagot mo sir
Yun ba yung mixed ba ang sand batong maliliit..Kapag ganun, 1 bag ng semento at 6 na bags ng mixed sand,kung gusto mo naman ng mejo matapang gawin mo lang 5 bags ng mixed sand..salamat ka DIY sana makatulong sayo ang sagot ko..😀
@@pinoydiytv120 salamat po sir sa info
Boss. Mag papa compute na 24sqm . Plano namin ay 1st flr muna mga 8-10 ft tung taas. Tas next year is 2nd flr nman , then next2x yr is 3rd flr.. Pa compute po sa fist flr lng muna. Yung taas ng flooring nya po is mga 1.1ft. isam nalang po ung bim sa fist flrr lng na pag compute. Thanks please asap salamat.
Hello idol. Sa 4mx8m na flooring ng garahe ilang sako ng semento, ilang cubic ng gravel at buhangin magagamit. Maraming salamat po in advance sa inyong sagot.
Bale kung ang gagamitin mo ay CLASS A ( 1:2:4) ito ang magagamit mo sa 4m x 8m x 4 inches( kapal ng buhos)
*Cement= 29 bags
*Sand = 1.6 cu. mts.
* Gravel= 3.2 cu. mts
Boss pwede mag pa compute yong terrace ko Kasi convert ko sa tindahan 1-1.54mx4m tapos gusto ko yong kapal mga 1-2 hallow blocks Kasi binabaha Dito sa Amin para di pasukin Ng baha.kailangan pa ba Ng panambak?salamat boss sa tugon.god bless
Kung 1.54 mts x 4 mts. ang dami ng semento ay 6 bags na may 4 inches na kapal ng flooring. Sa buhangin ay .308 cu.mts at sa graba eh .616 cu.mts. na may ratio & proportion na 1:2:4.Kailangan mo magtambak kung ganyan kataas tapos itatamper mo muna at basain ng tubig ang lupa bago umpisahang bakalan at buhusan..
if you want to achieve 3,00 PSI use Class B/ class C is 2,500 PSI only and is recommended use for palnt boxes or non critical areas. thanks.
Andun yun sa table ng video pwede mo sya i download para may guide ka.Bale multiplier yan ng 16mm. na kapal ng plaster na Class B. Para makuha mo ang quantity ng sementong magagamit mo kapag i minultiply mo yan kung ilang square meter ang pa plasteran mo..
Salamat boss
Panu mag 2 cubic mahaba na paliwanag Nayan...pwd an 20x,10 alam muna cement bag
Hi,new subscriber
Sir ilan bakal magagamit sa 10x4 Na slab?
Kung SOG ( Slab on Grade ), bale 45 pcs na 10 mm or 12 mm depende sa budget mo tapos ang spacing o bawat pagitan nya ay 40 cm. Kung mag dudugtong ka naman dahil 10 mts ang length mo at ang bakal mo eh 6 mts lang mag ooverlap ka ng 40 cm.
Thank u very much SA Feedback sir more subscriber comes to you.
Good Day Sir regarding po sa Plastering nakalagay po sa computation mo po sa 15sqn is .24cu,meters of sand ano po yun yung regular sand na hindi pa bistay? Paano po kung binistay napo
Kapag pang palitada ang oorderin mong sand ay yung pure sand talaga at hindi mixed sand,bistayin mo man konti lang ang mababawas sa pure sand.Yang formula natin ay ginawa ng mga ekspertong architects at engineers,kasama na jan ang mga waste o mga sumobra na hindi na nagamit.Wala ka naman kasing mabibiling sand per cubic meter na bistay na,meron per sako.Pero depende parin sa hardware na bibilhan kung available yung bistay na per sako..
Sir coment again po ako
May mag patanong Yong 30x25 slab floring square meter Na house ilan bakal at ilan cemento at ilan cubic graba magagamit daw ?God bless
Sigurado ka ba na meters ang sukat ng 30 x 25 o baka feet lang,kc yung 30 x 25 meters ay malaking bahay na yan bale 750 sq. meters yan..
@@pinoydiytv120 idol 30 x25feet daw 9poste .
@@tansp4310 Sorry sa late reply mejo busy lang sa trabaho..Yung 30 ft x 25 ft na sukat kung iko convert sa meters ay lalabas na 9.144 mts x 7 62 mts. Ang magagamit na bakal jan kung Slab on Grade ( SOG ) eh 64 pcs. Yung nga pinagputulan mo sa pagdugtong sa 9 mts. Pwede mo pa gamitin sa pagdugtong sa 7 mts. Dahil ang commercial length ng mga rebar sa hardware ay 6 mts. Kaya may mga dugtungan ka..Sa cement naman bale 63 bags of cement 40 kg. Tapis sa buhangin 3.5 cu mts. At sa gravel eh 7 cu mts. Basta Class A ( 1:2:4 ) ang gagamitin na ratio & proportion..
@@pinoydiytv120 maraming salamat idol PA subscriber ko mga friend ko sayo di ka madamot.more blessing and God bless....
