Gagawin ko po dependent si misis kaso pag dating ko sa philhealt office. May personal philhealth nmber daw sya kasi never naman sya nag register. Nagulat kami pareho ni misis. Now po pede kaya pa deactivate nalang un at ilagay si misis as dependent
Sir kung member na po ni PhilHealth asawa niyo hindi na po siya pwedeng maging dependent niyo at hindi na po pwedeng madeactivate yon kasi ang PhilHealth Number ay pang lifetime na po.
Bkit s dependent my nilagay aq ung daughter k at asawa k bkit pag bigay s akin ng papel no dependent nklagay s bahay k nlng nakita n wlang nkalagay n depndent
Hi po mam ask ko lang po, yung mama ko po ay member ng philhealth at dahil nag ofw po siya di niya nahuhulugan simula 2011 pa po at gusto nya gawin ko siyang beneficiary dahil mag papa opera po siya 52yrs old po siya at need na po mapatanggal kundi maging cancer. Pwede ko po ba gawin siyang beneficiary po?
Hello po Maam ask ko lang po Maam. Need po ba iupdate ang Philhealth Indigent ko po malapit na po akong manganganak. Magagamit ko po ba yun? 24 yrs. Old na po ako maam.
Yong dependent po ba ang ibig niyong sabihin?Pag naglagay po kayo ng dependent ang requirements po ay birth certificate ng dependent niyo at valid Id niyo po tapos yong PMRF na may filled-up niyo na yan po ang ibibigay niyo sa PhilHealth branch.
Pag ang dependent niyo po ay anak niyo na may edad 21yrs.old pababa ang requirements ay Birth Certificate dahil wala pa naman po silang ID. Kung wife niyo naman po Marriage Certificate niyo po.
Ganyan din prob. Ko now... Papalagay ko kase anak ko Sana dependent Kya LNG hirap kumuha ng PSA ngayun need pa pla mag appointment galing ako munisipyo sayang lakad ko...😢
Hindi po yata pwede mag tanggal ng dependent ang pwede lang ay mag dagdag hindi po ako sure itanong niyo nalang po sa PhilHealth branch para sigurado po.
Kailangan po Sir kayo po mismo ang pupunta sa PhilHealth branch para mag asikaso about sa dependent niyo,pag parents na naman po ang magiging dependent ang pwede lang po ay 60yrs old pababa yong PWD,may sakit at hindi maka pag trabaho.
Hi maam ask kolang if pwede maging dependent ko yong illegitimate child ko? Only child kolang po sya ngayon nasa pangangalaga kona sya kasi pumanaw na yong mother niya. Ano po mga ka kailangan in gawin. Hindi rin po kasi nakalagay name ko sa birthday certificate ng anak ko
@@BeginSluck-ew7vd Child or children - legitimate, legitimated, acknowledged and illegitimate (as appearing in birth certificate) adopted or stepchild or stepchildren below 21 years of age, unmarried and unemployed. Children who are twenty-one (21) years old or above but suffering from congenital disability, either physical or mental, or any disability acquired that renders them totally dependent on the member for support, as determined by the Corporation.
Tanong lang po, Matagal napo ako naka bayad bali lampas 1year po 2019 sguro, tapos mag update ako bg dependents ko po, magagamit padin ba philhealth ko kahit dina din ako nakakabayad hanggang ngayon?
@@CristyMixVlog Tanong lang po uli, yung partner ko po kumuha ng philhealt binabayaran nya ngayon mag 4months na updated magagamit po ba sa pag papanganak niya this January?
@@teddysonaves1498Ilang taon niya na po na hulogan?Kung matagal niya na po nahulogan at updated po ang hulog,yes po magagamit niya kung updated po ang hulog,kumuha lang po siya ng updated MDR kasi yon po ang ipapakita sa hospital.
Mam paano po qng nkpgbyad n kmi ng bill s ospital..ndi po nmin ngmit ung philhealth kc po ndi po xa update..pg naupdate po b un pwd po bng marefund ung binayad nmin
Maam, pwede ko pa ba ma beneficiaries ang10- yr old kung anak, kaso naka beneficiary na cya sa papa nya, pero hiwalay na kami, wla na akong kontak sa kanya.
Hindi na po yata maalis yon kasi yong PhilHealth Number ay pang lifetime na po,baka po ang pwede nalang niyang gawin ay hulogan yong PhilHeath Number niya kasi pag dependent na po automatic may PhilHealth Number na,pero hindi po ako sure itanong niyo nalang po sa PhilHealth Branch .
hello po paano.po pag yung anak ko po sana ilalagay as dependent sa philhealth po ng asawa ko.need po ba kasal kami.kahit yung anak ko lng sana ilagay kahit hndi po muna ako habang dipa kami kasal sana masagot
Hello po yes pwede po ilagay yong anak niyo na dependent ng asawa mo kahit hindi pa kayo kasal basta naka apelyido lang po sa asawa niyo or nabinyagan na po siya need po kasi ng Birth Certificate ng anak niyo ,ang edad naman po na pwede sa anak ay 21yrs.old pababa.
Maam ask ko lang po .....paano po kung married pa? Pero 10years na separated at may kanya kanya na kaming bagong pamilya?? Pwede bang single na ang ilagay at hindi na married?
Kailangan niyo po muna i-declare na dependent yong asawa niyo para po magamit niya yong PhilHealth niyo,at dapat po hindi pa siya member ni PhilHealth bago niyo po siya ilagay sa dependent niyo.
Good day ma'am, pwede ko ba i-correct agd un adress ko sa permanent address , ksi mali un brgy number nkalagay , bukod dun sa updating arrangement mgllgay dn ako ng correction.
@charls121593 Sir mag fill-up po kayo ng form yong PMRF tapos sa purpose i-check niyo po yong box na katabi ng updating tapos hanapin niyo po ang Upating/Amendment i-check niyo po yong box na katabi ng Updating of Personal Information/Address tapos ilagay niyo sa From yong address na nilagay niyo yong may mali tapos sa To yong tamang address na po.
@@charls121593Sir sa No.II po yong tamang address ang ilalagay niyo tapos po sa No.V Updating/Amendment diba po may nakalagay na Updating Personal Information/Address i-check niyo po yong box na katabi niya tapos meron syang From ilalagay niyo po doon yong maling address tapos sa To naman yong tamang address. Example: V.UPDATING/AMENDMENT From To ✅Updating maling tamang Personal address address Information/ Address
Hindi po pwede,pwede lang maging dependent ang parents kung eto ay PWD or hindi makapag trabaho.Ang pwede lang po maging dependent ay asawa(kasal) na hindi pa member ni PhilHealth at anak na may edad 21yrs. old pababa,walang asawa at walang trabaho.
Ndi po kc kmi nkpg update ng philhealth bgo kmi madischarge s ospital..nataon po kc holiday ng ilang araw..my pag asa po bng marefund ung binayad q s ospital..slmt po
Ma'am pwede lang po maging dependent ang parents na 60yrs.old pababa yong PWD at hindi makapag trabaho dapat din po hindi siya member ng PhilHealth,60 yrs.old pataas naman automatic na po yon senior citizen.
