Ano nga ba pag-aalagang kailangan ng mga taong may dementia? | Pinoy MD

Поділитися
Вставка
  • Опубліковано 11 гру 2024

КОМЕНТАРІ • 243

  • @djlovelyjoe7453
    @djlovelyjoe7453 Рік тому +140

    Masasabi kong mapalad pa rin ang mga dementia/Alzheimer's patients sa panahon ngayon dahil aware na ang mga tao sa ganitong karamdaman. I remember we had a neighbor noong araw na nagkaroon ng Alzheimer's dahil sa kulang sa kaalaman ang mga tao, kinatakutan siya, at pagkakilala sa kanya ay isa siyang baliw. This was in the early 80's. Yung kanyang kubo na nasa gitna ng bukid ay talagang halos naging isolated dahil nga takot ang mga taong lumapit. I remember going to school at napapadaan sa tabi ng bahay niya, nakikita ko siyang nakatali. Itinatali siya ng kanyang anak. Parang embarassment noong araw ang ganyang karamdaman, which was sad. Looking back makes me think na hindi ang pasyente ng ganitong sakit ang nakakahiya but our ignorance of this kind of disability is rather an embarassment.

    • @beeoneder6799
      @beeoneder6799 Рік тому +1

      Totally agree.

    • @bayrostibookalibutanresbak2588
      @bayrostibookalibutanresbak2588 Рік тому

      Not referring to this particular video , sabi ng isang psychologist , wag daw tawaging " baliw " ang mga taong wala sa tamang pagiisip kasi " walang Baliw na tao " raw .
      Eh sabi ko naman , So anong itatawag mo sa mga tulad ng ganyan ? ...
      Sagot nya : PSYCHOTIC .
      Hahahaha ... Ini - english mo lang pala eh ! ... hahaha !!

    • @gnosgnos
      @gnosgnos 11 місяців тому

      Tama 👏 tska pg may problema s isip o memory loss eh pgtsitsismisang aswang lalo n pg inaatake s gabi 😢

    • @gnosgnos
      @gnosgnos 11 місяців тому

      Tama 👏 tska pg may problema s isip o memory loss eh pgtsitsismisang aswang lalo n pg inaatake s gabi 😢

    • @noremmorento865
      @noremmorento865 7 місяців тому

      😢😢😢p

  • @evangelinegonzales6518
    @evangelinegonzales6518 Рік тому +24

    Ganyan din po ang Mother ko when she past away a year of 2018 nagka dementia sya na notice namen yun nung nagluluto sya ng suman sa malagkit na sobrang dami ng asin na nilagay sa malagkit at yung paglilinis ng isda na sobrang babad na sa tubig bago matapos. Then laging nagagalit dumadaldal mag isa, yung drawer nya ng damit na laging inaayos at paulit ulit na tinitiklop kming mga anak inuunawa at iniintindi nmen may time na umaalis sya at nawala na rin minsan nakarating ng Divisoria mag isa sumakay ng bus na walng pamasahe hindi umuwi at alalang-alala kmi hindi kmi makatulogthen kinabukasan may tumawag samen na nasa baranggay station station si Nanay.. ilan beses na rin sya nawala buti na lang may nagbabalik din sa kanya alam pa ng Nanay kung saan sya nakatira at ite trace na lang ng barangay.. Until sa lumalala na nga nagkaroon ng sakit gang sa manghina she last away at the age of 76 mas madalas kmi sobrang hirap pero pilit na kinakaya physically, emotionaly ang mentally..but i miss my mother so much napakabait nya masipag maghanapbuhay palangiti masayahin masarap magluto maraming kaibigan mapagbigay at palasimba. Nagjo jogging pa sya nung malakas-lakas pa kaya sobrang nakakamiss talaga ang Nanay ko🙏😢😢😢😭

  • @CZRJr_3015
    @CZRJr_3015 Рік тому +36

    Sa mga sitwasyon ganito, talagang kailangan tayo ng ating magulang. Pag-unawa at sakripisyo na kahit nahihirapan ka na di pueding isuko ang magulang.

  • @benludlum9451
    @benludlum9451 Рік тому +27

    Ang swerte ni Lola, mabait at maunawain ang mga anak at apo nya sa kanya.

  • @sagittariuswoman6005
    @sagittariuswoman6005 Рік тому +23

    Kudos sa mga caregiver, taas ng pasenxa nila sa ganitong trabho.

    • @kasusvlog5650
      @kasusvlog5650 Рік тому

      Proud Caregiver here in Israel at talaga naman haba ng pacnxia ang #1 kelangan..

  • @AveLOVENTURE
    @AveLOVENTURE Рік тому +9

    Pag mahal mo ang isang tao di mo susukuan na alagaan. Lahat naman tatanda. Pag unawa ang kailangan talaga.❤Proud ako naalagaan ko tatay ko sa ganyang sitwasyon.

  • @cherryvillaos7198
    @cherryvillaos7198 Рік тому +9

    Ganyan ang tatay ko. Lagi pumupunta sa bakahan kasi may baka daw siya. Naaawa ako sa kapatid ko sa tyaga niya sumunod sa tatay.kaya lahat ng suporta ko binibigay ko.kahit nahihirapan narin ako. Kasi siya ang nakatoka sa tatay ako sa pinansyal, hinde kasi pwede na lahat kami magbabantay sa tatay. Mahirap talaga, kaya masaya kami kasi kasama nmin siya

  • @rubyboholst5479
    @rubyboholst5479 Рік тому +24

    I’m working abroad as caregiver Sa mga May alzimers o dementia.proud here 😊👋o very challenging at dapat Malawak ang pang unawa mo Sa kanila ., 🙏🏻❤️

  • @justjosie2550
    @justjosie2550 Рік тому +15

    Napaka hirap po tlg mag alaga sa mga matatanda lalo na ganito may Alzheimers. Saludo po ako sa mga anak na nagttyaga at nagpapasensya sa knilang mga magulang.