@@tansp4310 Salamat,God bless..🙂
Bos ilang sakong cemento ang isang kobeco
@@romanmahinayjr6828 kung 1:2:4 ang ratio = 9 bags ( cement )
1:1.5:3 = 12 bags ( cement )
Thank you.. easy to understand .. 👍🙏
Salamat ka DIY,i share mo lang sa mga friends mo para makatulong din sa kanila,paki subscribe na din..😁
@@pinoydiytv120 sir pa estemate nga ng slab 5at meters slab.ilang bag na cemento ang magagamit. Anim ang poste .plus cross beam. Ang sukat ng poste ay 20x30 simula footing hanngang slab po .ilng
Sir ask lng kung pang bahay lng anong class ng ratio ggmitin? Tnx
Pwede kang gumamit ng class B sa flooring kung talagang low budget ka,pero kung meron ka naman budget mas matibay mas maganda,syempre dinadalaw din tayo ng lindol diba,mas matibay mas matibay sa bitak,pero tulad ng sinabi ko depende na yan sa budget mo.Thanks ka DIY..Pls. share to your friends mga videos ko para makatulong din sa kanila at suporta din sa channel ko..😊😊😊
Hello idol. Tanong ko lang idol yun bang graba at sand kapag hu 1 cubic mga ilang sako po kaya kapag nakalagay sa sako ng semento? Thanks po sa sagot. Godblesa
Kasi po sabi dito samen yung 1 cubic ng sand ay nasa 25 sako(sako ng cement) at ganun din daw po sa graba 25 sako din (sako ng cement)..
Ngayon po kung Class AA 1:1.5;3
Area 20 sq.m
=Cement 24 bags
=Sand 1 cubic or 25 sako
=Graba 2 cubic or 50 sako
Sand 1.5 × 24 bags cement
=36 bags of sand or 1.44 cubic
Gravel 3 × 24 bags cement
=72 bags of sand or 2.88 cubic
Idol nagtataka lang ako sa mixture hindi po ba kulang yung sand at graba? Or kung susundin yung sand na 1cubic at gravel na 2 cubic parang sobra naman po yung number of bags ng cement kung suaundin natin yung 1:1.5;3?
Sana mapansin mo idol. Nalilito kasi ako. Lalo nat magpapa flooring ako ng grahe ko idol. Thank you po godbless
Ang kakalabasan kc ng i cubic na buhangin kung isasako mo nasa 26 sako,ngayun kung ipapang flooring mo lang yan hindi na mababawasan ang 26 sako pero kung bibistayin mo yan mababawasan pa yan 2 hanggang 3 sako.
Kung garahe lang pwede na ang 1:2:4 na mixture..
@@pinoydiytv120 thank you idol
Boss tanong ko lang yong class AA ang ratio is
1 : 1.5 : 3 ibig sabihin 1 cement 1.5 sand and 3 gravel so sa example mo na 20 square meter ay 24 bags of cement ang kailangan so ibig sabihin ang kailangan na sand ay 1 cubic meter tapos 2 cubic meter ang gravel tama poh ba?
Oo kc kapag kinuha mo ang volume nyan sa kapal na 10 cm o .10 mts lalabas na 2 cu.mts ang volume mo. So ang gravel mo eh 2 cu.mts at 1 cu. mt. Ang sand.kung Class double AA mas maigsi ang mabuhuhusan nya dahil ang ratio nya eh 1.5 bags of sand sya at 3 gravel hindi tulad sa sa Clas A na every 1 bag of cement ay meron syang ratio na 2 bags of sand at 4 bags na gravel kaya mas mahaba ang itatakbo ng buhos nya. Kung wala ka kc sukatan na 1 cu.ft na gawa sa kahoy pwede na ang 1 empty bag ng cement equivalent na yan sa 1 cu.ft basta ang level ng buhangin o gravel na ilalagay mo sa sako eh yung eksktong may mahawakan ka lang sa ibabaw ng sako hindi naman yung punung puno sya.
sir pano pg flooring ng cattle pen, anong class po ng mixture? at ano pong size ng bakal ang ggamitin?
thanks alot for sharing .ive learned alot thanks
Sir saan nanggaling Ang 12.0 pag class AA poba yang Ang imultiply mo sa vulolune na nakuna mo,for example is 10×9 Ang area 90 square meters 90×O.10 Yong kapal ng slab sample lang po 9 cubic meters so 12.0 ×9 =108 bags Ganon poba.tnz
Oo tama yang procedure mo,basta i screen shot mo lang ang dalawang table sa video ko dahil jan ka babase.Yung isang table sa Class mix & Proportion at yung isa para sa quantity ng cement,sand & gravel..Balikan mo lang ang video ko kung may na miss ka na explanation basta ang pinaka guide mo yung table hindi ka na maliligaw..Keep on watching sa mga videos ko ka DIY and thanks..
Sa experience mo sir sa plastering ang 3 bags na cement ilan balde ng buhangin ang kada isang sement. Ano ratio ng cement at sand. Halimbawa 1 cement is to ? Sand?
Sa isang bag ng semento na 40 kg, 2 bags ng buhangin na binistay, matibay na yan lalo kapag ang wall mo na papalitadahan ay laging naaarawan at nauulanan o yung nasa exterior.Thanks ka DIY,keep watching my videos.😊
How about sir 1:3:4 po na ratio for flooring po okay lang ba?
Tatabang ang timpla ng Class A mixture and proportion mo kapag dinagdagan mo ng buhangin, Gawin mo ng 1:2:4 sakto yan.
@@pinoydiytv120 so sir halos same lang sila sa column yong ratio pala?
