Save time 1. Laundry shop 2. Grocery store 3. Health care business 4. Food stall Business 5. Rental business Thank me if you want Doesn't need it anyway.
Lahat ng negosyo may lugi yan, pero kung gagawin mo yung negosyo na hindi lang for the sake of yayaman ka, kungg may pagmamahal ka sa ginagawa mo, lalago ka talaga
Oo ung pagyaman kasama na un sa bunga ng pag tyatyaga mo at sigasig.. agree ako sa no.1 ung laundry shop pero ung may pagkain alanganin yan.. health care d basta2 yan need mo muna may background ka..
Ganitong video ang dapat pinapanood ng mga Pinoy hindi yung puro drama at walang katuturan. Sana gumawa kapa ng maraming mahahalgang video! New subs here!
Dream business. Magkaroon ng 2 storey building. May Laundry Shop, Pharmacy, Grocery store, Food stall sa Ground floor. Then mayroong 4-6 Unit rental apartment.👍👍 😊
Tingin ko ang laundry dapat doon sa city life hindi sa probinsya. Dahil sa city halos lahat nagwo work at wala silang gaanong laundry area o sampayan dahil apartment o condo dwellers sila. Isa sa the best ay Water Refilling Station, all seasons need ng tao ang malinis na inumin sa city o province, tubong lugaw walang lugi. Di nabubulok, di napapanis, at di mauubusan dahil maraming supply sa ilalim ng lupa. Lalo na di kna magrenta ng pwesto dahil mismo sa bahay mo itatayo.
Bath house wala pa sa pinas. Yung puntahan ng mga tao para maligo pero hindi pool kundi shower room with c.r., samahan na rin ng laundry shop sa labas at coffee shop. Pet cemetery din wala pang competition, isa lang narinig ko meron pet cemetery, sa island garden city of samal.
Para sa akin magiging mataas ang success rate nang business pag alam m ang pasikot sikot nang papasukin mong business,,,at ikaw talaga sa umpisa mag babantay nang iyong negosyo,, at Kung papalarin mag success gumawa kana nang iyong sistema na kahit wla Ka sa iyong store ma ti-trace mo pa Rin ang nangyayari na transaction araw2x,,,
3 times failure na ako sa pag aalaga ng Broiler. Bawat try 100 heads 20k puhunan. But Wala ako plano susuko 😁. More failure more knowledge pa. Dream unto reality ika nga!
Grocery store totoo talaga kahit nasa sulok kapa kapag kailangan ng tao bumili dahil tinatamad na pumunta sa labasan dahil malayo talagang meron at merong bibili Kaya nga lang dapat talaga handa ka sa ganitong negosyo kung dyan mo rin kinukuha ang lahat ng kailangan mo sa araw-araw kailangan meron kang pang-abuno Kasi Kong dyan ka lang aasa malulugi ka talaga ganito yan sa madaling salita ang paninda mo dapat binibili mo rin ang mga kinukuha mo dyan kasi dimo makikita Kong kumikita ka Kong kinukuhaan mo rin yan ng kinakain mo...
@@SelfmadePinoy welcome po,by the way gusto ko lang po ibahagi dito para mainspired din ang iba Kong pano ako nagsimula ng small business ko at ngayon ay medyo kumikita na rin kahit maliit sa dati Kong tinirhan (umuupa ako apartment)Sabi ko puro labas ang ngyayari sa pera ko at hindi ako natutuwa ng ganon naisip ko ano kaya lumipat ako ng bahay at ito nga may nahanap ako sulok sya at malayo ang tindahan ngayon kinausap ko ang may-ari na Kong pwede maglagay ako ng tindahan kesa naman lalabas pa kami para bumili eh medyo malayo rin at ito nga may kunting pera ako (50k) una namalengke muna ako ng mga basic needs sa araw-araw halagang 15k lang muna Kasi titingnan kopa kong kikita ako ngayon omokey naman sa halagang 15k na yan kunti pa lang kita Kasi di naman lahat nabibili agad gang sa unti-unti nalaman na ng tao na may tindahan dito kahit yong mga nasa kanto sa may labasan dito na rin bumibili gang unti-unti nadadagan kona ang tinda ko Kong ano yong hinahanap nila ayon yong binibili ko di ako bumibili ng di nila hinahanap kasi naiistock lang pag naiistock ang paninda natutulog ang puhunan so ayon ngayon dinadagdagan Kona rin sya ng lutong ulam at merienda at syempre di maiwasan ang may uutang kinausap ko sila magtulungan tayo magbayad kayo ng utang kasi Kong di kayo magbabayad di ako makakapamalengke pag di ako nakapamalengke wala kayo uutangin so ayon naobliga sila magbayad kesa wala sila utangin eh di naman lahat ng araw may pambili sila eh pano Kong ang choice lang nila ay umutang o di wala sila uutangin at pinakikita ko sakanila gat di sila nagbabayad di ako namamalengke kahit may pang-abuno ako kasi kapag ganon talagang aasa sila na may paninda ako magbayad man sila o hindi ngayon saka ako namamalengke kapag nagbayad na sila Kasi sabi ko pinaiikot ko lang ang benta ko,sya nga pala don sa una 50k na pera mo hindi mo pwede ipamili lahat Kasi Kong malugi ka naubos lahat ng pera mo at wala ka pambili ng tinda mo Kaya need may hawak kang pera pambili sa tinda mo para dimo nagagalaw ang puhunan at tubo mo kasi ang tubo mo pwede mo ng ipunin para sa ibang pangarap mo...
