Karaniwang Hirap sa Maynila na Hindi mo na Mararanasan sa Abroad

Поділитися
Вставка
  • Опубліковано 18 січ 2025

КОМЕНТАРІ • 408

  • @redamarch9946
    @redamarch9946 5 років тому +18

    Kya aq napasubscribe sa channel mo kht wala nmn aq balak magabroad ay dahil sa openness mo sa mga bagay bagay, napakatotoo mong tao no pretensions tlga at hndi k madamot magshare ng experience mo pra sa mga balak magabroad o pra s mga nangangailangan ng lakas ng loob na subukan ang kumayod at mamuhay sa ibang bansa. Keep it up bro! Hope you will soon be able to save enough and settle here in the Philippines or you will find a partner that will help you cope with your homesickness. God bless you!

  • @taksiobs
    @taksiobs 5 років тому +13

    Actually iba pa rin sa pinas, kasi nandoon yung friends mo since childhood, relatives, and most of all yung family e.g. mom, dad, bro, sis. On top of that, just being around with genuine Filipinos is already a great feeling. Sa 9+ years ko sa abroad, dito ko na realize na money can't buy happiness talaga.

    • @nonglansantos1455
      @nonglansantos1455 4 роки тому +2

      Ted Francis Asuncion Home is where your heart is Hindi Lang sa Pinas, sa masmasaya ka dun ka talaga at Hindi Lang money..

  • @MharyHuanasDiary
    @MharyHuanasDiary 5 років тому +15

    Tama ka kuya, iba parin pgnsa sarili kang bansa. Maswerte ang mga tao sa pinas n may stable n trbho. Hnd n kelangan lumayo sa pamilya pra kumita ng pera. Totoo, kung wla kang pera sa pinas, wala ka. Tyaga at sipag lang pra umunlad. Tiis muna sa ganito, sa malayo pero darating din ang araw na aalwan din ang buhay. Keep inspiring kuya robie.

    • @user73858
      @user73858 5 років тому

      Mhary Huana's Diary nagsisisi ako na nasa ibang bansa ako , pero dito na lumalaki mga anak ko, namimiss ko lagi pamilya ko, mga kapatid at lalo na nanay ko, sipag at tyaga talaga sa sarili nating bansa. Home is home talaga

    • @ghiebaguna3732
      @ghiebaguna3732 5 років тому

      Paano po pumunta nang australia?

  • @monagirl6991
    @monagirl6991 5 років тому +4

    Ofw din ako ang masasabi ko lang mapalad tayo ngayon compared sa mga ofw noon na sulat,voice tape at long distance call lang ang communication sa pamilya ngayon high tech na kaya enjoy lang natin ang buhay at magsikap para sa atin at pamilya Godbless us!

  • @giesangcap
    @giesangcap 5 років тому +2

    Buhay sa abroad hindi madali mahirap, malungkot pero kailangan magtiis ganun tlga ang buhay.thank you for inspiring us.

  • @alphadelrosario7643
    @alphadelrosario7643 5 років тому +1

    Very inspiring naman po,tears are falling kasi totoo lahat ng naishare nyo,kung anuman ang narating mu naun bunga un ng mga naranasan na paghihirap at pagpupursigi sa buhay.Na papa smile kna lng kung maalala mu.One year akong hnd umuwi nung first time kong mag abroad,i felt loneliness na miss ko ang pamilya ko, kaya ginawa kong every 6 months ang uwi.abang abang lng ng seat sale ng mga budget airline(singapore-pinas) then hanggang S$400.00 ang pwede
    reimburse sa pamasahe kaya pinagkakasya ko talaga ung amount na yan. 😊, Ang tunay na pagmamahal ng pamilya masayang makita ka kahit walang pasalubong na dala. ☺️😊. Working away from home, Always stay healthy and God bless po

  • @earltoquero176
    @earltoquero176 5 років тому

    Bigla lumabas sa recommended ang vlogs mo. Natuwa ako, nakadami nako sa videos mo. Ang sarap mo panuodin kasi ang positive mo sa buhay. Nakakagaan ng pakiramdam.