Hi po ask ko lang po, Kumuha ako ng Philhealth nung buntis ako yr 2019 pa at ngamit ko yun 2x nanganak at nung nagkasakit anak ko.. naubos ang laman 3yrs na din di nahulugan simula nung nanganak ako at ngayon po eh nawala ang Philheath ID ko.. Kukuha ba ako ng bagong Philheath? O magdadala ng affidavit of loss ? At gusto ki rin po sana mging beneficiary ang anak ko sa Philheath need ko ba ng bago ?
Hello po,yong PhilHealth Number po ay lifetime na po siya kaya hindi niyo na po kailangan kumuha ng bagong PhilHealth Number.Yong about naman po sa PhilHealth ID na nawala hindi po ako sure kung pwede po ulit kumuha or kung ano ang gagawin pag nawala itanong niyo nalang po sa PhilHealth Branch na malapit sa inyo.Yong sa dependent naman po mag fill-up lang po kayo ng PMRF at i-declare niyo po doon dependent niyo at dapat po updated yong hulog niyo sa PhilHealth.
Pano po pag ako ay member at si misis pwede po ba na pareho namin gawin beneficiary si baby? If ever po hindi sino po ang mas ok na beneficiary ni baby si father na sa private nag work or si mother na sa public ang work. Thanks po.
Hi po mam asked ko lng po Pag ako p b kukuha ng Philhealth I'd ok lng po ba n gamitin ko ung pin n nanganak ako s ospital ng Quezon Pero taga Oriental Mindoro po ako ano po yun ma'am un po b gagamitin ko or kukuha nlng panibago register salamat p s sagutin .
Yong PhilHealth Identification Number(PIN) po ay lifetime na po yan,kaya po isang PhilHealth # lang po dapat ang gagamitin niyo.Pwede naman po kumuha ng PhilHealth ID kahit saan.
Ma'am ask ko lang po, ano po ba req. Pg mag a-update ng depents po ? And philhealth po ng partner ko po yung e A-update, di po kasi sya makapag absent sa work kung hindi emergency eh, kaya ako yung gusto niyang mag update sa philhealth niya, ang kaso lng di po kami kasal, pwede po kaya yun ? And ano po ba req. Pag ganun po ? Thank you and God bless 😊
Eto po ang mga qualified sa PhilHealth dependents: Legitimate spouse who is not a member; Child or children - legitimate, legitimated, acknowledged and illegitimate (as appearing in birth certificate) adopted or stepchild or stepchildren below 21 years of age, unmarried and unemployed.
Sir ang ilalagay niyo po ba na dependent ay yong asawa niyo?Kung yong asawa niyo po ang ilalagay niyo na dependent,yes po photocopy lang ng marriage certificate ang ipapasa niyo pero dapat po hindi pa member ni PhilHealth yong wife niyo.
@@roniecanelas9598Sir hindi niyo na po siya pwedeng maging dependent kasi member na po siya ni PhilHealth,anak niyo nalang or mga anak ang pwede niyong maging dependent.Yong sa asawa niyo naman po pwede po siya mag voluntary kung gusto niyang tuloy2x ang hulog.
Mam yung company namin lagi namn pong nag kaltas ng philhealth.. pero yung tinignan ko philhealth account ko . Apat na hulog palang andun na dapat 3years na dpat ang laman
Itanong niyo po sa company niyo kung bakit nagkakaltas sila pero hindi naman naka record sa PhilHealth account niyo yong contribution,ipakita niyo rin po sa company niyo yong PhilHealth account niyo katunayan na apat palang yong hulog.
Ma'am hindi po online ang pag fill-up,handwriting po siya.Kailangan niyo po mag download ng PMRF tapos ipa-photocopy niyo tapos tsaka niyo po fill-upan.
Hindi po yata pwedeng magtanggal ng dependent sa PhilHealth hindi po ako sure kung pwede,para sure po itanong niyo nalang po sa PhilHealth branch ,hindi ko pa po kasi na try mag tanggal.
Hi maam ask ko lng ano need na reqs. Pg mg add ng dependents anak ko po..not married nakalast name po kay mister .. then ano po need na reqs. If kuha ng id ? Slmat po
Ma'am pag nag add po ng dependents ang requirements po ay valid ID niyo po kung sa inyo ilalagay na dependent pero kung sa asawa niyo po ilalagay valid ID po ng asawa niyo, tsaka Birth Certificate ng dependents niyo for example anak niyo photocopy lang po ng Birth Certificate niya,then sa pag kuha naman po ng ID ng PhilHealth wala naman pong requirements may filled-upan kalang po doon.
@@zyraelona9265 Ma'am hindi po pwede ang baptismal kailangan po talaga Birth Certificate yan po ang valid para sa mga bata kasi wala pa silang valid ID.
What if deceased senior citizen na yung may ari ng Philhealth maam? Pwede parin ba magamit ng dependent nya yung Philhealth sa hospital? At ano po requirements para manghingi ng bagong MDR doon sa opisina ng PH?
The unexpired portion of coverage of a deceased member may be used by dependent spouse and children in the counting of qualifying contributions and availment of PhilHealth benefits. Pwede naman po,hingi po kayo ng updated na MDR sa PhilHealth Branch magdala po kayo ng ID,yong updated na MDR po kasi ang hinihingi sa hospital.
Hi! Asked ko lang, what if dependent na po sila ng tatay nila at gusto ng nanay na dependent din ang mga anak niya sa philhealth niya? Okay lang po ba yun?
Sir ang pwede po maging dependent ay yong legal na asawa na hindi pa member ni PhilHealth ,yong anak na 21yrs.old pababa.Ilan po ba ang dependendent na ilalagay niyo?
good day po... paano po kung ang anak o isang dependent po ay nabuntis, estudyante papo sya sa 1st year college nabuntis po 19 years old at 20 na po sya pagkapanganak nya sa oct na drting, ngayong sy 2023-2024 hindi na muna sya mag aaral dahil bawal na at malaki na ang tiyan, ang ama po ng bata ay bumibisita lang po sa bahay hindi pa cla kasal, ang tanong ko po makaka avail paba ang anak ko sa philhealth as dependent ng papa niya po? ano po ang kailangan nmin gawin? sana po masagot nyo po, salamat po
@@qrvampx3678 Yes po makaka avail pa yong anak niyo kasi dependent naman siya ng asawa niyo po.Ipakita niyo lang po yong Member Data Record(MDR) at tsaka PhilHealth ID ng asawa niyo para katibayan na dependent ng asawa niyo ang anak niyo po. .
Dba po kapag 60 na dun palang pwedeng I add sa dependent ?papaano pp kung Malabo na Mata Ng nanay ko pero Wala pa sya sa 60 ano po pwedeng Gawin? May paraan po ba para ma add pa sa dun?
