TALUMPATI TUNGKOL SA WIKA
Вставка
- Опубліковано 30 лис 2024
- Hi, EVERYONE! THANK YOU SO MUCH FOR WATCHING! :) HOPE YOU LIKE IT AND ALSO DON'T FORGET TO SUBSCRIBE, LIKE, SHARE, AND HIT THE NOTIFICATION BELL BELOW PARA PALAGI KANG UPDATED SA VIDEO NA I-UUPLOAD KO SOONEST!
Disclaimer: Ang original na Talumpati Tungkol Sa Wika na ito ay hatid sainyo ng Panitikan.com.ph. Kung nagustuhan po ninyo ito, maaaring i-share ninyo para mas madami pa ang makabasa at makapanood. Itaguyod natin ang gawang Pinoy! Maraming salamat po! :)
TALUMPATI TUNGKOL SA WIKA:
Naiisip mo ba ang mundo nang walang salita? Magkakaunawaan kaya nang lubos ang mga tao kung puro kilos ang tanging gagawin upang makipagtalastasan sa kapuwa? Ito ang kahalagahan ng wika. Mas madali ang pagpapahayag ng damdamin at kaisipan kung mayroong wika at mga salita.
Dahil dito, itinuturing na yaman ng isang bansa ang wika nito. Nagsisilbi kasing pagkakakilanlan ng isang bansa ang wika. Batid na ng isang tao kung saan nakatira ang isang mamamayan dahil sa wikang sinasalita nito.
Yaman din ng isang bansa ang wika dahil nagiging tulay ito sa mabisang pagkakaunawaan ng mga mamamayan. Kapag mayroong maayos na ugnayan ang bawat tao, ay mas malaki ang pagkatataon na umunlad ang ekonomiya nito. Kapag gumanda ang ekonomiya, gaganda rin ang pamumuhay ng bawat bahagi ng lipunan.
Ngunit sa paglipas ng panahon, tila nawawalan na ng halaga ang wika lalo na sa mga mamamayan ng isang bansa. Nakalilimutan ang wikang Pambansa dahil mas sinusuportahan na ng iba ang wikang banyaga.
Katulad ng kalagayan ng wika sa Pilipinas. Maraming Pilipino ang mas bihasa pang gumamit ng wikang English kaysa sa Filipino. Mas binibigyang pansin ang asignaturang ito kaysa sa pagpapahalaga sa wikang Filipino.
Nang lumaganap naman ang kulturang Koreano sa Pilipinas, marami naman ngayon ang nais matuto ng wika nila. Dahil marami ang nahuhumaling sa mga musika at panooring Koreano, nais nilang matuto ng wika kahit hindi pa rin sila ganoon kabihasa sa mismong balarila ng wikang Filipino.
Hindi naman masamang yumakap ng ibang kultura at makita ang kagandahan nito. Ngunit hindi rin naman dapat kalimutan ang sarili nating wika. Mas maganda pa ring unahing tuklasin ang hiwaga ng ating wika dahil bahagi ito ng iyong pagkakakilanlan.
Masarap sa pakiramdam na maging bihasa sa mga bagay na sariling atin. Mas malalaman mo kung saan ka nagmula, kabilang ang hiwaga at yaman ng wikang Filipino at iba pang mga katutubong wika.
-- This is our Final Requirements in GEFIL 1