  • @JKShawn
    @JKShawn Рік тому +13

    Caregiver ako dito sa Japan, ganyan mga alaga ko puro may dimentia. Sakit yan talaga! kelangan mo talaga maging matyaga, kasi matigas talaga ulo nila.

  • @annebadao
    @annebadao Рік тому +8

    I am making an apprenticeship as a caregiver assistant in Europe. Part of the theory that we are learning in the school is how to handle people with dementia. I am glad that i was able to learn this dahil mas naiintindihan ko na ngayon why elderly people are acting this way. For some who doesn't have knowledge about this might say na matigas ang ulo or sinto2xng matanda. But for those who understand the illness, will know how to deal with it.

  • @centurytuna100
    @centurytuna100 Рік тому +60

    Ganyan din Nanay ko 87 yrs old. Tumatakas din sa bahay kya nka padlock pinto namin at nag iisip ng hindi totoo at problemado sya dahil dun. Very challenging mag alaga. Retired nko at ako nag aalaga sa kanya, mahirap pg nag hahalucinate, iniiwasan ko manuod sya ng news kc pinoproblema nya yun. Mas pinapanuod ko cya ng travel vlogs at game shows at naaaliw sya. Totoo habaan pasensiya 😢

    • @jeansanmiguel5851
      @jeansanmiguel5851 Рік тому +4

      Nagkaganyan din ang nanay ko sa edad na 76 pero pumanaw na sya 2016 mas madalas naghahallucinate sya at kadalasan sinasabi may mananakit sa kanya pero hindi sya nagwawala... mabait parin sya at sumusunod naman kapag may sinasabi kami na sa ikabubuti nya.

    • @centurytuna100
      @centurytuna100 Рік тому

      @@jeansanmiguel5851 di nman nananakit Nanay ko pero baligtad pg inaawat ko tumakas humihingi saklolo sa bintana binubugbog dw cya or yung apo nya ginugulpi daw ng Meralco. Mdalas di natutulog almost 2 days at mas lalong restless pg ganun

    • @jannethsorinio5070
      @jannethsorinio5070 Рік тому

      11

    • @gambitgambino1560
      @gambitgambino1560 Рік тому +1

      Nas safe sila kung dadalihin sa home for the aged. Mas maayos facilities nila at hindi delekado. Hirap kasi kung sa bahay nilagay tapos maliit lang lugar.

    • @centurytuna100
      @centurytuna100 Рік тому

      @@gambitgambino1560 kung meron pmbyad. Mahal dun. Dapat meron gobyerno program pra dyan, subsidized kung baga. Sa ibang bansa ksama sa tax nila yun kya pg tanda meron pupuntahan

  • @3kspercy329
    @3kspercy329 Рік тому +5

    😊i am taking care my Ahma employer here in SG, with dementia, yung ginagawa ko sa kanya ay, sinsayawan at treat her like a child and love her at most,❤️ & wag mong sabayan yung grumpy behavior nya❤️now i can control her kahit kmi n lng 2 dito sa bahay🥰❤️ mahabang pasensya at pagmamahal talaga ang kelangan

  • @adzalvarez7096
    @adzalvarez7096 Рік тому +7

    Ang aking nanay ang isang Alzheimers patient. Talagang ka parehas sila ng symptoms at an early age. At the start hindi maintindihan ng Father ko ung sakit nya. My father is 80 y.o ung buhay pa siya ang nagaalaga ng Mother ko at siya rin ang nka witness ung lumalala ang mental condition ng mother ko. Palagi sumisigaw at nagbibintang ung nanay ko sa kanya. Umabot sa punto na lumabas siya magisa naglalakad ng 6-10 kms papunta ng bayan. Buti nalang nakita sya ng kamaganak namin at naiuwi. Sa mga ganitong sakit hindi po biro mag alaga sa kanila. Kailangan sila ng tamang pag alaga. Pagbibigay ng medicine on time at papakain sa kanila on time. Ako na ngayon ang nagaalaga sa kanya kasi ung father ko talagang na devastated at depressed sa kanyang kalagayan bago siya pumanaw last January 2023. Mahirap kasi ang Alzheimers pt pagwala kang malawak na pagunawa at pasencya. Nagpalala pa kasi ung walang programa ng gobyerno para sa kanila. Wala kasi tayong tamang facility own by the govt. na mag alaga sa kanila. Napaka costly kasi ung long term care sa kanila.

