Timestamps: [1:15 - 1:39] Paano Malalaman ang Gender ng isang Asian Box Turtle? [1:39 - 2:05] Gaano sila kalaki? [2:05 - 2:29] Gaano katagal ang kanilang buhay? [2:29 - 8:04] Paano i-set-up ang kanilang enclosure? [8:04 - 8:58] Ano ang filter na nababagay para sa enclosure ng Asian Box Turtle? [8:58 - 10:24] Kailangan bang i-cycle pa ang tubig sa enclosure nila? [10:24 - 11:07] Kailangan bang magpalit ng tubig kahit may filter na? [11:07 - 12:46] Ano ang dapat na ipakain sa kanila at tuwing kailan sila pwedeng pakainin? [12:46 - 13:17] Additional tips Suggested Videos: Paano Mag-set-up ng 20 Gallon Aquarium Para sa Baby Asian Box Turtles: ua-cam.com/video/0FfBoRVEauI/v-deo.html DIY Low Level Water Filter: ua-cam.com/video/4ebLtc5Qylc/v-deo.html Sunsun HW-303b Setup Guide: ua-cam.com/video/-mzFDxC02U8/v-deo.html
19 years na turtle saamin, 20 years old na ako at pina-alaga saakin nung 10 years old ako. Yung turtle hindi namin siya nabili noon, kusang pumunta sa loob ng bahay namin galing sa ilog sa kabilang barangay. Ang laki niya na ngayon mas malaki pa sa kamay ko, kaya bumili ng bagong tank na mas malaki para di siya mahirapan. Long term commitment talaga.
Nice. Marami ring pakalat kalat na ganyan dito sa Bacoor noong bata pa ako pero dahil polluted na ang lugar ang marami ng tao, hindi na ako nakakakita niyan dito.
It's my first time po mag alaga ng aquatic animal and turtle po ito kabibigay lang po today... buti nalang po at naipost niyo po itong vid niyo... very curious po kasi ako on how to take care of my cute lil turtle..... and this vid po helped me a lot... thank you po and more power..... ingat po..
Very informative ang video mo about sa pagaalaga ng turtle sir. Laking tulong lalo na sa mga naghahanap ng hobbies ngayong kasagsagan ng pandemic. Ayos pantanggal ng stress. Keep it up sir. #petulungan
.. Topic na palagi na inaabangan ko about sa fish pero.. Diko mapigilan na hindi mapanood ang video mo. Na kahit hindi about sa fish.. Kasi my iba rin ako na tutunan.. Malibam sa mga isda.. Hehe next topic naman po sana kung paano maalagaan nag itlog ng goldfish kasi po. 3 beses na ako nag aalaga mg itlog ng goldfish ko pero di parin ako napipisaan.. Aist sana po ma topic mo kuys.. Thanks and more power. #PETULUNGAN
Yes. Omnivores sila. Umiwas lang sa mga mayaman sa oxalate kagaya ng spinach dahil nakaka-prevent yan sa mga reptiles na ma-absorb ang calcium mula sa kinakain nila.
Depende sa laki ng enclosure mo. Kung nasa 10-20 gallons lang, pwede na yung Sunsun 603b na canister filter para isang beses kada buwan ka lang maglilinis ng filter. Yung water change, weekly, 50% lang.
Pwede na yung poso o sa gripo. Kung chlorinated, gamitan na lang nga anti-chlorine para may mamahay na beneficial bacteria na kakain sa byproducts ng poop ng pagong (maiwasan yung pagbaho ng water).
Salamat po,dito sa mga tips binabalak ko po talagang mag alaga niyan, dahil favorite siya ng kapatid ko NASA langit na lahat ng damit niya may tatak na turtle kapag nagkaroon po ako isusunod ko SA pangalan para parang inaalagaan ko pa rin kapatid ko. Armond, o Di kayay AJ.
Hello po. :) Itatanong ko lng po un behaviour ng new buy turtle ko. Mahilig po siyang puma-ilalim dun sa nauna kong biling turtle. Pinupush nia habang nasa ilalim cia(both under water -2inches deep). Both young pa sila. Ang tingin ko sa nauna is male and un new kong nabili is female(basis - curve and flat bottom). However, d pa rin ako sure kung ano tlga gender nila. Hehe. Anyway, ang question ko lng po ay un behaviour nun new. 😲 #petulungan
kua may tanong po ako mga pagong nyo po ba ay nagaaway kasi mga pagong ko na female at male pagkatapos ng mating away na po sila hanap kpo kayo ng solusyon sa pag tigil ng kanilang away
Yung red eared sliders ko. Kinakagat ng lalake yung babae sa leeg dahil gusto niya makipag-mate. Hindi naman nasusugatan dahil makapal yung balat kaya hinahayaan ko lang. Kusa namang binibitawan eh at matagal na nilang ginagawa yun na hindi naman nagdudulot ng problema.
Yung malayan box Turtle ko po fresh meat ang kinakain nya minsan chicken meat minsan pork at 3days after bago sya kumakain ulit ganun na ang naging routine nya since nasimulan ko sya alagaan, dko pa sya na try sa mga floating pellets minsan pinapakain ko din sya ng saging, at kangkong pero mas madami talaga sya kinakain pag fresh meat, wala din po akong enclosure sa loob lang sya ng bahay may time na nasa planggana sya after nun inaalis ko pag ka ayaw na nya sanay na din sya saamin palakad lakad lang kahit nag lalaro mga anak ko sa bahay. 😁
@@katropapets samin sya lang po alaga namin, kaya ok lang hirap nga lang pag minsan di namin alam saan na nasuot kasi wala naman siya ingay na ginagawa natataranta tuloy minsan kami kasi baka nawala hehe
Hello po kuya. Kindly help me po I have malayan asian box turtle po bigla nalang nag stop kumain tapos may mga parang white sticky saliva lumalabas sa bibig niya and sa mga gilid ng uli niya po mag two or three days na po. Anu po gagawin ko? Pls help po 😭
Para ba siyang hirap sa paghinga like nagwi-whistle siya??? If yes, respiratory infection yan na naidudulot ng bacteria (poor water quality) o kakulangan ng Vitamin A.
