naging mas clear sakin yung ejectment and so much thankful ako sa mga natutunan ko. Sana po magkaroon po kayo ng segment ng difference of Accion Publiciana and Accion Reivindicatoria at kung pwede po ba ito i-file ng sabay. Thank you po sa inyo Judge Jing and Atty. Al!
Good day po sa inyong lahat. Salamat po sa suporta at sa mga tanong. Abangan nyo po ang special episode namin kung saan sasagutin po natin ang mga tanong nyo. Salamat po. :)
tanong po ako judge pag kami nag rent sa isang lugar mahigit 65yrs na nag rent at bglang binili yung bahay na d nmin alam at sila pa yung nbgyan nang relocation site
Hello po isa po ako sa mga nararanasan yung ganitong case ngayon, yung niloan ko po na bahay sa pag ibig may nakatira, at continues po bayad ko sa pag ibig monthly ask ko lang po pwede ko po ba sila paputulan ng tubig at kuryente kahit sila po yung current na nakatira dun? Thankyou po sana po masagot po yung tanong ko. 🙏🏻🙏🏻🙏🏻
Hello Judge Janice, sana matandaan mo pa po ako, .yan po ngayon ang kaso ko sa Ejectment at recovery of the position complete material evidence po ako kung bakit na DISMISSED sa MTC ng Sta. Rita Samar po. Pero nag file na po ako ng apela sa RTC.
Salamat po at naliwanagan po ako sa paliwanag niyo po about recovery of possession. Sa ngayon po e nakapag file na po kami sa korte. Kami po ang complenant. Lahat po ng ducument gaya po ng titulo. Tax Dec. Etc.. Sa ngayon po ay naghihintay nalang po kami ng notice for hearing galing po sa korte. Sana po ay maibalik po sa amin ang karapatan sa lupang si naka at pinaghirapan ng mahabang panahon ng aming magulang. Salamat po🙏🙏🙏🙏
I reside in Manila and I have a registered lot in Tarlac that is occupied by a squatter. Should I still go to the Barangay or can I file a court case immediately? The squatter and I are from different Barangays
no. Resort to prior katarungang pambarangay is required lang ka-pag residents ng iisang barangay o bayan ang complainant at re-spondent. Furthermore, as ruled in Vercide vs. Judge Priscilla T. Hernandez (April 6, 2000), disputes which involve real property or any interest therein shall be brought in the barangay where the real property or any part thereof is situated, PROVIDED that the parties are actual residents of the same city or municipality. Kaya, in your case, considering that you are a resident of Manila and the re-spondent is a resident of Tarlac where the property is located, there is no need to go through prior Katarungang Pambarangay before filing the action in court.
Very well said..new subscriber here. ..salamat po sa sobrang liwanag ng pag paliwanag ng diff types of ejectment sobrang naliwanagan ako sa kumpletong info hindi katulad sa iba vlog nakakalito...thank u po more power and god bless po sa inyo😘
Good evening po mam judge at sir atty. My tanong lng po ako my lupa po tatay nmen na emancipation patent ang title. namatay tatay namen 1989 at benenta po ng lola 1995 sa relatives namen kinuha ng tita ko ang title sa nanay namen sabi hiramin lng daw ngunit ito palay ebenenta. Ngayun po kinausap namin ang nasa possession ng lupa ayaw po nla ibalik sa amin. Anu po ba dapat gawin po at mababawe pa po ba namin ang lupa kc sinasabi nla pasok daw kami sa abandonment na case po.
Magandang araw po s inyo,Tanong ko lng po paano kung verbal lng po ung naging usapan tungkol po s pagpaptira at ngaun po ay inaangkin npo nila ung bahay n pinatayo nila s extensyon ng lupa nmin,
Atty. ask lang po, if ever manalo yung complainant at may notice na ung umuupa galing s court na paalisin, paano naman po yung months na hndi bnayaran ng renter? exmple 3 mos. sya ndi nagbayad at may sira ang bahay, pwede po ba yun isama sa case at sa court order pwede ba yun ipa indicate na bayaran ng renter? Thanks po
Magandang araw po Judge and Atty. Kmi po ay pinauupahang bahay at ito ay may tenant ngunit po sila ay 3 months bang hndi nakakapagbayad from Sep-Oct. We decided po na ipabaranggay para magkaroon nang kasulatan na babayaran niya ang delayed two months payments on Nov.4 which is also the due date of the rent for the month of Nov. and also po nakaindicate doon na till January 15 2023 pa sila magooccupy but sila ang ay magbabayad ng monthly rent. Ngayon po, Nov.4 came and hndi siya sumipot sa usapan ng baranggay ang walang payment pong nangyari. Now the baranggay gave us a paper indicating ejectment case. Ano po ba ang next nming gagawin since sa Dec.4 po ay magiging four months na silang hndi nagbabayad if hndi prin po magpay.
Hello po Atty. AL from Dumaguete po ako pero nakakuha ako ng bahay dito sa marilao sa PaG-IBIG pero may illegal occupant pero sa ngayon on going legal process pa po ako. tanong ko po is magkano po kaya filing fee (ejectment) po? thank you Atty.AL
hello po atty. ask ko lang po paano pag ung dating nagmay ari wala na dun sa property? mga gamit nalang nandun sa loob at nakalocked ung gate at door yung auntie nalang tumitingin sa bahay kasi nasa likod lang ung bahay ng aunt niya. sino pwd magrereceived ng demand for vacate e nasa manila na ngayon ung dating may ari?
Hello po! Atty. AL/Judge Ma'am,,, ask q lng po aq po my pag -ibig housing loan sa Dasmariñas City Cavite 2008 q pa ibinabayaran,, 2017 po d na aq nkkabayad sa housing loan q dahil umuwi po aq ng Bacolod,,d po aq nkbalik ng trabaho jn sa Cavite noon ng covid til now...dating Security Guard po aq dis month lng po my pumunta n sa bahay q at pina aalis un care taker q dhil na award n po dw sa kanila un house q,,ano po ba pwd gawin q? kz d2 po aq sa Bacolod City now..maraming salamat po God Bless..
Good pm Po mam/sir Ako Po ay maykatanungan o advice lang po.akin Bahay ay pag-ibig Ngayon po.dipo Ako makapag bayad nang 1year to 4month.ngayon Po nang babayaran ko na Ang 1year to 4month ay ayaw nang tangapin ni pag-ibig kc daw naka bidding na.1st bidding Po wala Po nag bid po.ngayon Po Ang Sabi ni pag-ibig ah antayin Ang 2nd bidding nagantay Po kami para Po somali sa bidding.ngolat nalang me ilang sigoro magdadalawang buwan palang my nag cliam na nang Bahay ko Ang Sabi nila cla daw nakakoha nang Bahay me.bakit Ganon nidi man lang mi ni note na 2nd bidding.para makasali me ano Po dapat Gawin Po ty Po mam/sir.
Good day po Judge Jing and Atty. AL. Bagong tagasubaybay nyo po ako. Itatanong ko lang po sana, owde po ba namin bigyan ng 1 year na palugit yung nagrerent sa bahay namin kahit wala naman po silang arrears? Iba po kasi ugali nila. Inaaway nya po parents ko, mas matapang pa po sila sa amin. May valid reason po ba para mapaalis namin sila? Alam ko po matagal na itong video nyo. Pero sana po mapansin. Salamat po.
