FIRST BOOKING SA RESORT…. I-WELCOME NATIN!!!
Вставка
- Опубліковано 6 лют 2025
- For any questions or inquiries regarding this video, please reach out to / rowellsantosfrancisco
----------------------------------------------------------------
Maraming salamat po sa patuloy na pagsuporta mga, Amigo.
• Facebook - / pinoyinequatorialguinea,africa
PLEASE DON'T FORGET TO LIKE SHARE, COMMENT, SUBSCRIBE AND TURN ON THE NOTIFICATION BELL. MUCHAS GRACIAS
Napakasipag naman ni Kuya bell at jose... yang ang tuna na mgkaibigan... GOD BLESS 🎉🎉🎉❤❤❤
bili po kayu ng tray kuya rowel gamitin nyong pang serve pra desente pong tignan hindi isa isa hawak mo at inaabot po ✌️✌️😁💖
sabi ni kuya rowel bilhan mo daw sya kung ok lng daw?
Napakaimportante ng tray kagaya ng ganyang negosyo maski sa sariling bahay nagagamit din yan.
Very good suggestion pra nman my formality ika nga😂
Tama..
Tama nmn talga tpos dapt maging strict din sya about s mga ngpabook I mean bawal pumasok kapg basa ka kc syempre d nmn pwed n bili Ng bili c kuya Raul Ng mga sofa Aminin natin d lahat marunong magingat lalo n May mga bata tayong ksma ..
Maglagay ka ng sign about sa rules sa pool, no eating and drinking, no diving, no pushing ang splashing. No smosking sa area ng artificial grass mo.
Lalo ung diving may namatay n kilala ko kc kala malalim ang pool ayun ng dive nauna ulo.😢
Kaso nakaka baboy lang tignan maraming signage
Tama po dapat may mga signage, ganyan po sa kapitbahay naming pool. Dati po wala, nuong nagkaroon ng accident sa resort nila hinanap ng lawyer ng aggrieved party mga signage at nagkaroon na din sila ng lifeguard. Just saying po.
Lahat ng resort may signage.@@nidachua4705
@@johnlee2777 ganito dapat Ang suggestions Hindi Yung kung ano Anong dapat patulungin Ang mga Bata. Ano Yan sila may work permit? Hahhahaha
Talagang solid kayong 3 mula sa E.G. hanggang Pinas. Sana hwag mag bago ang inyong samahan.
Malaking tulong amg comments kasi parang suggestion box na din makakatulong tlga ang mga ideas pag maraming utak ang nagiisip.
True! Kaso ang pag-intindi nila jan ay bashing..nakakalungkot na nakakainis! 😅
basahin mo iba comment nkakasakit ung iba.. noong una tumulong mga matinga tpos sinasabi ginawa trabahador o utusan mga matinga..ngayon suggest namn "kung walang pasok raw mga bata pwedi tumulong.. ang bilis kumain agad prang baboy rw" ano ba tlaga gawin nalilito na ung tao kaya ayaw na nla magbasa ng mga comment mga masakit magsalita.. dati pa yan nla sinasabi wag pa trabahuin mga matinga ksi baka ma report raw.. kaya wag na kau umasa mgbabasa pa yan sla ng comment dhil ung iba sobra na d mo alam ano paniniwalaan mo puro suggest tapos kung sundin nmn mali namn sa paningin nla
totoo naman eh bashing talaga manahimik kayo di kayo susundin ni raul kala nyo kung si'o kayo makapag utos sa kanya mapapanisan lang kayo ng laway baka nga naririndi na sa inyo
@@perlitagermones-mv7nn dati pa nalilito sila puro suggest tpos kung sundin namn nla mali naman sa ibang viewers.. naalala mo ung lilipat sla ng bahay ni tya mame.. ano karamihan comment ginawa raw trabahador sla.. tpos hndi lang yan noon pa hndi pa tapos ang resort.. bukang bibig ni kuya rowell about sa gagawin nla sa resort ..tapos ang sabi namn ng iba kuya rowell wag mo patrabahuin ang matinga baka ma report ka yan .. dba puro negative comments nla sa live..ung lilipat sla ng bahay puro masasakit salita comment.. ngayon may nabasa namn ako prang baboy pinapakain lng dalawa bata lalaki kain agad raw..hndi ba masakit un? kahit ikaw gugustuhin mo pba mgbasa ng comment gnun lang mababasa mo? akala mo sila ngpapakain ng mga bata sla gumastos..mkapagsalita kala mo hindi mlaki kumain sa bahay nla...puro suggest gnito si ganito gawin tpos kung gagawin mali naman sa paningin nla..bakit hndi nalng manuod bkit mag comment pa ng masakit na salita...tingnan mo mang bash namn yan sla kpag mkita nla mga matinga nagtrabho kung ano2x namn sasabihin nla..