Sir ask ko lng baka kasi mali pagkakaintindi ko... sa unang table po na pinakita natin, meron po tayong mixture ratio example sa class A na 1:2:4, pero sa other column may value na po agad na 40kg for the cement.. ibig sabihin po ba nun pag kumuha ako ng 40kg cement lumalabas po sya ng total of 9 bags ? sorry na confuse lng
Depend kc sa volume na makukuha mo dun sa i slab mo,kung ang volume mo lang ay 1 cu. meter multiply by 9 yan yung cement na magagamit mo sa 1 cu. meter.Ang table na yan ay ginawa din ng mga expert..Ang 9 na nakikita mo sa table kasama pa ng ibang mga class eh multiplier yan..Kung 2 cu.mts ang na compute mo sa slab mo na bubuhusan tapos multiply by 9 kung CLASS A ang gagamitin mong mixture and proportion,so 2 cu.mts x 9= 18 bags of cement. Ang oagkuha kc ng volume ay L X W X H ( thickness )= VOLUME..Salamat sa tanong ka DIY..😀
Sir pwd mg tanong .. paano ka mag stimate nmn sa bakal sa floring mo .. slmt po sir ..
Pag sa Slab on ground( SOG ),Ang spacing ng bakal mo ay 30 cm.ang iba ginagawang 40 cm. Both ways or paayon at pahalang.sa width madali mo ng ma compute i divide mo lang ang dimension mo sa width sà 30 cm. Kuha mo na kung ilang pirasong bakal ang paayon.Pag sa length naman ang commercial length kc ng bakal eh 6 mts. Kung lalagpas naman aabot ng 6 mts ang flooring mo obligado ka magdugtong basta ang lapping length mo ay diameter ng bakal multiply mo sa 40 cm.halimbawa 12 mm ang bakal mo multiply mo sa 12 mm kaya ang lapping length mo o overlap ng dugtong mo eh,480 mm.o pwede mo gawing 500 mm or katumbas ng 50 cm. Kung suspended slab naman yung sa 2ng floor ang spacing ng bakal mo jan eh 15 cm. Mas masinsin na sya kc mabigat na load na ang dadalhin nya at naka suspend pa sya.
@@pinoydiytv120 maraming salamat po sir .. malaki po ang itulong neo sa amin na baguhan palang sa constraction po .. god bless po sir maraming salamat po ulit ..
Sir may tanong lang ako halimbawa isang sako na cemento ang gagamitin ko tapus ang mix racio na gagamitin ko ay 123 paano i calculate sir diba sa mixture na 123 ay 9 bags of cement paano sir hindi ko gagamin ang 9 bags of cement racio pls explain
Bale yung multiplier na x 9 eh para sa 1:2:4 yun..bale Class A yun.Yung Class AA ay may ratio na 1: 1.5 : 3 ang mulriplier naman nya ay x 12..Salamat sa tanong ka DIY. I screen shot mo lang ang table dun sa video para sa ratio and proportion ng mortar para may guide ka kung ano ang prefer mong gamitin na ratio and proportion..
@@pinoydiytv120 salAmat sir
Sir kung ang area na buhusan ko ay ang area na 10 inches ang haba 6 inches ang lapad 4 inches ang kapal tapus dalawang area to ang ginagamit ko na ratio ay 124 anong multiplier ang gagamitin ko sir
@@arnolfomaluya7523 bakit inches lang ang liit naman..Pag 1:2:4 ang ratio mo x9 ang multiplier nyan..bale CLASS A yan..
@@pinoydiytv120 sir tanong kung ang multiplier ay 9? Kung i multiply ko sa 9 ang daming cemento sir
Sir may tanong lang ako saan kinuha or e kini compute ang cement ratio or bag of cement ang mga ito. 12.0 9.0 7.5 6.0 sa 40 kilo gram of cement
Bale yan ay mga table ng ratio & proportion ng concreting na ginawa ng mga expert na mga Engineers and Architects..
sir good pm, tanong ko lang po, kung po para sa basketball court na half size, ano po class ang pwede gamitin? thanks po
Pang building nyang mexture mo bos..hndi png kobo2😂
Baka KUBO ang ibig mong sabihin hindi KOBO..Ayusin mo muna pagtatagalog mo bago kita sagutin..🤣🤣
SIR. .ILAN KAYANG CU. MTR NA FILLING MATERIALS SA SUKAT NA MAY FLOOR AREA NA 4.5X5.5X0.90? PAANO PO MAG COMPUTE? SALAMAT SA REPLY. GOD BLESS.
Kung pang back fill o pang tambak,yan eh lalabas na 22.275 cu.mts or let say 23 cu. mts. kc itatamper pa yun..mejo mataas kc ang tambak mo na .90 mts 10 cm. Na lang i meter na.Kung babalikan mo ang video ko ang pag compute ng cu. mts ay L x W x H, kaya 4.5 mts. x 5.5 mts x .90 mts.