@@katropapets parang ganun po hirap siyang huminga. Hindi ko pa po siya na ririnig na nag wiwhistle po. Naging matamlay po siya bigla. Dati po nalalabas pa niya yung buung neck niya pag kumakain at bibo din siya. Worried na po ako sa turtle ko. Yung water din po niya new everyday if hindi po na lilinis mga two days lang din naman katagalan. Ano po gamot dito?
Kung tumatagilid sa paglangoy, maaari ngang respiratory infection. Lagyan mo ng aquarium heater at i-set mo sa 26.1 - 29 C yan. Sinisipon kasi ang turtle kung malamig yung environment niya. Make sure din na may basking area siya (sampahan) dahil magkakasakit kung laging babad sa tubig. At lagyan din ng UVA/UVB lamp yung basking area niya at buksan yun ng 8 hours tuwing umaga (daily).
@@katropapets okay pa naman po yung pag langoy niya. Nilalabas ko po every morning para maarawan siya but nasa mini pond niya po. Pano po siya kakain ulit? Or ano gamot pwede kong ipa inom sa kanya po kuya? Thank you po sa response.
Subukan mo yung API Turtle Fix. Mayroon niyan sa Lazada. At durugin mo ang food niya at ilagay sa unused syringe without needle. Kung pellets, lagyan mo ng kaonting warm water para lumambot. Then ipasok mo sa bibig niya at dahan dahan na i-release ang food. Yung sapat lang twice a day (kasing laki lang ng ulo niya yung dami ng food per feeding). At lagyan mo rin ng supplement like yung Reptivite with D3 yung food kasi may mga essential vitamins and minerals yun na magpapa-boost sa kaniyang immune system. Mayroon niyan sa Shopee.
Yun 2 Wallacean Box Turtle ko nasa 400 pesos na Aquarium. Di ko alam kung ilan gallon nito. Kasama nila yun 1 month na Red Eared Slider. Tas puno ng tubig. May basking area din ako, at Sponge filter. Kasi wala akong idea sa uri ng filter. Haha Anyway thank you dito sa Vlog mo. Susunod ivivideo ko na din yun Turtles ko. Goodluck sa mananalo ng Filter. Hehe #PETULUNGAN
@@katropapets question ko nga pala. Kasi yun Aquarium ko, 2 or 3 days lang malabo na. Siguro dahil sa Turtle pellets o snack na nilalagay ko. Natutunaw at nagiging dumi. Gamit kong Filter spongefilter pero di naman lumilinis yun tubig, kasi 2-3 days malabo na. Pano ba gagawin ko para unabot ng 1 week or 7 days yun clear ng tubig?
@@katropapets nakaraang linggo. Everyday pinapalitan ko tubig kasi madui kagad. Yun yun sobrang daming laman ng aquaium ko. Malaking bato na design, nilaguan ko ng white sand at pebbles. Pero ngayon pebbles na lang nilagay ko. Umabot yun clear ng tubig 3 days. 4 days malabo na din.
@@katropapets hinid ako nag lalagay ng UV light kasi yun area location ng aquarium ko naabot ng sinag ng araw. Hindi sikat, sinag lang kaya sa umaga at tanghali clear na nakikita yun tubig. Ang sustpetsa ko kaya dumudumi kagad yun tubig either sa pagkain or sun light na nag cause ng algae.
Pwedeng algae kasi nga nasisikatan araw. I advise you na gumamit ng canister filter dahil mahilig magdumi ang turtles. Lumalaki ang poop nila habang lumalaki sila at messy pa sila kumain. Hindi uubra ang sponge filter. Nasubukan ko na yan at madalas kong problema noon ay cloudy na water. Nag switched ako sa canister filter at hindi ko na naging problema ang malabon tubig.
#petulungan #happylang #tropapets #onyx next nmn po about algae specially yung brown or white kasi ung aquarium ko po palage pinuputakte ng algae eh hhmmm gusto ko po sna malaman papaano proper way mag linis maraming thank you po!
Congrats po sa nanalo ang cute din pala ng turtle hehehe. di din pala biro ang pag aalaga ng turtle kaylangan icycle ang water,wag mag overfeeding,kaylangan ng malakas ng filter,huwag ilagay sa kalabog ng kalabog na lugar para di maistress ang turtle not skipping addss Solid katropapets.💪 💯 hoping na manalo ng powerhead para sa mga goldfish na alaga hehehe thanks po #petulungan
Yung 135 liters ay nasa 35 gallons so pwede. 20 gallons ay pwede na sa 2 asian box turtle. Yan din gamit ko. Magpo-post ako ng update soon dahil in-uprade ko yang nasa video.
Kung sa palanggana, make sure na may nasasampahan sila para makapagpatuyo. Paarawan din daily ng 3-4 na oras. Laging palitan ang tubig kung walang filter.
Grabe po tong mga content mo po ang rami kung na tutunan at maraming salamat po sa pag tuturo and stay safe god bless🥰🥰 and pa shout na den po new subscriber po🥰🥰
Kung submersible, dapat nakalubog lahat. I-slant at ilagay sa gitna para mainitan ang malawak na parte ng tubig. Isaksak lagi dahil kusa namang namamatay yan kapag na-reach na ang temperature na sinet sa kaniya. Papatayin lang kapag magbabawas ng tubig sa tank tuwing magpapalit water. Kapag kasi nakasaksak yan at na expose sa air, mababasag o masisira. I-set ang temp na naaayon sa isdang inaalagaan. Kung tropical ang isda, ang temp ay dapat nasa 24 to 27 degree celcius. Kung goldfish o ibang cold-water fish, hindi need ng heater.
