"ESKAPO" by Loonie feat. John Roa ▪︎Music: Jim Poblete ▪︎Lyrics: Marlon Peroramas, John Roa ▪︎Co-producer: RJ Pineda, Ryan Pineda, Ken Aoki ▪︎Guitars: RJ Pineda, Ken Aoki ▪︎Mastered at MFORE Studio by ALiQ of AKJ Mastering ▪︎Lyric Video by Mark Jinno Visuals
lupet ng liriko ni loonie pati yung emosyon sa kantang to sobrang bigat mahirap yung may gantong pinagdadaanan tapos nagcomplement pa sa chorus ni jroa na biglang gagaan yung tipong kalmado kana at nailabas mo na yung mga hinain at problema . grabe looking forward sa inyo mga idol.
Thank you Loonie and J Roa for voicing out my thoughts. Sobrang nakakalunod na ang mga nangyayari sa buhay natin. This song is such a relief. Maraming salamat sa inyo. Laban lang. Tuloy ang buhay. Matatapos din ang bagyo.
Sa totoo lang di natatapos ang bagyo, oo may bahaghari tayong natatanaw pagtapos ng bagyo pero may darating ulit di natin alam mas matindi pa, pero nagiging matatag tayo pagtapos humarap sa mga bagyo
@No Connection #Warehouse Peñaloza st, brgy.2-C San Pablo City Laguna 4000! Lapag ka lang boss baka hanggang comment ka lang! Dummy pa account hahahaha
Nakikita ko sarili ko dto sa kantang toh,lalo yung part na "MAYA'T MAYA NATATARANTA SA MGA NAKAAMBA NA PANGAMBA,KAYLANGAN NG PAMPAKALMA AYOKO NG MAALALA ANG PAG AALALA".that line is so damn nakikita sarili kong depressed.
Ang depression ay kapag hindi mo talaga tungkol sa anumang bagay. Ang pagkabalisa ay kapag nagmamalasakit ka sa lahat ng bagay at ang pagkakaroon ng pareho ay tulad ng impiyerno.Itong kanta to relate ako bawat linya tagos sa kalooban ko. Naiyak ako ngayong oras habang nakikinig sa verse ni loonie every line para bang sakto sa pagkatao ko at sa mga pinagdaanan ko.
Sa mga nakakaranas ng depresyon , di sagot ang pagkitil ng sariling buhay, lagi paring tumingin sa positibong bagay , alalahaning may Diyos,. Um- *eskapo* sa dilim ng iyong hukay. ❤️
*Alam mo yung pakiramdam na andami mo ng problema sa buhay, tapos kasabay din yung paglabas nga mga makabuluhang kanta gaya nito. Salamat tol! Gamot ang kanta mo sa sakit na idinudulot ng mundo.* ❤️
" napili kong piitan ay sarili kong isipan " " kapayapaan sa sarili tska ko nalang to natagpuan nung ang makitid ko na pagiisip ang syang nagawa ko na matakbuhan " ang laking tipak ng aral nito lakas mo talaga loonie!
Masterpiece to. I don't know to explain it but parang may layers ang kanta, you feel different emotions, you relate, you flow with it.. kind of like that. Salamat dito!
ikaw pinaka best battle rapper sakin, halos lahat ng kanta mo ginawa kong soundtrip pag gusto ko ng inspirasyon at motibasyon, ramdam ko yung lungkot at depresyon mo idol sir Loons, LABAN LANG!
Anxiety at depression. Minsan na din akong nakulong jan. Actually nung January lang buti nalang at may nagpalakas ng loob ko. Napakagandang obra na naman nito sir Loons, mental awareness.
May bagong labas sila because at skusta clee ngayong araw pero sana mas mahikayat silang pakinggan tong kanta ni loons dahil makabuluhan to at maraming aral na matututunan and im sure maraming matutulungan tong kanta ni loonie para sa mga taong hirap ng makipag laban sa sarili nilang isip, mabuhay ka loons! Mabuhay ang lirisismo!
Ang dami kong iniisip, inaalala, pagdududa, at pakiramdam ko wala nakong halaga. But then I heard this song, and I realize na hindi ako nag iisa. Maraming salamat Idol Loonie for making this piece. Natulungan moko.
Katahimikan Nakahiligan Kapaligiran Parang libingan At kahit minsan Walang bisita Nasa dilim at Nakangiti lang Naging pihikan Watdafak sunod sunod na 5 syllables multis!
Sinong merong Anxiety dito. Sarap pakingan nitong mensahe nakaka inspired parang mas masarap pa talaga mabuhay sa mundo dahil dito sa mensahe ng kanta nato ❤️❤️❤️. 👇
Ilang beses kotong pinakinggan Bakit ganon si lonnie bumuo nang kanta Nakakalungkot na nakakalakas nang Loob Idol lons Isa kang alamat Dalawang klase yung nag lalaro sa kantang to positibo at negatibo nasayo nalang kong pano mo dadalin tong kanta nato Hari nang tugma Idol Lonnie
U never realised how hard this song hits until ur going thru it yourself, being depressed is like being colorblind and being told how colorful the world is.
Sobrang lungkot ko ngayon. Siguro mga katumabas ng sampung beses sa normal kong lungkot. Pinaglaruan na ako ng tadhana, di ko sya pinansin. Ganun ako ka snobbers, tadhana lang yun ako depressed. Salamat sir loonie sa kanta. salamat sa talento mo di ka lang basta nagpapakita ng talento, nakakapagligtas ka pa ng tao na nilalamon ng kalungkutan.
