Pamantasang Hirang
Вставка
- Опубліковано 2 лис 2024
- #UPLB #UPLB101LoyaltyDay
PAMANTASANG HIRANG
Sa ati’y itinanim nitong Pamantasang Hirang
Ipinunla’y karunungan, nagbukas ng kamalayan
S’yang nagpayabong ng damdaming makabayan
Lahat ito’y handog sa bayan ng Pamantasang Hirang!
Sa’yo natutong magtanim nang búkas ay may maihain
May halaga sa bawat búhay, tapat sa panatang makapalay
Binigyang-dangal ang bawat magsasaka
Lahat ito’y handog sa bayan ng Pamantasang Hirang!
Koro:
Panahon na upang anihin na
Púno ng pangarap, punó ng pag-asa
Ipagdiwang ang tagumpay, ipagdiwang ng may Sablay
Ang isang siglo ng pagbibigay-búhay
Sa ating bayan ng Pamantasang Hirang!
Tulay:
Saan man ako tangayin, mapalayo sa ’yong piling
Marating man namin yaong malayong lupain
Paakyat man, pakanan o pakaliwa
Mananatiling naka-ugat sa tinubuang lupa
Koro:
Panahon na upang anihin na
Púno ng pangarap, punó ng pag-asa
Ipagdiwang ang tagumpay, ipagdiwang ng may Sablay
Ang isang siglo ng pagbibigay-búhay
Sa ating bayan ng Pamantasang Hirang!
Koda:
Patungo sa pagsibol ng
Panibagong siglo ng
Paglilingkod sa bayan ng
Pambansang Pamantasan
Lahat ito’y handog sa bayan ng Pamantasang Hirang!
Ikaw at ako’y handog sa bayan ng Pamantasang Hirang!
Padayon!
-----------------------------------------------------------
Arranged and composed by:
Kim Camille Beltran, Kim Rasel Gutierrez & Ivan Ulgado
Performed by: UPLB Chorale Ensemble