How to LEARN ANY GUITAR SOLO!

Поділитися
Вставка
  • Опубліковано 17 гру 2024

КОМЕНТАРІ • 669

  • @JuanTalkPH
    @JuanTalkPH Рік тому +1

    Very encouraging yung sinabi mo sir pax na their is no shame in watching youtube! Feel ko kasi napakahina ko na kung di ko ma sefra yung mga technical part ng solo habang yung mga kakilala ko lasap na lasap nila yung pag play ng mga solo na hirap ako

  • @theViral2050
    @theViral2050 2 роки тому +1

    how I wish na napanuod kita 5 yrs ago, maybe hindi ako tumigil tumugtog 🙂 kudos. napaka solid bawat words

  • @6stringmob
    @6stringmob 2 роки тому +14

    Finally! My answered prayer. Thank u pax. Pa shout out sa misis ko na nag bithday nung 17. I love u mahal ko. Mwahhhhhh.🥰

  • @jvmusicph
    @jvmusicph 2 роки тому +2

    Sobrang totoo ng mga points lalo yung rest and stop. Minsan s sobra natin gsto humusay pinipilit p natin ang katawan mag ensayo.
    Nung tumugtog ako before sobrang halaga nung kumpletong tulog bgo dumating ang tugtog.
    Feeling ko nakakapag function ako ng maayos pag nakapahinga ako ng maayos after rehearsals and before tumugtog

  • @Beingzuuu
    @Beingzuuu 2 роки тому +35

    In my 4 years of searching tips this is by far the best thank you sir pax!

    • @PAXmusicgearlifestyle
      @PAXmusicgearlifestyle  2 роки тому +4

      Good to hear this Justin!

    • @MrCabbage-qz2vd
      @MrCabbage-qz2vd 5 місяців тому +1

      more of psychological lesson and discipline builder siya, compare sa karamihan na puro technical agad.

  • @jakealipaopaoph5360
    @jakealipaopaoph5360 2 роки тому

    it's been 12yrs na akong nag gigitara Salahat nang nakita kong guitar coach or Guitar tutorial ito ang the best channel. Solid idol bago na ako sa mga studyante mo solid! ❤️

  • @himarvin7347
    @himarvin7347 2 роки тому

    graveh hanep ung tutorial dito boss, comprehensive. pinaka klaro tlga to

  • @shaneregormarara6423
    @shaneregormarara6423 10 місяців тому

    Napaka laking tulong mo po sa mga katulad namin youtube lang ang way of learning sa pag gigitara.

  • @WarriorOfGod28
    @WarriorOfGod28 2 роки тому +12

    This is an absolute Truth! 🥰
    Nobody taught me how to play guitar. I learned through youtube tutorials and lessons. Guess what, I have also developed my ear skill. Good job Pax! More power! ❤️

  • @reymartcario6181
    @reymartcario6181 2 роки тому

    Ba't ba ako napunta sa channel na to! Yun tuloy nabuhayan ulit ako ng loob tumogtog at magpractice pa ng mas maigi. Thanks to you sir PAX napakagaling mo magturo very clear.

  • @mikhaelanthonyreloba9984
    @mikhaelanthonyreloba9984 2 роки тому

    I have been playing guitar po for about 18 years na.. walang formal training and hindi pa sikat si UA-cam back then.. so far natuto na ako mag cifra and mag basa ng tabs, pero hindi pa kaya mag lead.. madaming approaches ako natutunan from this video.. lalo na yung paano i maximize ang playback speed sa youtube.. salamat po sir Pax

  • @PekpektoGuitar
    @PekpektoGuitar 2 роки тому +7

    Very clear yung mga advice, ngayon ko lang narealize tama ka at mas maganda pala mag "cifra" or"kumapa" kaysa mag rely sa tabs o video, kasi tumatalas yung awareness mo ng fretboard ng di mo namamalayan. Great example yung "Awit ng Kabataan" first few lines pwede kantahin nakuha ko naman, kaso pag dating dun sa may tapping part, di na ko sigurado kaya tingin na sa tabs. :)

  • @ChristopherSilla
    @ChristopherSilla 2 роки тому

    grabe salamat dto sir PAX. yung step 1 lalo na s step 7 ay napaka importanti. porket hndi nakuha ngayon hndi mo na makukuha. palagi lang tayo maniwala sa sarili at practice

  • @GPRTV13
    @GPRTV13 2 роки тому

    Very well explained at tama lahat ng points na to napaka dali na ngayon unlike dati kailangan mo talaga tengahin lahat. Ngayon nasa youtube at google na lahat. Kaya mga bata ngayon sobrang advance na.