Buong bara naka tugma. #multikuloso A-a-at a-a-i-ip, a-a-a-ig a-u-mot "Habagat na ang ihip, Pagmalamig magkumot/ Magdamag nasa isip, masasakit na hugot/ Masamang panaginip, Ang kalakip ng tulog/ Kaharap pagkagising, Mas malaking bangungot" Perpektong rhyme, hindi pilit, at hindi nasakripisyo ang mensahe. Galing
The lyrics, the rhyming, the beat… everything about this song is perfection. The only people who will dislike this song are those who are ignorant about mental illness
I've been experiencing headache sa tuwing nag ooverthink ako and almost 2 weeks straight na akong ganito tapos bumalik na naman yung mga boses na bumubulong sa akin na tapusin ko ang buhay ko. Napakahirap mag open sa mga kakilala ko o kaibigan maging sa pamilya ko dahil sinasabi lang nila na "Magdasal ka kasi". Kung alam lang sana nilang hindi na umeepekto ang pagdadasal sa mas lumalala kong lagay, gabi-gabi na lang akong umiiyak kakaisip nang kung ano ano at hindi ko na mapigil, makakatulog ako sa sobrang pagod kakaiyak tapos sa tuwing tulog naman ako sobrang sama ng panaginip ko, lagi kong napapanaginipan kung papaano ako maamamtay o nakikita ko sarili kong nakaburol o di kaya ay niloloko ako ng mga taong mahal ko. Hindi ko alam kung saan ako makakahingi ng tulong sa hirap na pinagdadaanan ko. Salamat sa kanta mong 'to, Loonie! Kahit na papaano it served as my fuel to fight one more day, at kapag kinaya, lalaban ulit ako hanggang sa maging malakas ako. Salamat!
"Napili kong piitan ay ang sarili kong isipan" Tagos talaga, lalo na ngayong panahong to. Wala na tayong ibang magawa kundi alalahanin yung dapat na kinakalimutan na. Salamat po Solid!
3 days na pero wala pang 1M? Let's share this song sa ibang social media platform... Maraming dumaranas ng ganto ngayon... Kailangan nila malaman na hindi sila nag iisa. May makakausap sila... At may makakaunawa sa kanila.. 😊
Hindi ako nag rrap hindi ako marunong nun. Pero iba tong si Loonie para sakin, kahit na kesyo may kumparahan na nangyayari kay FM,AE at ito si Loonie. Itigil na yon kase hindi naman dapat e. Nahilig ako sa rap dahil sa'yo siguro dahil sa ikaw nakagisnan ko kasi 1998 ako. Fan mo ko since Loonie vs Gap. Kabisado ko lahat ng kanta mo, Album pati mga iba mong freestyle na tinago mo pa sa baul na sa ibang yt page naka upload. Lapit na birthday ko gusto ko lang naman matuloy laban mo kay Oxxxymiron. Okay na ko dun, hindi kasi ako makapag hintay haha. Solid ng bagong kanta mo na 'to. 3rd verse na lang hindi ko kabisado. Ingat palagi. Your since day1 💪
salamat lods, I was in the middle of mental warfare right now like I've been in this phase too damn times but this time around was my greatest stumble and I don't bother telling it to others for even to myself it's too damn complicated to explain. Suicide never crossed my mind tho for I know there is still a lot of good shits in this crazy world, I just want everything back to normal and make myself operational again and achieve things like how I use to perform before. Still, this song gives me temporary relief so thank you for giving me an escape song.
"Masamang panaginip, ang kalakip ng tulog. Kaharap pagkagising, mas malaking bangungot." Straightforward pero ang lalim ng meaning. Tapos ang kinaganda pa neto, (naka-14) multisyllabic rhyme.
tang inaa, yung chill sa umpisa tapos sabog ng mabigat sa dulo 🔥🔥🔥,gustong gusto ko talaga kung pano approach ni Loons kahit anong usapin kaya piliian ng mga tugmang may kalidad tapos mabusisi choice of words. 💯
Para sa mga gustong sabayan tong kanta (Kapayapaan sa sarili kailan ko pa ba matatagpuan Araw-araw na lang ang pag-aalala parang wala na siyang katapusan) Dumudugo ng luha ang mga mata pag ang puso'y sugatan Gusto ko nang lumuha ng dugo, para ulo'y gumaan Gusto ko nang matulog, bukas ipagpapatuloy ko na lang Baka alam mo kung saan ang tamang daanan pakituro mo naman Kasi gusto kong tingnan kung nasa'n nga ba ang pinagbuhatan Ng kasalukuyan, ang hinaharap ay pinangunahan Pinarusahan nabilanggo sa nakaraan na kinamulatan Hindi na rin makapaghintay pa sa pagdating ng kinabukasan Kaya ako ay pumalaot, nagpaanod, at inabot pa ng bagyo Sumasabog ang mga alon at pinasok na ang barko Ang kisame ng kabaong ko'y puro kalmot ng kuko Ramdam ko na naman bigla ang ginaw na bumabalot sa buto, nako po Habagat na ang ihip, pag malamig magkumot Magdamag nasa isip, masasakit na hugot Masamang panaginip, ang kalakip ng tulog Kaharap pagkagising, mas malaking bangungot Kaya... Gusto lang namang kumawala Ng isip kahit pansamantala Pero bakit tila mas lumalala Di ko na alam kung saan ako dinadala Gusto lang namang kumawala Ng isip kahit pansamantala Pero bakit tila mas lumalala Minsan gusto ko na lang na mawala na Huwag kang, magpapalimita sa iisang plano ('wag na 'wag, 'wag na 'wag) Imbis na mainip pagisipan pa ng maigi kung pa'no (magdamag, magdamag) Malimit mahilig magbilin sa ibang tao Ngunit tila di ko masunod sunod ang sarili kong payo Katahimikan nakahiligan, kapaligiran parang libingan