@@lovemusicnatureartsfoods... same business din,nung una nagpapautang ako pero dahil inabuso nila kabaitan ko di na ako nagpapautang kaya ito mas maganda ang takbo ng store ko saka nawala ma yung katabi kong store na kalaban ko🙂sana lang mag open na ang school soon para mas madaming bibili at magdadagdag ako ng school supplies
ANG MANTINDI JAN.. MAGANDA NA ANG BUSINESS MO.. KASO BIGLANG GAGAYAHIN NA HALOS MAGKAKATABI NA KAYO... DUON KA BIGLANG MALULUGI.. NA MASAYANG MASAYA KA SA UNA PERO SA DULO BUMABAGSAK😌😌😌
yan ay kung hanggang doon nlng kaya ng negosyo mo at Diskarte mo kung paano mo.mapapanatili ang mga Suki mo o parokyano. kapg nadaig ka, mas mas maganda o mas masarap tpos mas mura pa sa tinda mo ung kabila..ganun sa negosyo may Kakompensiya ka talaga!
Kaya pala lahat ng tao dito sa amin nagtinda na na shiomai wala ng bumibili sila na lang kumakain sa paninda nila, pinoy talaga kung saan yung malakas doon sila kaya sabay bagsak,
Yes po, OFW din po ako😊 pero for good na dito sa pinas, kaya gagawa po ako video about sa ofw nextime, Patuloy nyo po sana suportahan ang ating channel, Godbless!
May recomendation po ba kayo ng channel kung saan mkakapanuod ng mga tungkol sa bagay na to? Yan nga need ng mga pilipino. Isa ko sa ofw na wala nyan at nag struggle sa buhay now. Kung kelan ako may anak na.
Barber shop din, para sakin hindi basta basta nalulugi, wala din masyadong puhunan. gunting, rasor, salamin at suklay lang puhunan mo, pwede kang mag hire ng tao na marunong gumupit ng buhok at pag usapan niyo ang hatian. Kung marunong ka nman mag gupit ikaw nalng.
Ang maganda sa grocery eh cash positive ito. Ibig sabihin, yung paninda mo eh inutang mo pero ang bayad sa yo ng bumibili eh cash. And mahirap dito eh ang nipis ng margin - between 5 to 10% ang tubo. Kaya dito, hindi totoo na malayo sa lugi ang business na ito. Kahit yung Rustans Supermarket nalugi ng matindi yun. Binili lang sya ng Shopwise (na pag aari din ng kamag anak) para maisayos at masalba.
Sa rental business ang return malilit lang pero sigurado. If you invest on a house and lot now, it will take 10 yesrs to recoup your investment.... pero after that puro positive na. You may need 10 units ng rental for you to sustain a comfortable life.
Dami na ang mga tenants na tumatakbo after not paying the rent for how many months at iniiwan ang kanilang mga utility bills for 3 mos at mga damages sa unit tapos di sapat ang security deposit to cover the bills and damages. Para ka lang nagpatira ng libre sa unit mo! Ingat sa pagtanggap ng tenants!
Huwag mong paabutin ng 1 month na di makabayad ng rent ang tenant ... If delayed na ng 10days ang rental payment ... Mag 1st notice ka na ng delayed rental payment ... After 15 days delay, mag 2nd notice na cc: barangay ... Pag nag 30days delay ... notice of termination of lease and eviction ... Another 7 days palugit, with the presence of someone from the barangay, padlock mo na ang unit ... Harsh? ... That is how you help your tenants update their rentals ... Shelter is a basic need ... It is a disservice if hinayaan mo silang magka arrears and paalisin ... Just see to it that the rent is very reasonable ...
I have 3 commercial space for rentals 10k per month per space 2 months advance 1 month deposit at may kontrata talaga pina pirmahan mo notaryado para legal lahat.. meron naman ako Rice Retailing minsan pinapautang ko aa mga may trabaho lang kinukuhanan ko ng Valid ID para sure na kilala ko at may permahan nila in case at may sketch ng lugar nila..
Iniisip ng karamihan matagal returns. Dapat isipin, na ung investment ay hindi expense, asset mo na yun. And ung rentals na natatanggap mo monthly, profit na halos yun minus mo lang konting maintenance.
commercial space ang pinaka maganda lalo na ang nabili mo malapit sa Centro ng Lungsod..malaki ang renta 8 to 10k kung meron ka 10 space..isang buwan mo 100k basta may kanya kanya submeter sa kuryente at tubig
Galing magdrawing. Sa totoo lang, kung madali lang magnegosyo, lahat na gagawin yan. Ang unang hadlang sa pagnenegosyo ay walang sapat na puhunan. Maraming ‘success stories’ sa pagnenegosyo pero di binabahagi kung saan kumuha ng puhunan.✌️
Boss, napaka KNOWLEDGABLE at HIGH QUALITY ng videos mo. 2 uploads palang ang dmi mo ng followers. Ask ko lang. team ba tong channel na to, or ikaw lang magisa gumagawa ng lahat
Business minded kasi ako. Kaya pinanunuod. Ko. Plagi. Ang mga videos mo? Actually may business na ako Grocery tama ka. Po need tlaga ng mga tao. Pagkain kahit tataas pa yan bibilhin parin yan dahil sa Need tlaga kumain like bigas, oil eggs lahat na essential foods mabibinta tlaga ako nag start lang din sa 15k pero now medyo. Kumita narin kahit papaano kaso ang problema ko maraming di mababait na tao pinasok ang tindahan ko. Pero laban. Lang ako thanks sa sharing this video inspiring tlaga video na ito
Hi mam:) Salamat po at nakakatulong sa inyo ang mga videos ko. Naiintindihan po kita, sa isang negosyo napadami talaga challenges na kakaharapin, kaya dapat palage tayong handa, wag kang papatinag sa problema dahil ang problemang yan ang magpapatibay sayo bilang negosyante☺️. Goodluck sa business mo mam. Sabay sabay tayo sa pag-asenso! God bless
"Yan Ang dapat na matutunan nateng mga Pinoy," ..Ang Magnegosyo.. kaya nagstart na din Ako ng Munting Negosyo "Grocery store".. Ito dapat Ang pinapanuod ng mas nakakarami para di sayang Ang internet mo..😎😇Thanks sa mga idea.. 💡💡💡
Thank you four washing at kahit paano meron akong kunting natutunan sa papaliwanag mo sa inyong kaalaman at magagamit ko rin abalang arao maraming sa iyo
maganda sari sari store sabayan mo ng e loading, piso net and piso wifi, at coffee and water refilling. di ka talaga malulugi basta alam mo lang ang pag repair at manage ng mga ito. hehe yan pangarap kong negosyo.