Hello po Sir member na po ba ni Philhealth nanay niyo or hindi?,kung member po siya ni Philhealth at hindi na niya nahuhulogan kayo nalang po maghuhulog pwede lang po kasi maging dependent ang parents na 60yrs.old pababa kung may kapansanan or PWD kapag 60yrs.old pataas naman po automatic sa senior na po sila.
@@risktaker6459 Sayang naman po dapat po talaga member ni PhilHealth at updated po ang hulog para incase na magkasakit po malaking tulong c PhilHealth.
@@edmontardecilla3056 Hello po,yong wife niyo lang po na legitimate spouse or kasal tsaka anak niyo na below 20 yrs.old pababa ang pwede sa dependents,yong parents po na below 60yrs.hindi po pwede sa dependents.
@@russeljayabellanosa1514 yes po Sir pwede po maging dependent ang anak mo kasi naka apelyido naman sayo,21 yrs.old pababa lang po ang pwede maging dependent kapag anak niyo po.
Hello po, ask ko lang po, pwede po ba ako na Lang mag update online sa data ng nanay ko? I uupdate po yung birthday niya, Mali po kasi yung record and 61 years old na po yung dependent niya yun po ay tatay ko. Need pa po ba iupdate sa dependent niya yung tatay ko ang birthday niyakahit 61years old na? Or panibagong update na Lang po na bukod dahil senior na po tatay ko. Thanks po
Ma'am hindi po ako sure kung pwede mag update ng information online katulad ng birthday,para po sure punta nalang po kayo sa PhilHealth office mismo mag download lang po kayo ng PMRF tapos ipa print niyo nalang at fill upan para po mabilis.
Hindi po ako sure kung tinatanggap kahit hindi naka PSA,para po sigurado yong naka PSA nalang po ang ipasa niyo,photocopy lang naman po ang ibibigay niyo doon.
Hello po. Ask ko lang dapat po ba tlaga same yun permanent home address at mailing address? What if po i live somewhere for work? Yung permanent address pa rin po ba yung ilalagay
Ma'am need na po yata ngayon ang PSA Birth Certificate.Yong sa anak ko po kasi dati ang pinasa ko hindi pa siya PSA Birth Certificate pero matagal na po yon.Para sure po kuha nalang po kayo ng PSA Birth Certificate magagamit niyo din naman po sa school.
Kung nagwowork po kayo sa Company at kinakaltasan kayo monthly dapat po meron po yan March at June,para ma monitor niyo po yong contribution niyo monthy gawa po kayo ng account sa PhiHealth.
Good day po maam..beneficiary po kc nag aswa ko ang anak q..at matagal n po cxa walang work..ngaun po is may parating n operation ung anak ko..pano q po kaya cxa ililipat as beneficiary ko,o ayan n mismo ung mismong process..salamat po
Sir kung yong anak niyo ay dependent po ng asawa niyo magagamit lang po ng anak niyo yong PhilHealth ng asawa niyo hindi na po malilipat yon sainyo.Ang gawin niyo nalang po ay hulogan ang PhilHealth ng asawa niyo, kailangan po kasi may updated na hulog yon para po maging active yong PhilHealth ng asawa niyo,,hindi ko lang po alam kung ilang buwan ang dapat hulogan
Pag po b maam.. nahululugan q ung philhealth ng asawa ko regarless po kung gano cxa katagal nabakante n walang hulog.. ung po bang makocover nun sa bayarin sa hospital eh pareho lng dn dun sa continous n naghuhulog..
Ma'am hindi po yata pwedeng magtanggal ng dependent hindi po ako sure itanong niyo nalang po sa PhilHealth Branch kung pwedeng magtanggal para po sure.
Mam wala po akong beneficiary okay lang po ba ilagay nanay kong senior na? Wla akong asawa at anak pati kapatid na bata pa lahat may asawa at pamilya na nanay ko nalang. Pwede po ba yon?
Ma'am pag Senior na po nanay niyo hindi na siya pwedeng beneficiary ang pwede lang po ay parents na 60yrs.old pababa yong PWD,may sakit at hindi makapag trabaho.
@@Mark_YT1223 Sir need po ng photocopy ng Birth Certificate ng anak niyo tapos kau naman po Id lang po sa inyo hindi na po kailangan ng Birth Certificate niyo.
Sir pwede niyo lang po maging dependent ang asawa niyo kung kasal po kayo at hindi pa po siya member ng PhilHealth,yong anak niyo naman pwede rin maging dependent kung siya ay 21yrs.old pababa.
@@johnmendoza3795Sir hindi pa po ba member ni PhilHealth yong wife niyo?Yes po Sir kailangan niyo pa po mag fill-up ng form yong PMRF mag download po kayo kung wala kayong PMRF, tapos sa purpose i-check niyo po yong box na katabi ng Updating tapos hanapin niyo po yong Declare Dependents,basta sundan niyo lang po yong nasa video.
Isa lang po Ma'am sa inyong dalawa it's either ikaw or asawa mo, I suggest sa asawa niyo nalang po Ma'am kung stable naman po job niya.Need po pala photocopy ng Birth Certificate ng anak niyo at tsaka valid Id ng asawa niyo po sa pag add ng dependent.
Hello po saglit lang po yon 2-3 minutes lang, pag naipasa niyo na po sa PhilHealth branch yong form at photocopy ng Birth Certificate ng dependent niyo ibibigay din po agad yong MDR niyo at nakalagay narin po doon yong Dependent Information sa MDR .
photocopy Lang po in north certificate ng mga dependent at i.d po
yung dependent ko po is wife at daughter ko
masagot po Sana salamat po
Yes po photocopy lang ng Birth Certificate ng dependent at original po ng valid Id niyo.
Gagawin ko po dependent si misis kaso pag dating ko sa philhealt office. May personal philhealth nmber daw sya kasi never naman sya nag register. Nagulat kami pareho ni misis.
Now po pede kaya pa deactivate nalang un at ilagay si misis as dependent
Sir kung member na po ni PhilHealth asawa niyo hindi na po siya pwedeng maging dependent niyo at hindi na po pwedeng madeactivate yon kasi ang PhilHealth Number ay pang lifetime na po.
Bkit s dependent my nilagay aq ung daughter k at asawa k bkit pag bigay s akin ng papel no dependent nklagay s bahay k nlng nakita n wlang nkalagay n depndent
Ilang taon na po ba yong anak niyo,yong asawa niyo po ba kasal kayo at hindi pa po ba siya member ni PhilHealth?
Hi po mam ask ko lang po, yung mama ko po ay member ng philhealth at dahil nag ofw po siya di niya nahuhulugan simula 2011 pa po at gusto nya gawin ko siyang beneficiary dahil mag papa opera po siya 52yrs old po siya at need na po mapatanggal kundi maging cancer. Pwede ko po ba gawin siyang beneficiary po?
.. . Makukuha din pu ba ka agad ang mdr pag nag pa add ka ng beneficiary ?
Kung same day din pu ba ? .. .