  • @ivftwinsnimags5846
    @ivftwinsnimags5846 5 років тому +1

    Gusto ko sa vlog na to...kasi tagalog na cya hindi na english...proud dapat kasi pinoy tayo....love na kita ...

  • @anythinggoes4564
    @anythinggoes4564 5 років тому +1

    30 years na ako dito sa Australia at wala ng balak bumalik sa Pinas.
    Wala na kaseng babalikan dahil yung mga friends mo dati ay hindi na kagaya nuon.
    Tulad mo din akong introvert o loner pero enjoy akong nagiisa dahil gumagawa naman tayo ng sarili nating libangan.
    Hindi ka pa considered na introvert dahil nakakapag blog ka.
    Masaya nga sa pinas pero hanggang 4 weeks lang ako at gusto ko ng bumalik dito.
    Tahimik kase buhay dito. Convenient masyado sa lahat ng bagay.
    Kapag ang mag asawa ay nagmigrate dito sa Australia, malake ang chance na aasenso sila. O kaya...maghihiwalay dahil, parang isang testing ground ang Australia when it comes to relationship. Dito mo masusubok kung hindi mo kayang ma-in love sa iba kahit married ka na. Pero, kahit maghiwalay kayo, may chance pa din ng survival.

    • @kuyarobbie8633
      @kuyarobbie8633  5 років тому +1

      wow, Thank you for sharing.

    • @australiannature2705
      @australiannature2705 2 роки тому

      Ako din, 35 years na ako dito. Masaya sa Pilipinas pero magulo. Mas comfortable ako dito. Kung nalulungkot ako dito punta lang ako sa winery (roadtrip) para mag lunch and sightseeing at the same time. Everything is easy here.

  • @kenbuno3679
    @kenbuno3679 5 років тому

    Life abroad.grabe hirap at sarap gogogo saludo ako sau.kmi d2 sa japan as permanent ,super duper for d sake of our family .i salute u sir May god is always on ur side.god bless

  • @francisgatbonton1439
    @francisgatbonton1439 4 роки тому

    Totoo kuya robbie. Na mas masaya pa rin sa Pilipinas. Thank you po dun sa bday greeting na vid nyo :)

  • @chonagarcia2203
    @chonagarcia2203 5 років тому

    You are a good thinker.Good for you & for every listener.

  • @gab-qv8bj
    @gab-qv8bj 5 років тому +3

    Good morning kuya idol same here hindi me mahilig makipagchat pero kung hiling nya ay tulong automatic,ingat ka lagi dyan godbless

  • @luvrynvlogs9257
    @luvrynvlogs9257 5 років тому +2

    Tama ka sir nransan ko dn yn sa pinas na kulang lgi ang sahod pti atm isasangla at cp pero ngaun dto n s abroad d n nga problema ang financial at tama ka ulit sir dto sa abroad feeling mo my kulang at d msya pra s akin ms ok p din s pinas stay safe sir sa ating mga ofw

    • @kuyarobbie8633
      @kuyarobbie8633  5 років тому

      Pati ATM Card isasangla oo yon mga kasama ko sa trbaho ganyan ginagawa. Mahirap pag sakto lang ang sweldo no. puro challenge.

  • @lulurina8364
    @lulurina8364 5 років тому +1

    you can very well save for your good future. as i can see in your other blogs, you are a simple person going for the simple things and buying only the things that you most need. i am amazed like the foods that you eat, you are fond of coffee, fish and chips, noodles, rice, which are so simple. as simple as you are and hard working, you will be where you want to be. keep it up. you inspire me a lot and do hope that you inspire others too.

  • @arseniabaluyot3769
    @arseniabaluyot3769 5 років тому

    Tamang Tama Lahat sinasabi Mo,Robbie.Talgang problema Mo Lang Sa abroad,lungkot at homesickness.Nasasa Tao Naman Yan,Kung paano niya dalhin Sarili niya Sa Bagay na Yan!

  • @peachymedenceles7016
    @peachymedenceles7016 5 років тому +1

    c kuya halatang may lungkot eh hehe pero you are so blessed beyond talaga!