Dami rin dpat icoconsider lalo na s mga permit Dios ko po di naman s paggng nega pero ang hussle. Kaya kelangan talaga alam natin umiikot bawat process ng pag nenegosyo. nkkarami na rin ako na try pero susubok at susubok pa rin 😂😊
Laundry + water refilling station combo. The best ito. Malagay mo lng sa tamang lugar. Ok kana tlaga. Yung waste ng water refilling mo yun ung gamitin mo ding pang laundry. Para wlang sayang.
Medyo need ng malaking puhonan at support na puhonan yung mga listing nyo po, ok naman mga business na nasa list nyo. But depends sa mga taong hahawak na. Pero para sa akin if you do business. Not a business na ang profit is 30-50% lng saka takes forever ang ROI. I have a experience sa business may sample ako. I open a business na capital e 300k and nakuha kong makuha 100k per week ang profit and i did it in real life, walang halong social media, at iba pa like baka iniisip nyo mga pyramiding. Nope its totally pure business na base sa simula kung 300k. Naging milyons in 6months ang worth ng luob ng business ko. Just giving a tip if gusto nyung financial freedom pero nasa tao parin yan if ano deskarte. Gud luck
Yes Po ganda Po tlga kapag may business Wala kang amo. Pasok Po Ang business ko, grocery store,,, dagdag na Po Jan Ang mga paupahan like bedspacer if malapit ka sa mga university, Mall at mga hospitals.
Ito yung mga quality na video an dapat tinatankilik hindi yung mga walng kwenta na tungkol sa artisata, religion na bulok at mga tsismis na walang katuturan. God Bless sa iyo pare and more power!!! May idagdag pa ako, sa mga sinabi mo na mga dapat gawin hindi talaga mag sucess kung walang system, strategy is jsut part of the system. Again, salamat sa pag gawa ng vidoe na ito at Mabuhay ang bansang Maharlika! +Sana gumawa ka ng video sa next wave ng renewable economies na ang basan natin na Maharlika ay mayaman sa nickel, copper at cobalt na sangkap para gumawa ng battery mas mayaman pa tayo sa saudi arabia or norway or texas sa energy kung maayos lang ang sistema.
wag mo pkialaman kung ano gawin ng mga tao sa buhay nila, impotante wala silang tinatapakan at iniistorbo, wag mo din lahatin na bulok ang religion...baka kung anong bulok na sekta kinabibilangan mo
Tama yung siomai business, lakas ng benta, kaso nag covid at my swine flu, hindi pinayagan ang franchise namin magpdala ng mga pork siomai sa amin. So natigil. Im thinking of another na ako na ang gagawa at hindi franchise
Huwag mag negosyo kung ang Capital mo ay galing sa lOan or utang dahil kakainin yung paninda mo or item ng Capital ng loan at interests... Dapat pag ipunan ang puhunan sa business
halos lahat ng business galing sa utang at sabi nga hwag kang umutang dahil sa luho,umutang ka kapag may nakita kang oportunity na lumago ang inutang mu
I’m into rental aka apartment. But what you’ve showed are Filipinos commonly go into it. How about the Chinese way of doing business? How about into online selling that you don’t need a space or capital to get supplies? There are many ways to make money. In my experience don’t handle the business to your retired parents who never go into business during there prime years.
@@reynaldobatutomoreno5825matagal din ang ROI ng rental e kasi milyon na pagawa ng bahay ngayon tapos magkano pauupahan, it takes too much years bago ka talaga kumita. Unless ung bahay na minana mo sa parents mo po ung paupahan mo maswerte ka kasi wala kang masyadong gastos, maybe few renovations lang..
Kailangan din my tao na maasahan lalo na kung nasa ibang bansa ka tapos pinas nag tayo ng negosyo matakaw sa pera kasagaran tao sa pinas lalo na public area matalino sa pan loloko
Sir tnkyou sa vlog mo
Apat na Yung store ko lods ❤❤
Maraming salamat sa advice lods god bless po
Grocery store owner
WOW!!!! Maraming salamat po at nakatulong ako sayo, God bless! sana ay patuloy pa blessings mo.
Save time
1. Laundry shop
2. Grocery store
3. Health care business
4. Food stall Business
5. Rental business
Thank me if you want
Doesn't need it anyway.
maganda ung pang apat nakaw na pagkain business.
