Fiber Cement Board (Ficem board in short) po ang tamang tawag po. James Hardie brand po ang Hardiflex at manufacturer sila ng mga construction materials like screws, duct tapes etc... Fiber Cement Boards is just one of their products. At may mga manufacturers na local na mas maganda at mas affordable kay sa James Hardie brand, dyahe sa kanila kung tawagin natin ang products nila by a foreign brand. Hindi lahat ng pintura ay Boysen o kaya lahat ng pliers ay Stanley o lahat ng Ficem boards ay James Hardie (Hardiflex) brand. Salamat sir at nilinaw mo.
Tamang tama ang panood ko sa video nyo po ng papagawa ksi ako ng bahay..at mg papa kesame narin ng iisip pa ako ng kung anong dpt ilagay papalagay ko...kaya salamat po sa info sir...
Hi Sir Arki napaka laking tulong nitong vlog mo sa mga nagbabalak magpatayo ng kisame. Napaka detailed ng vlog mo may advantages at disadvantage pa. Nasabi mo pa kung magkakano magagastos. Highly recommended sa mga naghahanap ng kisame. Sana mashare pa tong video mo sa iba.Tama dapat laging iconsider ang kaligtasan. God bless Sir Arki
Thank you sa info Sir malaking tulong ito lalo na at wala akong kaalam-alam sa construction materials (costing). Sinubukan kong kunin dimension ng 2nd floor namin at sakto sa recommended quantity ng materials na kakailangin. Actually may allowance pa. Sa presyo na lang ng mga supplier magkakatalo. Salamat Lodi 😊
salamat ian! meron ka ba mga sariling composition ng base or lead guitar instrumental na pwde kong gamitin sa other channel ko? balak ko gamiting mga sound track sa (JJ MTB NETWORK) other channe ko. Pls dont forget to like and subscribe.
Thank you guys for all your support...kaway kaway sa mga supporters natin dyan. Kung may mga tanong kayo, wag mahiyang magcomment dito. Sasagutin ko po lahat. Iba ang may alam. Apir.
Thank you so for this video, sir Arki. Question Lang po, since you mentioned that fiber cement board cannot tolerate that much heat, pwede po ba sya lagyan ng insulation foam para mabawasan ang init? If yes, saan po ba dapat ilagay? In between the roof and the cement board or under the cement board? Thank you
Hi trixia Ang tamang installation ng thermal insulation foam ay under the roof sheet. Nakaipit sya sa roof framing (c-purlins) and the metal roof sheet.. Thank you for watching. Pls dont 4get to hit the like, subscribe and bell notif. Cheers!
@@arkijjtv oh I see. But why is this roof here doesn't have insulation foam between the metal framing ant the roof? Wat will be the remedy for that po?
Sir tulungan nyo poh ako bahay namin sa taas plywood lang ang dingding tpos kahon lang ayon inaanay na at bulok na ano poh maganda ipalit balak k kasi ipaayos bago mag pasko itong taon
Ito yung unang video mo na napanuod ko sir pero dipa ako nag subs agad pero nung nakita ko ibang video mo yung calculation sa tiles at mga klase ng tiles at designs for matching dun ako napasubs dahil iyon ang kumuha ng attention ko sa videos mo sir, salamat. 👃😍 Nagulat panga ako sa intro mo kala ko ikaw yung nang rap e hehe,,😀
Thank you po Architect! Dami ko po natutunan dahil nagpapagawa kami bahay ngayon. Magkano naman po ang Fiber Cement Board since yun po ang recommended nyo po, TY po
Hi archi..ngayun lang po ako nkapanood ng vlog nyo. Pero very interesting tlaga sya ksi we are to decide kung anung dpat gamitin. Yung current ceiling kasi namin is slob..maxadong mainit ung room kapag tg init. Anu kaya magandang gamiting ceiling para maglessen ung init sa room namin? Thank you in advance sa mggng reply nyo po.
Hi reina. Thank you for watching. Pwde ka gumamit ng fiber cement board at pwede mo din palagyan ng thermal insulation foam ang ilalim ng slab (pwede mo idikit ng duct tape)...at kung wala naman tiles yung roof deck, pwede mo papinturahan ng thermal paint. U can watch my other video po para malessen ang init sa bahay mo. Thank you reina.
nice video.. so what is the correct arrangement : roof, thermal insulation foam, acoustic board the. ficem board? because when it's raining it's kinda noisy .. thnks for your reply
Sir sabi ng mga karpintero hindi advisable for long term use ang ficem board dahil nageexpire sya at yung mga little particles unti unti naabsorb ng lungs ntn
Permanent po yang ficem board...kung hindi po ako nagkakamali yung sinasabi nila na dangerous sa health ay yung asbestos. Ipinagbawal na po ang paggamit ng asbestos. Para makasiguro po kayo doon kayo sa kilalang brand. Thank you po.
Good Day Sir. Ask ko lang po if okay lang po ba na metal furring/fiber cement board ang ipalagay ko na ceiling but yung pagkakabitan po ng suporta ng metal frame is kahoy po (pinagkakabitan ng bubong). Thank you po and keep safe. 🙏🏻🙏🏻
hi kenny. ok lang naman na ikabit yung ceiling frame mo na metal sa wood truss mo. walang problema yan...isang advice lang. pahiran mo ng solignum yung wood truss mo para hindi anayin. thanks!
hi sir arki, Tama po kayo maganda Yung fiber cement board matibay hindi nabubulok kaso napakainit... sa gypsum board po ba meron bang water resistant pang ceiling
Hi roberto Pwedeng pwede sir. Meron naman semi gloss at gloss na paint na pang hardiflex. Ang pintura na gagamitin mo ay katulad ng pintura na pang bato (masonry paint or elastomeric paint.) Thank you for watching. Pls dont 4get to click like subscribe and bell notif. Thank you. APIR!
Hi sir, new sub po ako heheh. Yung bahay po namin pa loft type and bakal din po. Di pa po sya nalagyan ng insulation foam (since walang budget until now 😆) Ask ko lang po if pwede pa sya lagyan ng insulation foam before kisame and ano po ang marerecommend nyong kisama type? I personally want the ficem board because of its safety kaya lang dahil mababa yung bubong iniisip ko po talaga yung makakaless ng init and yung budget din. I know you van help me po and thank you po sa answer agad!
