Misa ng Huling Hapunan 2018 sa Naic, Cavite
Вставка
- Опубліковано 5 лис 2024
- Marso 29, 2018 (Huwebes Santo). Halos buong araw tahimik ang simbahan ng Naic maliban sa mga mananampalatayang nagpaparoo’t parito upang mag-Visita Iglesia. Pagsapit ng 5:00PM, nagsimula ang Misa ng Huling Hapunan sa parokya. Matapos ang homilya, isa-isang pinili ni Fr. Isagani Aviñante, kura-paroko, ang 12 nasa misa na kakatawan sa mga Apostoles ni Hesus. Pinauupo ang bawat napili sa unahan at saka hinuhugasan at hinahalikan ng kura ang kanilang paa. Habang walang inaasahang paghayo sa katapusan, iprinusisyon naman sa loob ng simbahan ang Banal na Sakramento upang ilagak sa Altar Repositoryo. Kaagad nagsimula ang pagtatanod. Natapos ang banal na gawain bandang 7:00PM. Samantala, pinilahan ng sambayanan ang mga pagkaing nasa Hardin ni Maria na sadya para sa mga nasa simbahan. May mga naghain o namigay ng lugaw at tinapay. Tunghayan sa video ang mga naturang tagpo sa simbahan. #HolyWeek #SemanaSanta #MahalNaAraw #HuwebesSanto #HolyThursday #MaundyThursday #HulingHapunan #LastSupper