Salamat sa panonood mga kapotpot. Tulungan nyo ko maka-reach ng 1 million subscribers ngayong taon. Kung di pa kayo naka subscribe, please..... hehehe. kung naka subscribe naman na kayo, pa-like and comment na lang. maraming salamat mga kapotpot!
Epic ride master. napaluha mo kami nung nasa arko ka na ng aparri, Hindi lang body ang kundisyon pati na rin ang mind. Salamat sa pag inspire mo sa amin Master. keep it up po and God bless.
Ian, ikaw na talaga ang legit at ultimate na siklistang vlogger. Marami dyan vloggers na nakikisakay lang sa trend or bandwagon ng pagba-bike, pero ikaw talaga ang nagiispire sa lahat na malayo ang kaya marating ng isang ordinaryong siklista na hindi racer, basta may tiyaga, pagpupursige at tibay ng dibdib. Saludo ako Ian sa accomplishment mo. Isa kang ehemplo sa amin na ipagpatuloy lang ang passion of cycling. Ingat ka lagi kapotpot.
1:43:30 Bigla Tumulo Luha Ko Marahil Sa Iba Hindi Na Appreciate Yung Ginagawa Natin Pero Sa Aming Mga Bikers Pag Narating Namin Yung gusto Namin Puntahan Sobra Sobrang saya Ang Nararamdaman namin Godbless Sir ian
Naiyak din ako. Pag nakatulog ka na sa rectangular box na sementong puti at nakakakain sa kalsada na ang pwet ay mismong nakaupo sa aspalto ng kalsada ay sobrang ma aappreciate at damang dama yung hirap ni sir ian. Loding lodil
Sobrang daming tao sa mundo na nagiging routine na lang yung araw araw. Gising, pasok, uwi, tulog. Pero ikaw ian, you are living your life to its fullest. Pag balik mo ng maynila, walang kaalam alam ang libu-libong tao na nakasabay mo sa kalsada na you just had the adventure of a lifetime. Salamat sa pag document mo ng adventure na ito para sa mga katulad namin na hindi mararanasan ang ganitong klase ng paglalakbay.
Sa una, duda pa ako sabi ko sa mister ko may kasama ka pick up kasi di mo kakayanin yan. Pero grabe, naiiyak ako sa lakas ng loob mo amg husay! Saludo ko hindi lang lakas ng katawan ang kailangan mo pati lakas ng loob kasi mag isa ka lang. Mabuhay ka Ian. Pinanood namin ng mister ko almost 3 hours grabe naman sa vlog ang haba. Patnubayan ka ng panginoon sa next journey mo.
Nakakatuwa kahit hindi tayo nag sabay ng North Luzon Loop master eh sobrang saya ko na nakuha nyo din yan. Matagal na nating pangarap yan kaya may lungkot kami nung di ka nakasama samin. Pero ngayon, CONGRATS MASTER! Madami pa tayong pagsasamahang ride. Mag iingat kayo palagi at see you soon Master!
Grabe master! NARAMDAMAN ko ang TEARS OF JOY mo nung paparating ka ng ARKO ng APARRI, at nung tinatawid mo ang Patapat Bridge at ang hule sa MONUMENTO! MARAMING SALAMAT MASTER, nakapag bibigay ka talaga ng INSPIRASYON at APOY sa MUNDO ng CYCLING! ISA KANG ALAMAT MASTER!! SALUTE 👊 Ride safe everyday, every night!
sir Ian thank you for sharing this adventure ride. ito po ang kahintay hintay na video hehehe. ito rin po ang hinihintay ng mga kuya ko na mag north luzon loop po kayo, kaso di na ma aabutan ng mga kuya ko sila Carlo and Leo Marvin sadly they passed away last 2021, di man sila siklista pero supporter sila ng channel mo at lagi nag aabang ng mga bagong upload mo at ang paburito nila ay yung Manila to Bicol nyo. maraming salamat sir ian at sana marami pa kayong ma inspire na cyclist and non-cyclist..
Not a full time cyclist po, I do biking as my cardio exercise because I want to pursue fitness world. Pero I watched the whole video. I learned many things, kahit mag isa ka sa byahe, If you have a goal at kahit na isipin natin or nila na malayo pa kapag sinamahan mo ng dedication at puso maaabot mo ang isang bagay. Keep inspiring sir Ian, may you not lose the drive to pursue the things you love no matter how bumpy the road becomes. Sobrang solid🇵🇭❤️
Pag nanonood ako ng movie sa Netflix sa gabi, madalas una at huli lang ang napapanood ko. Pero ito, never ako nakaramdam ng antok considering we (buong pamilya) started it at 10pm. Ramdam namin ang saya, pagod, pati sakit ng tumbong. Congratulations Sir Ian! You are an inspiration to everyone.
Okay lang maging emosyonal Ser. Grabe yung ginawa mo, hindi lang lakas ng katawan kundi mental na lakas din ang kailangan sa ganyang kahaba na lakbayin lalo at nag iisa ka. Iba yung pakiramdam na makamit mo yung pinangarap mo. Inspirasyon ka sa karamihan. Nawa'y manatili kang mapagpakumbaba at laging lumilingon sa mga kapotpot na tumatawag kahit minsan eh hindi na dapat dahil sa pagod mo. Mabuhay ka hanggat gusto mo! Inspirasyon ka ng isang tulad ko na nais lang din mag bahagi nang kanyang mga lakbayin at pakikipagsapalaran.
Maraming salamat kasi sinama mo kami sa adventure mo na ito. Pati ako naging emotional sa dulo. Lahat ng pagod, init, ulan, at puyat ay nasuklian ng tagumpay. Achievement mo yan. Maraming maraming salamat master!
Hello po sir ian hindi po ako cyclist. random na dumaan lang po yung isang video clip nyo sa fb wall ko kaya po napadpad ako dito. Sobrang naenjoy ko po itong documentary nyo! Salamat sa North Luzon loop nyo para ko na rin pong nalakbay yung buong north luzon 😊 Papanoorin ko pa po yung ibang video nyo. Mabuhay po kayo sir ian 👍
Isa sa pinaka- da best mong ride to Sir! Yung emosyon nung parating ng Appari at nung malapit ka na sa Manila ang nagdala at nagbigay kahulugan sa buong ride na 'to. At kung bakit ang SARAP MAG BIKE! Kudos Sir Ian! Very inspiring.
Idol Ian how. Ikaw talaga dahilan mula motor rider napunta ako s bike community. Na inspired talaga ako mula s 3day bicol ride gang s Laguna loop at ngaun north Luzon loop. Malaki talaga binago ng pananaw ko. Dahil sayo pinaka mo mas nakaka enjoy mag bike at nakaka challenge. Iba sarap ng pagod. Hirap basta makuha mo ung location at goal mo. Sa ngaun Laguna loop plang nagagawa ko. Sa loob ng 2 months n pag balik bike. Parang ayoko n Ng motor salamat s pag inspired sa pag bike ikaw lng idol ko s bike you tuber. Salute sayo idol sya nga pla pati c papa asawa ko pinag bike ko n rin. Iba benefitng pag bike para sten.
Grabe sobrang solid tlga.. ang matinding hamon dito hindi yung pagod kundi yung kung gano ba ka tatag ang loob mo.. kelangan ng matinding preparasyon to.. sana maging kagaya ko rin kayo master! Nakaka inspire tlga kayo! Recovering parin kase ko.. pero sana makabalik na ko sa pag padyak soon
First time lang kita napanood nainspire ako sa pagbabike mo Iang. Maliban sa nainspire ako nag-enjoy ako sa kapanonood sa inyo. Pero di ko maiwaan na maawa at naantig ang puso ko sa iyo kapag nakaranas ka ng problema sa mga daan. Nandiyan na flat ang gulong mo, maabutan ka ng ulan sa daan at marami pang iba. Pero nakikitaan ka ng pagpursigi at nasisiyahan ka sa mga ginagawa mo. WISH KO LANG NA IPAGPATULOY MO LANG ANG GINAGAWA MONG PAGBABIKE. GOD BLESS YOU ALWAYS.
This is honestly the best way to see the entirety of Philippines in general. Even out here in Los Angeles. I've seen places that a normal person probably would never see it unless you do cycling.
Grabe! Grabe! Grabe talaga...Solo bisekleta, lakas ng loob mo bro Ian, bilib ako sa iyo. More power to you. Most important ay iniingatan ka ng Panginoong Diyos.
Its mind over body, minsan kahit kaya pa ng body mo pero kung ayaw na ng mind mo wala ka magagawa, sobrang nakakabilib yung strength mo Sir Ian not just physically pati mentally, kaya sa mga nagbabalak sumubok ng mga ganitong ruta, di lang katawan nyo ang ihanda nyo pati mga isip nyo dahil matinding laban ang haharapin nyo, Congrats Sir Ian sa successful North Luzon Loop 💪
Madami ka po nainspire idol! Isa na ako don nkakabilib hindi lang pgbbisekleta pinakita mo kundi naging isang malaking aral to sa buhay! Na kapag may gusto ka abutin kailangan nb dedikasyon!! Ramdam namin yung pgpajak mo kapotpot! Mabuhay ka ianhow!
