NEW VLOG!! ua-cam.com/video/IecaR0D10ZY/v-deo.html Bad Tenants? Dapat alam nyo ang dapat nyo gawin para hindi kayo maabuso. Sana hindi nyo sila ma encounter. Maraming tenants ang nagpapanggap na nagka amnesia(senior citizens are exempted 😁 )lalo na pag due date na ang rent.Sila ang mga type of tenants na susubukan ka kung paano mo ieenforce ang karapatan mo bilang Landlord.Kung makakalusot,edi lusot!Wag mo na hintaying gumalaw ang baso tapos saka ka lang magpaparamdam sa kanila.Kapag na late ng bayad,itama agad yung mali.Bigyan mo agad ng notice.Kasama sa pagiging landlord ang pagiging Pro active. Alam ko po ang pinagdadaanan ng mga bagong landlord.Naging ganyan din ako noon.Lesson Learned.Dapat pong baguhin ang mindset natin.Ang paupahan ay isang negosyo,hindi charitable institution. Happy Weekend po mga Landlords. ctto www.academia.edu/39786286/KASUNDUAN_SA_PAUPAHAN KASUNDUAN SA PAGPAPAUPA FROM GOOGLE, EDIT NYO NA LAMANG PO
Ang kasunduang ito ay ginawa at nilagdaan ng dalawang panig ngayong ______ ng Pebrero , 2022 dito sa Barangay Hall ng nina Gng. , may sapat na gulang, Pilipino, at naninirahan sa ____________________ na siyang tatawaging NAGPAPAUPA, dito kay Ginoong ____ , Pilipino, may sapat na gulang, at naninirahan sa na siyang tatawagin UUPA o UMUUPA. P A G P A P A T U N A Y : Na ang NAGPAPAUPA ay siyang tunay at ganap na nagmamay-ari ng isang PAUPAHANG BAHAY, na matatagpuan sa _______________________________ . Na ang NAGPAPAUPA at ang UUPA o UMUUPA ay nagkasundo na uupahan at papaupahan ang nasabing bahay sa ilalim ng patakaran at alituntunin na gaya ng mga sumusunod. 1. Na ang nasabing bahay ay gagamitin lamang bilang tirahan sa loob ng isang (1) taon na magsisimula sa ika- 15 ng Pebrero , 2022 at magtatapos sa ika- 15 ng Pebrero , 2023 at maaring paupahang muli sa bagong kasunduan. 2. Na ang nasabing UUPA sa bahay ay hindi hihigit sa TATLO ( 3 ) tao lamang o sila ay payapang umaayon na lilisan sa nasabing PAUPAHAN. 3. Na ang UUPA ay magbibigay ng ISANG ( 1 ) buwang deposito at ISANG ( 1 ) buwan na paunang kabayaran sa upa. 4. Na ang UUPA ay magbabayad ng halagang __________________________________bilang kabayaran o upa sa loob ng isang (1) buwan at dapat bayaran tuwing ika- 15 ng bawat buwan. 5. Na ang nasabing ISANG buwang paunang bayad ay hindi ibabalik ng NAG-PAPAUPA bagkus ay dapat tapusin ng UMUUPA. 6. Na ang buwanang singil sa KURYENTE at TUBIG/INTERNET ay sa sariling gastos o gugol ng UMUUPA. 7. Na ang ISANG buwang deposito ay nakalaan para sa maiiwang bayarin ng Umupa sa tubig, ilaw at pagpapagawa sa mga nasira nila sa bahay kung sakali man na sila ay umalis na. Ang pag-iinspeksyon sa bahay bago paglipat o pag alis ay isasagawa ng magkabilang panig upang malaman ang kondisyon ng bahay bago lisanin. 8. Na kung sakaling ang UMUUPA ay hindi makakabayad ng kaukulang UPA sa loob ng ISANG ( 1 ) buwan, ang kasunduang ito ay mapapawalang bisa at ang UMUUPA ay pumapayag na lisanin sa maayos at matahimik na paraan ang nasabing BAHAY PAUPAHAN. 9.Na ang paupahan ay hindi gagamitin sa anumang uri ng negosyo na labag sa batas tulad ng sugal at iba pa. 10. Na ang UMUUPA ay hindi pauupahan sa iba ang nasabing bahay ng walang nakasulat na pahintulot o pag-sangayon ng NAGPAPAUPA o MAY-ARI ng nasabing BAHAY PAUPAHAN. 11. Na ang UMUUPA ay susunod at tatalima sa mga kautusan at patakaran ng pangkalinisan, Katahimikan at pangkalusugan. 12. Na ang anumang pagkasira ng nasabing PAUPAHAN dahil sa kagagawan ng UMUUPA ay ipapaayos o ipapagawa ng UMUUPA mula sa sariling gastos o gugol. 13.Na mahigpit na ipinagbabawal ang pag- alaga ng hayop dahil sa kakulangan ng lugar para dito. 14. Na kung sakaling aalis o lilipat ang UMUUPA, kailangang may paunang abiso sa loob ng tatlumpung ( 30 ) araw bago isagawa ang kaukulang pag-alis o pag-lilipat. At sa katunayan ng lahat ng ito, ang mag-kabilang panig ay nagkasundo at lumagda ngayong ika- _____ ng __________________ dito sa _______________________________________sa tulong ng Poong Maykapal.
