Aircon, nakasaksak pero naka off, may konsumo ba sa kuryente?

Поділитися
Вставка
  • Опубліковано 19 січ 2025

КОМЕНТАРІ • 594

  • @CartGoBroom
    @CartGoBroom 2 роки тому +129

    pag manual control yung aircon mo or di cya digital, wla syang remote control wla talaga konsumo ksi di nya kailangan ng standby power pra sa remote, pag digital or electronic control nmn ang aircon mo meron syang konsumo khit nka off ksi kailangan nya ng standby power pra sa remote khit nka off sya, yung hawak mong remote yan yung transmitter, ska sa unit mismo meron yan reviever na ngrerecieve sa remote mo, pro yung konsumo minimal lng talaga pg nka off. ska na yan mg konsumo ng sakto pgka nka on depende na yan sa horese power ng unit mo, pgmalaki HP medyu tataas din konsumo mo, importante ksi sa aircon di cya underpower sa space ni ginagamitan mo ng aircon, pag underpower ksi yung aircon mo palagi nlng yan aandar ksi di nya kaya abutin yung temp na gusto mo ksi malaki yung space di nya kaya palamigin, yung thermostat di tlaga gagana yan ksi underpower, pro pag sakto ang HP ng aircon mo pra sa space na ginagamitan mo ng aircon lalamig tlaga yung space or kwarto at mkapag turn off din yung compressor mo pg naabut na nya yung desired temp na siniset mo. ganito yun ( sakto ang HP ng aircon pra sa kwarto, pg on mo sa aircon aandar yung compressor, tapos pg abut nya sa temp na nka set mg tuturn off ang compressor, fan na lng ang aandar, tapos pg na consume na ang lamig sa kwarto aandar na nman ang compressor mgbibigay na nman ng lamig) fan lng aandar peso gasto, fan at compressor aandar dos pesos, so dos pesos gasto sa first hour, tapos next hour nka off compressor fan nlng nka on peso, next hour na nman dos pesos and so on, example lng to, so pg underpower nmn aircon mo, dos pesos gastos mo in every hour ksi di mg tuturn off yung compressor ksi underpower cya, dos pesos sa fiest hour fan at compressor nka on, then the next dos pesos pa rin ksi di nka turn off yung compressor... 1-2-1-2-1-2 ito yung pg sakto horsepower, 2-2-2-2-2 ito yung underpower, so before kyu bibili ng aircon pra sa kwarto nyu pa check nyu muna yung space na gagamitan nyu ng aircon pra iwas sa malaki electric bill, sana nka tulong God bless po sa lahat

    • @jepokractv5565
      @jepokractv5565  2 роки тому +3

      Very well said po :) maraming salamat po

    • @CartGoBroom
      @CartGoBroom 2 роки тому

      @@jepokractv5565 thanks po sa mga videos, new subscriber po

    • @CartGoBroom
      @CartGoBroom 2 роки тому +6

      @Imie Panlaque ano po klase ng aircon nyu, window type or split type? ok din pag linagyan mo ng breaker if window type aircon mo, pag sa split type nman kailangan talaga lagyan lalo na kung yung unit mo naka direct sa linya.. kailangan talaga ang breaker pra na rin sa maintenance like mag cleaning kailangan talaga may breaker pra safety na rin yung mga technician ksi kailangan eoff ang breaker pra di cla makuryente lalo na sa outdoor unit.. kailangan ksi nla tanggalin ang cover ng unit pra ma clean nla ng maayus...pro siguraduhin mo yung breaker mo match sa horse power yung amperahe wag masyadu malaki amperahe ng breaker

    • @CartGoBroom
      @CartGoBroom 2 роки тому +5

      @Imie Panlaque mas safe pag tinanggal mo ang plug lalo na kung wla tao na naiwan sa bahay...pg inverter ksi unit mo may electronic board ksi cya kaya mas safe pg tinggal mo cya sa outlet or if meron kna breaker switch off mo lng ok na yun..

    • @CartGoBroom
      @CartGoBroom 2 роки тому +2

      pag iverter ang unit may kaunting kunsomu sa kuryente yan dhil kailangan nya ng standby power pra sa remote, pro kunti lng nman

  • @godfreyoliva5890
    @godfreyoliva5890 Місяць тому +1

    According dito sa mga non type inverter aircon walang consume kahit nakasaksak. Pero sa mga inverter meron siyang consume na .16 sa watts which is equivalent sa isang electricfan na naka bukas magdamag. Reason bakit nag coconsume siya kasi yung mga inverter aircon is stand by phase which mean is automatic/deremote na nakakaconsume na kuryente kahit nakakasaksak versus doon sa manual type.