Natapos ko rin!! Grabe daig pa nito yung mga series sa netflix. Overall feedback ko. Akala ko noong una maboboring ako kasi 3hrs at puro kalsada ang dadaanan mo po. Pero talaga may storya kada padyak kada araw may mga taong ipinapadala ang Panginoon para magkaroon ng lasa at kulay ang iyong byahe. Hindi lang ito basta byahe na makompleto ang NLL kundi kwento kung paano makakilala ng mga hindi inaasahang tao na makakahalibilo mo. Bawat padyak may kwenta at kwento. Bawat lugar na madadaanan mo ipinapakita mo ang ganda ng ating bayan gamit ang bisikleta. Buong puso po akong nagpapasalamat sa mala-pelikulang vlog Sir Ian How. Isa kang inspirasyon sa lahat hindi lang sa mga siklistang katulad natin. Ang nais ko lang ihiling sa iyo ay magkaroon ng parte parte kada araw dahil natutuwa ako/kami kapag may mga taong nakikilala ka at ipinapakita mo ang lugar sa mga probinsyang nadaraanan mo. Ipakita mo ang mga kwento kung paano mo sila nakilala, nakasama sa pagpadyak kahit panandalian lang. Muli, nagpapasalamat po ako sa napakaganda at makabuluhang byahe. Para na rin akong nakasama sa ride na ito. Pagpalain ka pa po ng Panginoon 😊
Epic idol! Saludo sayo AT SA LAHAT NG NAG ATTEMPT NG NORTH LUZON LOOP NAGTAGUMPAY MAN O HINDI. 1300km is not just a test physically mas lalo sa isip at damdamin. Yon ang nakakamangha sa mga taong tulad nyo. Saan nyo hinuhugot ang lakas ng isip at damdamin... truly inspirational. Naway maraming makapanood at bigyan ng panibagong lakas ng loob sa pagsubok ng buhay.
Solid sir! Ramdam ko yung emotions nung papasok ka ng Aparri at talagang nakaka touch. Eto yung patunay na kahit anong hirap basta tyinaga at pinagsumikapan, makukuha mo e. Siguradong sigurado, this is very rewarding on your part, sir! Congrats idol!!!
Done watching.. 3hrs nakatutok sa tv..😊 mixed emotional experience. Iyak. Tawa. Isa ka nang ganap na artista master.. 👍👍 overwhelmed ako na kahit wala kami sa video alam namin na naging part kami nang solo north luzon loop mo. Unexpected sa day 1 mo nakita ka namin sa may San rafael bulacan.. ride safe always. And sana makita ka namin uli at makahingi nang sticker..😊 at sana next time kasama na kami sa video..😁 You inspired us master ianhow. 👏👏👏
Eto halimbawa ng buhay parang nagba bike anuman ang pinagdadaanan mo sa buhay daanan lang wag mo tambayan walang imposible basta tuluy tuloy lang. Darating ka rin sa gusto mong puntahan. Thank you Sir Ian sa inpirasyon at paglaban sa hamon ng padyakan. Mabuhay mga kapotpot!!!
1:44:18 Yung feeling ni Sir ian na Na-accomplished na nya yung isa sa mga pangarap nya. 😢😭 I Feel you Sir Ian. Salamat sa patuloy na pag inspire samin na mag-bike, lumabas, mag explore at makarating sa ibat-ibang lugar. #sarapmagbike #ianhow
Lakas Ng loob ✅ Tibay Ng tuhod ✅ Mababang luha ✅✅ No skip Ng ads,dasurb ✅✅✅ Congrats Master IanHow. Iba Ka Tough mentality defeats all adversity. God bless Master. Watching from Abu Dhabi
Ikaw mismo ang inspirasyon ko sir ian para hindi tumigil sa pagbibike, though sa ngayon busy sa work at kelangan ko narin bumili ng bagong bike e andyan ka parin para d ko makalimutam yung sarap, saya, hirap at tunay na rason kung bakit ma-SARAP MAGBIKE!!! Saludo sayo at sa ginagawa mo sir ian, Godbless po palage at sana someday makasalubong/makasabay ko din kayo sa daan.
Sir ian ang hindi tapusin ang video mo ay isang kahihiyan sa sarili ko sobrang tibay ng mindset mo sa pag abot ng target mo and sa wakas narating mo ang goal mo na parang pinakita mo kung paano lumaban sa buhay, mabuhay ka sir! Very inspiring sana ma meet kita in person, tama ka sir best decision mo ang magride mag isa kasi mas madali mong nakuha ang goal mo na walang negativity na pumasok sa isip mo.
Natawaa ako..nawala ung dalawa mga kapotpot! Grabeee lakas ni Sir Ian... dun sa dalawa nating kasama... super blessed kayo nakasama nyo si Sir Ian .. galing!... PERO nakasabay nyo ulit si Sir Ian mga kapotpot .. lalakas nyo! God bless sa inyo.
isang malaking inspirasyon sakin tong ride mo sir Ian. naramdaman ko yung saya mo sa panibagong "achievement unlock" mo. dahil din sayo/sainyo kaya nakakahiligan ko na din ang pagbabike. pagpatuloy mo lang sir yung pagiging isang inspirasyon.
eto ang tunay na ride, pinaghihirapan, pinagpapaguran, pinagpapawisan muna kahit hindi talaga biro! baka kasi maaaring pulikatin, hingalin at himatayin pag walang ensayo at hindi sanay, pero basta sa pangarap ay kakayanin! salute sayo idol!
Worth to watch this 3hrs video sir ian, ramdam n ramdam ang pagod mo at didikasyon mong tapusin ang goal mo. U serve as an inspiration to the bike community in the country. Keep safe always sir at marami kapang mabibigyan ng inspirasyon. Salamat sir ian for sharing your video
Thank you Sir Ian. You also helping the Philippines tourism thru Padyak Bisiklita ang magagandang tanawin sa mga probinsya nang central at northern Luzon🇵🇭 Stay safe and healthy Sir Ian Watching from Las Vegas 🇺🇸
Petmalu! Tunay na kapotpot master, Ian how. natapos kung panoorin ng buong buo. Ganun talaga pag tunay na biker gastos, pagod at puyat plus laspag! Pro sulit ang mga naabot na lugar na nakita mo at naexperyens tapos sa mga nakasabay mo sa kalsadang mga ibang bikers! God speed at keep safe palagi sa rides master IAN HOW.
ansarap panoorin neto sir Ian dahil ruta to dati ng papa ko nung nabubuhay pa sya bilang ahente, 2 beses ko lang sya naipag maneho gang aparri ng mga panahong di na nya kaya mag drive mula antipolo gang aparri 2 araw na byahe naka kotse pa kame nun ikaw naka bike lang ibang tyaga at lakas ng loob tong pinanood ko di ako ang skip ng ads para konting tulogn sayo sir Ian salamat po at naalala ko memories ko kasama papa ko nung buhay pa sya. lagi po kayong mag iingat ka potpot
Thank you master IAN ang saya ko dahil napasama ako sa yung video vlog. Salute you at ng napaka-epic na North Luzon Loop solo ride mo. Keep on sharing more of your adventure rides sir and ride safe palagi. Sana magkita ulit tayo sa daan balang araw. Thank you thank you. 💯% Legit North Luzon Looper... Congrats Master!!!💛👍👊
New subscriber and fan here. I started watching your videos since yesterday pero for some reason I can't stop. I heard about you sa papa ko who started biking during the pandemic. Watching your videos is really inspiring. No wonder lagi kang binabangit ng papa ko pag pinaguusapan namin yung biking. Hopefully we will meet you soon. Sobrang matutuwa ang papa ko pag nangyari yun. Ride safe Sir Ian.
Napaka sulit panuodin ang 2hrs mahigit na vlog na to. Napaka dami mong matututunan. Grabe yung spirit and motivation. Hindi ako nag kamali sa pag idolo simula umpisa. Pag na kita kita sa personal kuya Ian pa yakap 🤗 thank you sa pag parte ng gantong part ng buhay mo Kahit maka vlog kita po sobrang masaya na ako. Sana soon mag karoon din ako ng pambili ng tulafd ng garmin na yan kahit hindi mo kabisado route o ahon mapag hahandaan mo kasi nakikita mo sa GARMIN solid !.
Haaayyy! Natapos ko din panuorin kahit paputol putol dahil busy. Solid na solid master! sa haba ng vlog na to di manlang ako nainip. Para sakin ang pinaka highlight dito ay yung mga kapotpot na nag abang, nakasabay, sumabay at tumulong sayo master ian, grabe prang di narin naging solo ride eh. at yung garmin solid tlga! beke nemen master sa mga extra cyclocomputer mo dyan! hahaha! Godbless sating lahat
Ni-one shot ko lang panoorin 'to. Sobrang worth it! Very emotional lalo na no'ng nakarating ka na sa Aparri at pabalik sa KM0. Sobrang nakaka-inspire ka, Master. May motor ako pero parang mas gusto ko nalang mag bike. More long rides to come, stay healthy and ride safe palagi! Road to 1M subs! 💙
Ang pag bbike ay parang buhay ng tao kahit anong pagsubok kailangan mo lagpasan! Minsan mapplatan ka pero kailangan mo ituloy minsan madami kang makakasabay na nakaalalay sayo at handang tumulong! Napakagandang imspirasyon mo idol ianhow the original!! Shout out idol!!!