Business na walang lugi
Niyogan
Chainsaw
Banso
Okay po
@@jetrevillaceranvlog4683 bagsak presyo ng niyog negatine yan
Healthcare yan ang pinaka critical
Ang pinaka the best na business yung hilig mo, hindi yung ginaya mo lang, kung hilig mo di ka magsasawa sa business na yan
Benta Ng movies application 700 a day Lagi benta ko
@@arvintanatan9881anong app yan?
Lahat ng negosyo may lugi yan, pero kung gagawin mo yung negosyo na hindi lang for the sake of yayaman ka, kungg may pagmamahal ka sa ginagawa mo, lalago ka talaga
Oo ung pagyaman kasama na un sa bunga ng pag tyatyaga mo at sigasig.. agree ako sa no.1 ung laundry shop pero ung may pagkain alanganin yan.. health care d basta2 yan need mo muna may background ka..
Be a Congressman, walang lugi
@@briggscamungol2533 hahaha,
Ganitong video ang dapat pinapanood ng mga Pinoy hindi yung puro drama at walang katuturan. Sana gumawa kapa ng maraming mahahalgang video! New subs here!
Maraming salamat po sa suporta:) God bless po!
Bold ayaw mu☺️
Kaya maraming mahihirap sa pinoy, kasi puro drama at mga tiktok ang Pina panood, pag nagutom takbo sa tindahan at mangutang ng pagkain 🤣🤣🤣🤣🤣😱😱😱😱
Sa totoo lang. Puro Kdrama
Tama.
Dream business.
Magkaroon ng 2 storey building. May Laundry Shop, Pharmacy, Grocery store, Food stall sa Ground floor. Then mayroong 4-6 Unit rental apartment.👍👍
😊
Niiiiiiceeeee!!😍
Need po bag tapos sa pag aaral kapag pinasok mo Ang business n pharmacy?
1. laundry
2. grocery
3. healthcare
4. food stall
5. rental
thank me later
Tingin ko ang laundry dapat doon sa city life hindi sa probinsya. Dahil sa city halos lahat nagwo work at wala silang gaanong laundry area o sampayan dahil apartment o condo dwellers sila. Isa sa the best ay Water Refilling Station, all seasons need ng tao ang malinis na inumin sa city o province, tubong lugaw walang lugi. Di nabubulok, di napapanis, at di mauubusan dahil maraming supply sa ilalim ng lupa. Lalo na di kna magrenta ng pwesto dahil mismo sa bahay mo itatayo.
MAhal Ang maintenance ..halos kada kanto my refilling station na.yon na naging negosyo Ning pandemic.
Bath house wala pa sa pinas. Yung puntahan ng mga tao para maligo pero hindi pool kundi shower room with c.r., samahan na rin ng laundry shop sa labas at coffee shop. Pet cemetery din wala pang competition, isa lang narinig ko meron pet cemetery, sa island garden city of samal.
Para sa akin magiging mataas ang success rate nang business pag alam m ang pasikot sikot nang papasukin mong business,,,at ikaw talaga sa umpisa mag babantay nang iyong negosyo,, at Kung papalarin mag success gumawa kana nang iyong sistema na kahit wla Ka sa iyong store ma ti-trace mo pa Rin ang nangyayari na transaction araw2x,,,
Thumbs up:) Salamat po sa panonood! God bless
Tama po kayo..😊
3 times failure na ako sa pag aalaga ng Broiler. Bawat try 100 heads 20k puhunan. But Wala ako plano susuko 😁. More failure more knowledge pa. Dream unto reality ika nga!
Nice one sir! For sure yan. Magtatagumpay ka. Claim it😊🙏
Grocery store totoo talaga kahit nasa sulok kapa kapag kailangan ng tao bumili dahil tinatamad na pumunta sa labasan dahil malayo talagang meron at merong bibili Kaya nga lang dapat talaga handa ka sa ganitong negosyo kung dyan mo rin kinukuha ang lahat ng kailangan mo sa araw-araw kailangan meron kang pang-abuno Kasi Kong dyan ka lang aasa malulugi ka talaga ganito yan sa madaling salita ang paninda mo dapat binibili mo rin ang mga kinukuha mo dyan kasi dimo makikita Kong kumikita ka Kong kinukuhaan mo rin yan ng kinakain mo...
Yes mam, tama po:) Salamat po sa pagbahagi ng inyong idea. God bless!