At kahit minsan walang bisita nasa dilim at nakangiti lang Naging pihikan sa pagibig, maging sa kaibigan Napili kong piitan ay ang sarili kong isipan Kaya maya't maya natataranta sa mga nakaamba na pangamba Kailangan ng pampakalma ayoko nang maalala ang pagaalala Nakakawala ng gana, isip ay parang ibong lumilipad Sa loob ng hawla na gawa sa mga negatibong posibilidad Habagat na ang ihip, pag malamig magkumot Magdamag nasa isip, masasakit na hugot Masamang panaginip, ang kalakip ng tulog Kaharap pagkagising, mas malaking bangungot Kaya madalas ay... Gusto lang namang kumawala Ng isip kahit pansamantala Pero bakit tila mas lumalala Di ko na alam kung saan ako dinadala Gusto lang namang kumawala Ng isip kahit pansamantala Pero bakit tila mas lumalala Minsan gusto ko nalang na mawala na Minsan lapis at papel ang mas madaling kausap Sakit sa ulo, ang sabi ng iba ito'y sakit sa utak Kada gabi nagmamadali na makarating sa ulap Bukas magkatabi na butas ng ilong may nakatakip na bulak Balisong sa pulso, kwarenta'y singkong nakatutok sa bibig Pero parang gusto ko yung kumot nakapulupot sa leeg Ang gulo ng buong daigdig, wala naman yatang gustong makinig Mas masarap pang mamundok, o kaya magmukmok sa sulok ng pook na liblib Puno ang dibdib ng kawalan ng pag-asa parang kusang sumusuko ang katawan sa mga pasan na wala ng hupa Para kang sa Alcatraz pumuga, sa taas ay nakakalula Makaalpas ka man sa mga bara paglabas ay wala nang lupa At kung makatakas ka man, mahal mo naman sa buhay ang sasakluban Nakakabuwang, lahat tayo balang araw isa lang ang hahantungan Kapayapaan sa sarili tsaka ko na lang to natagpuan Nung ang makitid ko na pagiisip ang siyang nagawa ko na matakbuhan Gusto lang namang kumawala Ng isip kahit pansamantala Pero bakit tila mas lumalala Di ko na alam kung saan ako dinadala Gusto lang namang kumawala Ng isip kahit pansamantala Pero bakit tila mas lumalala Minsan gusto ko nalang na mawala na
To the greatest Filipino rapper!! Sobrang salamat sa obrang to ang sarap ng mensahe neto sa gantong mga panahon na puno ng pag-subok!! Mabuhay ka Loonie GOAT FILIPINO RAPPER!!!!
Hi, gusto ko lang sabihin sa'yo na ang tapang mo kasi kahit ilang beses mo ng sinabi na ayaw mo na, nandito ka pa rin.. at nakikinig sa kanta na 'to nang mero'ng realizations. Bilib ako sa'yo! Isa kang bayani ng sarili mong buhay, dahil hindi biro makipaglaban sa sarili nating isipan. Padayon! ♡
Swak tlga tong kantang to ngayon dahil nga nong sumapit pandemic ang daming taong na depressed nagkapatong2 problema hirap kumita! nakakabuang tlga ang mundo pag di ka pinanganak mayaman lahat problema pasan mo!! Salamat idol Lalaban ako habang nakikinig sa kantang to 🙏💪🏼🔥💯
Lagi akong late matulog dahil sa ingay ng nasa likod ko, hindi ko alam papaano kakausapin to, nako takbo? Hala sige takbo pa sa sarili ko. Sabay narinig ko tong kanta ngayon. Yes! Salamat sa musika mo sir loonie. Akap at pag mamahal sayo! 🙏🏻 Fvck! Mental illness. 😞
Mahigit isang buwan ko ng pinapaginggan itong kanta mo, kahit papano naiiwasan kung mag isip ng masama sa sarili ko. Hinihiling ko parin pag asa na maiahon ko sarili ko, nalulunod na kasi ako.
Kahit mgsama2 silang lahat sa kabila. Pagdating sa liricismo mo match sila kay loonie. Kaya nga di nya pinapansin mga yun. Wla kase syang mapala. Hehehe #realtalk
"Katahimikan Kahiligan Kapaligiran parang libingan At kahit minsan walang bisita Nasa dilim at nakangiti lang Naging pihikan sa pag-ibig Maging sa kaibigan Napili ko'ng piitan ay ang sarili ko'ng isipan" -eskapo
Grabe, galing nyo parehas loonie and jroa. Malaking tulong to lalo sa mga taong depress at anxiety siguro may ilang mapapaluha nalang pag narinig to sa sobrang relate. On point and sharp! Nag aapoy sa emosyon🔥🔥🔥Kudos
Sana mahanap nyo ang peace of mind lalo sa panahon na ito, Ipagpasalamat ang mga simpleng bagay na meron ka tulad ng paghinga, sapat na pagkain, tirahan, trabaho dahil hindi lahat ay pinalad na magkaroon nito.Ayos lang magkamali, learn to take that L hindi Lose kundi Lesson. Marami pang magagandang bagay na nasa harap mo na. STOP COMPLAINING AND APPRECIATE THE LIFE YOU HAVE
Salamat sa pampalakas ng loob. Relate ako sa kanta mo Loonie at ngayon ay natagpuan ko na djn ang liwanag na siyang nagbigay pagasa sakin. Sana lahat tayo malampasan ang pagsubok at wag na wag tayong bibitaw. Lahat tayo may kakahahantungan pero easy lang. Mahirap man ang buhay sa mundo tandaan niyo pag nalampasan mo 'to may buhay kang mas masaya at mas maganda. May kaharian ka sa susunod mong buhay. Kaya kapit lang sa Panginoon. 🔥🔥🔥🔥🔥🔥🔥🔥🔥🔥
"ESKAPO" by Loonie feat. John Roa
▪︎Music: Jim Poblete
▪︎Lyrics: Marlon Peroramas, John Roa
▪︎Co-producer: RJ Pineda, Ryan Pineda, Ken Aoki
▪︎Guitars: RJ Pineda, Ken Aoki
▪︎Mastered at MFORE Studio by ALiQ of AKJ Mastering
▪︎Lyric Video by Mark Jinno Visuals
CONGRATSS IDOL LOONS
Whooooo!!!
nice one Lods
LUPET IDOL🔥
Solid kuyaloons🙏
Sino tong rapper na 'to guys may potential to maging hari ng tugma ah. Grabe mabanges ka po!