“Whoever invented the bicycle deserves the thanks of humanity.” - Lord Charles Beresford Fantastic Achievement idol IAN HOW, congrats! 🏆🏆🏆 God Bless...
grabe tinapos ko ang buong video, para akong nanonood ng pelikula.. salamat sa mga rides mo sir IAN!.. nakaka-inspire ka sa mga katulad naming siklista.. mabuhay ka!!. more blessing to come.
Ikaw na talaga, the best Idol kong Bike vlogger na out of this world of persistence and abot langit ang tiyaga at sipag. Sana wag kang magsawa mag inspire sa mga katulad kong paminsan minsan lng sipagin mag bike. Mabuhay ka hanggat gusto mo. Alam ko rin yung kasabihan mo at sinusunod ko. Maraming salamat "Master".
Ngayon ko lang natapos yung vlog mo sir ian. Napaka epic ng loop na to. Sobra iniidolo kita sir ian how sobra dedicated mo sa pagbibike at sobra tibay ng loob mo na wag susuko. One day magagawa ko din to north luzon loop dahil sobra nakakainspire ka sir ian how. Salute sayo at talaga naman napaka sarap mag bike.
Yung ikutin mo ang north luzon eh kahanga-hanga sir ian, at gawin pa ito ng solo ay labis-labis na paghanga ang aking nadama. Very inspiring talaga sir ang mga byahe mo sa aming nagsisimula pa lang sa mundo ng bisikleta. Kudos sa iyo, at naway marami pang mga rides🙏🙏🙏🙏✌️👍😍😍😍
ibang level ng dedikasyon, tibay ng luob, pag mamahal sa ginagawa. mag kulang ka lang ng isa jan siguradong di mu matatapos ang gantong kalayong ride. . sir sobrang salamat ngayon dumadaan ka sa matinding pag subok pinag dadasal kita ngayon at naiyak ako. para akong bata na naiyk ngayon. sa sobrang pasasalamat sa pag inspire samin. thank you sir
Cyclist rin ako at rider ng motor, 3 times nako nakapag northloop, pero 3x motor ang gamit. Pero kasama ang Sta. Ana Cagayan (3 dulo ng norte) 1. Pagudpod 2. APPARI 3.Sta.Ana. Bilib ako sayo lods. Bisikelta lang gamit. 100kms lng sa bisikleta eh laspag nako. Bagong subs moko. Nice content and vlog! Ride safe!!!
Katatapos ko lang panuorin,. 1am dito sa US, halos 3 days ko tinapos paputol putol. Feeling ko kasama ko sa byahe mo idol, nung nakaraang pandemic lahat ng bicol ride pinanuod ko. Great Realisation: Life is all about the Journey.
Na appreciate ko to. Damang dama ko yung hirap ni sir ian kahit laguna loop pa lang nagagawa ko. Yung kumakain ka sa kalsada nagpaganda ng video na to. Gagawin ko din to imposibleng hindi.
Master ian, inabot din aq 2days panoorin itong north luzon loop u dahil pinapanood ko lng sya on the way ppasok sa opis" ANG TINDI U SIRR!! Mabuhay ka!! I'm very proud of you.
napaka tibay at napaka halimaw grabe! ang tunay na iron man! hindi biro ang ganyang ride lalo na pag hindi praktisado o ensayado. mahirap yan, nakaka himatay, mabilis hingalin, at masakit sa buong katawan. pero achievement parin talaga ang marating mo ang lugar sakay nang best friend mong bisikleta! 🚵🏽💪🏽❤️
pumunta kami ng ilocos last year, halos lahat idol ng pinuntahan mo ay narating nmin, Sa ilang oras na byahe nmin talagang sumakit ang katawan nmin, ang nakakahiya doon idol hindi nmin naisip yung hirap mo sa pagpapadyak marating lang ang buong norte, kung tutuusin wala pala kaming karapatang mag inarte sa nararamdan nming sakit ng katawan kung ikukumpara sa ginawa mo. dahil kami may mga sasakyan na de gasolina samantalang ikaw bike lang, kaya saludo ako sayo sir idol. Godbless
Salamat, lods IAn PARA NARIN ako nakauwi ng isabela,, Alicia, almost 20 years din, mula nang umalis ako dyan,, sa BENGUET na ko ngayon dto na rin nakapag asawa, konting panood pa maging siklista na din talaga ako sir, nakaka inspire ka panoorin
From start to finish, pinapanood ko vlog mo Master Ian. Dami mong na encourage magbike. You inspired me so much. Sa dami ng problema sa Pinas, nkkatuwa na dami sumusubaybay sa vlog mo. Mas tinatapos ko pa panoorin vlog mo idol kaysa Netflix. Your heart, passion in biking is very inspiring. Nagppalakas ng loob sa mga taong napanghihinaan ng loob. Puro positive vibes lahat ng nakikita namin sa bawat vlog mo. Salute to you master Ian
Hindi biro, ang mag ride mag isa. Lalo n s ganyan kalayo. Tatag ng loob, lakas ng katawan at isip ang kailngan pra malampasan ang lahat ng pagsubok s daan. Lalo n s mga pagkakataon n wala kang kasabayan s kalsada. Mabubudol ka p, dhil s maling nadaanan. Pero Master, naniniwala ako n kahit mag isa ka pumapadyak, eh daang libo p dn kmi n kasama mo. Dahil s lahat ng sakit at saya n pinapakita mo s iyong content, mgagandang view, mahahabang ahon, ay ramdam dn namin. Kaya Master, "mabuhay ka hanggang gusto mo". (Batman) Slamat, salamat at kahit ppano, para n dn kmi nakapag north luzon loop. Ingat po palagi... SARAPMAGBIKE.... Wohoooooooow....
Ayan ang ACHIEVEMENT! Grabee solid 3 days napanood ng putol putol bago ko matapos dahil di kaya issng noodan lsng may trabaho pero tinapos ko ps din dahil una pa lang bilib na ako na kayang kaya mo talaga idol ian! LAKAS AT TIBAY NG LOOB TALAGA ❤
Tatlong araw kong pinanood, di ko matapos tapos kasi medyo busy. Pero sulit ung dedikasyon na pinakita ni Sir. Ian dito. Parang impusible nung una kaso pinakita lang ni Sir. Ian na kung gusto, pusible. Salute Sir!
Congratulations Ian! You made it kahit mag isa klang! Pinatunayan mo na ikaw ay isang Alamat sa biking. Inspiration ka sa maraming siklista. Simpleng may bahay lang ako na follower mo pero naiyak din ako sa effort at na achieved no. MABUHAY KA! Nalagpasan mo ang lindol. ☝️👍
Hi. I am a neophyte when it comes to cycling- tbh, wala pang 10 kms. lawit na dila ko lalo pag puro paahon and then I watched ur vid sa fb and it inspires me to do better. Hehe. Sana kayanin ko at ng aking bike ung ganyang long ride in the future. For now, magpapahinang muna me. Hehe. New subscriber and follower from Marilao, Bulacan. Sobrang nakakainspire ka kuys! 💪💪💪
Sobrang fulfilling to see you sir Ian to do this grabe ka ikaw ang tunay na lodi iba ang dedikasyon mo pagdating sa pag bibisikleta at pagpapakita ng ganda ng Pilipinas at pag inspire sa lahat ng siklista kagaya ko na di pa nagagawa itong klase ng ride na to .. Salute Sir Ian
sir, new subscriber nyo po. sobra akong nainspire sa journey nyo sa north luzon. sayang nga po at hindi ko kayo nakita/napansin dito sa tuguegarao nung disperas ng birthday ko. grabe nakakaiyak sir, sobra. pangarap ko rin po talaga makapagNorth Luzon Loop balang araw kapag naupgrade na yung budget bike ko. maraming salamat sa paglibot samin sa north luzon, sa enjoyment habang pinapanood at sa lessons na rin. nakakaiyak at nakakatuwa sir, salute to you sir. ride safe lagi kapotpot!
Sir Ian, Gusto ko po sana magpasalamat una, sa Panginoon po natin na naikot po ninyo ang north loop ng maayos at di gaano nagkaroon ng mga problema/aberya. Pangalawa naman po ay sa Inyo dahil sa totoo lang po, ako po ay namangha dahil kinaya nyo po ang journey na ito at dahil narin sa mga napuntahan nyo po na hindi ko pa napupuntahan ay nagkakaroon po ako ng intensyon o balak na puntahan kahit hindi po talaga ako nag bibisikleta. Pangatlo po ay sa mga Nakasabay nyo po sa ride dahil sila din po ang kahit paano ay nagpapaiwas sa inyo sumuko sa mga ahon o pagsubok sa daanan at nagbibigay ng konting aliw dahil nakaka kwentuhan po ninyo sila. And lastly po sa mga Subscribers po ninyo na lahat po ay todo supporta din po sa inyo. Isa po ako sa maraming na inspire ninyo at nagsimula po ito sa Bicol Ride Vlog at ngayon ay may nadagdag sa inspirasyon naming mga manunood ninyo. Maraming Salamat po ulit at hanggang sa susunod po ninyo na mga vlogs.
naabutan ko itong channel na to bike to work ka pa sir ian pero ngayon north luzon loop na tinira mo. astig one of the best dream ride ito , congrats sir ian more rides to come next ride philippine loop na!!!