@@SelfmadePinoy welcome po,by the way gusto ko lang po ibahagi dito para mainspired din ang iba Kong pano ako nagsimula ng small business ko at ngayon ay medyo kumikita na rin kahit maliit sa dati Kong tinirhan (umuupa ako apartment)Sabi ko puro labas ang ngyayari sa pera ko at hindi ako natutuwa ng ganon naisip ko ano kaya lumipat ako ng bahay at ito nga may nahanap ako sulok sya at malayo ang tindahan ngayon kinausap ko ang may-ari na Kong pwede maglagay ako ng tindahan kesa naman lalabas pa kami para bumili eh medyo malayo rin at ito nga may kunting pera ako (50k) una namalengke muna ako ng mga basic needs sa araw-araw halagang 15k lang muna Kasi titingnan kopa kong kikita ako ngayon omokey naman sa halagang 15k na yan kunti pa lang kita Kasi di naman lahat nabibili agad gang sa unti-unti nalaman na ng tao na may tindahan dito kahit yong mga nasa kanto sa may labasan dito na rin bumibili gang unti-unti nadadagan kona ang tinda ko Kong ano yong hinahanap nila ayon yong binibili ko di ako bumibili ng di nila hinahanap kasi naiistock lang pag naiistock ang paninda natutulog ang puhunan so ayon ngayon dinadagdagan Kona rin sya ng lutong ulam at merienda at syempre di maiwasan ang may uutang kinausap ko sila magtulungan tayo magbayad kayo ng utang kasi Kong di kayo magbabayad di ako makakapamalengke pag di ako nakapamalengke wala kayo uutangin so ayon naobliga sila magbayad kesa wala sila utangin eh di naman lahat ng araw may pambili sila eh pano Kong ang choice lang nila ay umutang o di wala sila uutangin at pinakikita ko sakanila gat di sila nagbabayad di ako namamalengke kahit may pang-abuno ako kasi kapag ganon talagang aasa sila na may paninda ako magbayad man sila o hindi ngayon saka ako namamalengke kapag nagbayad na sila Kasi sabi ko pinaiikot ko lang ang benta ko,sya nga pala don sa una 50k na pera mo hindi mo pwede ipamili lahat Kasi Kong malugi ka naubos lahat ng pera mo at wala ka pambili ng tinda mo Kaya need may hawak kang pera pambili sa tinda mo para dimo nagagalaw ang puhunan at tubo mo kasi ang tubo mo pwede mo ng ipunin para sa ibang pangarap mo...
@@lovemusicnatureartsfoods... same business din,nung una nagpapautang ako pero dahil inabuso nila kabaitan ko di na ako nagpapautang kaya ito mas maganda ang takbo ng store ko saka nawala ma yung katabi kong store na kalaban ko🙂sana lang mag open na ang school soon para mas madaming bibili at magdadagdag ako ng school supplies
@@lovemusicnatureartsfoods... magandang diskarte nga po yun ma'am salamat po sa idea 👍
Good day.maam bka po gusto itry ang negosyo namin..😊legit na legit po ito..
ANG MANTINDI JAN.. MAGANDA NA ANG BUSINESS MO.. KASO BIGLANG GAGAYAHIN NA HALOS MAGKAKATABI NA KAYO... DUON KA BIGLANG MALULUGI.. NA MASAYANG MASAYA KA SA UNA PERO SA DULO BUMABAGSAK😌😌😌
yan ay kung hanggang doon nlng kaya ng negosyo mo at Diskarte mo kung paano mo.mapapanatili ang mga Suki mo o parokyano. kapg nadaig ka, mas mas maganda o mas masarap tpos mas mura pa sa tinda mo ung kabila..ganun sa negosyo may Kakompensiya ka talaga!
Kaya pala lahat ng tao dito sa amin nagtinda na na shiomai wala ng bumibili sila na lang kumakain sa paninda nila, pinoy talaga kung saan yung malakas doon sila kaya sabay bagsak,
Hangad ko ay tagumpay nating lahat na mga future entrepreneur.Good luck lets do our best
Yes!! Claim it, magtatagumpay po lahat:) God bless!
Pinakamainam po eh farming....meron po ako binebenta dito sa Angat 8,000 sq meters. 1 M lng.
Boarding house,,sarisari store w/ vendo at water vendo na pisopiso lang...Laking tulong na sa mga estudyante at sa kusina...
Financial Literacy
we need it especially AS OFW 🥰🥰
Yes po, OFW din po ako😊 pero for good na dito sa pinas, kaya gagawa po ako video about sa ofw nextime, Patuloy nyo po sana suportahan ang ating channel, Godbless!
May recomendation po ba kayo ng channel kung saan mkakapanuod ng mga tungkol sa bagay na to? Yan nga need ng mga pilipino. Isa ko sa ofw na wala nyan at nag struggle sa buhay now. Kung kelan ako may anak na.
@@SelfmadePinoy saang bansa ka po nanggaling?
@@markusjinretiro395 nood ka ng mga video ni sir Chinkee Tan
depende padin talaga sa lugar maswerte ang taong may magagandang lugar.
Barber shop din, para sakin hindi basta basta nalulugi, wala din masyadong puhunan. gunting, rasor, salamin at suklay lang puhunan mo, pwede kang mag hire ng tao na marunong gumupit ng buhok at pag usapan niyo ang hatian. Kung marunong ka nman mag gupit ikaw nalng.
junkshop at lotto outlet talaga ang the best na negosyo..!
Ang maganda sa grocery eh cash positive ito. Ibig sabihin, yung paninda mo eh inutang mo pero ang bayad sa yo ng bumibili eh cash. And mahirap dito eh ang nipis ng margin - between 5 to 10% ang tubo. Kaya dito, hindi totoo na malayo sa lugi ang business na ito. Kahit yung Rustans Supermarket nalugi ng matindi yun. Binili lang sya ng Shopwise (na pag aari din ng kamag anak) para maisayos at masalba.
Curruption sa loob kasama manager ska employee
Rental business talaga sure may KITA kahit maliit lang at least may KITA kaparen 💪💪💪
Yes 100%!
Sa rental business ang return malilit lang pero sigurado. If you invest on a house and lot now, it will take 10 yesrs to recoup your investment.... pero after that puro positive na. You may need 10 units ng rental for you to sustain a comfortable life.
a room or garage (for businesses) can be a good start and build up on it. a unit or 2 (initially) would be enough for a passive income (8-10k monthly)
Dami na ang mga tenants na tumatakbo after not paying the rent for how many months at iniiwan ang kanilang mga utility bills for 3 mos at mga damages sa unit tapos di sapat ang security deposit to cover the bills and damages. Para ka lang nagpatira ng libre sa unit mo! Ingat sa pagtanggap ng tenants!
