Funny komiks din ang favourite komiks ko nung 90s. Lagi kong inaabangan sa suking news stand namin ang funny komiks. Combatron at Plant op de eyps ang paborito kong basahin.
Swerte natin at naabutan ang ganitong mga panahon. Nakakatuwa at pinaalala mo sa Amin ang mga karakters sa funny comics. Nasabi mo na Ang LAHAT ,thanks for the memories. Will wait for your next episode. Thank u more power and God bless!
Combatron talaga paborito ko! Pero nakakatuwa din yung Tomas en Kulas, Planet Opdi Eyps, Eklok, Pitit. Speaking of komiks, sana mafeature din po ang Pugad Baboy at si sir Pol Medina Jr. 🙂🔥💯
Yeah..since 1994..di ko malilimutan tuwing biyernes..naka abang ako ..lagi sa newspaper stand..kasama ng ibang komiks..ang lagi kung binibili ay funny komiks..nakakalungkot lang nawala sya
@@SangkayTV sir sankay post din kayo ng mga linararo ng mga kabataan before family com at game and watch. Mga pilipinong laro kaya iyung mga nakakatanda maganda pangangatawan
Thank you for featuring this. My dad used to work in Funny komiks for decades as an illustrator for petit, tomas and kulas. My dad used to bring me in the office in Chino Roces Avenue. Nostalgia. We used to have a lot of komiks at home and our photos with my siblings are always published on the back of it when its near our birthdays! More power kasangkay!
Maraming salamat lods sa nakakaantig na paksa patungkol sa isa sa mga libangan natin nun: ang pagbabasa ng pinoy komiks. Sa panahon ng internet eh sana buhayin nila uli tulad ng webtoon o app tulad sa mga ibang bansa like Korea, Japan, China at US.
Nag umpisa ako kumolekta ng Funny Komiks nung nag start ang Combatron at natigil din ng wala ng kasunod. Yung isa pang komiks na kinolekta ko ay Silangan Komiks, na ang tema ay Sports. Naaalala ko pa sina Thrasher Thor at Birdman. Umuutang pa ko noon sa klasmeyt ko para may pambili noong high school (1992-1996). May isa pang komiks nakalimutan ko, yung kwento ng Versus na may magkaribal na si Balzaur at Voltar.
Very nostalgic sarap bumalik sa nakaraan sa MGA ganitong simpleng komiks tuwang tuwa na ang mga bata noon mahilig ako magbasa nito noon during 90's era nakakamiss
Honestly di ako masyadong nagbabasa ng komiks pero nung nakita ko yung mga posts ni Sskait sa socmed nahing favorite ko na siya lalo na yung mga gudvibes niya sa mga storyline niya. 😂😂😂
salamat sangkay sa effort na ma ifeature mo ang komiks nung 90's nakakanostalgic talaga nakakamis yung panahon na yan nag start ako mangolekta iyan nung grade 6 pa ako usong uso ang funny komiks nung 90's.. tama ka..ganyan din ako nagiipon din ng baon makabili ng funny komiks combatron at little ninja yung sinusubaybayan ko.. natatandaan ko pa tuwing hapon ng biyernes ako namimili niyan at nilalakad ko mula school gang bilihan every friday yung dating ng bagong funny komiks nyan dito sa amin sa bataan nun..at isa pa sa inaabangan ko yung mga movelist ng mortal kombat 2 hehe.. salamat sa mga informative content mo..mabuhay ka sangkay tv New Subscriber muna ako
Pinaka-favorite ko ito sa lahat ng content mo, Sangkay :) mapalad tayong mga umabot sa Funny Komiks. Di lang tayo na-entertain, marami pa tayong natutunan. Share ko lang, si Harvey Tolibao ay nakapag-drawing din sa Tomas en Kulas, ganun din si Stephen Segovia na sobrang sikat na ngayon sa DC at Marvel. Si Mang Rico Rival ay isa sa mga pioneer artists sa OG Transformers animation nung 1980s. Si Mang Floro Dery naman ang gumawa ng halos lahat ng designs o models sa Transformers. Sinimplehan niya ang disenyo ng mga laruang gawa ng Takara para mas madali sa mga animators, at iyon na yung mga disenyong naging pamilyar sa atin. Sa @5:24, makikita ang pangalan ni STEVE GAN sa pahina ng Panday. Di man siya nabibigyan ng credit para kay Panday, e mas nakilala naman siya as co-creator ni STAR-LORD, na sumikat sa Guardians of The Galaxy ng Marvel Cinematic Universe played by Chris Pratt. Kasama si Mang Steve sa Pinoy Artists Invasion noon.
@@SangkayTV maganda yung kwento Sangkay, tungkol sa kung paano na-impress yung mga American Editors sa Pinoy Artists nung dalhin sila dito ni sir Tony para mag-portfolio review. Pinaka-nakakaaliw yung kwento tungkol kay sir Alfredo Alcala. Until now pinag-uusapan pa ito sa mga comics websites maging sa DC comics mismo. Hanapin ko link pag nakita ko uli, i-comment ko dito :)
Heto, Sangkay (starts at around 1min 3o secs) :) ua-cam.com/video/8zvfaxj_Sx8/v-deo.html Heto pa yung isa mula kay ComicTropes ua-cam.com/video/QAYeYCMZUck/v-deo.html
Favorite ko si NikNok kasi mahilig din ako noong bata sa manok 😁 at ang Planet Opdi Eyps 🥰 Ito yata ang naging unang ABAKADA ko.haha! Kasi dito ako natutong magbasa talaga. Ang sayang balikan kung paano maglibang mga bata noon. Natatandaan ko pa na super sipag ko na mautusan ng mommy ko na mamalengke para makabili ng new issue ng Funny Komiks. At shempre, kay mommy ko ang Liwayway magazine.
Im 55 years old, pero diko makakalimutan ang funny comiks. Pag alam namin na araw nang labasan nang funny comks palging ubos ang issue, dahil sa dami nang mga studyanteng bumibili.
Thank yoy Sangkay TV sa pagfeature ng Funny Komiks at ilang mentions kay Tinay Pinay Hi sa mga readers, fans at maging sa mga may crush kay Tinay Pinay :)
Omg bigla kong naalala noong elementary po ako ay nangongolekta ako nang komiks lalo iyung funny komiks noong buhay pa ang Lola ko ay binibilhan ko nang funny komiks.sana iyung mga story at characters ay gawing pelikula o gawing tv series o teleserye .para mabuhay ito sa mga gen z at mga millennials
Favorite ko noon sa FK ay ang "Amphbia" -- yung batang babae na half-blonde and half-black ang buhok niya. Sirena [blonde] ang nanay niya at centaur [black hair] ang tatay niya.
