Gloc 9 - Walang Natira (Lyrics) feat. Sheng Belmonte

Поділитися
Вставка
  • Опубліковано 28 гру 2024
  • ♫ Gloc 9 - Walang Natira (Lyrics) feat. Sheng Belmonte
    🎤 Lyrics: Gloc 9 - Walang Natira feat. Sheng Belmonte
    Napakaraming guro dito sa amin
    Ngunit bakit tila walang natira?
    Napakaraming nurse dito sa amin
    Ngunit bakit tila walang natira?
    Nag-a-abroad sila
    Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman
    Nag-a-abroad sila
    Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman
    Nag-a-abroad sila
    Lupa kong sinilangan, ang pangalan ay Pinas
    Ngunit bakit parang puno na ang prutas ay pitas?
    Nauungusan ng batas, parang inamag na bigas
    Lumalakas na ang ulan, ngunit ang payong ay butas
    Tumatakbo nang madulas, mga pinuno ay ungas
    Sila lang ang nakikinabang, pero tayo ang utas
    Mga kabayan natin ay lumilipad, lumalabas
    Para pumunta ng ibang bansa at doon magtanas
    Ng kamay para lamang magkakalyo lang muli
    Ang pahinga'y iipunin para magamit pag-uwi
    Dahil doon sa atin, mahirap makuha ang buri
    Mabahiran ng tsokolate ang matamis na ngiti
    Ng anak na halos 'di nakilala ang ama
    O ina na wala sa t'wing kaarawan nila
    Darating kaya ang araw na ito'y mag-iiba?
    Kung hindi ka sigurado, mag-isip-isip ka na
    Napakaraming inhinyero dito sa amin
    Ngunit bakit tila walang natira?
    Napakaraming karpintero dito sa amin
    Ngunit bakit tila walang natira?
    Nag-a-abroad sila
    Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman
    Nag-a-abroad sila
    Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman
    Nag-a-abroad sila
    Mabuti kung mabuti ang kinakahinatnan
    Ng kapalaran ng lahat ng nakipagsapalaran
    Kahit nag-aalangan para lang sa kapakanan
    Ng mahal sa buhay, ang sugal ay tatayaan
    Isasanla ang lahat ng kanilang mga pag-aari
    "Mababawi rin naman", 'yan ang sabi 'pag nayari
    Ang proseso ng papeles para makasakay na
    Sa eroplano o barko kahit saan man papunta
    Basta kumita ng dolyar na ipapalit sa piso
    Ang isa ay katumbas ng isang dakot na mamiso
    Ganyan ba ang kapalit ng buhay ng Pilipino?
    Lilisanin ang pamilya ang amo na kahit na sino?
    Gugutumin, sasaktan, malalagay sa peligro
    Uuwing nasa kahon, ni wala man lang testigo
    Darating kaya ang araw na ito'y mag-iiba?
    Kung hindi ka sigurado, mag-isip-isip ka na
    Napakaraming kasambahay dito sa amin
    Ngunit bakit tila walang natira?
    Napakaraming labandera dito sa amin
    Ngunit bakit tila walang natira?
    Nag-a-abroad sila
    Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman
    Nag-a-abroad sila
    Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman
    Nag-a-abroad sila
    Subukan mong isipin kung gaano kabigat
    Ang buhat ng maleta, halos hindi mo na maangat
    Ihahabilin ang anak, para 'to sa kanila
    Lalayo upang mag-alaga ng anak ng iba
    Matapos lamang sa kolehiyo, matutubos din ang relo
    Bilhin mo na kung ano'ng gustong laruan ni Angelo
    Matagal pa'ng kontrata ko, titiisin ko muna 'to
    Basta ang mahalaga, ito'y para sa pamilya ko
    Napakaraming guro dito sa amin
    Ngunit bakit tila walang natira?
    Napakaraming nurse dito sa amin
    Ngunit bakit tila walang natira?
    Nag-a-abroad sila
    Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman
    Nag-a-abroad sila
    Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman
    Napakaraming tama dito sa atin
    Ngunit bakit tila walang natira?
    #gloc9 #WalangNatira #ShengBelmonte #stringomusic
    ✨ Tags:
    walang natira,sheng belmonte,walang,natira,walang natira gloc 9 ft. sheng belmonte,walang natira gloc 9 feat sheng belmonte karaoke,walang natira gloc 9,walang natira lyrics,belmonte,gloc feat. sheng belmonte,gloc 9 walang natira lyrics,lyrics gloc 9 walang natira,walang natira lyrics

КОМЕНТАРІ • 3

  • @RoseRotairo-c2w
    @RoseRotairo-c2w 21 день тому +3

    Reality sa pinas 😢

  • @AgnesHao-j2p
    @AgnesHao-j2p Місяць тому +2

    Yan anghirap sa atin ang batas sa tin pera ang kailangan ipasok sa ating bansa para komuta.

  • @JuanAcostajayly
    @JuanAcostajayly Місяць тому +1

    🎉