    • @GregorioIIIMontes
      @GregorioIIIMontes 17 днів тому

      ok lang po ba na e baba ung breaker or gawan nalang din ng socket or maging d saksak nalang ung split aircon?

  • @jalixvarietytv7849
    @jalixvarietytv7849 2 роки тому +13

    Good practical piece of information to relay it to your customers and the public as well. Good job anak💪
    P.S. Another additional clamp meter with lots of features from me coming your way through the courtesy of Manong Francis and Manang Julie”Bebot”of Gardena, California(good friends of mine). Take care of your tools and equipment; they are your “silent helpers”🌼🌸🌺🙏🥰😇🇺🇸

    • @jepokractv5565
      @jepokractv5565  2 роки тому +1

      Maraming salamat dad, natanggap ko ng ang clamp meter. ang ganda.

    • @RICKYGARCIA0918
      @RICKYGARCIA0918 Рік тому

      ​@@jepokractv5565sir ok lng ba kahit taas baba ang breker ng split type a.c ko hindi ba msisira ang a.c ko

  • @clyedrick08
    @clyedrick08 2 роки тому +3

    Dpat pala sir kung walang CB eh mas magandang binubunot sa outlet para walng konsumo. Salamat sa info and godbless

    • @jepokractv5565
      @jepokractv5565  2 роки тому

      Yes sir. Maraming salamat din po. God bless. Ingat po kayo

  • @shailyncernias5452
    @shailyncernias5452 4 місяці тому +2

    Pag nakaopen po ang Ac na inverter then pag iooff na mga ilang minutes po ba yung tamang pag-off ng breaker hindi po ba makakasira ng board ng AC kapag on and off ang breaker?

  • @4j981
    @4j981 Рік тому +3

    masmaganda pla hugutin talaga sa saksakan... 35.2 watts (.16x220) din kunsumo khit nkapatay...salamat bossing...

  • @wencircs9270
    @wencircs9270 Рік тому +3

    thanks for the experiement po. Very informative.

  • @mariaflorverora5331
    @mariaflorverora5331 2 роки тому +13

    Tip ng Meralco po sa mga consumers na lahat ng di ginagamit na Appliances,ay dapat daw inaunplug,pag di ginagamit,kasi gumagana pa din daw ang kuryente...

  • @djskratzprofessional
    @djskratzprofessional 8 місяців тому +3

    Pag po ginagamit ko ito at tumatagal po ng mahigit 12 hours Araw Araw magdamag till morning po bago ok iooff lalo po ngaun napaka init ng PANAHON

  • @francespalacay2369
    @francespalacay2369 2 місяці тому

    Grabe year ku ng binababayaan Yung nakasasaksak Ang Aircon namin, salamat sir sa information

  • @jrnvlog9365
    @jrnvlog9365 8 місяців тому +2

    Salamat sa info idol may natutunan ako ng dahil sa vlog mo godbless

  • @luisitotampoc2954
    @luisitotampoc2954 8 місяців тому +2

    Sir thank u kasi me natutuhan ako sa aircon na inverter. He3 God bless from Naic, Cavite

    • @jepokractv5565
      @jepokractv5565  8 місяців тому

      Maraming salamat din po. God bless. Ingat po

  • @LeoNavarette
    @LeoNavarette Місяць тому

    ang electricfan may kain din ba sa kurtente khit di nkaon pero nkasaksak

  • @spankynginanyo
    @spankynginanyo 8 місяців тому +5

    2 to 3 watts lang ang kunsumo nyan sa standby mode parang 2 centavos lang per hour or 30 centavos per day (24 hours) . dapat pang check dyan Electric/Energy Power Meter hindi ammeter

    • @edisonpamintuan7518
      @edisonpamintuan7518 5 місяців тому +1

      Safe din po ba sa Kidlat pag naka off ang Aircon pero naka ON breaker..dadaloy ba ang boltahe ng kidlat..or mas safe pag naka off breaker pag umuulan at kidlad dahil sa inverter board nito

    • @jepokractv5565
      @jepokractv5565  5 місяців тому +1

      ​@@edisonpamintuan7518safe, kung pwede nyo hugutin ang power plug. Mas sigurado.

  • @jonathancascaro511
    @jonathancascaro511 2 роки тому +1

    Magaling ka Idol.👏
    Nadaan lang ako sa vlog mo.

    • @jepokractv5565
      @jepokractv5565  2 роки тому +1

      maraming salamat po, sana makatulong po.