Good evening po Atty How are you? Question lng din ako.Meron po kmeng condo unit, last 2020 po we decided na ibenta..Nakakuha nmn kme ng buyer with the help ng broker, Meron clang favor sa aming na mag down cla ng money pero kung pwede lipat na cla sa unit namin.Nag agree naman kme at nagkaron ng contract na magbibigay cla ng downpayment plus since mag move kme cla nrn sagot ng 6months monhtly rent namin while waiting dun sa kinukuha nilang bank loan pra sa remaining balance nila..Since nag pandemic po so the whole yr ng 2020 until now po hnd pa cla nakakabayad sa remaining balance samin also after 6months wla nrn clang binibigay na payment samin pra duon sa nirenthan naming apartment.Ang reason po nila dahil sa pandemic and the bank also na kinuhanan nila ng loan pre approve nmn cla pero palage pong nag lalapse ung letter of gurantee kaya po till now hnd marelease ung loan nila...hnd na po kme makapag antay pa at nag consult na kme sa abugado pra po ma forfiet at mawalang bisa na po ang aming kasunduan at mapaalis na po cla sa unit namin...Nakatangap naman cla ng letter to vacate the place pero nag mamatigas po at kme daw po as a seller ang nag back out at nakapag down na nmn na daw po cla samin. Question lng po atty pag kinasuan namin cla ejectment suit na po eto? at may sense or reason po b ung defend nila na since nag downpayment na cla samin at kme daw ung umurong sa bentahan dahil d kme makaantay may laban po b cla dun?I hope na mapansin nyo ung question ko Atty and godbless
Thank you Mary for your question. Pero una sa lahat, sabi mo may kinunsulta ka na na lawyer. Di tayo tiyak kung yung consultation ay dun lamang ba sa demand letter o sa entire case na? I suppose dun lang sa demand letter. Anyway, I am sure naman na parehas ang sasabihin ng lawyer nya sa sasabihin ko. May contract of sale kayo Maria. Ang obligation ng buyer mo ay to pay the price. Ang obligation nyo naman ay to transfer ownership and to deliver the property. Kayo nagawa nyo ng ideliver ang property. Sila itong hindi nagawa yung expected sa kanila. Yun ang bayaran ang purchase price. Nagkaroon ng breach of obligation. Bilang seller, may karapatan kayong i-demand ang payment na ginagawa nyo naman. Now, since hindi pa rin nila nagagawa yung dapat, ang next remedy ninyo ay i-rescind o ipawalang bisa ang kontrata. Yung pag back out nyo sa contract ay yun na ang rescission. Karapatan nyo yun. Kaya mali ang buyers nyo. Since may letter na kayo na nagpapawalang bisa sa kontrata, pwede kayong mag-file ng ejectment case.
hello po attorney .. may nakuha po akong bahay sa pag ibig . may authority to move in na ako kaso hindi po ako mklipat kasi may gamit po sa loob .. ang way ko lng po is mag fifile ng ejectment case para maalis po yung gmit .. ang problema po bka po hindi marecieve ng dating may ari yung letter .dahil d po sya lumulutang sq lugar n yun. anu po ba maari kong gwin .. malakas po ba ang laban ko pag ganon dumating sa point n mgreklamo sila
good afternoon po.mayroon po kaming 1.5 hectare na lupa sa rosario batangas.may tenant po siya d naman registered sa DAR.ang problem po hindi na po nila sinasaka ang lupa.siguro po ay 10 yrs na na d nagbibigay ng kabahagi.ang problem po now 2022 namatay po ung ama ng pamilya na siyang natayong tenant.ng mabalitaan po na ibebenta ang lupa hihingi daw po ng 1/4 sa pinagbentahan.at un pong riceland ay tinaniman njla ng puno ng saging para lang masabi na nagtanim sila.me ground ponba kami sa ejectment dito.salamat po
Goodevening Tanong ko lang po kasi may nakuha akong bahay foreclosed sa pagibig wala na po nakatira sa property pero po my mga gamit. Nakipagusap po ako sa may ari na nasa ibang bansa na kung pwede na alisin na ung gamit kasi na foreclosed na ung property at may authority na ako to move in kaso po di sila nakikipag coordinate. Ano po ba ung pwede kong gawin since nasa ibang bansa po siya at 2 years na daw po walang nakatira sa bahay sabi ng kapitbahay. Na blocked niya po ako sa fb at ayaw na makipagusap.Sana po bigyan nio ako ng steps po paano ko po mapapaalis sila since di nmn nila tinitirhan.
Thank you Emil for writing to us. First, know that you have a right to the possession of the property dahil nabili mo ito sa isang regular foreclosure sale. We will presume na valid and regular ang foreclosure at lumagpas na ang redemption period. Kung china-challenge ang foreclosure, dapat ay nagsampa na ng kaso ang former owner para mapawalang bisa ang foreclosure. Second, ang gawin nyo po ay makipag-ugnayan sa Pag-Ibig para sa peaceful turnover ng property. Baka kasi narepossess na yan kasi wala naman palang nakatira. Pero, kung hindi pa narepossess ng Pag-Ibig yan, kelangan nyo pong magsampa ng kaso for issuance of writ of possession sa proper court. Pwede naman i-serve ang non-resident defendant ng summons kaya hindi problema yung nasa ibang bansa sya. Yun ang proceso. Wag nyo po munang pasukin ang bahay hanggat hindi kayo nakapag ugnayan sa Pag-Ibig or hindi pa kayo nakapag file ng kaso for writ of possession.
@emilfernandez3045 Sakin nmn ung nkuha kong bhay sa pagibig e pinatira ng owner sa kpatid nya. Ngaun nkipagusap aq. Ang sv nila ndi dw cla aalis dun kx sa nanay dw po nila un. Tnanung ko po ung pangalan nila ayaw po na ibigay. Hirap na hirap po aq magsampa ng reklamo. Sa brgy. Kx ndi ko alam pangaln nila. Ngtnung aq sa mga kapitbhay ndi din dw po nila alm kx madalang dw lumabas ang nkatira. Alias lng po nkuha ko. At ngstart ndin po aq mag m/a. Anu po kaya magndang gwin pra mkuha pangalan nila. Tnx po.
Maam judges naisanla ng magulang ko yung titulo ng bahay namin na kasama ang panganay namin namatay magulang ko pero tinubos po ng anak ng panganay naming kapatid ngayon po sinasabi niya knya na raw ang titulo ng bahay namin makukuha po ba nya ang bahay namin
Hindi po. Ang bahay at lupa ay mana o inheritance mula sa mga magulang. Kahit na ang anak ng panganay na kapatid ang nagtubos ng bahay at lupa mula sa pagkakasanla nito, the title or ownership of the property will go to the heirs. Yung anak ng panganay na kapatid ay may claim against the estate lamang. May karapatan syang ma-reimburse ng pinambayad o pinantubos nya dun sa bahay at lupa. Kaya, kelangan muna i-settle ang estate at bayaran ng estate ang anak ng panganay na kapatid. After nun, paghahatian ng patas ng mga tagapagmana ang mga naiwang ari-arian ng mga magulang.