  • @KingSama2
    @KingSama2 Рік тому +4

    That last part made me feel what i supposed to feel. Thank you for making this inspiring video, pax!

  • @melvinbriones704
    @melvinbriones704 2 роки тому

    Galing mo magturo pax! Matagal na ako nagigitara pero puro rythm lang gusto kong mag level up to lead or solo pero di ko alam kung Saan magsisimula, buti na lang nadaanan Kita.. now I know. Salamat Lodi na Kita!

  • @elmerGuinawatan740
    @elmerGuinawatan740 2 роки тому +1

    One of my struggle to play guitar solo is timing .. thank you sir .God bless.

  • @roelgallemitjr9146
    @roelgallemitjr9146 2 роки тому +1

    Grabe galing! Super detailed lalo na sa mga intermediate guitar players they must watch this!

  • @danteninosolidad8124
    @danteninosolidad8124 2 роки тому

    Eto yung kumpleto ang rekado sa pagabay sa pagigitara.. sa dami ko na napanuod na nagtutro eto yung wala talaga ako na skip na parte.. 👍👍👍👍👍👍👍👍👍👍👍👍👍👍👍👍👍👍👍👍👍👍👍👍👍👍👍👍👍

  • @EhlieMeister
    @EhlieMeister 2 роки тому

    Idolo. Sobrang salamat sa Video mo. "Sa mga Video mo!" Sobrang dami kong natutunan, at madami pang matututunan, madami akong nagawa na di ko nagagawa noon, from learning progress ko sa playing, at sa pag settup at mga basic na dapat alam ng isang Guitarist. Salamat! Pagpalain ka ng Dios! And please!!!! Continue doing this kind of videos! Sobrang dami mong nai-inspire at natututo sa mga videos mo! Idolo! Godbless!

  • @dhudes4947100
    @dhudes4947100 2 роки тому

    Best tutorial and ADVICE Bro! Favorite ko mga guitar solos from Jack T Thamarrat and Vinai T.. Kabisado ko na mga notes, pero pagdating sa speed ang hirap laruin sa 100%, minsan 85% mahirap at ilang months ko na pilit inaabot pero dko tlga makuha. Salamat sa mga advice. Keep it UP!
    At napansin ko din, ung mga runs ko sa umpisa ng practice okay pa, relax ang mga kamay kapag matabal na ako nagpapractice sobra na ang tension kaya lalo dko makuha.

  • @mrvegetables2934
    @mrvegetables2934 Рік тому +1

    tamang tama talaga lalo na sa rest part. Kapag mahirap talaga ang rift tinutulog ko lang tapos kinabukasan okay memorize ko na sya

  • @clintmohammed8059
    @clintmohammed8059 2 роки тому

    I've been watching guitar channels for years (Jared Dines, Stevie T, Music is Win, Signals Music Studio, Perf, Papis, etc.). However, I just came across this particular video and nagustuhan ko agad 'yung mga sinabi.
    Subscribed.

  • @rhinoderulo5573
    @rhinoderulo5573 2 роки тому

    Legit ✅
    Lahat ng nasabi nagawa ko na dati.
    Itong video ni Pax napaka swerte ng mga baguhan sa pag gigitara. Ito yung video na hinahanap ko dati pero wala akong mahanap kung meron man hindi ganun ka galing mag explain.

  • @venom266
    @venom266 2 роки тому

    ito ang pinaka magandang learning how to guitar kasi sinasabi yung exact mong gagawin para matuto kang mag gitara

  • @markagagibe7062
    @markagagibe7062 2 роки тому

    Very Helpful talaga po mga lesson at tips nyo sir. Natutunan ang solo ng pagsubok ng orient pearl it takes 1 week to learn the past part. Picking it up slowly every time. Habang natagal nakakaya na sya ng pabilis ng pabilis at malinis.
    Ang secret po talaga sa simula aralin muna ng mabagal.