  • @glensaclao6896
    @glensaclao6896 3 дні тому +1

    Kapag po kaya inverter grade lang... kaparehas lang po kaya ng non inverter na walang consumption kapag nakasaksak?

    • @jepokractv5565
      @jepokractv5565  3 дні тому

      @@glensaclao6896 kung digital meron po konsumo. Kung hindi digital wala po

  • @reineylyn5063
    @reineylyn5063 Рік тому +1

    New subs here, thanks for sharing your knowledge

    • @jepokractv5565
      @jepokractv5565  Рік тому

      maraming salamat po sa pag subscribe, ingat po. God bless

  • @jeanyyana4071
    @jeanyyana4071 2 роки тому +2

    Sir pag de remote yung appliances yun yung gumgamit ng kuryente pag nka sleep or standby mode

  • @MaricrisCastillo-gj1ub
    @MaricrisCastillo-gj1ub 6 місяців тому +1

    thank you sa isa na nmang kaalaman❤❤

  • @GregorioIIIMontes
    @GregorioIIIMontes 17 днів тому

    ok lang po ba na e baba ung breaker or gawan nalang din ng socket or maging d saksak nalang ung split aircon?

  • @CorneliaGamorot
    @CorneliaGamorot 11 місяців тому +1

    Hello sir,,,kabibili lang namin ng TCL window inverter aircondition,,,bakit walang tubig na lumalabas sa water outlet nito sa likuran?,, ang water outlet Kasi wala sa ibaba ng fan, ito ay nasa lower part lang nang likuran nito.

    • @jepokractv5565
      @jepokractv5565  11 місяців тому

      Possible yan yung aircon na medyo naka elevate ang drain para ma splash muna ang naiipon na tubig sa condenser at mas mabilis itong mapalamig, pag nag overflow ito tsaka ito tutulo sa mismong drain.

  • @nhdudz4116
    @nhdudz4116 4 місяці тому

    Pag naabutan po ang digital Ac inverter type aircon ng brownout ,need po ba ioff ang safety breaker...direct po kc nakasaksak ang AC namin sa safety breaker

  • @cyann.delrosario942
    @cyann.delrosario942 2 роки тому +3

    Sir, ganda ng vlog nyo, very informative. Matanong ko Rin sir, malakas ba sa kuryente Ang microwave oven?

    • @bechoychoy
      @bechoychoy 2 роки тому

      depende sa wattage, titingnan nyo lang yung wattage, the higher the higher consumption din.

  • @zkejauraflow7338
    @zkejauraflow7338 Рік тому +3

    So it's better na after mo i off ang ac using remote control, dpt pala off mo din ang breaker na naka connect sa ac?

  • @simonetBautista
    @simonetBautista 8 місяців тому +1

    Pde po ba kyo mg serbis NG cleaning NG qc inverter dto po diliman qc pls reply po

  • @andreabrugada5796
    @andreabrugada5796 Рік тому +2

    Hi po Good Morning po bagong bili lang po kase ang aircon namin na Hanabishi 0.6hp 410a/ inverter grade manual. paano po ba ang dapat gawin inoff ko na po sya ngayon iniisip ko po kung tatanggalin ko pa sa pagkakasaksak tapos pano rin po gagawin ko kung gagamitin na namin po sya ulit mamayang gabi direkta hi cool na po ba agad? please po pakisagot maraming salamat po

    • @jepokractv5565
      @jepokractv5565  Рік тому

      Pag pagkatapos off sa remote. Hugutin po sa outlet. Pag gagamitin eco mode or low cool 24.

  • @spidey3747
    @spidey3747 3 місяці тому

    Bro gagamit na po ko ng air con circuit breaker na my outlet na sa ilalim.2 wires po pla ito .line 1 at line 2.Wala po pla ground ito.tanong po.wala po ba problema ito kahit wala ground.thanks po

  • @NicolePilar-vp6ut
    @NicolePilar-vp6ut Рік тому +1

    Anu po dapat gawin dun sa ingay kaya nakasteady nlng po dapat kung natuyuan po anu po pwede ilagay

  • @dinahfaraon826
    @dinahfaraon826 2 роки тому +2

    hi...ask me lang anung cheaper gamitin for a day, 4 electric fans o isang split type inverter aircon? para mkpag decide kmi kung anung better gamitin. many thanks

    • @jepokractv5565
      @jepokractv5565  2 роки тому +1

      4 electericfans padin po. Ang isang maliit na fan ay nasa. .0.16 amperes
      Ang isang 1 hp na inverter ay 3 amperes pataas, lalo na kung hindi pa reached ang desired temp. Nasa 4. Something amperes.