Grabe ka idol Ang lakas mo. Grabing determination yan. Ramadam na ramdam ko pagod mo lalo pag sumasaglit ka sa pagkain halatang laspag na pero Go parin.. Salute idol.. Isa kang alamat
Solid talaga sir ian how ,,North Luzon Loop mo,, may kasabihan tayu jan,,kahit kayhabahaba man ng daan ,,tiyak makakarating din sa paparuonan,,kahit nga minsan nabobudol at minsan mapaglaru ang panahun,,tuloylng habang kayapa,ssbinga Ni uy,cbatman mabuhay tayu hangat gosto natin,,Sarapbuhay Sarapmagbike ,,ingat lagi master ian how,,salamat sa magagandang tanawin,,parang kasama munarin kami sapagbabike mo sir ian how,,salamat olit master,,,
Sobrang solid pa din ng content mo master. Ngayon ko mas naintindihan yung mga luha mo sa vlog na to.. Isa lang ako sa mga sobrang dami na na inspire mo na magbike kaya niregaluhan ko ng bisikleta yung sarili ko back in 2020. Dasal namin lahat na gumaling ka sir Ian. Hanga ako sa lakas ng loob mo noon at ngayon. Ingat ka palagi sir at pagpalain ka pa ng panginoon..
Maraming salamat sir Ian maraming nainspire na magbisikleta dahil sa'yo at isa na ako dun at marami ka pa maiinspire! Ikaw nagsimula lahat ng ito at wag mo sanang tatapusin.
I'm done to full watching master .. grabe tlg Yung ginawa muh north Luzon loop solo rides. pero sobrang sya kc dming mga kaibigan at nkilala muh sa daan n nag bibigay ng Lakas at support.. sau... Ang mas nrardaman Koh ung niiyak kna kc nkita Muna ung archo ng apari n malapit kna at dti pangarap muh lng ngaun nrating Muna ng dhil lng sa bisikleta... Rides safe master isa k sa mga inspiration kopo .. more power and god bless
Na-enganyo ako magbisikleta noong panahon ng pandemic. Pero gawa ng schedule, pagboboksing at pangingisda na lang ako nalalaanan ko ng oras. Pero sa tuwing napapanood ko si ianhow, naeeenganyo ako ulit magbiskleta kasi ramdam mo sa kanya na enjoy na enjoy siya magbisikleta. Salamat at sinasama mo kami sa mga adventures mo. More power!
Mixed emotions ride po to Sir Ian. Ramdam na ramdam kung ano man yung napag daanan mo. Halong saya at struggles. Legend ka po talaga! Sarap makita ng mga lugar na di ko pa man na puntahan pero naka silip ako kahit papano. More powers po! Keep safe
halimaw sa padyakan! ibang klaseng ride talaga yang binanat mo master idol! masasabe mo talagang hindi biro yan, na naka bike ka lang. tapos pagsabayan mopa nang init nang panahon, sobrang sakit sa buong katawan niyan, pero ang marating mo ang lugar na naka bike lang, isang malaking achievement sa ride.🚲
sipag at determinado talaga idol! eto talaga ang literal na tanggal ang problema, stress at anxiety. ika nga, pag problemado ka mag long ride ka gamit lamang ang bike, matic at promise tutulungan ka nang bestfriend mo bisikleta matanggal ang mga problema na iyong dinamdamdam. at syempre hindi lang sa nakapag eherhisyo at naka libang kana, marami pang benefits ang binibigay nang pagbibisikleta kaysa mag droga, mag bisyo, at gumawa nang mga kalokohan na wala namang kasilbi silbi, atleast dito sa pagbibisikleta, naging vlogger ka na nga, magiging milyonaryo kapa, more than that, dahil lang sa bisikleta.♥️🚵 kaya para sa mga mag eenganyo mag bike dyan, do it na! not for just the sake of being healthy and fit! kundi sobrang daming meaning neto para sa ating daily doing's, physically, mentally at spiritually! 🚵💪🏽♥️ masasabe mo talagang masarap mag bike! nakaka punta kapa sa mga lugar na magagandang mga tanawin na pinaghihirapan, pinagpapawisan, at pinagpapaguran mo, kahit masakit sa buong katawan, busog naman sa mga tanawin na iyong makikita.♥️🚵
Sir Ian salamat sa iyong pinagpalang paglalakbay dahil naramdaman ko, sir, kung paano ka ginabayan ng ating Diyos. Hindi ka Niya pinabayaan. Pinakita at pinaramdam mo sa amin ang pagiging down to earth niyo, Sir Ian dahil nang nilapitan ka ng isang paslit ay binigyan mo pa ng tulong kahit ikaw ay pagud na pagod at nais ng magpahinga. Yung mga sumalubong sa iyo at mga sumabay sa iyong paglakbay ay isang pagpapala ng Diyos para bigyan ka ng moral support. Higit sa lahat ay yung iyong kalakasan na tapusin ang journey ay mula sa Kaniya. Napakalakas ng iyong pananampalataya, sir. God bless you po. Napagtagumpayan mo ang lahat. Thank you for sharing this.
Grabe sir solid nito. Ngayon ko lang napanood ito. Wala akong masabi, thank you sa pagdocument ng north luzon loop nyo parang nakasama na rin ako. Lodi na kita sir.
galing nito idol nakaka inspire mg bike at ikutin ang mga lugar sa pilipinas..bilib ako s tibay ng loob mo idol kahit mg isa lng nagawa mo ikutin ang north luzon loop..mas marami kp sna ma inspire na mga cyclist na tulad mo God bless you idol keep safe and healthy!
A year ago nung napanood ko to.pero ngaung napanood ko ulit ngaun ko naramdaman ung pagod at dedikasyon mo.at sa totoo lang naiyak ako nung nkarating ka ng aparri.patunay lang na walang balakid bsta may dedikasyon ang isang tao
Eto yung ride niyo na nakita sa fb post niyo idolo early this year,simula nun pinapanuod ko na kayo. Nagsimula na kong mahilig sa bisikleta at pagbibisikleta sa medyo malalayo. Kayo talaga una kong naging inspirasyon sa pagpadyak. Mga 10 bidyo na buo kong pinanuod dito sa UA-cam. Sana makasalubong ko kayo daan Idolong IanHow
Salamat sa panonood mga kapotpot. Tulungan nyo ko maka-reach ng 1 million subscribers ngayong taon. Kung di pa kayo naka subscribe, please..... hehehe. kung naka subscribe naman na kayo, pa-like and comment na lang. maraming salamat mga kapotpot!
ansarap talaga panoorin mga vlog mo paulit ulit love it
Pwede bang mag north luzon loop ng naka folding bike
Maraming salamat sa panonood at sa magagandang comment mga kapotpot. Sulit!!!!
Galing nyo Po Idol
Epic ride master. napaluha mo kami nung nasa arko ka na ng aparri, Hindi lang body ang kundisyon pati na rin ang mind. Salamat sa pag inspire mo sa amin Master. keep it up po and God bless.
@@carlandrewaraneta7826 ako nga din Master ian napaluha mo ako dun 😰😇
tears of joy Master ian napaluha mo ako don pangarap korin po yan mag ride ng malayo 🥺😇
Ginabayan po kayo ni God Master ian binigyan kayo ng lakas God Is Great 🙏🏻😇
Ian, ikaw na talaga ang legit at ultimate na siklistang vlogger. Marami dyan vloggers na nakikisakay lang sa trend or bandwagon ng pagba-bike, pero ikaw talaga ang nagiispire sa lahat na malayo ang kaya marating ng isang ordinaryong siklista na hindi racer, basta may tiyaga, pagpupursige at tibay ng dibdib. Saludo ako Ian sa accomplishment mo. Isa kang ehemplo sa amin na ipagpatuloy lang ang passion of cycling. Ingat ka lagi kapotpot.
wag mo paringgan si lem😂🤣
Jawo
Tama karamihan mga motovlogger,,Nakita nila madami din market Sa bikevlog kaya ngkunwaring mga siklista..ngaun tignan mo..balik sa mga motovlog
Larger than life na inspiration.
@@sticknartea1006 bumuo Ng MTB pang trail pa nga daw 😅 namigay pa Ng RB 😅
1:43:30 Bigla Tumulo Luha Ko Marahil Sa Iba Hindi Na Appreciate Yung Ginagawa Natin Pero Sa Aming Mga Bikers Pag Narating Namin Yung gusto Namin Puntahan Sobra Sobrang saya Ang Nararamdaman namin Godbless Sir ian
Naiyak din ako. Pag nakatulog ka na sa rectangular box na sementong puti at nakakakain sa kalsada na ang pwet ay mismong nakaupo sa aspalto ng kalsada ay sobrang ma aappreciate at damang dama yung hirap ni sir ian. Loding lodil
Sobrang daming tao sa mundo na nagiging routine na lang yung araw araw. Gising, pasok, uwi, tulog. Pero ikaw ian, you are living your life to its fullest. Pag balik mo ng maynila, walang kaalam alam ang libu-libong tao na nakasabay mo sa kalsada na you just had the adventure of a lifetime. Salamat sa pag document mo ng adventure na ito para sa mga katulad namin na hindi mararanasan ang ganitong klase ng paglalakbay.