Aba okay din!!
Sana may collab kayo lods
Lods wla pa kau colabs lutoin nyo na🔥🔥🔥🔥🔥
di tayo binigo Shehyee, Sensei talaga! bale nangangati ako sa posibilidad na mag collab kayo, at maisama sa album ni Loons or album mo.🙏💯
Hahahaha kulet
Suwabeee!
Kuya smugggg ❤️❤️❤️
Wala bang bagong collab dyan lods
Tagal naman ng drunken master freestyle nyo🙄
Lods🔥🔥🔥
SMUGG!!!
TALO KA NI JAWTEE!!! AHAHAH
"Ang kisame ng kabaong ko'y puro kalmot ng kuko
Ramdam ko na naman bigla ang ginaw na bumabalot sa buto, naku po!" (anxiety) 😰
Sana mag karoon kayo ng collabo
Ang lalim!!
tindi eh no
Sir Mhot!
Collab na lodsss siguradong solid!
lupet ng liriko ni loonie pati yung emosyon sa kantang to sobrang bigat mahirap yung may gantong pinagdadaanan tapos nagcomplement pa sa chorus ni jroa na biglang gagaan yung tipong kalmado kana at nailabas mo na yung mga hinain at problema . grabe looking forward sa inyo mga idol.
Narinig ko to bago pa marelease ! Sobrang solid bulalord !! :)
MZhayt!! 🔥
Himod itlog
Lodz Mzhayt! 🔥🔥
Ang daya mo idol✌️
Lods🔥🔥🔥
LOONIE! 🔥🔥🔥🤯🙌
Third flo!
Third Flo!
Lodz💪
Kuys kayo naman ni loonie next collab! 🔥
Mala abueva
Thank you Loonie and J Roa for voicing out my thoughts. Sobrang nakakalunod na ang mga nangyayari sa buhay natin. This song is such a relief. Maraming salamat sa inyo. Laban lang. Tuloy ang buhay. Matatapos din ang bagyo.
Sa totoo lang di natatapos ang bagyo, oo may bahaghari tayong natatanaw pagtapos ng bagyo pero may darating ulit di natin alam mas matindi pa, pero nagiging matatag tayo pagtapos humarap sa mga bagyo
Grabeeeee !!! 🔥🔥🔥
ua-cam.com/video/_wuFuRlQGrg/v-deo.html .
ua-cam.com/video/yEqabr8nwXc/v-deo.html
ua-cam.com/video/yEqabr8nwXc/v-deo.html
Isang awitin na naman may sense. 🔥
lakas🔥
Andito ka din loods? Hehe sabi ko na nga isa kadin sa mga patpat dahil dun sa kalmado mu na waway cap. Hehe.
Japer 💪
So weird.
Aww! Japer Sniper
so weird ✋✋
Thank you for understanding kuya Loonie and JRoa.. Tears of Joy😭
para sa lahat na lumalaban sa sariling pag-iisip, tang ina nais ko lang sabihin na deserve niyo lahat ng pag-ibig sa mundong ito. LABAAAAN.
💯💯💯
🥺💓
Word. Laban lang mga tol!
Taena salamat tol. :'(
I love you
*wala talagang katulad ang HARI NG TUGMA* 🔥🔥🔥
Lupet tlga lods
ez content
Content na naman lol
@@ogfvck4924 NATURAL FAN SYA NG HIPHOP ALANGAN NAMAN I CONTENT NYA ABOUT SA IBA
Tinde walang kupas
May lalim na mensahe pero nakakarelax pakinggan lalo pag gabi 👌👌
Boss sparring muna tayo! Hahaha joke lang
Kabrader lng malakas brr
@No Connection #Warehouse Peñaloza st, brgy.2-C San Pablo City Laguna 4000! Lapag ka lang boss baka hanggang comment ka lang! Dummy pa account hahahaha
@No Connection hahahahahaha
Meeningful ☝️🙏
Nakikita ko sarili ko dto sa kantang toh,lalo yung part na "MAYA'T MAYA NATATARANTA SA MGA NAKAAMBA NA PANGAMBA,KAYLANGAN NG PAMPAKALMA AYOKO NG MAALALA ANG PAG AALALA".that line is so damn nakikita sarili kong depressed.
Ang depression ay kapag hindi mo talaga tungkol sa anumang bagay. Ang pagkabalisa ay kapag nagmamalasakit ka sa lahat ng bagay at ang pagkakaroon ng pareho ay tulad ng impiyerno.Itong kanta to relate ako bawat linya tagos sa kalooban ko. Naiyak ako ngayong oras habang nakikinig sa verse ni loonie every line para bang sakto sa pagkatao ko at sa mga pinagdaanan ko.
Para sa mga taong depressed, para sa inyo tong kantang to. Huwag kang susuko kapatid, laban lang.
Salamat Loons!!!🙌 may soundtrip nanaman kaming mga OFW.
totoo to, lagi nasa playlist ang OPM Rap
i feel you joe
Keep safe👊👊
For Mental awareness:
1st Verse: Anxiety
2nd Verse: Overthinking
3rd Verse: Depression
Mismo
Yeah. .
ua-cam.com/video/yEqabr8nwXc/v-deo.html
Omsim
last line: inner peace
Sa mga nakakaranas ng depresyon , di sagot ang pagkitil ng sariling buhay, lagi paring tumingin sa positibong bagay , alalahaning may Diyos,. Um- *eskapo* sa dilim ng iyong hukay. ❤️
*Alam mo yung pakiramdam na andami mo ng problema sa buhay, tapos kasabay din yung paglabas nga mga makabuluhang kanta gaya nito. Salamat tol! Gamot ang kanta mo sa sakit na idinudulot ng mundo.*
❤️
" napili kong piitan ay sarili kong isipan "
" kapayapaan sa sarili tska ko nalang to natagpuan nung ang makitid ko na pagiisip ang syang nagawa ko na matakbuhan " ang laking tipak ng aral nito lakas mo talaga loonie!