    • @dinahfaraon826
      @dinahfaraon826 2 роки тому +1

      @@jepokractv5565 so meaning mas makakatipid pa rin kmi sa 4 elwctric fans to use than using 1 split type inverter aircon? tama ba pagka intindi ko? Many thanks sa pagsagot sa question ko ha

  • @JarerSaro
    @JarerSaro 7 місяців тому +3

    masmaganda eh plagyan ng switch box ac 220v na outlet para directly switch off na sa mains kung Digital Aircon

  • @tan1312
    @tan1312 Рік тому +2

    Low cool and high cool, which is more energy saving?

  • @leonardaguirre2104
    @leonardaguirre2104 2 роки тому +1

    Ty sir dpt pla tlaga bunubunot... Lahat appliances

  • @cookiemonster-j1z
    @cookiemonster-j1z 6 місяців тому

    ok ah ilang buwan naka on ang breaker ng inverter namin kasi wifi operation sya.. since bihira naman din iopen ang aircon sa salas inioff ko na din ang breaker ng mapanood ko tong video nyo sir..thanks

  • @markalvinmejia3353
    @markalvinmejia3353 Рік тому +1

    Boss jepok ask ko lng po anong brand Ang magandang split type aircon

    • @jepokractv5565
      @jepokractv5565  Рік тому

      Halos pareparehas po. buy po yung may malapit at maayos na service center po sainyo.

  • @benjaminmojica7564
    @benjaminmojica7564 2 роки тому +2

    Galing mo boss may natutunan ako syo salamt imf. Bubunutin ko nalang yung ac ko sa saksakan pra tipid

  • @Mudzna-ud1ij
    @Mudzna-ud1ij Рік тому +1

    Hi sir tanong ko lang po kung ok lang na samsung split type 1.5hp may exhaust fan sa 2 rooms, bale naka lagay un aircon sa midle room. Den mu exhaust fan sa magkabilang rooms

    • @jepokractv5565
      @jepokractv5565  Рік тому

      Hindi advisable pero pwede naman po

    • @Mudzna-ud1ij
      @Mudzna-ud1ij Рік тому

      @@jepokractv5565 sir pano kaya ung bill nmin pag ganon ung set up?

  • @charliejr.dolosa8139
    @charliejr.dolosa8139 Рік тому +1

    May vlog po ba kayo ng explanation ng mga icons sa remote ng aircon

  • @spidey3747
    @spidey3747 3 місяці тому

    Bro my tanong po ko.safe po ba gamitin yun air con breaker na my outlet na ilalim.at Meron po ba ground wire na yan .thanks po

  • @erojohn9564
    @erojohn9564 Рік тому +1

    Tanong ko lng po bakit noon nag oautomatic yung compressor ng AC window type AC namin ngayon hindi na po. Ndi nmn nka full yung thermostat. Nya

  • @rondelrabago4610
    @rondelrabago4610 9 місяців тому

    Pwde po ba direct na sa outlet ang .5ac kahit wala ng CB?

  • @cornelioh.bernardo8276
    @cornelioh.bernardo8276 Рік тому +1

    pogi ask ko lang about air cooler electric fan any advice does it consume much electricity?

    • @jepokractv5565
      @jepokractv5565  Рік тому

      You mean humidifier po ba? Halos dalawang fan po ang konsumo.

  • @lindaalberto6301
    @lindaalberto6301 8 місяців тому

    Kung dira ang selector ng Aircon pwede po ba is recta sa low cool? Hinde na mapihit yung fan. Ty

  • @jackabarintos1042
    @jackabarintos1042 Рік тому +1

    Ser kailqngan po ba talaga na nkafan muna bago buhayin ang cool

  • @roylamson4697
    @roylamson4697 2 роки тому +1

    sir newbie lang natural lang ba na tuloy tuloy lang ang takbo motor ng outdoor ng split type..or nag automatic sya...salamat and respect

    • @jepokractv5565
      @jepokractv5565  2 роки тому

      Normal po na tuloy tuloy iyan aandar hanggang mareach ang desired temp setting nyo po. Pero kung inverter po iyan ay mag sslow down po iyan at minsan. Ay nag papahinga din amg compressor. Salamat po

  • @bryanlapido174
    @bryanlapido174 Рік тому +2

    Totoo po yan., lalo na po mga inverter na may wifi connectifity or yung mga smart inverter na nako-connect sa celphone gamit ang app.

  • @nilabellamy6396
    @nilabellamy6396 8 місяців тому

    Salamat po. Ask ko lng po king yung Luma ng aircon makunsumo ba sa kuryente?

