Nov. 30. 2020 Rev. Fr. Douglas Badong Homily Mateo
Вставка
- Опубліковано 18 гру 2024
- Mateo 4:18-22 Ang Pagtawag sa Apat na Mangingisda
(Mc. 1:16-20; Lu. 5:1-11)
18Minsan, naglalakad si Jesus sa tabi ng Lawa ng Galilea. Nakita niyang naghahagis ng lambat sa lawa ang dalawang mangingisda, si Simon na tinatawag ding Pedro, at ang kapatid niyang si Andres. 19Sinabi ni Jesus sa kanila, “Sumunod kayo sa akin at gagawin ko kayong mga mangingisda ng mga tao.” 20Noon di'y iniwan nila ang kanilang mga lambat at sumunod kay Jesus.
21Nagpatuloy siya ng paglalakad at nakita rin niya ang magkapatid na Santiago at Juan na mga anak ni Zebedeo. Sila'y nasa bangka kasama ng kanilang ama, at nag-aayos ng lambat. Tinawag din sila ni Jesus. 22Agad nilang iniwan ang bangka at ang kanilang ama, at sumunod kay Jesus.