    • @kuyarobbie8633
      @kuyarobbie8633  5 років тому +1

      oo tol mas gusto ko pa rin talaga sa Pinas, pera lang talaga ang wala ako don. kaya gumagawa ng paraan para makapag good life sa pinas sa future.

  • @princessopena9127
    @princessopena9127 5 років тому +2

    Hardworking guy..ingat po kuya! Thanks for your inspiring n informative videos..

  • @archievalmanuel
    @archievalmanuel 5 років тому

    Very touching and inspiring mga kuwento mo kuya Robbie... Para tuloy gusto ko pumunta dyan sa Australia, although maganda naman work ko dito sa Pinas pero gusto dyn kasi very challenging but rewarding.

    • @kuyarobbie8633
      @kuyarobbie8633  5 років тому

      bisita ka lang dito okay na yon. or try mo rin mag work dito for experience ba.

  • @janettemiguel8693
    @janettemiguel8693 5 років тому

    ingat poh lagi..God bless..
    thanks for sharings..

  • @aiza1677
    @aiza1677 4 роки тому

    Laban lang, Kuya Robbie. Totoo po yan if maayos lang ang buhay sa Pinas, di na maghahangad yung iba na sa abroad mamuhay 😔

  • @guiafred7680
    @guiafred7680 5 років тому +3

    I really love ur vlog dami ko lng natutunan lalo na bout sa cost of living mas ok jan sa sydney compared sa ibang bansa

  • @elizabeth.0000
    @elizabeth.0000 5 років тому +1

    True,good life

  • @moniqueropelos1925
    @moniqueropelos1925 5 років тому

    Everything you said were all true kuya. Take care always and God bless. Mabuhay ka🙏

  • @constructionstandards-engi387
    @constructionstandards-engi387 5 років тому

    More than 16 yrs na ako kasama ang pamilya dto sa Sydney...parang ganito lang Kabayan....dto sa Australia marangya ang pamumuhay or mataas ang sahuran kase binibili dto ang kaligahan or kailangan mo gumasta para sumaya kayo.... na libre mong mararamdaman sa Pinas....like iba ang pakiramdam na kasama mo mga kaibigan mo na nakasama mo sa paglaki mo dun...mga kamag anak na nagtutulungan kahit sa maliit na bagay....madalas ang kainan at kwentuhan na wala dto. Basta, its more fun talaga sa Pinas

  • @cordovamaria593
    @cordovamaria593 5 років тому

    ang ganda ng mga dinadaanan mo kuya puro nature kaya lng hindi po b nakakatakot dyan pag ginabi k

    • @kuyarobbie8633
      @kuyarobbie8633  5 років тому

      nakakapanglaw din,, pero hindi naman masyado.., may mga nag ca camp minsan with there caravan.

  • @zarmeckar
    @zarmeckar 5 років тому +1

    Sir salamat upload more like this makabuluhang bagay

  • @whydidjesusoftenremindsome4020
    @whydidjesusoftenremindsome4020 3 роки тому

    GOOD EXPERIENCE KUYA.... BUT STAY HUMBLE....👍👍

  • @irishsagrado1364
    @irishsagrado1364 5 років тому +1

    Hinanap ko talaga ang vlog page mo sir. I find it interesting kasi parang nakikita namin kung ano talaga ang buhay meron jan sa australia. Soon po pag makarating kami jan pasasalamatan ka talaga namin sir!:) inaabotan ng madaling araw yung husband ko panonod sa videos mo sir.haha Maraming salamat sir!

  • @taksiobs
    @taksiobs 5 років тому

    Pareho tayo kuya! yan din ang sinasabi ko. The best ang pinas kapag mai pera. lalo na ako na mahilig ako sa outdoor activities. tapos nandoon lahat ng kabata or best friends mo. yes, we make new friends here abroad pero iba yung friends mo since gradeschool, HS and college. pamilya mo na rin yon. wala din akong alam na negosyo if uuwi ako sa pinas at my age now.