Wow buti na feature mo sa content na ito ang Funny Komiks na parte ng naging kabataan ko❤ yan paborito nmin komiks hayy naku nakakamiss nag aagawan pa kami pag may bagong labas na sa paborito nmin bilihan ng komiks stand😊😊😊nakakalungkot lang kasama sa pag usad ng panahon at pag edad ko nawala na din ang Funny Komiks at ibang pang mga kilalang komiks noon.
Since elementary ako nagtatabi talaga ako mula sa baon ko para may pambili ako ng Funny Komiks tuwing Friday. Favorite ko ang Combatron ni Sir Berlin Manalaysay.
Sikat na sikat kaya iyan combatron.. dahil halos magkamukha sila ni Rockman eh.. ako yung .25 sentabos, makakabasa ka ng funny komiks ng tatlo... May parentahan dito sa amin nyan eh.. saka yung rimance na pocket book 1.00 halaga ang hiram sa isang araw lang.
ang mama ko pg uwi galing sa work ay ngdadala ng liwayway at nag uunahan kmi ng mga kptid ko na magbasa..kc bukod sa paglalaro isa din sa libangan nmin ang magbbasa ng liwayway..😊
Isa po ako sa Tagatangkilik ng mga Komiks, mula Lunes hanggang Byernes tuwing gabi inaabangan ko ang paguwi ng Tatay ko, na may dalang komiks 2 klase ng komiks gabi gabi. Hindi ako matulog hanggat hindi ko matapoz basahin lahat.sana magkaroon uli ng komiks.
Thank you sa video! Ang ganda ng pagkagawa, may back story muna bago ang main subject. Maganda ang pagka salaysay. It was a euphoric feeling watching my childhood favorite komiks! Di lng pla ako ang naghahanap ng ending ng combatron! Parang maganda sya gawin movie para s mga pilipino! Congrats sa video Sana meron mag post ng link ng pdf copy ng bawat komiks.
Ang favorite ko sa funny komiks yun Mahimud Ali. Yung anak nya si Kalatao na half kalabao at half tao na napangasawa si Irena na isang sirena. Nung tumagal, pinalitan na ng Amphibia. Anak ni Kalatao at Irena.
Grabe ang dami kong collection nyan lalo na yung funny komiks nung bata ako. wala kc kami tv noon kaya yan libingan ko. Yung collection ko nyan noon umabot ng hanggang bewang ko ngayong may edad na ako. Pero binenta ng lola ko noon sa magbobote - dyaryo.
I'm an avid reader of local comics way back. Napakahilig ko magbasa noon ng kahit anung komics at isa ang Filipino Funny Comics sa paborito ko basahin. Nakakalungkot nga lang isipin na wala na sa sirkulasyon un kinagisnan kong komiks. And, yes, isa eto sa libangan ng mga tao nuon. Simple pero memorable. Planet op da apes ang favorite ko nuon. Ilan pa sa naalala ko na nobela sa komiks noon ay The Hands, Zuma, Palos, Ang Panday, Bruno Diablo, Devil CarCar. Ilan din sa mga dibuhista/nobelista na naalala ko ay sina Hal Santiago(my favorite), Lan Medina, Mar Santana, Karl Commendador, Nestor Malgapo, Carlo J. Caparas at Larry Alcala.
Grabe kasangkay nakakaproud ka. Detalyado mga topic mo. Kaya grabe aliw ko sa panonood ng mga videos mo. Grabe pagkaka research. Talagang hinukay mo ng malalim makuha lang ang bawat detalye. Salamat sa info. Thumbs up. Tuloy tuloy lang kasangkay sa pag upload ng mga very informative videos.
nakakamiss naman once din ako naging indie artist nung nasa pinas pa ako 😁 sana dumami ulit mga reader's lalo na sa mga kabataan ngayon. lalo na at may mga event sa pinas like indieket at komikon.
Treasure ko yang funny komiks, madami akong koleksyon nyan😊 9.50 lng yan noon s pgkakatanda ko nung ngsimula ako mangolekta. Madami din akong naging kapenpal dahil s komiks n yan hehe. Sarap balikan ang pgkabata noon. 😊 Thank you for this video.
kudos to u SangkayTV for putting this up together. ur video essay is really informative, academecally easy to digest. we love u. more power and looking forward for ur continuing upload of this similar content. Mabuhay ka! 🥰🇵🇭
Thanks for highlighting Funny Komiks and the colorful history of Pinoy Komiks! Additional information po: - Noong 2007, tinangkang buhayin ni Carlo J. Caparas ang Pinoy Komiks sa pamamagitan ng Carlo J. Caparas' Komiks ng Sterling Publishing ngunit di ito nagtagumpay at tuluyang nawala. Ilan sa mga ito ay Gagambino at Andres de Saya na nagkaroon ng adaptation sa GMA-7. - Maliban sa Funny Komiks, nagkaroon din ng ilang Pinoy Anime Komiks gaya ng Culture Crash ng PSICOM, na natigil naman ang circulation noong 2004. Na-featured na rin ito dati sa Extra Extra ng GMA-7 noong 1999. - Meron din isa pang Pinoy anime komiks na di ko maalala ang title pero meron itong commercial sa defunct anime channel na Hero TV.
I think deserve din ma-mention nina Tonton Young (Pupung creator) at Pol Medina (Pugad Baboy creator). Anlaking part din ng kabataan ko ang mga comic books nila.
Maganda ang Topic mo na yan ,,!! Noong Bata pa ako.Paburitong paburito ko ang Funny comics at may mga Collections ako yan ,,!! SAYANGnasira nang unamg Baha sa amin kaya di ko naisalba yan ,!! Tapos ang Combatron Nakalan niya ang Final Boss sa comics na si Gargon ,,!! Na kasing laki ng Buwan at namatay lahat ng mga kakampi niya pati ang robot na aso niya ,,!! Ginamit ni Combatron ang Galactic Phonics na galing sa dib dib niya galing sa apoy ng Araw 2 beses niya itong ginamit kaya lang nag sanhi ito ng pagkasira ng kanyang katawan at buhay
Batang 90s ako, ang natatandaan kong pinakaunang komiks na nabasa ko ay ang PUGAD BABOY ni Pol Medina Jr. Comedy story na nakakaaliw ung mga humor ng mga character. Hinding hindi ko un makakalimutan kaya ngayon isa akong animator sa sobrang inspired sa komiks. ❤❤❤❤❤
Inabot ko Funny Komiks sa Baclaran at Tagaytay City noong Early 80's every week nabili ako ng copies nito. Thanks for making vlog about this very Iconic Pinoy Komiks it shows how old we are. Super Dog, Super Cat, Planet of Apes, Niknok at Mahimod Ali
Nagpadala din kami ng drawing namin jan noon.. nai-feature yung drawing namin ng kapatid ko.. nakalimutan ko na kung anong issue no. nailagay yon.. nakakamiss..