Meron Naman talaga bashing Kasi Akala ng iba nakaka tulong sila pero Ang totoo kung ano ano nalang mga pan lalait sinasabi 😅 kaya kung mag sasadgest dapat Yung totoo Yung walang halong pang iinsulto 😅 yun dirin maintindihan ng iba@@everydayliving658
Kuya Rowel para Hindi kayo mapagod walis ng walis at mop ng mop bili ka Po ng vacuum cleaner para mas mapabilis Ang paglilinis sa floor
Raul sana maglagay ka ng sticker na “NO SMOKING” sign sa loob ng resort mo para hindi bumaho at iwas sunog din. Maraming sticker na mabibili sa National Booj Store o sa mga Malls.
Ok lang meh smoking place sa labas ng resort hwag sa loob..
Parang maganda yong nabasa ko na comment..WAG DW PO LAGYAN NG DOORMAT SA ITAAS NG HAGDAN AT DELIKADO SA DULAS..
Agree
Basta may rubber sa ilalim and wag sa may hagdan 😊😊😊❤❤
Agree, dilikado nasa tapat ng hagdanan. Siguro pwede ilagay yung doormat bago pumasok ng bedroom mas safe pa.
diyos ko ang DOORMAT Ganon pa rin? 😅😅😅 e match nman sa mga gamit ng resort na sosyalan. pang barangay yata ganyan klaseng doormat. bili ka sa SM. 😂
Instead of synthetic grass inilagay dapat blue grass. Mbubuhay nman yun dahil expose nman sa araw
Suggestion ko formality wear uniform collar t-shirt tatak noon resort para alam ng guest na working sila kasi for security concern din both parties
Suggestion lang Lagyan din ng clean as you go para Malaman ng renters na kalat nila linisin nila
Maikli lng naman ang video 16 minutes pagkagapos niyang mag video pang upload todo trabaho naman siya
Dapat mag lagay ka check out time 11 am then check in 4pm para may enough time pa kayo mag linis. Yan ginagawa ko dito sa Airbnb’s ko.
Korek
true tapos pag lumagpas sa check out time eh plus sa singil
Teamwork talaga Ang mga Kuya at mga family at friends ganyan Ang good business Po lahat tulong tulong 🥰🥰🥰🥰🥰🥰🥰
Bottomline sana mabasa ni kuya Raul mga comments. Minsan may mapupulot na aral maski sabihin natin na parang binabash.
Tama naman lahat mga suggestions at mga comments. Depende na talaga ke Raul.
@swerteko7737 Korek, pero yung iba inaaway mga nagcocomment kala nila inaatake si Kuya Roel, pero di nila alam mga nagcocomment eh matatagal ng subscribers na di pa kilala ni Kuya Roel sila Tya Mame. Di nila iniinti di comment basta naghuhuramentado lng pero di nman inintindi yung binasa lalo na mga gurang na subscribers kuno mygadddd mapapakamot ulo kn lng tlga haha
@@CloudAhjummasorry ha parang may narplayan ako kung ikaw ba yun ayaw ko kasing basher nood lng ako ✌👍salamat....