  • @mariamelodyfalogme9987
    @mariamelodyfalogme9987 Рік тому +7

    Hindi po talaga madali ang mag alaga sa isang taong my ganun uri ng sakit, Dahil kagaya po ng mother ko my Alzheimer din po sya turning 85 yrs old na po sya dis coming Nov. 18, talaga pong kailangan mahaba ang pang unawa sa mga tulad nila dahil hindi rin madali ang kanilang pinag dadaanan sa buhay, God blessed us all🙏

  • @aishabautista4658
    @aishabautista4658 Рік тому +5

    Ako nag ka dementia nanay ko hanggang nagka alzheimers pero iba cya opposite po npakabait po at so sweet...kaso ako lng sinusunod at want nya kasama d kakain pagd ako ang magpapakain i stayed sa tabi nya for 4 mos.hanggang end pero every minute of it i treasured kc i love her so so much...everytime naiisip ko cya naiiyak ako sa sobrang miss ko clang tatay ko...alhamdulillah

    • @W_ndeRer657
      @W_ndeRer657 Рік тому

      Ive been working as a caregiver for almost 20 years.. mostly ganitong sitwasyon pasyente q.. my mga sweet at calm meron din aggressive.. ung sitwasyon ni lola aggresive xa.. gngawa q pg ganyan sa pasyente q ng matagal sunod sunuran k n lang.. takes a lot of patience tlga

  • @sismaganda7550
    @sismaganda7550 Рік тому +5

    Sending love to all lolo and lola especially the ones with dementia. ❤

  • @esphie15
    @esphie15 Рік тому +13

    Ganyan din ang tatay ko last yr. Good thing meron gamot nakaka calm sakanya. Mahirap , exhausting, financially, physically lalo mentally.n😭

    • @GammelJana
      @GammelJana Рік тому

      Ativan ang gamot dyan pangpakalma lorazepam

    • @mexuryx900
      @mexuryx900 Рік тому +1

      ​@@GammelJanamemantine yung sa mama ko. So far, di pa sya binibigyan ng pampakalma

    • @GammelJana
      @GammelJana Рік тому

      @@mexuryx900 good

  • @axelleharrietmarimaguate3659
    @axelleharrietmarimaguate3659 Рік тому +6

    May dementia din Mama ko. Isang Beses naka kuha ng kutsilyo si Mamang , after that pag yung dementia ni Mamang medyo intense no choice ako kundi Italia si Mamang sa Bangko for her safety Pati na din sa amin. Ang sakit po talaga .. di rin ako proud na kung minsan sinisigawan ko siya kasi nakakapagod din talaga ang stress.

    • @jvickdemesa
      @jvickdemesa Рік тому

      Relate ganyan na nangyare ganyan din experience ko nun nag OJT ako sa Paranaque nun last 2021 pa hirap magbantay ng patients na ganyan ang case🥹

  • @Dennis-fg5sd
    @Dennis-fg5sd Рік тому +8

    I’m familiar with this disease. I live in Florida and we take care a lot of these types of patients. It’s sad but until now there seems to be no cure. It will get progressively worse until they die. What we do is we refer them to hospice care when they get to the point of needing more care than the facility can provide to them.

    • @annebadao
      @annebadao Рік тому +1

      Me too. I now truly understand what my lola's illness was back when i was a child. Dealing and working with elderly people is a big challenge especially when you don't know what you are dealing with.

  • @ladygemini6662
    @ladygemini6662 Рік тому +8

    I hope somebody I can go back home for vacation in PI to offer teaching regarding Dementia and Alzheimer’s dis. We need to provide more education to families on how to deal with parents diagnosed w/ Dementia/Alzheimer’s.

  • @AngbisayasaAlemanya
    @AngbisayasaAlemanya Рік тому +3

    We are also in this situation right now.. Need talaga ang pacyensya .😢

  • @cbm4847
    @cbm4847 Рік тому +3

    ang lakas ng spirit ni Lola., in Jesus name gagaling ka Lola..

  • @dorothybriones9519
    @dorothybriones9519 Рік тому +6

    Nag alaga rin ako ng Lola ko na nag uulyanin na, halos lahat ng mga binanggit niyang tao ay sumakabilang buhay na, mdlas niyang sbihin sa akin na hintayin ko daw ang Daddy ko (yan kc ang tawag nmin sa Lolo ko na asawa nya) dhl maghahain na daw sya at padating na galing trabaho. Sabihin ko nmn na " nay (tawag nmin sa Lola ko) wala na po c daddy, patay na" sasagot nmn sya ng " ay! Patay na ba" ..at bigla na lng sya tatahimik.
    Tutoong mahirap alagaan ang taong me dementia kailangan talaga ng mahabang pasensua at pang unawa dhl di nmn lht ng ginagawa nila ay alm din nila.
    Isa pa kaming dalawa lng ng aking ina ang nkkpagpainom ng gamit niya sa knya, dhl iba ang iniisip nya kpg iba ang ngpapainom sa knya. Sumakabilang buhay na ang aking lola pero ngpapasalamat ako dhl nabigyan ako ng pagkakataon na alagaan sya. God bless.😊

  • @evelyngorospe1643
    @evelyngorospe1643 Рік тому +1

    Si dad ko ganyan din sia .. solution jan ay habaan natin ng pasensia at luwakin natin un pan unawa Para sa kanila .. kwentuhan mo lang sila ng masasaya at higit sa yayain mo sia kantahan at sayawan . Tignan mo di sia un tipo magwawala kundi kalmado lang .. if ever man nagwawala yan yakapin nio lang sila at hilahin sa isang tabi at sakayan mo lang sila din ...Para unti unti sila kakalma at feeling na nila me kakampi na sila ... kaya love caring at patient lang kaya natin ibigay sa kanila .. sa sobra nila tau din minahal at inaruga nun tau mga bata pa kaya tau naman po magbabalik sa ganyan paraan po sa kanila .... love our parents ❤

  • @123pripri
    @123pripri Рік тому +10

    To those na nangayayari eto or mangyayari pa lang sa isang family member:
    meron pong gamot jan, pampakalma, it is prescribed by a doctor.
    Kaya always consult the doctor po.
    Dementia is a terminal disease, meaning malapit na sya mabawian ng buhay , estimated 7 years or less.
    Yung sa video is advance stage of dementia, and next stage jan is physically manghihina yan sya at hindi na makagalaw...until the end.