Ung labor pa sana sir
Sir, saan yung kinuha .192
Sir ma compute naman po 5x6 slab.. Ung overlap is 160 cm
Kung 5 x 6 na slab at may kapal na 10 cm. ( 4 inches ) ang slab mo,bale ang volume nyan ay 3 cu. Meters kaya kung ang gagamitin mong mixture & proportion ay CLASS A, kaya ang 9 na constant formula sa table natin ay imu multiply mo sa nakuha nating volume na 3 cu. mts. Kaya ang semento mong magagamit ay 27 bags,1.5 cu.mts ( sand ), 3 cu.mts. ( gravel )..gusto ko lang malaman kung slab on ground ( SOG ) o suspended slab ang ang gagawin mo at yung overlap ba na sinasabi mo eh para sa terrace?
hello po...puede pa help po..plan mag extension po... 10m height, 20mtrs width.. pa estimate sana ng cost jg materiales po... pls..tia
Pang flooring o Slab ba ang pinapa estimate mo o kasama na ang mga hallow blocks sa Walling?
Dba Mali slab boss? . Sa sum mo pa lang ng sand at gravel lagpas na sa 2cu. mts. Dba subra yon pati cemento?
Nakita mi ba ang tabke boss,dun nakalagay na kung anumang ang nakuha mong cu.mts sa bubuhusan mo halimbawa 2 cu.meters, i multiply mo sa .50 para sa dami ng buhangin mo at para naman sa graba multiply mo lang sa 1.0 kaya ang buhangin mo 1 cu.meter at ang graba mo 2 cu. Meters..Subok ko na yan ka diy..Ang pag kuha ng cu.meters eh i multiply mo lang ang haba, lapad at kapal ng bubuhusan mo ( LxWxH ) Kung Class A ang gagamitin mo multiply mo lang sa 9 sa makukuha mong cu. Meters.
Sir paano ang gagamitin na ratio is 1:4 isang cemento at 4 na buhangin pwede ba an 8.0 gamitin para sa semento para mkuha ang bilang na magagamit na semento
Pang slab ba ang paggagamitan mo o pang mortar sa settings ng hollow blocks?
Pang flooring sir sa concrete pathway 2meters ang lapad at 0.15 ang kapal
@@arnelrojo-Labian Pag flooring o slab Class A ang gamitin mo,1:2:4 ang ratio and proportion at i multiply mo sa 9 ang makukuha mong volume.
Ok po sir maraming salamat ..
sir ilang bag ng cement at graba buhangin sa sa isang cubic meter
Sa Class AA : 12 bags ( cement 40 kg ), .50 cu mts ( sand ), 1.0 cu mts ( gravel )
Sa Class A naman :
9 bags( cement ),.50 cu.mts.( sand ), 1.0 cu. mts ( gravel )..para sa 1 cubic meter lahat yan,kung para sa 2 cubic meters naman i multiply mo lang sa 2 lahat ng quantity.Balikan mo lang ang video ko at andun ang table para jan i screen shot mo lang sya para may referrence ka.Thanks ka DIY,keep on watching sa mga tutorial videos natin..😁
Sir panu po mag estimet ng 11meters at 20meters
Kung 11 meters x 20 meters tapos ang kapal ng buhos mo ay .10( 4ninches ) or 10 centimeter ganito ang computatikn nyan:
11 x 20=220 sq.m
220 sq.m x .10 ( thickness of concrete
= 22 cubic meters
= 22 (cu.m) × 9 ( Class " A " multiplier)
= 198 ( bags of cement)
= 22 cu.m ( gravel )
= 11 cu.m ( sand )
Pero advice ko sayo kalahati muna ng quantity ang orderin mo just to make sure.Thanks ka DIY,share lang sa mga friends mo para support lang sa channel ko,God bless..😊
Sir pwd ako maka hingi Ng convertion at ration para sa cemento
Panoorin mo lang ang video tapos i screen shot mo lang ang table jan ng ratio & proportion ng mortar..Pero wag mo kakalimutan mag subscribe like & share ha..😁
@@pinoydiytv120 tapos na mag subscribe
Boss tanong kolang po, pang slab po ba yang sukat na yan o pang pang floring lang sa first floor?
Kung ang concrete mixture mo jan sa slab on ground ( SOG ) ay Class A, ang slab mo sa 2nd floor pwede mong gawing Class AA kung may budget ka naman. May table ako jan sa Video para sa concrete mixture as a multiplier mo kapag nskuha mo na ang volume ng slab mo
idol my tanong ako sayo, 3inchess ang lapad 12 square class a 1: 2:4 po ang gamitin ko Ilan po ang grava cement sand
Kung ang ibig mong sabihin ay 12 square meters,bale imu multiply mo sa .076 ( 3 inches ) ang lalabas na Volume eh .912 cu meters.Sa table natin ang multiplier ng Class A ( 1:2:4 ) ay 9 kaya ang bilang ng semento mo sa 12 square meters na may kapal na 3 inches ay 8.208 or 9 bags at sa gravel ay .9 cu.meters at sa buhangin ay .45 cu.meters.Thanks pls subscribe lang mga ka DIY
@@pinoydiytv120 boss sana masagut m tanong K ilan ang bakal at semento na magagamit sa slab sa Second floor 6x8meter ang sukat matagal K na ito tinatanong sa iba Pro ayaw nila sagutin
Gusto k mag Second floor kc lebre ang buhangin at grans sa amin Kung ako ang kukuha sa ilog kc malapit sa amin ang ilog
@@benmacnew4820 sa suspended slab kc ka DIY, ang spacing ng bakal ay dapat 15 cm.( 150 mm ),kaya yung 6 meters mo kapag ikinonvert mo sa cm. ang resulta eh 600 cm. kaya i divide mo lang ka DIY 600 cm ÷ 15 cm. =40 pcs. na 12 mm × 6 mts. ( commercial length )..sa 8 meters naman na length ng slab magiging 800 cm. yan kaya, 800÷15= 53 pcs. + 250 cm. na pang splice kc hanggang 6 mts. lang ang commercial length so para makumpleto mo ang 8 mts kailangan mo mag dugtong ng 2 mts plus 50 cm. na pang splice kaya ang magiging suma ng bakal mo para sa 8 mts. Na length eh 75 pcs. na 12 mm × 6 mts. Kaya ang total ng bakal mo eh 40 pcs. + 75 pcs. = 115 pcs na 12 mm × 6 mts.mejo mahal kaso ang pinag uusapan natin jan eh ang durability kc nga suspended slab sya.Alternate nga pala ang pag splice, kung nag spluce ka dito sa dulo ang susunod eh sa kabila naman ang splice o dugtong na may lapping na 50 cm.