  • @romiboidelacruz3216
    @romiboidelacruz3216 Рік тому +2

    Buti napanood kita igan,
    Salamat sa KAALAMAN 👍👍

  • @spidey3747
    @spidey3747 3 місяці тому

    Bro ano po size ng breaker at.wire na gagamitin pag 1.5 hp yun window type air con po.thanks po

  • @ridgelynzambrano644
    @ridgelynzambrano644 Рік тому +1

    Tama pala ginagawa ko , binababa ko ung breaker .. New subscriber here , salamat sa ideas ..👌👍

  • @iamred1994
    @iamred1994 Рік тому

    Tuloy mo lang yan vlog mo boss magaling ka mag turo🙂aircon tech rin ako pero hindi pako ganon kagaling....

  • @juanitaquintana4531
    @juanitaquintana4531 6 місяців тому

    How much is the consumption per night, small aircon?

  • @Aubreycuttiiee18
    @Aubreycuttiiee18 Рік тому +1

    Hello may ask po ako, bukas kasi bibili ako ng aircon split type po na inverter 1 hp. Kung sakali 10 hrs a day ko lng sya gamitin then 14 hrs makakapag pahinga yung ac, mas tataas po ba ang bill namin or mas bababa kung papatayin ko sya after 10 hrs of using at isasaksak ulit after 14hrs na hndi ginamit ang ac

  • @DrahciR-15
    @DrahciR-15 6 місяців тому

    Pwede Po ba pag sabayin Ang dry mode habang naka saving mode ?

  • @regenaldvergara-cr3nk
    @regenaldvergara-cr3nk 7 місяців тому +1

    Ano po mas okay, hugutan sa saksakan ang ac or ibaba po ang breaker?

  • @hooray6356
    @hooray6356 Рік тому +1

    question po sana mapansin, Carrier optima aircon po need poba i low or high yung thermostat?

    • @jepokractv5565
      @jepokractv5565  Рік тому

      Depende po sainyo kung sakto po sainyo ang lamig.

  • @chaiylaya3975
    @chaiylaya3975 Рік тому +1

    Hello sir. Ask lang po naka inverter aircon po kami. Pag e tataas ba yung temperature mas malaki ba kuha nang kurebter salamat po.

    • @jepokractv5565
      @jepokractv5565  Рік тому

      Mas mataas ang number mas mababa consumption. Mas warmer din.

  • @michaeldiamandal2260
    @michaeldiamandal2260 2 роки тому +1

    ok lng ba s split type 2hp amg 3hrs tnghali tpos 3 hrs s gbi tipid b yun? aux type inverter po gmit..

  • @WoodChuc25
    @WoodChuc25 7 місяців тому

    Okay lang ba ng bumili ng energy saving na plug para sa aircon? May issue po ba kapag biglang nag off yung aircon pag katapos ng timer ng energy saving naplug, kapag hindi gamit yung remote or yung button?

  • @fabianharriet4759
    @fabianharriet4759 8 місяців тому

    Tanong kopo pwede ba tanggalen ang saksak ng ac pag depa genagamet saka nlang esaksak pag gagameten na,Salamat God bless

  • @rubenparto5045
    @rubenparto5045 2 роки тому +1

    Does my 1200 watts, 110v aircon transformer consume any electrity when permanently plug to my outlet but my aircon is turned off.....Atty. Parto

    • @jepokractv5565
      @jepokractv5565  2 роки тому

      Atty Parto, yes meron po kung naka switched on ang transformer. Pero kung naka off ay wala po.

    • @rubenparto5045
      @rubenparto5045 2 роки тому

      @@jepokractv5565 thanks very much for your reply Hijo. I supposed may consumption because the 110 v transformer is permanently plug in the wall outlet with no "on/off" switch where the tv plug is also permanently plugged but switched off. Thanks for the info.

  • @juanitaquintana4531
    @juanitaquintana4531 6 місяців тому

    Yan, that size, how much per night or per month ?

  • @frittzkyledimayuga1198
    @frittzkyledimayuga1198 Рік тому +2

    sir pede po ba hugutin nalang ang saksak ng aircon kung hindi maibaba ang breaker?

  • @praiseandworshipnorada9996
    @praiseandworshipnorada9996 2 роки тому +2

    Magtatanong lang po ako kung ano ba ang problema ng Aircon na may tumatagas na tubig, Ito ba ay may sira? Split type po sya na inverter na LG.

    • @jepokractv5565
      @jepokractv5565  2 роки тому

      Kung sa loob po ng kwarto tumutulo, ay posibleng barado na ang pinakadrain. Normal po na nagtutubig ang aircon pero hindi po normal na sa kwarto sya tutulo.
      Try nyo po ipalinis. Salamat po.