Kung less than 2 inches pa ang haba, 2-3 inches lang dapat ang lalim kasi pwedeng malunod. Kung sobra na sa 2 inches ang haba, pwede na yung 8 inches ang lalim ng water.
May ask po ko dko po kase alam kung PANO schedule Ng feeding time nya araw araw po ba papa kainin ung turtle or like po in 1 week ilang beses po sya papakainin?
nice care video! Ask ko lang rin po if okay lang na walang uv or heat bulb? nakalagay naman po sa labas yung tank ko na natatamaan ng araw tuwing umaga :)
Bili ka nung light na may dimmer. Adjust mo lang init na parang sikat ng araw sa tanghali. Kapag hindi nagtatagal yung pagong, maaaring masyadong mainit kaya babaan mo. Adjust adjust mo lang.
Tawagin na lang natin na Asian Box Turtle kasi hindi ko rin masasabi na Malayan yan pero sure ako na kabilang siya sa Amboina Box Turtle na isang specie ng Asian Box Turtle.
Io-on lang siya sa umaga. Papatayin mo rin kapag lubog na ang araw. Kailangan din kasi na makondisyon sila kung anong oras sila dapat na gising at kung anong oras dapat na magpahinga. Gamit na lang ng timer para hindi hassle.
Kangkong and parsley. Pwede naman na ilagay sa ref para hindi mabilis mabulok ang gulay bago ipakain sa kanila. Iwasan ang cabbage dahil nakakapagpatae-tae yan.
Yes. Makakatulong ang water conditoner na tanggalin ang chlorine sa tubig. Importante din kasi na dechlorinated ang water na gamit sa kanila para hindi mamatay ang beneficial bacterias na nakakatulong sa pagpapanatiling malinaw ng tubig nila.
Yes pero make sure na may D3 din na kasama dahil hindi nila mapa-process ang calcium without D3. Kung wala namang D3, okay lang naman kung naaarawan sila. Napakain ko na sila ng dried mealworms.
Nabili ko yang asian box turtle sa Cartimar Pasay. Yung Hedgehog naman, sa Facebook group. Typically, nasa 200-300 pesos ang maliit na asian box turtle at 1k naman yung hedgehog, medyo malaki na.
Ilagay sa container na may substrate like soil na may halong sand then incubate - 50% each. Iwasan lang ang soil na may fertilizer o kahit anong chemicals. Kung papaano mo nakuha, ganun din dapat ilalagay sa container na yun. Hindi kasi pwedeng mabago ang pwesto dahil malulunod ang turtle sa loob ng egg. Kapag nakuha sa tubig ang itlog, hindi yan magha-hatch kahit i-incubate pa.
Siya nga pala, wisi wisikan ng water (gamit spray bottle) para manatiling wet ang lupa. Yan din pala muna ang gagawin kapag pini prepare na ang substrate. Walang sobrang water ha, yung enough lang para maging moist siya.
idol may 75 gal po ako na aquarium gustokopo sana mag alaga ng malaysian box turtle din po. ang tanong kopo sainyo pwede kopo bang samahan ng gold fish yung dalawang turtle po sana na aalagaan kopo, sa 75 gal posible poba yun?
Hindi mo rin mapupuno ng tubig yan kasi hanggang 10 inches lang dapat ang lalim ng tubig kung asian box turtle ang aalagaan. At since omnivore sila, posible na kainin nila yan. Kung hindi man makain, mai-injure nila. Hindi rin akma ang water temp na kailangan ng bawat isa - tropical ang asian box turtle so mas mataas ang temp requirement nila kaysa sa goldfish na nabubuhay sa malamig na tubig.
@@katropapets kung ang young turtle na less than 2 inches is 2 inches lang ang water, paano po kung 3-5inches na ang turtle same 10 inches na din po ba ang water nila?
Pwede ang mustasa, romaine lettuce at kalabasa (raw). Sa meat naman, pwede ang raw na shrimp at isda basta hiniwa muna sa maliliit na piraso. Huwag mag overfeed para hindi sila maging obese. Sa dried naman, you can try yung pellets for aquatic turtles.
#PETULUNGAN salamat po dahil Sayo po marami Ako na tutunan may Alaga din po Ako na asian box turtle Binili ko po 3 inches Ngayon 4 inches na Ang pangalan nya po ay si pong ako po ay 12 years old palang
Kung malapit naman sa basking area nakatapat ang uva/uvb light, 50 watts will do (let's say mga isang ruler ang pagitan). Pero kung mas malayo, 100 watts.
Hi sir paano po yan d naman po kami ganon kayaman wala po kaming enclosure na pag lalagyan sa malayan box turtle namin sa plangana lang po sya nakalagay pede ba po yun?......at btw ang pakain po namin sa kanya is bayabas pede din ba po yun?
Wala naman problema. Make sure lang na may sampahan siya para makapagpatuyo sila. Kapag laging nakababad sa tubig, mabubulok ang shell nila dahil pamamahayan ng bacteria. Okay lang na walang filter as long na nakakapagpalit ka ng tubig every other day dahil messy eaters and messy poopers sila. Okay lang na wala kang UVA/UVB lamp as long na natatamaan ng sunlight ang enclosure nila. Pagdating naman sa pagkain, mas maganda na mayaman sa protina para hindi mapigilan ang paglaki niya kagaya ng isda - mayaman sa protein pero mababa sa fats. Kung vegetable naman, mas okay ang kangkong dahil sigurado na kakainin nila yan.
Timestamps:
[1:15 - 1:39] Paano Malalaman ang Gender ng isang Asian Box Turtle?
[1:39 - 2:05] Gaano sila kalaki?