Ngayn lang magaayos na me bisita na.dapat always redi ang place
Kalamansi nalang po gawin niyong drinks tutal may farm naman sa gilid niyo. Jasmine tea, kalamansi, honey. Sobrang sarap non.
🎉Dapat mag hire ka ng isang staff cleaner dyan sa resort.
Oo pra ma maintain pra di mgtaranta PG mg book ❤❤❤ khit 1 tao lng pra mlinisan lgi😊😊😊😊
huwag nyo po muna buksan lahat ng aircon sila na lang po magbukas pag nanjan na custumer
oo nga kasi sobrang c kuya raul eh
Maglagay po Ng indoor plants boss Raul...since business Ka, maganda ang money plants at money tree ..tapos fortune plants SA mismo harap Ng pintuan gilid...bago mag bagong taon Dyan po kayo Mag celebrate para maganda ang pasok Ng negosyo at sagana
Naaaliw talaga ako kay lola Eden.. best supporting mother earth!❤❤❤
Bago pa lang kasi kaya nangangapa pa. Mga ilan bookings yan kabisado na nila.
Goodluck!
Congratulations, step by step magiging expert kana.. suggestions po may nilalagay sa gitna Ng stairs para sayang carpet para Hindi madulas ang mga BATA....shout out Kay beljun and Jose..napakabuti ninyo
First comment ito sir Raul magbasa ka po ng mga comment para may ideas ka sa mga bagay bagay para sa resort mo✌️✌️🫰🫰🫰
Godblesses kuya beljune at kua jose at kua rowel tunay na mag kakaibigan
Nakakatuwa si kuya jose napaka bilis kumilus dahil jan plus 10 ka kay papa god😂😂😂
Suggestion lng po...use serving tray to distribute para nman may class at formality sa mga guest..ang laking tulong sayo sina kuya Jose at belljun no..
Kuya lagay ka counter at suggestion box lagay din mga signs/rules and regulations para di mababoy ang resort...hope di kalabisan ang suggestion ko..ty
Mas maganda po kung sila nalang po ang mag bukas ng aircon kuya roel,para po makatipid sa kuryente,para djn po eco friendly,
Mas maganda kung pagpasok pa lang ng guest e malamig na ang room. 😊
Wow start na ng kita , madaming mag pa book Christmas vacation 👍
Hello goodmorning po sa lahat.kuya Raul,kuya Billjune ,kuya Jose,kuya Pogi.teamwork ang husay po ninyo talaga.
Dapat po sa mga drinks nakalagay sa tray emportante po ang tray para mas presintable
Oo nga dapat isa ka rin sa tumutulong magayos hindi mando lang ng mando .just saying ang friendship kailanga sa hirap at ginhawa magkakasama.minsan na oover na rin ang paguutos.
May hangganan din ang lahat. Di maiiwasan na darating ang time na maiirita ang mga kaibigan mo sa pagmamando at yung way ng pag-mando niya...kung ayaw niyang kumuha ng videographer dapat yung mga kasama niya ang pahawakin ng camera at SIYA DAPAT ANG GUMAGALAW NA NASA FOCUS NG CAMERA dahil page niya ito. Hayahay na ginagawa niyang subject sa mga videos ang ibang tao tapos vinivideo at minamando lang niya lagi pero siya ang kumikita sa yt. Ganun yung mga "exploiters" na yt channels
Solid follower ako pero etong gnito na like this like dat, parang subra naman dapat tulungan niya ang dalawa hindi ung putak ng putak lang kung saan ipallipat ang gamit duuhh sa araw na to i hate u kuya rowel dduuhh
He keep saying kailangan natin gawin ito but he never help. Panay sya Jose and mejun do this do that! We all know Raul is physically lazy.
@Chunkypb24 hihihi
Di nyo Nakita sya Ang nag video? Paano sya makatulong? Understood na Yun at di nila na isip mando ng mando kc Kilala n nila Ang isat Isa. Di yin big deal
Good job Amigo Jose & Amigo Beljune,walang iwanan at magkasama pa din kayong 3.