Thank you Shela for that question. Wala pong nakukulong sa ejectment. Ang ejectment case po ay isang civil case na ang layunin lamang ay mabawi ang isang property mula sa isang tao na walang karapatan sa possession nito. Halimbawa, may isang squatter na illegal na pumasok sa property at ayaw umalis, sa ejectment case na ifinile sa kanya, ipaguutos lamang ng judge na lisanin nya ang property at ibalik ito sa nagmamay-ari. Posible din syang utusan na magbayad ng renta o reasonable compensation sa kanyang pagtira sa property. Civil case lang po ang ejectment. Wala pong kulong. Yung kulong po sa mga criminal cases lang yun. Kung criminal case na trespassing to dwelling under Article 280 of the Revised Penal Code o usurpation of real property under Article 312 of the Revised Penal Code ang isinampa, yun may kulong yun. Hindi lang kulong, may multa pa.
ask ko lng po sana ulit sa inyo atty,al at judge jing mgtatanong lng po ako ulit kung marapatin nyo po 1Ang lote lot 922 ay my sukat na 305,square metters na pag,aari po ni toribio amarante at david mamerto bilang sila ang Owners ng lupa 2,at transfer narin po nila sa 8. Tao mga tagapagmana nito or heirs Ang lupa na my sukat na 305 square metters 3,isa po sa tagapagmana ang akin lola na si victorina amarante at tiyahin ko na si plora amarante Sa lupa 305,square metters 4,dahil po sa tagal na itinago ang titulo ng lupa ay cancelled na pala at nakapangalan na sa isa tao lupa 305 square metters Ano po ba ang remedy po nmin sa lupa salamat po asap Ano po
Good evening po ako po ay nakikitira saaking biyanan ngayun yung unit house ng aking biyanan ay na foreclosed na hindi napo sila nkahulog kasi nagkagipit gipit po sila hanggang ngayon, pero gusto sana nila lakarin or i apply sa pag ibig ulit ang unit nila. Ang pag ibig ngalang po ay ibinenta saiba ang unit ng aking biyanan tapos may buyer napong nkakuha at pinuntahan po kmi pinipilit nila kaming paalisin hinaharass harass po nila kami lagi sa tuwing pupunta sila nag sisigaw labas sa tapat ng bahay ng biyanan ko at pinagsasalitaan kmi ng hindi maganda at may pananakot pa na magdadala daw sila ng truck ipapahakot daw nila mga gamit nmin ng AK ng biyanan. Magsasama din daw sila ng sheriff at un ngadin po ay papaalisin daw nila kami ng pwersahan at ipapatanggal ang mga gamit nmin. 2months pa lng po silang naghuhulog kay pag ibig ang bahay po kasi ng biyanan ko ay napalagay sa as is where is or aquired asset po ang biyanan ko po ay first owner po sila sakanilabg unit. Any advice nmn po baka makatulong kasi sobrang stress napo kmi lahat lalo ang aking biyanan na babae sumasakit npo ang dibdib sa tuwing hinaharass po kmi.
Atty good morning po sa inyo.. My kinasuhan po kmi unlawful detainer, my nkuha po kmi bhay sa acquired asset ng pag ibig nka dlwang pre trial napo kmi.. Mediation nmin ngayon jan. 19 sana magkaayos peru paghnd jdr na kmi my position paper napo kmi.. Tanong ko lng po atty maipanalo poba nmin yun kaso kc lahat ng orig docs galing pag ibig binigay po samin,, nagmonthly napo anak ko simula july 2023,, si illegal occupant parin ang nkatira sa ngayon po..
Atty, isa po naggugupahan iyon mga magulang aq fourty years ,tapos namatay yon may Ari Ng lupa n tintirahan ,bigla may punta sa Amin Lugar at nagsasabi na anak daw cia n may Ari Ng Bahay pero wla cia pinapakita n papel n nagsavi sa kanya pinaman,sinavi Nia na magbayad kmi n rent n Bahay nagbayad nman kmi pero yon iba ndi Tama b n lahat ay idamay. Nila PG dating n anim n buan wla n nanigil sa Amin. Buan maydumating n papel kailagan dw kmi umalis,, bigla nasunog yon Amin tinitiran nadamay tiniran ,ano po ba dapat Gawin Kasi agaran sinaraang Amin titirahan ,,60 years na po kami nakatira sa Amin Bahay,
Maraming salamat sa tanong mo. Una sa lahat, sana ay nakarecover na kayo sa pagkasunog ng bahay ninyo. Dun pa din ba kayo sa dati nyong tinitirhan? Sa kwento mo ay nangungupahan kayo at ang lessor ay namatay na. May contract ba kayo? Kung meron, nakasaad ba dun ang term o duration ng contract? Kung hindi pa expired ang contract, dapat irespeto ng anak ng lessor ninyo ang contract. Pero kung tapos na at nag-eextend lang kayo dun sa property, ang matatawag dyan ay tolerance lamang. Pwede kayong magpatuloy sa property hanggang hindi pa binabawi ng may-ari. Pero may demand letter na para umalis kayo. Ibig sabihin nun ay binabawi na ang “tolerance” ng paglagi nyo sa property. Kelangan nyo na po umalis. Kung gusto nyo pong mag-stay pa dyan, kausapin nyo po ang mga tagapagmana at irenegotiate ang lease para bigyan pa kayo ng time. Pero, hindi po talaga mapupunta sa inyo yan kahit na 60 years na po kayo dyan dahil may lease contract lang kayo. Ayon sa Article 1436 ng Civil Code, a lessee is estopped from asserting title to the thing leased as against the lessor. God bless po and stay safe!
good day po sa inyo atty..ask ko lng po kung meron bang karapatan ang kpatid ng kalive in ko na paalisin ako sa bahay ng kalive in ko,meron ba silang karapatan na petisyonan ako na paalisin ako.
Maraming salamat Analinda sa tanong mo. Una sa lahat, sino ba ang may-ari ng bahay? Yung kalive-in mo o yung kapatid nya? Kung ang kalive-in mo ang may-ari, walang karapatan ang kapatid nya na paalisin ka. It’s your live-in partner’s call kung paaalisin ka nya. Eh live-in kayo. I suppose mutually agreed yun na mag live-in kayo sa bahay nya. So, you can stay there for as long as you both decide to live together. Pero kung ang kapatid ng kalive-in mo ang may-ari ng bahay, well, meron syang karapatan sa kung sino ang pwedeng tumira dun. Ang suggestion ko ay pag-usapan nyo ng ka-live in mo ang problema para kausapin ang kapatid yung issue ng kapatid nya sayo. At kung mahal ka talaga ng ka-live in mo, ipaglalaban ka nya.
meron pa po akong tanong pwede ko bang kasohan yung taong pinapahiya ako ?kgaya ng ginagwa niya na sinusulatan niya ang dingding ng bahay ko nakasaad "makapal ang mukha"
Tanong lng po ako sa inyo atty at judge about po sa ejectment cases Kami po kinasuhan ng forcible entry ng amin kapitbahay kahit mg kaiba ang lote at mgkadikit tama po ba un Gusto ko lng po malaman ang kasagutan slmt asap.
Maraming salamat sa tanong mo Albert. So, first, ang forcible entry ay isang remedy or reklamo para sa recovery of property. Sinasabi ng nagrereklamo sa isang forcible entry na sya ang may karapatan sa lupa na kinatitirikan ng property ng iba, at papatunayan nya na kinuha ng iba ang property na ito through FISTS o yung FORCE, INTIMIDATION, STRATEGY, THREATS AND STEALTH. Pangalawa, kelangan may prior demand at ang kaso ay dapat isinampa sa loob ng isang taon mula ng napadalhan ng demand ang nag-o-occupy ng property. So, sa tanong, mo, pwedeng kaya kayo sinampahan ng forcible entry dahil may encroachment, Sabi nyo na magkadikit kayo. Baka sinasabi nya na lumagpas kayo sa boundary. Pero, allegation lamang nya yun. Kelangan patunayan nya through documentary evidence yung right nya dun sa property na kine-claim nya. Mag consult po kayo ng abogado para mapag-aralan po ang complaint at matulungan kayo sa paggawa ng kaukulang Answer.
Ibig po sabihin mali po ung kaso isinampa laban sa amin na forcible entry ng aming kapit bahay Pero bkit po ung desicion ni judge reneo lustre ay pabor sa kapitbahay nmin na kami ay ejectment Eh para po hindi tama un desicion ni judge lustre ng mtc out of durict diction ang kaso isinampa laban po sa amin na forcible entry
atty. ask ko lng po sa illegal detaineer po sino po ang mas matimbang yung matagal na nkatira at my tax delclaration lng or yung may hawak ng titulo? thanks po sa pgsagot..