  • @yourtitorocks9267
    @yourtitorocks9267 2 роки тому

    Thanks for this. Panahon ko sifra and tabs lng and rewind rewind lng ng tape. Will use these modern tips to further improve

  • @nicepat24
    @nicepat24 2 роки тому

    Grabe napaka technical ng turo !! Ang galing ✌️✌️

  • @ericmurfey9163
    @ericmurfey9163 2 роки тому

    nakakainspiree parang umaapaw kaluluwa ko after nito manood nakakagana!

  • @irieaye08
    @irieaye08 2 роки тому

    WALA AKONG MASABE SAYO KUYA PAX, ANG LINIS MAGTURO, BEST VIRTUAL TRAINOR KO TO, DABEST❤️

  • @ryanjosephbarrios8504
    @ryanjosephbarrios8504 2 роки тому +1

    Napaka comprehensive yet very simple ng mga explanation mo sir Pax. Very newbie friendly. No wonder bat ang bilis lumaki ng channel mo. More contents to come!

    • @m3kuro9sk39
      @m3kuro9sk39 2 роки тому

      Tagal ko na ding guitar lover meaning palagi ako nag s search nood youtube pero dami paren ako natutunan kay sir pax dahil siguro sa tagalog hahaha, mukhang nag bo boom na talaga guitar community dto date kela terrebery at dines lang ako nakakapanood ngayon meron naren mga pinoys dami ding guitar luthier vloggers

  • @ajmd1212
    @ajmd1212 2 роки тому

    The best yung advice sa dulo ng every epsiode! "tugtog lang"

  • @johndelgado8536
    @johndelgado8536 2 роки тому

    As time goes by, nagsimula ako sa Acoustic from H.S. Day hangang nagkatrabaho at nakabili ng sariling Gitara, dito ko na realize na best Investment is TIME at Consistency sa Training. May mga Songs ako na noon ay mahirap para sa akin but as the Time goes by ay natututunan ko ang mga Songs na iyon but still struggling parin sa iba (Lalo na sa sweep pick 😭) gamit na rin ng mix ng Cifra, Tabs at Video Tutorials (samahan na rin ng onting Improv). Salamat Sa Video Sir Pax😊👍

  • @lazyguitarist2691
    @lazyguitarist2691 2 роки тому

    ngaun ko lang nadiscover itong channel mo at masasabi kong ang ganda ng quality.ganda ng content,video at sound quality super clear,no bells and whisltes,very on point sa topic.i will be watching more from you 😊

  • @awtsugeretsu7776
    @awtsugeretsu7776 2 роки тому

    Thank you for this PAX. Swak na swak para sa katulad kong sinuko ang hobby dahil kinain na ng responsibilities and obligations.

  • @cianhadap2136
    @cianhadap2136 2 роки тому

    Buti meron mga gantong creator. Salute sir pax

  • @geraldcogonon6678
    @geraldcogonon6678 2 роки тому

    wow.. kaka miss Boss Pax.. stopped playing for years na but seeing this vid and going through your content is like taking me back to day 1.. thumbs up!

  • @ginostrings
    @ginostrings 2 роки тому

    The pinoy guitar teacher we needed. Thanks Pax

  • @ris844
    @ris844 2 роки тому

    Grabe. Madali akong ma discourage kapag nag aaral ako ng solos, kasi feeling ko diko talaga kaya masyado lang pala akong nagmamadali, pero salamat sa video mo na to boss lalo ako ginanahan! ❤️ More please!🤘

  • @edwardmakabling418
    @edwardmakabling418 2 роки тому +1

    Tab dependent ako... Talagang nahuli ako sa ear... Pero para mapadali ang ear training know Family Chords, kahit paano nakakatulong sa mga basic na "Ano Chords natin?" then "1 3 4 5" :D.
    Totoo talaga ung "Rest" tip mo. I was into Master of puppets noon, talagang feel ko namamaga na ung kaliwa kong kamay then totally bagsak na bagsak na ako ung to the point na hindi ako para sa pagiging lead guitarist. Then siguro after a week - BOOM!! sarap sa feeling.