Huwag mong paabutin ng 1 month na di makabayad ng rent ang tenant ... If delayed na ng 10days ang rental payment ... Mag 1st notice ka na ng delayed rental payment ... After 15 days delay, mag 2nd notice na cc: barangay ... Pag nag 30days delay ... notice of termination of lease and eviction ... Another 7 days palugit, with the presence of someone from the barangay, padlock mo na ang unit ... Harsh? ... That is how you help your tenants update their rentals ... Shelter is a basic need ... It is a disservice if hinayaan mo silang magka arrears and paalisin ... Just see to it that the rent is very reasonable ...
I have 3 commercial space for rentals 10k per month per space 2 months advance 1 month deposit at may kontrata talaga pina pirmahan mo notaryado para legal lahat.. meron naman ako Rice Retailing minsan pinapautang ko aa mga may trabaho lang kinukuhanan ko ng Valid ID para sure na kilala ko at may permahan nila in case at may sketch ng lugar nila..
Iniisip ng karamihan matagal returns. Dapat isipin, na ung investment ay hindi expense, asset mo na yun. And ung rentals na natatanggap mo monthly, profit na halos yun minus mo lang konting maintenance.
Lahat ng napanood ko tungkol sa pagbibusiness eto lang ang totoo.. salute sayl ser
Wow, maraming salamat po🙏🏻😊
Kalakal, laundry, barbershop, lugawan, at PCSO outlet. Yan ang walang lugi
commercial space ang pinaka maganda lalo na ang nabili mo malapit sa Centro ng Lungsod..malaki ang renta 8 to 10k kung meron ka 10 space..isang buwan mo 100k basta may kanya kanya submeter sa kuryente at tubig
For me sa dami Ng business ko na try dito kmi nag click sa junkshop
Tama..
Coffee & wifi vendo machine mataas ang rate for successful
Pay parking sure always kikita kasi sobra dami sasakyan ngayon kahit saang syudad.
Galing magdrawing. Sa totoo lang, kung madali lang magnegosyo, lahat na gagawin yan. Ang unang hadlang sa pagnenegosyo ay walang sapat na puhunan. Maraming ‘success stories’ sa pagnenegosyo pero di binabahagi kung saan kumuha ng puhunan.✌️
umutang sila sa Bangko penapang negosyo..
marami namang magpapautang sayo kung pinagkakatiwalaan ka sa pera...
Ang ganda nmn idol kung magiging business minded ang mga pinoy Para umangat nmn ang Bansa natin
Yes sir!😊👌
Kailangan lng sa buseness ay tyaga at sipag never give up
Tama!
Ok ang business lalo na pag malapit ka sa city mas matao lugar
Galing napalinaw ng eksplenasyon.subscribed nko.
Business & Finances studies should be in All school Curriculum as early as grade school and forbid TEXTING, smoking & drinking
100% Agree!!
100% Agree
Pharmacy someday, beside my own clinic. When I go home for good. Also food stall beside the pharmacy will be a good idea. Thanks.
Nice po mam:) Good luck po sa mga plans nyo. Magtatagumpay ka! Claim it:) God bless
Someday sari-sari store maging grocery 😊 ❤
Boss, napaka KNOWLEDGABLE at HIGH QUALITY ng videos mo. 2 uploads palang ang dmi mo ng followers. Ask ko lang. team ba tong channel na to, or ikaw lang magisa gumagawa ng lahat
Salamat po sa panonood😊 wala pa po😊
Business minded kasi ako. Kaya pinanunuod. Ko. Plagi. Ang mga videos mo? Actually may business na ako Grocery tama ka. Po need tlaga ng mga tao. Pagkain kahit tataas pa yan bibilhin parin yan dahil sa Need tlaga kumain like bigas, oil eggs lahat na essential foods mabibinta tlaga ako nag start lang din sa 15k pero now medyo. Kumita narin kahit papaano kaso ang problema ko maraming di mababait na tao pinasok ang tindahan ko. Pero laban. Lang ako thanks sa sharing this video inspiring tlaga video na ito
Hi mam:) Salamat po at nakakatulong sa inyo ang mga videos ko. Naiintindihan po kita, sa isang negosyo napadami talaga challenges na kakaharapin, kaya dapat palage tayong handa, wag kang papatinag sa problema dahil ang problemang yan ang magpapatibay sayo bilang negosyante☺️. Goodluck sa business mo mam. Sabay sabay tayo sa pag-asenso! God bless
"Yan Ang dapat na matutunan nateng mga Pinoy," ..Ang Magnegosyo.. kaya nagstart na din Ako ng Munting Negosyo "Grocery store".. Ito dapat Ang pinapanuod ng mas nakakarami para di sayang Ang internet mo..😎😇Thanks sa mga idea.. 💡💡💡
Maraming salamat po sa suporta sir:) I like your videos!
Thank you four washing at kahit paano meron akong kunting natutunan sa papaliwanag mo sa inyong kaalaman at magagamit ko rin abalang arao maraming sa iyo
Napakagandang panuurin mayroon kang mapupulot na idea salamat po bossing
Maraming salamat po bossing! God bless po sa ating lahat:)
Nasa huling part yung pls subscribe na linya. Very good.
Maraming salamat po:)
maganda sari sari store sabayan mo ng e loading, piso net and piso wifi, at coffee and water refilling. di ka talaga malulugi basta alam mo lang ang pag repair at manage ng mga ito. hehe yan pangarap kong negosyo.
