Kangino kami lalapit ni Martang aking kapatid Poong ko ikaw’y makinig, sa taghoy tinangis-tangis na alipin mong may hapis. Doon ako nananangan sa lubos mong kabagsikan sapagka’t Diyos kang tunay, tuwi na at nangangaral sa tanang makasalanan. Dili baga binuhay mo kapatid kong si Lasaro marami pa’t madla rito, ang biyaya at saklolo sa aming nananagano? Oh Maestrong mapaninta mapagkalinga tuwina laking sakit, laking dusa, nang puso ko’t kaluluwa katawan mo kung makita! Poon yaring aking buhay ngayon yata ay papanaw kung ako’y iyong maiwan, dito sa lupang ibabaw anong aking kapakanan? Ano pa’t hindi magbawa doon ang buntong hininga pananangis na lahat na, niluha-luha nang mata nang Inang nangungulila. Panambita’y di matapos niyong magagandang loob kapagdaka’ ay dumulog, si Hosep at si Nikodemus sa Birheng kalunos-lunos. Aba po mahal na Birhen ang hapis niya’y pag-anhin itong Poon ay ilibing itulot mo po sa amin nang tayo’y huwag gabihin. Ang paglilibing sa ating Panginoong Hesukristo Halos di ibig bitiwan ng Inang may hapis lumbay, ang sa Anak niyang bangkay ninonoynoy nininilay yaong madlang kahirapan. Laking sakit hirap baga nang Inang nangungulila binunot-buntong hininga, at gayon din ang dalawa si Huan at si Magdalena! Lumuhod na kapagkuwan ang dalawang mga banal iniabot nila ang bangkay, saka naman pinagdalhan sa kabaong inilagay. Tinakpan namang totoo ang bangkay ni Hesukristo, nang sabanas at sudario bangong hindi mamagkano saan man sila patungo. Angeles sa kalangitan nanaog at pumatnubay sa daang nilalakaran kanilang tinatangisan itong Diyos na maalam. Marami nama’t madla pa babaing nangagsisama pawang may luha sa mata, lumbay na walang kapara sa puso at ala-ala. Doon din sa halamanan Hetsemani ang pangalan itong si Hosep na banal ay may nabiling baunan di pa pinaglibingan. At ang buong niya asa kaya binili nang una ay doon ilibing baga na kung siya’y mamatay na ang katawa’t bangkay nila.
Jan.16 2021 7.07am nasa labas ako ng bahay biglang damumpi ang simoy ng hangin naimagine ko na parang ganito ang ambiance ng mag hoholy week really miss the old good days sana matapos na po ang Pandemic
One of the best pabasas na nakita ko on youtube.. ang ganda ng mga boses...
Salamat mga kabayan s pagpapatuloy nyo ng tradisyong Pilipino n pagbasa ng pasyon ng Panginoon
Kangino kami lalapit
ni Martang aking kapatid
Poong ko ikaw’y makinig,
sa taghoy tinangis-tangis
na alipin mong may hapis.
Doon ako nananangan
sa lubos mong kabagsikan
sapagka’t Diyos kang tunay,
tuwi na at nangangaral
sa tanang makasalanan.
Dili baga binuhay mo
kapatid kong si Lasaro
marami pa’t madla rito,
ang biyaya at saklolo
sa aming nananagano?
Oh Maestrong mapaninta
mapagkalinga tuwina
laking sakit, laking dusa,
nang puso ko’t kaluluwa
katawan mo kung makita!
Poon yaring aking buhay
ngayon yata ay papanaw
kung ako’y iyong maiwan,
dito sa lupang ibabaw
anong aking kapakanan?
Ano pa’t hindi magbawa
doon ang buntong hininga
pananangis na lahat na,
niluha-luha nang mata
nang Inang nangungulila.
Panambita’y di matapos
niyong magagandang loob
kapagdaka’ ay dumulog,
si Hosep at si Nikodemus
sa Birheng kalunos-lunos.
Aba po mahal na Birhen
ang hapis niya’y pag-anhin
itong Poon ay ilibing
itulot mo po sa amin
nang tayo’y huwag gabihin.
Ang paglilibing sa ating
Panginoong Hesukristo
Halos di ibig bitiwan
ng Inang may hapis lumbay,
ang sa Anak niyang bangkay
ninonoynoy nininilay
yaong madlang kahirapan.
Laking sakit hirap baga
nang Inang nangungulila
binunot-buntong hininga,
at gayon din ang dalawa
si Huan at si Magdalena!
Lumuhod na kapagkuwan
ang dalawang mga banal
iniabot nila ang bangkay,
saka naman pinagdalhan
sa kabaong inilagay.
Tinakpan namang totoo
ang bangkay ni Hesukristo,
nang sabanas at sudario
bangong hindi mamagkano
saan man sila patungo.
Angeles sa kalangitan
nanaog at pumatnubay
sa daang nilalakaran
kanilang tinatangisan
itong Diyos na maalam.
Marami nama’t madla pa
babaing nangagsisama
pawang may luha sa mata,
lumbay na walang kapara
sa puso at ala-ala.
Doon din sa halamanan
Hetsemani ang pangalan
itong si Hosep na banal
ay may nabiling baunan
di pa pinaglibingan.
At ang buong niya asa
kaya binili nang una
ay doon ilibing baga
na kung siya’y mamatay na
ang katawa’t bangkay nila.
Panginoon gabayan mo po kami kong saan man ka. I naroroon ngayon ilayo nyo kami sa kapahamakan panginoon Amen
Jan.16 2021
7.07am
nasa labas ako ng bahay biglang damumpi ang simoy ng hangin naimagine ko na parang ganito ang ambiance ng mag hoholy week
really miss the old good days sana matapos na po ang Pandemic
Saan po ko po maiikita yung music? Manghihingi po sana ng copy
Dayo po kayo dto sa tanza navotas city
napakagandang tradisyon tuwing mahal araw ❤️💛
Kuya dayo po kayo dto sa tanza navotas city
Traditional po ba ang tonong ito? Kalimitan po kasi ay tonong Tagulaylay ang gamit sa pagbasa ng pasyon!
Mahuhusay galing
Ang gaganda ng boses
Ma sayang pabasa
Anong Page po ito?
btw yung sound po ay "Ay ay ay o pag-ibig"
sa 1:46
Saan po kaya makikita itong mga mangbabasa
Yah,saan Po lugar Ito?
@@ramonrivas8363 alam kopo, taga san roque marikina po, kilala ko po sila.
saan po kaya ito na sana maimbitihan sa amin ng pabasa po at ng mabsahan ang san Bartolome apostol
True God allah }%\
Nagkita nga ng malinaw klaro ang liriko..i hannga dun lang pala un!
galing po ng tono ng kanta
Lord of Pardon po ito saang sangay po ito olongapo po ako grotto ng perdon gabayan bawa tayo ng LORD at ng nana osang
Galing
Gandang Tradisyunal❤️🙏
G Gb kav
Ama linisin mo po ang buong pagkatao ko hugasan mo po ako saking mga pagkakasala
Ama linisin mo po buong pagkatao