  • @billfebrickapat3861
    @billfebrickapat3861 2 роки тому

    Thank you kuya pax for almost 8 years na akong nagigitara this is far the best tips for guitarist video for me 🙌

  • @MrCabbage-qz2vd
    @MrCabbage-qz2vd 5 місяців тому

    this is more of a psychological lesson and discipline builder thanks.

  • @alainbigornia5941
    @alainbigornia5941 2 роки тому

    Sudundin ko lahat ng tips mo pax.i will update you about my progress..thnx for the tips.maliwanag lahat...more video uploads!

  • @collateraldamage2003
    @collateraldamage2003 2 роки тому

    Nainspire uli ako mag practice pa lalo ngaun...nasa invironment kasi ako ng mga musician na pa give up na at inaaccept na lang yung busy and boring way of life na work,eat,sleep repeat

  • @dirtyharry3902
    @dirtyharry3902 2 роки тому

    Ito na ung pinaka makabuluhang content na napanuod ko. Salamat sir pax, mabubuhay na ulit ung gitara kong nakabaul.

    • @PAXmusicgearlifestyle
      @PAXmusicgearlifestyle  2 роки тому

      Awwww. Maraming salamat!!! Nakaka warm naman ng heart ang comment mo 🥰

  • @fretbuzzph2017
    @fretbuzzph2017 2 роки тому

    Napakagandang video idol. Very informative at wala nang halong cheche buretche. Malaking tulong. Pati ako narefresh lodi 🙏❤

  • @danilomoscosa2153
    @danilomoscosa2153 2 роки тому

    Very informative. Malinaw pa sa malinaw ung paliwanag. Salamat po sa effort na gawan ng video ang ganito. Thank you po GOD BLESS

  • @reymarlique6383
    @reymarlique6383 2 роки тому

    eto ung masarap kainuman...marami akong natutunan sau tol ...galing..

  • @dennisa.bergadojr2815
    @dennisa.bergadojr2815 2 роки тому

    thanks bro keep it up tagal nako nag gigitara pero di magaling tingin ko sa sarili ko at willing parin matuto

  • @tamifernandez
    @tamifernandez Рік тому

    Idol talaga kita mag motivate sir pax ako hirap nadin at parang susuko na kaso eto nagaaral padn ako gamit mga videos mo. Saludo!

  • @SLASHMotoVlog
    @SLASHMotoVlog Рік тому

    Share ko lang sainyo guys. Ako if meron ako adlib na aaralin ginagawa ko binubugbog ko na sa tenga ko. Para ang sobrang dali ko nalang maaral. Kelan ko lang to ginawa at sobrang napadali sumipra.
    To PAX kudos sa mga content mo po kuya. Laking tulong samin ng ganito. Ikaw ang PAUL DAVIDS ng ASIA 🤘🎸

  • @bahischan8860
    @bahischan8860 Місяць тому

    Doon talaga ako tinamaan sa rest kasi na frufrustrate ako kasi alam ko na yung parts pero di kaya ang bilis or madumi pa rin ang pagplay pero after few days binalikan ko na shock nalang ako na ok na kaya ko na siya i play. Ganda talaga ng contents mo Sir Pax, very informative and high quality. keep it up po

  • @abelfx34
    @abelfx34 Рік тому

    very practical! reason I stopped playing ay dahil sa mga choke points, but these video made want to play my guitar again🎉

  • @angelicobuenaseda4723
    @angelicobuenaseda4723 9 місяців тому

    Thank you sir Pax! I feel it burning! Mag ppractice pa ako

  • @jonathanurbano1329
    @jonathanurbano1329 2 роки тому

    Mismo! Thanks for this, Pax. Mabuhay ka! Padayon 🙏🏽

  • @pitch7742
    @pitch7742 2 роки тому

    Grabe talaga mag turo hit na hit yung mga points galing 👌

  • @richarddizon8889
    @richarddizon8889 2 роки тому

    Sir ang galing well informative na pinpoint nyo yung mga dapat gawinng isang beginner to intermidiate na aspiring guitarist to improve such skills marami kasi ang nagmamadali i for one noong mga early days ko ganon kaya hindi ako nag level up sa guitar playing halos binitawan ko na ang pag gigitara ng matagal na panahon pero talagang pag passion ay hindi mo talaga ito ma iaalis tamang tama sir ang mga tips nyo sa pagsisimula ko uli ng panubagung journey towards guitar playing mabuhay po kayo

  • @princekenjisunga367
    @princekenjisunga367 2 роки тому

    Grabe ka sir pax, andami ko natutunan Sayo hahaha😂, ikaw Ang TULFO ng mga gitarista😄

  • @davidmylesmapilot5708
    @davidmylesmapilot5708 2 роки тому

    Please update consistently, ganda po content niyo nakakatulong sobra.

