Noong iwan mo ako ng walang pasabi, o pangako ng pagbabalik, umiyak ako buong gabi. Umiyak ako nang sobrang tindi; kinailangan kong ibilad sa araw ang unan ko kinabukasan. Ang sarap pala sa pakiramdam ng patulugin ka ng sarili mong pag-iyak. Naisip ko, hindi pinakuluang dahon ng bayabas, o alak, ang sagot sa ganitong klaseng sakit. Luha ang pinakamabisang pang-langgas sa sugat ng puso. Kaya… inaraw-araw ko ito. Sinisimulan at tinatapos ko ang mga araw na binabalikan ang mga sugat na iniwan mo. Iniisa-isa ko ang mga alaala’t hinahanap kung saan sila bumaon dito sa puso ko. Nakakatawa. Ang akala ko noon, kung dumating man ang araw na ‘to, puro mga alaala ng away at hindi natin pagkakasunduan ang iintindihin ko, kasi ‘yun, mahirap gamutin; na sila, kahit ilang balde na ng luha ang aking pigain mula sa mga mata ko, magdurugo pa rin. Pero mas nagdurugo ako para sa mga tawa mo. Mas nagdurugo ako sa mga patawa mo. Mas nagdurugo ako sa mga yakap mo, sa kung paanong ang balat ko ay parang nalalapnos kapag dahan-dahan mo akong hinahaplos at ang hininga ko ay nahahapo at kinakapos kapag niyayapos kita. Nagdurugo ako noong umalis ka, pero mas nagdurugo ako sa unang gabi na pinili mong manatili. Nagdurugo ako noong gabing sabihin mo na ayaw mo na, pero mas nagdurugo ako noong gabing tanungin mo ako kung pwede pa ba? Nagdurugo ako noong gabing tinalikuran mo ako, pero mas nagdurugo ako na noong pagtalikod ko, nandun ka pa. At nagdurugo ako. At nagdurugo ako. At nadudurog at nadudurog at nagdurugo pa rin ako sa alaala na ikaw pa ang mas naunang nagsabi ng, “Mahal kita.” Mahal kita. Kung titignan nang maigi ang mga salitang isinulat ng mga sugat na iniwan mo, ‘yang dalawang ‘yan ang mababasa ko: Mahal kita. At sa inaraw-araw ng pagbibilad kong gan’to, nagmamanhid na sila. Mahal kita. At sa dinami-rami ng luha na pinang-langgas ko rito, naglalamig na sila. Mahal kita. At sa hinaba-haba ng panahon na ginugol ko sa gamutan, nagmamanhid na sila. Mahal kita. At sa tinagal-tagal nitong kumikirot sa dibdib ko, medyo nakakasanay na. Mahal kita. At sa tinatagal-tagal ng panahon na ginugol ko sa gamutan, magsasara na sila. Magsasara, at magiging mga pilat na paulit-ulit kong mababasa at ang parati lang sasabihin ay mahal kita. Mahal, kung magkita man tayong muli at tanungin mo kong muli kung pwede pa ba, ang hihilingin ko lang sa’yo ay mga bagong unan. Dahil ang lahat ng sa akin ay akala mo’y naulanan. Dahil lahat sila ay akin nang naiyakan at nag-iwan ng mga kwento natin. Ayaw ko nang matulog sa mga unang basa at malunod sa pagtulog sa alaala na mahal kita, mahal pala kita, na mahal pa rin pala kita. At sa wakas, hindi na kasing sakit ng dati. Pero mahal, masakit pa.
Ps to my one that got away, i hope we both watched this as i kept reminiscing your promises, your smile, your love, your whole existence in my life. Its been 3 years but yes it still hurts the same like day 1. I love you still and goodbye. I hope he brings you the joy you are longing for and the home you are longing to find. Ingat ka lagi. Sayonara
Still one of the best modern day poets and writter philippines ever produced
Ilang beses mang-uliting panuorin, parehong sakit pa rin ang binibigay sa'kin.
Noong iwan mo ako ng walang pasabi,
o pangako ng pagbabalik, umiyak ako buong gabi.
Umiyak ako nang sobrang tindi; kinailangan kong ibilad sa araw ang unan ko kinabukasan.
Ang sarap pala sa pakiramdam ng patulugin ka ng sarili mong pag-iyak. Naisip ko, hindi pinakuluang dahon ng bayabas, o alak, ang sagot sa ganitong klaseng sakit.
Luha ang pinakamabisang pang-langgas sa sugat ng puso.
Kaya… inaraw-araw ko ito.
Sinisimulan at tinatapos ko ang mga araw na binabalikan ang mga sugat na iniwan mo.
Iniisa-isa ko ang mga alaala’t hinahanap kung saan sila bumaon dito sa puso ko. Nakakatawa.