Hello po. As a rule, ang mas may karapatan ay ang taong may titulo dahil ang titulo ang best evidence of ownership. Kung sino ang owner, sya din ang may karapatan sa possession ng lupa. Kung yung matagal ng nakatira sa lupa na ang hawak lang ay tax declaration ay may ebidensya na peke ang titulo o ito ay "fraudulently issued", pwede syang mag file ng kaso para ipa-cancel ang title at para kilalanin sya na ang may may karapatan sa lupa. Court action is the key.
@@gnnpeoplescourtPH Thank you atty. ongoing na po yung case namin na illegal detainee hopefully matapos na this year at mapaalis na ang nka squat doon.. Godbless po
How about po if na dismissed na po ang unlawful detainee last 2020 tapos recently pumunta dito ang buyer nang Bahay namin para i negotiate kami na umalis sa Bahay namin.Pag hindi I re-raise nya ang kaso sa korte para daw ma sheriff kami kung hindi aalis. Kailangan naba naming umalis asap? Hope u can help me with this issue
Hello po. Sabi nyo po buyer ng bahay nyo ang nagpapaalis sa inyo. Ano po ba ang usapan ninyo? Kung nabili na ang bahay, bakit po hindi pa nabibigay sa buyer ang bahay? Kung meron pa kayong karapatan dyan sa bahay, maigi na pag-usapan nyo yan sa barangay muna. Dun nyo po pagusapan para di na umabot sa korte. Kung aabot na sa korte, we advise you to get help from the Public Attorney's Office para mapatanggol kayo. God bless po.
@@gnnpeoplescourtPH pumunta po sa Amin ang buyer may dalag titulo pero hindi ko po alam kung certified copy ba yon. Pumunta ang buyer and brgy worker sa Bahay namin para I negotiate kam.. occupant lan po kami ang may-ari po Ay nakatira sa ibang bansa.. may resibo po ang may ari na tapos na ang bayad.
Magkadit at makaiba ang aming lote ng lupa kaso kinasuhan kami ng ejeckment case na forcible entry ng aming kapitbahay at gusto ko lng po malaman po ang tamang sagot slamat pogodbless
Judge jing at atty al...panu po kung matagal na nasangla ang lupa na pinagtayuan namin ng bahay..nuon hindi pa eto na sangla nag rent kami..kahapun tinubos ng may ari ..pagkatapos..gusto namin mag renta...hindi na po tinatanggap kc para daw madali lang kami filan ng ejectment.
paano po kung kapamilya mo ang nag file ng kaso na unlawful detainer sa magulang at kapatid.. sa kadahilanang gusto na nyang imbenta.. ano po pwedeng gawing ng mga defendant?
Una sa lahat, ang unlawful detainer ay isang kaso na fina-file kung yung present possessor ay wala ng karapatan dun sa property sa kadahilanan na tapos na ang contract, binawi na ang property or pwede rin dahil may partition ng property kung co-owned ito. Sa tanong mo Ma’am, kelangan patunayan ng nagsampa ng kaso laban dun sa magulang at kapatid na wala na silang karapatan na tumira dun sa property. Ang property ba ay exclusive na pagmamay-ari ng nagrereklamo? Kung hindi nya exclusive na pagmamay-ari dahil family home ito or co-ownership then hindi magtatagumpay ang unlawful detainer case. Kelangan ma-establish muna ng nagrereklamo ang kanyang karapatan to the possession of the property bago nya mabawi ito or mapalayas ang mga kasalukuyang nakatira dun.
@@gnnpeoplescourtPH actually yung kapatid ko po ang nakabili ng property.. matagal po din kme nangupahan, yung dating meh ari po, ibinenta sa magulang ko, kaso po wala na sila work, kaya po yung kapatid ko mismo ang nakabili.. sa pamamagitan po ng hulugan sa tita ko po na kapatid ng dad ko..pagbalik nya at natapos na po kontrak sa ibang bansa,nakapangalan na po sa knya.. kahit po pala kadugo o kapamilya pwedeng i-kaso ang unlawful detainer kung nais na ng kapatid ko ibenta.. apat kme magkkptid meh magulang pa po kme at buhay pa sila.. meron po ba na kontrata sa magulang at kaptid pag pagiging magkadugo? di ba po ang unlawful detainer para sa mga umuupa na tapos na kontrata.. anu po kaya ang pwede nmeng maging laban as a defendants dun sa complain sa amin ng aking kapatid.. lahat po kme single.. salamat po
ang ejectment po ba dapat galing sa korte?desisyon po ba dpat ng judge?puwede po ba mag ejectment ang DARAB khit hindi po ito rehistradong lupa sa DAR?saan po ba dpat galing ang desisyon ng ejectment?
Sir Rodel, for clarification, ang ejectment na napagusapan sa Episode 9 ay ejectment under Rule 70 of the Rules of Court. Ito ay either forcible entry or unlawful detainer. Forcible entry kapag may dispossession through force, intimidation, strategy, threats and stealth. Unlawful detainer naman kapag ang right to possess the property ay naging illegal due to termination of a lease, cancellation of a contract to sell, withdrawal of tolerance, etc. Both cases of forcible entry and unlawful detainer ay through court action, specifically, an action filed before the proper first level court. Kaya, tama, ang court lamang ang pwedeng magpa-eject sa mga ganung kaso. Pero, tanong mo kung may katulad na power din ba ang DARAB o ang Department of Agrarian Reform Adjudication Board. Ang sagot ay depende kung ang ejectment ay arising from an agrarian dispute and the implementation of the agrarian reform law. Kung connected ito sa transfer of covered land from landowners to farmworkers, tenants and other agrarian reform beneficiaries, possible yun Sir, Rodel.
May nabili po akong lupa sa banko title cya kaya lang kunin kona sa mga nakatira at nagtatanin ayaw nilang ibigay paano kaya ang gawin ko kahit man lang sana isang salop lang ang ibigay ayaw pa samantala wala naman kmi pakinabang updated pa akong nagbabayad ng buwis ng lupang ito. 3 beses kna cla kinausap ang sabi pa nila mag sampa nalang daw ako sa korte txt back po
😇Thanks for this channel at kay judge Janice very learning topic
very helpful information ❤
thank you both ❤❤❤
Most welcome 😊
naging mas clear sakin yung ejectment and so much thankful ako sa mga natutunan ko. Sana po magkaroon po kayo ng segment ng difference of Accion Publiciana and Accion Reivindicatoria at kung pwede po ba ito i-file ng sabay. Thank you po sa inyo Judge Jing and Atty. Al!
Thank you po and pls continue to support and watch our show po. :)
Thank you po
Salamat po sa mga tanong nyo, pakiabangan nyo po ang pag sagot namin sa tanong nyo sa isang future episode ng People's Court
Good day po sa inyong lahat. Salamat po sa suporta at sa mga tanong. Abangan nyo po ang special episode namin kung saan sasagutin po natin ang mga tanong nyo. Salamat po. :)
Maraming salamat po sa mga tanong nyo. Abangan nyo po ang discussion namin tungkol sa mga concerns nyo sa mga future episodes ng People's Court.
tanong po ako judge pag kami nag rent sa isang lugar mahigit 65yrs na nag rent at bglang binili yung bahay na d nmin alam at sila pa yung nbgyan nang relocation site
I love the tandem.
Hello po isa po ako sa mga nararanasan yung ganitong case ngayon, yung niloan ko po na bahay sa pag ibig may nakatira, at continues po bayad ko sa pag ibig monthly ask ko lang po pwede ko po ba sila paputulan ng tubig at kuryente kahit sila po yung current na nakatira dun? Thankyou po sana po masagot po yung tanong ko. 🙏🏻🙏🏻🙏🏻
Paano po atty.kame po ay pinilit patayuin ng bahay nong may ari po ng lupa.nong natapos napo yung bahay nmin..bigla nlng po kame pinapaalis
Hello Judge Janice, sana matandaan mo pa po ako, .yan po ngayon ang kaso ko sa Ejectment at recovery of the position complete material evidence po ako kung bakit na DISMISSED sa MTC ng Sta. Rita Samar po. Pero nag file na po ako ng apela sa RTC.