Sir rowel.. silent follower here... Suggest ko po..maglagay po kayo sa malapit po sa gate nang reception hall and Waiting area...
Kaya nga. Ewan ko bat di nila naisip yan. Need talaga meron yan. Saka mga stock room ng mga gamit
Wow! nagsisimula nang tumanggap ng clients ang Casa Guiñeana. Congratulations Raul, Lenlen, Beljune, Jose, Pogi at sa lahat dyan. God bless you all!!!
Napakasaya niyong tatlong mgkaibigan..❤❤❤😂😂😂. Ngtutungan ang mga kapatid🎉🎉🎉❤❤
I hope you would use a tray when serving something.
Good morning po…WOW! Very warm welcoming treat to your guests!❤️.I think All beds need ng comforters po.. kc naka aircon Po.
Bait tlaga ni kuya Raul.homey homey sa resort nya❤❤❤God blessed po sa resort mo kuya raul
Uniform nalang po and seminars for proper serving and entertain ang kailangan ❤
Ang nipis po ng kumot nyo. Sana po ang quilt kasi malamig aircon sa gabi hehehe
Bili Siya Ng Duvet para Isang pagpag lang madaling I spread sa bed.Magiging bed cover na rin.
Wow Ang saya2x nakakatuwa Naman may nag book na Naman I'm so happy for you kuya Raul 😁👍
Maganda, malinis at mukhang mabango cguro. Lagyan nyo po ng “no smoking”. Pra mapanatili malinis❤. Bawat kanto lagyan ng basurahan.
Beautiful neat clean and well organize
private resort ❤️
Congratulations 🍾🎉🎈
Woww ang ganda talaga ng Private Resort nyo Sir Raul kasama ng mrs at 2anak nyo mama mo tyang mame at mga anak nya at mga kaibigan nyo na lagi nandyan God Bless all 🙏❤️🏠🎄🏠🏖️🌴🌷🌵🌷🌵🌴🏔️🌴🌳
Sobrang taranta si kuya Raul😂
Was hoping na may mga board games and billiards and other stuff
Wow bongga ang pa welcome drinks ma enjoy talaga sila dyan esp ang mga kids
Congratulations kuya Raul and family and the cinco filipino ❤❤❤❤
Maganda po pa welcome, fruits and sweets..for abundance
Nice sis ruel 🎉🎉🎉🎉🎉🎉godbless all ur family
Wow naman talaga Yan .❤❤❤
dapat meron kng stay in n housekeeper..para di kayo nangangarag oag mag kakasunod ang clients nyo..suggestion lng nman😊
Pag nagcheck in lang ng overnight saka mo lang ipapagamit yung building mo na may tulugan.....lugi ka kapag day swimming lang ay ipapagamit mo pa yon
di naman yan public pool para di ipagamit ang mga rooms, private yan at 12 hours ang reservation tapos d ipapagamit ang rooms saan magpapahinga ang mga nagpabook sa table? ganyan talaga kapag sa mga private resorts may rooms na pinapagamit.
Boss madam hindi pi siya lugi kumita parin siya for example ikaw mag avail kahit anong sabihin mo na mag swimming kalang or matulog ay yung babayaran mo ay yung fix price talaga dahil private resort po yan hindi public na kung ano lang gusto mo gamitin ay yun lang babayaran mo😂😂 choice mona yan pag nasa private resort ka gamitin mo man or Hindi pero yung babayaran mo ay fix price or buong private resort. Sana maintindihan mo. Kung mag swimming kalang bakit jan kapa pupunta tapos gusto mo pool lang babayaran mo 😂😂😂 alam mo naman private resort yan
Kasama yan sa binabayaran. Kapag private resort hindi yan gaya sa public na kung 100 per head ay yun lang babayaran. Kapag private resort kung 5k minimum na bayad for 10 pax yun ang babayaran.😊
@@marielhen7128 mali karin eh 😂😂 wala naman kaseng pax pax sa private resort baka minimum lang sa dami ng tao. Pero sinasabi mong 10 pax or ilan ay hindi ganyan sa private resort. Kahit mag kalang ay kung magkano yung fix price ay yun parin babayaran mo mag isa or marami kayo ganun panun babayaran mo for example kung 10k o 15k ganun parin bayaran mo kahit mag isa kalang. Kase kung reason mo pwede ba babaan yung price kase mag isa kalang so bakit jan kapa eh marami namang resort na per head ang babayaran mo
Ai bongga! May pa-welcome drinks👏🎉
Isa po ako sa na nood simola nasa africa kapa..God bless 🙌 🙏 I toloy molang ang pag tolong sa manga bata
Kuya Rowell yong cr Wla pa towel.. Dapat ung table sa room lagyan ng 2 bottle of water.