"Hindi mararanasan ang ganitong klas ng paglalakbay" yooo, hanggang nabubuhay ka may chance kang gawin yung mga bagay na to. Letsgo!!!!
Sa una, duda pa ako sabi ko sa mister ko may kasama ka pick up kasi di mo kakayanin yan. Pero grabe, naiiyak ako sa lakas ng loob mo amg husay! Saludo ko hindi lang lakas ng katawan ang kailangan mo pati lakas ng loob kasi mag isa ka lang. Mabuhay ka Ian. Pinanood namin ng mister ko almost 3 hours grabe naman sa vlog ang haba. Patnubayan ka ng panginoon sa next journey mo.
Sir Ian idol kita pinanood ko Ang North Luzon loop grabe Ang mga hirap at pagod mo !!! God bless you we love you sir Ian how
Nakakatuwa kahit hindi tayo nag sabay ng North Luzon Loop master eh sobrang saya ko na nakuha nyo din yan. Matagal na nating pangarap yan kaya may lungkot kami nung di ka nakasama samin. Pero ngayon, CONGRATS MASTER! Madami pa tayong pagsasamahang ride. Mag iingat kayo palagi at see you soon Master!
nakakamiss, takits sa daan Sir Christian 👍🏻
mas masaya sana kung kasama nya team apol.
Miss you Master Ry! Sa sunod na epic ride ulit a 😉
woop..woop😀
Sana matupad mo rin po yung isa mong pangarap na San Joanico🌉🚴♂️
Grabe master! NARAMDAMAN ko ang TEARS OF JOY mo nung paparating ka ng ARKO ng APARRI, at nung tinatawid mo ang Patapat Bridge at ang hule sa MONUMENTO!
MARAMING SALAMAT MASTER, nakapag bibigay ka talaga ng INSPIRASYON at APOY sa MUNDO ng CYCLING!
ISA KANG ALAMAT MASTER!! SALUTE 👊
Ride safe everyday, every night!
sir Ian thank you for sharing this adventure ride. ito po ang kahintay hintay na video hehehe. ito rin po ang hinihintay ng mga kuya ko na mag north luzon loop po kayo, kaso di na ma aabutan ng mga kuya ko sila Carlo and Leo Marvin sadly they passed away last 2021, di man sila siklista pero supporter sila ng channel mo at lagi nag aabang ng mga bagong upload mo at ang paburito nila ay yung Manila to Bicol nyo. maraming salamat sir ian at sana marami pa kayong ma inspire na cyclist and non-cyclist..
Awttssss. So sorry to hear that kapotpot. 😔
Not a full time cyclist po, I do biking as my cardio exercise because I want to pursue fitness world. Pero I watched the whole video. I learned many things, kahit mag isa ka sa byahe, If you have a goal at kahit na isipin natin or nila na malayo pa kapag sinamahan mo ng dedication at puso maaabot mo ang isang bagay. Keep inspiring sir Ian, may you not lose the drive to pursue the things you love no matter how bumpy the road becomes. Sobrang solid🇵🇭❤️
Pag nanonood ako ng movie sa Netflix sa gabi, madalas una at huli lang ang napapanood ko. Pero ito, never ako nakaramdam ng antok considering we (buong pamilya) started it at 10pm. Ramdam namin ang saya, pagod, pati sakit ng tumbong. Congratulations Sir Ian! You are an inspiration to everyone.
this is a movie the DIRECTOR from above spontaneous and the cast of characters are chosen from the hearts who can see it
Okay lang maging emosyonal Ser. Grabe yung ginawa mo, hindi lang lakas ng katawan kundi mental na lakas din ang kailangan sa ganyang kahaba na lakbayin lalo at nag iisa ka. Iba yung pakiramdam na makamit mo yung pinangarap mo. Inspirasyon ka sa karamihan. Nawa'y manatili kang mapagpakumbaba at laging lumilingon sa mga kapotpot na tumatawag kahit minsan eh hindi na dapat dahil sa pagod mo. Mabuhay ka hanggat gusto mo! Inspirasyon ka ng isang tulad ko na nais lang din mag bahagi nang kanyang mga lakbayin at pakikipagsapalaran.
Maraming salamat kasi sinama mo kami sa adventure mo na ito. Pati ako naging emotional sa dulo. Lahat ng pagod, init, ulan, at puyat ay nasuklian ng tagumpay. Achievement mo yan. Maraming maraming salamat master!
Hello po sir ian hindi po ako cyclist. random na dumaan lang po yung isang video clip nyo sa fb wall ko kaya po napadpad ako dito. Sobrang naenjoy ko po itong documentary nyo! Salamat sa North Luzon loop nyo para ko na rin pong nalakbay yung buong north luzon 😊 Papanoorin ko pa po yung ibang video nyo. Mabuhay po kayo sir ian 👍
Isa sa pinaka- da best mong ride to Sir! Yung emosyon nung parating ng Appari at nung malapit ka na sa Manila ang nagdala at nagbigay kahulugan sa buong ride na 'to. At kung bakit ang SARAP MAG BIKE! Kudos Sir Ian! Very inspiring.
Idol Ian how. Ikaw talaga dahilan mula motor rider napunta ako s bike community. Na inspired talaga ako mula s 3day bicol ride gang s Laguna loop at ngaun north Luzon loop. Malaki talaga binago ng pananaw ko. Dahil sayo pinaka mo mas nakaka enjoy mag bike at nakaka challenge. Iba sarap ng pagod. Hirap basta makuha mo ung location at goal mo. Sa ngaun Laguna loop plang nagagawa ko. Sa loob ng 2 months n pag balik bike. Parang ayoko n Ng motor salamat s pag inspired sa pag bike ikaw lng idol ko s bike you tuber. Salute sayo idol sya nga pla pati c papa asawa ko pinag bike ko n rin. Iba benefitng pag bike para sten.
Grabeh ka sir Ian.
Isang Bagsakan talaga ang 9days North Luzon Loop 3hrs akong manood nito.
Ready niyo na ang Popcorn niyo dyan mga kapotpot
Grabe sobrang solid tlga.. ang matinding hamon dito hindi yung pagod kundi yung kung gano ba ka tatag ang loob mo.. kelangan ng matinding preparasyon to.. sana maging kagaya ko rin kayo master! Nakaka inspire tlga kayo!
Recovering parin kase ko.. pero sana makabalik na ko sa pag padyak soon
First time lang kita napanood nainspire ako sa pagbabike mo Iang. Maliban sa nainspire ako nag-enjoy ako sa kapanonood sa inyo. Pero di ko maiwaan na maawa at naantig ang puso ko sa iyo kapag nakaranas ka ng problema sa mga daan. Nandiyan na flat ang gulong mo, maabutan ka ng ulan sa daan at marami pang iba. Pero nakikitaan ka ng pagpursigi at nasisiyahan ka sa mga ginagawa mo. WISH KO LANG NA IPAGPATULOY MO LANG ANG GINAGAWA MONG PAGBABIKE. GOD BLESS YOU ALWAYS.
Sir Ian ito pinaka solid ride mo. Tinapos ko lahat ng struggle mo dito. Bilib talaga ako sayo habang may buhay may pag asa.
This is honestly the best way to see the entirety of Philippines in general. Even out here in Los Angeles. I've seen places that a normal person probably would never see it unless you do cycling.
Grabe! Grabe! Grabe talaga...Solo bisekleta, lakas ng loob mo bro Ian, bilib ako sa iyo. More power to you. Most important ay iniingatan ka ng Panginoong Diyos.
Amen to that brother!!!!
Its mind over body, minsan kahit kaya pa ng body mo pero kung ayaw na ng mind mo wala ka magagawa, sobrang nakakabilib yung strength mo Sir Ian not just physically pati mentally, kaya sa mga nagbabalak sumubok ng mga ganitong ruta, di lang katawan nyo ang ihanda nyo pati mga isip nyo dahil matinding laban ang haharapin nyo, Congrats Sir Ian sa successful North Luzon Loop 💪
Madami ka po nainspire idol! Isa na ako don nkakabilib hindi lang pgbbisekleta pinakita mo kundi naging isang malaking aral to sa buhay! Na kapag may gusto ka abutin kailangan nb dedikasyon!! Ramdam namin yung pgpajak mo kapotpot! Mabuhay ka ianhow!
Natapos ko rin!! Grabe daig pa nito yung mga series sa netflix.
Overall feedback ko. Akala ko noong una maboboring ako kasi 3hrs at puro kalsada ang dadaanan mo po. Pero talaga may storya kada padyak kada araw may mga taong ipinapadala ang Panginoon para magkaroon ng lasa at kulay ang iyong byahe.
