dicta license - Inosenteng Bala (Official Audio)

Поділитися
Вставка
  • Опубліковано 25 гру 2024

КОМЕНТАРІ • 9

  • @DictaLicense
    @DictaLicense  3 роки тому +3

    Lyrics:
    Puwede na lang bang manahimik?
    Puwede na lang bang manahimik?
    Manatili sa ‘king panaginip
    ‘Di man ako nagagalit
    Ngunit alipin ako ng may gamit
    Magtagong mga gumagamit
    Sa mga walang malasakit
    Naadik sa hugis kuwit na bakal
    Sabik sa pagkalabit Kabit!
    Ang barrel lagyan ng takip
    Ako lang naman ay nasingit
    Sa kalamigan ng magasin
    Ako ay hindi nag-iinit
    Kagabi nanaman may nadawit
    Pait ng dilim ay nasapit
    Humahagulgol sa pag-awit
    Mga boses na ‘di kumakapit
    Sa tenga nila
    Meron pa bang pagdama sa iba?
    Anong halaga
    Buhay nila Tinapos nang sumiklab ang pulbura
    Kung puwede lang sana ako umatras
    Kumalas sa rehimen ng dahas
    Nang sa gayon ‘di na ako sisisihin
    Kapag bumulusok ang bala sa hangin
    Dinggin ang hiling
    Puwede bang huwag na lang ako?
    Ayaw ko nang tumagos sa ‘yo
    Dahil inosente ka lang
    ‘Di ba inosente ako?
    Teka, inosente pa ba tayo?
    Puwede na lang bang manahimik?
    Puwede na lang bang manahimik?
    Pag-asa’y hindi na masilip
    Baha na sa kalye ang luha
    Hala bira pa rin ang mga siga
    Ako ang nagsisilbing ngipin
    Ng batas ng mga magigiting
    Nakalista nang mga may sala
    Ang parusa sila nang bahala
    Sa kaluluwa
    Ang panalangin ba’y may nagawa?
    May chansa pa ba
    Buhay nila
    Magbago sa paningin ng malupit na estado
    Gusto ko nang tumakas
    Kumalas sa rehimen ng dahas
    Nang sa gayon ‘di na ako sisisihin
    Kapag bumulusok ang bala sa hangin
    Dinggin ang hiling
    ‘Di ba inosente
    ‘Di ba inosente ka lang?
    ‘Di ba inosente
    ‘Di ba inosente ka lang?
    Puwede bang huwag na lang ako?
    Ayaw ko nang tumagos sa ‘yo
    Dahil inosente ka lang
    ‘Di ba inosente ako?
    Teka, inosente pa ba tayo?

  • @michaelpostigo4294
    @michaelpostigo4294 3 роки тому +1

    Woohoo!!

  • @KeeneLeonor
    @KeeneLeonor 3 роки тому +1

    padayon!

  • @ungazcoi
    @ungazcoi 3 роки тому +1

    dulot!

  • @makibarredo
    @makibarredo 3 роки тому

    another crazy good writing from pochoy. galing!

  • @Paul_Espi
    @Paul_Espi 3 роки тому +1

    bibigat ng mga multi. Bars pa. grabe.
    All 3 rounds.. DICTA LICENSE!
    #SALUDO!

  • @yanyanyan6941
    @yanyanyan6941 3 роки тому

    di mabigat, sobrang malambot, tunog pop na ang dicta license.mganda yong lyrics , pero di ko ramdam ang banat, malambot.

  • @yanyanyan6941
    @yanyanyan6941 3 роки тому

    tunog gloc 9 na, di na mbigat, walang galit walang angst.