  • @em6694
    @em6694 5 років тому

    Kuya Robbie, nakaka inspire ung mga shinishare mo d2 sa vlog mo. Thank you and Gob bless you!

  • @dewardwardx5809
    @dewardwardx5809 5 років тому

    Thank u kuya robs.. very inspiring lng ang simpleng kwentuhan mo.

  • @rowenamanoza4895
    @rowenamanoza4895 5 років тому

    Habang bata p kau life is outside phils.,uwi n lng pag sapat n ipon and retirement is still much better here to stay.Have a great day Robbie!

  • @rojentv3717
    @rojentv3717 4 роки тому

    Tama ka Hindi talaga perfect Ang mga bagay bagay pero depende Kung saan ka komportable hehehe

  • @edithamacayan9131
    @edithamacayan9131 5 років тому

    All your experience abroad makes u stronger and challenging , find a way to have fun .

  • @felicidadgomez7165
    @felicidadgomez7165 5 років тому

    Hi Robbie. Gusto ko lang sabihin na thank you sa mga vlogs mo. I appreciate the things you discussed. Since ako ang tao na nature lover i enjoy your shots of the sea and flowers and others. Someday i hope to go to Australia and God willing magkita tayo. Continue vlogging and have a safe week.

  • @ddc8196
    @ddc8196 5 років тому +4

    Sarap na sanang umuwi jan sa pinas kaso pg naisip mo na wla nang tatanggap sayo kasi my edad kna prang aatras ka nnman sa mga desisyon mo kaya sana mkalipat ako nang canada or jan sa australia or europe na pede ko isama ang anak ko yun ai kung papalarin.. hirap kasi dalhin anak ko d2 sa dubai minimum lng nman kasi sahod ko d2. Pero guys never stimate pinas now dami nrin work tsaka sure nman yun na mkakasurvive tayo if uuwi na tayo soon.. konting sacrifice tsaka ipon pa.. Godbless everyone..

    • @stephenpanganiban8222
      @stephenpanganiban8222 5 років тому +1

      Tama ka dyn yan din iniisip ko

    • @onederwall2466
      @onederwall2466 5 років тому

      Wala ng age limit saten kabayan. Ang issue na lang tlaga yung minimum wage saten.

  • @therryishibashi8933
    @therryishibashi8933 5 років тому +1

    👏👏👏👏👍🏻👍🏻👍🏻👍🏻yes bro

  • @catherinebascon
    @catherinebascon 5 років тому +1

    Pag magka pamilya ka dyan or lovelife magiging complete ka din

  • @MarylouChanel
    @MarylouChanel 5 років тому +1

    Hello daan daan lang dito nice video

  • @mhelm103
    @mhelm103 5 років тому

    Tama ka kuya Robbie, pero may mararanasan ka din sa abroad.. gaya ng homesick minsan bigla ka na lang mahomesick.

    • @kuyarobbie8633
      @kuyarobbie8633  5 років тому

      tama yan biglang ma ho homesick. sandali lang.

  • @takeitorleaveit7510
    @takeitorleaveit7510 5 років тому +4

    Summer dyan sa Aus.
    Ibang klasi winter nila

  • @malindabenlot621
    @malindabenlot621 5 років тому

    Watching from Tabuk Saudi Arabia

  • @josephinegueco5076
    @josephinegueco5076 5 років тому +1

    Good work

  • @carloasuncion1986
    @carloasuncion1986 5 років тому

    Hello sir robbie. I always watch your videos dito sa youtube. Nakaka inspire po kayo.. keep it up po! Much love and Godbless. All the way po from Al ain, UAE

  • @precydelacruz4980
    @precydelacruz4980 5 років тому

    Watching your video . Keep up the good job . Nakainspire po kayo..

  • @bantasnoemasacandal2580
    @bantasnoemasacandal2580 5 років тому +1

    Hello watching FROM JEDDAH WESTERN CITY

  • @reopercegayle8108
    @reopercegayle8108 4 роки тому

    Salamat sa vlog mu tungkolsa condo...kng hindi sau nahulog din ako sa trap na un na hindi muna nakonsulta ang banko....salamat bro....