[2:05 - 2:29] Gaano katagal ang kanilang buhay?
[2:29 - 8:04] Paano i-set-up ang kanilang enclosure?
[8:04 - 8:58] Ano ang filter na nababagay para sa enclosure ng Asian Box Turtle?
[8:58 - 10:24] Kailangan bang i-cycle pa ang tubig sa enclosure nila?
[10:24 - 11:07] Kailangan bang magpalit ng tubig kahit may filter na?
[11:07 - 12:46] Ano ang dapat na ipakain sa kanila at tuwing kailan sila pwedeng pakainin?
[12:46 - 13:17] Additional tips
Suggested Videos:
Paano Mag-set-up ng 20 Gallon Aquarium Para sa Baby Asian Box Turtles: ua-cam.com/video/0FfBoRVEauI/v-deo.html
DIY Low Level Water Filter: ua-cam.com/video/4ebLtc5Qylc/v-deo.html
Sunsun HW-303b Setup Guide: ua-cam.com/video/-mzFDxC02U8/v-deo.html
19 years na turtle saamin, 20 years old na ako at pina-alaga saakin nung 10 years old ako. Yung turtle hindi namin siya nabili noon, kusang pumunta sa loob ng bahay namin galing sa ilog sa kabilang barangay. Ang laki niya na ngayon mas malaki pa sa kamay ko, kaya bumili ng bagong tank na mas malaki para di siya mahirapan. Long term commitment talaga.
Nice. Marami ring pakalat kalat na ganyan dito sa Bacoor noong bata pa ako pero dahil polluted na ang lugar ang marami ng tao, hindi na ako nakakakita niyan dito.
very informative. may nakita kasi akong box turtle nung lumakas ulan dito sa min .pero balak ko rin to pakawalan sa ilog
It's my first time po mag alaga ng aquatic animal and turtle po ito kabibigay lang po today... buti nalang po at naipost niyo po itong vid niyo... very curious po kasi ako on how to take care of my cute lil turtle..... and this vid po helped me a lot... thank you po and more power..... ingat po..
Salamat
Salamat Kuya Aris!! May insight na ako sa Malayan Box Turtle ko
Thanks dami kopo naturunan bilang isang begginer sa pag aalaga ng box turtle salamat po kuya Aries Moreno godbless po
Thank you sobra kuya! Finally may nagexplain na nito🤩 I learned a lot na marami din pala akong mistakes huhu
Walang anuman
Ano klasing ilaw po un? At san puidi mabili?
UVA/UVB lamp Neena. Mabibili mo siya dito: shope.ee/5zr0X9IGci
Hay salamat nakakita din ng magandang vlog para sa pagong.
Abangers here.. Helo kuys.. Solid.
Salamat
Laking tulong para sa baguhan sir. Sana magtuloy tuloy pa
#petulungan
Sisikapin ☺☺☺
Thank you! At least now medyo knowledgeable na ako kahit papano. Been fascinated with box turtle since elementary days!
Walang anuman
Hi Kuya from Cebu mahilig din Po Ako sa mga pagung Kay lgi Ako nanonood Ng iyo UA-cam
Name Ng pagung ko SI Lola at lolo
Thank u sa madaming idea to take care of Asian box 🐢
taga bacoor ka pala lods hehe sana makita kita someday
Very informative ang video mo about sa pagaalaga ng turtle sir. Laking tulong lalo na sa mga naghahanap ng hobbies ngayong kasagsagan ng pandemic. Ayos pantanggal ng stress. Keep it up sir.
#petulungan
Salamat
.. Topic na palagi na inaabangan ko about sa fish pero.. Diko mapigilan na hindi mapanood ang video mo. Na kahit hindi about sa fish.. Kasi my iba rin ako na tutunan.. Malibam sa mga isda.. Hehe next topic naman po sana kung paano maalagaan nag itlog ng goldfish kasi po. 3 beses na ako nag aalaga mg itlog ng goldfish ko pero di parin ako napipisaan.. Aist sana po ma topic mo kuys.. Thanks and more power.
#PETULUNGAN
Naka-line up na ang topic na yan. Salamat sa suporta.
Madami ulit na info ang napulot in this video at sa mga videos mo. Sanay magtuloy tuloy pa ang iyong mga videos idol.
#petulungan
Salamat
Turtle topic! Thanks! More power!
Salamat
kailagan po ba ng permit sa pagaalaga sa box turtle
No need.
sobra siyang nakatulong dahil kakabili kopang ng tutel hehe
May bibilhin akong Pagong bukas, ganan. Salamat sa video na to. :)
Hi boss pwde mag ask? Kung ok ba diet ng pagong ko..small fish at kanin diet nya tama ba?
Okay ang small fish pero palitan mo yung kanin ng green leafy vegetables like lettuce.
OMG!!! thank u sooo much....
You're welcome!
Pwed po ba vegies sa mga malayan turtle... Likr po ang pipino
Yes. Omnivores sila. Umiwas lang sa mga mayaman sa oxalate kagaya ng spinach dahil nakaka-prevent yan sa mga reptiles na ma-absorb ang calcium mula sa kinakain nila.
Brod my alaga din akung pagong sana maguide mku sa pag alaga nila dalwa sila ...tnx sa replay
Anong pagong yan? Asian box turtle din?
Oo
First pet ko yan nung bata pa kmi
how about natural water at silaw ng araw
Pwede naman.
Very Informative, thank you sir! ❤️
You are so smart teacher are you from baccor? Do you sell Malayan or Slider?
Habay 2. Hindi ako nagbebenta niyan. Nabili ko sila sa Cartimar.