Hindi lang ito basta byahe na makompleto ang NLL kundi kwento kung paano makakilala ng mga hindi inaasahang tao na makakahalibilo mo. Bawat padyak may kwenta at kwento. Bawat lugar na madadaanan mo ipinapakita mo ang ganda ng ating bayan gamit ang bisikleta.
Buong puso po akong nagpapasalamat sa mala-pelikulang vlog Sir Ian How. Isa kang inspirasyon sa lahat hindi lang sa mga siklistang katulad natin.
Ang nais ko lang ihiling sa iyo ay magkaroon ng parte parte kada araw dahil natutuwa ako/kami kapag may mga taong nakikilala ka at ipinapakita mo ang lugar sa mga probinsyang nadaraanan mo. Ipakita mo ang mga kwento kung paano mo sila nakilala, nakasama sa pagpadyak kahit panandalian lang.
Muli, nagpapasalamat po ako sa napakaganda at makabuluhang byahe.
Para na rin akong nakasama sa ride na ito. Pagpalain ka pa po ng Panginoon 😊
Epic idol! Saludo sayo AT SA LAHAT NG NAG ATTEMPT NG NORTH LUZON LOOP NAGTAGUMPAY MAN O HINDI. 1300km is not just a test physically mas lalo sa isip at damdamin. Yon ang nakakamangha sa mga taong tulad nyo. Saan nyo hinuhugot ang lakas ng isip at damdamin... truly inspirational. Naway maraming makapanood at bigyan ng panibagong lakas ng loob sa pagsubok ng buhay.
Totoo lods. Isip ang pinaka kritikal dito sa ride na to.
Curious lang ako idol. Ano ang hugot mo after ng arko ng appari?😁 para kasing andun yung breaking point mo😆💪🙏
@@mikecruz5771 nasa dulo kasi kasi ng North Luzon Loop yung Aparri kaya sobra-sobrang achievement yun na mapuntahan ng naka-bike lang.
Solid sir! Ramdam ko yung emotions nung papasok ka ng Aparri at talagang nakaka touch. Eto yung patunay na kahit anong hirap basta tyinaga at pinagsumikapan, makukuha mo e. Siguradong sigurado, this is very rewarding on your part, sir! Congrats idol!!!
Done watching.. 3hrs nakatutok sa tv..😊 mixed emotional experience. Iyak. Tawa. Isa ka nang ganap na artista master.. 👍👍 overwhelmed ako na kahit wala kami sa video alam namin na naging part kami nang solo north luzon loop mo. Unexpected sa day 1 mo nakita ka namin sa may San rafael bulacan.. ride safe always. And sana makita ka namin uli at makahingi nang sticker..😊 at sana next time kasama na kami sa video..😁
You inspired us master ianhow. 👏👏👏
Ako naiyak don sa Ads ng Lucky Me "kainang pamilya, mahalaga" 😄 natulo luha ko, namis bigla mga mahal sa buhay. Share lang😆
Ibang klase ang tibay mo master. Isa kang patunay na ang pagbabike ay hindi karera, kundi isang magandang paglalakbay.👊👊👊
Hindi ko pa nagawa mag loop pero sobrang ramdam ko pag nagiging emosyonal ka sa achievement mo sir ian. Grabe! Solid ka!! 😎😇👊💯
Eto halimbawa ng buhay parang nagba bike anuman ang pinagdadaanan mo sa buhay daanan lang wag mo tambayan walang imposible basta tuluy tuloy lang. Darating ka rin sa gusto mong puntahan. Thank you Sir Ian sa inpirasyon at paglaban sa hamon ng padyakan. Mabuhay mga kapotpot!!!
1:44:18 Yung feeling ni Sir ian na Na-accomplished na nya yung isa sa mga pangarap nya. 😢😭
I Feel you Sir Ian.
Salamat sa patuloy na pag inspire samin na mag-bike, lumabas, mag explore at makarating sa ibat-ibang lugar.
#sarapmagbike
#ianhow
Lakas Ng loob ✅
Tibay Ng tuhod ✅
Mababang luha ✅✅
No skip Ng ads,dasurb ✅✅✅
Congrats Master IanHow. Iba Ka
Tough mentality defeats all adversity. God bless Master. Watching from Abu Dhabi
Ikaw mismo ang inspirasyon ko sir ian para hindi tumigil sa pagbibike, though sa ngayon busy sa work at kelangan ko narin bumili ng bagong bike e andyan ka parin para d ko makalimutam yung sarap, saya, hirap at tunay na rason kung bakit ma-SARAP MAGBIKE!!! Saludo sayo at sa ginagawa mo sir ian, Godbless po palage at sana someday makasalubong/makasabay ko din kayo sa daan.
Sir ian ang hindi tapusin ang video mo ay isang kahihiyan sa sarili ko sobrang tibay ng mindset mo sa pag abot ng target mo and sa wakas narating mo ang goal mo na parang pinakita mo kung paano lumaban sa buhay, mabuhay ka sir! Very inspiring sana ma meet kita in person, tama ka sir best decision mo ang magride mag isa kasi mas madali mong nakuha ang goal mo na walang negativity na pumasok sa isip mo.
Natawaa ako..nawala ung dalawa mga kapotpot! Grabeee lakas ni Sir Ian... dun sa dalawa nating kasama... super blessed kayo nakasama nyo si Sir Ian .. galing!... PERO nakasabay nyo ulit si Sir Ian mga kapotpot .. lalakas nyo! God bless sa inyo.
isang malaking inspirasyon sakin tong ride mo sir Ian. naramdaman ko yung saya mo sa panibagong "achievement unlock" mo. dahil din sayo/sainyo kaya nakakahiligan ko na din ang pagbabike. pagpatuloy mo lang sir yung pagiging isang inspirasyon.
Maraming malalakas physically, pero yung ganitong mentality at tibay ng loob ang grabe! Very inspiring. Congrats sir ian!
eto ang tunay na ride, pinaghihirapan, pinagpapaguran, pinagpapawisan muna kahit hindi talaga biro! baka kasi maaaring pulikatin, hingalin at himatayin pag walang ensayo at hindi sanay, pero basta sa pangarap ay kakayanin! salute sayo idol!
Worth to watch this 3hrs video sir ian, ramdam n ramdam ang pagod mo at didikasyon mong tapusin ang goal mo. U serve as an inspiration to the bike community in the country. Keep safe always sir at marami kapang mabibigyan ng inspirasyon. Salamat sir ian for sharing your video
Nakakaiyak sir Ian! Lalo yung sa Apari! God is good, He kept you safe! Salamat sa pag share ng ride nyo sa amin! Congrats!
Thank you Sir Ian. You also helping the Philippines tourism thru Padyak Bisiklita ang magagandang tanawin sa mga probinsya nang central at northern Luzon🇵🇭 Stay safe and healthy Sir Ian Watching from Las Vegas 🇺🇸
Petmalu! Tunay na kapotpot master, Ian how. natapos kung panoorin ng buong buo. Ganun talaga pag tunay na biker gastos, pagod at puyat plus laspag! Pro sulit ang mga naabot na lugar na nakita mo at naexperyens tapos sa mga nakasabay mo sa kalsadang mga ibang bikers! God speed at keep safe palagi sa rides master IAN HOW.
ansarap panoorin neto sir Ian dahil ruta to dati ng papa ko nung nabubuhay pa sya bilang ahente, 2 beses ko lang sya naipag maneho gang aparri ng mga panahong di na nya kaya mag drive mula antipolo gang aparri 2 araw na byahe naka kotse pa kame nun ikaw naka bike lang ibang tyaga at lakas ng loob tong pinanood ko di ako ang skip ng ads para konting tulogn sayo sir Ian salamat po at naalala ko memories ko kasama papa ko nung buhay pa sya. lagi po kayong mag iingat ka potpot
ayy grabe!! sobrang lifetime achievement yan! ramdam ko yung nararamdaman pag nakakapunta tayo sa gusto natin puntahan! nakaka inspired lalo pumadyak! ride safe sir ian! solid!
Kayo po ay inspirasyon sa lahat ng siklistang pinoy!
Thank you master IAN ang saya ko dahil napasama ako sa yung video vlog. Salute you at ng napaka-epic na North Luzon Loop solo ride mo. Keep on sharing more of your adventure rides sir and ride safe palagi. Sana magkita ulit tayo sa daan balang araw. Thank you thank you. 💯% Legit North Luzon Looper... Congrats Master!!!💛👍👊
Nice meeting you master. Maraming salamat. Glad na safe ka dyan sa Vigan. Ingat marami.
@@ianhow Thanks master... Ingat din kau dyan. 🙂
New subscriber and fan here. I started watching your videos since yesterday pero for some reason I can't stop. I heard about you sa papa ko who started biking during the pandemic. Watching your videos is really inspiring. No wonder lagi kang binabangit ng papa ko pag pinaguusapan namin yung biking. Hopefully we will meet you soon. Sobrang matutuwa ang papa ko pag nangyari yun. Ride safe Sir Ian.