Sobrang nahilig ako dito noong bata ako. Lalo na sa mangyayari sa Combatron. Every Friday, bumibili ako sa Plaza. Tapos pinaparentahan ko sa mga kalaro ko
Salamat at binalik mo po ako sa aking kabataan. I will never forget pagkahumaling ko sa komiks noong sa Claro M. Recto pa kami nakatira. paglabas ng gate namin sa tabi may nagpapaarkila pa noon ng ibat ibang filipino komiks. 25 cents kalahating araw at 50 cents isang araw na saiyo. tsaka mo isosoli. naging favorite ko yung funny komiks na planets op da eyps, hiwaga, niknok, mr. & mrs., aliwan, liwayway at madami pa. Inaabangan ko talaga kasunod na issue. nakatulong sa akin sa pagbabasa ng tagalog at nakahiligan ko talaga ng magbasa. Hinintay ko pang mapublish mukha ko with my birthdate. Hanggang sa binibili na kami ng mother ko para may sarili kami ng mga kapatid ko at ng hindi na umaarkila pa. Naitabi pa ng mother ko hanggang 2000 kaso paglipat namin ng bahay, ewan ko kung ano nang nagyari sa mga naipong komiks. Nostalgic grabe!
Ngayon lang ako nakapag comment kasangkay dahil sa tv nako nanonood ng mga content mo. Mag iisip ako ng mga topic na pwede kong maisuggest para mai content modin para sa mga future upload mo
Memorable sakin ang Pilipino Funny Komiks,hindi lang dahil kay Combatron,Eklok, Bamper, Vektar Istarkid at iba pa,kungdi dahil dito talaga ako natuto magbasa,instead na libro,Funny Komiks ang una kong teacher sa reading🤗✌️☺️🇵🇭
Lagi kaming nagbabasa ng komiks lalo na nung elementary at high school days namin. We used to rent from the nearest comics stand in our town . How nostalgic.....
Nakakagiliw panoorin hanggang sa katapusan ang videong ito. Isa ako sa mahilig magbasa ng komiks, kabilang na ang Funny Comics noong bata pa ako. Maraming salamat sa maganda at hitik sa kaalamang paglalahad ng kasaysayan ng komiks sa bansa!
sa funny komiks una akong natuto magbasa lagi ko sunasabaybayan sina superkat, planet of the apes, mahimud ali, little angel, dax at niknok, sana meron pang funny komiks
@@SangkayTV ..Sagrado Teritoryo yung main title po ng komiks namin, then the rest parang clip art na comics style ang dating.. . ..and yeah nung highschool gumawa rin kami ng komiks pero hindi size ng bond paper, kartolina gamit namin sa subject na physics..
ayun! sa wakas na-feature na rin! from 1986 to 1995 ibinili ako weekly ng nanay ko ng Funny Komiks. Nahinto nung malapit na akong mag-college dahil di na raw bagay sa akin at hindi ko na rin masyadong binabasa. itinago ko lahat ng issues ko sa mga kahon, alongside my copies of Shocker, Nightmare, and other horror komiks. Sayang lang nahanap ng mga anay (termites) ang taguan ko at nang makita ko, huli na ang lahat. totally damaged na ang may 10 years worth ng Funny Komiks ko. walang naisalba. naalala ko bigla nang makita ko itong thumbnail, halos lahat ng issue na ipinakita sa video, meron akong copy dati. Favorite ko ang Bing, Bam, Bung ni Larry Alcala, Force 1 Animax (na biglang tinapos nang hindi ko malaman kung bakit) kung saan ko unang na-appreciate ang superhero genre, Planet Opdi Eyps ni Ronnie Santiago, Super Blag at siyempre si Combatron.
nag paparenta kami ng komiks noon sa tindahan namin dekada 80's bago i display ng nanay ko yan dadaan muna sa akin yan ako unang nakakabasa ng mga bagong dating 😃
Sa Japan, hindi sagabal ang teknolohiya para matigil ang paggawa ng manga, karamihan sa mga anime na ngayon galing sa manga kagaya ng Spy X Family at Oshi No Ko. Dapat pala ganyan din tayo kung maunlad lang ang animation industry dito sa Pinas.
Hindi naman sa pagiging basta proud to be pinoy lang ah. Tignan mo yung panel sa 7:57 dang pure art!! Tas sa 9:34 yung mga anime style, kuhang kuha. Yan ang maganda satin sa Pilipinas. Madali maka adapt ng style. Pag western ang gumawa ng anime, di ko talaga gusto proportions at masasabi mo kagad na hindi Japanese. Pansinin mo sa mga anime indie game na galing west.
Noong walang family computer pa kami,ito yung kalibangan ko noon..Tomas n Kulas at planet op da eyps.😅❤❤❤ Sarap maging bata uli.35 na ako pero pag naalala mo to mapapasabi ka na lang na ang tanda ko na pala.
nagstart ako magcollect nito is nung 2001 (grade 2 or grade 3 ata ako) kasi naimpluwensyahan ako ng pinsan ko kasi lagi sya sumusubaybay sa FunnyKomiks.. naalala ko nag ssave ako ng pera ko para bumili nito every Thurs. or Friday ata nilalabas ang bagong komiks nila. napaka nostalgic 👌👍
nahilig ako sa komiks dati kasi may tiyuhin akong nagtatrabaho sa atlas publishing. every week mainit-init pa yung mga komiks na dala-dala niya pati mga glossy magazines. those were the days...