Salamat po at naliwanagan po ako sa paliwanag niyo po about recovery of possession. Sa ngayon po e nakapag file na po kami sa korte. Kami po ang complenant. Lahat po ng ducument gaya po ng titulo. Tax Dec. Etc.. Sa ngayon po ay naghihintay nalang po kami ng notice for hearing galing po sa korte. Sana po ay maibalik po sa amin ang karapatan sa lupang si naka at pinaghirapan ng mahabang panahon ng aming magulang. Salamat po🙏🙏🙏🙏
pariho tayo pero aya bayara ang rental
Hi po musta napo Ang kaso niyo
Magkano po Ang nagasto niyo?
I reside in Manila and I have a registered lot in Tarlac that is occupied by a squatter. Should I still go to the Barangay or can I file a court case immediately? The squatter and I are from different Barangays
no. Resort to prior katarungang pambarangay is required lang ka-pag residents ng iisang barangay o bayan ang complainant at re-spondent. Furthermore, as ruled in Vercide vs. Judge Priscilla T. Hernandez (April 6, 2000), disputes which involve real property or any interest therein shall be brought in the barangay where the real property or any part thereof is situated, PROVIDED that the parties are actual residents of the same city or municipality. Kaya, in your case, considering that you are a resident of Manila and the re-spondent is a resident of Tarlac where the property is located, there is no need to go through prior Katarungang Pambarangay before filing the action in court.
@@gnnpeoplescourtPHThank you for your response
Very well said..new subscriber here. ..salamat po sa sobrang liwanag ng pag paliwanag ng diff types of ejectment sobrang naliwanagan ako sa kumpletong info hindi katulad sa iba vlog nakakalito...thank u po more power and god bless po sa inyo😘
Maraming salamat po, and pls continue supporting and watching our show po. :)
Gud,evning po judge ask ko lng po ay kami po ay kinasuhan ng ejeckment ng aming kapitbahay kahit na magkaiba ang aming lote ng lupa
Meron po ba Pag ibig Fund office sa San Jose Occ, mindoro
Atty,ask ko lng po,kunga ano ang mga mga papel na dapat ipakita sa ng mamay ari ng lupa na inukupa ng mga tao...?
Good evening po mam judge at sir atty. My tanong lng po ako my lupa po tatay nmen na emancipation patent ang title. namatay tatay namen 1989 at benenta po ng lola 1995 sa relatives namen kinuha ng tita ko ang title sa nanay namen sabi hiramin lng daw ngunit ito palay ebenenta. Ngayun po kinausap namin ang nasa possession ng lupa ayaw po nla ibalik sa amin. Anu po ba dapat gawin po at mababawe pa po ba namin ang lupa kc sinasabi nla pasok daw kami sa abandonment na case po.
Judge paano po kung Low Cost Housing po ito, m eeject po b kmi s unit n occupied po namin since 1977
Magandang araw po s inyo,Tanong ko lng po paano kung verbal lng po ung naging usapan tungkol po s pagpaptira at ngaun po ay inaangkin npo nila ung bahay n pinatayo nila s extensyon ng lupa nmin,
Atty. ask lang po, if ever manalo yung complainant at may notice na ung umuupa galing s court na paalisin, paano naman po yung months na hndi bnayaran ng renter? exmple 3 mos. sya ndi nagbayad at may sira ang bahay, pwede po ba yun isama sa case at sa court order pwede ba yun ipa indicate na bayaran ng renter? Thanks po
Magandang araw po Judge and Atty. Kmi po ay pinauupahang bahay at ito ay may tenant ngunit po sila ay 3 months bang hndi nakakapagbayad from Sep-Oct. We decided po na ipabaranggay para magkaroon nang kasulatan na babayaran niya ang delayed two months payments on Nov.4 which is also the due date of the rent for the month of Nov. and also po nakaindicate doon na till January 15 2023 pa sila magooccupy but sila ang ay magbabayad ng monthly rent. Ngayon po, Nov.4 came and hndi siya sumipot sa usapan ng baranggay ang walang payment pong nangyari. Now the baranggay gave us a paper indicating ejectment case. Ano po ba ang next nming gagawin since sa Dec.4 po ay magiging four months na silang hndi nagbabayad if hndi prin po magpay.
Hello po, abangan nyo po ang discussion sa tanong nyo sa first episode namin for 2023.
Mam, panoorin nyo po ang latest episode namin kung saan fineature namin ang tanong nyo.
Hello po Atty. AL from Dumaguete po ako pero nakakuha ako ng bahay dito sa marilao sa PaG-IBIG pero may illegal occupant pero sa ngayon on going legal process pa po ako. tanong ko po is magkano po kaya filing fee (ejectment) po? thank you Atty.AL
Pwede po kayo magtanong sa Office of the Clerk of Court ng MTC sa Hall of Justice for the actual filing fee.
hello po atty. ask ko lang po paano pag ung dating nagmay ari wala na dun sa property? mga gamit nalang nandun sa loob at nakalocked ung gate at door yung auntie nalang tumitingin sa bahay kasi nasa likod lang ung bahay ng aunt niya. sino pwd magrereceived ng demand for vacate e nasa manila na ngayon ung dating may ari?
We will discuss po your question in a future episode po
Hello po! Atty. AL/Judge Ma'am,,, ask q lng po aq po my pag -ibig housing loan sa Dasmariñas City Cavite 2008 q pa ibinabayaran,, 2017 po d na aq nkkabayad sa housing loan q dahil umuwi po aq ng Bacolod,,d po aq nkbalik ng trabaho jn sa Cavite noon ng covid til now...dating Security Guard po aq dis month lng po my pumunta n sa bahay q at pina aalis un care taker q dhil na award n po dw sa kanila un house q,,ano po ba pwd gawin q? kz d2 po aq
sa Bacolod City now..maraming salamat po God Bless..
Hello po, ano po ang ipinakitang dokumento sa caretaker nyo? Paki send po sa amin via direct message sa FB page po namin. Salamat po.
Attorney pano po ba lalabanan ang ejectment
Good pm Po mam/sir
Ako Po ay maykatanungan o advice lang po.akin Bahay ay pag-ibig Ngayon po.dipo Ako makapag bayad nang 1year to 4month.ngayon Po nang babayaran ko na Ang 1year to 4month ay ayaw nang tangapin ni pag-ibig kc daw naka bidding na.1st bidding Po wala Po nag bid po.ngayon Po Ang Sabi ni pag-ibig ah antayin Ang 2nd bidding nagantay Po kami para Po somali sa bidding.ngolat nalang me ilang sigoro magdadalawang buwan palang my nag cliam na nang Bahay ko Ang Sabi nila cla daw nakakoha nang Bahay me.bakit Ganon nidi man lang mi ni note na 2nd bidding.para makasali me ano Po dapat Gawin Po ty Po mam/sir.
mas ok po sana kung staright to the point ung mga sagot sayang po oras lalo na limited lang pla
Good day ask ko lng po sa ejectment mayron ba mababayaran ng monetary damages ang isang respondents pag Natalo sa kaso?
Good day po Judge Jing and Atty. AL. Bagong tagasubaybay nyo po ako. Itatanong ko lang po sana, owde po ba namin bigyan ng 1 year na palugit yung nagrerent sa bahay namin kahit wala naman po silang arrears? Iba po kasi ugali nila. Inaaway nya po parents ko, mas matapang pa po sila sa amin. May valid reason po ba para mapaalis namin sila?
Alam ko po matagal na itong video nyo. Pero sana po mapansin. Salamat po.
Natalo po kami sa unlawful detainer dahil sa tolerance. Bilang may ari ano po ang ia appeal namin ?