  • @erictorres6374
    @erictorres6374 Рік тому +1

    sir tanong lang ano po magandang ikabit sa kwarto ko na may sukat na 5sqmtr at gagamitin yung aircon ng 8-10 hrs wala pa naman yata na 0.5hp na inverter

    • @jepokractv5565
      @jepokractv5565  Рік тому

      Para sa akin po kung .5 hp ay huwag na po kayong mag inverter. tipid na din po ang ganyan kalaking aircon. At mas less pa ang possibility na magkasira ang aircon nyo kung non inverter. less maintainance cost.

    • @erictorres6374
      @erictorres6374 Рік тому

      @@jepokractv5565 so ok napo sir yung .5hp na non inverter sa 5sqmtr area,,, salamat sa mga tips na binibigay mo sa iyong mga vlog nakakuha kami ng mga idea lalu mga DIY viewers na tulad ko,,, more vlogs to come

  • @buhayseaman747
    @buhayseaman747 2 роки тому +1

    Idol ano magandang portable na magamit para malaman Ang kain Ng kurinti? Same Kasi Tayo Ng aircon Koppel din .... Bumili ako Ng Omni pero ayaw gumana sa aircon pero sa tv gumagana Naman....

    • @jepokractv5565
      @jepokractv5565  2 роки тому

      May mga nabibili po online ng wattage reader. Pero ako po ang gamit ko lang po ay clamp meter dahil gamit ko po ito sa trabaho. Kinoconvert ko nalang po ang amperes to watts.

  • @dominicsilaran3668
    @dominicsilaran3668 Рік тому +1

    sir anong magandang brand ng window type na inverter?

    • @jepokractv5565
      @jepokractv5565  Рік тому

      Halos pare parehas po. Kunin nyo po yung may maayos at malapit na service center sainyo.

  • @funnynickline
    @funnynickline 7 місяців тому +2

    Hello Sire Idol😊❤

  • @RhenelynPerez-ef1wd
    @RhenelynPerez-ef1wd 6 місяців тому +1

    ano pong mas tipid low cool or high cool

  • @christiancuadra4733
    @christiancuadra4733 7 місяців тому

    Boss question lang po.. yung aircon ko is Fujidenzo na may control panel and evening lang tlaga nmin ginagamit tapos nilagyan ko sya ng 3:32 breaker pero meron ng breaker sa baba namin pwera pa yun main breaker, question kopo is okay lang ba na oatayin ko ung breaker ng aircon ko everyday hindi ba masisira yung aircon ko kasi sayang lagi syang naka standby mode everyday..salamat po sa isasagot nyo po

  • @adelleabanto1209
    @adelleabanto1209 3 місяці тому

    Sir almost a month pa lng ang aircon ko nakanset aq 24 pero papalo cxa sa 26 then uuging na after mag 24 bigla mawawala ang ugong tpos mag 26 po ulit natural ba un?

  • @regineemerald3044
    @regineemerald3044 2 роки тому +1

    Hi po Sir Kailangan po ba di binubunot ang saksak NG AC Window type khit nka off sya thanks s pagsagot..

    • @jepokractv5565
      @jepokractv5565  2 роки тому +1

      Kung digital, mas ok po kung binubunot.

    • @regineemerald3044
      @regineemerald3044 2 роки тому

      @@jepokractv5565 manual po e kc wala akong ibang pagsasaksakan NG gasrange Yun lang ang pwede ko thanks po

  • @elenadurante9651
    @elenadurante9651 7 місяців тому +2

    Sir tanong lang po, totoo ba na kung luma na ang aircon mas malakas ang konsumo ng kuryente compared sa bagong bili?

    • @jepokractv5565
      @jepokractv5565  5 місяців тому

      ua-cam.com/video/wNKyxMesycw/v-deo.htmlsi=diMEiOwDQXOPGIpn, Video po ng sagot ko sa tanong nyo. salamat po.

  • @richardbiteng6915
    @richardbiteng6915 2 роки тому +2

    dapat ba paunti unti lang pag on ng aircon, meaning fan muna, tapos aftr kalahating minuto low cool then kalahating minuto uli nago i-high cool (hindi inverter ang aircon namin). Tapos pabalikta naman kung i-0-0ff., na tig-kalahating minuto din ang pagitan?

    • @jepokractv5565
      @jepokractv5565  2 роки тому +1

      Para sa akin kahit hindi na po. Or kung gusto nyo pong gawin ang ganyan kahit 1 minute lang po ang antayin nyo, masyado mahaba po ang 30mins.
      Sana makatulong po.