  • @grace01tv
    @grace01tv 5 років тому +1

    Thanks for sharing youd life in australia

  • @chyrickjaypontillas9315
    @chyrickjaypontillas9315 5 років тому

    kuya robbie sana makapunta rin ako dyan, makikihati nlng aqnsa tirahan mo kung ok lang.hehe

  • @rosangeladeleon5271
    @rosangeladeleon5271 5 років тому

    Hello kuya robbie. Im glad to know that you've gained a lot of subscribers. Be safe always. and oh! hinay hinay po sa paginom ng kape. 1-2 cups are okay. Morethan that for a very long time is not healthy anymore.

  • @t.c.8796
    @t.c.8796 5 років тому

    3:26
    "... Yeah~..."
    - Boss Robbie 2019

  • @michelleondra873
    @michelleondra873 5 років тому +5

    nakakapagod....napagod ako sa pagbalik balik mo ng sinampay..hehe..

  • @florgarfil4833
    @florgarfil4833 5 років тому

    Natutuwa ako saiyo marunong ka sa buhay at tumayo sa sariling mga paa Sanay hindi mo malilimutan mga magulang mo good luck

  • @lutongbahay2472
    @lutongbahay2472 5 років тому +1

    but sometimes you well missed all that hard life .....just thanks god you lucky to have that job now

  • @Jaydensvlog0922
    @Jaydensvlog0922 5 років тому

    Relate ako jan pre kc isa lang company natin at accommodation sa discovery garden sa jebel ali..

    • @kuyarobbie8633
      @kuyarobbie8633  5 років тому

      Nice... ganda din dyan noh, malapit sa mall, malapit sa beach at higit sa lahat maraming pinoy.

  • @carolinegonzales9055
    @carolinegonzales9055 4 роки тому

    Hi! Lagi na kitang pina nunuod.

  • @crisa.ignacio4019
    @crisa.ignacio4019 5 років тому

    Thanks Bro..down to earth ka talaga..new follower mo ako and I really appreciate your effort to blog...😉

  • @rodrigodigong2655
    @rodrigodigong2655 5 років тому

    Best place to retires in philippines place theres is no place like home iba parin pakiramdam pag nasa sarili yung bansa best to earn and save money a Broad but best to retire in philippines live a simple life especially sa probinsya but keep up bro ..enjoy your life abroad although minsan mahirap pero kinakaya para sa pamilya

  • @jhayredssean
    @jhayredssean 5 років тому

    hello kuya Robbie ! Thank you for sharing..

  • @nancygomez8281
    @nancygomez8281 5 років тому +1

    Hi kuya robbie! New subscriber here. Enjoy ako sa mga videos mo. Para ka lang nakikipagkwentuhan sa kaibigan mo. Thanks for sharing! Mabuhay ka! God bless! 😊

  • @fredstv88
    @fredstv88 5 років тому +1

    Do to ski as Taiwan Translator any Peri plan OK Sana punts Dyan.

  • @mirriamdelatorre4055
    @mirriamdelatorre4055 5 років тому

    Hi Ka Robbie🙂 im new here.. buy i like the way u make kwento and share your experiences. Natutuwa ako sa iyo napaka natural mo. tama yan para ka lang hindi nag iisa.. may kausap ka.. at kami yun😊. I love Australia thru you para na rin ako nakapunta jan. Maraming salamat.. take care always😇

  • @rapa5371
    @rapa5371 5 років тому +1

    Canbera pls gusto ko makita place n yun

  • @jemuelvidal7202
    @jemuelvidal7202 4 роки тому

    What can you say about student visa?

  • @rynofam9000
    @rynofam9000 5 років тому +3

    Kuya Robbie wag ka magpapalit ng employer in two years para makapag PR ka! Keep on vlogging!

  • @YuriS2024
    @YuriS2024 5 років тому +1

    Ayos brad...relate talaga ako sa mga sinasabi mo...ingat dyan.