    • @neveragain6757
      @neveragain6757 Рік тому

      What the heck are you talking about😅 Dementia pts dont die because of the disease itself. Namamatay sila because of other causes and most common is pneumonia, fall, and other underlying causes and because of Physical restrictions. 🤥🤥

    • @clark2847
      @clark2847 Рік тому

      Ang nanay ko naman, hindi gaano makalakad, kailangan alalayan. In short alagain sobra. Minsan kelangan mo subuan ng pagkain minsan kaya nya. Minsan kaya nya tumayo madalas hindi. Nanghihina sya.

  • @macbayudan7109
    @macbayudan7109 Рік тому +1

    Na-touch ako dito sa istorya ng Pinoy MD about Dimentia sa matatanda. Natuwa din ako dahil inaalagaan, inuunawa at iniintindi nila ng mga anak ang kanilang Ina. Sana All ganyan ang gagawin.

  • @absolutereality792
    @absolutereality792 Рік тому +11

    Ganyan din ang Mother ko bago sya mamatay.totoong napakahirap tlaga mag adjust kung paano mo pakakalmahin ang sarili mo para unawain ang ating magulang na may ganyan sakit😔😔🥲

  • @Phptlove
    @Phptlove Рік тому +5

    Inalagaanko 90 years old na mother in law ko. Hirap 😢hindi kami makatulog asawa ko sa gabi kasi sa gabi ang araw niya. Patience lang talaga

  • @CharitaCallet
    @CharitaCallet Рік тому

    Sobrang related po ako nito ganyan na po ang mama ko sa edad na 57 naging ganyang na sya this august 19 nag 60 na sya sakit lang isipin na imbis intindihin ng papa namin situation ng mama namin mas lalong lumala kasi sinisogawan ng papa namin

  • @ciarraj217
    @ciarraj217 Рік тому +3

    I feel sad. I remember someone going through this until we lost her in a traumatic way. She was screaming thinking someone is out to get her. 😢

  • @nemiearguellesquitain9454
    @nemiearguellesquitain9454 Рік тому +10

    Don't argue, command, repeat what they said, asked questions, don't correct them and be their enemies! They won't forget what you did to them

    • @solotraveller888
      @solotraveller888 Рік тому +2

      Paanong they won’t forget sau dyan? Dementia is about memory loss nga.

    • @JKShawn
      @JKShawn Рік тому +1

      paanong they won't forget eh kakasabi mo pa nga lang sa kanila 1 second pa lang nakalipas limot na nila sinabi mo. Dimentia yan ateng!

    • @whitepouch0904
      @whitepouch0904 Рік тому

      @@solotraveller888hahaha 😂

  • @whengpetite
    @whengpetite Рік тому

    Nag aalaga din ako ng ganyan,kailangan ng gamot yan para kumalma sya,para din gumanda ang pakiramdam ni lola yong ma relax din sya at need talaga ng unlimited na pasinsya, kapag ikaw yong mag aalaga.

  • @anakonno4736
    @anakonno4736 Рік тому +3

    Muntik rin nagkaganyan nanay ko nagkasakit sya , hndi na ako nakilala buti na lang gumaling , sobrang lungkot , pag-aalala , medyo nagkatampuhan na pamilya at high blood . Doon nagcmula , Now 3 yrs na cmula nun hndi na bumalik ung sakit nya as in nag alala talaga ako kaya cmula nun ung gamot nya sa highblood at hndi pag -alala ang pirmi naming pinag-iingat ❤ my mom now 78 yrs old

    • @joy3203
      @joy3203 Рік тому

      Totoo po ito. Vascular dementia po tawag dito

  • @sixtodarrelferrer7390
    @sixtodarrelferrer7390 Рік тому +7

    Dementia was the leading cause of death here in England. I am been working for 6years here in UK hospital for dementia patient.Very difficult ang hard job.needs patience, dedication. Mahirap lalo na hindi mo kadugo ang binabantayan mo. Saluted ako kay ate sa mahabang patiencya at oagmamahal. Pero dapat may regular medication yan sila para hindi mag aggressive at mag agitated o agitation.

  • @arlyngastilo3376
    @arlyngastilo3376 Рік тому +1

    Ganyan di po mother Namin for 6 years Namin sya inalagaan. We lost her 2018.
    Nagsimula sa naging paulit ulit na tanong, then..dumating sa point Hindi na nya alam Mga name Ng Mga anak nya.
    Worst , tumatakas sya noon.
    It's really a long goodbye 😌
    We always miss her.

  • @tuccimendoza1387
    @tuccimendoza1387 Рік тому +2

    Infairness ❤️❤️❤️Maganda ang flower arrangement ni doctora

  • @catherinecariazo8963
    @catherinecariazo8963 Рік тому +1

    Early stage pa lang sana napacheck up na si nanay. Mahirap din sakanya ung constant fear dahil sa hallucination.