Hi kuya bago lang po akong mag alaga ng malayan box turtle. Meron po kayong DIY na bahay ng malayan turtle box?
ua-cam.com/video/CMZKdy12Tko/v-deo.html
ua-cam.com/video/fGqQHnRhFBY/v-deo.html
ua-cam.com/video/BEHBrEhrtYE/v-deo.html
Kuya Ako lang Po ba nakahit 6.5 inch Ang lalim Ng tubig 3 inches Po silang dalawa tapos maganda Po bang maglagay Ng coontails at neon tetras
Pwede naman kung fast swimmers like danios, tiger barbs and tetras
natuwa ako kasi sanyu din trustrd kung brand for that kinda turtle...
Salamat
Sir ask kung san nakakabili ng gamit at food ng pagong first time ko mag aalaga napulot ko lang kasi
Nandito ang lahat ng videos na ginawa ko for semi-aquartic turtles: ua-cam.com/play/PLOgYpFZiIscdEHQ43wIxVV6cyKs3xa3vf.html
Makakatulong yan sa pagse-set-up mo ng enclsoure
meron po ako southeast asian box turtle ano po magandang filter na bilhin?
Depende sa laki ng enclosure mo. Kung nasa 10-20 gallons lang, pwede na yung Sunsun 603b na canister filter para isang beses kada buwan ka lang maglilinis ng filter. Yung water change, weekly, 50% lang.
Hindi ako naniniwala n malas ang pagong nilikha ng Diyos lahat ng mga hayop kaya swerte yan
I agree
Boss safe vah paka inin turtle nang saging..
Yes. Hiwain lang sa biteable pieces bago ipakain.
Hindi ho b pinagbbreedan ng lamok ung aquairium nila. I mean kinakain nila ung kitikiti kpag meron?
Hindi dahil kakainin din nila.
Ano po ang pwedeng gamiting tubig sa aquarium ng baby turtle?
Pwede na yung poso o sa gripo. Kung chlorinated, gamitan na lang nga anti-chlorine para may mamahay na beneficial bacteria na kakain sa byproducts ng poop ng pagong (maiwasan yung pagbaho ng water).
Salamat po,dito sa mga tips binabalak ko po talagang mag alaga niyan, dahil favorite siya ng kapatid ko NASA langit na lahat ng damit niya may tatak na turtle kapag nagkaroon po ako isusunod ko SA pangalan para parang inaalagaan ko pa rin kapatid ko. Armond, o Di kayay AJ.
Walang anuman.
Kuya pwede po ba ung sand na hindi masyadong maliliit ung bato?
Mas okay na yung pebbles na hindi kasya sa bibig nila.
saan pwde bumili ng turtle ?
Sir aris..... Anung magandang filter para sa 40-50 gallons
Maaari mong subukan ito: ua-cam.com/video/tSrsY9oLn28/v-deo.html
Hello po. :) Itatanong ko lng po un behaviour ng new buy turtle ko. Mahilig po siyang puma-ilalim dun sa nauna kong biling turtle. Pinupush nia habang nasa ilalim cia(both under water -2inches deep). Both young pa sila. Ang tingin ko sa nauna is male and un new kong nabili is female(basis - curve and flat bottom). However, d pa rin ako sure kung ano tlga gender nila. Hehe. Anyway, ang question ko lng po ay un behaviour nun new. 😲 #petulungan
Normal sa kanila yun kapag nagkakapalagayan na ng loob.
Ano po gagawin Namin sa asian box turtle napulot ng kabitbahay nmin sa kanal
Kung malinis naman yung kanal, hayaan niyo lang. Pero kung polluted na, nasa sa inyo kung ire-rescue ninyo para humaba pa ang buhay
kua may tanong po ako mga pagong nyo po ba ay nagaaway kasi mga pagong ko na female at male pagkatapos ng mating away na po sila hanap kpo kayo ng solusyon sa pag tigil ng kanilang away
Yung red eared sliders ko. Kinakagat ng lalake yung babae sa leeg dahil gusto niya makipag-mate. Hindi naman nasusugatan dahil makapal yung balat kaya hinahayaan ko lang. Kusa namang binibitawan eh at matagal na nilang ginagawa yun na hindi naman nagdudulot ng problema.
@@katropapets Pati po malayan box turtle
Kabayan, bka nman pwede nyo ako pagbilhan ng isang pares (babae at lalaki) mga magkano nman
Hindi po ako nagbebenta eh.
Yung malayan box Turtle ko po fresh meat ang kinakain nya minsan chicken meat minsan pork at 3days after bago sya kumakain ulit ganun na ang naging routine nya since nasimulan ko sya alagaan, dko pa sya na try sa mga floating pellets minsan pinapakain ko din sya ng saging, at kangkong pero mas madami talaga sya kinakain pag fresh meat, wala din po akong enclosure sa loob lang sya ng bahay may time na nasa planggana sya after nun inaalis ko pag ka ayaw na nya sanay na din sya saamin palakad lakad lang kahit nag lalaro mga anak ko sa bahay. 😁
Mabuti pa sa inyo pwede magpagala-gala. Marami kasi akong pusa at aso sa loob ng bahay kaya hindi ko magagawa yan.
@@katropapets samin sya lang po alaga namin, kaya ok lang hirap nga lang pag minsan di namin alam saan na nasuot kasi wala naman siya ingay na ginagawa natataranta tuloy minsan kami kasi baka nawala hehe
Hello po kuya. Kindly help me po I have malayan asian box turtle po bigla nalang nag stop kumain tapos may mga parang white sticky saliva lumalabas sa bibig niya and sa mga gilid ng uli niya po mag two or three days na po. Anu po gagawin ko? Pls help po 😭
Para ba siyang hirap sa paghinga like nagwi-whistle siya??? If yes, respiratory infection yan na naidudulot ng bacteria (poor water quality) o kakulangan ng Vitamin A.