Napakahirap mabilanggo sa sarling isipan. Daig pa nakadroga. Napakahirap labanan ang overthinking.
Masterpiece to. I don't know to explain it but parang may layers ang kanta, you feel different emotions, you relate, you flow with it.. kind of like that. Salamat dito!
ikaw pinaka best battle rapper sakin, halos lahat ng kanta mo ginawa kong soundtrip pag gusto ko ng inspirasyon at motibasyon, ramdam ko yung lungkot at depresyon mo idol sir Loons, LABAN LANG!
Pero lyrics mo “manyak pero edukado”.
Yolove magbigti ka nalang
Whee
Pinaka best
@@ianstifler3642 hahaha clown
Anxiety at depression. Minsan na din akong nakulong jan. Actually nung January lang buti nalang at may nagpalakas ng loob ko. Napakagandang obra na naman nito sir Loons, mental awareness.
May bagong labas sila because at skusta clee ngayong araw pero sana mas mahikayat silang pakinggan tong kanta ni loons dahil makabuluhan to at maraming aral na matututunan and im sure maraming matutulungan tong kanta ni loonie para sa mga taong hirap ng makipag laban sa sarili nilang isip, mabuhay ka loons! Mabuhay ang lirisismo!
sino po si because ?
BTW sinu po sila skusta? because??
@@joshuadollesin6058 anak ni Kris Aquino
Ang dami kong iniisip, inaalala, pagdududa, at pakiramdam ko wala nakong halaga. But then I heard this song, and I realize na hindi ako nag iisa. Maraming salamat Idol Loonie for making this piece. Natulungan moko.
Parehas tayo ng naiisip bro, buti nrinig ko tong kanta na toh
Parehas tayo ng naiisip bro, buti nrinig ko tong kanta na toh
Depression is Real.. Salamat Loons!sana mapakinggan ng marami nateng kababayan to 👏🏼👊
Katahimikan
Nakahiligan
Kapaligiran
Parang libingan
At kahit minsan
Walang bisita
Nasa dilim at
Nakangiti lang
Naging pihikan
Watdafak sunod sunod na 5 syllables multis!
expected na yan pag si Loonie papakinggan mo
Yes kuys kaya sya talaga yung pinaka skilled na rapper sakin interms of lyricsm
Hayup grabe mag multi hari nga ng tugma!
Sinong merong Anxiety dito. Sarap pakingan nitong mensahe nakaka inspired parang mas masarap pa talaga mabuhay sa mundo dahil dito sa mensahe ng kanta nato ❤️❤️❤️.
👇
Masarap din pakinggan kahit may rayuma lang
Wahahahahaha... Kahit nga may LBM lng sobrang sarap padin pakinggan
Ako man, di ordinary na anxiety, yung disorder talaga
Ilang beses kotong pinakinggan Bakit ganon si lonnie bumuo nang kanta Nakakalungkot na nakakalakas nang Loob Idol lons Isa kang alamat Dalawang klase yung nag lalaro sa kantang to positibo at negatibo nasayo nalang kong pano mo dadalin tong kanta nato Hari nang tugma Idol Lonnie
U never realised how hard this song hits until ur going thru it yourself, being depressed is like being colorblind and being told how colorful the world is.
Wohhh i like your comment bro👌👍👏🖒
F🤯💔
ua-cam.com/video/_wuFuRlQGrg/v-deo.html .
Indeed.
mismoke! yun tipong alam ng tao mga pinagdadaanan mo pero pipilitin mong ngumiti.
Gabi2 na akong puyat sa kakaisip. Ginagawa ko na ang lahat pero walang pagbabago sa buhay ko. Sobrang tinamaan ako sa kanta na to. Thanks loons 😔
1st verse Anxiety, 2nd verse overthinking, 3rd verse depression sobrang ganda sa mga nakaranas ng mga ito
Sobrang lungkot ko ngayon. Siguro mga katumabas ng sampung beses sa normal kong lungkot. Pinaglaruan na ako ng tadhana, di ko sya pinansin. Ganun ako ka snobbers, tadhana lang yun ako depressed. Salamat sir loonie sa kanta. salamat sa talento mo di ka lang basta nagpapakita ng talento, nakakapagligtas ka pa ng tao na nilalamon ng kalungkutan.
( Habagat na ang ihip ) meaning tropical DEPRESSION....... ganyan kagaling mag sulat si Loonie 🐐 💯 🙌
Iba po ang Tropical Depression sa Monsoon Sir.
Bagyo na yung tropical depression eh.
2 meanings ang depression as in depressed at depression pertaining sa bagyo
makinig kayo sa till your dead ni ez mil may depression scheme sya yung sa rocket
🔥
Alas dose ng gabe nilabas tong kanta na to, Salamat Loons niligtas mo buhay ko.
Buong bara naka tugma. #multikuloso
A-a-at a-a-i-ip,
a-a-a-ig a-u-mot
"Habagat na ang ihip,
Pagmalamig magkumot/
Magdamag nasa isip,
masasakit na hugot/
Masamang panaginip,
Ang kalakip ng tulog/
Kaharap pagkagising,
Mas malaking bangungot"
Perpektong rhyme, hindi pilit, at hindi nasakripisyo ang mensahe. Galing
kaya nga grabe
The lyrics, the rhyming, the beat… everything about this song is perfection. The only people who will dislike this song are those who are ignorant about mental illness
Sa wakas lumabas na yung pinaka aabangan ko na kanta mo sir loons? solid fan here Muslim/Maranao here
YES! LOONIE ☝🏻🔥
Idol
Loda Vincent ☺
aaron gawa ka ulit ng kanta
Vincent suntokan hahahaha
KAKOSA
Lahat ng maka loonie solid habang buhay:) heart lodz
YEH YEH YEH!!
nice one!
oeyyyyyyyy gooooddddzzzzzzz haaa
Balang araw, makakabuo din ako ng ganito. Isang kantang hindi lang basta kanta.