N I L A G D A A N : _____________________________ _____________________________ MAY-ARI NG PAUPAHAN UUPA SA PAUPAHAN _____________________________ ___________________________ SAKSI SAKSI
Pareho tyo nung una pa upa lng ako ng pa upa now meron na tlg kong ginawang kasunduan walang magawa ung uupa kc bago xa pumirma alam na nia ung rules ❤❤❤❤❤
Thank you for this vlog. bago lang din kami nagpapaupa ng 8 unit apartment. nangangapa pa. tama na mag screen sa mga tenant. for me kahit kaibigan dapat pagisipam mabuti ung tatanggapin mo sa unit kasi nexperience ko na porket kaibigan kung ano ano na dahilan para di magbayad hay nako talaga.
Dapat seguro lagyan nang .....kung 4 lang sila, at "kung merong nakikituloy na kamag-anak ay magdagdag na buwanang bayad....ex..500 per head, per month...para naman iwasan yung gagawing tambayan yung bahay mo....
GUMWAWA NG PATAKARAN, SA MGA PEDE AT HINDI PEDE.. KUNG AYAW NILA SA PATAKARAN NG OWNER, HUWAG SILA MAG UPA, SA INQUIRIES PA LANG..DAPAT IPALIWANAG LAHAT NG PATAKARAN AT YAN AY NAKASAAD SA KASUNDUAN..KAPAG MAY KASUNDUAN, SAFE SA MAGKABILANG PANIG YAN...
next vlog madam gawa k ng vlog kung pano ikuha ng business permit ang paupahan at kung anong mga tax ang dapat bayaran, ganun din ang pagpaparehistro ng paupahan sa BIR, at kung ano bang batas ang sumasakop sa umuupa at nagpapaupa
A good tenant pay on time and the next is cleanliness and everything is less headache. Make a good contract with the tenants that they live on your property temporarily if there is a tenant violation. They have three days to pay to perform or quit or return the keys.
Nanyri sakin to eh ang tagal ngpareserve hinintay ko nman arw Ng bayran Isa lng bngay Sana.don pa lng nakatunog n ko Bago lng Kasi din Ako papaupahan ngyon sakit s ulo lagi late bayd tpos gamit n ngyon Ang adv at deposit may maiwanan pa skain bils Ng krynte tubig paisa Isa buwan bayad kaya nagppangabot bills Kya natuto n ko pagdi marunong sumunod s usapan tanggihan n lng tlaga hanap sila Ng iba
Pareho po tau ng rules..meron po ako pa ng regarding sa ioff ung dapat ioff pag aalis..nilaminate ko tas dikit ko sa back ng door..kc 1 day n nakaon mga appliances wala po cla..delikado sa sunog..tsaka po ung mga stickers at dikit, yaan n maarte ako, un ung rules ko eh..pati basura nakalagay din ..maganda po yan pag may problem, pinala2bas ko po ung cobtract, ayun tahimik🤣🤣🤣 maganda po talaga may ganyan..
Sakit sa ulo talaga , Meron din IBA ,hindi nag reply kahit ayusin mo pag salita , nakaka high blood talaga . Gusto pa ako Ang mag paayus Ng mga nasisira while they live and uses the house , HOUSE AND LOT buong Bahay Ang paupahan ko.Thank u sa pag share . GODBLESS EVERYONE
A good contract should contain agreements that could benefits both parties. The said contract only contain that is only agreeing to the lessor. A landlord should also provide protection to the tenants. As mentioned, the one-year contract should not be enforced by the lessor but a protection for the tenant (kasi hindi mapipilit ang walang pambayad - it is still based on whether the tenant has the capacity to pay - it can be added to agreement that tenant should pay or just leave the property) stating that the lessor cannot force the tenant out of the property for according to the agreed time of staying-in (the tenant has protection to stay if the payment is consistent) and renewal may be made after one year based to the interest of the lessor (here, the lessor can increase the renting price). The signed agreement should be witnessed by an authority (Kapitan ng barangay) or third party (it is best if he/she/they can sign the contract as witness/es or video recorded). Also, a contract should be made by both parties (modification according to the lessor and tenant). Moreover, lesser should give him/herself a leeway (part of the contract can be modified by the lessor anytime) for unavoidable unpleasant circumstances, this is where Liezel failed to her first tenant (she can modify the contract stating that the tenant and her child are the only people can live in the property).
tama! dpat aware sa mga kasunduan. pero dehado ang tenant pag hindi nka permit sa LGU kc, walang bisa ung complaint nya pg dinala sa barangay/pnp/ korte.