Gandang gabi po..sir arki ask q lang po ung gypsum board po b na moisture resistance hindi po b cia na si2ra just incase magkatulo ung bubong?salamat po
Hi Sir anu po mas magandang board o gamitin para sa kisame labas ng bahay po. Yong gamit sa roof ay regular yero lang po at kahoy. Looking forward for your response Sir. Thanks
Hi carolyn kung roof eaves yan gumamit ka ng fiber cement board, pwede yan ikapit sa wood frame. Kung may budget ka mas mainam ang spandrel. Thank you carolyn. Pls dont 4get to like and subscribe.
Hi Sir! Ano pong ma re recommend nyo na ceiling for attic type na kwarto (pa triangle yung kisame) and if hardiflex pwede po ba sya sa kahoy instead of mettal furring? thank you🥰
Hardiflex po. Pero palagyan mo ng thermal insulation foam. Pwede yan kahit wood ang ceiling frames. Makakatulong din kung papinturahan mo ng thermal paint ang inyong yero. Thank you Noime.
Hi lee. Ayos naman sya pang kisame sa second floor. Hindi rin sya masyado mainit. Pero mas maganda kung maglalagay ka ng thermal insulation foam kung yero ang nasa taas nya.
Hello sir good day ,pahenge po advice ano maganda para e kisame po sa metal kasi yung ding² namin hardiflex din po kahit wala pang kisame mainit sa loob sobra , sa Lapag po semento
Hi Marvie. Ang mga options mo dyan ay magpadagdag ka ng bintana. Magpalagay ka ng exhaust fan. At magpalagay ka ng thermal insulation foam. Meron din paint na "thermal paint" nabibili sa lazada or shoppee pwede yan pang pintura ng bubong at ng exterior wall mo. Thank you.
Sir nakalumitan mo po e mention na ang metal ay kinakalawang. Ang kahoy pede naman po e treat ng fire retardant chemicals ( may diy yan) o fire retardant paint.
Hi chris. Ang metal furring ay galbanisado. Kapag galvanized. Hindi basta basta kinakalawang. Yes may treatment ang kahoy na fire retardant. Pero masusunog pa rin ang kahoy, may certain time lang ang fire retardant nya...hindi sya fire proof...thank you chris. Pls dont forget to like, subscribe and hit bell notif....apir!
@@arkijjtv sir coating and plating experience.kaya nasabi ko yan magkakalawang pa din yan magmumula sa pinagputulan at sa drill holes. Agree naman ako as per fire rating requirement wala lang kasi religiously nagtetreat ng ganyan dito sa bansa. Kung sa apoy mas mauuna masunog ang laman ng bahay kesa kisame gaya ng kurtina at mga tela. Bu the way sir sa init ng sunog di man masunog ang metal at cement board dahil sa init magbebent din ang metal papalitan mo din. Kung ang arson evaluator nman badtrip dedeclare din unsafe ang building kaya di mondin ma save ang kisame persee.
Yes chris magkakaron din ng rust sa pinagputulan at drill holes. Minsan nga kahit sa hindi pinagputulan pag napatakan ng pawis ng mga workers (lalo na yung may kasamang pawis alak Haha.) kinakalawang din...meron dito sa atin gumagamit ng fire retardant coating lalo na sa mga malls yan kasi requirements nila...cheers!
sa tibay mas matibay ang plywood. kaso nabubulok, inaanay, at nasusunog. hardiflex oks sya. mas mura. hindi nabubulok. hindi inaanay, at hindi nasusunog.
Hello po Archi, magpapa loft na 2nd floor po ako. Pwede po ba ang hardiflex na gamitin para sa floor at walls? Also, sa wall po pwede ba naka sandwich sa labas ay ficem board at sa loob naman ay gypsum board? Salamat po
@@arkijjtv architect salamat po sa pagsagot at sa payo ninyo. Last na lang po sana mapansin ulit. Ano po ang ma aadvise niyo na pinakasafe gawin. Sa previous chat ko po ay loft type 2nd floor po ang 1st plan. 2nd plan po ay possible kaya na buong 40 sqm na bahay ay ipa2nd floor po gamit ay hardi floor? If yes po ang po ang dapat na wall dito. 3rd plan, ang bahay po namin ay nasa row housing ng NHA. Safe po ba na isemento ang 2nd floor at magkaron ng roof top? Salamat architect and more power to you!
Paano mo ba malalaman kung (Hardeflex /fiber secement board). At hindi Gypsum boar ang biniling pang Dry wall sa Bahay ko??? Salamat sa sasagot mga sir
Thank you for watching. Ang fiber cement board po ay matigas, while yung gypsum board ay malambot. Kaya pag kinatok katok mo mas malutong ang tunog ng hardiflex kesa sa gypsum...pero kung d mo makumpara ang kaibahan nila. Pwede siguro mgscrew ka sa pinkasulok na hindi nakikita pag hardiflex mahirap magscrew at kpag gypsum yan madali lang magscrew atlalabas ang powder nya na gypsum. Sana makatulong po.
Sir Arki, ano po suggestion mo na material sa kisame if ang room ay low ceiling at concrete ceiling sya. The usual happening na sa araw inaabsorb ang init at sa gabi release yung heat. cinoconsider ko din kase na ma minimize ang pagbawas ng floor to ceiling height at the same time hindi mainit sa gabi. maraming Salamat! 🙂🙂
Hi francis. Mainit nga yan. Lalo kapag gabi na. Palagay ka na lang ng ceilng kahit mga 4 inches mula sa ilalim ng slab. Padkitan mo na rin ng thermal insulation yun ilalim ng slab...makakatulong din kung maglalagay ka ng mga halaman sa roof deck or artificial grass. Para malessen ang init.