Ang akala ko noon, kung dumating man ang araw na ‘to, puro mga alaala ng away at hindi natin pagkakasunduan ang iintindihin ko, kasi ‘yun, mahirap gamutin; na sila, kahit ilang balde na ng luha ang aking pigain mula sa mga mata ko, magdurugo pa rin.
Pero mas nagdurugo ako para sa mga tawa mo. Mas nagdurugo ako sa mga patawa mo. Mas nagdurugo ako sa mga yakap mo, sa kung paanong ang balat ko ay parang nalalapnos kapag dahan-dahan mo akong hinahaplos at ang hininga ko ay nahahapo at kinakapos kapag niyayapos kita.
Nagdurugo ako noong umalis ka, pero mas nagdurugo ako sa unang gabi na pinili mong manatili. Nagdurugo ako noong gabing sabihin mo na ayaw mo na, pero mas nagdurugo ako noong gabing tanungin mo ako kung pwede pa ba? Nagdurugo ako noong gabing tinalikuran mo ako, pero mas nagdurugo ako na noong pagtalikod ko, nandun ka pa.
At nagdurugo ako. At nagdurugo ako. At nadudurog at nadudurog at nagdurugo pa rin ako sa alaala na ikaw pa ang mas naunang nagsabi ng, “Mahal kita.”
Mahal kita. Kung titignan nang maigi ang mga salitang isinulat ng mga sugat na iniwan mo, ‘yang dalawang ‘yan ang mababasa ko: Mahal kita. At sa inaraw-araw ng pagbibilad kong gan’to, nagmamanhid na sila. Mahal kita. At sa dinami-rami ng luha na pinang-langgas ko rito, naglalamig na sila. Mahal kita. At sa hinaba-haba ng panahon na ginugol ko sa gamutan, nagmamanhid na sila. Mahal kita. At sa tinagal-tagal nitong kumikirot sa dibdib ko, medyo nakakasanay na. Mahal kita. At sa tinatagal-tagal ng panahon na ginugol ko sa gamutan, magsasara na sila. Magsasara, at magiging mga pilat na paulit-ulit kong mababasa at ang parati lang sasabihin ay mahal kita.
Mahal, kung magkita man tayong muli at tanungin mo kong muli kung pwede pa ba, ang hihilingin ko lang sa’yo ay mga bagong unan. Dahil ang lahat ng sa akin ay akala mo’y naulanan. Dahil lahat sila ay akin nang naiyakan at nag-iwan ng mga kwento natin. Ayaw ko nang matulog sa mga unang basa at malunod sa pagtulog sa alaala na mahal kita, mahal pala kita, na mahal pa rin pala kita. At sa wakas, hindi na kasing sakit ng dati.
Pero mahal, masakit pa.
" Luha ang pinaka mabisang pang langas sa sugat ng puso "
Ps to my one that got away, i hope we both watched this as i kept reminiscing your promises, your smile, your love, your whole existence in my life. Its been 3 years but yes it still hurts the same like day 1. I love you still and goodbye. I hope he brings you the joy you are longing for and the home you are longing to find. Ingat ka lagi. Sayonara
Grabe lods tagus sa puso💖
Minsan ang minahal ako by celeste legaspi.
One of the best poets written by Juan Miguel Severo
Father of Spoken Poetry
Nadurog... Nagdurugo... Galing mo bro👍👌
the legend Miguel Severo
grabe talagang pinalungkot yung bosses nya TvT
Hoy! Bakit ganun, masakit pa din pakinggan 😊
i really felt the pain
tula para sa mga nanay at tatay wag puro pag ibig tungkol sa jowa
My GINOONG KALIKASAN 2017 Mentor👏
Galing
2024 anyone?
It's been a years ago but the pain is still the same:(
Hoy!! ikaw,masakit parin😭☹️
Binabalik balikan ko tong poetry na 'to kaya paulit ulit din ako umiiyak hayssst☹😔
ang sakit subra
pero ang sakit ay masarap
I'm also spoken poetry writer pero nasayang bawat sulat ko at sumulat di ko tinapos
Napaka husay
Tagos pare😢
Sakit 🤧🤧
I can feel his pain
Durog na durog na😭😭😭😭😭😭😭
Damnn
💗
astig
Sana minahal mo nalang ako
Minsan ang minahal ay ako
February 2023
Ang sakit!
bakit naiyak ako????
di ko alam sayo
November 12, 2023
Eyy, 2023👹
Nandito naman ako
Pero baket sya ang pinili mo?
October 14, 2022
2024??
August 2, 2022
shit ang sakit
2023😢
May nakakaalam ba ng title ng kinanta nya?
July 16 2024
#maze
😢
sheesh
Shityy
JULY 27 2022
😊😊
❤️
December 22, 2022