Mam, panoorin nyo po ang latest episode namin kung saan fineature namin ang tanong nyo.
Hi po bakit po kyo ntalo due to tolerance?
@@jonalynsegler9495puwede Po bang mag pa advise sa inyo? Saan po ang Office ninyo?
Good evening po Atty How are you? Question lng din ako.Meron po kmeng condo unit, last 2020 po we decided na ibenta..Nakakuha nmn kme ng buyer with the help ng broker, Meron clang favor sa aming na mag down cla ng money pero kung pwede lipat na cla sa unit namin.Nag agree naman kme at nagkaron ng contract na magbibigay cla ng downpayment plus since mag move kme cla nrn sagot ng 6months monhtly rent namin while waiting dun sa kinukuha nilang bank loan pra sa remaining balance nila..Since nag pandemic po so the whole yr ng 2020 until now po hnd pa cla nakakabayad sa remaining balance samin also after 6months wla nrn clang binibigay na payment samin pra duon sa nirenthan naming apartment.Ang reason po nila dahil sa pandemic and the bank also na kinuhanan nila ng loan pre approve nmn cla pero palage pong nag lalapse ung letter of gurantee kaya po till now hnd marelease ung loan nila...hnd na po kme makapag antay pa at nag consult na kme sa abugado pra po ma forfiet at mawalang bisa na po ang aming kasunduan at mapaalis na po cla sa unit namin...Nakatangap naman cla ng letter to vacate the place pero nag mamatigas po at kme daw po as a seller ang nag back out at nakapag down na nmn na daw po cla samin. Question lng po atty pag kinasuan namin cla ejectment suit na po eto? at may sense or reason po b ung defend nila na since nag downpayment na cla samin at kme daw ung umurong sa bentahan dahil d kme makaantay may laban po b cla dun?I hope na mapansin nyo ung question ko Atty and godbless
Thank you Mary for your question. Pero una sa lahat, sabi mo may kinunsulta ka na na lawyer. Di tayo tiyak kung yung consultation ay dun lamang ba sa demand letter o sa entire case na? I suppose dun lang sa demand letter. Anyway, I am sure naman na parehas ang sasabihin ng lawyer nya sa sasabihin ko. May contract of sale kayo Maria. Ang obligation ng buyer mo ay to pay the price. Ang obligation nyo naman ay to transfer ownership and to deliver the property. Kayo nagawa nyo ng ideliver ang property. Sila itong hindi nagawa yung expected sa kanila. Yun ang bayaran ang purchase price. Nagkaroon ng breach of obligation. Bilang seller, may karapatan kayong i-demand ang payment na ginagawa nyo naman. Now, since hindi pa rin nila nagagawa yung dapat, ang next remedy ninyo ay i-rescind o ipawalang bisa ang kontrata. Yung pag back out nyo sa contract ay yun na ang rescission. Karapatan nyo yun. Kaya mali ang buyers nyo. Since may letter na kayo na nagpapawalang bisa sa kontrata, pwede kayong mag-file ng ejectment case.
Thank you po uli sa mga tanong nyo. Abangan nyo po ang discussion namin tungkol sa mga tanong nyo sa isang future episode po
hello po attorney .. may nakuha po akong bahay sa pag ibig . may authority to move in na ako kaso hindi po ako mklipat kasi may gamit po sa loob .. ang way ko lng po is mag fifile ng ejectment case para maalis po yung gmit .. ang problema po bka po hindi marecieve ng dating may ari yung letter .dahil d po sya lumulutang sq lugar n yun. anu po ba maari kong gwin .. malakas po ba ang laban ko pag ganon dumating sa point n mgreklamo sila
Parehas tayo sitwasyon kumusta po ano nangyare nakapag file po ba kayo ng kaso?
good afternoon po.mayroon po kaming 1.5 hectare na lupa sa rosario batangas.may tenant po siya d naman registered sa DAR.ang problem po hindi na po nila sinasaka ang lupa.siguro po ay 10 yrs na na d nagbibigay ng kabahagi.ang problem po now 2022 namatay po ung ama ng pamilya na siyang natayong tenant.ng mabalitaan po na ibebenta ang lupa hihingi daw po ng 1/4 sa pinagbentahan.at un pong riceland ay tinaniman njla ng puno ng saging para lang masabi na nagtanim sila.me ground ponba kami sa ejectment dito.salamat po
When GOD CREATED US HE GAVE AS THE RIGHT TO CHOOSE RIGHT OR WRONG OR GOOD OR BAD
Goodevening
Tanong ko lang po kasi may nakuha akong bahay foreclosed sa pagibig wala na po nakatira sa property pero po my mga gamit. Nakipagusap po ako sa may ari na nasa ibang bansa na kung pwede na alisin na ung gamit kasi na foreclosed na ung property at may authority na ako to move in kaso po di sila nakikipag coordinate. Ano po ba ung pwede kong gawin since nasa ibang bansa po siya at 2 years na daw po walang nakatira sa bahay sabi ng kapitbahay. Na blocked niya po ako sa fb at ayaw na makipagusap.Sana po bigyan nio ako ng steps po paano ko po mapapaalis sila since di nmn nila tinitirhan.
Thank you Emil for writing to us. First, know that you have a right to the possession of the property dahil nabili mo ito sa isang regular foreclosure sale. We will presume na valid and regular ang foreclosure at lumagpas na ang redemption period. Kung china-challenge ang foreclosure, dapat ay nagsampa na ng kaso ang former owner para mapawalang bisa ang foreclosure. Second, ang gawin nyo po ay makipag-ugnayan sa Pag-Ibig para sa peaceful turnover ng property. Baka kasi narepossess na yan kasi wala naman palang nakatira. Pero, kung hindi pa narepossess ng Pag-Ibig yan, kelangan nyo pong magsampa ng kaso for issuance of writ of possession sa proper court. Pwede naman i-serve ang non-resident defendant ng summons kaya hindi problema yung nasa ibang bansa sya. Yun ang proceso. Wag nyo po munang pasukin ang bahay hanggat hindi kayo nakapag ugnayan sa Pag-Ibig or hindi pa kayo nakapag file ng kaso for writ of possession.
hello ano po update
@emilfernandez3045 Sakin nmn ung nkuha kong bhay sa pagibig e pinatira ng owner sa kpatid nya. Ngaun nkipagusap aq. Ang sv nila ndi dw cla aalis dun kx sa nanay dw po nila un. Tnanung ko po ung pangalan nila ayaw po na ibigay. Hirap na hirap po aq magsampa ng reklamo. Sa brgy. Kx ndi ko alam pangaln nila. Ngtnung aq sa mga kapitbhay ndi din dw po nila alm kx madalang dw lumabas ang nkatira. Alias lng po nkuha ko. At ngstart ndin po aq mag m/a. Anu po kaya magndang gwin pra mkuha pangalan nila. Tnx po.
Maam judges naisanla ng magulang ko yung titulo ng bahay namin na kasama ang panganay namin namatay magulang ko pero tinubos po ng anak ng panganay naming kapatid ngayon po sinasabi niya knya na raw ang titulo ng bahay namin makukuha po ba nya ang bahay namin
Hindi po. Ang bahay at lupa ay mana o inheritance mula sa mga magulang. Kahit na ang anak ng panganay na kapatid ang nagtubos ng bahay at lupa mula sa pagkakasanla nito, the title or ownership of the property will go to the heirs. Yung anak ng panganay na kapatid ay may claim against the estate lamang. May karapatan syang ma-reimburse ng pinambayad o pinantubos nya dun sa bahay at lupa. Kaya, kelangan muna i-settle ang estate at bayaran ng estate ang anak ng panganay na kapatid. After nun, paghahatian ng patas ng mga tagapagmana ang mga naiwang ari-arian ng mga magulang.