@@arkijjtv Magpagawa kasi ako ng kisame sa concrete roof soon.buti na lang na info mo ako sa wood. hardiflex na kasi ang naisipan ko dahil yan na yung usual nowadays na suggestion ng mga panday. Maraming salamat boss! 👍👍👍
Sir tanong ko lang po, d nyo po nabanggit kung nakaka absorb ba ng init ung gympsum board? Or katulad din ba sya ng fiber cement board na nakaka penetrate ang init dahil solid
Good morning Arki JJ 🙂 tanong q lang po, nakabit na kac ung metal furring. Hardiflex ang ipalagay q sana, pero gusto q sanang PVC nalang ang ipalagay q, pwed po ba un? Mainit kac sa taas nang bahay, dahil yero
hi roman. kapag sa presyo ang paguusapan mas tipid ang hardiflex. pagdating sa ganda yun namang pvc ceiling panel. pagdating sa init naman, mas nakakabawas ng init ang pvc ceiling panel pero mas the best pa rin na magpalagay ka ng thermal insulation foam...pls watch my latest upload tungkol din yan sa pvc ceiling panel. at hardiflex. thank you.
@@romancortes9769 yes bro balik sa dating butas ng yero yan, pero yung butas sa c purlins pwede mo ipausog ng kahit 1". Palagyan mo silicon sealant ang head ng screw kasi baka patanggal nyo sira na rubber nyan.
Hi ms. sheila, malaki po yung bahay nyo. kung 180sq.m. ang ceiling area at base sa vlog na ito roughly estimated ay 95,223. pwedeng maging iba ang results nyan depende sa design at output ng workers.
Thankyou sir sa information..pwde niyo po ba kami tulungan kase nagpapagawa po kami ngaun ng bahay makakuha man lng ng mga tips niyo po salamat godbless you engr.
Sa mga dugtungan sir...pero nasa gumagawa din minsan para maiwasan ang crack. Nag ccrack kasi sya due to heat and movement ng kisame. Kapag nasolve yan ng worker ninyo im sure wala na crack yan.
@@arkijjtv maraming salamat po sa kasagutan sir...meron po bang possible way para maiwasan un sir mag crack o para di mahalata...di nmn po ba delikado bumagsak sir
Hello po napanood ko tong video very informative may pinapagawa po kaming house sa province and still deciding kng anong kisame at wall partion ng bathroom Sa kisame plan namin pvc panel worry ko baka mag warp kasi walng insulation ung roof nakalimutan lagyan 😅 ngyn parang mas ok pala knng gypsum gamitin pero pede kayang dikitan nalng ng insulation foam baka ikabit sa ceiling? Sa bathroom namn po plan namin pa chb ung partion isip ko pede bang fiber cement nalng lahat pati sa wet area and pede bang dikitan ng tiles? Sorry po mahaba sana mapansin more power po
Hi Miller, pwede naman walling sa labas yan, may nilalagay lang na p.e. plastic para protection ng mga metal framings mo. ang negative lang hindi sya sound proof at medyo madali masira compare to chb wall. thank you miller. pls dont forget to clickl like, subscribe and bell notifications... cheers!
Sir makakatulong po ba para mabawasan ang initsa fibercement board kung maglagay mg insulation sa bubong (double foil) at pwede po ba ireuse ang binakbak na fiber cement board. Thank you sir
Hi manayjelay. Yes malaki tulong ng thermal insulation foam lalo na double sided ang gagamitin mo. At pwde mo din mare use ang binakbak na fiber cement board. Salamat manayjelay.
Hi. Thank yoi for watching. Kung yero ang bubong mo at nagkaroon ng kaunting leak siguradong masisira po ang gypsum board mo..fire resistant po sya. May certain hrs lang po ang kaya nya itagal bago masunog..
Thank you for watching. Mas maige po na palagyan nyo ng heat insulation. Kahit yung 5mm lang na 2sided. Mura lang po yun around 50 pesos per linear meter. Gumamit ka na lang ng 3.5mm na fiber cement board para makatipid ka. Yung matitipid mo ibili mo ng insulation.
Hi grace ang disadvantage lang ng kahoy ay nasusunog at inaanay. Pahiran ng lang ng anti termite solution para iwas anay at make sure na maayos ang wiring sa loob ng kisame para iwas sunog. Thank you grace. Ingat kayo.
Hi willy hindi ako nag eestimate by percentage. Pinagaaralan ko kung ilan ang output ng tao yun ang ginagamit ko para maestimate ng tama ang labor cost. (Well pwede ka rin tumantya ng around 35 to 50%) pero less accurate yan. Salamat. Apir!
Hi sir arki concern ko lang po kasi gusto kong gumamit ng ficem board sa kisame kaya lang ang inaalala ko is mainit sa loob ng bahay ,,,anong maganda paraan para mabawasan ang init nito.😊
Fiber Cement Board (Ficem board in short) po ang tamang tawag po. James Hardie brand po ang Hardiflex at manufacturer sila ng mga construction materials like screws, duct tapes etc... Fiber Cement Boards is just one of their products. At may mga manufacturers na local na mas maganda at mas affordable kay sa James Hardie brand, dyahe sa kanila kung tawagin natin ang products nila by a foreign brand. Hindi lahat ng pintura ay Boysen o kaya lahat ng pliers ay Stanley o lahat ng Ficem boards ay James Hardie (Hardiflex) brand. Salamat sir at nilinaw mo.
Thanks so much bro.
Tamang tama ang panood ko sa video nyo po ng papagawa ksi ako ng bahay..at mg papa kesame narin ng iisip pa ako ng kung anong dpt ilagay papalagay ko...kaya salamat po sa info sir...
Hi senia
Consider mo yung safety ng pamilya mo sa pag papagawa ng bahay. Thank you for watching. Pls share this vlog.
salamat at nakita ko ito. malaking tulong po.
Hi Sir Arki napaka laking tulong nitong vlog mo sa mga nagbabalak magpatayo ng kisame. Napaka detailed ng vlog mo may advantages at disadvantage pa. Nasabi mo pa kung magkakano magagastos. Highly recommended sa mga naghahanap ng kisame. Sana mashare pa tong video mo sa iba.Tama dapat laging iconsider ang kaligtasan. God bless Sir Arki
Thank you po. At nagustuhan nyo.