goosebumps ako..nkta ko ung drawing ko s THIS IS YOUR PAGE..nsa pnakaliwa ndi nga lng kta ung pngalan ko..naalala ko blg 883..may 19,1995 ung date..tomas and kulas ung cover..Php 6.50 n ung hlga..😊😊😊
Napaka-nostalgic neto! Grade 1 ako unang nakabili ng Funny Komiks, 1991 yun (Opo, matanda na ako. 😁). Combatron, Tomas at Kulas, Super Blag, Pitit, Mr. & Mrs., at Planet Opdi Eyps ang pinakainaabangan kong strip. More power Kasangkay! 💪
Halos lahat binabasa ko sa funny komiks combatron, jonas, petit, niknok, planet opdi eyps, mr&misis, kid komet to many to mention yan talaga ang libangan ng kabataan dati sayang at wala na ngayon sa manga naman ako nahuhumaling ngayon ka sangkay
Very nice informative content kasangkay nagustuhan ko talaga ito. Batang 90's ako pero nakabasa din ako ng iilan sa mga funny komiks nakakamiss din talaga. Yung last kong nakabasa ng komiks diyan sa manila noong sumasakay kami ng ate ko ng LRT may free news paper dun yun ang una kong binubuklat at binabasa sqlamat talaga kasangkay God bless and Stay safe ❤❤❤
Lumaki ako nun 80s, elem days ko yan.. Collection ko yan komiks tulad jg funny comics, childrens comics , samurai, shogun atbp .. karton karton ang komics ko sa bahay noon... Noon 80s , nirerentahan ang komiks 25 cents babasahin mo tapos isasauli mo s nagpaparenta kinabukasan. Aabangan mo yun mga serye n komiks... 90s high school n ako, humina n ang komiks
May mga komiks din na Marvel na isina tagalog at imbes na parang poster paper ang gamit, papel ng standard filipino komiks ang ginamit... naalala ko pa nga yung kasal ni cyclops at jean grey na akin ding pinagipunan dati
Funny komiks naalala ko sa payatas pa kami nakatira nag bebenta palagi lolo ko ng dyaryo bago nya iipit ung mga komiks bilang palaman o oampabigat babasahin muna namin.. Updated kami kasi laging may bagong issue kada araw.. Sayang dko naitabi basta binabasa lang namen hehehe.. Tagal ko po inantay yung review nyo bout sa funny komiks #nostalgicfeels❤
Dati marami rin akong funny komiks noon. Meron din ako koleksyon ng komiks. Ngayon ang natitira na lang e yung Kick Fighter komiks. Buti naitabi ko yun. Very nostalgic sa kin yang mga komiks na yan.
Funny komiks din ang favourite komiks ko nung 90s. Lagi kong inaabangan sa suking news stand namin ang funny komiks.
Combatron at Plant op de eyps ang paborito kong basahin.
😮😮😮😮😮😮😮😮😮😮😮😮😮😮😮😮😮😮😮😮😮😮😮😮😮😮😮😮😮😮😮😮😮😮😮😮😮😮😮😮😮😮😮😮😮😮😮😮😮😮😮
Nagbabasa Lang ako habang kaming papasok sa mga eskwela habang may komiks simple Naman Yan e ❤❤❤ thank you @Sangkay TV❤❤
Welcome sir 👍
Swerte natin at naabutan ang ganitong mga panahon. Nakakatuwa at pinaalala mo sa Amin ang mga karakters sa funny comics. Nasabi mo na Ang LAHAT ,thanks for the memories. Will wait for your next episode. Thank u more power and God bless!
Salamat din sir Oliver. God bless!
Napaka simple lang talaga ng buhay at kasiyahan ng kabataan noon.. 90's talaga dabest
90s? Huli ka na. Late 70s at early 80s pa lang sikat na yang Funny Komiks. Before that sikat nman yung Aliwan at Hiwaga Komiks.
Nakakamiss talaga. Noon may komiks sa tindahan ang tiyahin ko sa public market sa bayan namin sa probinsya. Libre akong nakakabasa ng mga komiks.
Isa ang funny komiks kaya natuto ako magbasa, thanks ka Sangkay!!!
Oo sir, maraming mga bata nun ang sa komiks natutong magbasa, hehe. Buti pa dati masisipag tayong magbasa.
may collection din aq ng pilipino funny komiks, sadly kinain lng ng anay..😔😥
favorite kong basahin ung planet opdi eyps at combatron
Sana mapublish uli ang mga komiks noon, Sa pamamagitan ng online tulad nitong Yutube.
Combatron talaga paborito ko! Pero nakakatuwa din yung Tomas en Kulas, Planet Opdi Eyps, Eklok, Pitit. Speaking of komiks, sana mafeature din po ang Pugad Baboy at si sir Pol Medina Jr. 🙂🔥💯
Ah yes, fan din ako ng Pugad Baboy since high school 😁
Nakakamiss, ngayon kasi webtoon na ko nagbabasa, pero iba pa rin komiks, proud batang 90's here 😚😚😚
Yeah..since 1994..di ko malilimutan tuwing biyernes..naka abang ako ..lagi sa newspaper stand..kasama ng ibang komiks..ang lagi kung binibili ay funny komiks..nakakalungkot lang nawala sya
Iba talaga ang Batang 90s, napakasimple lang ng buhay pero napaka saya at kakaiba ang dala sa bawat kabataan noon
Tama 😊👍
@KamiangBatang90s Dos command pa, hehe
Oo. Noon masaya na sa laro na prikidam, langit lupa, piko, luksong tinik, luksong baka at text
@@SangkayTV sir sankay post din kayo ng mga linararo ng mga kabataan before family com at game and watch. Mga pilipinong laro kaya iyung mga nakakatanda maganda pangangatawan
@@rjgonzalez9220 Eto sir may video ako about Nintendo: ua-cam.com/video/FpY9iMzsGAA/v-deo.html
Speechless....., This brought me to my childhood, how I wish my childhood playmates can watch this. Thank you. Love your content.
Thanks 🙏❤
Thank you for featuring this. My dad used to work in Funny komiks for decades as an illustrator for petit, tomas and kulas. My dad used to bring me in the office in Chino Roces Avenue. Nostalgia. We used to have a lot of komiks at home and our photos with my siblings are always published on the back of it when its near our birthdays! More power kasangkay!
Thanks for sharing!
ah kayo po pala yun dati kasi sinabi ko sa isip ko siguro sila yun mga anak ng gumawa ng funny komiks
@@SangkayTV
Pwede Naman Po
Po ba Walter Mart
Maraming salamat lods sa nakakaantig na paksa patungkol sa isa sa mga libangan natin nun: ang pagbabasa ng pinoy komiks. Sa panahon ng internet eh sana buhayin nila uli tulad ng webtoon o app tulad sa mga ibang bansa like Korea, Japan, China at US.
Walang anuman sir!
Nag umpisa ako kumolekta ng Funny Komiks nung nag start ang Combatron at natigil din ng wala ng kasunod. Yung isa pang komiks na kinolekta ko ay Silangan Komiks, na ang tema ay Sports. Naaalala ko pa sina Thrasher Thor at Birdman. Umuutang pa ko noon sa klasmeyt ko para may pambili noong high school (1992-1996). May isa pang komiks nakalimutan ko, yung kwento ng Versus na may magkaribal na si Balzaur at Voltar.