  • @carljohn519
    @carljohn519 2 роки тому

    Idol ko to ,maganda Irecommend sa mga nagsisimula ,dahil ako hirap ipaliwanag paano gawin ang guitar solo .New subscriber here 🙋

  • @HanSo-Ganda
    @HanSo-Ganda 2 роки тому

    taena sobrang galing magturo, deserve a million subscriber.

  • @madarauchiha-zj5ih
    @madarauchiha-zj5ih 2 роки тому

    GALING! BILIB AKO SA TUTORIAL SKILLS MO. NICELY EXPLAINED!

  • @johnpaulreyes160
    @johnpaulreyes160 2 роки тому

    Pareng Pax im here again to learn..Thank you for sharing your knowledge

  • @weirdtotoph7813
    @weirdtotoph7813 2 роки тому

    Tama pax lahat sinabi mo. Ang sa kin. I'm 49 yrs. old mejo makunat na balat ko sa kamay😆 at bass player(grunge) sa 90's . Huli na ako nagka elec. guitar at natututo mag solo nong 2020 december lang nag umpisa pero background na ako sa high notes chords. Sa tatlong music sheet christmas songs lang ako nag umpisa Cmaj scale first noel, o come all ye faithful at auld lang syne 😆at sunod ang aeolian scale memorise. Pag 2021 January umpisa na ako makinig sa mga vintage blues, Derek Trucks, slow solo ni david gilmour(pink floyd), Frank Gambale tutorial(king of shred guitar), Allan Holdsworth(advance guitarist early 70's), Bluegrass flatpickers, Edge U2(guitar delay technic) at Django Reindardt or gypsy guitar jazz artist. Pero tamad ako mag sifra or cover 😆 jamming lang sa akin gamit ang backing tracks .

  • @EmmanuelGaid
    @EmmanuelGaid 2 роки тому

    Na appreciate ko explanation nito nice, ito talaga pag daanan pag ka nag practice ka kahit sa anong bagay 👌 galing

  • @choytv7561
    @choytv7561 2 роки тому

    tama ka boss pax wag ma pressure... ung ear lvl nyo guys makukuha nyo din yan sa experience lalo na kung alam nyo na ung scale mppdali ang pag cifra nyo kasi nandun na un eh d na kau maliligaw...

  • @victorramos8142
    @victorramos8142 2 роки тому

    2years ago I quit music kasi i feel like di ako nag iiimprove kahit nagppraktis everyday, tas bigla ko nakita tong Channel na to,it give me hope tho, Thank you paps❤️.

  • @BeamanofGod28
    @BeamanofGod28 2 роки тому

    Siiiirr ako yung nag pm sir, aabangan ko tooo hehe nag aaral na ako mag pentatonic sir😅 thanks tlaaga sa tutorial nyo ang dali ma intindihan hehe, aabangan ko mamaya to sir😇❤️

  • @markbenitez8001
    @markbenitez8001 2 роки тому

    ikaw na po bagong lodi ko sir Pax, napaka linis ng explanation.. thanks

  • @jhonesmidtimbang
    @jhonesmidtimbang 2 роки тому

    Malaking tulong to para sa akin pareng Pax hahaha hirap din ako mag set ng routine ko during praktis session minsan paiba iba habits ko sa praktis pero madalas ako mag praktis with metronome at nag improve talaga ang timing ko at technique pero ang downside is kulang ako sa creativity especially sa improvising naging parang robotic ako tumugtog especially pag improvising at kulang ako sa ear training kaya hirap ako kumapa ng mga melody.