Magagawa mo po yan in god's glory:)
Maganda Mg Negosyo Tubo yung Bakal. Para kahit wala benta Atleast may Tubo kapa din
Groceries store ang gusto ko idol pag uwe ko Yun ang gagawin ko or Yung food stall Business.thanks sa share idol dami Kung natutunan sau.
Maraming salamat din po sa panonood! All the best sa itatayo mong business soon😊
Its my business now,need lang talaga na kaw mismo ang tututok sa lahat para magclick
Laundry dito malapit sa amin malakas nung tag ulan pero nung tag init matumal na tapos bigla nalang nagsara
Yon grocery ang gusto ko maumpisahan.thanks sir😊
Yes mam, ang grocery store po ang isa sa mga negosyo na pandemic-proof😊😊 Maraming salamat sa panonood. Godbless!
Dapat lageng naka tutok sa business mo,..
Hardware isa sa mga pinagkukuhaan ng kailanganin sa iyong tahanan o business placed
Thank you po sir. Ang dami ko pong natututunan sa inyo. God bless po
Thank you for sharing ideas Hindi ako magppwala Ng midecine sa store ko at additional street foods
Salamat po sa panonood:) God bless!
Dami rin dpat icoconsider lalo na s mga permit Dios ko po di naman s paggng nega pero ang hussle. Kaya kelangan talaga alam natin umiikot bawat process ng pag nenegosyo. nkkarami na rin ako na try pero susubok at susubok pa rin 😂😊
Ay tama ka talaga dyan sir! Haha
Thanks for the business info so challenging hope #2 Grocery store this 2023
Claim it! 😊🙏
Galing!
Malaking tulong ito sa mga tao may plano mag business...
Yes po😊 Maraming salamat🙏🏻
Make your own risk, dapat dika takot malugi kapag nag business ka try and try until u success
Yes!💪🏻
Laundry + water refilling station combo. The best ito. Malagay mo lng sa tamang lugar. Ok kana tlaga. Yung waste ng water refilling mo yun ung gamitin mo ding pang laundry. Para wlang sayang.
Nice one ito sir:)
Yes that's may dream healthcare business,store business and laundry business.
Kaya po yan!:)
Thankyou idol sa idea balak ko ngayon magdadag ng business para mas marami ang kita
Nice one po👌 tama na mag scale up sa business.
Medyo need ng malaking puhonan at support na puhonan yung mga listing nyo po, ok naman mga business na nasa list nyo. But depends sa mga taong hahawak na. Pero para sa akin if you do business. Not a business na ang profit is 30-50% lng saka takes forever ang ROI. I have a experience sa business may sample ako. I open a business na capital e 300k and nakuha kong makuha 100k per week ang profit and i did it in real life, walang halong social media, at iba pa like baka iniisip nyo mga pyramiding. Nope its totally pure business na base sa simula kung 300k. Naging milyons in 6months ang worth ng luob ng business ko. Just giving a tip if gusto nyung financial freedom pero nasa tao parin yan if ano deskarte. Gud luck
Parang alam ko kung anong business yan, SCAMMER!
Pabato nmn po kng ano business po yan.thanks and God bless
Anu business yan po..pashare nman
Ingat kayo sa matatamis na dila, 🤣🤣🤣🤣🤣🐛🐜😭😭😭😭😭
millions in months , red flag na agad yan. lols
oky kaayo sir sa dhang ako ni nkita 100 percent naosab gyod ako mga disisyon sa knabuhi.
Nice content kay sa tiktok na minsan malaswa pa sa mga bata😉
Maraming salamat po! :)
Yes Po ganda Po tlga kapag may business Wala kang amo. Pasok Po Ang business ko, grocery store,,, dagdag na Po Jan Ang mga paupahan like bedspacer if malapit ka sa mga university, Mall at mga hospitals.
Yes mam, ang ganda ng mga business mo:) keep it up!
Ito yung mga quality na video an dapat tinatankilik hindi yung mga walng kwenta na tungkol sa artisata, religion na bulok at mga tsismis na walang katuturan. God Bless sa iyo pare and more power!!! May idagdag pa ako, sa mga sinabi mo na mga dapat gawin hindi talaga mag sucess kung walang system, strategy is jsut part of the system. Again, salamat sa pag gawa ng vidoe na ito at Mabuhay ang bansang Maharlika! +Sana gumawa ka ng video sa next wave ng renewable economies na ang basan natin na Maharlika ay mayaman sa nickel, copper at cobalt na sangkap para gumawa ng battery mas mayaman pa tayo sa saudi arabia or norway or texas sa energy kung maayos lang ang sistema.
Maraming salamat po sa support:) God bless!
wag mo pkialaman kung ano gawin ng mga tao sa buhay nila, impotante wala silang tinatapakan at iniistorbo, wag mo din lahatin na bulok ang religion...baka kung anong bulok na sekta kinabibilangan mo
napaka Klaro at malinis madaling maunawaan..thank you!
Maraming salamat po🙏🏻☺️☺️
Tamang desisyon at mind set ang need kaibigan at ang take action at tiwala sa may likha kaibigan. God bless po
Salamat po sa panonood:) God bless!
Pera nalang talaga ang kulang. Salamat sa video na ito, sisipagan kong magtrabaho para maka ipon na ng pang business.