Nakakatawa yung nagbabalak magpatayo ng kisame, hahahahaha!!!
Ayos to boss, very informative. Madami ako natutunan sa videong eto. Salamat sa pagbahagi.
Thanks
Paano ka ma contact po.. pa instlall ako drywall
@@arkijjtv pwede ba sya sa kahoy ikapit dating frame ng kisame bawal sya mabasa??
@@_-943 pwede nyo po ako email.
Very informative sir Salamat sa pag bahagi ng iyong kaalaman more project to you po
Thank you for watching kapanday.
Thanks for sharing this is very informative po s tulad ko balak mgpakisame.
Hi rachel. Thank you.
Salamat at na discover ko itong blog mo sir...
thank you mam josephine, you can watch my othe videos. God Bless!
Thank you sa info Sir malaking tulong ito lalo na at wala akong kaalam-alam sa construction materials (costing). Sinubukan kong kunin dimension ng 2nd floor namin at sakto sa recommended quantity ng materials na kakailangin. Actually may allowance pa. Sa presyo na lang ng mga supplier magkakatalo. Salamat Lodi 😊
salamat ian! meron ka ba mga sariling composition ng base or lead guitar instrumental na pwde kong gamitin sa other channel ko? balak ko gamiting mga sound track sa (JJ MTB NETWORK) other channe ko. Pls dont forget to like and subscribe.
Thank you po, sa tips sa pagpagawa ng Kisame.. More power po.😊
Thank you ressa.
Ok sir ayos ang pag kaka paliwanag ng mga materials thank you.
Maraming salamat po.
Salamat Sir, meron na ako idea.
salamat rubzvlog, kung meron ka man mga suggestions makikinig ako. cheers!
Thank you guys for all your support...kaway kaway sa mga supporters natin dyan. Kung may mga tanong kayo, wag mahiyang magcomment dito. Sasagutin ko po lahat. Iba ang may alam. Apir.
Thank you so for this video, sir Arki. Question Lang po, since you mentioned that fiber cement board cannot tolerate that much heat, pwede po ba sya lagyan ng insulation foam para mabawasan ang init? If yes, saan po ba dapat ilagay? In between the roof and the cement board or under the cement board? Thank you
Hi trixia
Ang tamang installation ng thermal insulation foam ay under the roof sheet. Nakaipit sya sa roof framing (c-purlins) and the metal roof sheet.. Thank you for watching. Pls dont 4get to hit the like, subscribe and bell notif. Cheers!
@@arkijjtv oh I see. But why is this roof here doesn't have insulation foam between the metal framing ant the roof? Wat will be the remedy for that po?
Hi trixia
Kapag wala sya insulation, ang remedy mo dyan ay patuklap mo ang roof sheet then palagyan mo ng insulation. Thanks.
Sir tulungan nyo poh ako bahay namin sa taas plywood lang ang dingding tpos kahon lang ayon inaanay na at bulok na ano poh maganda ipalit balak k kasi ipaayos bago mag pasko itong taon
INFORMATIVE. MARAMI AKONG MATUTUHAN. THANKS
Roniel gonzales
Salamat tropa at nakatulong ang vlog na ito sayo.
Very informative video. I liked how you presented the pros and cons of each ceiling material and their respective estimated cost.
Thank you RV.
dami ko natutunan sir.
thank you miguel!. pls dont forget to like and subscribe.
Thank u so much Engr. for sharing your ideas. God bless.
Thank you po mam regina. Pls dont forget to like and subscribe.
Thank you sa tip overpriced kasi yung nagquote sa amin
sa labor cguro sa fcb at metal furring ang gamit sa ceiling 2days tapos na sa mga sanay na baka mga 10 to12 hrs tapos na yan
Mas mabilis pag pakyawan.
Thank you for sharing
Thank you jean.
Salamat po in advance...more power
Your welcome po. And thank you.
Galing ...
Thank you po.
Ito yung unang video mo na napanuod ko sir pero dipa ako nag subs agad pero nung nakita ko ibang video mo yung calculation sa tiles at mga klase ng tiles at designs for matching dun ako napasubs dahil iyon ang kumuha ng attention ko sa videos mo sir, salamat. 👃😍
Nagulat panga ako sa intro mo kala ko ikaw yung nang rap e hehe,,😀
Thank you po for watching at nagustuhan nyo ang content na ito...madami pa akong mga pwedeng i upload na katulad nito. Maraming salamat sa suporta.
Good morning idol watching from Riyadh tamsak done
Shukran habibi.
Salamat sa tip😊
Maraming salamat po sir..
Your welcome Rhea.
Salamat sa idea lods
Thnk u po sir..hardiflex nlng ako..
Yes kierlene mas maganda pa. Thank you.
Thank you po Architect! Dami ko po natutunan dahil nagpapagawa kami bahay ngayon. Magkano naman po ang Fiber Cement Board since yun po ang recommended nyo po, TY po
Hi ryza razo
Magkakaiba ang price ng mga supplier. At depende rin sa thickness. Around 500 to 600pesos ang 4.5mm thk. Thank you.
Hi archi..ngayun lang po ako nkapanood ng vlog nyo. Pero very interesting tlaga sya ksi we are to decide kung anung dpat gamitin. Yung current ceiling kasi namin is slob..maxadong mainit ung room kapag tg init. Anu kaya magandang gamiting ceiling para maglessen ung init sa room namin? Thank you in advance sa mggng reply nyo po.
Hi reina. Thank you for watching. Pwde ka gumamit ng fiber cement board at pwede mo din palagyan ng thermal insulation foam ang ilalim ng slab (pwede mo idikit ng duct tape)...at kung wala naman tiles yung roof deck, pwede mo papinturahan ng thermal paint. U can watch my other video po para malessen ang init sa bahay mo. Thank you reina.
tnx for the info sir
Always welcome
Plywood pinaka tipid pero madaling masira
Yes sir tama ka.
Sir may video ka na tungkol sa gypsum na wall partition sa bahay sir
go katropa
Salamat katropa
maraming salamat po!
Your welcome master jed.