  • @milagroscruz5595
    @milagroscruz5595 Рік тому +1

    Very informative. Salamat. ♥️

  • @Judylita
    @Judylita Рік тому

    Ahh ganun po pala,yung kapatid ng lola ko,npakabait nyo nung tumanda plaging nggalit tapos yung mga salita o kwento nya yung mga ganap sa kanila nung panahon ng hapon o scond word war😮😮😮😮klangan pla nila tlga ng alaga😢😢😢

  • @RobeeAnnBarretto
    @RobeeAnnBarretto Рік тому +1

    Lola po namin sa side ng papa namin ay ganyan na din po sya at yung sa kanya naman ay yung puro mga nakaraan na kilala nya pa rin mga anak pero yung sa isip nya ay mga bata pa ito. Yung isa pa po ay nasa isip nya ay buhay pa si lolo namin kahit matagal ng namatay. Hindi na din nya na po gaano kilala yung lahat ng mga apo nya kase ako po minsan pag tinatawag nya ay "neh" lang tawag nya. Share ko lang naman po.

  • @graceporquez4831
    @graceporquez4831 Рік тому +1

    Need meron day care ang LGU para sa mga single parents at hindi kung saan saan iniiwan ang mga anak. At Nursing home para mag karuon ng tamang lugar at tamang care

  • @joyceme3297
    @joyceme3297 Рік тому +3

    1st here...sikat na si lola gloria the tiktoker

  • @pamelama8790
    @pamelama8790 Рік тому

    Natutuwa ako kay Nanay Gloria sa Tiktok ngayon naku sari sari ang ipinapapabili

  • @legionofmaryobediencetohim8098

    Ang asawa ko may dementia. 2 times na operhan pa sa lungs. S vahay ko lang inaalagaan. First year ko sa pag alaga halos gusto kubg sumuko pero lahat inaalay ko sa Diyosang hirap na dinanas ko. Ang pagpakain at pag inom ng gamot ay napaka importante. At never na sigawan o pagalitan dahil kulang sila sa pag iisip ng maayos. We keep praying. Ngayon gumaling sya. Nanjan pa ang dementia pag di makatulog sa gabi.

  • @patrociniojrflores
    @patrociniojrflores Рік тому

    c' dad ko ganyan din, minsan kilala nya ako minsan ako tinatanong nya kung nsaan anak nya at ang worst ay daddy na tawag sa akin..gusto nya parati cyang umaalis ppunta ng probinsya dati un ang ginagawa nya kada bwan. Maganda kung pagtyagaan nlang at alagaan ksi parang bumawi lang cya nuong cya nagaalaga sa atin, mahirap, at komplicado pero magulang prin ntin yan. Mas mahirap dalhin sa loob ang panghihinayang sa bandang huli.

  • @talisay2942
    @talisay2942 Рік тому +1

    Maraming Articles or vlogs sa you tube about Dementia. Malaking tulong sa carer or caregiver at hahaba pasensya mo kasi lalawak pang unawa mo. Tuturuan ka sa lahat ng bagay. I watch American at English vlogs lang kasi I can't understand othet foreign language.

  • @erlindaaguilar4886
    @erlindaaguilar4886 Рік тому +1

    Focus n pag aalaga, bantay lgi dhil baka maya mag sunog juskolord ubos ang bahay 😔 kya i treat n prang bata nid di pde ialis ang mata s kanya 😍 isipin n lng tatanda din tau 2lad nya 💖😍

  • @mathildaleina4771
    @mathildaleina4771 Рік тому

    Bro keep learning things to prevent dementia. Mas maganda kung matututo ka matuto ng lengwahe

  • @1950sbaker
    @1950sbaker Рік тому +1

    Yun lola ko may dementia na rin. 93 years old 😢
    Grabe. Ganyan sya. Gusto lumabas ng gabi, inaaway yun dad ko chaka yung caregiver namin 😢 grabe. Last year, pinagdaanan namin ng dad ko na di nya kami pinatulog 😢 kasi sobra talaga sya nanggugulo. Di rin nya alam if gabi o umaga 😢 sobra talaga. Ang hirap 😢
    Nagsimula to nun sa lola ko nung nag pandemic. Yun locked down nun 2020. 😢 Kasi bawal lumabas kaya ayun 😢
    Ang hirap sobra 😢 kaya nagpagawa na yun dad ko ng gate dun sa kwarto nya kasi ilan beses na sya nawawala 😔 sumsampa pa minsan sa terrace kasi aalis na daw sya dahil dinakip daw sya ganun 😢

  • @natyremigio5745
    @natyremigio5745 Рік тому

    Salamat po sa share nyo Mam

  • @estelaalagao2009
    @estelaalagao2009 Рік тому

    nakakarelate ako kasi ganyan ang mother

  • @marlatamayo3262
    @marlatamayo3262 Рік тому

    Yes ganyan si nanay ko noong nag uumpisa sya Ng mag Alzheimer's almost one year akong nag adjust sa kanya Kasi grabe talaga Yung mga pabago bago attitude nya super makulit matigas ulo nya may time syang sa Gabi Hindi natutulog very progressive Ang Alzheimer's nya..Ngayon Ako Ang situation Ng nanay ay Hindi makapag salita at Hindi Rin makulit para na syang baby liliguan susubuan mo sya lahat back to zero na sya.

  • @myrnamyrna5601
    @myrnamyrna5601 Рік тому +1

    Ung alaga ko rin ganito din cia ang hirap alagaan..lalo na pg wla ciang tulog sus ginoo singaw ng sigaw din kung ano anong naiisip nia lakad ng lakad..ang hrap nkka stress din

  • @mazeville5129
    @mazeville5129 Рік тому

    Mahirap po talaga pero kailangan at obligasyon yan.. Ako lola at lolo may ganyan pero namatay din si lola ko. Ngaun 92 na si lolo.. Awa ng Diyos malakas at di masyado nagwawala di gaya ng lola noon..