@@JadetinLasala Yes po,makukuha po agad 3-5 minutes,same day.
Hello po Maam ask ko lang po Maam. Need po ba iupdate ang Philhealth Indigent ko po malapit na po akong manganganak. Magagamit ko po ba yun? 24 yrs. Old na po ako maam.
Kung nahuhulogan po Ma'am magagamit niyo po.
If 6 po ang independent need poba mag 2 form ang gamitin
Yong dependent po ba?Yes po 2 form po.
20 19 pa po un pillhelt ng asawa ko panu po i up date
Punta po kayo sa PhilHealth Branch at itanong niyo po doon kung anong month or year po kayo pwedeng maghulog.
Madam paano Po kaya Kong Ang Isang dependants Po eh Wala napo . .
Ano pong ibig niyong sabihin na wala na?
madam what if yung independent ko na nailagay nuon wala akong live birth na ipakita hindi na po ba pwede ipasok sila
Yong dependent po ba ang ibig niyong sabihin?Pag naglagay po kayo ng dependent ang requirements po ay birth certificate ng dependent niyo at valid Id niyo po tapos yong PMRF na may filled-up niyo na yan po ang ibibigay niyo sa PhilHealth branch.
paano po pag asawa need ba marriage contract?
Yes po,ipa-photocopy niyo yong marriage contract.
Maliban po sa birth cert na requirements for dependets?ano pa po ino honor nilang ibang requirements?
Pag ang dependent niyo po ay anak niyo na may edad 21yrs.old pababa ang requirements ay Birth Certificate dahil wala pa naman po silang ID. Kung wife niyo naman po Marriage Certificate niyo po.
Hello po .pano po pag dipa kasal
paano po pag change birth cert ng dependent? mali po kasi nailagay sa mdr.
Update niyo nalang po sa Philhealth branch .
mam paano po pag mgaadd ng benefi
ciary pero hindi po nkaapilyo sa tatay nya.
Dapat po naka apelyido sa tatay niya,makikita po kasi yan sa Birth Certificate ng bata.
Hi po. Pwede pa ba na live birth cert palang ang meron, new born baby ko po ang gagawin kong dependent. Wala pa po syang PSA. Thank you po
Hindi po ako sure kung tinatanggap po yong Live Birth lang,PSA Birth Certificate po kasi ang pinasa ko.
@@CristyMixVlog okay salamat po 👍🏼
@@elshannecescar6084 You're Welcome!❤❤❤
Ganyan din prob. Ko now... Papalagay ko kase anak ko Sana dependent Kya LNG hirap kumuha ng PSA ngayun need pa pla mag appointment galing ako munisipyo sayang lakad ko...😢
First time ko po kukoha ng philhealt gagamitin ko para sa panganganak ko ano po lalagay kosa independent
Kailangan po may updated na hulog.
Pwede po bang mag remove ng name sa dependent??
Hindi po yata pwede mag tanggal ng dependent ang pwede lang ay mag dagdag hindi po ako sure itanong niyo nalang po sa PhilHealth branch para sigurado po.
Hello po mam ano po ilalagay sa declaration of dependents maiden sa pagkadalaga or apelyido na po ni mister ang ilalagay ?
Nag change na po ba kayo ng status niyo?
@@CristyMixVlog hindi pa po.
Paanu naman kung nasa ibang basa yun mag aayos or gusto ko ilalagay mother ko para sa dependent?
Kailangan po Sir kayo po mismo ang pupunta sa PhilHealth branch para mag asikaso about sa dependent niyo,pag parents na naman po ang magiging dependent ang pwede lang po ay 60yrs old pababa yong PWD,may sakit at hindi maka pag trabaho.
Mam ask lang po pag po ba ako nag pa update example tomorow ako mag pa update ng dependent magagamit na din po ba ng dependent ko un this day din po
Updated po ba ang hulog niyo?
Hi maam ask kolang if pwede maging dependent ko yong illegitimate child ko? Only child kolang po sya ngayon nasa pangangalaga kona sya kasi pumanaw na yong mother niya. Ano po mga ka kailangan in gawin. Hindi rin po kasi nakalagay name ko sa birthday certificate ng anak ko
Ilang taon na po ba siya?
11 po
@@BeginSluck-ew7vd Child or children - legitimate, legitimated, acknowledged and illegitimate (as appearing in birth certificate) adopted or stepchild or stepchildren below 21 years of age, unmarried and unemployed.
Children who are twenty-one (21) years old or above but suffering from congenital disability, either physical or mental, or any disability acquired that renders them totally dependent on the member for support, as determined by the Corporation.
How to add my live in partner as my independent person in my philhealth account?
Hindi po pwede kapag live-in partner,dapat po kasal.
Tanong lang po, Matagal napo ako naka bayad bali lampas 1year po 2019 sguro, tapos mag update ako bg dependents ko po, magagamit padin ba philhealth ko kahit dina din ako nakakabayad hanggang ngayon?
Kailangan po updated ang hulog para po magamit.
@@CristyMixVlog Tanong lang po uli, yung partner ko po kumuha ng philhealt binabayaran nya ngayon mag 4months na updated magagamit po ba sa pag papanganak niya this January?
@@teddysonaves1498Ilang taon niya na po na hulogan?Kung matagal niya na po nahulogan at updated po ang hulog,yes po magagamit niya kung updated po ang hulog,kumuha lang po siya ng updated MDR kasi yon po ang ipapakita sa hospital.
paano po kung married pero ayaw mo isama sa dependents ung asawa mo kasi hiwalay naman kami
Ok lang naman po kung hindi niyo ilagay as your dependent ang asawa niyo.
Mam paano po qng nkpgbyad n kmi ng bill s ospital..ndi po nmin ngmit ung philhealth kc po ndi po xa update..pg naupdate po b un pwd po bng marefund ung binayad nmin
Hindi na po marerefund yon,dapat po kasi updated ang hulog para po magamit.
Dipo ba pwde ilagay asawa kopo sa depentant dipo ksi kami kasal po
Hindi po pwede.
mam pag hindi na active ang member like 9yrs di naghuhulog counted pa din ba sya as legal spouse yun husband wala sya work
Sino po ba ang member,yong husband niyo po ba?
maam paanu Naman Po kapag philhealth ay naka addres sa iBang Lugar.. salamat po❤
Okay lang po yon kahit naka address sa ibang lugar pwede naman po ipasa ang form kahit saang PhilHealth Branch.
Maam, pwede ko pa ba ma beneficiaries ang10- yr old kung anak, kaso naka beneficiary na cya sa papa nya, pero hiwalay na kami, wla na akong kontak sa kanya.
Kung dependent na po siya ng papa niya hindi na po yata pwede maging dependent niyo.
Pano po bag dependents ang ina-update tapos wala pong check box para sa update of dependents, okay lang po ba na hindi makacheck sa box?
Ano po ang i update niyo sa dependents personal information po ba ng dependents niyo or mag add po kayo ng dependents.