May video po ba kayo kung pano bawasan ang init sa loob ng bahay kung hardiflex ang gagamitin?
Trix
Para mabawasan ang init sa loob ng bahay palagyan mo ng thermal insulation foam ang ilalim ng roof mo. Thanks.
mga tropa please support my other channel. JJ MTB NETWORK salamat and God Bless you all
Sir Arki, Ilang hardiflex mauubos ng 23 sqm?
@@musiccovers5728 23/2.97 = 7.7 say 8pcs. thank you.
S Guimba ang pigawa kong bhay wla pang kurinte
Done subscribed 👍
Thanks mam cora.
mainit po sa gabi yong fiber cement, yon kasi nilagay sa may cr namin ,pero pag tanghali naman e ok ,sa gabi talaga sisingaw init nya
Mainit po yan lalo kung walang insulation sa may yero at walang bintana.
maliit po kasi yon bintana nya ,di nga po nalagyan, pwede po ba na gypsum board gamitin sa mga kwarto ,ok lang ba kahit walang insulation sheet
gusto ko rin sana malaman cost ng installation of ceiling tiles at anu ano mga materials na gagamitin sa residential, commercial, indudtrial bldg.
nice video..
so what is the correct arrangement : roof, thermal insulation foam, acoustic board the. ficem board?
because when it's raining it's kinda noisy ..
thnks for your reply
Yes, correct
Sir sabi ng mga karpintero hindi advisable for long term use ang ficem board dahil nageexpire sya at yung mga little particles unti unti naabsorb ng lungs ntn
Permanent po yang ficem board...kung hindi po ako nagkakamali yung sinasabi nila na dangerous sa health ay yung asbestos. Ipinagbawal na po ang paggamit ng asbestos. Para makasiguro po kayo doon kayo sa kilalang brand. Thank you po.
Good Day Sir. Ask ko lang po if okay lang po ba na metal furring/fiber cement board ang ipalagay ko na ceiling but yung pagkakabitan po ng suporta ng metal frame is kahoy po (pinagkakabitan ng bubong). Thank you po and keep safe. 🙏🏻🙏🏻
hi kenny. ok lang naman na ikabit yung ceiling frame mo na metal sa wood truss mo. walang problema yan...isang advice lang. pahiran mo ng solignum yung wood truss mo para hindi anayin. thanks!
Salamat Po sir
Salamat pre. Nandito ka pala.
Sir ano po mas maganda gamitin if indoor ceiling,spandrel o pvc at ano po advantage & disadvantage nila sa isat isa.
mas maganda sa indoor ang PVC panel. Thank you for watching.
Hi watching from QC! Salamat sa info Architect!
Thank you for watching. Sana makatulong ito sa pag papagawa mo ng kisame.
Thank you po sa information. More videos like this po. New subscriber here.
Welcome!! and thank you po at nagustuhan nyo.
Sir balak ko kz mgpagawa ng kisame ang ggmitin daw is metal furring tas 9mm n gympsum board or hardiflex ok kaya un boss slmt
Hi rachel tama yun sinabi sau. Metal furring then 9mm na gysum board or 4.5mm na hardiflex...safe yan sa sunog. Thank you...Apir!
hi sir arki, Tama po kayo maganda Yung fiber cement board matibay hindi nabubulok kaso napakainit... sa gypsum board po ba meron bang water resistant pang ceiling
Yes sir Aldren meron moisture resistant na gypsum board. Thanks.
Sana po tinuro nyo n rin if pano masulusyunan ang mainit n kisame, ok nga ang fiber cement board kaso mainit naman
Sir arki pwede din po ba mapinturahan ng glossy white ang hardiflex gaya ng pintura sa mga plywood.
Hi roberto
Pwedeng pwede sir. Meron naman semi gloss at gloss na paint na pang hardiflex. Ang pintura na gagamitin mo ay katulad ng pintura na pang bato (masonry paint or elastomeric paint.) Thank you for watching. Pls dont 4get to click like subscribe and bell notif. Thank you. APIR!
Hi sir, new sub po ako heheh. Yung bahay po namin pa loft type and bakal din po. Di pa po sya nalagyan ng insulation foam (since walang budget until now 😆) Ask ko lang po if pwede pa sya lagyan ng insulation foam before kisame and ano po ang marerecommend nyong kisama type? I personally want the ficem board because of its safety kaya lang dahil mababa yung bubong iniisip ko po talaga yung makakaless ng init and yung budget din. I know you van help me po and thank you po sa answer agad!
Hi Cherry pwede mo pa lagyan yan ng thermal insulation foam bago ka magpa kisame. Gumamit ka ng ficem board mas maganda gamitin yan. Thanks.
Gandang gabi po..sir arki ask q lang po ung gypsum board po b na moisture resistance hindi po b cia na si2ra just incase magkatulo ung bubong?salamat po
Hi thalia moisture resistant lang sya may certain time na masisira din sya. Kung direct sa bubong, gumamit ka na ng fiber cement board. Thanks thalia.
Arki sa bahay po beginning ng vid. Ano pong ceiling ang ginamit? May mga cove lights din sana papagawa namin
Hi Sir Jan! Fiber Cement Board ang ginamit ko dyan. tapos ang Lighting Fixtures T5. Thank you For Watching!
Hi Sir anu po mas magandang board o gamitin para sa kisame labas ng bahay po. Yong gamit sa roof ay regular yero lang po at kahoy. Looking forward for your response Sir. Thanks
Hi carolyn kung roof eaves yan gumamit ka ng fiber cement board, pwede yan ikapit sa wood frame. Kung may budget ka mas mainam ang spandrel. Thank you carolyn. Pls dont 4get to like and subscribe.
Hi Sir! Ano pong ma re recommend nyo na ceiling for attic type na kwarto (pa triangle yung kisame) and if hardiflex pwede po ba sya sa kahoy instead of mettal furring? thank you🥰
Hardiflex po. Pero palagyan mo ng thermal insulation foam. Pwede yan kahit wood ang ceiling frames. Makakatulong din kung papinturahan mo ng thermal paint ang inyong yero. Thank you Noime.
@@arkijjtv pra saan po ung thermal insulation foam sir?