  • @bellevilla8152
    @bellevilla8152 Рік тому +2

    This is so accurate and yes need talaga ng malawakang pacenxa sa pag aalaga sa mga magulang na may sakit napaka-challenging sa lahat ng bagay kc moody sila dahil sa sakit nila which is understandable naman kahit na may kaakibat ito ng maraming sakripisyo dahil we love them so much,pero minsan aminin man natin o hindi may time na nauubos tayo kc bukod sa kanila may mga personal din tayong mga alalahanin dagdag pa yung mga kapatid na wala na ngang financial support para sa mga magulang ná may sakit wala ring emotional support sa nag aalaga ang masaklap pa kapag minsan need dalhin sa ospital ang magulang yung mga anak na hindi nag aalaga daming sinasabi na bakit ganito ganyan nagmamarunong na para bang kasalanan pa sa nag aalaga,pero pag sinabi naman na sila nalang ang mag alaga ayaw naman hindi daw nila alam paano alagaan. For me proud ako sa mga anak na hands on sa pag aalaga sa mga magulang with love 💕💕💕

  • @chesali62
    @chesali62 Рік тому +1

    nanay,kc, mama ❤

  • @Renzy1344
    @Renzy1344 Рік тому

    Dahil kasi hinde na nila tayo kilala kaya tingin nila lagi treat tayo para s kanila. Mahabang pacncya Lang ang kaylangan natin pra s kanila. At pag mamahal.

  • @jeanpagurayan
    @jeanpagurayan 7 місяців тому

    ganito din ung father in law q ganitong ganito sya dpat pala mahabang pasinsya talaga

  • @johnaquino2393
    @johnaquino2393 Рік тому

    May Dementia rin Father ko. And lucky parin kami kc hindi sya nag wawala or ma initin ang ulo. May times lang na bigla gusto nya umalis mag isa. Maliligo sa madaling araw and mag bibihis ng pang alis. Its Hard pero since Love namin sya we need to understand and take care of him. My Father is already 85 years old and a stroke survivor. 😢

  • @bahaykubofoodchannel3
    @bahaykubofoodchannel3 Рік тому

    Marami sa western countries dahil sa diets nila at yan ang mga binabantayan sa age care facilities dahil napakahirap talagang bantayan 24/7 bumabaliktad ang araw at gabi kaya kailangan ng permanent medication

  • @maricelastorga5453
    @maricelastorga5453 Рік тому +1

    Wow, Sikat si Nanay Gloria...

  • @Notyourtypicalgirl_
    @Notyourtypicalgirl_ Рік тому +1

    Napaka hirap alagaan ng taong may dementia. Sa una lang sila ganyan wild. Grabe malakas sila. Pero pag na bigyan ng gamot medyo kalmado na at parang bata.

  • @viktoriahuge3076
    @viktoriahuge3076 Рік тому

    Naalala ko si Nanay nong buhay pa kse ganyan din. Minsan mauubos pasensya mo, minsan naman matatawa ka na lang sa pinaggagawa. Mahirap talaga mag-alaga ng matanda. Nagkabaligtad na nga kme kse mommy na ang tawag nya sa akin. 😊

  • @KyupalNgYoutube
    @KyupalNgYoutube Рік тому

    Kapag ganyan po na apektado na ang daily living ng pamilya kailangan na po ng gamot para kumalma sila sa ganyang sitwasyon. At minsan pag di na kaya ng pamilya ipapasok na sa facility

  • @PILINGERANGVLOGGER
    @PILINGERANGVLOGGER Рік тому

    Ganyan na ganyan ang mama ko. Lahat ng symptoms.

  • @louloop9137
    @louloop9137 Рік тому +1

    Pagkain ng natural foods at Marijuana Oil, gagaling agad yan in 2 months. Iwasan ang mga synthetic na gamot at mga sweets

    • @MycahReyes
      @MycahReyes 3 місяці тому

      San po nakakabili nyan

  • @seniatorrendon2
    @seniatorrendon2 Рік тому

    Kapag nagwawala sya..hayaan nyo na lang sya..make sure lang na safe sya...saka naghahalucinate sila is normal...dito sa nursing home nka lock sila dahil may tendency mawawala sila..need nila gamot na pangpakalma..

  • @claireagravante9919
    @claireagravante9919 Рік тому +1

    ang mahalaga mahalin sila ng abang buhay kasi abang tuma tagal pa hikli na ang buhay nila

  • @cristitabratter3329
    @cristitabratter3329 Рік тому +2

    mahirap magalaga ng ganyan.kasi yan ang trabaho ko dito sa germany.ang kailangan be patient. at pag inatake ng dementia huwag pagalitan.pakisamahan at irespeto at pagmamahal at alagaan

  • @dannycawan3502
    @dannycawan3502 Рік тому

    Nag alaga din po ako ng alzhimer, sa ibang bansa, yung mga lumang awitin tanda parin nila, gusto nila nakikipag sayaw, kung minsan nag hahagisan kami ng bola, umagat hapon naglalakad kami sa labas dalawang oras, kailangan talaga ng tiyaga,

