Sambahin Kayo; Dios Kayo ay tapat; Pupurihin dakilang Ngalan N'yo; Dakilang Muog
Вставка
- Опубліковано 19 гру 2024
- 1.SAMBAHIN KAYO
i.
O DIOS KAYO ANG AKING KANLUNGAN
SA ORAS NG KAGIPITAN,
PAG-ASA KO’T TAGUMPAY
KAPANGYARIHAN N’YONG TAGLAY
KORO:
PURIHIN KAYO, O AMING DIOS
SAINYO ANG KARANGALAN
SAMBAHIN KAYO, O AMING DIOS
ANG PAGDAKILA SA INYO’Y ALAY
ii.
O DIOS KAYO ANG AKING PAG-IBIG
ANG TANGI KONG LIGAYA, SA TUWING AKO’Y
NALULUMBAY, KAALIWAN INYONG IBINIBIGAY
2.DIOS KAYO AY TAPAT
DIOS KAYO AY TAPAT ANG INYONG BIYAYA
AT KAGANDAHANG LOOB AY SAPAT SA AKIN
SA LAHAT NG PANAHON, KAPIGHATIAN MAN
DUMATING SA BUHAY, ANG KATUPARAN NG
INYONG PANGAKO HINDI N’YO MALILIMUTAN
DIOS KAYO AY TAPAT SA AKING BUHAY
KAPAYAPAAN AY ALAY SA LAHAT NG ORAS
LAGI KAYONG PAPUPURIHAN
KALUNGKUTAN MAN DUMATING SA PUSO
ANG KALAKASAN KO’Y MGA PANGAKO N’YO
DIOS NG AKING BUHAY
3.PUPURIHIN DAKILANG NGALAN N’YO
PUPURIHIN DAKILANG NGALAN N’YONG
HINDI NAGBABAGO, LAGI KONG KANLUNGAN
DIOS NA TAPAT.
(ULITIN)
KORO:
PANGINOON, EMMANUEL, JEHOVAH
WALANG HANGGANG AMA
ILAW AT KAPAYAPAAN
ALPHA AT OMEGA
DIOS NA TUMATAHAN
SA PAGPUPURI NG BAYAN
ENDING:
SA PAGPUPURI NG BAYAN
4.DAKILANG MUOG
O PANGINOON AKING KALAKASAN
INIIBIG KAYONG TUNAY
ATIBAY NA MUOG AT TAGAPAGLIGTAS
DIOS NA SA AKI’Y NAG-IINGAT
TAGAPAGTANGGOL AT KALASAG
KORO:
O YAHWEH, DAKILA AT TAPAT,
PAPURI’T PAGSAMBA’Y
KARAPAT-DAPAT KAYONG TUMANGGAP
ANG PAGDAKILA AT PAGMAMAHAL
SA INYO AY ALAY, KAYO AY BANAL
DIOS NA MAGPAKAILAN PA MAN