Good catch sa bote ng ketchup! Bilang inventory po yung trabaho nyo nuon, gawa din po kau ng “inventory” sa cleaning/inspection task. Napanuod ko lang din sa youtube ng 5star hotels pano sila mag check ng suit pag mga royalty ang guests. Bilang ang laki ng resort, do an area per area check list, cleaning task, cleanliness check, beddings changed and made, curtains upholstery clean, no trash/litters every corner etc etc.. Pak ganern😂
Sana mabasa ni Raul ito, madami pang dapat nya matutunan.
up
Good morning and good evening sa lahat...spread the love....God bless
My sister’s family is your new subscriber now Avid fan mo sinimulan nya panoorin vlog mo from EG till now ❤❤❤
Bumili kna lng tubig my Despenser yub gallon pra hndi magastos sa pr bottle
Wow😮
Sana kun may mag check in at gusto makita c tya mame bigyan nya ng time kht isang oras lang kc malayo ang travel bago makarating so sana bigyan time din.
matik na yan na pupunta si tya mame at buong team, alam kasi nila kuya raul na bukod sa resort eh gusto nilang makita ang matinga family,
sabi nga nya meet and greet ang kalalabasan
kuya,, swerte,, ka talaga sa mga staff mo,, talagang support sila,,
Wow 😊 thank you so much po kuya Johnny ❤❤❤ with his family enjoy po😊😊😊
ANG SAYA NILA TIGNAN UNG I PREPARE NILA UNG PLACE SA GUESTS NILA
FEEL SPECIAL LALO NA UNG MGA SUBS. NILA VERY WELCOME❤
Swerte ng 1st batch of customers!!! 1st class ang customer service ni Kuya Raul!!! Bongacious amigo, ang galing....
kuya raul suggestion po mag lagay po kayu ng slides at swing pra mag enjoy din ang mga kids dagdag attraction na din, tsaka Koi ponds pampa swerte po ❤❤❤
unti unti matututo din si Raul,ganon tlga marami pa matutunan about resort business ❤
Eto yung mga SUGGESTIONS na accumulated from all the commenters:
-Toiletries.
-Towel sa CR.
-Just let the clients turn on the aircon themselves.
-Serving Tray para mas presentable.
-Reception Hall / Waiting Area.
* *Additional Suggestions from yours truly:
-First Aid Kit.
-Medicinal Kit.
-House Rules and Regulations na ididikit sa walls. Para hindi naman maging basura resort after gamitin.
-Trash Bins.
DAMI MONG TIME😂😂😂😂
GOODDAY NICE ONE HAPPY WEEKEND
Sana may mga guidelines about how to use the pool para sa buong resort para po di ma abuse yung resort sometimes kasi yung iba they don’t care how to use it properly not to offend anyone but you need to put do’s and don’t regulation”
Agree
si kuya bell at si kuya jose,, grabe ang efort,, talagang matulungin..