Protection po sa init sir Mike.
Sir anong maganda gamitin kisami sa loob ng bahay,yero ang bubong ? Thank you
Hi rose better pa rin gumamit ka ng hardiflex. Thanks rose.
Tamsak lods,god bless
Same to you!
good day sir,ask ko lng po kung ok yung gypsum boar moisture resistance na pang kisame sa room 2nd floor,dipo ba masyandong mainit?
Hi lee. Ayos naman sya pang kisame sa second floor. Hindi rin sya masyado mainit. Pero mas maganda kung maglalagay ka ng thermal insulation foam kung yero ang nasa taas nya.
Hello sir. Mga ilan pong metal furring ang magagamit sa 6mx6m na bahay po?
Hi jessa. Roughly nasa 25 pcs yan. Pero depende pa rin sa diskarte ng latero mo kung paano nya aatakihin ang layout. Thanks.
ALIN PO BA ANG MADALING GAWAN NG MGA COVE LIGHTS FOR KISAME, HARDIE FLEX OR GYPSUM BOARD,
SALAMAT POH...
Bahrain fernandez
Parehas lang po sila madali gawan ng covelights. Thank you.
Thank u sir...
So nice of you
Pano po sir resolution sa init if fiber cement ang option for kisame since icoconsider po sya for bedroom sa 2nd floor and balak magpalagay ng aircon
Hi Eliene magpalagay ka ng thermal insulation foam sa roof mo para mabawasan ang init. Thank you for watching
Sa inyo palagay archt. Mas maganda po ang hardiflex kung pag uusapan natin ay kisame..
Yes sir. The best yan.
Hello sir good day ,pahenge po advice ano maganda para e kisame po sa metal kasi yung ding² namin hardiflex din po kahit wala pang kisame mainit sa loob sobra , sa Lapag po semento
Hi Marvie. Ang mga options mo dyan ay magpadagdag ka ng bintana. Magpalagay ka ng exhaust fan. At magpalagay ka ng thermal insulation foam. Meron din paint na "thermal paint" nabibili sa lazada or shoppee pwede yan pang pintura ng bubong at ng exterior wall mo. Thank you.
@@arkijjtv thankyou po 🙏🏼
Sir nakalumitan mo po e mention na ang metal ay kinakalawang. Ang kahoy pede naman po e treat ng fire retardant chemicals ( may diy yan) o fire retardant paint.
Hi chris. Ang metal furring ay galbanisado. Kapag galvanized. Hindi basta basta kinakalawang. Yes may treatment ang kahoy na fire retardant. Pero masusunog pa rin ang kahoy, may certain time lang ang fire retardant nya...hindi sya fire proof...thank you chris. Pls dont forget to like, subscribe and hit bell notif....apir!
@@arkijjtv sir coating and plating experience.kaya nasabi ko yan magkakalawang pa din yan magmumula sa pinagputulan at sa drill holes. Agree naman ako as per fire rating requirement wala lang kasi religiously nagtetreat ng ganyan dito sa bansa. Kung sa apoy mas mauuna masunog ang laman ng bahay kesa kisame gaya ng kurtina at mga tela. Bu the way sir sa init ng sunog di man masunog ang metal at cement board dahil sa init magbebent din ang metal papalitan mo din. Kung ang arson evaluator nman badtrip dedeclare din unsafe ang building kaya di mondin ma save ang kisame persee.
Yes chris magkakaron din ng rust sa pinagputulan at drill holes. Minsan nga kahit sa hindi pinagputulan pag napatakan ng pawis ng mga workers (lalo na yung may kasamang pawis alak
Haha.) kinakalawang din...meron dito sa atin gumagamit ng fire retardant coating lalo na sa mga malls yan kasi requirements nila...cheers!
Boss.. Alin b mas matibay plywood or hardiflix? Half sement half plywood kc plan ko.. But gusto ko lng mlamn Alin sa knla ung matibay?
sa tibay mas matibay ang plywood. kaso nabubulok, inaanay, at nasusunog.
hardiflex oks sya. mas mura. hindi nabubulok. hindi inaanay, at hindi nasusunog.
So mas mura si hardiflix vs plywood?
Hello po, ask ko lang if ngayon magkano na yung updated na magagastos if hardiflex yung gamitin for kisame?
Hi kyut. Nagtaasan kasi ang mga materyales ngayon. Pwede mo ako imessage sa fb ko. Baka makatulong ako
Hello po Archi, magpapa loft na 2nd floor po ako. Pwede po ba ang hardiflex na gamitin para sa floor at walls? Also, sa wall po pwede ba naka sandwich sa labas ay ficem board at sa loob naman ay gypsum board? Salamat po
Sa floor pwede hardi floor. 3/4" to 1" thk dapat, hindi pwede ang manipis. Sa wall naman hardiflex ka lang. Malambot kasi ang gypsum madali mabasag.
@@arkijjtv architect salamat po sa pagsagot at sa payo ninyo. Last na lang po sana mapansin ulit.
Ano po ang ma aadvise niyo na pinakasafe gawin.
Sa previous chat ko po ay loft type 2nd floor po ang 1st plan.
2nd plan po ay possible kaya na buong 40 sqm na bahay ay ipa2nd floor po gamit ay hardi floor? If yes po ang po ang dapat na wall dito.
3rd plan, ang bahay po namin ay nasa row housing ng NHA. Safe po ba na isemento ang 2nd floor at magkaron ng roof top?
Salamat architect and more power to you!
Pm mo na lang ako sa epbi.
Gud day sir.ask ko lang kung anong pwede pang ilagay para hindi mainit kung ang gsgamiting kisame ay hardiflex kasi po bubong na ang ibabaw non.
Hi alex mas maige na ipautuklap ang yero bago lagyan ng heat insulator foam. Thanks for watching.
@@arkijjtv maraming salamat.mabuhay po kayo...
Your welcome alex.
Sir good morning po, ask ko po sana mababa po kasi ang bubong namin pwede po kaya ito ipakisame?
Hi mae pwede naman sya ipakisame. Yung halos dikit na sa bubong. Thank you.