@@benmacnew4820 ang semento mo naman na magagamit sa 4×8 meters sa ratio na Class A ( 1:2:4 ) ay 44 bags
Na gets Kuna Yung 1:2:4 at 1:1.5:3 Sir pwede mag Tanong kung magkano multiplayer Ng 1:2:3 at 1:3:3 salamat Po sir
boss pag bahay ang ginagawa dapat imention mo ang pintuan at bintana at ibabawas ito.
Ok boss,kaya naka indicate jan ang simple computation kc pwede na mismo ang magpapagawa ang mag bawas kung ilang bintana at pintuan ang ibabawas nya,halimbawa,ang main entrance door mo ang mason opening eh 2.1 meters (210 cm.) by 1.1 meters.bale 2.31 sq. meters agad yan multiply lang sa 12.5 lalabas na 28.875 or 29 ang hollow blocks na maibabawas mo sa total computation mo sa isang pinto palang..pero hindi advisable na i eksakto mo kc kapag ang nabili mong hallow blocks eh marurupok at madaling masa sacrifice ang setting mo kc mapipilitan kang magdugtong ng mga basag basag..pero thanks sa comment boss and more power..
Sir safe ba ang .05m (thickness ng suspended slab) yon kc gusto gawin ng bossing ko?
@@rodeliogenatilan832 manipis ang .05 m o 5 cm. Na thickness ng suspended slab.Ang minimum nyan eh 5 inches o 12.7 cm.Delikado yan kapag nagkaroon na ng load sa idagdag pa ang lindol..
New subs here. Sir same lng ba dami ng sand at gravel pag imultiply sa 9? Class a. Tnx
Kung ilang cu. meters ang makuha mo sa slab na bubuhusan mo,yun ang cu. meters ng gravel at ang kalahati ng cu. meters ng gravel yun ang magiging cu. meters ng sand.Halimbawa ang na compute mong cu.meters ng slab mo ay 2 cu. meters,ang gravel mo ay 2 cu. meters at ang sand mo naman ay 1 cu. meter lang..Andun sa video ko kung paano kunin ang cubic meters.Salamat ka DIY share mo din sa mga frends mo para matulungan din sila..😁
sir. dun po sa plaster sigsig na po ba ang buhangin nun o hindi pa? salamat po
Dapat naka bistay na talaga ang buhangin bago ihalo sa semento kc kapag may bato bato pa kahit maliit lang kapag binuli mo ang palitada kakayod ang mga maliliit na bato.Ang bistay na tinatawag yung pagsasala ng buhangin para mahiwalay ang bato sa pamamagitan ng galvanized screen marami nyan sa harware basta sabihin mo pambistay..Thanks ka DIY,Subscribe lang sa channel nati para updated ka sa mga video ko pang ilalabas soon..😁
@@pinoydiytv120 ang ibig ko pong savihin sir sa video ay ang oorderin po na buhangin para sa plaster ay sasakto po ba dun sa bibistayin ?
@@andrewenricotanrrt1875 oo kakasya yan may sobra pa nga yan basta ang orderin mong buhangin ay yung mejo pino na tapos bibistayin mo pa din kc may kasama pa din yung maliliit na bato. may tinatawag naman na mixed sand yun yung may kasama ng katamtamang laki ng bato ginagamit naman yun pag flooring para hindi na sila gumamit ng gravel para lang yun sa mga nagtitipid at bungallow type lang ang bahay.
@@pinoydiytv120 sir ganto din po ba computation kung slab para sa 2nd floor?
At least CLASS A o CLASS AA ang mixture and proportion mo pag slab ok na tayo jan..
boss, in this video, ur sample for Plasterng is 15 sq.m x 0.16 = 0.24 cu m. of SAND, ilang Bag of cement ba ang 0.24 cu.m? hirap yata bumili s hardware ng 0.24cu.m n buhangin, in most cases per Bag ung bentahan nila.. how do u convert Vol of mixture into Bag of Sand or gravel?