I've been experiencing headache sa tuwing nag ooverthink ako and almost 2 weeks straight na akong ganito tapos bumalik na naman yung mga boses na bumubulong sa akin na tapusin ko ang buhay ko. Napakahirap mag open sa mga kakilala ko o kaibigan maging sa pamilya ko dahil sinasabi lang nila na "Magdasal ka kasi". Kung alam lang sana nilang hindi na umeepekto ang pagdadasal sa mas lumalala kong lagay, gabi-gabi na lang akong umiiyak kakaisip nang kung ano ano at hindi ko na mapigil, makakatulog ako sa sobrang pagod kakaiyak tapos sa tuwing tulog naman ako sobrang sama ng panaginip ko, lagi kong napapanaginipan kung papaano ako maamamtay o nakikita ko sarili kong nakaburol o di kaya ay niloloko ako ng mga taong mahal ko. Hindi ko alam kung saan ako makakahingi ng tulong sa hirap na pinagdadaanan ko. Salamat sa kanta mong 'to, Loonie! Kahit na papaano it served as my fuel to fight one more day, at kapag kinaya, lalaban ulit ako hanggang sa maging malakas ako. Salamat!
gawin mo lang lahat ng gusto mo tol wag mo lang tuldukan buhay mo
Stay safe palage bro.
Subukan mo tol gumawa ng isang bagay na makakapagpasaya sayo kada araw.
Pre laban lang. Proud ako sayo kasi nagpapakatatag ka.
pare wag mo tapusin buhay mo , ang sarap mag SALSAL !!! SALSAL lang brother !!!
"Kapayapaan sa sarili tsaka ko na lang 'to natagpuan. Nung ang makitid ko na pagiisip ang siyang nagawa ko na matakbuhan."
"Napili kong piitan ay ang sarili kong isipan" Tagos talaga, lalo na ngayong panahong to. Wala na tayong ibang magawa kundi alalahanin yung dapat na kinakalimutan na. Salamat po Solid!
3 days na pero wala pang 1M?
Let's share this song sa ibang social media platform...
Maraming dumaranas ng ganto ngayon... Kailangan nila malaman na hindi sila nag iisa. May makakausap sila... At may makakaunawa sa kanila.. 😊
Tara
ua-cam.com/video/_wuFuRlQGrg/v-deo.html .
Hindi ako nag rrap hindi ako marunong nun. Pero iba tong si Loonie para sakin, kahit na kesyo may kumparahan na nangyayari kay FM,AE at ito si Loonie. Itigil na yon kase hindi naman dapat e. Nahilig ako sa rap dahil sa'yo siguro dahil sa ikaw nakagisnan ko kasi 1998 ako. Fan mo ko since Loonie vs Gap. Kabisado ko lahat ng kanta mo, Album pati mga iba mong freestyle na tinago mo pa sa baul na sa ibang yt page naka upload. Lapit na birthday ko gusto ko lang naman matuloy laban mo kay Oxxxymiron. Okay na ko dun, hindi kasi ako makapag hintay haha. Solid ng bagong kanta mo na 'to. 3rd verse na lang hindi ko kabisado. Ingat palagi. Your since day1 💪
Stan ikaw ba yan?
@@jankarlodizon7526 what do you mean by that? Are you trying to insult him for being a fan?🤦♂️
Lahat ng maka Loonie. Solido habambuhay 🔥
salamat lods, I was in the middle of mental warfare right now like I've been in this phase too damn times but this time around was my greatest stumble and I don't bother telling it to others for even to myself it's too damn complicated to explain. Suicide never crossed my mind tho for I know there is still a lot of good shits in this crazy world, I just want everything back to normal and make myself operational again and achieve things like how I use to perform before. Still, this song gives me temporary relief so thank you for giving me an escape song.
Getwell soon sir!
I definitely know how it feels po! You're doing well, kuys! Laban lang po! We are the heroes of our own lives! ♡
Same here.
2:05 "naging pihikan sa pagibig maging sa kaibigan" naluha ako dun sobrang relatado ako
"Masamang panaginip ang kalakip ng tulog , kaharap pag kagising mas malaking bangungot" that hits me hard
😢
"Masamang panaginip, ang kalakip ng tulog.
Kaharap pagkagising, mas malaking bangungot."
Straightforward pero ang lalim ng meaning. Tapos ang kinaganda pa neto, (naka-14) multisyllabic rhyme.
14 ata men
@@nilomalbas8037 oo nga erp, 14 nga haha. Edited na.
Wish bus na agad please🙏🏻
Para mas marami pang maka rinig neto
Madaming tao ang nakakaranas ng depression ngayon😢😭
Yung 1st line palang nung lyrics ang nabibigkas nya pero na a-amazed kana. Damn! Ibang klase talaga ang Hari nang Tugma. 🤙🏻
tang inaa, yung chill sa umpisa tapos sabog ng mabigat sa dulo 🔥🔥🔥,gustong gusto ko talaga kung pano approach ni Loons kahit anong usapin kaya piliian ng mga tugmang may kalidad tapos mabusisi choice of words. 💯
Dapat gantong artist ang
sinusuportahan ng tao ❤️
Galing idol loons iba ka talaga sumulat ng kanta may mapupulot na aral 🙌
Pasalamatan natin ang ating mga sarili,
Tahimik nating naipanalo ang ating bawat laban sa depression ❤️
Salamat loonssss long live
Pag sinusumpong ako ng anxiety eto pang pakalma ko, hays! Salamat talaga loons!