Kayang kaya mo po yan! :)
Tama yung siomai business, lakas ng benta, kaso nag covid at my swine flu, hindi pinayagan ang franchise namin magpdala ng mga pork siomai sa amin. So natigil. Im thinking of another na ako na ang gagawa at hindi franchise
Food business is good pagod lang talaga sobra but worth it!
Salamat sa pagbibigay ideya tungkol sa ganitong negosyo
Maraming salamat sir!:)
Ang pharmacy bisnis walang lugi but the downside is mag pa pa sueldo ka ng pharmacist . Malaki din ung sueldo nya .
Hm po sahod Ng pharmacist
Buti nakita ko itong channel mo para kahit papano may idea ako sa mga gagawin ko para makapag simula ng maganda sa business
Maraming salamat at nakakatulong ang channel na to sayo:) Patuloy nyo po sana suportahan ang ating channel:) God bless!
Thank you for giving us goid ideas on how and what business to take. More power!!
Salamat po sa panonood and support:) God bless!
Funeral parlo walang kalaban sa negosyo. walang lugi siguro panalo tayo. embladmer walang kalaban sa propesion solo.
Salamat nakakuha ako ng mga additional na idea.
Salamat din po at nakatulong sayo, sana po patuloy tayong sumoporta sa ating channel, God bless!
Food stall Ang gusto kung subukan kasu kulang pa ako sa kaalamn
Watching from UAE
Thank you for watching! Please continue to support our channel😊 God bless
Yes totoo sis lalo na yung mga taong gusto lang manloko akala nila madami kumita ng pera 😢
Out of 5 ung #2 nagustuhan ko... groceries...kahit maliit lng muna na puhunan mg start. Palaguin nlng .. Thanks Sir for sharing....
Yes po:) Nasa pagmamanage lang naman talaga yan.
maganda ang laundry business talaga. dahil sa sobrang busy ng mga tao ngayon. :)
Movies application the best na negosyo
Huwag mag negosyo kung ang Capital mo ay galing sa lOan or utang dahil kakainin yung paninda mo or item ng Capital ng loan at interests... Dapat pag ipunan ang puhunan sa business
I don't agree, depende yan sa pag hawak ng pera. Kung gastador ka after loans wala talaga mangyagari. Nagsimula sideline ko sa bank loan.
halos lahat ng business galing sa utang at sabi nga hwag kang umutang dahil sa luho,umutang ka kapag may nakita kang oportunity na lumago ang inutang mu
Good naman ang suggestion nya. At least, in case na mag fail, wala kang problema na dapat bayaran.
mali ka jan.pag utang napapaikot mo ang pera.
Give me company na walang utang?
salamat sa video na to,mag tatayo kase ako ng carwarsh with restaurant 🙂 harap ng munisipyo
Salamat din po sa panonood:)
Salamat sa pagshare lods about business. 💛✨
Salamat din po sa panonood😊 God bless!
@@SelfmadePinoy it vb,🤘😇🤗🤗🖤😃😃😃
Water purifier station boss isa sa mas kailanngan din ng tao malinis na inumin.
I’m into rental aka apartment. But what you’ve showed are Filipinos commonly go into it. How about the Chinese way of doing business? How about into online selling that you don’t need a space or capital to get supplies? There are many ways to make money. In my experience don’t handle the business to your retired parents who never go into business during there prime years.
Apartment business walang lugi pero Malaki Ang kapital na kailangann para sa ganun klasing negosyo
@@reynaldobatutomoreno5825matagal din ang ROI ng rental e kasi milyon na pagawa ng bahay ngayon tapos magkano pauupahan, it takes too much years bago ka talaga kumita. Unless ung bahay na minana mo sa parents mo po ung paupahan mo maswerte ka kasi wala kang masyadong gastos, maybe few renovations lang..
I also recommend Yung mga barbershop salon and mga beauty parlor
Malulugi lng pag nag tinda kayo malapit sa family nyo. Kc puro utang 😥💔
Tama ka tlga
Totoo
Totoo to
Omsim
Wag Kang pautang, hayaan mo kung masama tingin nila Sayo, karapatan mo Yun, Sabihin mo negosyo to, Hindi lending
Kailangan din my tao na maasahan lalo na kung nasa ibang bansa ka tapos pinas nag tayo ng negosyo matakaw sa pera kasagaran tao sa pinas lalo na public area matalino sa pan loloko
Nakakamotivate salute po 💯
Maraming salamat po😊🙏
talagang lamang ang risk kapag nag negosyo ka ,kahit na may kapital kang malaki!
Pki sama n din Po ung pgbili Ng property esp. Ung Agri. Land at commercial land....
Salamat sa idea, next time po isasama natin😊 God bless po
Thank you
Welcome:)
Correct. A very helpful content. New friend here
Thank you😇 God bless!
Ang ganda explanation mo boss detalyado..request boos about s coffee shop marami akong doubt. Hingi sana ako idea.
Salamat po sa panonood:) Ano po bang mga doubt nyo?
tama ang iniisip kong business RENTAL....hoping na magkaroon ng kapital.
Yes mam!:) Good luck po sa business mo!
Salamat sa pag share ng kaalaman mo dito meron din akong natutunan
Maraming salamat po:)
Amazing! Very informative. Love it
Salamat po sa panonood. God bless!
Sama mo na sa no.6 Yung electronic store mabilis Ang kita...
ako gsto ko tlg boarding house ung may kasamang sarisari store, karenderya at laundry shop na.
Kaya nyo po yan:) Salamat s panonood. God bless!
Thank you for your help and Business Tips...GOD Bless 🙏 you more😊