Inaabangan ko dati Yung issuance Ng funny komiks every week during my elementary times.
Very nostalgic sarap bumalik sa nakaraan sa MGA ganitong simpleng komiks tuwang tuwa na ang mga bata noon mahilig ako magbasa nito noon during 90's era nakakamiss
Honestly di ako masyadong nagbabasa ng komiks pero nung nakita ko yung mga posts ni Sskait sa socmed nahing favorite ko na siya lalo na yung mga gudvibes niya sa mga storyline niya. 😂😂😂
salamat sangkay sa effort na ma ifeature mo ang komiks nung 90's nakakanostalgic talaga nakakamis yung panahon na yan nag start ako mangolekta iyan nung grade 6 pa ako usong uso ang funny komiks nung 90's..
tama ka..ganyan din ako nagiipon din ng baon makabili ng funny komiks combatron at little ninja yung sinusubaybayan ko..
natatandaan ko pa tuwing hapon ng biyernes ako namimili niyan at nilalakad ko mula school gang bilihan every friday yung dating ng bagong funny komiks nyan dito sa amin sa bataan nun..at isa pa sa inaabangan ko yung mga movelist ng mortal kombat 2 hehe..
salamat sa mga informative content mo..mabuhay ka sangkay tv
New Subscriber muna ako
Maraming salamat din sa suporta 🙏
Pinaka-favorite ko ito sa lahat ng content mo, Sangkay :) mapalad tayong mga umabot sa Funny Komiks. Di lang tayo na-entertain, marami pa tayong natutunan.
Share ko lang, si Harvey Tolibao ay nakapag-drawing din sa Tomas en Kulas, ganun din si Stephen Segovia na sobrang sikat na ngayon sa DC at Marvel.
Si Mang Rico Rival ay isa sa mga pioneer artists sa OG Transformers animation nung 1980s. Si Mang Floro Dery naman ang gumawa ng halos lahat ng designs o models sa Transformers. Sinimplehan niya ang disenyo ng mga laruang gawa ng Takara para mas madali sa mga animators, at iyon na yung mga disenyong naging pamilyar sa atin.
Sa @5:24, makikita ang pangalan ni STEVE GAN sa pahina ng Panday. Di man siya nabibigyan ng credit para kay Panday, e mas nakilala naman siya as co-creator ni STAR-LORD, na sumikat sa Guardians of The Galaxy ng Marvel Cinematic Universe played by Chris Pratt. Kasama si Mang Steve sa Pinoy Artists Invasion noon.
Maraming salamat sir! Marami talaga tayong mahuhusay na Pinoy artist na pang-worldwide ang talent 😊👍
@@SangkayTV maganda yung kwento Sangkay, tungkol sa kung paano na-impress yung mga American Editors sa Pinoy Artists nung dalhin sila dito ni sir Tony para mag-portfolio review. Pinaka-nakakaaliw yung kwento tungkol kay sir Alfredo Alcala. Until now pinag-uusapan pa ito sa mga comics websites maging sa DC comics mismo. Hanapin ko link pag nakita ko uli, i-comment ko dito :)
Heto, Sangkay (starts at around 1min 3o secs) :)
ua-cam.com/video/8zvfaxj_Sx8/v-deo.html
Heto pa yung isa mula kay ComicTropes
ua-cam.com/video/QAYeYCMZUck/v-deo.html
@@SouthPawArtist Salamat sir, panoorin ko 'to 👍
Favorite ko si NikNok kasi mahilig din ako noong bata sa manok 😁 at ang Planet Opdi Eyps 🥰 Ito yata ang naging unang ABAKADA ko.haha! Kasi dito ako natutong magbasa talaga. Ang sayang balikan kung paano maglibang mga bata noon. Natatandaan ko pa na super sipag ko na mautusan ng mommy ko na mamalengke para makabili ng new issue ng Funny Komiks. At shempre, kay mommy ko ang Liwayway magazine.
Ang isa sa mga karaktee noon na lagi kong sinusubaybayan ay ang KAMANDAG ni Carlo J. Caparas napakagaling talaga.
kung di ako nagkakamali sa peoples journal yan lumalabas. may komiks na parte din ang mga dyaryo.
medyo nasubaybayan ko rin yan.
Im 55 years old, pero diko makakalimutan ang funny comiks. Pag alam namin na araw nang labasan nang funny comks palging ubos ang issue, dahil sa dami nang mga studyanteng bumibili.
Thanks for sharing sir!
Thank yoy Sangkay TV sa pagfeature ng Funny Komiks at ilang mentions kay Tinay Pinay
Hi sa mga readers, fans at maging sa mga may crush kay Tinay Pinay :)
Welcome po 😊👍
Omg bigla kong naalala noong elementary po ako ay nangongolekta ako nang komiks lalo iyung funny komiks noong buhay pa ang Lola ko ay binibilhan ko nang funny komiks.sana iyung mga story at characters ay gawing pelikula o gawing tv series o teleserye .para mabuhay ito sa mga gen z at mga millennials
Buti may natitira pang mga pinoy komiks sa panahon natin, kahit na dying breed ang mga cartoonista na kilala natin
Alien at Tama
Bumalik na naman ulit tayo sa nakaraan ang sarap talagang balik balikan ng ilang saglit. More power sa inyo ka sankay . Keepsafe guys 👌🫶
Maraming salamat!
kung ang exam nga sa school ay about sa lahat ng komiks..perfect aq..sure..kc after ko basahin sa rentahan..idudrawing ko pa pag nasa bahay na ako
Favorite ko noon sa FK ay ang "Amphbia" -- yung batang babae na half-blonde and half-black ang buhok niya. Sirena [blonde] ang nanay niya at centaur [black hair] ang tatay niya.
Wow buti na feature mo sa content na ito ang Funny Komiks na parte ng naging kabataan ko❤ yan paborito nmin komiks hayy naku nakakamiss nag aagawan pa kami pag may bagong labas na sa paborito nmin bilihan ng komiks stand😊😊😊nakakalungkot lang kasama sa pag usad ng panahon at pag edad ko nawala na din ang Funny Komiks at ibang pang mga kilalang komiks noon.
Since elementary ako nagtatabi talaga ako mula sa baon ko para may pambili ako ng Funny Komiks tuwing Friday. Favorite ko ang Combatron ni Sir Berlin Manalaysay.
Sikat na sikat kaya iyan combatron.. dahil halos magkamukha sila ni Rockman eh.. ako yung .25 sentabos, makakabasa ka ng funny komiks ng tatlo... May parentahan dito sa amin nyan eh.. saka yung rimance na pocket book 1.00 halaga ang hiram sa isang araw lang.