.24 cu. Meter na buhangin ay equivalent sa 8.5 na bag ng buhangin ( 1 cu.ft ),kaya gawin mo ng 9 bags..1 cu.ft kc o 1 bag o sako na nilagyan ng semento ay equivalent sa .0283 cu. meter kaya kapag idinivide mo ang 24 cu.meter sa .0283 ( 1 bag or sako ) ay lalabas na 8.45 kaya gawin mo ng 9 or 10 na sako mas maganda ang may sobra ng konti kc hindi maiiwasan ang mga waste..
given:
5m×4m=20m²
20m²×0.10m thickness
V=2m³
Class AA(Table)
12×2m³=24bags cement
24bags of cement
Sand= 2m³×0.50=1m³
Gravel=2m³×1=2m³
1m=3.28ft
1 : 1.5 : 3 Class AA
Cement:Sand:Gravel
Convertion👇
1ft³=1bags of empty sacks of cement
Sand: 1m3×(3.28ft)³/(1m)³=35.29ft³
Gravel: 2m³(3.28ft)³=70.57ft³
Therefore:
Sand: 35 or 36 bags or empty Sacks of cement
Gravel: 70 or 71 bags or empty sacks of cement
to be use in flooring 5×4 area with 0.10 thickness👇Class AA
Cement: 24 bags
Sand: 35 bags
gravel: 70 bags
or
1 : 1.5 : 3
Cement: 1sack × 24 bags = 24 bags cement
Sand: 1.5sacks × 24bags = 36 bags
Gravel: 3sacks × 24bags = 72 bags
Price: Depende sa quality at brand
Cement= Php 220/bag
Sand= 1,100/m³
Gravel=2,100/m³
Estimated Cost for:👇Class AA
Cement=24bags × 220/bag=Php5,280
Sand=1,100/m³ × 1m³= Php1,100
Gravel=2,100/m³ × 2m³=Php4,200
Totla Cost: Php 10,580.00
Lets convert into cu.ft para accurate po naakuha nyo per bag of sand
1meter=3.28ft
1ft³=0.0283m³
Since 0.24cubic meter ang sand
Therefore:👇
1ft³ is equivalent of 1bag or sack of empty cement...
0.24m³ × (3.28ft)³= 8.46 ft³
Sand: 8.46ft³ × 1bag/1ft³=8.46bags or 9 bags
0.24m³ ×1ft³/0.0283m³=8.48ft³ or bags
Therefore 9 bags of Sand
30pesos/bag of sand × 9 bags = P270
Flooring ba to?
sa plastering. anung ratio ng class b ? 1:3 po ba ?
Oo ka DIY, 1:3 ang ideal mixture sa pag plaster basta wag ka ng lumampas sa 15 mm ang kapal,pero dipende pa din yan sa pa plasteran mo kung hindi pantay ang asintada kailangan mong habulin ang lalim kaya mas maganda sa asintada palang mapantay mo na para hindi aksaya sa semento at buhangin..
pasok pa rin ba kahit 1:4 tapos 16mm kapal ?
@@vandame9835 ang ratio na 1:4 ay pang asintada lang ka DIY. Tatabang na ang palitada mo kapag yan ang ginamit mong ratio dapat 1:3 ratio.
Sir ano ano uri ng semento?
sir Ano ang convertion NG 5inc sa meters
Bale kung sa meters ang 5 inches ay .127 meters..Ganito kc yan kung gusto mo i convert ang inches sa meters,i multiply mo lang sa .0254 halimbawa 5 inches x .0254 = .127 meters..
OK sir tank u po
halimbawa sir may beam akong 4 meters at my lapad n 1ft at may 8inc na thickness sirga ilang bag MG cement Kaya MA uubos nun sir
@@francistafalla7515 halos 3 bags ng 40 kg na cement kung .30 mts × .20 meters x 4 meters, CLASS A mixture 1: 2 : 4
@@pinoydiytv120 tank u sir sa pag share NG idea po
San galing ang 12.0 po?
Kung babalikan mo yung video,may table dun. Yung 12.0 at multiplier ng Class AA. Kapag nakuha mo na ang volume ng bubuhusan mo,Jan mo sya imu multiply para makuha mo ang dami ng sementong kailangan mo.kung Class A lang ang napili mong Mixture & Proportion, i multiply mo lang ang volume sa 9 (x9)..Ang pagkuha ng volume ay lapad ng bubuhusan x haba ng bubuhusan x kapal ng bubuhusan ( L x W x H ).
Boss v=20sqm x 10 (thickness) equal 200 Diba. Itong 200 yan po ba Ang 2 cubic meter?? Salamat sa sagot
Yung thickness ay .10 bale may decimal point sa unahan kc ang ,10 meters ay katumbas ng 4 inches o 10 centimeter..kaya bale ang kapal ng slab mo ay 4 inches kailangan kc i convert sa meters ang thickness para multiply dun sa formula sa table na makikita mo sa video ay cu.meters ang lalabas na sagot.Salamat sa tanong ka DIY subscribe like & share lang tayo..😁
4 inch × 2.54cm/inch= 10.16cm
10.16cm × 1m/100cm= 0.10meters thickness
A=L×W
=5m×4m
= 20m²
V=total area × thickness
=20m² × 0.10m
=2m³
Class AA mixture
2m³×12=24bags of Cement
Sand= 2m³×0.50=1m³
Gravel=2m³×1=2m³
Boss prang kulang pagdaying sa sand at gravel,
Sa 10.5 x .15 = 1.575 x .50 =0.7875, wala pa 1 m3 sand, hahaha laki ng area 3m x 3.5m x .15m tas wala pa isang cubiko
Tanong ko lang,ano yung 10.5 mo,yan ba ang total ng area mo kc makukuha mo lang ang cubic meters kapag ang area mo iminultiply mo sa height ng bubuhusan mo.Ang resulta nun cubic meters yun ang imumultiply mo sa .50 para makuha mo ang dami ng buhangin.