Maganda po ba ang hardiflex than other?
Paano mo ba malalaman kung (Hardeflex /fiber secement board). At hindi Gypsum boar ang biniling pang Dry wall sa Bahay ko??? Salamat sa sasagot mga sir
Thank you for watching. Ang fiber cement board po ay matigas, while yung gypsum board ay malambot. Kaya pag kinatok katok mo mas malutong ang tunog ng hardiflex kesa sa gypsum...pero kung d mo makumpara ang kaibahan nila. Pwede siguro mgscrew ka sa pinkasulok na hindi nakikita pag hardiflex mahirap magscrew at kpag gypsum yan madali lang magscrew atlalabas ang powder nya na gypsum. Sana makatulong po.
@@arkijjtv salamat na Maraming mari Master..Godbless pagpalain ka ng Amang Lumikaha..😊👷🏻👷🏻 Sunod mo sa Video mo Sir aabangan ko po😊
Hello po sir..Yung kesame po ba na hardiflex pwede po ba patungan ulit ng pvc pannel?.Thanks po..Sana maka responce.
Hi mam leza, mas maige na ipatanggal mo yung existing na kisame para hindi mabigatan o mahirapan yung mga ceiling frames mo. Thank you.
@@arkijjtv Thankyou po..
@@lezaocura7340 your welcome po.
Sir Arki, ano po suggestion mo na material sa kisame if ang room ay low ceiling at concrete ceiling sya. The usual happening na sa araw inaabsorb ang init at sa gabi release yung heat. cinoconsider ko din kase na ma minimize ang pagbawas ng floor to ceiling height at the same time hindi mainit sa gabi. maraming Salamat! 🙂🙂
Hi francis. Mainit nga yan. Lalo kapag gabi na. Palagay ka na lang ng ceilng kahit mga 4 inches mula sa ilalim ng slab. Padkitan mo na rin ng thermal insulation yun ilalim ng slab...makakatulong din kung maglalagay ka ng mga halaman sa roof deck or artificial grass. Para malessen ang init.
@@arkijjtv Shall i go with the wood kisame ba sir? or the heat wont matter if i go sa hardiflex? Salamat po sir arki sa info!😀😀
Yes sir mas effective yang wood. Nattrap ang init dyan.kumpara sa solid. Palagyan mo ng paraan na may singawan yang loob ng kisame palabas ng bahay.
@@arkijjtv Magpagawa kasi ako ng kisame sa concrete roof soon.buti na lang na info mo ako sa wood. hardiflex na kasi ang naisipan ko dahil yan na yung usual nowadays na suggestion ng mga panday. Maraming salamat boss! 👍👍👍
Sir tanong ko lang po, d nyo po nabanggit kung nakaka absorb ba ng init ung gympsum board? Or katulad din ba sya ng fiber cement board na nakaka penetrate ang init dahil solid
Hello po good morning po. Ngaun ko lng po napanood to vlog nyo at bka mkatulong po kau skin kci ngbabalak kmi mag parenovate ng bhay.
Yes mam Christina how can i help you?
Hi sir ano po marecomend nyo na pag kisame po sa kwarto ko sobrang init po kc gawa ng mababa ang bubong kht po my foam na po sya ,,
May insulation na pala pero mainit pa. Isang problema dyan mababa ang kisame. Kailangan mo dyan malalaki ang bintana para magcirculate ang hangin.
Good morning Arki JJ 🙂 tanong q lang po, nakabit na kac ung metal furring. Hardiflex ang ipalagay q sana, pero gusto q sanang PVC nalang ang ipalagay q, pwed po ba un? Mainit kac sa taas nang bahay, dahil yero
Hi mam cora pwede po yan. Parehas lang ng framework yun.
@@arkijjtv salamat po 😊
@@HeartP.B your welcome po.
Ask kulang ano maganda pvc cieling or hardiflex pano mbbwas init lgun kupo isulation bgo kisame
hi roman. kapag sa presyo ang paguusapan mas tipid ang hardiflex. pagdating sa ganda yun namang pvc ceiling panel. pagdating sa init naman, mas nakakabawas ng init ang pvc ceiling panel pero mas the best pa rin na magpalagay ka ng thermal insulation foam...pls watch my latest upload tungkol din yan sa pvc ceiling panel. at hardiflex. thank you.
Gusto lagyan isulation kso nk lagay npo long span pwedi po tangalan ulit long span tapos kbit ulit long span
Yes sir roman. Pwede tanggalin ang long span para malagyan ng thermal insulation.
@@arkijjtv blik ulit ko po srew yun dati butas yero po hindi hihina po pg gnun po salamat
@@romancortes9769 yes bro balik sa dating butas ng yero yan, pero yung butas sa c purlins pwede mo ipausog ng kahit 1". Palagyan mo silicon sealant ang head ng screw kasi baka patanggal nyo sira na rubber nyan.
Sir ok lang gypsum board 9mm para sa loob ng bahay. Hardieflex sa cr?
Tama sir...madali din pinturahan yan. Para maiwasan din crack sa mga joinery nya. Gumamit ka na lang ng quality na gypsum board.
Boss sa bathroom na kesami ano pong maganda?
Gud eve po maitanong ko po sana kung magkano magastos sa kisame gamit hardeflex 180sqmtrs bahay po
Hi ms. sheila, malaki po yung bahay nyo. kung 180sq.m. ang ceiling area at base sa vlog na ito roughly estimated ay 95,223. pwedeng maging iba ang results nyan depende sa design at output ng workers.
Hello sir meron ka bang pwdeng i recommend para hnd mainit ang manggagaling sa kisame kahit na ficem board ang gagamitin?
Use thermal insulation po mam Rose.
Thankyou sir sa information..pwde niyo po ba kami tulungan kase nagpapagawa po kami ngaun ng bahay makakuha man lng ng mga tips niyo po salamat godbless you engr.
Hi ermelinda
You can pm me thru fb. Thank you for watching. Pls hit the like, subscribe and bell notif. Apir!
Super thankyou
Anu name niyo sa fb engr
Hi ermelinda
You can search my name arch catalino nera lambino jr. May link po dito sa may "about" thank you for watching.