@@katropapets parang ganun po hirap siyang huminga. Hindi ko pa po siya na ririnig na nag wiwhistle po. Naging matamlay po siya bigla. Dati po nalalabas pa niya yung buung neck niya pag kumakain at bibo din siya. Worried na po ako sa turtle ko. Yung water din po niya new everyday if hindi po na lilinis mga two days lang din naman katagalan. Ano po gamot dito?
Kung tumatagilid sa paglangoy, maaari ngang respiratory infection. Lagyan mo ng aquarium heater at i-set mo sa 26.1 - 29 C yan. Sinisipon kasi ang turtle kung malamig yung environment niya. Make sure din na may basking area siya (sampahan) dahil magkakasakit kung laging babad sa tubig. At lagyan din ng UVA/UVB lamp yung basking area niya at buksan yun ng 8 hours tuwing umaga (daily).
@@katropapets okay pa naman po yung pag langoy niya. Nilalabas ko po every morning para maarawan siya but nasa mini pond niya po. Pano po siya kakain ulit? Or ano gamot pwede kong ipa inom sa kanya po kuya? Thank you po sa response.
Subukan mo yung API Turtle Fix. Mayroon niyan sa Lazada. At durugin mo ang food niya at ilagay sa unused syringe without needle. Kung pellets, lagyan mo ng kaonting warm water para lumambot. Then ipasok mo sa bibig niya at dahan dahan na i-release ang food. Yung sapat lang twice a day (kasing laki lang ng ulo niya yung dami ng food per feeding). At lagyan mo rin ng supplement like yung Reptivite with D3 yung food kasi may mga essential vitamins and minerals yun na magpapa-boost sa kaniyang immune system. Mayroon niyan sa Shopee.
Win win win
need po ba ng rocksalt pag nag wawater change sa turtles?
saka po pede po ba silang mag mineral water muna pag wala pang stockedwater?
No need na lagyan ng salt. Pwede namang mineral water.
Hello! Paano po kung sa pond nakatira, kailangan ko parin ba sila ilawan?
Kung nasisikatan naman ng araw ang basking area nila, no need for artifical light.
Yun 2 Wallacean Box Turtle ko nasa 400 pesos na Aquarium. Di ko alam kung ilan gallon nito. Kasama nila yun 1 month na Red Eared Slider. Tas puno ng tubig. May basking area din ako, at Sponge filter. Kasi wala akong idea sa uri ng filter. Haha
Anyway thank you dito sa Vlog mo. Susunod ivivideo ko na din yun Turtles ko.
Goodluck sa mananalo ng Filter. Hehe
#PETULUNGAN
Walang anuman.
@@katropapets question ko nga pala. Kasi yun Aquarium ko, 2 or 3 days lang malabo na. Siguro dahil sa Turtle pellets o snack na nilalagay ko. Natutunaw at nagiging dumi. Gamit kong Filter spongefilter pero di naman lumilinis yun tubig, kasi 2-3 days malabo na. Pano ba gagawin ko para unabot ng 1 week or 7 days yun clear ng tubig?
@@katropapets nakaraang linggo. Everyday pinapalitan ko tubig kasi madui kagad. Yun yun sobrang daming laman ng aquaium ko. Malaking bato na design, nilaguan ko ng white sand at pebbles. Pero ngayon pebbles na lang nilagay ko. Umabot yun clear ng tubig 3 days. 4 days malabo na din.
@@katropapets hinid ako nag lalagay ng UV light kasi yun area location ng aquarium ko naabot ng sinag ng araw. Hindi sikat, sinag lang kaya sa umaga at tanghali clear na nakikita yun tubig.
Ang sustpetsa ko kaya dumudumi kagad yun tubig either sa pagkain or sun light na nag cause ng algae.
Pwedeng algae kasi nga nasisikatan araw. I advise you na gumamit ng canister filter dahil mahilig magdumi ang turtles. Lumalaki ang poop nila habang lumalaki sila at messy pa sila kumain. Hindi uubra ang sponge filter. Nasubukan ko na yan at madalas kong problema noon ay cloudy na water. Nag switched ako sa canister filter at hindi ko na naging problema ang malabon tubig.
Magkano po ba ang malayan box turtle?
Nasa 200 pesos kapag baby pa.
May nahuli po ako dito sa amin mga 7inche na sya kalaki
Yung turtle po namin ay di kumakain for more than a week na po, what to do po? Tried giving them some shrimp fruits ayaw pa rin po..
Nasubukan na ninyo yung pellets? Maaari kasing nasanay na siya sa ganun bago ninyo makuha.
@@katropapets opo pati pellets po, ayaw.
Nabigyan nito rin ba ng gulay like romaine lettuce?
Ok lang ba n naka babad ang asian box turtle ng 1 inches estimate ko asa 3 to 4 inches na yung shell nya
Kung nasa 3-4 inches na ang haba ng shell niyan, laliman ang water ng 8 inches. Offer din plenty of space na lalauyan niya.
#petulungan
#happylang
#tropapets
#onyx
next nmn po about algae specially yung brown or white kasi ung aquarium ko po palage pinuputakte ng algae eh hhmmm gusto ko po sna malaman papaano proper way mag linis maraming thank you po!
Sure. Yan din problema ko sa isang tank na bagong set up. Kapag nasolusyunan ko na yun, magva vlog ako about it.
@@katropapets ayuunnn maraming thsnk you po ulit sir tropapets
Walang anuman katropapet
Makakasama po ba pag galaw ng galaw sa lagayan po nya pag 3inch palang po sya
Iwasan dahil nai-stress sila kapag madalas naiistorbo. Kapag nai-stress ang hayop, kagay ng tao, pwedeng magkasakit.
Hi po! Ano po yung mga filter media ginamit nyo po?
Foam and porous rings
@@katropapets Hi po again! Pano po pag brownout, ok lang po naka attach yung filter walang gagalawin?