Good morning ask ko lnq if may babayaran paq maq update nq dependents sa philhealth
Ma'am wala pong babayaran pag mag update ng dependents sa PhilHealth.
Hello ask lang may idea po ba cla pano alisin yung indigent beneficiary para maka kuha na sya sa riling phil health number. Need kc nya s work
Hindi na po yata maalis yon kasi yong PhilHealth Number ay pang lifetime na po,baka po ang pwede nalang niyang gawin ay hulogan yong PhilHeath Number niya kasi pag dependent na po automatic may PhilHealth Number na,pero hindi po ako sure itanong niyo nalang po sa PhilHealth Branch .
hello po paano.po pag yung anak ko po sana ilalagay as dependent sa philhealth po ng asawa ko.need po ba kasal kami.kahit yung anak ko lng sana ilagay kahit hndi po muna ako habang dipa kami kasal sana masagot
Hello po yes pwede po ilagay yong anak niyo na dependent ng asawa mo kahit hindi pa kayo kasal basta naka apelyido lang po sa asawa niyo or nabinyagan na po siya need po kasi ng Birth Certificate ng anak niyo ,ang edad naman po na pwede sa anak ay 21yrs.old pababa.
pagkaprocess po ng ganto sa philhealth office, agaran po ba yon maguupdate o need pa maghintay? pede na din po kaya magamit agad sa ospital?
Pagnaipasa niyo na po yong form sa PhilHealth Branch,mag wait lang po kayo saglit tapos tatawagin po ulit kayo para ibigay yong MDR niyo.
Maam ask ko lang po .....paano po kung married pa? Pero 10years na separated at may kanya kanya na kaming bagong pamilya?? Pwede bang single na ang ilagay at hindi na married?
Hindi po siguro pwede yon kasi hindi pa naman po yata kayo annulled or divorce.
Di po ba magagamit yung Phil heath ng asawa pag wala sa list ng dependents? Kahit legally married
Kailangan niyo po muna i-declare na dependent yong asawa niyo para po magamit niya yong PhilHealth niyo,at dapat po hindi pa siya member ni PhilHealth bago niyo po siya ilagay sa dependent niyo.
Hi maam, sa may likod po sa number V ng form, ano po chineckan niyo sa UPDATING/AMENDMENT?
Kung ano po yong ipapa-update niyo yon po ang lalagyan niyo ng check.
Good day ma'am, pwede ko ba i-correct agd un adress ko sa permanent address , ksi mali un brgy number nkalagay , bukod dun sa updating arrangement mgllgay dn ako ng correction.
Meron na po ba kayong PhilHealth Id?Kung wala pa po i-update niyo po muna yong permanent address niyo.
Meron n po ako id, ksu ngyun ko lng nkita na mali pla barangay no# nklagay s id ko po
@charls121593 Sir mag fill-up po kayo ng form yong PMRF tapos sa purpose i-check niyo po yong box na katabi ng updating tapos hanapin niyo po ang Upating/Amendment i-check niyo po yong box na katabi ng Updating of Personal Information/Address tapos ilagay niyo sa From yong address na nilagay niyo yong may mali tapos sa To yong tamang address na po.
Bali po ung maling adress muna po sa no.II na maling address tpos po sa itama ko po sa no.V updating/amendment ? Tama po ba salamat po.
@@charls121593Sir sa No.II po yong tamang address ang ilalagay niyo tapos po sa No.V Updating/Amendment diba po may nakalagay na Updating Personal Information/Address i-check niyo po yong box na katabi niya tapos meron syang From ilalagay niyo po doon yong maling address tapos sa To naman yong tamang address.
Example: V.UPDATING/AMENDMENT
From To
✅Updating maling tamang
Personal address address
Information/
Address
Hi ma'am asked ko lang pwede po ba gawing dependent yung father ko 54 na po sya and single po ako
Hindi po pwede,pwede lang maging dependent ang parents kung eto ay PWD or hindi makapag trabaho.Ang pwede lang po maging dependent ay asawa(kasal) na hindi pa member ni PhilHealth at anak na may edad 21yrs. old pababa,walang asawa at walang trabaho.
Paano po kapag hinde papo 60 ung parents pero nasa hospital po
May PhilHealth po ba siya?
Ndi po kc kmi nkpg update ng philhealth bgo kmi madischarge s ospital..nataon po kc holiday ng ilang araw..my pag asa po bng marefund ung binayad q s ospital..slmt po
Hindi na po kasi na process na.
hello po,need pa po ba ang birth certificate ng asawa q kung may marriage certificate na ng PSA?
Para saan po gagamitin?
maam, panu naman mo if member ako sa Indirect Contributor, pwde ko bang ilagay ang parents ko as dependent?
Ma'am pwede lang po maging dependent ang parents na 60yrs.old pababa yong PWD at hindi makapag trabaho dapat din po hindi siya member ng PhilHealth,60 yrs.old pataas naman automatic na po yon senior citizen.
panu po pag ako magaayos ng philhealth ng Mrs.ko kasi nasa abroad xia need mapalagay ng anak nya sa dependant kasi nasa hospital eh..thanks in advance
Kailangan po Sir personal ang mag asikaso ng PhilHealth.
Hi po ask ko lang po,
Kumuha ako ng Philhealth nung buntis ako yr 2019 pa at ngamit ko yun 2x nanganak at nung nagkasakit anak ko.. naubos ang laman 3yrs na din di nahulugan simula nung nanganak ako at ngayon po eh nawala ang Philheath ID ko..
Kukuha ba ako ng bagong Philheath? O magdadala ng affidavit of loss ? At gusto ki rin po sana mging beneficiary ang anak ko sa Philheath need ko ba ng bago ?
Hello po,yong PhilHealth Number po ay lifetime na po siya kaya hindi niyo na po kailangan kumuha ng bagong PhilHealth Number.Yong about naman po sa PhilHealth ID na nawala hindi po ako sure kung pwede po ulit kumuha or kung ano ang gagawin pag nawala itanong niyo nalang po sa PhilHealth Branch na malapit sa inyo.Yong sa dependent naman po mag fill-up lang po kayo ng PMRF at i-declare niyo po doon dependent niyo at dapat po updated yong hulog niyo sa PhilHealth.
Good day po pwde lng po ba khit may mali pa sa birth certificate niya, ksi ung anak ko may mali sa birth certificate niya ung birthorder po niya.
Kailangan po Ma'am ipa correct niyo po muna kz kung ano po yong nakalagay sa Birth Certificate yon din po ang ang susundin sa PhilHealth.
Pano naman po pag removal of dependent?
Hindi ko lang po alam kung pwede magtanggal ng dependent.
Pde ba ilagay dependent ng nsa 50 plus need ko dn ba ng original copy ng birth certificate ng Dependents
Hello po Ma'am ano po ang relationship niyo sa dependents?
hi maam pwd po ba online ang pagpasa nang PMRF and other documents ng employee by employer maam?
Sir hindi po ako sure kung pwede po sa online yong sa akin po kasi nagpunta po ako mismo sa PhilHealth office.