    • @richardbiteng6915
      @richardbiteng6915 2 роки тому +1

      @@jepokractv5565 30 seconds hindi minutes. Aircon Namin hindi inverter. Bali ok lang kahit diretso pagikot kahit na 2-5 seconds lang kung nagmamadali, thanks.

    • @jepokractv5565
      @jepokractv5565  2 роки тому

      Sorry mali po ako ng pagkaintindi sa unang basa ko.
      Yes ok lang po iyan. 30 sec.

  • @rosttesysnblog7639
    @rosttesysnblog7639 Рік тому +1

    pwedi lang po ba extention wire ang gamit sa aircon.

  • @JaymartFabregas
    @JaymartFabregas Рік тому +1

    Boss pag 0.6 na aircon ok lang ba walang breaker drekta na agad sa outlet 20A po ang nasa breaker

    • @jepokractv5565
      @jepokractv5565  Рік тому

      kung pansamantala ok lang. pero mas safe parin po ang may breaker.

  • @edwardgaza3696
    @edwardgaza3696 Рік тому +1

    Sir tannong klang po kapag nka eco mode bgla bng mamatay?carrier AURA 1.5

    • @jepokractv5565
      @jepokractv5565  Рік тому

      As in walang power po ba o nag o automatic lang ang compressor?

  • @archefeabrea1363
    @archefeabrea1363 Місяць тому +1

    Sir sana mapansin,ano pong totoo nakakasira daw ng aircon yung tinatanggal sa saksakan pagkatapos gamitin?daoat daw walang tanggal2?

    • @jepokractv5565
      @jepokractv5565  Місяць тому

      @@archefeabrea1363 mas safe po iyan. Tinatanggal

  • @goodtunes27
    @goodtunes27 Рік тому +2

    Magkano po posible consumption nung mga appliance na nakapatay pero nakasaksak per month? Kahit sa aircon nalang po and electric fan or tv. Curious lang if malaki din ba

    • @jepokractv5565
      @jepokractv5565  Рік тому

      Nasa 10 pesos per day po ang aircon na digital, nakasaksak pero naka off.

  • @gilaguba1942
    @gilaguba1942 8 місяців тому

    kapag binalotan ng alluminom foil ang wire ng aircon nakakabawas ba cunsomo

  • @marygracebornea9041
    @marygracebornea9041 Рік тому +1

    Thank you po sa idea ❤

  • @blindspot8884
    @blindspot8884 2 роки тому +1

    Sir parehas po tyo ng aircon koppel super inverter 1 hp po kailangan pa po ba i fan mode sya pag on tapos after 3 mins i cool? Or diretso cool na sya pag on?

    • @jepokractv5565
      @jepokractv5565  2 роки тому

      Yes parehas tayo. No need. Automatic na yan. Naka fan mode po talaga yan sa unang start.. Kahit rekta cool mode na po iyan.

    • @blindspot8884
      @blindspot8884 2 роки тому

      Ok lang ba sir laging naka high fan? Saka laging naka on ang swing. Kse po ang settings ko po.. cool mode, high fan, swing on, 24 c

    • @blindspot8884
      @blindspot8884 4 місяці тому

      Boss ung ganyan aircon ko ilang araw na nagkaka error P4 error

  • @yasserpuno3308
    @yasserpuno3308 9 місяців тому

    Hi sir, ask ko lang if manual ang aircon, meaning wala siyang remote, tapos window type siya (0.5 hp), need pa ba na i-off ang dedicated circuit breaker and i unplug ito kapag di ginagamit ang AC?

  • @Lala-__
    @Lala-__ Рік тому +1

    Pag may sariling breaker ang AC may konsumo pa rin ba un kahit naka off? Inverter.

  • @menardmenace6505
    @menardmenace6505 11 місяців тому +1

    ok lang ba na naka saksak sa surge protector na extension cord ang inverter aircon na may on/off switch para doon nalang i-switch off ang kuryente ng aircon pag hindi ginagamit?

    • @jepokractv5565
      @jepokractv5565  11 місяців тому

      Hindi po recommended ang extension cord

  • @ANDREAYLEANA
    @ANDREAYLEANA Місяць тому

    Kaya pala ang laki ng bill namin.. window type rin di ko kasi tinatanggal saksakan..pinapatay ko lang ung di kami nag aircon 1k bill may ref pa kami now nag aircon 3,300

  • @trendingnews2742
    @trendingnews2742 Рік тому +1

    di po ba mabilis masira ang aircon pag mayat maya bubunutin? thanks po

  • @renzboltron6956
    @renzboltron6956 2 роки тому +1

    Pano po kuya ang tv nakasaksak pero d naka on .. Kumakain po ba yan ng kuryinte???