  • @clark2847
    @clark2847 Рік тому

    Ganito ung sintomas ng nanay ko before namin patingin sa psychiatric. Tuwing madaling araw lagi sya tumatakas at sinasabi na uuwi na sya. Ito kasi ung huling natatandaan naya na ngyari sankanya na uuwi na sya samin (nag outing kasi sila). And nalaman namin na nadapa daw sya and may good samaritan na tumulong sa kanya. To make story short before sila mag outing nagsisismula na pala sya makalimot..after the incident na nagwala at pumilit na umuwi sya from outing, iniwan nya mga kasama nya. Nag iba na behavior nya. Nkakalimutan na nya lahat. Ang sami ng dr. Lumiliit na ang utak ng nanay. At ang cause nito ay ang madalasang pag iinom.
    Ang nanay ko kabataan pa lang ay talagang nag iinom na hanggang sa nag 60 plus na sya pilit nagtatago at nakikipag uinuman to the point na nakakagalitan na namin ang mga nakakainuman na pilit namin pinapaintindi sa kanila na hindi na pwede. My nanay was 65 non nung nagstart na sya makalimot.
    Binawian sya ng buhay 69 yrs old due to cardiac arrest. 😞.
    Kaya naalala ko si Nanay kay Nanay Gloria.
    Yung matapang ang nanay ko then bumalik ang isip sa pagkabata.

  • @luzillecaneda7414
    @luzillecaneda7414 Рік тому

    Namamana ang sakit na yan...kawawa Ang pamilya na me kasama na ganyan karamdaman...kelangan tlg mahaba pasensya dahil tlg makukulit at paulit ulit na magtatanong ng Kung ano ano hindi din kelangan kontrahin dahil lalong magwawala..

  • @LovadoveGrace
    @LovadoveGrace Рік тому +1

    naaalala ko ang Lola namin nun... habang lumalaki kami lagi nya sinasabi samin na kapag tumatanda daw ang isang tao ....bumabalik daw sa pagiging baby....
    na kailangan na uminom ng gatas ...nagdadiaper...nagiging makulit at pasaway....
    kaya nung nag 60 na siya ...un unti-unti nagiging makulit na siya...parang bata....kaya hinahabaan nalang namin ung pasensya namin nun....

  • @MariamarcelinaIringan
    @MariamarcelinaIringan Рік тому

    Salamat Dra Ong about eggs ❤

  • @kristinefernandez1760
    @kristinefernandez1760 9 місяців тому

    Ganyan alaga ko. pg nagwwla nialayasan ko pg balik ko tahimik na. wag sabayan sila talaga😊

  • @pb-ne1vn
    @pb-ne1vn Рік тому

    Sa case ni nanny that’s Alzheimer’s. There are several forms of dementia, there is fFTD (fronto temporal dementia), there is Lewy body dementia, the second most common form of dementia is vascular dementia and the number one is Alzheimer’s. There is even Alzheimer’s non~ verbal Dementia is a syndrome or term that gradually affects the functions of the brain like cognition, behaviour, language, motor functions etc and the symptoms gradually progress overtime. I’m assuming si nanay meron underlying medical condition kaya siya na diagnosed of Alzheimer’s . One of the leading contributing factors of having dementia is high blood pressure however hindi it doesn’t mean that you’re hypertensive you’ll have dementia in the end. Other medical conditions that can lead can exacerbate the symptoms of having dementia are age macular degeneration, diabetes mellitus, stroke, epilepsy, AF (atrial fibrillation),delirium, anxiety etc. The term dementia is very complex. Eto Lang ma e comment Ko Kay nanay in this video about Alzheimer’s and at present I’m doing medical research about Alzheimer’s here in the Uk then I’ll be happy to share. Sharing is caring po mga Kabayan 😀

  • @mayjoy8941
    @mayjoy8941 Рік тому

    Care giver akO dto sa dammam if ganyan din anG sakit ng pasyinte ko...mabuti naLanG bedridden natu..minsan nagwawala nagdadaldal hnd niya ako kilala nangangamot...pro may maintenance na gamot...mInsan makaalala pro madalas hnd.kaht anak niya sabihan niyanG cnu KA....Mahirap mag alaga prO easy lanG kUng nakaadjust kna😊😊😊just sharinG watching from saudi

  • @Ryan-he2qz
    @Ryan-he2qz Рік тому

    Dont give up on her doctors and scientist should study family should have more patience and understanding

  • @starwurttemburg603
    @starwurttemburg603 Рік тому +1

    ung lola ko gnyan nung highschool ako pero wala kaming alam as in pinapatulan ko cya pag galit, sumisigaw cya sa labas etc, un pala dementia na.. malay ko tlga kasi bata pko nun wala tlga akong idea..

  • @jingppel8741
    @jingppel8741 Рік тому

    Kailngan kny plg may kausap at medyo i reverse psycho mo or uutuin .

  • @pse49kayzeryan49
    @pse49kayzeryan49 Рік тому

    ganyan dn lola ko sa tuhod.... 94yrs old sya....grabe subrang sungit

  • @jomarivaleriano1979
    @jomarivaleriano1979 Рік тому

    Marami na ako case ganyan dementia kasi work ako nursing home dito US . Need nio intidihin dementia minsan elopement panyan mahirap

  • @kingoctava7594
    @kingoctava7594 Рік тому +4

    Ayokong humantong sa ganito kay when i reach 50. Lord kunin mo na ako. Ayokong maging pabigat sa buhay ng pamilya ko

    • @Spino256
      @Spino256 Рік тому +3

      Healthy lifestyles po para maiwasan ang mga sakit sakit

    • @greatlife6846
      @greatlife6846 Рік тому +1

      50 agad? Wag kang selfish....dami mga loveones mo ang nanjan...ayaw nila na makalimutan mo sila...