Pano po pag ako ay member at si misis pwede po ba na pareho namin gawin beneficiary si baby? If ever po hindi sino po ang mas ok na beneficiary ni baby si father na sa private nag work or si mother na sa public ang work. Thanks po.
Mas okay po kung kay father siya maging dependent.
Hi po mam asked ko lng po Pag ako p b kukuha ng Philhealth I'd ok lng po ba n gamitin ko ung pin n nanganak ako s ospital ng Quezon Pero taga Oriental Mindoro po ako ano po yun ma'am un po b gagamitin ko or kukuha nlng panibago register salamat p s sagutin .
Yong PhilHealth Identification Number(PIN) po ay lifetime na po yan,kaya po isang PhilHealth # lang po dapat ang gagamitin niyo.Pwede naman po kumuha ng PhilHealth ID kahit saan.
Ma'am ask ko lang po, ano po ba req. Pg mag a-update ng depents po ? And philhealth po ng partner ko po yung e A-update, di po kasi sya makapag absent sa work kung hindi emergency eh, kaya ako yung gusto niyang mag update sa philhealth niya, ang kaso lng di po kami kasal, pwede po kaya yun ? And ano po ba req. Pag ganun po ? Thank you and God bless 😊
Need po yata personal talaga pumunta Ma'am.
Hello po ask ko lng po kung pwede po ba ang photocopy of birth lng po ang need pag mag add ng beneficiary
Yes po pwede,photocopy lang naman po talaga ang pinapasa wag po kayo magbibigay ng original.
Maam pwede ba makarga ang bata ng philhealth nga ama kahit di nka apelyedo sa kanya
Eto po ang mga qualified sa PhilHealth dependents:
Legitimate spouse who is not a member;
Child or children - legitimate, legitimated, acknowledged and illegitimate (as appearing in birth certificate) adopted or stepchild or stepchildren below 21 years of age, unmarried and unemployed.
Thanks po sa pag sagot maam paano po kung na cover na sakin yung bata pwede pa po ba siyang ma cover ng philhealth sa tatay nya
@@JoanaAbas Hindi na po,kung dependent niyo na po anak niyo,hindi na siya pwede maging dependent ng father niya.
madam yung nagpa member ako nuon ng philhealth ko 2015pa po expire na ba yun or kukuha ako ng bagong philhealth
Wala pong expiration yong PhilHealth number lifetime na po yon.
Ok lang po ba kung photocopy lang po ng marriage certificate lang po dalhin sa branch para magpa update ng dependents
Sir ang ilalagay niyo po ba na dependent ay yong asawa niyo?Kung yong asawa niyo po ang ilalagay niyo na dependent,yes po photocopy lang ng marriage certificate ang ipapasa niyo pero dapat po hindi pa member ni PhilHealth yong wife niyo.
@@CristyMixVlog opo mam ung wife ko ilalagay ko, Kaya lang dati sya nag work at may philhealth sya , paano po Kaya Yun ? Salamat po
@@roniecanelas9598Sir hindi niyo na po siya pwedeng maging dependent kasi member na po siya ni PhilHealth,anak niyo nalang or mga anak ang pwede niyong maging dependent.Yong sa asawa niyo naman po pwede po siya mag voluntary kung gusto niyang tuloy2x ang hulog.
@@CristyMixVlog ok mam, maraming salamat po 🙂
@@roniecanelas9598 Your welcome po Sir.
Mam yung company namin lagi namn pong nag kaltas ng philhealth.. pero yung tinignan ko philhealth account ko . Apat na hulog palang andun na dapat 3years na dpat ang laman
Itanong niyo po sa company niyo kung bakit nagkakaltas sila pero hindi naman naka record sa PhilHealth account niyo yong contribution,ipakita niyo rin po sa company niyo yong PhilHealth account niyo katunayan na apat palang yong hulog.
sakin din po ni isa wala inhulog pro ngkakaltas cla.😢😢 sad nmn
ma'am pano po kapag ayaw ma type pan?
Ma'am hindi po online ang pag fill-up,handwriting po siya.Kailangan niyo po mag download ng PMRF tapos ipa-photocopy niyo tapos tsaka niyo po fill-upan.
Good day po . Paano po pag remove ko po dependents ko tas diko muna lagyan ng dependent pwede ho bayun mam ?
Hindi po yata pwedeng magtanggal ng dependent sa PhilHealth hindi po ako sure kung pwede,para sure po itanong niyo nalang po sa PhilHealth branch ,hindi ko pa po kasi na try mag tanggal.
maam panu po pag wala pang work mag aaply palang ano ilalagay ko sa member type?
Self Earning Individual po yata hindi po ako sure, mas maganda po ask niyo nalang mismo sa PhilHealth office para po sigurado .
Hi maam ask ko lng ano need na reqs. Pg mg add ng dependents anak ko po..not married nakalast name po kay mister .. then ano po need na reqs. If kuha ng id ? Slmat po
Ma'am pag nag add po ng dependents ang requirements po ay valid ID niyo po kung sa inyo ilalagay na dependent pero kung sa asawa niyo po ilalagay valid ID po ng asawa niyo, tsaka Birth Certificate ng dependents niyo for example anak niyo photocopy lang po ng Birth Certificate niya,then sa pag kuha naman po ng ID ng PhilHealth wala naman pong requirements may filled-upan kalang po doon.
Ma'am pwede po kaya baptismal lang
@@zyraelona9265 Ma'am hindi po pwede ang baptismal kailangan po talaga Birth Certificate yan po ang valid para sa mga bata kasi wala pa silang valid ID.
Ask ko lng po mam pde ko po ba ilagay ang mama ko sa dependents kahit wala pa sya edad na 60 wala po kasi sya philhealth. Salamat po
Sir hindi po pwede kailangan po kasi pag parents ang dependent dapat po 60yrs.old pababa,PWD at hindi makapagtrabaho.
What if deceased senior citizen na yung may ari ng Philhealth maam? Pwede parin ba magamit ng dependent nya yung Philhealth sa hospital? At ano po requirements para manghingi ng bagong MDR doon sa opisina ng PH?
The unexpired portion of coverage of a deceased member may be used by dependent spouse and children in the counting of qualifying contributions and availment of PhilHealth benefits.
Pwede naman po,hingi po kayo ng updated na MDR sa PhilHealth Branch magdala po kayo ng ID,yong updated na MDR po kasi ang hinihingi sa hospital.
Paano po pag di pa 60 years old and above yung magulang ko po? Pwede po ba yun? Salamat po
Ang pwede lang po sa parents ay 60yrs.old pababa yong PWD,may sakit at hindi makapag trabaho.
Hi! Asked ko lang, what if dependent na po sila ng tatay nila at gusto ng nanay na dependent din ang mga anak niya sa philhealth niya? Okay lang po ba yun?
At saka kunyari yung sa philhealth po mismo nagkamali sila nung sa zip code? Ano po gagawin dun. Change address din po ba?