  • @virginiaalguno4965
    @virginiaalguno4965 7 місяців тому

    Ang ref namo ng enverter dli na mo ice ano po prblema

  • @ma.cecillaintong5655
    @ma.cecillaintong5655 Рік тому +1

    Safe po ba hugutin yung plug ng aircon or kahit ibaba nalang yung sariling circuit breaker ng aircon alin po kaya mas okay?

  • @arlenereyes2433
    @arlenereyes2433 8 місяців тому

    Eh Yung LG sual inverter Po ba Ng co consume kahit naka off please reply thanks

  • @jehovguevarra5182
    @jehovguevarra5182 2 роки тому +1

    Sir nakaktipid ba pag may breaker ang windows type na non inverter na AC?? BKit need non?

  • @wakasaimaushi6068
    @wakasaimaushi6068 2 роки тому +1

    Counted po ba if naiwanan nakasaksak yung washing machine pero di po ginagamit nakalimutan lang po tanggalin

  • @ElaineJoyceSantos
    @ElaineJoyceSantos Рік тому +1

    Sir, mas mahal ba sa kuryente pag nakarekta na yung aircon? Ginupit kasi nung nag install yung plug ng aircon kaya nakarekta na sa linya. Wala ng saksakan.

    • @jepokractv5565
      @jepokractv5565  Рік тому

      Parehas parin naman po ng consumption pag nag ooperate pero pag nakapatay at inverter tulad ng nasa video ay may konsumo po maliit.

  • @kyrie8303
    @kyrie8303 2 роки тому +1

    Un pla silbi ng may breaker na sarili ang aircon. . Kahit anung aircon bos?

  • @Mjquides
    @Mjquides Рік тому +1

    Sir paano naman po kapag heater sa cr need parn ba ibaba ag breaker or bunutin sa saksakan? Salamats

  • @shineesvtgot7exo
    @shineesvtgot7exo Рік тому +1

    Hi po. Yung nakasaksak po na aircon na hindi naka-on, bale ilang kilowatt po nagagamit nun sa isang oras/araw/bwan? Naiwan po kasi ng kapatid ko nakasaksak aircon nya, although hindi naka-on pero ilan po kaya nadadagdag sa bill sa loob ng isang bwan? Mga 2 months na po kasi nakasaksak lang so wala idea magkano kinokonsumo kahit di naka-on..
    Thanks po..

  • @lenardsanmocte2406
    @lenardsanmocte2406 Рік тому +1

    sir ask ko lang masisira daw breaker kapag on/off lagi. Binababa ko kasi after gamitin aircon

    • @kurei9132
      @kurei9132 Рік тому +1

      Up! Sana masagot.

    • @sairaagnolasyuri4420
      @sairaagnolasyuri4420 Рік тому +1

      Pasagot naman po ,kase ang hirap naman baklasin yun plug sa breaker, kaya on off po ginagawa ko din sa breaker ,

    • @jepokractv5565
      @jepokractv5565  Рік тому +1

      hindi naman po. or kung pwede hugutin ang plug mas ok po.

    • @jepokractv5565
      @jepokractv5565  Рік тому +1

      yes hindi naman po masisira.

  • @aca_5851
    @aca_5851 Рік тому +1

    Panu po sir maprotrect yung circuit board ng mga inverter aircon? Thank you po.

    • @jepokractv5565
      @jepokractv5565  Рік тому

      isa na po ang pagpatay o pag hugot sa power supply ng aircon pag hindi po ginagamit. maaari din pong gumamit ng AVR. Ugaliin din pong magpalinis ng aircon.

    • @aca_5851
      @aca_5851 Рік тому

      @@jepokractv5565 Tama po ba sir mas mataas po dapat yung wattage ng AVR kesa po wattage ng aircon?Thank you!

  • @michaeldejesusvvgh2gg2ytqt51
    @michaeldejesusvvgh2gg2ytqt51 5 місяців тому +1

    Pasensya na po sir
    Tama po kayu kakatest ko lang 38watts electricfan pataas,
    Kaya prang imposible naman pag nakaoff ang aircon standby mode para kang nakaelectricfan maghapon sobra naman ata yun sir 😂
    Yung sakin po 1hp 3 to 4watts lang ang kain pag nakastandby mode or naka off
    So amg layu po sa 38watts or .16amp po sinasabi nyo
    Pasensya na sir
    Subscriber here
    Subscriber here ✌️

  • @RianUtto
    @RianUtto Рік тому +1

    Thank you so much sir.