    • @kingoctava7594
      @kingoctava7594 Рік тому

      @@greatlife6846 💜

    • @kingoctava7594
      @kingoctava7594 Рік тому +1

      @@Spino256 💜

  • @joyligzvelascovlogstv9461
    @joyligzvelascovlogstv9461 Рік тому +2

    It's a brain damage or injury. Kailangan ng mahabang pang-unawa. I work in Alzheimer's hospital here in Europe. Yung mga taong walang alam about Dementia akala nila baliw yung mga taong may Dementia. Understand them and be with them in their new world. Always talk to them about the past dahil yun lang ang naaalala nila. Show the old pictures

    • @___Anakin.Skywalker
      @___Anakin.Skywalker Рік тому +2

      Brain injury ba caused ng alzemer disease?

    • @joyligzvelascovlogstv9461
      @joyligzvelascovlogstv9461 Рік тому

      @@___Anakin.Skywalker yes po. Brain damage or injury. Yung iba genetic o namamana po.

    • @brendaferraren2999
      @brendaferraren2999 Рік тому

      ​@@joyligzvelascovlogstv9461 i agreed with genetic nmana ng mom ko ganito from morning till dawn non stop talking, ignore ko lang minsan sumisigaw makahampas hay naku pag nasigawan ko na tigil na sya 😏

  • @arn-arnnecavira921
    @arn-arnnecavira921 Рік тому +3

    Ganyan din papa ko may nakikita siya tao naka damit ng puti mataas ang buhok pero hanggang sa hospital tapos parang bumabalik sa pagkabata ng nka uwi sa bahay mga moths lang namatay papa ko.

    • @JKShawn
      @JKShawn Рік тому

      baka may dimentia with lewy bodies. Yang mga ganyan ang madadalas na nag hahallucinate.

  • @florong2509
    @florong2509 Рік тому

    Maswerte po kau kahit ganyan nandyan p dn nanay nyu. Si mama 1 buwan mahigit nmen inilaban na-icu sya . Heart failure. Its been 5 mos na pero araw arw p dn ako umiiyak. Pinagdadasal q nuon lahit alagain sya ok lng bsta nandto sya ksama nmen sya😢

  • @jonman3980
    @jonman3980 Рік тому

    Dito sa Germany pinapainom talaga ng gamot para calm yung mga patients na may dementia, lalo na kung nananakit na sila at meron talaga silang GPS para kung mawala man sila ay ma tracking sila

  • @reymendoza640
    @reymendoza640 Рік тому

    Ganyan na ganyan nanay ko... Kaibahan lang eh mag isa akong nag aalaga....

  • @romeoalvarez-g6s
    @romeoalvarez-g6s Рік тому

    canabis oil po. wala po masama kung try nyo.

  • @leaamante2027
    @leaamante2027 Рік тому

    Alaga ko dito sa Taiwan, may Alzheimer's. Tyaga lang talaga. Pero d maiwasan na mainis. Pero medyo matino pa naman alaga ko, kasi kalmado pa sya. Un lang sobrang ulyanin na sa mga ginagawa nya.

  • @Junzstylemadapaka
    @Junzstylemadapaka Рік тому

    Pag severe dementia na mahirap na imanage. Hindi na nila alam kung gutom sila, di rin nila alam kung in pain ba sila, dun na magsstart magdeteriorate ang condition hanggang sa mamatay sila.

  • @peanutshell9405
    @peanutshell9405 Рік тому

    Mahirap mag alaga ng Alzeihmer's disease na patiente. May happy na Alzeihmer at meron naman wanderer, di natutulog. Kaya isecure ang bakod at bahay para di makalabas ng bahay.

  • @famf6234
    @famf6234 Рік тому

    Just like my Mom….😢. She suffered for 7-years after a mild stroke…she passed at 76..🙏🙏🙏

  • @ImHumbleBee
    @ImHumbleBee Рік тому

    Naranasan ko na rin mag alaga ng may alzheimer, at my age of 19 inaalagaan ko dati yung lolang may high stage ng Alzheimer. Sobrang hirap talagang ultimo pag ihi nya ,pagpunta nya sa cr lahat lahat ng ikikilos nya talagang babantayan mo. Ganyan yung behavior ng may alzheimer. Lahat talaga ng bagay nakalimutan na, pero may kaunti pa silang logic, pero minsan nawawala pa. Yun na yung time na aawayin ka, di ka kilala, di nya alam kung nasaan sya, magwawala, minsan magtatago nalang, minsan maglalayas araw man o gabi. Kung puyat sya, mas puyat ka🥴😅

  • @tolitsp123
    @tolitsp123 Рік тому

    Kaya po take ng omega 3 lalo na mataas ang DHA to prevent dementia . sa awa ng lola ko 84 yrs old na siya ok pa rin brain ni lola.Salamat sa dios

  • @cristitabratter3329
    @cristitabratter3329 Рік тому

    brain training like puzzle. reading at gabay

  • @___Anakin.Skywalker
    @___Anakin.Skywalker Рік тому +1

    Baliw pala ang alzemer...pwede ba silang ipasok sa mental?

  • @lesliehartsock
    @lesliehartsock Рік тому

    😢😢😢mama ko ganyan

  • @carolynteodoro6468
    @carolynteodoro6468 Рік тому

    May gamot naman dyan na mag calm down Sila. Yun nga lang may time parin na Down syndrome Sila. Minsan kailngan nila nang mas strong na gamot. Hindi talaga Sila poydi pigilan dahil mananakit. Kailangan mahaba pasinsya.