Gud day ask ko lng my nakukulong ba sa ejectment case
Thank you Shela for that question. Wala pong nakukulong sa ejectment. Ang ejectment case po ay isang civil case na ang layunin lamang ay mabawi ang isang property mula sa isang tao na walang karapatan sa possession nito. Halimbawa, may isang squatter na illegal na pumasok sa property at ayaw umalis, sa ejectment case na ifinile sa kanya, ipaguutos lamang ng judge na lisanin nya ang property at ibalik ito sa nagmamay-ari. Posible din syang utusan na magbayad ng renta o reasonable compensation sa kanyang pagtira sa property. Civil case lang po ang ejectment. Wala pong kulong. Yung kulong po sa mga criminal cases lang yun. Kung criminal case na trespassing to dwelling under Article 280 of the Revised Penal Code o usurpation of real property under Article 312 of the Revised Penal Code ang isinampa, yun may kulong yun. Hindi lang kulong, may multa pa.
ask ko lng po sana ulit sa inyo atty,al at judge jing mgtatanong lng po ako ulit kung marapatin nyo po
1Ang lote lot 922 ay my sukat na 305,square metters na pag,aari po ni toribio amarante at david mamerto bilang sila ang Owners ng lupa
2,at transfer narin po nila sa 8. Tao mga tagapagmana nito or heirs
Ang lupa na my sukat na 305 square metters
3,isa po sa tagapagmana ang akin lola na si victorina amarante at tiyahin ko na si plora amarante
Sa lupa 305,square metters
4,dahil po sa tagal na itinago ang titulo ng lupa ay cancelled na pala at nakapangalan na sa isa tao lupa 305 square metters
Ano po ba ang remedy po nmin sa lupa salamat po asap
Ano po
Good evening po ako po ay nakikitira saaking biyanan ngayun yung unit house ng aking biyanan ay na foreclosed na hindi napo sila nkahulog kasi nagkagipit gipit po sila hanggang ngayon, pero gusto sana nila lakarin or i apply sa pag ibig ulit ang unit nila. Ang pag ibig ngalang po ay ibinenta saiba ang unit ng aking biyanan tapos may buyer napong nkakuha at pinuntahan po kmi pinipilit nila kaming paalisin hinaharass harass po nila kami lagi sa tuwing pupunta sila nag sisigaw labas sa tapat ng bahay ng biyanan ko at pinagsasalitaan kmi ng hindi maganda at may pananakot pa na magdadala daw sila ng truck ipapahakot daw nila mga gamit nmin ng AK ng biyanan. Magsasama din daw sila ng sheriff at un ngadin po ay papaalisin daw nila kami ng pwersahan at ipapatanggal ang mga gamit nmin. 2months pa lng po silang naghuhulog kay pag ibig ang bahay po kasi ng biyanan ko ay napalagay sa as is where is or aquired asset po ang biyanan ko po ay first owner po sila sakanilabg unit. Any advice nmn po baka makatulong kasi sobrang stress napo kmi lahat lalo ang aking biyanan na babae sumasakit npo ang dibdib sa tuwing hinaharass po kmi.
Atty good morning po sa inyo.. My kinasuhan po kmi unlawful detainer, my nkuha po kmi bhay sa acquired asset ng pag ibig nka dlwang pre trial napo kmi.. Mediation nmin ngayon jan. 19 sana magkaayos peru paghnd jdr na kmi my position paper napo kmi..
Tanong ko lng po atty maipanalo poba nmin yun kaso kc lahat ng orig docs galing pag ibig binigay po samin,, nagmonthly napo anak ko simula july 2023,, si illegal occupant parin ang nkatira sa ngayon po..
Salamat po&godbless
36:33 @@arlenegornez9965
Same problem ko ngayon mag file na din ba ako ng kaso?
Sana po masagot nyo
Atty, isa po naggugupahan iyon mga magulang aq fourty years ,tapos namatay yon may Ari Ng lupa n tintirahan ,bigla may punta sa Amin Lugar at nagsasabi na anak daw cia n may Ari Ng Bahay pero wla cia pinapakita n papel n nagsavi sa kanya pinaman,sinavi Nia na magbayad kmi n rent n Bahay nagbayad nman kmi pero yon iba ndi Tama b n lahat ay idamay. Nila PG dating n anim n buan wla n nanigil sa Amin. Buan maydumating n papel kailagan dw kmi umalis,, bigla nasunog yon Amin tinitiran nadamay tiniran ,ano po ba dapat Gawin Kasi agaran sinaraang Amin titirahan ,,60 years na po kami nakatira sa Amin Bahay,
Maraming salamat sa tanong mo. Una sa lahat, sana ay nakarecover na kayo sa pagkasunog ng bahay ninyo. Dun pa din ba kayo sa dati nyong tinitirhan? Sa kwento mo ay nangungupahan kayo at ang lessor ay namatay na. May contract ba kayo? Kung meron, nakasaad ba dun ang term o duration ng contract? Kung hindi pa expired ang contract, dapat irespeto ng anak ng lessor ninyo ang contract. Pero kung tapos na at nag-eextend lang kayo dun sa property, ang matatawag dyan ay tolerance lamang. Pwede kayong magpatuloy sa property hanggang hindi pa binabawi ng may-ari. Pero may demand letter na para umalis kayo. Ibig sabihin nun ay binabawi na ang “tolerance” ng paglagi nyo sa property. Kelangan nyo na po umalis. Kung gusto nyo pong mag-stay pa dyan, kausapin nyo po ang mga tagapagmana at irenegotiate ang lease para bigyan pa kayo ng time. Pero, hindi po talaga mapupunta sa inyo yan kahit na 60 years na po kayo dyan dahil may lease contract lang kayo. Ayon sa Article 1436 ng Civil Code, a lessee is estopped from asserting title to the thing leased as against the lessor. God bless po and stay safe!
good day po sa inyo atty..ask ko lng po kung meron bang karapatan ang kpatid ng kalive in ko na paalisin ako sa bahay ng kalive in ko,meron ba silang karapatan na petisyonan ako na paalisin ako.
Maraming salamat Analinda sa tanong mo. Una sa lahat, sino ba ang may-ari ng bahay? Yung kalive-in mo o yung kapatid nya? Kung ang kalive-in mo ang may-ari, walang karapatan ang kapatid nya na paalisin ka. It’s your live-in partner’s call kung paaalisin ka nya. Eh live-in kayo. I suppose mutually agreed yun na mag live-in kayo sa bahay nya. So, you can stay there for as long as you both decide to live together. Pero kung ang kapatid ng kalive-in mo ang may-ari ng bahay, well, meron syang karapatan sa kung sino ang pwedeng tumira dun. Ang suggestion ko ay pag-usapan nyo ng ka-live in mo ang problema para kausapin ang kapatid yung issue ng kapatid nya sayo. At kung mahal ka talaga ng ka-live in mo, ipaglalaban ka nya.
my live in partner po is the owner of the house at ang lupa na kinatirikan ng house ay minana niya sa magulang niya.
meron pa po akong tanong pwede ko bang kasohan yung taong pinapahiya ako ?kgaya ng ginagwa niya na sinusulatan niya ang dingding ng bahay ko nakasaad "makapal ang mukha"
Tanong lng po ako sa inyo atty at judge about po sa ejectment cases
Kami po kinasuhan ng forcible entry ng amin kapitbahay kahit mg kaiba ang lote at mgkadikit tama po ba un
Gusto ko lng po malaman ang kasagutan slmt asap.
