Ang mabuhay sa pag-ibig ay pagbibigay na di nagtatantya ng halaga. At hindi naghihintay ng kapalit Pagbibigay walang pasubali. Naibigay ko nang lahat: magaan akong tumatakbo. Dukha man ako sa lahat, dukha man ako sa lahat Ang tangi kong yaman ay mabuhay sa pag-ibig. Ang mabuhay sa pag-ibig ay paglalayag, na hantunga’y payapa’t may galak. Sa maalab na udyok ng pag-ibig, Hinahanap kita sa'king kapwa. At s’yang tanging tumatanglaw bituing sa aki’y patnubay diwa sa paglalakbay sandigang lakas at tibay. Laging awit ang sagisag na mabuhay sa pag-ibig. Ang mabuhay sa pag-ibig ay maging bihag sa tawag ng pagmamahal ng Diyos. Papawiin N'yang lahat ang panimdim sa gunita dahas ay limutin. Sisidlang putik man ako kayamanan Ka ng puso ko. Ang gantimpala ko'y Ikaw pag-asang natatanaw: ang pumanaw sa sarili ay mabuhay sa pag-ibig.
salamat po sa inyong pagkaka-awit...
dinala akong muli noong mga noviciado kami sa Kapatirang Franciscano...
Ang mabuhay sa pag-ibig ay pagbibigay
na di nagtatantya ng halaga.
At hindi naghihintay ng kapalit
Pagbibigay walang pasubali.
Naibigay ko nang lahat:
magaan akong tumatakbo.
Dukha man ako sa lahat,
dukha man ako sa lahat
Ang tangi kong yaman ay
mabuhay sa pag-ibig.
Ang mabuhay sa pag-ibig ay paglalayag,
na hantunga’y payapa’t may galak.
Sa maalab na udyok ng pag-ibig,
Hinahanap kita sa'king kapwa.
At s’yang tanging tumatanglaw
bituing sa aki’y patnubay
diwa sa paglalakbay
sandigang lakas at tibay.
Laging awit ang sagisag na
mabuhay sa pag-ibig.
Ang mabuhay sa pag-ibig ay maging bihag
sa tawag ng pagmamahal ng Diyos.
Papawiin N'yang lahat ang panimdim
sa gunita dahas ay limutin.
Sisidlang putik man ako
kayamanan Ka ng puso ko.
Ang gantimpala ko'y Ikaw
pag-asang natatanaw:
ang pumanaw sa sarili ay mabuhay sa pag-ibig.