Better na linisin ang filter kapag nagkakuryente na lalo na kung higit pa sa isang oras nag brown out.
kuya ilang w po ang uvb light na pwede bilhin
50 watts yung nabili ko
Kalangan po ng papers ang Asian box turtle
Hindi naman.
Congrats po sa nanalo ang cute din pala ng turtle hehehe. di din pala biro ang pag aalaga ng turtle kaylangan icycle ang water,wag mag overfeeding,kaylangan ng malakas ng filter,huwag ilagay sa kalabog ng kalabog na lugar para di maistress ang turtle not skipping addss
Solid katropapets.💪 💯 hoping na manalo ng powerhead para sa mga goldfish na alaga hehehe thanks po #petulungan
Salamat
Sir bago lang ako mag set up ng aquarium ng pagong.. Dapat bang mataas ang tubig ng asian box turtle?
Ito yung video kung saan ibinahagi ko kung papaano ko ginawa ang enclosure ng dalawang Asian Box Turtles ko: ua-cam.com/video/BEHBrEhrtYE/v-deo.html
Ask ko lang po kung sakaling lumaki sila, dahil wala po kong pond, pwede po ba sya sa 120 to 135L decobox?
Yung 135 liters ay nasa 35 gallons so pwede. 20 gallons ay pwede na sa 2 asian box turtle. Yan din gamit ko. Magpo-post ako ng update soon dahil in-uprade ko yang nasa video.
Hindi po ba sila mamatay sa tubig gripo kung sa palangana lang sila nakalagay?
Kung sa palanggana, make sure na may nasasampahan sila para makapagpatuyo. Paarawan din daily ng 3-4 na oras. Laging palitan ang tubig kung walang filter.
May red spots po sa may tiyan ng turtle. Ano po meaning non?
Maaaring Septicemia or blood poisoning dahil sa bacteria.
Anong klaseng snail po yung pinapakain mo sa turtle
Typical pond snails
Grabe po tong mga content mo po ang rami kung na tutunan at maraming salamat po sa pag tuturo and stay safe god bless🥰🥰 and pa shout na den po new subscriber po🥰🥰
Walang anuman. Salamat sa pag-subscribe.
Paano po gamitin yng heater para sa isda?
#PETULUNGAN
Kung submersible, dapat nakalubog lahat. I-slant at ilagay sa gitna para mainitan ang malawak na parte ng tubig. Isaksak lagi dahil kusa namang namamatay yan kapag na-reach na ang temperature na sinet sa kaniya. Papatayin lang kapag magbabawas ng tubig sa tank tuwing magpapalit water. Kapag kasi nakasaksak yan at na expose sa air, mababasag o masisira. I-set ang temp na naaayon sa isdang inaalagaan. Kung tropical ang isda, ang temp ay dapat nasa 24 to 27 degree celcius. Kung goldfish o ibang cold-water fish, hindi need ng heater.
Pwede pobang ipag sama ang betta at guppy sa aquarium?
Ok Po ba malalim Ang tubing?
Kung less than 2 inches pa ang haba, 2-3 inches lang dapat ang lalim kasi pwedeng malunod. Kung sobra na sa 2 inches ang haba, pwede na yung 8 inches ang lalim ng water.
@@katropapets thank you po
May ask po ko dko po kase alam kung PANO schedule Ng feeding time nya araw araw po ba papa kainin ung turtle or like po in 1 week ilang beses po sya papakainin?
2x a day, umaga at hapon.
@@katropapets salamat po ❤️
nice care video! Ask ko lang rin po if okay lang na walang uv or heat bulb? nakalagay naman po sa labas yung tank ko na natatamaan ng araw tuwing umaga :)
Pwede
Mukhang asian box turtle tong napulot ko sa daan ah
Paano po malalaman yung Celcius ng walang thermometer?
Bili ka nung light na may dimmer. Adjust mo lang init na parang sikat ng araw sa tanghali. Kapag hindi nagtatagal yung pagong, maaaring masyadong mainit kaya babaan mo. Adjust adjust mo lang.
Ilang watts po ng uvv light yung kailangan para makapag provide ng 29-32°c?
25 watts lang ang gamit ko. May dimmer naman na kasama kaya pwede mong i-adjust ang init.
Tawagin na lang natin na Asian Box Turtle kasi hindi ko rin masasabi na Malayan yan pero sure ako na kabilang siya sa Amboina Box Turtle na isang specie ng Asian Box Turtle.
Dpat po ba naka on lagi yung uvb light?
Io-on lang siya sa umaga. Papatayin mo rin kapag lubog na ang araw. Kailangan din kasi na makondisyon sila kung anong oras sila dapat na gising at kung anong oras dapat na magpahinga. Gamit na lang ng timer para hindi hassle.
@@katropapets ano po set ng timer ?
Kalangan ba po papers??
Nabili ko siya ng walang papers.
Meron akong malayan box turtle
sir ok lng ba na wlang uvb light ksi outside tank naman siya
Kung nasisikatan naman ng araw ang basking area, okay lang na walang UVB lamp.
@@katropapets anong greens poba pde kainin nila? saka ok lng poba na nasa ref ung mga gulay na papakain salamat po
Kangkong and parsley. Pwede naman na ilagay sa ref para hindi mabilis mabulok ang gulay bago ipakain sa kanila. Iwasan ang cabbage dahil nakakapagpatae-tae yan.
nice video tutorial again katropapets keep it up
Salamat katropapet
Where can you get
I purchased them from Cartimar in Pasay.
Pwede Po ba 4 na turtle magkakasama sa Isang lalagyan? Di Po kaya magpatayan?
Yes kung magkakasing laki sila at sabay sabay silang lumaki sa iisang enclosure lang. At dapat sapat ang size ng enclosure nila.
question lang, pwede ba pagsamahin yung ibang box turtle sa isang aquarium? thank you
Yes kasi maamo naman sila at hindi temperamental. Make sure lang na enough yung space para sa kanila.