Para sa mga gustong sabayan tong kanta
(Kapayapaan sa sarili kailan ko pa ba matatagpuan
Araw-araw na lang ang pag-aalala parang wala na siyang katapusan)
Dumudugo ng luha ang mga mata pag ang puso'y sugatan
Gusto ko nang lumuha ng dugo, para ulo'y gumaan
Gusto ko nang matulog, bukas ipagpapatuloy ko na lang
Baka alam mo kung saan ang tamang daanan pakituro mo naman
Kasi gusto kong tingnan kung nasa'n nga ba ang pinagbuhatan
Ng kasalukuyan, ang hinaharap ay pinangunahan
Pinarusahan nabilanggo sa nakaraan na kinamulatan
Hindi na rin makapaghintay pa sa pagdating ng kinabukasan
Kaya ako ay pumalaot, nagpaanod, at inabot pa ng bagyo
Sumasabog ang mga alon at pinasok na ang barko
Ang kisame ng kabaong ko'y puro kalmot ng kuko
Ramdam ko na naman bigla ang ginaw na bumabalot sa buto, nako po
Habagat na ang ihip, pag malamig magkumot
Magdamag nasa isip, masasakit na hugot
Masamang panaginip, ang kalakip ng tulog
Kaharap pagkagising, mas malaking bangungot
Kaya...
Gusto lang namang kumawala
Ng isip kahit pansamantala
Pero bakit tila mas lumalala
Di ko na alam kung saan ako dinadala
Gusto lang namang kumawala
Ng isip kahit pansamantala
Pero bakit tila mas lumalala
Minsan gusto ko na lang na mawala na
Huwag kang, magpapalimita sa iisang plano ('wag na 'wag, 'wag na 'wag)
Imbis na mainip pagisipan pa ng maigi kung pa'no (magdamag, magdamag)
Malimit mahilig magbilin sa ibang tao
Ngunit tila di ko masunod sunod ang sarili kong payo
Katahimikan nakahiligan, kapaligiran parang libingan
At kahit minsan walang bisita nasa dilim at nakangiti lang
Naging pihikan sa pagibig, maging sa kaibigan
Napili kong piitan ay ang sarili kong isipan
Kaya maya't maya natataranta sa mga nakaamba na pangamba
Kailangan ng pampakalma ayoko nang maalala ang pagaalala
Nakakawala ng gana, isip ay parang ibong lumilipad
Sa loob ng hawla na gawa sa mga negatibong posibilidad
Habagat na ang ihip, pag malamig magkumot
Magdamag nasa isip, masasakit na hugot
Masamang panaginip, ang kalakip ng tulog
Kaharap pagkagising, mas malaking bangungot
Kaya madalas ay...
Gusto lang namang kumawala
Ng isip kahit pansamantala
Pero bakit tila mas lumalala
Di ko na alam kung saan ako dinadala
Gusto lang namang kumawala
Ng isip kahit pansamantala
Pero bakit tila mas lumalala
Minsan gusto ko nalang na mawala na
Minsan lapis at papel ang mas madaling kausap
Sakit sa ulo, ang sabi ng iba ito'y sakit sa utak
Kada gabi nagmamadali na makarating sa ulap
Bukas magkatabi na butas ng ilong may nakatakip na bulak
Balisong sa pulso, kwarenta'y singkong nakatutok sa bibig
Pero parang gusto ko yung kumot nakapulupot sa leeg
Ang gulo ng buong daigdig, wala naman yatang gustong makinig
Mas masarap pang mamundok, o kaya magmukmok sa sulok ng pook na liblib
Puno ang dibdib ng kawalan ng pag-asa parang kusang sumusuko ang katawan sa mga pasan na wala ng hupa
Para kang sa Alcatraz pumuga, sa taas ay nakakalula
Makaalpas ka man sa mga bara paglabas ay wala nang lupa
At kung makatakas ka man, mahal mo naman sa buhay ang sasakluban
Nakakabuwang, lahat tayo balang araw isa lang ang hahantungan
Kapayapaan sa sarili tsaka ko na lang to natagpuan
Nung ang makitid ko na pagiisip ang siyang nagawa ko na matakbuhan
Gusto lang namang kumawala
Ng isip kahit pansamantala
Pero bakit tila mas lumalala
Di ko na alam kung saan ako dinadala
Gusto lang namang kumawala
Ng isip kahit pansamantala
Pero bakit tila mas lumalala
Minsan gusto ko nalang na mawala na
Salamat
Salamat
salamat sa effort kahit po may lyrics na sa vif
Salamat!
salamat idol
To the greatest Filipino rapper!! Sobrang salamat sa obrang to ang sarap ng mensahe neto sa gantong mga panahon na puno ng pag-subok!! Mabuhay ka Loonie GOAT FILIPINO RAPPER!!!!
The Real Goat👑🔥
Hi, gusto ko lang sabihin sa'yo na ang tapang mo kasi kahit ilang beses mo ng sinabi na ayaw mo na, nandito ka pa rin.. at nakikinig sa kanta na 'to nang mero'ng realizations. Bilib ako sa'yo! Isa kang bayani ng sarili mong buhay, dahil hindi biro makipaglaban sa sarili nating isipan. Padayon! ♡
Salamat
Sobrang solid nito kapag naka MV na. Sana makanta to si Wish Bus. Sobrang ganda, walang tapon.
Angas. Bibihirang tao ang makakaintinde sa mga ganitong obra.
Matalino kang tao kung isa ka tagahanga ni Marlon 🔥🔥🔥
Swak tlga tong kantang to ngayon dahil nga nong sumapit pandemic ang daming taong na depressed nagkapatong2 problema hirap kumita! nakakabuang tlga ang mundo pag di ka pinanganak mayaman lahat problema pasan mo!!
Salamat idol Lalaban ako habang nakikinig sa kantang to 🙏💪🏼🔥💯
Solid 💪🔥
. ua-cam.com/video/_wuFuRlQGrg/v-deo.html
Lagi akong late matulog dahil sa ingay ng nasa likod ko, hindi ko alam papaano kakausapin to, nako takbo? Hala sige takbo pa sa sarili ko.
Sabay narinig ko tong kanta ngayon. Yes! Salamat sa musika mo sir loonie.
