Buhay sa Probinsya Part 1 | Masarap kumaen kapag kasama ang pamilya | Sarap maligo sa Ilog

Поділитися
Вставка
  • Опубліковано 23 лис 2024
  • Buhay sa Probinsya Part 1
    Day 1 - Bumyahe kami ng aking pamilya papuntang Pangasinan para magbakasyon at makasama ang iba pa naming pamilya. Pagdating namin ay agad na kumain at matapos ay nagtungo agad sa ilog upang magtampisaw at maligo. Ito ay isa sa aking mga binabalikang alaala ng aking kabataan. Sa ilog madalas kaming maligo, maghanap ng isda or maglaro. Pagkatapos maligo ay pumunta naman kami sa bukid ng aking ama, para bisitahin ang kanyang mga tanim na gulay at alagang baka. Doon ay nakita namin ang napakaraming tanim na sari-saring gulay. May talong, okra, kalabasa, patola, sitaw, kamatis, at marami pang iba. Kahalintulad ng mga gulay sa bahay kubo. Matapos nito ay nagluto kami ng suman na miryenda na talaga namang napakasarap. Nagbabalik sa alaala ng aking kabataan.
    Day 2 - Camping na napunta sa Picnic. Hindi kami natuloy sa camping dahil sa bagyong leon. Matubig at maputik na ang bukid dahil sa ulan. Kaya naisipan na lang namin na magpicnic, kung saan kami ay nagluto ng inihaw na manok, pinakbet at mga sariwang gulay. Tunay na hindi matatawaran ang pagluluto sa bukid at kumain ng sariwang gulay. Isa ito sa mga experience o alaala na nais kong ipasa sa aking anak. Tunay na biyaya ng Diyos.
    Kung nagustuhan mo ang videong ito, huwag kalimutang i-like at magsubscribe. Maraming salamat.
    If you like this video dont forget to like and subscribe.
    Maraming salamat sa inyong pagsuporta at panonood ng aking mga videos.
    Thank you for supporting and watching my videos.
    #buhaysaprobinsya #sariwanghangin #sariwanggulay #malinisnailog #buhaysabukid #bukidatgulay #bahaykubo

КОМЕНТАРІ •