Kung tama naman po yong address niyo at zip code lang ang mali,okay lang po yon.Baka yon po talaga yong zip code niyo itinama lang po ni PhilHealth.
Hindi po,kung dependent na po sila ng tatay nila hindi na po pwedeng maging dependent ng nanay nila.
ilan ang pwede maging dependants at sino possible? tnx
Sir ang pwede po maging dependent ay yong legal na asawa na hindi pa member ni PhilHealth ,yong anak na 21yrs.old pababa.Ilan po ba ang dependendent na ilalagay niyo?
Gud day maam.ask ko lang po kung anong requirements for additional dependent.pero k mister po na phihealth bale bunso po ang i add nmin. Tia
Ma'am ang requirements po ay photocopy ng Birth Certificate ng anak niyo po tsaka 1 valid ID ng husband niyo .
good day po maam. tanong kulang po kng hindi ba pwede na gawin kung benificiary ang anak ko.tpos naka declaration npo sa asawa ko slamat po
Hindi na po pwede,kasi dependent na po siya ng asawa niyo.
@@CristyMixVlog Kahit hindi po kasal ?hindi pedeng dalawa namen silang dependents?
Anong requirements po i add ko asawa ko at anak ko as dependants. Ty.
Ang requirements po sa asawa niyo ay Marriage Contract,sa anak niyo naman po ay Birth Certificate.
good day po...
paano po kung ang anak o isang dependent po ay nabuntis, estudyante papo sya sa 1st year college nabuntis po 19 years old at 20 na po sya pagkapanganak nya sa oct na drting, ngayong sy 2023-2024 hindi na muna sya mag aaral dahil bawal na at malaki na ang tiyan, ang ama po ng bata ay bumibisita lang po sa bahay hindi pa cla kasal, ang tanong ko po makaka avail paba ang anak ko sa philhealth as dependent ng papa niya po? ano po ang kailangan nmin gawin? sana po masagot nyo po, salamat po
Dependent na po ba ng asawa niyo yong anak niyo po na nabuntis.?
@@CristyMixVlogopo dati po mga bata pa cla dependent na po cla ng mister ko po, at hanggang ngayon po active pa ang philhealth ng asawa ko po
ano po maka avail pa po ba ang anak ko sa philhealth pagkapanganak nya? sana po mapansin po
@@qrvampx3678 Yes po makaka avail pa yong anak niyo kasi dependent naman siya ng asawa niyo po.Ipakita niyo lang po yong Member Data Record(MDR) at tsaka PhilHealth ID ng asawa niyo para katibayan na dependent ng asawa niyo ang anak niyo po. .
Dba po kapag 60 na dun palang pwedeng I add sa dependent ?papaano pp kung Malabo na Mata Ng nanay ko pero Wala pa sya sa 60 ano po pwedeng Gawin? May paraan po ba para ma add pa sa dun?
Hello po Sir member na po ba ni Philhealth nanay niyo or hindi?,kung member po siya ni Philhealth at hindi na niya nahuhulogan kayo nalang po maghuhulog pwede lang po kasi maging dependent ang parents na 60yrs.old pababa kung may kapansanan or PWD kapag 60yrs.old pataas naman po automatic sa senior na po sila.
Ma'am tanong ko lng po, Yung tatay ko Kasi need magoaospital, wala pa siya 60. Pwede po kaya sya maging dependent? O magamit Ang Phil heath ko
@@risktaker6459 Hindi po ba member ng PhilHealth ang tatay niyo?
@@CristyMixVlog Hindi po
@@risktaker6459 Sayang naman po dapat po talaga member ni PhilHealth at updated po ang hulog para incase na magkasakit po malaking tulong c PhilHealth.
Kasal na ako ilalagay ko wife and daughter ko.
Question pwede ko pa din ba isama mother and father ko as dependent. 54 and 55 years old sila.
Salamat
Waiting ng reply.
Hindi po pwede yong 60yrs.old pababa ang pwede lang 60yrs.old pataas pero automatic narin yon pag 60yrs.old pataas senior na po sila.
@@edmontardecilla3056 Hello po,yong wife niyo lang po na legitimate spouse or kasal tsaka anak niyo na below 20 yrs.old pababa ang pwede sa dependents,yong parents po na below 60yrs.hindi po pwede sa dependents.
Maam ask ko lang po kung pwede ilagay yung mga kapatid sa list of dependents?
Sir hindi po pwede ang kapatid maging dependent ang pwede lang po ay anak na may edad 20yrs.old pababa,legal wife na hindi pa member ng PhilHealth.
Cover ba ung anak mo sa benefit mam kahit Hindi kayo kasal Ng Asawa mo pero Dala Ng anak ko apelyedo ko
@@russeljayabellanosa1514 yes po Sir pwede po maging dependent ang anak mo kasi naka apelyido naman sayo,21 yrs.old pababa lang po ang pwede maging dependent kapag anak niyo po.
thank you po dito!
hello po maam, Kailangan po ba Original yung birth cert. ni dependents or pwede po copy lang?
Yong photocopy lang po ng Birth certificate ni dependents.
Thank you so much 🤗
@@meteora2003 You're Welcome!❤❤❤
Hello po, ask ko lang po, pwede po ba ako na Lang mag update online sa data ng nanay ko? I uupdate po yung birthday niya, Mali po kasi yung record and 61 years old na po yung dependent niya yun po ay tatay ko. Need pa po ba iupdate sa dependent niya yung tatay ko ang birthday niyakahit 61years old na? Or panibagong update na Lang po na bukod dahil senior na po tatay ko. Thanks po
Mali din po kasi yung nakarecord na birthday ng tatay ko na dependent niya.
Ma'am hindi po ako sure kung pwede mag update ng information online katulad ng birthday,para po sure punta nalang po kayo sa PhilHealth office mismo mag download lang po kayo ng PMRF tapos ipa print niyo nalang at fill upan para po mabilis.
Mam pwde bang maging dependent ko ang mama ko,63 years old na siya at PWD..
Ma'am diba po senior citizen na yong Mama niyo?Pag senior citizen po kasi may matatanggap sila na pension galing sa gobyerno.
Maam Kailangan po ba naka PSa yung birth nung dependants at merriege certifacate?
Hindi po ako sure kung tinatanggap kahit hindi naka PSA,para po sigurado yong naka PSA nalang po ang ipasa niyo,photocopy lang naman po ang ibibigay niyo doon.
Sana tanggapin punta pa nman ako Sana Philhealth, mam di poba pwde True online gawin to
Kailangan pa din po ba pumunta sa phil health office maam para doon i submit yung form? Di po ba pwede sa online nlng?
Yes po,kailangan po talaga pumunta sa PhilHealth Branch.
Ma’am pwd mo bah ikarga ang anak sa philhealth
Pero yung philhealth indigent
Ilang taon na po ba anak niyo?
Mam pagkapasa po ba ng form sa branch e uupdate nila agad?
@@archiefuentes83 Yes po,bibigyan po nila kayo ng MDR na updated.