Napaka sulit panuodin ang 2hrs mahigit na vlog na to. Napaka dami mong matututunan. Grabe yung spirit and motivation. Hindi ako nag kamali sa pag idolo simula umpisa. Pag na kita kita sa personal kuya Ian pa yakap 🤗 thank you sa pag parte ng gantong part ng buhay mo Kahit maka vlog kita po sobrang masaya na ako. Sana soon mag karoon din ako ng pambili ng tulafd ng garmin na yan kahit hindi mo kabisado route o ahon mapag hahandaan mo kasi nakikita mo sa GARMIN solid !.
Haaayyy! Natapos ko din panuorin kahit paputol putol dahil busy. Solid na solid master! sa haba ng vlog na to di manlang ako nainip. Para sakin ang pinaka highlight dito ay yung mga kapotpot na nag abang, nakasabay, sumabay at tumulong sayo master ian, grabe prang di narin naging solo ride eh. at yung garmin solid tlga! beke nemen master sa mga extra cyclocomputer mo dyan! hahaha! Godbless sating lahat
then we can called it now SOLID NORTH we traveled that roads before Salesman homes we meet
Sobrang solid Sir Ian! thank you sa napaka solid na ride content 🤍
Nkakainspire nmn ang ride mo sir ian.. kahit ndi ka naglolongride mkikita mo kung gaano kaganda ang pilipinas👌🏼💯
Ni-one shot ko lang panoorin 'to. Sobrang worth it! Very emotional lalo na no'ng nakarating ka na sa Aparri at pabalik sa KM0. Sobrang nakaka-inspire ka, Master. May motor ako pero parang mas gusto ko nalang mag bike. More long rides to come, stay healthy and ride safe palagi! Road to 1M subs! 💙
Ang pag bbike ay parang buhay ng tao kahit anong pagsubok kailangan mo lagpasan! Minsan mapplatan ka pero kailangan mo ituloy minsan madami kang makakasabay na nakaalalay sayo at handang tumulong! Napakagandang imspirasyon mo idol ianhow the original!! Shout out idol!!!
167k views in just 5 days ❤️❤️❤️
Thank you para sa isa na namang napaka gandang Documentary Bike vlog Sir Ian 🔥
Almost 3 hours grabe. Ian how and chill! Another solid ride nanaman master, magiingat po palagi! ♡
“Whoever invented the bicycle deserves the thanks of humanity.” - Lord Charles Beresford
Fantastic Achievement idol IAN HOW, congrats! 🏆🏆🏆 God Bless...
grabe tinapos ko ang buong video, para akong nanonood ng pelikula.. salamat sa mga rides mo sir IAN!.. nakaka-inspire ka sa mga katulad naming siklista.. mabuhay ka!!. more blessing to come.
Ikaw na talaga, the best Idol kong Bike vlogger na out of this world of persistence and abot langit ang tiyaga at sipag. Sana wag kang magsawa mag inspire sa mga katulad kong paminsan minsan lng sipagin mag bike. Mabuhay ka hanggat gusto mo. Alam ko rin yung kasabihan mo at sinusunod ko. Maraming salamat "Master".
Ngayon ko lang natapos yung vlog mo sir ian. Napaka epic ng loop na to. Sobra iniidolo kita sir ian how sobra dedicated mo sa pagbibike at sobra tibay ng loob mo na wag susuko. One day magagawa ko din to north luzon loop dahil sobra nakakainspire ka sir ian how. Salute sayo at talaga naman napaka sarap mag bike.
Yung ikutin mo ang north luzon eh kahanga-hanga sir ian, at gawin pa ito ng solo ay labis-labis na paghanga ang aking nadama. Very inspiring talaga sir ang mga byahe mo sa aming nagsisimula pa lang sa mundo ng bisikleta. Kudos sa iyo, at naway marami pang mga rides🙏🙏🙏🙏✌️👍😍😍😍
ibang level ng dedikasyon, tibay ng luob, pag mamahal sa ginagawa. mag kulang ka lang ng isa jan siguradong di mu matatapos ang gantong kalayong ride. . sir sobrang salamat ngayon dumadaan ka sa matinding pag subok pinag dadasal kita ngayon at naiyak ako. para akong bata na naiyk ngayon. sa sobrang pasasalamat sa pag inspire samin. thank you sir
Cyclist rin ako at rider ng motor, 3 times nako nakapag northloop, pero 3x motor ang gamit.
Pero kasama ang Sta. Ana Cagayan (3 dulo ng norte) 1. Pagudpod 2. APPARI 3.Sta.Ana.
Bilib ako sayo lods. Bisikelta lang gamit. 100kms lng sa bisikleta eh laspag nako. Bagong subs moko. Nice content and vlog! Ride safe!!!
Katatapos ko lang panuorin,. 1am dito sa US, halos 3 days ko tinapos paputol putol. Feeling ko kasama ko sa byahe mo idol, nung nakaraang pandemic lahat ng bicol ride pinanuod ko. Great Realisation: Life is all about the Journey.
Na appreciate ko to. Damang dama ko yung hirap ni sir ian kahit laguna loop pa lang nagagawa ko. Yung kumakain ka sa kalsada nagpaganda ng video na to. Gagawin ko din to imposibleng hindi.
Master ian, inabot din aq 2days panoorin itong north luzon loop u dahil pinapanood ko lng sya on the way ppasok sa opis" ANG TINDI U SIRR!! Mabuhay ka!! I'm very proud of you.
napaka tibay at napaka halimaw grabe! ang tunay na iron man! hindi biro ang ganyang ride lalo na pag hindi praktisado o ensayado. mahirap yan, nakaka himatay, mabilis hingalin, at masakit sa buong katawan. pero achievement parin talaga ang marating mo ang lugar sakay nang best friend mong bisikleta! 🚵🏽💪🏽❤️
pumunta kami ng ilocos last year, halos lahat idol ng pinuntahan mo ay narating nmin, Sa ilang oras na byahe nmin talagang sumakit ang katawan nmin, ang nakakahiya doon idol hindi nmin naisip yung hirap mo sa pagpapadyak marating lang ang buong norte, kung tutuusin wala pala kaming karapatang mag inarte sa nararamdan nming sakit ng katawan kung ikukumpara sa ginawa mo. dahil kami may mga sasakyan na de gasolina samantalang ikaw bike lang, kaya saludo ako sayo sir idol. Godbless
Salamat, lods IAn PARA NARIN ako nakauwi ng isabela,, Alicia, almost 20 years din, mula nang umalis ako dyan,, sa BENGUET na ko ngayon dto na rin nakapag asawa, konting panood pa maging siklista na din talaga ako sir, nakaka inspire ka panoorin
From start to finish, pinapanood ko vlog mo Master Ian. Dami mong na encourage magbike. You inspired me so much. Sa dami ng problema sa Pinas, nkkatuwa na dami sumusubaybay sa vlog mo. Mas tinatapos ko pa panoorin vlog mo idol kaysa Netflix. Your heart, passion in biking is very inspiring. Nagppalakas ng loob sa mga taong napanghihinaan ng loob. Puro positive vibes lahat ng nakikita namin sa bawat vlog mo. Salute to you master Ian
maraming salamat sa magandang feedback master!
@@ianhow you deserve the best comment Master Ian
Hindi biro, ang mag ride mag isa. Lalo n s ganyan kalayo. Tatag ng loob, lakas ng katawan at isip ang kailngan pra malampasan ang lahat ng pagsubok s daan. Lalo n s mga pagkakataon n wala kang kasabayan s kalsada. Mabubudol ka p, dhil s maling nadaanan. Pero Master, naniniwala ako n kahit mag isa ka pumapadyak, eh daang libo p dn kmi n kasama mo. Dahil s lahat ng sakit at saya n pinapakita mo s iyong content, mgagandang view, mahahabang ahon, ay ramdam dn namin. Kaya Master, "mabuhay ka hanggang gusto mo". (Batman)
Slamat, salamat at kahit ppano, para n dn kmi nakapag north luzon loop. Ingat po palagi...
SARAPMAGBIKE....
Wohoooooooow....
Ayan ang ACHIEVEMENT! Grabee solid 3 days napanood ng putol putol bago ko matapos dahil di kaya issng noodan lsng may trabaho pero tinapos ko ps din dahil una pa lang bilib na ako na kayang kaya mo talaga idol ian! LAKAS AT TIBAY NG LOOB TALAGA ❤
Tatlong araw kong pinanood, di ko matapos tapos kasi medyo busy. Pero sulit ung dedikasyon na pinakita ni Sir. Ian dito. Parang impusible nung una kaso pinakita lang ni Sir. Ian na kung gusto, pusible. Salute Sir!
Congratulations Ian! You made it kahit mag isa klang! Pinatunayan mo na ikaw ay isang Alamat sa biking. Inspiration ka sa maraming siklista. Simpleng may bahay lang ako na follower mo pero naiyak din ako sa effort at na achieved no. MABUHAY KA! Nalagpasan mo ang lindol. ☝️👍
Hi. I am a neophyte when it comes to cycling- tbh, wala pang 10 kms. lawit na dila ko lalo pag puro paahon and then I watched ur vid sa fb and it inspires me to do better. Hehe. Sana kayanin ko at ng aking bike ung ganyang long ride in the future.