Kuya Raul ung pong floor mat is in middle po sa stair going down nun nag madadali po kayo for away accident po thank you
Ang ganda talaga ng resort ni Sir Raul❤❤❤
hi Raul ung entrance po nyo ung may mga bato2 dyn , spray han nyo po ung pan dikit meron po png spray dyn para hinde mag kalat- kalat pg wala kcng spray katagalan kalat po ung mga bato
Good morning to all..god bless
ay,, yan ang maganda sa swiming pool walang gamot,,
Hey po kuya! Just a suggestion-since the resort has a pool, make sure to get the essentials if you haven't already. Things like a life jacket, noodles, or a life buoy are really important. And don’t forget about the first aid kit if you haven’t picked one up yet. God bless!
kua ruel uag u muna bubuksan un aircon bhl n un mga ng check in s inu ang mg bukas ah..basta sbihin niu n pede nila gmitin un aircom ah ..
kuya,, ang galing mo pong mag entertain,,
grabe,, aligaga ka talaga kuya,, good work yan,,
supercool ng resort, parang ako rin nae excite he he
Good pm bro raul. Ok yan welcome drinks lng. Cila n bhala sa pgkain nila. Ung aircon cila n rin bhala mgbukas pra tipid2. Importante lng ung towel cleenex at tsinilas lng manipis. Pgdating nila greetings lng. No need security. God blessed po.❤
Wow nmn ,,sana madming pumunta dyan ,,kung d sana malayo sa samar pupunta kmi dyan ,,malayo kc mula samar papuntang nueva eceja
Maganda talaga Po pag tulong tulong sa Gawain ❤❤❤👍👏
Daming dapat ,dapt kau na lng may ari hehe nangangapa pa yan dami nyo ding mando❤
Tama ka dyan
Excited lng Yan c KuyA Raul
Dami mong reklamo buti nga ganyan si kuya rowell my puso at mapagmahal at isa pa naninibago lang yan kase ngayun lang nagkaroon ng malaking negosyo. Hindi tulad mo baka pabigat kalang sa mga anak mo or magulang mo kaya dimo ramdam ang pagiging excited, pressure pero masasanay at makapag adjust din yan si kuya rowell at magiging maayos din ang lahat. Wala naman nag nenegosyo na hindi magiging maayos katagalan bugok
Kaya nga bakit di magtayo ng sarili nilang resort apaka perfect
good morning sir rowel and company ❤
Haha nag mamadale na bilis......ay ang tagal gumalaw
napaka ganda kuya rowell💯♥️♥️♥️
Good job!❤
Swerte ng unang nagbook! May pa-welcome drinks😍😍😍
U and the rest r really insipid ppl and always full of laughs and everything thank wow ❤❤❤
Inspired 😍😍😍
wow❤dapat po naggloves paglagay ng lemon nka vlog p nman😊😊
Pansin ko din po
Nag hugas naman po ng kamay yan sila
Hahahaha d naman po 5 star hotel yn and first costumer nila yn shempre nangangapa sila common sense😂
Very true I noticed that too it's very unhygienic even if U wash your hands beforehand for food and safety purposes your are required to wear gloves when handling food to be consumed by the public.
@@tracykieth1983 ang dami ng mga puna dito tingin nila madumi kamay nung naglalagay ha matic yan nag wash ng hands yan 😆
Congrats sa unang booking! 😊
Grabe ang support ng mg friendships, hardwork pays off ❤❤❤
Ang sisipag nyo sobrang asikaso nyo mga guest nyo sa resort♥️❤️❤️
manyamanin,, ang mga bisita,,,
congrats raul sa buong family higit sa lht sa 1st guest
ang galing nman ng samahan ninyong 3 mula don sa equatorial hanggang dto intact pa rin kayo saludo ako sa friendship nyo❤❤❤
Kuya rowel ingat lang kayo sa pagtanggap Ng mga client nyo Hindi lahat Ng tao ay may magandang hangarin may iba naiinggit Ng patago pero maganda pakikitungo,kapag pinasok ka Ng mga blogger jan kahit maganda pkikitungo mo kahit pa ginawa mo n lahat sa mata nila kulang at Mali parin dahil entencion nila manira marami pong ganun n mga blogger ung iba sikat at Kilala pa,kaya mgingat po
Turuan ang matingga family para malatulong din at thensame time training na din nila