Madali lang daw ba magcrack at magkaroon ng hairlines ang fiber cement board sir
Sa mga dugtungan sir...pero nasa gumagawa din minsan para maiwasan ang crack. Nag ccrack kasi sya due to heat and movement ng kisame. Kapag nasolve yan ng worker ninyo im sure wala na crack yan.
@@arkijjtv maraming salamat po sa kasagutan sir...meron po bang possible way para maiwasan un sir mag crack o para di mahalata...di nmn po ba delikado bumagsak sir
Kuya mgkano po b ang byad at kesammi
Hi lina depende yan sa laki ng gagawin. Pero sa video na ito pinaliwanag ko at nagbigay ako mg sample na pwede mo gawing basehan. Thank you.
Hi sir pag hardiflex ang gagamitin board since di nag absord ng init. Pag nilagyan po ng insulation foam 10mm thickness mainit pa kaya? Thanks
Hi reymart. Im sure hindi na magiinit yan.
hello sir ask lng pwd po ba paghaluin kahoy at hardiflex ang gagamitin?
Hi brian. Pwede naman.
Hello po napanood ko tong video very informative may pinapagawa po kaming house sa province and still deciding kng anong kisame at wall partion ng bathroom
Sa kisame plan namin pvc panel worry ko baka mag warp kasi walng insulation ung roof nakalimutan lagyan 😅 ngyn parang mas ok pala knng gypsum gamitin pero pede kayang dikitan nalng ng insulation foam baka ikabit sa ceiling?
Sa bathroom namn po plan namin pa chb ung partion isip ko pede bang fiber cement nalng lahat pati sa wet area and pede bang dikitan ng tiles? Sorry po mahaba sana mapansin more power po
Yung insulation foam. Pwede po kapit sa ilalim ng yero. Gamit lang ng mga insulatiion tape.
Sa wall ng cr. Pwede naman fiber cement board. Na 10mm. Lagyan lang ng wiremesh bago tiles para kapit na kapit.
@@arkijjtv need pa po ba mag water proofing pag fiber cement gamitin sa cr?
@@macen24 yes mam. Para sigurado
@@arkijjtv mas cost effective ba pag fiber cement compare sa traditional chb?
Ano po kaya ang pwedeng gawin sa bagong renovated house namin. Plywood po kasi ang ginamit na kisame then lumobo po ang pintura ng kisame.
Isang prob po dyan. Maaring may water leak kaya lumobo yan.
Pwede bang pang walling sa labas ang hardiflex? Kahit exposed sa araw at ulan?
Hi Miller, pwede naman walling sa labas yan, may nilalagay lang na p.e. plastic para protection ng mga metal framings mo. ang negative lang hindi sya sound proof at medyo madali masira compare to chb wall. thank you miller. pls dont forget to clickl like, subscribe and bell notifications... cheers!
Hello sir hindi ba pwde 3.5mm hardiflex ang gamitin sa bobida?salamat
Hi mark. Pwede rin 3.5..thanks for watching.
Ano po ang mas recommended nio po na gamitin?
Hi Ethelyn. Fiber cement board mam. Please watch my latest upload. Thanks mam. And God Bless you.
Sir makakatulong po ba para mabawasan ang initsa fibercement board kung maglagay mg insulation sa bubong (double foil) at pwede po ba ireuse ang binakbak na fiber cement board. Thank you sir
Ano po b yong gypsum board
Hi manayjelay. Yes malaki tulong ng thermal insulation foam lalo na double sided ang gagamitin mo. At pwde mo din mare use ang binakbak na fiber cement board. Salamat manayjelay.
Hi luz isa yan sa mga board na pwede gamitin sa ceiling. Ying iba ginagamit din nila sa drywall. Thank you for watching luz.
Good day sir kasalukuyan po ako nagpapagawa Ng bhay.hnd Rin po ba nasusunog Ang gypsum board?tska inaabsorb din ba nito Ang init?
Hi. Thank yoi for watching. Kung yero ang bubong mo at nagkaroon ng kaunting leak siguradong masisira po ang gypsum board mo..fire resistant po sya. May certain hrs lang po ang kaya nya itagal bago masunog..
@@arkijjtv salamat sa info m sir laking tulong nio po☺️
Pra kesame Sana kzo yero po Yung sa taas ano po Kya mganda sir pra hnd mainit mababa kc ceiling.thanks po sa pgsagot Godbless 🙏
Thank you for watching. Mas maige po na palagyan nyo ng heat insulation. Kahit yung 5mm lang na 2sided. Mura lang po yun around 50 pesos per linear meter. Gumamit ka na lang ng 3.5mm na fiber cement board para makatipid ka. Yung matitipid mo ibili mo ng insulation.
@@arkijjtv thank you sir☺️☺️
Kahoy po yung frame ng ceiling namin.. Tapos hardiplex yung gamit namin na board.. Ano po disadvantage po?
Hi grace ang disadvantage lang ng kahoy ay nasusunog at inaanay. Pahiran ng lang ng anti termite solution para iwas anay at make sure na maayos ang wiring sa loob ng kisame para iwas sunog. Thank you grace. Ingat kayo.
Paano pag compute sa labor by percentage ba cost of materials paki sagut nga please.thank you
Hi willy hindi ako nag eestimate by percentage. Pinagaaralan ko kung ilan ang output ng tao yun ang ginagamit ko para maestimate ng tama ang labor cost. (Well pwede ka rin tumantya ng around 35 to 50%) pero less accurate yan. Salamat. Apir!
Hi sir arki concern ko lang po kasi gusto kong gumamit ng ficem board sa kisame kaya lang ang inaalala ko is mainit sa loob ng bahay ,,,anong maganda paraan para mabawasan ang init nito.😊
sir ano po mas maganda s tatlo para s kisame ?magpakisame kasi aq sir..slmt s sagot..
Hi carmela. Fiber cement board is better. Thank you.
Hw much po kaya magagastos na Fcement
If ur floor area of house is 80sq.m.?
Tnx
Hi mam Lizanda watch mo yung part na nasa 6.0 min para magka idea ka po. Thank you mam.