Maraming salamat sa tanong mo Albert. So, first, ang forcible entry ay isang remedy or reklamo para sa recovery of property. Sinasabi ng nagrereklamo sa isang forcible entry na sya ang may karapatan sa lupa na kinatitirikan ng property ng iba, at papatunayan nya na kinuha ng iba ang property na ito through FISTS o yung FORCE, INTIMIDATION, STRATEGY, THREATS AND STEALTH. Pangalawa, kelangan may prior demand at ang kaso ay dapat isinampa sa loob ng isang taon mula ng napadalhan ng demand ang nag-o-occupy ng property. So, sa tanong, mo, pwedeng kaya kayo sinampahan ng forcible entry dahil may encroachment, Sabi nyo na magkadikit kayo. Baka sinasabi nya na lumagpas kayo sa boundary. Pero, allegation lamang nya yun. Kelangan patunayan nya through documentary evidence yung right nya dun sa property na kine-claim nya. Mag consult po kayo ng abogado para mapag-aralan po ang complaint at matulungan kayo sa paggawa ng kaukulang Answer.
Ibig po sabihin mali po ung kaso isinampa laban sa amin na forcible entry ng aming kapit bahay
Pero bkit po ung desicion ni judge reneo lustre ay pabor sa kapitbahay nmin na kami ay ejectment
Eh para po hindi tama un desicion ni judge lustre ng mtc out of durict diction ang kaso isinampa laban po sa amin na forcible entry
atty. ask ko lng po sa illegal detaineer po sino po ang mas matimbang yung matagal na nkatira at my tax delclaration lng or yung may hawak ng titulo? thanks po sa pgsagot..
Hello po. As a rule, ang mas may karapatan ay ang taong may titulo dahil ang titulo ang best evidence of ownership. Kung sino ang owner, sya din ang may karapatan sa possession ng lupa. Kung yung matagal ng nakatira sa lupa na ang hawak lang ay tax declaration ay may ebidensya na peke ang titulo o ito ay "fraudulently issued", pwede syang mag file ng kaso para ipa-cancel ang title at para kilalanin sya na ang may may karapatan sa lupa. Court action is the key.
@@gnnpeoplescourtPH Thank you atty. ongoing na po yung case namin na illegal detainee hopefully matapos na this year at mapaalis na ang nka squat doon.. Godbless po
How about po if na dismissed na po ang unlawful detainee last 2020 tapos recently pumunta dito ang buyer nang Bahay namin para i negotiate kami na umalis sa Bahay namin.Pag hindi I re-raise nya ang kaso sa korte para daw ma sheriff kami kung hindi aalis. Kailangan naba naming umalis asap? Hope u can help me with this issue
Hello po. Sabi nyo po buyer ng bahay nyo ang nagpapaalis sa inyo. Ano po ba ang usapan ninyo? Kung nabili na ang bahay, bakit po hindi pa nabibigay sa buyer ang bahay? Kung meron pa kayong karapatan dyan sa bahay, maigi na pag-usapan nyo yan sa barangay muna. Dun nyo po pagusapan para di na umabot sa korte. Kung aabot na sa korte, we advise you to get help from the Public Attorney's Office para mapatanggol kayo. God bless po.
@@gnnpeoplescourtPH pumunta po sa Amin ang buyer may dalag titulo pero hindi ko po alam kung certified copy ba yon. Pumunta ang buyer and brgy worker sa Bahay namin para I negotiate kam.. occupant lan po kami ang may-ari po Ay nakatira sa ibang bansa.. may resibo po ang may ari na tapos na ang bayad.
Magkadit at makaiba ang aming lote ng lupa kaso kinasuhan kami ng ejeckment case na forcible entry ng aming kapitbahay at gusto ko lng po malaman po ang tamang sagot slamat pogodbless
Hello po, sana ay napanood nyo ang sagot namin sa tanong nyo sa Episode 41 ng People's Court.
Judge jing at atty al...panu po kung matagal na nasangla ang lupa na pinagtayuan namin ng bahay..nuon hindi pa eto na sangla nag rent kami..kahapun tinubos ng may ari ..pagkatapos..gusto namin mag renta...hindi na po tinatanggap kc para daw madali lang kami filan ng ejectment.
paano po kung kapamilya mo ang nag file ng kaso na unlawful detainer sa magulang at kapatid.. sa kadahilanang gusto na nyang imbenta.. ano po pwedeng gawing ng mga defendant?
Una sa lahat, ang unlawful detainer ay isang kaso na fina-file kung yung present possessor ay wala ng karapatan dun sa property sa kadahilanan na tapos na ang contract, binawi na ang property or pwede rin dahil may partition ng property kung co-owned ito. Sa tanong mo Ma’am, kelangan patunayan ng nagsampa ng kaso laban dun sa magulang at kapatid na wala na silang karapatan na tumira dun sa property. Ang property ba ay exclusive na pagmamay-ari ng nagrereklamo? Kung hindi nya exclusive na pagmamay-ari dahil family home ito or co-ownership then hindi magtatagumpay ang unlawful detainer case. Kelangan ma-establish muna ng nagrereklamo ang kanyang karapatan to the possession of the property bago nya mabawi ito or mapalayas ang mga kasalukuyang nakatira dun.
@@gnnpeoplescourtPH actually yung kapatid ko po ang nakabili ng property.. matagal po din kme nangupahan, yung dating meh ari po, ibinenta sa magulang ko, kaso po wala na sila work, kaya po yung kapatid ko mismo ang nakabili.. sa pamamagitan po ng hulugan sa tita ko po na kapatid ng dad ko..pagbalik nya at natapos na po kontrak sa ibang bansa,nakapangalan na po sa knya.. kahit po pala kadugo o kapamilya pwedeng i-kaso ang unlawful detainer kung nais na ng kapatid ko ibenta.. apat kme magkkptid meh magulang pa po kme at buhay pa sila.. meron po ba na kontrata sa magulang at kaptid pag pagiging magkadugo? di ba po ang unlawful detainer para sa mga umuupa na tapos na kontrata.. anu po kaya ang pwede nmeng maging laban as a defendants dun sa complain sa amin ng aking kapatid.. lahat po kme single.. salamat po
Pinaaalis na rin kmi ng pamangkin ko sa bahay namin
Sorry po pero mas nagulat po ko Judge Jing mukha pa po kayong bata kala ko po nasa 30s or late 20s palang po kayo
Wow, salamat po :)
ang ejectment po ba dapat galing sa korte?desisyon po ba dpat ng judge?puwede po ba mag ejectment ang DARAB khit hindi po ito rehistradong lupa sa DAR?saan po ba dpat galing ang desisyon ng ejectment?
Sir Rodel, for clarification, ang ejectment na napagusapan sa Episode 9 ay ejectment under Rule 70 of the Rules of Court. Ito ay either forcible entry or unlawful detainer. Forcible entry kapag may dispossession through force, intimidation, strategy, threats and stealth. Unlawful detainer naman kapag ang right to possess the property ay naging illegal due to termination of a lease, cancellation of a contract to sell, withdrawal of tolerance, etc. Both cases of forcible entry and unlawful detainer ay through court action, specifically, an action filed before the proper first level court. Kaya, tama, ang court lamang ang pwedeng magpa-eject sa mga ganung kaso. Pero, tanong mo kung may katulad na power din ba ang DARAB o ang Department of Agrarian Reform Adjudication Board. Ang sagot ay depende kung ang ejectment ay arising from an agrarian dispute and the implementation of the agrarian reform law. Kung connected ito sa transfer of covered land from landowners to farmworkers, tenants and other agrarian reform beneficiaries, possible yun Sir, Rodel.
May nabili po akong lupa sa banko title cya kaya lang kunin kona sa mga nakatira at nagtatanin ayaw nilang ibigay paano kaya ang gawin ko kahit man lang sana isang salop lang ang ibigay ayaw pa samantala wala naman kmi pakinabang updated pa akong nagbabayad ng buwis ng lupang ito. 3 beses kna cla kinausap ang sabi pa nila mag sampa nalang daw ako sa korte txt back po
Hi po. Sinagot na po namin itong tanong nyo sa isang past episode po. Sana po ay napanood nyo.