Ang Kalapati at ang Agila

Поділитися
Вставка
  • Опубліковано 2 лют 2025
  • Ang Kalapati at ang Agila - mula sa aklat na Pluma 7
    Kilala ng lahat si Agila dahil sa kanyang lakas, sa taas at bilis ng kanyang paglipad, at sa napakalilinaw na mga matang nagagamit sa mabilis na paghuli ng makakain. Dahil dito ay itinuturing siyang hari ng kalawakan. Maraming ibon sa kagubatan ang humahanga at tumitingala sa kanya.
    "Ang galing mo, Idol!" o "Iba ka talaga!" ang madalas naririnig na mga papuri para sa kanya."Siya na talaga ang haring kalawakan!" buong paghangang sabi naman ng iba.
    Ang lahat ng mga papuri at paghangang ito ay labis na ikinatutuwa ni Agila. Pero ang mga ito rin ang naging sanhing paglaki ng ulo niya. "Hah! Tama kayong lahat. Ako nga ang haring kalawakan! Walang hihigit pa sa akin!" buong pagmamalaki niyang sinasabi.
    Magmula noon ay nakaugalian na ni Agila ang pagdalo sa pagtitipon ng mga ibon. Dito ay mayabang niyang inuunat ang kanyang mahahaba at matitipunong pakpak para makita ng lahat kung gaano ito kahahaba. Hindi rin siya nagsasawang ipaalala sa lahat kung gaano katalas ang kanyang tuka, kung gaano kalinaw ang mga mata niya, at kung gaano siya kataas at kabilis lumipad.
    Ang usapan sa bawat pangkat na salihan niya ay nahihinto at napupunta sa kanya ang atensyon. Hindi nagtagal ay nagsimula siyang iwasan ng mga ibong dating humahanga sa kanya.
    "Hayan na naman si Agila. Aalis muna ako. Pagod na akong makinig sa paulit-ulit niyang pagbubuhat ng bangko," sabi ng munting si Maya.
    "Magsisimula na naman siyang magkuwento tungkol sa kanyang kahusayan.
    Diyan muna kayo at wala akong panahong makinig." nagmamadating lumipad palayo sa umpukan.
    "Oh, bakit nag-alisan ang ibang ibon? Ikukuwento ko pa naman kung paano ko nahuli ang pinakamalaking isda sa ilog kaninang umaga. Kayo na ang magkaroon ng napakalinaw na mata at napakatalas na tuka," pagmamagaling ni Agila.
    Napalingon ang lahat. "Hayan na, nagsimula na namang magyabang si Agilang hambog. Sana isang araw may ibong makatalo sa kanya sa paglipad para matigil ang kahambugan niya," nakaismid na sabi ni Gansa.
    "Tama ka na, Agila! Hindi mo kailangang ipagmalaki lagi ang mga kakayahan mo. Tinawag ka na ngang Hari ng Kalawakan, ano pa ba ang gusto mong patunayan?" naiinis na tanong ni Kalapati.
    "Hihinto lang ako kapag may nakatalo na sa akin sa pabilisan sa paglipad.
    Ikaw, kaya mo ba akong talunin?" nanghahamon ang tinig ni Agila habang tila nakakalokong nakatitig kay Kalapati.
    Tumingin muna si Kalapati sa kalawakan. Tila nag-o-obserba sa paligid. May mangyayaring malaking pagbabago sa buhay ni Agila at ng mga ibon pagkatapos niyang magawa ang iniisip niya.
    Nang matukoy na dapat matuloy ang lahat ay walang kagatol-gatol siyang nagsalita. "Sige, Agila, tinatanggap ko ang hamon mo. Magpabilisan tayo sa paglipad mula sa lugar na ito papunta sa ituktok ng bundok na iyon. Mula roon ay babalik tayo rito. Ang unang makababalik ay siyang panalo."
    Nagulat man sa pagtanggap ni Kalapati sa hamon niya ay hindi nagpahalata si Agila. "Narinig niyo ba ang sinabi ni Kalapati? Tinatanggap niya ang hamon ko. Magpapabilisan daw kami sa paglipad. Halikayo at panoorin nino kung paano ko ilalampaso si Munting Kalapati!" mayabang na sigaw ni Agila.
    Naglapitan lahat ng ibong nasa pagtitipon. Gusto ng lahat na makitang matalo ang mayabang na si Agila. Bago tayo lumipad, magdadala tayo ng bagay sa ating tuka. Nakikita mo áng dalawang supot na iyong gawa sa abaka? Ang isa ay lalagyan natin ng bulak. Ang isa naman ay lagyan natin ng tipak ng asukal," sabi ni Kalapati. "Sa iyo ang supot na may bulak. Sa akin ang may asukal."
    Lalong lumakas ang tawa ni Agila. Alam niya kasing magaan ang bulak. "Aba'y sige, sa akin ang bulak!" tuwang-tuwa si Agila sa pag-aakalang naisahan niya si Kalapati.
    Muling tumingala muna si Kalapati bago nagsabi, "Ngayon na, Agila, simulan na natin ang paligsahan!" malakas na sigaw niya.
    Dinala ng dalawang ibon sa pamamagitan ng kani-kanilang tuka ang supot at saka lumipad. Tulad ng inaasahan ay nanguna si Agila. Subalit nang nasa kalaginaan na ay dumating ang kanina pa tinatanaw ni Kalapati sa kalawakan, ang pagbuhos ng napakalakas na ulan. Kapwa sila basambasa gayundin ang dala-dala nilang supot.
    Dahil sa pagkabasa ay bumigat nang bumigat ang supot ni Agilang may lamang bulak. Nakadagdag pa ang matinding lakas ng ulan na may kasamang napakalakas ding hangin. Labis na nahirapan sa pagkampay ang malalaking pakpak ni Agila. Samantala, natunaw naman ang asukal na laman ng supot ni Kalapati.
    Maya-maya pa'y heto na si Agila, dala ang napakabigat na supot ng basang-basang bulak. Halos mangudngod siya sa lupa sa bigat nito. Lawit na ang dila niya sa pagod kaya napasalampak na lamang siya sa lupa. Seryosong lumapit sa kanya si Kalapati. "Tandaan mo sana ang pangako mo, Agila! Titigil ka na sa pagyayabang kapag may nakatalo sa iyo," paalala niya.
    Hindi kumibo si Agila. Malungkot niyang iniyuko ang ulo bilang tandang tinatanggap niya ang pagkatalo.
    Thank you for watching !
    #angkalapatiatangagila
    #kalapatiatangagila

КОМЕНТАРІ •