Akap at pag mamahal sayo! 🙏🏻
Fvck! Mental illness. 😞
Mahigit isang buwan ko ng pinapaginggan itong kanta mo, kahit papano naiiwasan kung mag isip ng masama sa sarili ko. Hinihiling ko parin pag asa na maiahon ko sarili ko, nalulunod na kasi ako.
Eto yung kanta para sa mga taong hindi makawala sa sarili nilang utak.😩
Thankyou so much Loonie and John Roa!!✨
its already 1:18am salamat at sinave nyo kooooooo huhuhu
Godbless po 🧡
;
💚
I hope you'll feel better soon.
di ka nagiisa. laban lang
nagrelease na naman si idle nang kantang tumutulong sakin magdecide kung ano ko magiging sa hinaharap,
thank you master loonie🖤
Please make more of this to save us for anxiety, depression and overthinking.
Marami sa generation ngayon ang makaka relate sa kantang to, lalo na sa mga May depression at anxiety, SALAMAT SIR LOONIE SA MGA LIKHA MO🙏
Lahat ng rapper nirerespeto sya, kung meron man di lang nila matanggap 🔥
"Kapayapaan sa sarili tsaka ko na lang 'to natagpuan// nung ang makitid ko na pag iisip ay siyang nagawa ko na matakbuhan//"
-Loonie
Grabe talaga magsulat si idol mapapamura kana lang sa subra lalim ng mga bara hindi kinaya ng oxygen na dala ko 🔥
Legit na obra, di tulad sa kabila na mema brutal daw. Lahat ng keyboard warrior kayang gawin yung pang Grade 1 rhyming scheme ng DW sakanal
Kahit mgsama2 silang lahat sa kabila. Pagdating sa liricismo mo match sila kay loonie. Kaya nga di nya pinapansin mga yun. Wla kase syang mapala. Hehehe #realtalk
"Katahimikan Kahiligan
Kapaligiran parang libingan
At kahit minsan walang bisita
Nasa dilim at nakangiti lang
Naging pihikan sa pag-ibig
Maging sa kaibigan
Napili ko'ng piitan ay ang sarili ko'ng isipan"
-eskapo
Grabe yung rhyming 😭
Grabe, galing nyo parehas loonie and jroa. Malaking tulong to lalo sa mga taong depress at anxiety siguro may ilang mapapaluha nalang pag narinig to sa sobrang relate. On point and sharp! Nag aapoy sa emosyon🔥🔥🔥Kudos
Tang ina ilan beses ko inuulit ulit to , relate na relat ako dito lalo ko minahal tong si idol loonie !
Itong mga haters na fan na kabilang kampo nakikinig para idislike. Sobrang astig ng mensahe ng kanta ganyan parin kayo. Hahaahhaa
Mga naghihintay na kantahin to sa Wish bus🥰
👇
Daming na depressed HAHAHAA yung mga nag dislike😆😆🤣
@@Lannce630 korek boss😂😂😂😂
"Napili kong piitan
Ay ang sarili kong isipan"
And that hits me hard
Solid!! Etong kanta na to ang dahilan kung bakit ako nakawala!!!!! Salamat loons! ❣️
Congrats sir
Sobrang relatable nitong kanta na to sa generation namin mga kabataan ngayon, laban lang to all depress dudes out there!
Mhot and loons pareho makabuluhan mg bitaw ng mensahe sana marinig ko kayong dalawang idolo ko sa isang makabuluhang kanta
Very good song for depression and suicide awareness! Mental health is a very important thing! Thank you idol Loonie and JROA! Visayas represent
Thankyou IDOL LOONIE laking tulong sakin ng kantang ito .. nextime sana magkameron tayo ng pic kahit Isa lang..
Pinakinig ko to sa tropa kong suicidal,
Immortal na sya ngayon.
Wow dump binaril para makita mo pag ka immortal nya
Because?
HAHAHAHAHAHAHAHHAAH
Hahaha
grabe sobrang relate. ganito ako palagi gabi-gabi. Salamat sa kanta! 😔
Soundtrip koto habang paakyat ako ng tagaytay.
Rapsa!
Ihip
Kumot
Isip
Hugot
Panaginip
Tulog
Gising
Bangungot
Galing mo talaga sir.
Nakaka Proud
Sana mahanap nyo ang peace of mind lalo sa panahon na ito, Ipagpasalamat ang mga simpleng bagay na meron ka tulad ng paghinga, sapat na pagkain, tirahan, trabaho dahil hindi lahat ay pinalad na magkaroon nito.Ayos lang magkamali, learn to take that L hindi Lose kundi Lesson. Marami pang magagandang bagay na nasa harap mo na. STOP COMPLAINING AND APPRECIATE THE LIFE YOU HAVE
🙏
O
Mm ok. L. .
Indeed
“Napili kong piitan ay ang sarili kong isipan”
-loonie
"payabangan na lang" nagawa na daw lahat. pero ang maka pag inspira di man lang nasubukan. banyo queen pa more.
Hahaha.nakaka inspira dn nmn yun eh
Waiting ako sa wish neto SOBRANG LAKAS IDOL!!!
Kanta para sa mga taong nag kakaroon ng Anxiety! SALAMAT LOONS 🔥🖤
Siya: Gulong-gulo na ako par.
Ako: Pakinggan mo 'to.
Siya: Tang ina! ito ako.
"Sabay tapik sa balikat"
Salamat sa pampalakas ng loob. Relate ako sa kanta mo Loonie at ngayon ay natagpuan ko na djn ang liwanag na siyang nagbigay pagasa sakin. Sana lahat tayo malampasan ang pagsubok at wag na wag tayong bibitaw. Lahat tayo may kakahahantungan pero easy lang. Mahirap man ang buhay sa mundo tandaan niyo pag nalampasan mo 'to may buhay kang mas masaya at mas maganda. May kaharian ka sa susunod mong buhay. Kaya kapit lang sa Panginoon. 🔥🔥🔥🔥🔥🔥🔥🔥🔥🔥
salamat sa kanta na to idol Marlon, simula nung narinig ko to hindi na ako tumigil sa pakikinig.