Sir paano kong sand and cement lang walang graba paano ito i estimate.
Meron na tayong mix sand sa hardware yun yung buhangin na may halong maliliit na bato..Sa isang bag ng semento 6 na bag ng mix sand..Bale ang gagamitin mong panukat ng mixed sand ay yun ding walang laman na bag ng semento..
@@pinoydiytv120 sir yong pag estimate ng dry pack per square meter paano po ito
Sir tanong ko doon sa 12.0×2 saan po galing ang 12.0?
Yung 12 multiplier yun ng Class AA ( 1:1.5:3 )na mixture and proportion ng Mortar na ibubuhos sa slab. Kapag nakuha mo na kung ilang cubic meter ang buhuhusan mo i multiply mo lang ang 12 at makukuha mo na ang dami ng semento na kailangan mo.Para hindi ka malito balikan mo ang video at panuorin mo uli kung pano kunin kung ilang cubic meter ang bubuhusan mo at i screen shot mo ang table na inilagay ko dun para sa mixture & proportion..Yun yung kulay dilaw na table..
@@pinoydiytv120 ahh so bawat class may kanya kanyang multiplier?
@@pinoydiytv120 ah ok naintindihan ko na sir maraming salamat
Be specific sa tutorial..direct to the point na po
Kailangan natin ipaalam ang procedure tulad ng computation,kapag idinerekta mo agad sigurado may magtatanong kung saan nanggaling at kung papano nakuha ang quantity..Kailangan maintindihan ng viewers kung papano kinukuha ang volume dahil yan ang key para magamit mo ang formula sa table ng mixture and proportion.Anyway salamat sa concern mo ka DIY and God bless..
Sir kung ang sukat ng slab ko 420cm X 400cm tska 4inch kapal kadama na beam 20cmX30cm. Ilan lahat na buhangin graba at semento.
Sa slab mo lalabas na 1.68 cu.mts, ito ang magagamit mo:
16 bags- Cement ( 40 kg )
.84 cu.mts.- sand
1.68 cu.mts.- gravel
Sa beam naman paikot:
11 bags- cement ( 40 kg )
.246 cu.mts - sand
.492 cu.mts- gravel
Wala pang cross beam yan,kung lalagyan mo madadagdagan pa ng quantity yan..
Sa kulungan ng baboy OK Naba yun class C?
Ok lang brod..👍
San galing ang 12.0
Multiplier yan para sa Class AA na mixture and proportion.Kapag nakuha mo na ang Volume ng bubuhusan mo imu multiply mo lang yan para makuha mo ang dami ng semento, buhangin at graba.Pwede mong balikan ang Video at i screen shot mo ang table dun para sa mixture and proportion.
Sir,meron sana akong i ask magpapa slab aq ng suspended slab bale terrace ang ibabaw, kusina sa baba 5.20 m x4.40 m x .10m/4" ilan po kayang sako ng semento Kse may beam din sya sa gitna sa dulo ng terrace at sa bothside ng 3 wall bale lima yong beam kasama pati don sa dulo ng pahaba na 5.20 m.ilan po kaya ang mga bakal at sukat na kailangan
Cement?
Sand?
Gravel?
D.B.?
Class A lng sir..subscribe na kita..sana masagot mo sir salamat!
Dun sa sukat ng slab na pinadala mo na 5.2 mts x 4.4 mts x .10 ( 4" ) ito ang quantity:
Cement - 21 bags
Sand - 2.3 cu. mts.
Gravel- 1.2 cu. mts.
Kung maipapadala mo sana ang kahit sketch plan ng ipapagawa mo kasama ang beam at kung ano ang diameter ng beam maibibigay ko din sayo ang dami ng semento,gravel at sand pati size ng bakal.
Paanu makukuha Yung
5mx7m slab
Kung ilang buhangin at ilang grab per cubic
boss magkano magagastos Jan sa 2 cu. m na volume
Madali lang malaman ang magagastos basta ipakita mo lang ang listahan ng mga gamit sa hardware tulad nito;
For 2 cu. meters na volume of flooring ( Class A );
bags of cement 40 kg- 18 bags
10 mm deformed bars ( steel bars )- 23 pcs. x 6 mts.
Sand - 1 cu.meter
Gravel - 2 cu. Meters
Tie wire - half kilos
boss, sa 0.24 cu.m.= 9 bags of sand + 3 bags of cement = 12 bags of mixture (Sand & Cement) X 0.0283 ( vol. of 1bag) = 0.3396 cu.m , bat hindi equal sa 0.24 cu.m? wat is ur theoritical analysis to dis? hindi ba dapat ganito: bag of CEMENT + bag of SAND = 0.24 cu.m? tanong, how can u determine the number of bags for Cement & Sand?
