GAWAD KALASAG: Pambansang Seremonya ng Pagkilala
Вставка
- Опубліковано 29 жов 2024
- Ginanap ang GAWAD KALASAG Pambansang Seremonya ng Pagkilala sa The Manila Hotel sa Ermita, Manila, Disyembre 11, 2023.
Inorganisa ng Department of Interior and Local Government ang pagdiriwang upang bigyang-pugay ang mga natatanging indibidwal at komunidad na nagpakita ng kahusayan sa disaster management.
Masayang tinanggap nina Mayor Strike B. Revilla at Mr. Richard Quion ng BDRRMO ang parangal ng DILG na personal na inagawad nina, Secretary Benjamin C. Abalos Jr. ng DILG, Under Secretary Ariel F. Napumoceno ng NDRRMC at Civil Defence Administrator, at Secretary Gilberto C. Teodoro Jr. ng NDRRMC at Department of National Defense.
Nagbahagi rin ng karanasan ang iba't - ibang LGU sa Pilipinas na tumanggap ng GAWAD KALASAG. Ang Bacoor LGU ay isa sa mga tumanggap ng GAWAD KALASAG SEAL OF EXCELLENCE (BEYOND COMPLIANCE) Award.
Layunin ng parangal na ito na ipakita ang kahalagahan ng disaster management at kaligtasan sa ating mga komunidad. .
Congratulations to City Government of Bacoor at sa ating Baacoor Disaster Risk Management Office sa maayos na pamumuno ng ating 24/7 Mayor Strike B. Revilla katuwang ang Sangguniang Panglungsod ng Bacoor sa pangunguna ni Vice Mayor Rowena Bautista Mendiola.