I think May kulang pa yang Contract mo. Ipa review mo sa LAWYER para sure compliance sa batas. Ang sa Internet information ay general info. or case to case basis, minsan not applicable. Anyway you have good point. Wishing you good security and good cash flow.
mahirp nga po magpa renta ng house, mas siga p sila kaysa lihitimong, owners hnd nawawala yong, balasubas, pag lipat unang hakot,sa aso 3pcs lng after 5days hakoy ulit ng ilang aso, 3 to 6 month isang dosena, na higit p ang baho at ang ingay, tapos hnd sila naglinis sa labas, ng gate,yong ihi at dumi ng aso, umaagos lng sa tabi ng kalsada,
Maganda talaga kapag may kasunduan kayo pinaghawakan para may habol at dito sa lugar namin sis tuwing anim na buwan lang renew ulit pag maganda magbayad mahirap talaga magpapaupa sa panahon ng pandimec kesyo katweran ng iba walang pasok sa awa ng dyos yong paupahan ko sa ngayon maganda naman cila magbayad namimili din ako ng umuopa pero minsan talaga parang dina maiwasan minsan makatagpo ng di maganda magbayad mahirap at masarap kapag may papaupahan tayo mahirap kac minsan delay mag bayad minsan two gives pa
Ako sis wala ako paupahan, pero ako nag rerenta ng mga pwesto saking tindahan. okay naman 11 yrs na kmi sa inupahan ko yung store ko,. At ganun din yung nsa contrata nmen bawal paupahan ang inuupahan mo din😊 business minded ka talaga sis
Pano naman yung mga tagaibang probinsya pero nadayo tapos bigla lang nagtindig tapos nagabroad pero kinamkam, yung iba nga mga dating batang hamog pero syempre mga nagsilaki din kaya malaki na din ang pinipitik, parang mus-lim; musmos Limlim; musmos ang lihim :back read ➡️ Lihim ang pagkamusmos ✌️
Thank you Liezel for sharing your experience , laking bagay ang experience mo tatandaan ko yan kasi in 2 months time magagawa na bahay paupahan ko .. salamat ha..
Marami po umuupa sa panahon ngaun ang balasubas.hindi kopo nilalahat pero bibihira po ang matino.kadalasan inuuna ang kapritso,bisyo at mas masakit pa gusto nila maganda maayos komportableng paupahan pero wala nmang pangbayad
Yan ang mas ok sis, na yung paupahan mo ay merong sariling kurinti at tubig. Para pag di sila makabayad ay sila lang ang mapuputulan. Bright idea! Hehe.
Naka experienced kami ng ganyan umabot ng 6 months umabot wlang bayad. sobra bait kc ng mother ko naaawa pero sakit ng ulo cla kaya ako na mismo naniningil pero wla tlga kaya yon umalis nlng khit dna cla magbayad🤦
Hello po. Ang ganda po ng topic nyo. Ang dami kong natutunan.balaknko po kasing magtayo ng paupahan. Nag iipon pa po. Pwede ko pong mahingi ang kopya po ng kontrata mong ginawa? Ang ganda po kasi delatyado. Maraming salamat po.God bless po.♥️🙏
lahat ng over price magpaupa dapat ma kulong ng10 years at magbayad ng100,k sa mga taong nangupahan na niloko ng nagpapaupa ng bahay sa pilipinas mara mi nagpapaupa na over price ang prisyo ng bahay dapat bigyan ito ng pansin ng gobyerno ng pilipinas dapat ngayon na wag ng ipagpapabukas pa Filipino time
Thank you for sharing Po naka kuha Po Ako Ng aral sa Inyo ma'am San pong grupo Ng FB kau nakasali para Malaman ang mga patakaran Ng pagoapaupa Po kac Wala din Akong alam jaya hangan ngayun ko Wala pong kasunduan. Yung mga pinsuupahan ko kahit sa tumagal dahil l Wala pong idea kung paano gagawin at anung dapat Gawin Po sana Po .Mai share nyo Sakin para Po mapag aralan ko Po Maraming salamat Po
SAME PO TAYO SA FIRST TENANT NATIN PALIBHASA BAGOHAN LANG DIN AKO SA PAGPAPAUPA TINAWARAN PA NGA BINIGAY KO NMN SA TAWAD NILA O DBA PARANG PALENGKI LANG MAY TAWAD..TOTOO NGA PO N KAPAG GANON ANG TENANT NA SA UNA PALANG PALYA NA AT TUMATAWAD PANGITAIN NA NA DI MAAYOS MAG BAYAD..