  • @sherarddeomano8614
    @sherarddeomano8614 5 років тому

    heaven on earth ang australia kuya rob

  • @rapa5371
    @rapa5371 5 років тому

    Thanks sa replied

  • @imeehopegalas9104
    @imeehopegalas9104 5 років тому +1

    Hi po new subs here. Tita ko po nanjan din sa nsw. Its nice po na makita po namin ang lugar nila at the sametime po salamat po kc nakaka inspire po yung vlog nyu... whishing to visit nsw soon po. God bless

    • @kuyarobbie8633
      @kuyarobbie8633  5 років тому +1

      salamat, maganda din ang weather dito sa NsW.

  • @teodorabenobo1316
    @teodorabenobo1316 5 років тому +6

    Talaga maganda ang buhay sa Australia. Tahimik walang pakialam ang mga kapitbahay mo.

    • @mauchie9324
      @mauchie9324 5 років тому +2

      nakakamiss din ung minsan e pinaguusapan ka ng kapitbahay mo feeling na artista hahahhaa

  • @herminigildofelix6908
    @herminigildofelix6908 5 років тому

    Now k lang panood some ur vlog nice ,kc

  • @eens01
    @eens01 5 років тому +1

    Thank you for sharing your experiences, May God bless you always and May God Bless you with all your heart desires. You are such an inspiration to many of our kababayan’s who would like to to work abroad.
    p.s. why don’t you apply your YT channel at Google ad sense for you to have an extra income in doing video’s.
    Hope you’ll consider.
    Keep it up! And more video’s to watch for sana!

  • @InstrumenttechSubicBay
    @InstrumenttechSubicBay 5 років тому +4

    Mas nagagandahan ka sa Pilipinas dahil siguro solo ka lang dito at hindi permanent resident. Mag-eenjoy ka siguro kung may family ka na dito and permanent resident dahil napakadami g benefits from the government kagaya ng free hospitalzation etc...

    • @taksiobs
      @taksiobs 5 років тому +1

      set aside the gov't benefits, pinas is better pa rin. kaya sabi ni kuya kung may pera lang sya. :)

    • @InstrumenttechSubicBay
      @InstrumenttechSubicBay 5 років тому +2

      Ted Francis Asuncion Mayaman kayo siguro at may mga katulong...I am retired, and if nag-retire ako diyan sa atin....mamamatay agad ako dahil mahal lahat, Isa rin siguro ako isa sa umaangal sa presyo ng pagkain, gas, kuryente, tubig etc. lalo na ang cost ng hospitalisation and medical bills...baha at blackout!

    • @ilocanasiako6172
      @ilocanasiako6172 5 років тому +1

      Titobae Muse un lng kz s pinas kng ala kng pera patay k pagnagkasakit k dto khit ala kng pera gagamutin k dk pede tanggihan s hospital s pinas nganga

    • @australiannature2705
      @australiannature2705 2 роки тому +1

      @@taksiobsMasaya sa Pilipinas pero safe ako sa Australia dahil maganda ang healthcare (my personal opinion that is). There again, each to their own.

    • @taksiobs
      @taksiobs 2 роки тому +1

      @@australiannature2705 yeah, agree. That's why I mentioned "set aside government benefits"... BTW just moved in Australia mag 2 years na. Hehehe.. Still missing pinas. But ganda nga benefits dito.

  • @peachymedenceles7016
    @peachymedenceles7016 5 років тому

    kuya nice vlogging po! mayron kaung vid tungkol melbourne?

  • @inkkaheart
    @inkkaheart 5 років тому +1

    Hello Robbie, this is noel. May i ask kung may SCREENPRINTING job ba dyan sa australia? Never crossed my mind to work abroad, but i was inspired by your story. Kaya naisipan kong mag try. By the way, screenprinting is about prints on shirts, on souvenirs and all materials that need prints on it.

  • @chonagarcia2203
    @chonagarcia2203 5 років тому

    Nakakatuwa ka.

  • @scuffedtravelsupport
    @scuffedtravelsupport 5 років тому

    Kuya, dito nako lumaki say Australia. Pero enjoy ako manuod ng videos mo!