Ge
@@bobsmbln9099ge
ang mama ko pg uwi galing sa work ay ngdadala ng liwayway at nag uunahan kmi ng mga kptid ko na magbasa..kc bukod sa paglalaro isa din sa libangan nmin ang magbbasa ng liwayway..😊
Isa po ako sa Tagatangkilik ng mga Komiks, mula Lunes hanggang Byernes tuwing gabi inaabangan ko ang paguwi ng Tatay ko, na may dalang komiks 2 klase ng komiks gabi gabi. Hindi ako matulog hanggat hindi ko matapoz basahin lahat.sana magkaroon uli ng komiks.
Brings back memories bro. Thank you for featuring this one. Alala ng mga batang 90's...
Eklok at tomas at kulas ang gusto ko dyan ka sangkay talagang harutan po talaga yan.
Thank you sa video! Ang ganda ng pagkagawa, may back story muna bago ang main subject. Maganda ang pagka salaysay.
It was a euphoric feeling watching my childhood favorite komiks! Di lng pla ako ang naghahanap ng ending ng combatron! Parang maganda sya gawin movie para s mga pilipino!
Congrats sa video
Sana meron mag post ng link ng pdf copy ng bawat komiks.
Salamat 🙏
Ang favorite ko sa funny komiks yun Mahimud Ali. Yung anak nya si Kalatao na half kalabao at half tao na napangasawa si Irena na isang sirena. Nung tumagal, pinalitan na ng Amphibia. Anak ni Kalatao at Irena.
Webtoon na talaga new evolution ng komiks. Sana pumatok rito sa pinas ang webtoon.
I collected Funny Komiks since 1985 till its last publication…
Grabe ang dami kong collection nyan lalo na yung funny komiks nung bata ako. wala kc kami tv noon kaya yan libingan ko. Yung collection ko nyan noon umabot ng hanggang bewang ko ngayong may edad na ako. Pero binenta ng lola ko noon sa magbobote - dyaryo.
Sana bumalik ang Komiks kahit sa Online.
I'm an avid reader of local comics way back. Napakahilig ko magbasa noon ng kahit anung komics at isa ang Filipino Funny Comics sa paborito ko basahin. Nakakalungkot nga lang isipin na wala na sa sirkulasyon un kinagisnan kong komiks. And, yes, isa eto sa libangan ng mga tao nuon. Simple pero memorable. Planet op da apes ang favorite ko nuon. Ilan pa sa naalala ko na nobela sa komiks noon ay The Hands, Zuma, Palos, Ang Panday, Bruno Diablo, Devil CarCar. Ilan din sa mga dibuhista/nobelista na naalala ko ay sina Hal Santiago(my favorite), Lan Medina, Mar Santana, Karl Commendador, Nestor Malgapo, Carlo J. Caparas at Larry Alcala.
Thanks for sharing sir!
Grabe kasangkay nakakaproud ka. Detalyado mga topic mo. Kaya grabe aliw ko sa panonood ng mga videos mo. Grabe pagkaka research. Talagang hinukay mo ng malalim makuha lang ang bawat detalye. Salamat sa info. Thumbs up. Tuloy tuloy lang kasangkay sa pag upload ng mga very informative videos.
Maraming salamat sa suporta 🙏
Ay Salamat at nadinggin narin yung panalangin ko hahaha! kaka miss Funny Komiks! maraming salamat sa pag research at pag share~
Walang anuman po :)
nakakamiss naman once din ako naging indie artist nung nasa pinas pa ako 😁 sana dumami ulit mga reader's lalo na sa mga kabataan ngayon. lalo na at may mga event sa pinas like indieket at komikon.
Sana nga sir.
Treasure ko yang funny komiks, madami akong koleksyon nyan😊 9.50 lng yan noon s pgkakatanda ko nung ngsimula ako mangolekta. Madami din akong naging kapenpal dahil s komiks n yan hehe. Sarap balikan ang pgkabata noon. 😊 Thank you for this video.
Welcome 😊
Ganda tlaga ng mga kwent0 m0 sangkay naalala ko kbataan ko... nakakamis lahat ng kwento m0 naabutan ko. Cguro mgkaidad tau 41..
Tama sir, magkaedad nga tayo 😁
kudos to u SangkayTV for putting this up together. ur video essay is really informative, academecally easy to digest. we love u. more power and looking forward for ur continuing upload of this similar content. Mabuhay ka! 🥰🇵🇭
Maraming salamat po sa suporta 🙏❤
Favorite ko yung Bing Bam and Bung ng funny komiks😅
Thanks for highlighting Funny Komiks and the colorful history of Pinoy Komiks!
Additional information po:
- Noong 2007, tinangkang buhayin ni Carlo J. Caparas ang Pinoy Komiks sa pamamagitan ng Carlo J. Caparas' Komiks ng Sterling Publishing ngunit di ito nagtagumpay at tuluyang nawala. Ilan sa mga ito ay Gagambino at Andres de Saya na nagkaroon ng adaptation sa GMA-7.
- Maliban sa Funny Komiks, nagkaroon din ng ilang Pinoy Anime Komiks gaya ng Culture Crash ng PSICOM, na natigil naman ang circulation noong 2004. Na-featured na rin ito dati sa Extra Extra ng GMA-7 noong 1999.
- Meron din isa pang Pinoy anime komiks na di ko maalala ang title pero meron itong commercial sa defunct anime channel na Hero TV.
Thanks for the additional info 😊👍
My favorite segments are Combatron, Eklok and the Mighty Cybot.
Yung regal shocker at guni guni komiks nagbabasa rin po ako nun ka sangkay at talagang sobrang nakakatakot po ang story at drawing po.
Nakakamiss yan Funny Komiks.. sana lang makakabalik sa pagkabata nakakamiss din kasi😢😢😢😢
I think deserve din ma-mention nina Tonton Young (Pupung creator) at Pol Medina (Pugad Baboy creator). Anlaking part din ng kabataan ko ang mga comic books nila.
Idol ko din si Pol Medina, high school pa lang, nagbabasa na ako ng Pugad Baboy.