Thanks for the info.... Gagawa na kasi ako this month sa paupahan ko..... Malaking tulong ang video mo ngayon sa pagsisimula namin.sa paupahan.... Keep it up... God bless you.
Hi Ate buti na lang ay napanood ko yung youtube vlog mo . Yan ang problema ko eh lagi akong natatakbuhan sa kuryente at tubig. Tapos kunwari ay 3 tao lang silang family titira sa upahan ko after 1 week ay buong barangay pla sila . Kaya sa na puedeng makahingi ng copy ng kasunduan ng umuupa at ng nagpapaupa. Salamat.
NEW VLOG!! ua-cam.com/video/IecaR0D10ZY/v-deo.html
Bad Tenants? Dapat alam nyo ang dapat nyo gawin para hindi kayo maabuso. Sana hindi nyo sila ma encounter.
Maraming tenants ang nagpapanggap na nagka amnesia(senior citizens are exempted 😁 )lalo na pag due date na ang rent.Sila ang mga type of tenants na susubukan ka kung paano mo ieenforce ang karapatan mo bilang Landlord.Kung makakalusot,edi lusot!Wag mo na hintaying gumalaw ang baso tapos saka ka lang magpaparamdam sa kanila.Kapag na late ng bayad,itama agad yung mali.Bigyan mo agad ng notice.Kasama sa pagiging landlord ang pagiging Pro active.
Alam ko po ang pinagdadaanan ng mga bagong landlord.Naging ganyan din ako noon.Lesson Learned.Dapat pong baguhin ang mindset natin.Ang paupahan ay isang negosyo,hindi charitable institution.
Happy Weekend po mga Landlords.
ctto
www.academia.edu/39786286/KASUNDUAN_SA_PAUPAHAN
KASUNDUAN SA PAGPAPAUPA FROM GOOGLE, EDIT NYO NA LAMANG PO
Agree
bakit di po ma download maam?
KASUNDUAN SA PAGPAPAUPA
SA MGA KINAUUKULAN NITO,
Ang kasunduang ito ay ginawa at nilagdaan ng dalawang panig ngayong ______ ng Pebrero , 2022 dito sa Barangay Hall ng nina Gng. , may sapat na gulang, Pilipino, at naninirahan sa ____________________ na siyang tatawaging NAGPAPAUPA, dito kay Ginoong ____ , Pilipino, may sapat na gulang, at naninirahan sa na siyang tatawagin UUPA o UMUUPA.
P A G P A P A T U N A Y :
Na ang NAGPAPAUPA ay siyang tunay at ganap na nagmamay-ari ng isang PAUPAHANG BAHAY, na matatagpuan sa _______________________________ .
Na ang NAGPAPAUPA at ang UUPA o UMUUPA ay nagkasundo na uupahan at papaupahan ang nasabing bahay sa ilalim ng patakaran at alituntunin na gaya ng mga sumusunod.
1. Na ang nasabing bahay ay gagamitin lamang bilang tirahan sa loob ng isang (1) taon na magsisimula sa ika- 15 ng Pebrero , 2022 at magtatapos sa ika- 15 ng Pebrero , 2023 at maaring paupahang muli sa bagong kasunduan.
2. Na ang nasabing UUPA sa bahay ay hindi hihigit sa TATLO ( 3 ) tao lamang o sila ay payapang umaayon na lilisan sa nasabing PAUPAHAN.
3. Na ang UUPA ay magbibigay ng ISANG ( 1 ) buwang deposito at ISANG ( 1 ) buwan na paunang kabayaran sa upa.
4. Na ang UUPA ay magbabayad ng halagang __________________________________bilang kabayaran o upa sa loob ng isang (1) buwan at dapat bayaran tuwing ika- 15 ng bawat buwan.
5. Na ang nasabing ISANG buwang paunang bayad ay hindi ibabalik ng NAG-PAPAUPA bagkus ay dapat tapusin ng UMUUPA.
6. Na ang buwanang singil sa KURYENTE at TUBIG/INTERNET ay sa sariling gastos o gugol ng UMUUPA.
7. Na ang ISANG buwang deposito ay nakalaan para sa maiiwang bayarin ng Umupa sa tubig, ilaw at pagpapagawa sa mga nasira nila sa bahay kung sakali man na sila ay umalis na. Ang pag-iinspeksyon sa bahay bago paglipat o pag alis ay isasagawa ng magkabilang panig upang malaman ang kondisyon ng bahay bago lisanin.