    • @kuyarobbie8633
      @kuyarobbie8633  5 років тому

      Wow, I am happy that you still appreciate and speaks tagalog. One of my colleague got here in Australia simula non 5 years old pa lang sya, she still speaks tagalog like you. Masaya ako sa mga katulad nyo.

  • @Gemini154
    @Gemini154 5 років тому

    Totoo yan Robbie mga sinabi mo masaya pa rin sa ating sariling bansa ang kulang lng doon ang pera..dito kami ng mga anak ko sa Adelaide South Australia sobra ang ginaw pag winter, lagi ang Pilipinas ang iniisip ko pag nalulungkot ako, pag makaipon ako babalik din ako ng Pilipinas lalo na 61 yrs old na ako pero mga anak ko masaya sila dito kasi marami sila mga kaibigan ..

    • @kuyarobbie8633
      @kuyarobbie8633  5 років тому +1

      That is good for them, yon naman po ang mahalaga kung saan masaya.

  • @sarimixtvlog1029
    @sarimixtvlog1029 5 років тому

    My sponsor ako ung pinsan paano b pumunta tourist visa b muna

  • @foodlover7340
    @foodlover7340 5 років тому

    tama lahat ng sinabi mo masarap sa pinas kapag my maganda trabaho ...

    • @kuyarobbie8633
      @kuyarobbie8633  5 років тому

      Oo, Philippines has everything amazing in life to experience.

  • @rizasajul8659
    @rizasajul8659 5 років тому +1

    Good morning po sir Robbie..lage ko po pinpanood mga vedios nyo.ganda po tlga Jan s Aussie 😍😍

  • @onederwall2466
    @onederwall2466 5 років тому +1

    Introvert ka sir nauunawaan ko gnyan din ako. Nde din ako mahilig makihalubilo nadedrain ako Pero wala akong masamang tinapay sa kapwa ko.ofw din ako dito south korea

  • @rapa5371
    @rapa5371 5 років тому +1

    Msg naman

  • @d3ricktt
    @d3ricktt 5 років тому +1

    did you work in Fratelli Fresh potts point ? Sujan my mate told me he use to work with you before

  • @snowtiger6957
    @snowtiger6957 5 років тому +10

    Malungkot sa abroad lalo na mag isa ka yung nag enjoy lang yung pamilya mo sa Pinas Panay ka tipid sa abroad kasi iba ang cost of living

    • @juliecanlas5582
      @juliecanlas5582 5 років тому +1

      Snow Tiger tama po..ang kagandahan lng pg uwi mo ng pinas malaki ang pera n galing aboard..ksi ung cousin q kkabalik lng noong March 05. Nsa Melbourne Australia xia.

  • @JCCatapang
    @JCCatapang 5 років тому

    Tamaka kabayan, me ka church mate ako niyaya ako mag IELTS para daw pag nag apply ako sa ibang bansa. Sabi ko wala n ko plan para pa sa ibang bansa. Tapusin ko n lng ung mga sinimulan kong mga investment at mag for good na ko aa pinas. Mas masarap sa pinas kasama mo pa lahat ng family mo.

  • @rubyleamigue9842
    @rubyleamigue9842 5 років тому +1

    Good day to u.

  • @evelynjohns1216
    @evelynjohns1216 5 років тому +1

    Hi Robbie Im watching you here in Sydney.

  • @rapa5371
    @rapa5371 5 років тому

    Tama na tututo tyo pag nararanasan ntin mga bagay bagay

  • @palacem946
    @palacem946 5 років тому

    Brod restaurant po ba ang inyong siniserbisan, at OK rin po kung sa Japanese restaurant ang pinagmulan?

    • @kuyarobbie8633
      @kuyarobbie8633  5 років тому

      oo tol, pwede basta cook/chef/baker/pastry eh mga trbaho na kailngang kailngan dito sa Australia.