  • @philipgana8012
    @philipgana8012 2 роки тому

    thanks for the advice. laking tulong po sa aming mga beginners

  • @marlonebias1065
    @marlonebias1065 2 роки тому

    Yown! Lumabas din haha. ❤️❤️

  • @JoloCarrera
    @JoloCarrera 2 роки тому

    #5 yung pinaka-underrated na advice dito. Great video Pax, congratulations!

  • @alexterible21
    @alexterible21 2 роки тому

    new sub here., sobrang clear ng paliwanag . I literally say that ,it is the 100% process by process to make you a better guitarist. Namimiss ko n ung gitara ko tuloy. hirap pag stay in sa work .,haha. kudos sir., sobrang linis nio n tumugtog even sa mga mahirap n mga songs. More power Godbless!.

  • @c-jay9331
    @c-jay9331 2 роки тому

    Direct to the point , Alam na alam kung ano iniexplain. Sarap mo magturo . Dami ko natutunan sayo . Thank you Sir Pax . 🙂

  • @maerskdsigner8451
    @maerskdsigner8451 2 роки тому

    Im grateful and the same time happy n nkita ko po ung vids ninyo.big help po❤Thanks sir pax

  • @zacchraine7475
    @zacchraine7475 2 роки тому

    I am a guitarist just graduating the beginner level. Thank you for reminding me to not be overly reliant on Tabs and UA-cam playthroughs.

  • @MustangDesudiroz
    @MustangDesudiroz Рік тому

    Solid vid Pax diko tlga kaya Crazy train solo haha now alam kona better technique

  • @glenmarkbawagan222
    @glenmarkbawagan222 2 роки тому

    Yun ohhhhh napaka gandang explanation thankyouuu sir 😁💙

  • @joeleone7906
    @joeleone7906 2 роки тому

    Pax you reminded me of my teenage years when all the songs i know how to play is opm songs. Well di naman sa minamaliit natin tugtugan ng sariling atin pero wala pa masyadong maraming shredder non na mainstream. Then itong pinsan ko pinahiram saken DVD ng G3 Tokyo Tour. At doon ko nasimulan nakilala si JP. Hahaha.. salamat sa G. Kiss na example mo naalala ko lahat ng memories..
    Napakaganda ng content mo lods... Sarap uli bumalik sa time noong kabataan

  • @vancunnn
    @vancunnn 2 роки тому +1

    Nice guide. I have been using that slo-mo feature but never saw that custom one until now. Thanks for pointing out the common mistake of jumping from 50% to 100%, that's always discouraging kapag nagstumble. True yung, rest. Personal experience pinagpuyatan ko yung solo ng Sweet Child pero nagets ko after ko nagpahinga the next day. More power to you sir!

    • @PAXmusicgearlifestyle
      @PAXmusicgearlifestyle  2 роки тому +1

      Grabe sweet child of mine took me years talaga from beginner. Lalo pa dati wala lang videos na maayos for that

  • @aljejoreband
    @aljejoreband 2 роки тому

    ang galing tlga mag paliwanag ni lods max... sna bumulis n din daliri ko hehehe.. slmat po ulet s pag share🥰

  • @ernestopizarro6705
    @ernestopizarro6705 2 роки тому

    Nice content sir Pax,tlga inaapply mo p ung principle s gym n progressive overload at recuperation,replenishment. Cguro kinulang lng din ako s time commitment ,sympre may ibang priorities pero try ntin icope up.🤟🎸🙏

  • @aldwinlorica8010
    @aldwinlorica8010 2 роки тому

    Maraming salamat SA napakagandang tips at Teknik sa gitara sir pax.

  • @patmael1000
    @patmael1000 16 днів тому

    Salamat kuya pax for very informative advice sa katulad kung biggener 😊

  • @HaroLi41
    @HaroLi41 2 роки тому +1

    Agree with this and this is more or less how I practice difficult pieces din! To add, I use a combination of Guitar Pro, divide and conquer the difficult parts and loop them at a comfortable speed until perfection. Then I usually play a lot better after a good sleep after practice. Great content Pax!

  • @spike0495
    @spike0495 2 роки тому

    grabe Lods Pax daming kong nakuha dito namotivate ako lalong tumugtog.