Pwed po ba cla pakainin ng rice?
Huwag kasi mataas sa carbs yan na magdudulot ng obesity.
Safe poba ang water conditioner sa turtle?
Yes. Makakatulong ang water conditoner na tanggalin ang chlorine sa tubig. Importante din kasi na dechlorinated ang water na gamit sa kanila para hindi mamatay ang beneficial bacterias na nakakatulong sa pagpapanatiling malinaw ng tubig nila.
9:42 same po hehe
Pwede po ba sila bgyan calcium powder? And dried worms?
Yes pero make sure na may D3 din na kasama dahil hindi nila mapa-process ang calcium without D3. Kung wala namang D3, okay lang naman kung naaarawan sila. Napakain ko na sila ng dried mealworms.
May pagong po akong napulot sa bundok gusto sana namin alagaan kasi parang nilaro laro na butas yung sa baba ng shell nya
Nakakaawa naman siya.
Good day po Kuya aris, new subscriber nyo po ako.. San po mkakabili ng asian boxturtle and hedgehog po?
Nabili ko yang asian box turtle sa Cartimar Pasay. Yung Hedgehog naman, sa Facebook group. Typically, nasa 200-300 pesos ang maliit na asian box turtle at 1k naman yung hedgehog, medyo malaki na.
Kuya, mahirap po bang mag breed ng asian box turtle?
Hindi ko pa naranasan yan pero base sa research ko, mahirap siya lalo na sa incubation ng eggs.
Nice video. Please improve on the audio. The static is making it hard to listen.
Sorry about that
May ide po ba kayo if anong gagawin once nangitlog sila? Naka 4 na egg na kasi at walang na hatch ever. Hinahayaan lang nila
Ilagay sa container na may substrate like soil na may halong sand then incubate - 50% each. Iwasan lang ang soil na may fertilizer o kahit anong chemicals. Kung papaano mo nakuha, ganun din dapat ilalagay sa container na yun. Hindi kasi pwedeng mabago ang pwesto dahil malulunod ang turtle sa loob ng egg. Kapag nakuha sa tubig ang itlog, hindi yan magha-hatch kahit i-incubate pa.
@@katropapets ah okay po, sa may gravel na part naman po na drop yun egg. Thank you so much, big help☺️
Walang anuman. 😊😊😊
Siya nga pala, wisi wisikan ng water (gamit spray bottle) para manatiling wet ang lupa. Yan din pala muna ang gagawin kapag pini prepare na ang substrate. Walang sobrang water ha, yung enough lang para maging moist siya.
idol may 75 gal po ako na aquarium gustokopo sana mag alaga ng malaysian box turtle din po. ang tanong kopo sainyo pwede kopo bang samahan ng gold fish yung dalawang turtle po sana na aalagaan kopo, sa 75 gal posible poba yun?
Hindi mo rin mapupuno ng tubig yan kasi hanggang 10 inches lang dapat ang lalim ng tubig kung asian box turtle ang aalagaan. At since omnivore sila, posible na kainin nila yan. Kung hindi man makain, mai-injure nila. Hindi rin akma ang water temp na kailangan ng bawat isa - tropical ang asian box turtle so mas mataas ang temp requirement nila kaysa sa goldfish na nabubuhay sa malamig na tubig.
@@katropapets kung ang young turtle na less than 2 inches is 2 inches lang ang water, paano po kung 3-5inches na ang turtle same 10 inches na din po ba ang water nila?
araw araw ba papakainin
Yes. Isang beses sa umaga at isang beses sa hapon.
San po maka bili ng pagkain nila? At ano po name ng food nila. May alaga kasi ako now nakita lang namin. Kawawa naman
Pwede ang mustasa, romaine lettuce at kalabasa (raw). Sa meat naman, pwede ang raw na shrimp at isda basta hiniwa muna sa maliliit na piraso. Huwag mag overfeed para hindi sila maging obese. Sa dried naman, you can try yung pellets for aquatic turtles.
Nabibili ko sa akin sa palengke at yung iba sa pet shops at Shopee or Lazada.
#PETULUNGAN salamat po dahil Sayo po marami Ako na tutunan may
Alaga din po Ako na asian box turtle
Binili ko po 3 inches Ngayon 4 inches na Ang pangalan nya po ay si pong ako po ay 12 years old palang
Sana po mapansin Yung chat ko
Walang anuman. Mag-comment ka lang kung may questions ka para masagot ko.
Ilang wats po ba ang kailangan ng ilaw?
Kung malapit naman sa basking area nakatapat ang uva/uvb light, 50 watts will do (let's say mga isang ruler ang pagitan). Pero kung mas malayo, 100 watts.
Pwede po turtle give away👀
Try natin
Hi sir paano po yan d naman po kami ganon kayaman wala po kaming enclosure na pag lalagyan sa malayan box turtle namin sa plangana lang po sya nakalagay pede ba po yun?......at btw ang pakain po namin sa kanya is bayabas pede din ba po yun?
Wala naman problema. Make sure lang na may sampahan siya para makapagpatuyo sila. Kapag laging nakababad sa tubig, mabubulok ang shell nila dahil pamamahayan ng bacteria. Okay lang na walang filter as long na nakakapagpalit ka ng tubig every other day dahil messy eaters and messy poopers sila. Okay lang na wala kang UVA/UVB lamp as long na natatamaan ng sunlight ang enclosure nila. Pagdating naman sa pagkain, mas maganda na mayaman sa protina para hindi mapigilan ang paglaki niya kagaya ng isda - mayaman sa protein pero mababa sa fats. Kung vegetable naman, mas okay ang kangkong dahil sigurado na kakainin nila yan.
Ano po name nung uvb light nyo? di po kasi mahanap sa link na binigay nyo hehe
Turtle Basking UV Heating Lamp