8. Na kung sakaling ang UMUUPA ay hindi makakabayad ng kaukulang UPA sa loob ng ISANG ( 1 ) buwan, ang kasunduang ito ay mapapawalang bisa at ang UMUUPA ay pumapayag na lisanin sa maayos at matahimik na paraan ang nasabing BAHAY PAUPAHAN.
9.Na ang paupahan ay hindi gagamitin sa anumang uri ng negosyo na labag sa batas tulad ng sugal at iba pa.
10. Na ang UMUUPA ay hindi pauupahan sa iba ang nasabing bahay ng walang nakasulat na pahintulot o pag-sangayon ng NAGPAPAUPA o MAY-ARI ng nasabing BAHAY PAUPAHAN.
11. Na ang UMUUPA ay susunod at tatalima sa mga kautusan at patakaran ng pangkalinisan, Katahimikan at pangkalusugan.
12. Na ang anumang pagkasira ng nasabing PAUPAHAN dahil sa kagagawan ng UMUUPA ay ipapaayos o ipapagawa ng UMUUPA mula sa sariling gastos o gugol.
13.Na mahigpit na ipinagbabawal ang pag- alaga ng hayop dahil sa kakulangan ng lugar para dito.
14. Na kung sakaling aalis o lilipat ang UMUUPA, kailangang may paunang abiso sa loob ng tatlumpung ( 30 ) araw bago isagawa ang kaukulang pag-alis o pag-lilipat. At sa katunayan ng lahat ng ito, ang mag-kabilang panig ay nagkasundo at lumagda ngayong ika- _____ ng __________________ dito sa _______________________________________sa tulong ng Poong Maykapal.
N I L A G D A A N :
_____________________________ _____________________________
MAY-ARI NG PAUPAHAN UUPA SA PAUPAHAN
_____________________________ ___________________________
SAKSI SAKSI
Z
P
Ang ganda ng kasunduan n narinig ko maam pahingi po ng copy pls. thanks Godbless..
minsan kahit gusto mong maging mabait mahirap dahil aabusuhin ka
Wow ! lahat ng rules and regulations nabanggit nyo na po.Helpfull talaga at less stress sa nagpapa upa.
Thanks for sharing isa din ako sa nagpapaupa na until now na stress lng kasi delay delay bayad puro promise lng sa date ng pagbbyad .
Wow ganitong malinaw na kasunduan a g need ko host…salamat sa pag share mo..big help para sa akin
Deposit is a filter to screen good tenants from bad tenants. It's always a no for us if they can't pay for it up front.
Tama po, ikaw ang may ari dapat ikaw ang masunod.
Pareho tyo nung una pa upa lng ako ng pa upa now meron na tlg kong ginawang kasunduan walang magawa ung uupa kc bago xa pumirma alam na nia ung rules ❤❤❤❤❤
Thank you for this vlog. bago lang din kami nagpapaupa ng 8 unit apartment. nangangapa pa. tama na mag screen sa mga tenant. for me kahit kaibigan dapat pagisipam mabuti ung tatanggapin mo sa unit kasi nexperience ko na porket kaibigan kung ano ano na dahilan para di magbayad hay nako talaga.
Thank you sa video mo na toh sissy, nagkaroon Ako ng idea kung paano magpaupa ng bahay. God Bless you ❤
As a landlord dito sa America dapat may rental application form silang I fill out para sa background check at pag qualified rental lease agreement na…
Dapat seguro lagyan nang .....kung 4 lang sila, at "kung merong nakikituloy na kamag-anak ay magdagdag na buwanang bayad....ex..500 per head, per month...para naman iwasan yung gagawing tambayan yung bahay mo....
GUMWAWA NG PATAKARAN, SA MGA PEDE AT HINDI PEDE.. KUNG AYAW NILA SA PATAKARAN NG OWNER, HUWAG SILA MAG UPA, SA INQUIRIES PA LANG..DAPAT IPALIWANAG LAHAT NG PATAKARAN AT YAN AY NAKASAAD SA KASUNDUAN..KAPAG MAY KASUNDUAN, SAFE SA MAGKABILANG PANIG YAN...
Naranasan ko na po yan. 1year walang bayad. Hindi umaalis nong umalis lahat ng badura iniwan pa. Madaling araw umalis.
Hindi ako nagpapaupa , but as a mangungupahan palang ay ang dami ko na din po natutunan sa video nyo. Maraming salamat and Happy New Year!🎉🥳
Honest to say kahit masakit sa ulo ang unang umupa, siya pa rin ang turo ng higit kung paano maging maayos paupahan ayon sa kontrata.