Maganda ang Topic mo na yan ,,!! Noong Bata pa ako.Paburitong paburito ko ang Funny comics at may mga Collections ako yan ,,!! SAYANGnasira nang unamg Baha sa amin kaya di ko naisalba yan ,!! Tapos ang Combatron Nakalan niya ang Final Boss sa comics na si Gargon ,,!! Na kasing laki ng Buwan at namatay lahat ng mga kakampi niya pati ang robot na aso niya ,,!! Ginamit ni Combatron ang Galactic Phonics na galing sa dib dib niya galing sa apoy ng Araw 2 beses niya itong ginamit kaya lang nag sanhi ito ng pagkasira ng kanyang katawan at buhay
Batang 90s ako, ang natatandaan kong pinakaunang komiks na nabasa ko ay ang PUGAD BABOY ni Pol Medina Jr. Comedy story na nakakaaliw ung mga humor ng mga character. Hinding hindi ko un makakalimutan kaya ngayon isa akong animator sa sobrang inspired sa komiks. ❤❤❤❤❤
Nice! Isa rin yung Pugad Baboy sa paborito ko simula pa nung high school.
Inabot ko Funny Komiks sa Baclaran at Tagaytay City noong Early 80's every week nabili ako ng copies nito. Thanks for making vlog about this very Iconic Pinoy Komiks it shows how old we are. Super Dog, Super Cat, Planet of Apes, Niknok at Mahimod Ali
Welcome 😊👍
OMG seeing the pages of FK in that vid brought tears to my eyes. I mean, FK was my younger years. :)
Nagpadala din kami ng drawing namin jan noon.. nai-feature yung drawing namin ng kapatid ko.. nakalimutan ko na kung anong issue no. nailagay yon.. nakakamiss..
Sobrang nahilig ako dito noong bata ako. Lalo na sa mangyayari sa Combatron. Every Friday, bumibili ako sa Plaza. Tapos pinaparentahan ko sa mga kalaro ko
Salamat at binalik mo po ako sa aking kabataan. I will never forget pagkahumaling ko sa komiks noong sa Claro M. Recto pa kami nakatira. paglabas ng gate namin sa tabi may nagpapaarkila pa noon ng ibat ibang filipino komiks. 25 cents kalahating araw at 50 cents isang araw na saiyo. tsaka mo isosoli. naging favorite ko yung funny komiks na planets op da eyps, hiwaga, niknok, mr. & mrs., aliwan, liwayway at madami pa. Inaabangan ko talaga kasunod na issue. nakatulong sa akin sa pagbabasa ng tagalog at nakahiligan ko talaga ng magbasa. Hinintay ko pang mapublish mukha ko with my birthdate. Hanggang sa binibili na kami ng mother ko para may sarili kami ng mga kapatid ko at ng hindi na umaarkila pa. Naitabi pa ng mother ko hanggang 2000 kaso paglipat namin ng bahay, ewan ko kung ano nang nagyari sa mga naipong komiks. Nostalgic grabe!
Thanks for sharing sir!
Ngayon lang ako nakapag comment kasangkay dahil sa tv nako nanonood ng mga content mo. Mag iisip ako ng mga topic na pwede kong maisuggest para mai content modin para sa mga future upload mo
Karagdagang kaalaman na naman mula sayo, kasangkay. Maraming salamat. Kilabot naaalala ko inaabangan din namin basahin-
Salamat din po!
Memorable sakin ang Pilipino Funny Komiks,hindi lang dahil kay Combatron,Eklok, Bamper, Vektar Istarkid at iba pa,kungdi dahil dito talaga ako natuto magbasa,instead na libro,Funny Komiks ang una kong teacher sa reading🤗✌️☺️🇵🇭
Ang daming bata nun na natuto magbasa dahil sa komiks. Tapos kung mahilig ka pa sa mga Marvel or DC comics, matuto ka pang mag-ingles, hehe.
Lagi kaming nagbabasa ng komiks lalo na nung elementary at high school days namin. We used to rent from the nearest comics stand in our town . How nostalgic.....
Nakakagiliw panoorin hanggang sa katapusan ang videong ito. Isa ako sa mahilig magbasa ng komiks, kabilang na ang Funny Comics noong bata pa ako. Maraming salamat sa maganda at hitik sa kaalamang paglalahad ng kasaysayan ng komiks sa bansa!
Maraming salamat!
Combatron, Little Ninja, Viktar Star Kid, Jonax, Super Dog, Tomas en Kulas Yan Ang mga lagi ko binabasa noon sa Funny Komiks
sa funny komiks una akong natuto magbasa lagi ko sunasabaybayan sina superkat, planet of the apes, mahimud ali, little angel, dax at niknok, sana meron pang funny komiks
..salamat at mayroong komikon, patuloy pa ring buhau ang pilipino komiks..
.
..as an artist, maraming salamat sa content na ito..
Nice! Artist din pala kayo, anong linya nyo sir?
@@SangkayTV ..nagkomiks din ako nung sir, sumali kami nun sa komikon, then nawala na yung group namin..
@@nats_desu Anong title nung komiks nyo sir? Ako kasi gumawa rin dati ng komiks pero school project lang, hehe
@@SangkayTV ..Sagrado Teritoryo yung main title po ng komiks namin, then the rest parang clip art na comics style ang dating..
.
..and yeah nung highschool gumawa rin kami ng komiks pero hindi size ng bond paper, kartolina gamit namin sa subject na physics..
@@nats_desu Ayos! Salamat sa pagshare sir. Try ko hanapin yung komiks nyo.
ayun! sa wakas na-feature na rin! from 1986 to 1995 ibinili ako weekly ng nanay ko ng Funny Komiks. Nahinto nung malapit na akong mag-college dahil di na raw bagay sa akin at hindi ko na rin masyadong binabasa. itinago ko lahat ng issues ko sa mga kahon, alongside my copies of Shocker, Nightmare, and other horror komiks. Sayang lang nahanap ng mga anay (termites) ang taguan ko at nang makita ko, huli na ang lahat. totally damaged na ang may 10 years worth ng Funny Komiks ko. walang naisalba. naalala ko bigla nang makita ko itong thumbnail, halos lahat ng issue na ipinakita sa video, meron akong copy dati. Favorite ko ang Bing, Bam, Bung ni Larry Alcala, Force 1 Animax (na biglang tinapos nang hindi ko malaman kung bakit) kung saan ko unang na-appreciate ang superhero genre, Planet Opdi Eyps ni Ronnie Santiago, Super Blag at siyempre si Combatron.
Thanks for sharing sir!
Haha, ayos to! Kaya lang puro hiram lang kami niyan, walang pambili
Arkila lang pag walang pambili, hehe
@@SangkayTV ok na yun basta nakabasa. Maraming salamat po sa video sir!
@@changkwangoh Welcome sir, salamat din sa panonood 👍
I have a vast collecton of Pilipino Funny Komiks because of my fave character Combatron ...
nag paparenta kami ng komiks noon sa tindahan namin dekada 80's bago i display ng nanay ko yan dadaan muna sa akin yan ako unang nakakabasa ng mga bagong dating 😃
Sa Japan, hindi sagabal ang teknolohiya para matigil ang paggawa ng manga, karamihan sa mga anime na ngayon galing sa manga kagaya ng Spy X Family at Oshi No Ko. Dapat pala ganyan din tayo kung maunlad lang ang animation industry dito sa Pinas.