For now, magpapahinang muna me. Hehe. New subscriber and follower from Marilao, Bulacan. Sobrang nakakainspire ka kuys! 💪💪💪
Sobrang fulfilling to see you sir Ian to do this grabe ka ikaw ang tunay na lodi iba ang dedikasyon mo pagdating sa pag bibisikleta at pagpapakita ng ganda ng Pilipinas at pag inspire sa lahat ng siklista kagaya ko na di pa nagagawa itong klase ng ride na to .. Salute Sir Ian
sulit na sulit yung mahigit 3hours sir Ian! Mas pinili ko pa panorin to kesa manod sa Netflix! Idle kita palage, sir Ian! Mag iingat po kayo palage!
maraming beses ko na pinanood more than 5x na yata hindi nakaka sawa super solid sir ian
Iba ka talaga Sir Ian, ikaw na talaga. biruin mo yun tinutukan ko yun video kulang 3 hours. Mahaba pero masarap panoorin.
sir, new subscriber nyo po. sobra akong nainspire sa journey nyo sa north luzon. sayang nga po at hindi ko kayo nakita/napansin dito sa tuguegarao nung disperas ng birthday ko. grabe nakakaiyak sir, sobra. pangarap ko rin po talaga makapagNorth Luzon Loop balang araw kapag naupgrade na yung budget bike ko. maraming salamat sa paglibot samin sa north luzon, sa enjoyment habang pinapanood at sa lessons na rin. nakakaiyak at nakakatuwa sir, salute to you sir. ride safe lagi kapotpot!
Solid Bro Ian how Grabe North Luzon loop Lakas talaga
Sir Ian, Gusto ko po sana magpasalamat una, sa Panginoon po natin na naikot po ninyo ang north loop ng maayos at di gaano nagkaroon ng mga problema/aberya. Pangalawa naman po ay sa Inyo dahil sa totoo lang po, ako po ay namangha dahil kinaya nyo po ang journey na ito at dahil narin sa mga napuntahan nyo po na hindi ko pa napupuntahan ay nagkakaroon po ako ng intensyon o balak na puntahan kahit hindi po talaga ako nag bibisikleta. Pangatlo po ay sa mga Nakasabay nyo po sa ride dahil sila din po ang kahit paano ay nagpapaiwas sa inyo sumuko sa mga ahon o pagsubok sa daanan at nagbibigay ng konting aliw dahil nakaka kwentuhan po ninyo sila. And lastly po sa mga Subscribers po ninyo na lahat po ay todo supporta din po sa inyo. Isa po ako sa maraming na inspire ninyo at nagsimula po ito sa Bicol Ride Vlog at ngayon ay may nadagdag sa inspirasyon naming mga manunood ninyo. Maraming Salamat po ulit at hanggang sa susunod po ninyo na mga vlogs.
naabutan ko itong channel na to bike to work ka pa sir ian pero ngayon north luzon loop na tinira mo. astig one of the best dream ride ito , congrats sir ian more rides to come next ride philippine loop na!!!
Grabe ka idol Ang lakas mo. Grabing determination yan. Ramadam na ramdam ko pagod mo lalo pag sumasaglit ka sa pagkain halatang laspag na pero Go parin.. Salute idol.. Isa kang alamat
Solid talaga sir ian how ,,North Luzon Loop mo,, may kasabihan tayu jan,,kahit kayhabahaba man ng daan ,,tiyak makakarating din sa paparuonan,,kahit nga minsan nabobudol at minsan mapaglaru ang panahun,,tuloylng habang kayapa,ssbinga Ni uy,cbatman mabuhay tayu hangat gosto natin,,Sarapbuhay Sarapmagbike ,,ingat lagi master ian how,,salamat sa magagandang tanawin,,parang kasama munarin kami sapagbabike mo sir ian how,,salamat olit master,,,
Sobrang solid pa din ng content mo master. Ngayon ko mas naintindihan yung mga luha mo sa vlog na to.. Isa lang ako sa mga sobrang dami na na inspire mo na magbike kaya niregaluhan ko ng bisikleta yung sarili ko back in 2020. Dasal namin lahat na gumaling ka sir Ian. Hanga ako sa lakas ng loob mo noon at ngayon. Ingat ka palagi sir at pagpalain ka pa ng panginoon..
Maraming salamat sir Ian maraming nainspire na magbisikleta dahil sa'yo at isa na ako dun at marami ka pa maiinspire! Ikaw nagsimula lahat ng ito at wag mo sanang tatapusin.
I'm done to full watching master .. grabe tlg Yung ginawa muh north Luzon loop solo rides. pero sobrang sya kc dming mga kaibigan at nkilala muh sa daan n nag bibigay ng Lakas at support.. sau... Ang mas nrardaman Koh ung niiyak kna kc nkita Muna ung archo ng apari n malapit kna at dti pangarap muh lng ngaun nrating Muna ng dhil lng sa bisikleta... Rides safe master isa k sa mga inspiration kopo .. more power and god bless
napaka fulfilling kapotpot..salamat ulit sa pagtour sa akin..😇😍♥️🔥🤗🤗
Na-enganyo ako magbisikleta noong panahon ng pandemic. Pero gawa ng schedule, pagboboksing at pangingisda na lang ako nalalaanan ko ng oras. Pero sa tuwing napapanood ko si ianhow, naeeenganyo ako ulit magbiskleta kasi ramdam mo sa kanya na enjoy na enjoy siya magbisikleta. Salamat at sinasama mo kami sa mga adventures mo. More power!
Mixed emotions ride po to Sir Ian. Ramdam na ramdam kung ano man yung napag daanan mo. Halong saya at struggles. Legend ka po talaga! Sarap makita ng mga lugar na di ko pa man na puntahan pero naka silip ako kahit papano. More powers po! Keep safe
halimaw sa padyakan! ibang klaseng ride talaga yang binanat mo master idol! masasabe mo talagang hindi biro yan, na naka bike ka lang. tapos pagsabayan mopa nang init nang panahon, sobrang sakit sa buong katawan niyan, pero ang marating mo ang lugar na naka bike lang, isang malaking achievement sa ride.🚲
sipag at determinado talaga idol! eto talaga ang literal na tanggal ang problema, stress at anxiety. ika nga, pag problemado ka mag long ride ka gamit lamang ang bike, matic at promise tutulungan ka nang bestfriend mo bisikleta matanggal ang mga problema na iyong dinamdamdam. at syempre hindi lang sa nakapag eherhisyo at naka libang kana, marami pang benefits ang binibigay nang pagbibisikleta kaysa mag droga, mag bisyo, at gumawa nang mga kalokohan na wala namang kasilbi silbi, atleast dito sa pagbibisikleta, naging vlogger ka na nga, magiging milyonaryo kapa, more than that, dahil lang sa bisikleta.♥️🚵
kaya para sa mga mag eenganyo mag bike dyan, do it na! not for just the sake of being healthy and fit! kundi sobrang daming meaning neto para sa ating daily doing's, physically, mentally at spiritually! 🚵💪🏽♥️
masasabe mo talagang masarap mag bike! nakaka punta kapa sa mga lugar na magagandang mga tanawin na pinaghihirapan, pinagpapawisan, at pinagpapaguran mo, kahit masakit sa buong katawan, busog naman sa mga tanawin na iyong makikita.♥️🚵
Sir Ian salamat sa iyong pinagpalang paglalakbay dahil naramdaman ko, sir, kung paano ka ginabayan ng ating Diyos. Hindi ka Niya pinabayaan. Pinakita at pinaramdam mo sa amin ang pagiging down to earth niyo, Sir Ian dahil nang nilapitan ka ng isang paslit ay binigyan mo pa ng tulong kahit ikaw ay pagud na pagod at nais ng magpahinga. Yung mga sumalubong sa iyo at mga sumabay sa iyong paglakbay ay isang pagpapala ng Diyos para bigyan ka ng moral support. Higit sa lahat ay yung iyong kalakasan na tapusin ang journey ay mula sa Kaniya. Napakalakas ng iyong pananampalataya, sir. God bless you po. Napagtagumpayan mo ang lahat. Thank you for sharing this.
Grabe sir solid nito. Ngayon ko lang napanood ito. Wala akong masabi, thank you sa pagdocument ng north luzon loop nyo parang nakasama na rin ako. Lodi na kita sir.
galing nito idol nakaka inspire mg bike at ikutin ang mga lugar sa pilipinas..bilib ako s tibay ng loob mo idol kahit mg isa lng nagawa mo ikutin ang north luzon loop..mas marami kp sna ma inspire na mga cyclist na tulad mo God bless you idol keep safe and healthy!
A year ago nung napanood ko to.pero ngaung napanood ko ulit ngaun ko naramdaman ung pagod at dedikasyon mo.at sa totoo lang naiyak ako nung nkarating ka ng aparri.patunay lang na walang balakid bsta may dedikasyon ang isang tao
Super idol kita sir. One of the reasons why i got into cycling. More power and God bless!
ito lang ang pinapanuod ko na biker. Deserves more Views and more subscribers!