ANG NAKAKA-MOTIVATE NA KWENTO NG SULIT.COM.PH

Поділитися
Вставка
  • Опубліковано 23 бер 2020
  • ANG NAKAKA-MOTIVATE NA KWENTO NG SULIT.COM.PH
    Noong mga panahon na wala pang Facebook Marketplace at in fact bago lang din ang facebook noon at wala pang lazada at shopee, merong sulit.com.ph Ang sulit.com.ph ay isang online Buy and Sell forum website na kung saan na kahit sino ay pwedeng makapagbenta or makapagpost kung may hinahanap man itong bagay na di basta basta mahahanap kung saan. Ang sulit.com.ph ay parang ang ebay ng pilipinas, at mas mukhang madali itong gamitin kaysa sa ebay. Ginawa ni Ronald John David ang website na ito dahil sa idea ng kanyang ex-girlfriend na si arriane delos santos, na asawa na niya ngayon siyempre. Isang web developer si RJ at naniniwala sa libro ni Robert Kiyosaki na Rich Dad, Poor Dad series kaya meron siyang will na umasenso sa buhay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng sariling negosyo. Habang nagdadrive si RJ kasama si Arriane, nag-iisip sila na magtayo ng sarili nilang website pero wala silang idea kung anong klaseng website na pwedeng sumikat ang kanilang gagawin. Biglang pumasok sa isip ni arriane na classified ads ang kanilang gawin at lagyan ito ng maraming kategorya bilang experiment kung anong kategorya ang sisikat, at mula doon dun sila magsisimula. Mabilis namang kinode ni RJ ang ideya nila habang si arriane ang nagdedesign kung ano ang magiging itsura ng kanilang website. Kinoconsider lang ni RJ na isa lamang itong Bedroom Project dahil sa kwarto lamang ito nagawa, hmmm parang ikaw, tayo at sila, halos sa kwarto gawa, marahil mga bedroom projects lang din tayo. Bago sumikat ang Sulit.com.ph, gumastos lamang sila ng total of 4,800 dahil 1800 sa domain name at 600 every month para sa hosting. Nilaunch nila ito sa publiko noong september 2006 at nung january 2007 ay stable na ang kanilang website at sumikat na ito sa mga Pilipino. Sa unang araw pa lamang nito ay nagkaroon na ng 25 users at 20 ads, alam mo naman tayong mga pinoy talagang mahilig magpost ng mga ads kung saan saan up to the point na nagmumukha na tayong spammer.
    Maraming mga buhay ang nabago ng sulit.com.ph at isa na ako sa mga nakinabang sa website na ito, libre lamang ang pagpopost at pwede ng makita ng buong pilipinas ang ads mo, tamang optimization lang. 2008 nang iparehistro nila ang kanilang negosyo at maraming mga challenges ang naranasan nila at isa sa mga challenges na kailangan nilang harapin ay ang pag-aaral sa marketing at accounting, kaya kinailangan na nilang maghire ng mga staff para gawin ang mga bagay na di na kaya ng oras nila. noong 2009 ay pinasukan na ito ng mga investors kaya lalo itong sumikat at naging number 1 local website sa buong pilipinas at meron itong 100 million page views a month at nakasama sa top 10 websites globally kasama ang facebook at google. Mula sa kanilang dalawang mag-asawa naging 40 na ang kanilang team.
    Noong December 2013 ipinahayag ni RJ na magiging isa na sila ng OLX, isang kilalang international classified ads na noong 2006 din nag-umpisa mas kilala ito sa Latin America at india. Lahat ng mga ads na nakapost sa olx.com.ph ay nagreredirect na sa sulit.com.ph. Pero noong March 19, 2014 Inihayag ulit ni RJ na magpapalit na sila ng brand at magiging OLX Philippines na sila at ang website ay magiging OLX.ph na, lahat ng member ng sulit.com.ph ay mapupunta na sa OLX.ph di na kailangang gumawa ulit ng bagong account. Nilinaw rin ni RJ na hindi binili ng OLX ang sulit.com.ph kundi isa itong pagsasanib pwersa kaya kung papansinin mo ang logo, parehong nandoon ang logo nila at kung iisipin parang mas makapangyarihan ang sulit.com.ph dahil ang nakalagay ay OLX by SULIT na parang sa simula pa lamang ay ang sulit.com.ph na ang gumawa sa OLX. Ngunit ngayon, parang pati ang OLX.pH ay wala na rin. Nasaan na ang OLX.PH ngayon? Bakit pag binibisita mo siya ay ibang website na ang lumalabas?
    Noong April 2019 nabili na ni Carousell isang singaporean company ang OLX Philippines at Maliban sa nabayad nito magbibigay din siya ng 10% sa magiging kita nila. Mula sa simpleng idea habang nagdadrive, mula sa 1800 na domain name at 600 per month na hosting, ang magasawa david ngayon ay parang shareholder na rin sa carrousel at doon na pumapasok ang natutunan ni RJ sa mga libro ni Robert Kiyosaki na Let your money work for you. Aside sa mga kinita na nila noong kasikatan ng sulit.com.ph at nang naging olx.ph ito, karagdagan pa noong binili ito ng carousel at may passive income pa sila na kahit wala silang gawin ay kikita at kikita sila. O mga ka average, baka naman meron kayong idea diyan na kailangang actionan niyo na, mapawebsite man yan, mapatraditional na negosyo man yan, hindi mo malalaman ang magiging resulta mo kung hindi mo susubukan. Kung gusto mo ang mga ganitong content, magsubscribe lamang at at click na rin ang bell button para kapag may bago tayong content agad agad kang ma nonotify. Thank you for watching, Stay safe and God bless.
    Source: GoNegosyo

КОМЕНТАРІ • 1