  • @arkbirdtelecaster1581
    @arkbirdtelecaster1581 2 роки тому

    I remember,wala pang youtube or any medium like internet..old school..ginagawa ko.. cassette tape pa ang gamit ko .rewind and play lamang..napaka sweete ngaun ng mga bagong henerasyon dahil marami ng mga material na vailable ngaun

  • @BigBoss-td3it
    @BigBoss-td3it 2 роки тому

    Ang galing mo mag explain boss.. more videos pa po

  • @davidisraelmonares5491
    @davidisraelmonares5491 2 роки тому +1

    I've been playing guitar for like 8yrs na, ngayon ko lang naranasan na ma enlighten sa isang yt vid. iba talaga pag kalahi mo ang nagtuturo, arigathanks kuya pax

  • @jericsaura5546
    @jericsaura5546 2 роки тому

    Probably, the best guitar related channel in the PH🔥

  • @blindstreet
    @blindstreet 2 роки тому +1

    Ang mahirap sa bulag na tulad ko sa ngayon hindi kami makabasa ng tab so very dependent muna kami sa (learn by ear) way ng pag-aaral. Ang big issue ko lang is hindi palaging tama ang nagagawa kong fingering/boxes/positions pero yung notes is mostly tama naman. Very useful siyempre yung feature ng UA-cam sa pag slow down ng speed. And of course, yung mga nagbibigay ng tutorial na sinasabi pati fret number.

  • @ChaseMusic87
    @ChaseMusic87 2 роки тому

    Lalo akong na inspire sa video mo na to pax. Early age ako nag start mag guitar pero stagnant ako through the years. Thank u dito lods🙏

    • @PAXmusicgearlifestyle
      @PAXmusicgearlifestyle  2 роки тому +1

      Nakakatuwa namang marinig ito bro! Sana nakatulong ito!

    • @ChaseMusic87
      @ChaseMusic87 2 роки тому

      @@PAXmusicgearlifestyle sobrang nakatulong to pax. Mostly ng nabanggit mo dito is gingawa ko na pero nadgdagan pa ako ng kaalaman sa video na to. Please continue to create this kind of videos. Sobrang helpful sa mga bagito sa electric guitar kagaya ko. Which is napakahirap isearch sa youtube ang mga ganitong teachings. More power to you bro!

  • @cirilolhoycuenco6261
    @cirilolhoycuenco6261 2 роки тому

    ser Pax! lalaki ako pero I LOVE YOU ! SALAMAT SA MGA TINUTURO MO! HEHE

  • @nerwinchernando
    @nerwinchernando 2 роки тому

    Master, naiinspire ulit ako mag gitara dahilnsa mga lessons mo

  • @shimmy9662
    @shimmy9662 2 роки тому

    Salamat po sa tips. Solid talaga channel mo napaka specific at 100% HIGH QUALITY lahat may laman. Thank you pax mabuhay ka!! 🤟😊😇

  • @ianalcantara6318
    @ianalcantara6318 2 роки тому

    Pax sana bumalik ka ulit ng BGC, di kita naabutan last time been your fan since nag rereview ka pa nung mga hit solos ng 90s more subs to come pax good thing na may mga bago kang tips will do it 🙏👌

  • @averagemusician11
    @averagemusician11 2 роки тому

    highschool ko natutunan mag guitara pero di ako nagpa turo sa ate ko ngayun mas deeper pa ang learnings ko sa guitar kaysa sa ate ko. Yes it is a matter of commitment and habang tumatagal na natututo ka ma me memorize mo na yung mga tunog at di mo namamalayan nag cicifra kana. For me I prefer na mag practice at 0.75 speed kapag nagpapractice ng solo pero it depends parin sayo kung saan ka magaling.

  • @MrJesz26
    @MrJesz26 2 роки тому

    Good content sir! Kaya may gana na ulit bumalik sa gitara dahil sa guide mo. Thank you!

  • @bobryetv1355
    @bobryetv1355 Рік тому

    Thank you idol pax na realize Kona Ang Mali ko sa pag tugtog Ng guitar kaya Pala Ang tagal Kong ma tuto dahil din Pala sa pag mama Dali Kong ma tutunan ung isang kanta. Salamat idol ❤️🙏