Hrap intindhin comment m
maraming salamat sa topic no ito, it really help a lot para sa mga baguhan sa pagpapa upa ng tirahan.. Godbless po..Thank you..
Salamat po host na dumaan ka sa wall ko akin pong pinapanood hanggang dulo kasi nakatulong ang iyong tuturial video
Ang Ganda Ng content mo lods marami Kami matutunan salary SA sharing
Slamat s mga advice mo nattuwa aq sau marami akong nattunan tungkol s mga mangungupahan ng bhay kz pag balasubas nappaaway aq
Magandang topic to mam..lalo nna sa mga nagpapa upa ng apartment
Juice miyo . Ang dami ko nang karanasan Jan sa mga balasubas na tenant. Buti na lang nkita ko ang video mo.
Lesson Learned Ate ang dami mo natutunan na tama,
next vlog madam gawa k ng vlog kung pano ikuha ng business permit ang paupahan at kung anong mga tax ang dapat bayaran, ganun din ang pagpaparehistro ng paupahan sa BIR, at kung ano bang batas ang sumasakop sa umuupa at nagpapaupa
A good tenant pay on time and the next is cleanliness and everything is less headache. Make a good contract with the tenants that they live on your property temporarily if there is a tenant violation. They have three days to pay to perform or quit or return the keys.
Mgnda tlga ung may kasulatan sis
Yan tlga gusto ko paupahan tlga
Nanyri sakin to eh ang tagal ngpareserve hinintay ko nman arw Ng bayran Isa lng bngay Sana.don pa lng nakatunog n ko Bago lng Kasi din Ako papaupahan ngyon sakit s ulo lagi late bayd tpos gamit n ngyon Ang adv at deposit may maiwanan pa skain bils Ng krynte tubig paisa Isa buwan bayad kaya nagppangabot bills Kya natuto n ko pagdi marunong sumunod s usapan tanggihan n lng tlaga hanap sila Ng iba
Pareho po tau ng rules..meron po ako pa ng regarding sa ioff ung dapat ioff pag aalis..nilaminate ko tas dikit ko sa back ng door..kc 1 day n nakaon mga appliances wala po cla..delikado sa sunog..tsaka po ung mga stickers at dikit, yaan n maarte ako, un ung rules ko eh..pati basura nakalagay din ..maganda po yan pag may problem, pinala2bas ko po ung cobtract, ayun tahimik🤣🤣🤣 maganda po talaga may ganyan..
Very nice and interesting video as always. Keepsafe and more power to your channel, Enjoy life.
Sis salamat sa content mo na ito dahil relate ako sa experience mo ngyn Yung nangungupahan sa akin di ko alam kung paano ko papaalisi. Sakit sa ulo
Totoo lahat sinabi mo.natuto ako dito
Parang kilala ko yan sis! Hahaha! Ganyan din ang ginawa sa amin.. very professional!
Sakit sa ulo talaga , Meron din IBA ,hindi nag reply kahit ayusin mo pag salita , nakaka high blood talaga . Gusto pa ako Ang mag paayus Ng mga nasisira while they live and uses the house , HOUSE AND LOT buong Bahay Ang paupahan ko.Thank u sa pag share . GODBLESS EVERYONE
Nababaliwala nmn kahit mag contrata...bandang huli tayo paring mga nagpapaupa ang lugi na na perwisyo pa...
alam nyo pala wala ding saysay hahaha di wag kayo mag pa upa😅😅😅
Very good kasi Yung ginawa mo.
A good contract should contain agreements that could benefits both parties. The said contract only contain that is only agreeing to the lessor. A landlord should also provide protection to the tenants. As mentioned, the one-year contract should not be enforced by the lessor but a protection for the tenant (kasi hindi mapipilit ang walang pambayad - it is still based on whether the tenant has the capacity to pay - it can be added to agreement that tenant should pay or just leave the property) stating that the lessor cannot force the tenant out of the property for according to the agreed time of staying-in (the tenant has protection to stay if the payment is consistent) and renewal may be made after one year based to the interest of the lessor (here, the lessor can increase the renting price). The signed agreement should be witnessed by an authority (Kapitan ng barangay) or third party (it is best if he/she/they can sign the contract as witness/es or video recorded).
Also, a contract should be made by both parties (modification according to the lessor and tenant). Moreover, lesser should give him/herself a leeway (part of the contract can be modified by the lessor anytime) for unavoidable unpleasant circumstances, this is where Liezel failed to her first tenant (she can modify the contract stating that the tenant and her child are the only people can live in the property).