Sorry hindi agad ako naka reply mejo busy eh..kung babalikan mo kc ang table natin sa plastering eh per sq. meter yun,ang per cu.mts ay sa slab kc may halong gravel yun..yung .24 na sinasabi mo ay para sa plastering na may kapal na 20 mm. So, halimbawa ang nakuha mo sa wall na paplasteran mo eh 20 sq. Meter imu multiply mo yun sa .240 or .24 kaya ang magiging sagot nyan eh 4.8 bags or 5 bags,ngayun kung ang gagamitin mo eh Class B ang magiging ratio nyan eh 1( cement ) : 2.5 hanggang 3 (sand )..kaya ang nakuha mong 5 bags multiply mo sa 3 kaya mangngailangan ka ng 15 bags of sand..wag mo ng isali ang cu. mts sa plastering kc may sariling table ang slab kc per cu. mts ang kwentahan jan..Andun din sa video ang table ng slab balikan mo lang..Salamat sa tanong..
Sa totoo lng magugulo ang mga engr , un class doble a, 123 mix ratio tlg. Bkit dito iba
Pero kung titingnan mo sa table ng Class & Mix proportion ang Class AA ay 1: 1.5 : 3 na may multiplier na 12,ibig sabihin ang 1 cubic meter ay 12 bags ba semento ang magagamit.
@@pinoydiytv120 pero sabi nmn ng licensed structural engr 123 daw. Gulo db...
@@ericputian975 pero ang multiplier nya 12 din para ma reach ang 3,000 psi strength.
KULANG KULANG KA SIR....D MO ALAM YONG BUHANGIN MO...TINIGIL MO NA....KUNG HILAW ANG LUTO MO...D KA PUEDE PO DYAN!!!!
Hindi mo nakita sa video?Dun ka babase sa cubic meter na nakuha mo kung ilang cubic meter ang nakuha mo sa computation,i multiply mo sa .50 yan ang magiging cubic meter ng buhangin mo,sa gravel naman x1 lang..intindihin mo lang mabuti ang paliwanag sa video..
Pag 30 SQM po
Pag slab ang 30 sq.meter,i multiply mo lang sa kapal na gusto mo,karamihan naman eh 4 inches (.10 meters) ang kapal ng flooring sa loob ng bahay kaya 30 sq.mts. x .10= 3 cu. mts.
Kung Class A ang gagamitin mong mixture & proportion(see the table in the my video),ang multiplier nya ay 9 kaya 9x3 cu.mts ay 27 bags of cement,3 cu.mts na gravel at 1.5 cu.mts na sand..i screen shot mo lang ang table sa video at panuorin mo lang ulit kung may hindi ka naintindiha.Salamat ka DIY subscribe lang at i share sa mga friends para matuto din sila..
Kung pang bahay lang na flooring hindi kailangan ang class A..hindi naman mga sasakyan ang dadaan...importante matibay ang poste.
Good day po engr/sir,,,
Ano po ba ang kaibahan ng ginagamit ng ibang engineers. Halimbawa, 1:2:4 yung concrete proportion, tapos yung volume ng concrete ay 6m³.
Yung formula nila sa pagcompute ay,
Cement= Dry volume x 36/sum of ratio
= (6x1.54x36)/(1+2+4)
=47.52 or 48 bags
Samantala naman po kung katulad ho sa inyo,
Cement= Volume x 36/mix proportion
= (6x36)/4
=54 bags
Kung ibabawas po 54-48= 6 bags talaga yung deperensya ng dalawa
Tapos kung ko-kompyutin din yung mga buhangin at graba, magkalayo din po ang mga quantity nila
Nalilito na rin po ako sir kung ano din po ang gagamitin ko eh kung actual na talaga
Yang sa mixture and proportion nung sa akin tested ko na yan kc hands on din ako sa paggagawa ng bahay,para maka sure ka i minus mo muna sa order yung sinasabi mong difference at kapag kinulang ka madali ng mag reorder ng kulang..nakakalito talaga pag marami tayong binabasehan mas maganda talaga ma actual experience natin ang consumption..Pero ang computation na binigay mo simplify na yan pwede mong gawing guide yan pero tulad ng sinabi ko kapag oorder ka ng quantity bawasan mo muna at pagnakita mo na sa actual ang takbo ng ibinuhos mo madali na ang reorder ng kulang kc ikaw mismo makikita mo na kung klang bag pa ang kulang..Salamat sa tanong ka DIY..😁
@@pinoydiytv120 Tama ka siir, mas maganda talaga na unti untiin nalng ang pagbili. Thank you sir nalinawagan na po ako
hi sir, new subscriber niu po, gagawa po sana kami sepak takraw court, patulong naman po pag estimate sir, 6.1m by 13.4m po, salamat po sir!
Para sa 6.1 x 13.4 at kapal na 4 inches at mixture na ( 1:2:4 ) Class "A"
Cement = 63 bags
Sand = 3 cu.mts
Gravel= 6 cu.mts.
Sundin mo lang ang sukat na:
1 bag = cement
2 bags= sand
4 bags= gravel
Sand = 3 cu.mts
3 inches ang lapad ng buhos ko idol paano ko e times
Haha 1+2=3
Pana mo napagkasyas sa 2 yung 3???
Hahaha
Anong ibig mong sabihin sa 1+2=3?..baka ang ibig mong sabihin eh 1:2:3 na mixture and proportion ng concrete..Tanong,may nakalagay ba sa table na 1:2:3?
CLASS AA- 1: 1.5 : 3
CLASS A - 1: 2 : 4
CLASS B - 1 : 2.5 : 5
CLASS C - 1 : 3 : 6
Ang bobo ng nag comment..
Hindi man lang inintindi bago nag feeling magaling pwede shame on you
salamat boss
Salamat boss