Mga Bahagi ng Katawan ng Hayop at ang Gamit Nito |w/ Activities and Answer Key| SCIENCE 3| QUARTER 2

Поділитися
Вставка
  • Опубліковано 27 гру 2020
  • Mga Bahagi ng Katawan ng Hayop at ang Gamit Nito
    Ang hayop ay nagtataglay ng iba’t ibang bahagi ng katawan na akma sa kanilang tirahan, paano sila kumain, paggalaw, pakikipaglaban sa mga kaaway at pagpaparami ng kanilang lahi. Katulad ng mga tao, may tatlong pangunahing bahagi ang katawan ng mga hayop. Ito ay ang ulo, katawan, at binti. Nagkakaiba ang mga ito sa hugis at estruktura.
    Ang mga hayop gaya ng manok at ibon ay may tuka. Samantalang ang mga aso at pusa ay may mga ngipin. Nagkakaiba rin sa bílang at estruktura o hugis ng binti ang mga hayop.
    May mga hayop na may apat na binti gaya ng aso, pusa, kambing, kalabaw, at báka. Ang manok at ibon ay may dalawang paa samantalang ang
    ahas ay wala.
    Nakalalakad, nakatatakbo, at nakalulukso ang mga hayop dahil sa kanilang mga binti. Nakalilipad ang mga ibon dahil sa kanilang pakpak.
    Ang isda ay may palikpik upang makalangoy habang ang itik
    naman ay may webbed feet upang sila’y makapagtampisaw sa
    tubig.
    Ang ilang hayop ay may malalaking katawan gaya ng kalabaw, kabayo at elepante; habang ang ilan ay maliliit lámang gaya ng mga insekto at ilang isda. Magkakaiba rin ang bumabalot sa kanilang katawan at ang ilan ay may buntot. May magkakaibang bahagi ng katawan ang mga hayop ngunit may bahagi rin namang magkakatulad gaya ng ulo, katawan, at binti.

КОМЕНТАРІ •