😊
Very informative ❤❤❤
Maganda to para s may mga paupahan, thanks for sharing
Napakagandang share tama lahat sis kilaĺanin natin bago magpapaupa maganda matagalan para hindi paiba iba ang uupa
Thank u for sharing ur experience
Salamat po di na ako mahihirapan gumawa ng kasunduan sa pag papaupa god bless
tama! dpat aware sa mga kasunduan. pero dehado ang tenant pag hindi nka permit sa LGU kc, walang bisa ung complaint nya pg dinala sa barangay/pnp/ korte.
Ang ganda nga ng may kasunduan. May mga alituntunin pa., mas ok
Nagpaupa din kmi noon sa katagalan naging kanila. Bagong kaibigan.
Salamat sa na e share mo Yong karanasan mo sa pag paupa
I think May kulang pa yang Contract mo. Ipa review mo sa LAWYER para sure compliance sa batas. Ang sa Internet information ay general info. or case to case basis, minsan not applicable.
Anyway you have good point. Wishing you good security and good cash flow.
Npakaganda ng mga kasunduang gnawa mo sis bka pede phingi ng kopya tnx
Madami din tlgang nag uupa sis na pasaway,maganda yung ganun may kasunduan at may kasulatan kayo para legal..
mahirp nga po magpa renta ng house, mas siga p sila kaysa lihitimong, owners hnd nawawala yong, balasubas, pag lipat unang hakot,sa aso 3pcs lng after 5days hakoy ulit ng ilang aso, 3 to 6 month
isang dosena, na higit p ang baho at ang ingay, tapos hnd sila naglinis sa labas, ng gate,yong ihi at dumi ng aso, umaagos lng sa tabi ng kalsada,
True po yan relate po ako jn!
Pangarap ko din ate magkaroon ng MGA APARTMENT 😍
Maganda talaga kapag may kasunduan kayo pinaghawakan para may habol at dito sa lugar namin sis tuwing anim na buwan lang renew ulit pag maganda magbayad mahirap talaga magpapaupa sa panahon ng pandimec kesyo katweran ng iba walang pasok sa awa ng dyos yong paupahan ko sa ngayon maganda naman cila magbayad namimili din ako ng umuopa pero minsan talaga parang dina maiwasan minsan makatagpo ng di maganda magbayad mahirap at masarap kapag may papaupahan tayo mahirap kac minsan delay mag bayad minsan two gives pa
Ako sis wala ako paupahan, pero ako nag rerenta ng mga pwesto saking tindahan. okay naman 11 yrs na kmi sa inupahan ko yung store ko,. At ganun din yung nsa contrata nmen bawal paupahan ang inuupahan mo din😊 business minded ka talaga sis
Pano naman yung mga tagaibang probinsya pero nadayo tapos bigla lang nagtindig tapos nagabroad pero kinamkam, yung iba nga mga dating batang hamog pero syempre mga nagsilaki din kaya malaki na din ang pinipitik, parang mus-lim; musmos Limlim; musmos ang lihim :back read ➡️ Lihim ang pagkamusmos ✌️
Thank you Liezel for sharing your experience , laking bagay ang experience mo tatandaan ko yan kasi in 2 months time magagawa na bahay paupahan ko .. salamat ha..
Marami po umuupa sa panahon ngaun ang balasubas.hindi kopo nilalahat pero bibihira po ang matino.kadalasan inuuna ang kapritso,bisyo at mas masakit pa gusto nila maganda maayos komportableng paupahan pero wala nmang pangbayad
Good pm sana magkaroon ako ng kopya kagaya sau kac may paupahan kami tny and GOD Bless
Thanks sa info, sobrang relate Ako sa discussion natin. Nag pa pa upa Rin Ako Dito sa Manila.
Yan ang mas ok sis, na yung paupahan mo ay merong sariling kurinti at tubig. Para pag di sila makabayad ay sila lang ang mapuputulan. Bright idea! Hehe.
Salamat sa tips madam.
Maraming salamat sa mga advice ❤🙏🙏🙏
Thank u s wisdom. favor nman copy ngcontract. Ty
Sa Ngeon dapat may Leasing Contract... Background Check Sa Tenant
Madam mag vlog ka nman kung paano pag kuha ng permit,bir dti etc.thanks
Friendly advice. Mas maganda ipalakad mo sa mga agency n expert dito. Kaya nila lakadin DTI/SEC/BIR/Business Permit etc.
Naka experienced kami ng ganyan umabot ng 6 months umabot wlang bayad. sobra bait kc ng mother ko naaawa pero sakit ng ulo cla kaya ako na mismo naniningil pero wla tlga kaya yon umalis nlng khit dna cla magbayad🤦
Hello po. Ang ganda po ng topic nyo. Ang dami kong natutunan.balaknko po kasing magtayo ng paupahan. Nag iipon pa po. Pwede ko pong mahingi ang kopya po ng kontrata mong ginawa? Ang ganda po kasi delatyado. Maraming salamat po.God bless po.♥️🙏
Nung una dalawa lang Sila, then after two months naging 4 na Sila. Until umabot Ng 7 bilang nila.