  • @omarsolano1906
    @omarsolano1906 5 років тому

    Walang masyadong sasakyan napansin ko lang, paano pala mag apply ng visa at saka yon training San pwede mag apply don

  • @nhenhe88
    @nhenhe88 5 років тому +1

    Pa notice poh kuya😍😍😍

  • @blehbleh4686
    @blehbleh4686 5 років тому

    Sobrang dali talaga tumira sa first world country. Accessible ang public facilities, may pakialam ang gobyerno, walang trapik at konti lang ang tao kaya malaki ang pagpapahalaga nila sa human rights. Ang tanging problema lang talaga sa abroad, nakakalungkot dahil wala yung pamilya or barkada mo na nasa pinas, wala yung mga mababait na pinoy na laging nakangiti, walang tatawag sayo na ma’am or sir sa mall at talagang aasikasuhin ka kung may gusto ka, walang Jollibee at least sa Australia. Kaya ako, babalik na lang ako sa Pilipinas at doon na lang makipagsapalaran. Hindi ko kaya tumira for good sa ibang bansa, nakakalungkot.

    • @karam5607
      @karam5607 5 років тому

      Tama.. sa mall sa ibang bansa, ang tataray ng mga sales agent dahil pinoy ka..tapos minsa magagalit pa at magsasalita ng lingwahe nila.

  • @kharapar1337
    @kharapar1337 5 років тому

    Yes, masarap sa abroad dahil May trabaho kung gugustuhin mo, kahit anong idad, kahit saang lugar ng America. Kung matutupad ang federalism para gumana ang mga LGU na maka invite ng investors sa mga lugar nila. At matuto mga tao sa disiplina. Hindi nila alam na kung disiplina sa sarili ay pagmamahal at maipagmamalaki sa sarili.

  • @nanettelawson9691
    @nanettelawson9691 5 років тому

    Alam mo Robie, naalala ko yung brother ko na kagaya mo. Noong bagong dating siya dito sa Australia at nag aral ng Cookery level 3 sa TAFE eh naka bike siya at nababasa siya kapag umuulan. Pero ng maka ipon na siya eh naka bili na siya ng sariling car niya. Totoo yang sinasabi mo na malungkot dito sa abroad kasi nga malayo tayo sa pamilya natin. Naging citizen na ang kapatid ko at ilang tson din siyang nanirahsn dito sa Australia at nakapag ipon na at bumalik na sa pinas at magtatayo nalang siya ng business doon. Iba kasi takaga sa atin masaya talaga.

    • @kuyarobbie8633
      @kuyarobbie8633  5 років тому

      Wow. galing po ng kapatid nyo.

    • @nanettelawson9691
      @nanettelawson9691 5 років тому +1

      Kuya Robbie Darating din ang araw at makakabili ka din ng sarili mong sasakyan, yun nga lang mabigat sa bulsa ang maintenance. Andiyan ang registration, Insurance at regular service ng car at saka pang gasolina every week.

  • @maringvlogs469
    @maringvlogs469 5 років тому +1

    Hi kuya. Paano nyo po nagagawa na mag camera while biking? Ano po camera gamit mo? Isang kamay ka lang magbike? Thank you.

    • @kuyarobbie8633
      @kuyarobbie8633  5 років тому +1

      Nag iingat lang, GoPro hero 7 lang ang camera ko Kayla magaan.

  • @swaramitch
    @swaramitch 5 років тому

    Hello po kuya,galing din aq jan sa nsw..sobra lamig,pero gusto q ung lugar,nd tulad dto sa adelaide..😊

    • @kuyarobbie8633
      @kuyarobbie8633  5 років тому

      malamig din dyan diba? lalo na ngayon.

    • @swaramitch
      @swaramitch 5 років тому

      @@kuyarobbie8633 mjo po,pero alam q.mas malamig jan ngaun

  • @anischannel1032
    @anischannel1032 5 років тому

    Maganda kasi titira sa Australia pag may bahay kana at wala kanang problema sa mortgage at sa ganon ma e enjoy talaga ang Australia

  • @macetrinidad4239
    @macetrinidad4239 5 років тому

    Natutuwa ako sayo kuya😁..yung nalilito kana which channel u are into..😁 kahit nag iisa ka atleast organized ka nman sa mga bagay bagay..anyway, anjan din ang brother ko sa new southwales..now i know how it feels like being there..salamat sa pag tour around kuya..😊😊