@@CristyMixVlog thank you mam
@@archiefuentes83 You're Welcome!❤❤❤
pano mag remove ng dependent??
Hindi po yata pwede mag remove ng dependent sa PhilHealth hindi po ako sure itanong niyo nalang po sa PhilHealth office mismo para sure po.
Hello po. Ask ko lang dapat po ba tlaga same yun permanent home address at mailing address? What if po i live somewhere for work? Yung permanent address pa rin po ba yung ilalagay
Matagal na po ba kayong nakatira dyan sa tinitirahan niyo ngayon?
sallamat po maam God bless you po❤
Pwede po ba live birth? D pa kasi ako nakakuha ng PSA birthcert nya
Ma'am need na po yata ngayon ang PSA Birth Certificate.Yong sa anak ko po kasi dati ang pinasa ko hindi pa siya PSA Birth Certificate pero matagal na po yon.Para sure po kuha nalang po kayo ng PSA Birth Certificate magagamit niyo din naman po sa school.
Good day mam . Ask ko lang po bakit halos ng hulog ko kada year walang march at june? Dapat po ba mam monthly talaga hulog nya?
Kung nagwowork po kayo sa Company at kinakaltasan kayo monthly dapat po meron po yan March at June,para ma monitor niyo po yong contribution niyo monthy gawa po kayo ng account sa PhiHealth.
Hello. Paano po pag pumanaw napo dependent ko (father)? Need pa po ba iparemove xa sa dependents ko?
Kahit hindi na po pero kayo po bahala kung gusto niyo ipa removed at palitan niyo nalang ng ibang dependent.
Ma'am ask ko lng po ung mga birthcertifecate ng mga dependent mo pwd lng ba xerox copy or original dapat ipakita. .
Sir photocopy lang po ng Birth Certificate ng dependent niyo ang ipapasa.
Hi Maam pwede po ba ako ang pupunta sa philhealth at e add kami ng anak ko as beneficiary ng asawa ko na nasa abroad?kasal po kami..
Kailangan po Ma'am yong asawa niyo ang pupunta sa PhilHealth.
Good day po maam..beneficiary po kc nag aswa ko ang anak q..at matagal n po cxa walang work..ngaun po is may parating n operation ung anak ko..pano q po kaya cxa ililipat as beneficiary ko,o ayan n mismo ung mismong process..salamat po
Sir kung yong anak niyo ay dependent po ng asawa niyo magagamit lang po ng anak niyo yong PhilHealth ng asawa niyo hindi na po malilipat yon sainyo.Ang gawin niyo nalang po ay hulogan ang PhilHealth ng asawa niyo, kailangan po kasi may updated na hulog yon para po maging active yong PhilHealth ng asawa niyo,,hindi ko lang po alam kung ilang buwan ang dapat hulogan
@@CristyMixVlog maraming salamat po maam.. godbless po.
Pag po b maam.. nahululugan q ung philhealth ng asawa ko regarless po kung gano cxa katagal nabakante n walang hulog.. ung po bang makocover nun sa bayarin sa hospital eh pareho lng dn dun sa continous n naghuhulog..
@@arnelcatipon9561 You're Welcome!❤❤❤
@@arnelcatipon9561 Ilang taon na po ba niya hindi nahuhulogan?
Maam pano po pag wife ko ilalagay ko sa dependent ko kase wala naman na po sya work. Pwd po ba yon? Manganganak po kse sya.
Hello po Sir kung kasal po kau pwede po pero kung hind kayo kasal hindi po pwede ilagay sa dependent Sir.
Kailangan papo kaya mag pa appointment bago pumunta sa Philhealth trece?
Hindi na po kailangan mag pa appointment.
kailangan po mag pa appointment dun sa trece,.kagagaling lang po asawa ko dun..
@@nutzkyesplana8655 Ahh baka po sa ibang branch ng PhilHealth sa Makati po kasi hindi na po kailangan mag pa appointment.
Mam ask ko lng dba meron dependent dun ok lng ba I remove o tanggalin ko ung mga nilagay ko dun????????? Pls reply
Ma'am hindi po yata pwedeng magtanggal ng dependent hindi po ako sure itanong niyo nalang po sa PhilHealth Branch kung pwedeng magtanggal para po sure.
Mam wala po akong beneficiary okay lang po ba ilagay nanay kong senior na? Wla akong asawa at anak pati kapatid na bata pa lahat may asawa at pamilya na nanay ko nalang. Pwede po ba yon?
Ma'am pag Senior na po nanay niyo hindi na siya pwedeng beneficiary ang pwede lang po ay parents na 60yrs.old pababa yong PWD,may sakit at hindi makapag trabaho.
Ilang taon na anak po ang pwede maging dependent pag dating sa bata. Wala po kasi sa nabanggit.
Hello po Sir 20 yrs.old pababa ang pwede maging dependent pag anak niyo po.
Pwede ba yung mga 4 months baby or 5 months?
@@Mark_YT1223Sir nabinyagan na po ba anak niyo ang requirements po kasi ay Birth Certificate ng anak niyo at Id niyo po.
Hindi pa nabinyagan eh, pero may birth certificate na sa akin
@@Mark_YT1223 Sir need po ng photocopy ng Birth Certificate ng anak niyo tapos kau naman po Id lang po sa inyo hindi na po kailangan ng Birth Certificate niyo.
Need p po b ilagay s beneficiary ung asawa or ank lng po ?
Sir pwede niyo lang po maging dependent ang asawa niyo kung kasal po kayo at hindi pa po siya member ng PhilHealth,yong anak niyo naman pwede rin maging dependent kung siya ay 21yrs.old pababa.
@@CristyMixVlog automatic po b un or need kong mg fill up ng form ma,am? Kasal nmn po kmi
@@johnmendoza3795Sir hindi pa po ba member ni PhilHealth yong wife niyo?Yes po Sir kailangan niyo pa po mag fill-up ng form yong PMRF mag download po kayo kung wala kayong PMRF, tapos sa purpose i-check niyo po yong box na katabi ng Updating tapos hanapin niyo po yong Declare Dependents,basta sundan niyo lang po yong nasa video.
Ilang araw po ang process mam kpg ma add ng dependent?
Saglit lang po Ma'am 2-3 minutes lang po,ibibigay po agad sainyo yong updated MDR niyo at nakalagay narin po doon sa MDR yong dependent niyo.
Pd po b mg submit nian online mam..?
Hindi po Sir,pupunta po sa PhilHealth Branch.
bagong panganak anak ko. Pwede ko ba iadd sa philhealth as dependent both samin mag asawa?
Isa lang po Ma'am sa inyong dalawa it's either ikaw or asawa mo, I suggest sa asawa niyo nalang po Ma'am kung stable naman po job niya.Need po pala photocopy ng Birth Certificate ng anak niyo at tsaka valid Id ng asawa niyo po sa pag add ng dependent.
Ilang araw po bago maupdate siya sa mdr jng maipasok na ung dependent mo sa mdr