Wow sis, meron karin pala paupahan. Ang dami income lalo
Slmat sis, nag k idea n q kung paano ggwin pag mag pa upa.
lahat ng over price magpaupa dapat ma
kulong ng10 years at magbayad ng100,k
sa mga taong nangupahan na niloko ng
nagpapaupa ng bahay sa pilipinas mara
mi nagpapaupa na over price ang prisyo
ng bahay dapat bigyan ito ng pansin ng
gobyerno ng pilipinas dapat ngayon na
wag ng ipagpapabukas pa Filipino time
Madam pwede po makahingi copy ng mga ginawa nyong kasunduan?
Thank you for sharing Po naka kuha Po Ako Ng aral sa Inyo
ma'am San pong grupo Ng FB kau nakasali para Malaman ang mga patakaran Ng pagoapaupa Po kac Wala din Akong alam jaya hangan ngayun ko Wala pong kasunduan. Yung mga pinsuupahan ko kahit sa tumagal dahil l Wala pong idea kung paano gagawin at anung dapat Gawin Po sana Po .Mai share nyo Sakin para Po mapag aralan ko Po
Maraming salamat Po
nag start na akong paupa sis un ang gusto ko gawin magpapa upa ng bahay
Ma'am pede po makahingi ng copy ng kasunduan tnx po
SAME PO TAYO SA FIRST TENANT NATIN PALIBHASA BAGOHAN LANG DIN AKO SA PAGPAPAUPA TINAWARAN PA NGA BINIGAY KO NMN SA TAWAD NILA O DBA PARANG PALENGKI LANG MAY TAWAD..TOTOO NGA PO N KAPAG GANON ANG TENANT NA SA UNA PALANG PALYA NA AT TUMATAWAD PANGITAIN NA NA DI MAAYOS MAG BAYAD..
Mali ka
very interesting topic ate ko.. baka sa susunod meron din kaming paupahan..
lesson learned tlga sis salamat s pag share. maganda yan malinaw. dhil marami nadin ngayun garapal na nga gumamit ng apartment. ndi pa maingat
mam pahingi ng rules and regulation copy mo sa pag papa upan ng bahay.okey ung a!
14:12 thank you for sharing
Good Job thanks sa tip👍
Good job fren😮❤
Relate ako dyan sis, kasi apartment dito sa likod, ako ang caretaker, labas pasok lang mga tenant dito, kasi walang agreement.
matototo ka lalo na sa mga taong nakakaharap mo at sya ang magbibigay ng kaalaman
Thanks for the info.... Gagawa na kasi ako this month sa paupahan ko..... Malaking tulong ang video mo ngayon sa pagsisimula namin.sa paupahan.... Keep it up... God bless you.
Naka experience din Ako sa ganyang madam
Dapat may official ka ng resibo. Hindi resibong bangkita.
Ganito dapat Kong Gawin sa paupahan ko.sakit sa bangs mga boarder ko.
Salamat po maam nkakoha din ako ng efia sau goodlock.❤
Thank you. S info myron din po kc ako paupahan din...
ano sis tawagan mo UNG dati past na inupahan Nila kung good backgrounds
Magandang tips, 👍🏻
Galing!!
Dapat money down muna, 1 month deposit and 1 month advance, before magmove in, no money no, move in
maam pwd po bng humingi ng copy sa kasunduan sa pag uupa thanks po
Ako din po hihingi kung pwede magpapaupa din po ako ng bahay
Salamat ma'am sharing nyo
Nice video!! Thank you for sharing!! 👍👍🙏🙏
Dapat siguro humingi ng advice sa abugado
Hi Ate buti na lang ay napanood ko yung youtube vlog mo . Yan ang problema ko eh lagi akong natatakbuhan sa kuryente at tubig. Tapos kunwari ay 3 tao lang silang family titira sa upahan ko after 1 week ay buong barangay pla sila . Kaya sa na puedeng makahingi ng copy ng kasunduan ng umuupa at ng nagpapaupa. Salamat.
Madam gandang araw. Nakupu yan ang problema ko rin. Hindi makabayad ng 4 buwan. Dami pa kubdo ng ilaw at tubig.
Studio type lang naman ang paupahan ko puede screenshot mo na lang po para maka copy ko
May iba ng ppa upa need 1 year un pay using checking accounts. Para ata may check na 12 month ewan I forget n
Salamat po! Mam penge po ng kopya ng kasunduan form.😅