Kaya nga eh, malaking tulong talaga yung anime industry sa manga.
Hindi naman sa pagiging basta proud to be pinoy lang ah.
Tignan mo yung panel sa 7:57 dang pure art!!
Tas sa 9:34 yung mga anime style, kuhang kuha.
Yan ang maganda satin sa Pilipinas.
Madali maka adapt ng style.
Pag western ang gumawa ng anime, di ko talaga gusto proportions at masasabi mo kagad na hindi Japanese.
Pansinin mo sa mga anime indie game na galing west.
Noong walang family computer pa kami,ito yung kalibangan ko noon..Tomas n Kulas at planet op da eyps.😅❤❤❤
Sarap maging bata uli.35 na ako pero pag naalala mo to mapapasabi ka na lang na ang tanda ko na pala.
Super dog ang paborito ko noon sa funny comics inaabangan ko talaga yun
Funny komiks, Liwayway at Wakasan ang hilig kong basahin.
Sa komik ako natuto magbasa noong bata ako.
I hope bumalik funny comics nkaka alis basahin at marami napupulot na aral keep up the god work galing mo idol thank you ganda ng conten mo god bless
Maraming salamat sa suporta 🙏
nagstart ako magcollect nito is nung 2001 (grade 2 or grade 3 ata ako) kasi naimpluwensyahan ako ng pinsan ko kasi lagi sya sumusubaybay sa FunnyKomiks.. naalala ko nag ssave ako ng pera ko para bumili nito every Thurs. or Friday ata nilalabas ang bagong komiks nila.
napaka nostalgic 👌👍
nahilig ako sa komiks dati kasi may tiyuhin akong nagtatrabaho sa atlas publishing. every week mainit-init pa yung mga komiks na dala-dala niya pati mga glossy magazines. those were the days...
Sana mai remaster mga ito. Para ma enjoy rin ng mga chikiting ngayon.
goosebumps ako..nkta ko ung drawing ko s THIS IS YOUR PAGE..nsa pnakaliwa ndi nga lng kta ung pngalan ko..naalala ko blg 883..may 19,1995 ung date..tomas and kulas ung cover..Php 6.50 n ung hlga..😊😊😊
Nice! hehe
Yan ang madalas kong bilhin sa baon ko nuon very entertaining and at may aral din. Sayang at nawala na, Niknok at Super Dog ang paborito ko.
Idol sana gumawa po kayo ng content tungkol sa Lucky Me at bakit sila naging controversial sa Europe. Salamat po and God bless.
Napaka-nostalgic neto! Grade 1 ako unang nakabili ng Funny Komiks, 1991 yun (Opo, matanda na ako. 😁). Combatron, Tomas at Kulas, Super Blag, Pitit, Mr. & Mrs., at Planet Opdi Eyps ang pinakainaabangan kong strip. More power Kasangkay! 💪
😊👍
Ang paborito kong character sa Funny Comics ay ang Planet op de apes that is during my elementary era way back late 70s.God bless you po brod...!!
Toman en Kulas for me. Every friday ata release nila ng Funny Komiks. Pag Sunday tyaga tyaga muna sa comics section sa newspaper na Phil. Star 😅
Halos lahat binabasa ko sa funny komiks combatron, jonas, petit, niknok, planet opdi eyps, mr&misis, kid komet to many to mention yan talaga ang libangan ng kabataan dati sayang at wala na ngayon sa manga naman ako nahuhumaling ngayon ka sangkay
RIP Tomas & Kulas 🥹😢😭🥲🫶
Very nice informative content kasangkay nagustuhan ko talaga ito. Batang 90's ako pero nakabasa din ako ng iilan sa mga funny komiks nakakamiss din talaga. Yung last kong nakabasa ng komiks diyan sa manila noong sumasakay kami ng ate ko ng LRT may free news paper dun yun ang una kong binubuklat at binabasa sqlamat talaga kasangkay God bless and Stay safe ❤❤❤
Maraming salamat din po sa panonood. God bless 🙏
Lumaki ako nun 80s, elem days ko yan.. Collection ko yan komiks tulad jg funny comics, childrens comics , samurai, shogun atbp .. karton karton ang komics ko sa bahay noon...
Noon 80s , nirerentahan ang komiks 25 cents babasahin mo tapos isasauli mo s nagpaparenta kinabukasan.
Aabangan mo yun mga serye n komiks...
90s high school n ako, humina n ang komiks
May mga komiks din na Marvel na isina tagalog at imbes na parang poster paper ang gamit, papel ng standard filipino komiks ang ginamit... naalala ko pa nga yung kasal ni cyclops at jean grey na akin ding pinagipunan dati
Oo, meron din ako dati nung mga yun, yung Black and white yung loob, hehe
Mahal Kong Pilipinas, Inc o MKPI iyong publisher niyan. Naging magandang alternative i-collect sa mas mahal na US version :)
Mabuti at nakapag tabi pa ako ng 5 issues
ng funny komiks. Andaming nag bebenta nito online na sobrang mahal na ng presyo. hahahah!
Yan madalas ko basahin funny comic combatron.kakamiss talaga. 90's pati liwayway nababasa ko rin
Funny komiks naalala ko sa payatas pa kami nakatira nag bebenta palagi lolo ko ng dyaryo bago nya iipit ung mga komiks bilang palaman o oampabigat babasahin muna namin.. Updated kami kasi laging may bagong issue kada araw.. Sayang dko naitabi basta binabasa lang namen hehehe.. Tagal ko po inantay yung review nyo bout sa funny komiks #nostalgicfeels❤
Thanks for sharing!
Nagpupunta pa ko SA public library para Lang mabasa weekly ung funny komiks.kasi wala ako pambili hehehe,isa SA bumuo Ng kabataan KO # batang90s
Ah the 90's, Tinay Pinay was my favorite in Funny Komiks back in the day.
Hi Tinay Pinay fan!
Dati marami rin akong funny komiks noon. Meron din ako koleksyon ng komiks. Ngayon ang natitira na lang e yung Kick Fighter komiks. Buti naitabi ko yun. Very nostalgic sa kin yang mga komiks na yan.
Di ko makakalimutan yan dyan ako natutong magbasa....combatron gustong gusto ko noon
Nakakamiss talaga ang Funny Komics... Sinusubay bayan ko noon si Combatron.