@MarissaKanno-yk9pg probably yes.. sa dami naghahanap ng bahay sa las piñas... tapos mura pa.. ang dami din daw naghanap nitong bahay noong pinuntahan ko to. Kung wala nakakakuha, lalabas ulit yan sa mga susunod na batches at yun ay hndi natin alam kung kelan since random ang listing ni pag ibig.
Happy and blessed Sunday din po. Oo nga po eh, mas madali sana.. kaso meron talaga mga subd. na walang mga numbers, kaya masakit sa ulo maghanap.. very helpful yung mga numbers kasi di naman sa lahat ng oras may mapagtanungan.. laking abala din kasi yan lalo sa mga delivery riders kung walang matanungan at di kabisado yung subdivision. May mga subdivision naman na maayos may mga numbers talaga pero kadalasan wala eh, lalo na yun mga luma at matagal na na saubdivision. Wala naman kasi nagsulong ng ganyang batas kaya di talaga mapilit mga residents. Sa bahay ko din wla ako nilagay, pero katabi ko naman meron kaya ok na ako kahit di maglagay 🙂
yes, bumabaha nga jan pero tolerable nmn at matagal din ako nakatira malapit jan... marami pa rin ang may gusto kumuha dahil ang ganda ng location nya. Di naman yan ibebenta kung hinsi na foreclosed... napakamahal ng mga bahay sa Las Piñas, swerte pa rin nakakuha nyan lalo kung reasonable price.
salamat po sa info, medyo malayo na po talaga sa location ko, check nyo po sa ibang vlogger, marami po nag cocover sa Dasma, kaso lang not sure mukhang mga busy din po yata sila. Me din po may work sa weekdays kaya weekend lang po talaga nakakapaglibot. Ginawa ko na din hobby ang pag iikot sa Cavite. haha 😅 Upcoming lang po ibang post sa ibang properties, edit mode pa po 🙂
sakto lang naman sir, matagal din nangungupahan sa Pulanglupa, noong Ondoy, hanggang tuhod lang baha doon sa inuupahan ko, yung bahain lang jan ay sa zapote malapit.. jan banda medyo di naman masyado mula nung tinambakan sa harap ng elem. school gawa ng condo na ginawa sa Real Street. pero sa Tramo alam ko bahain din talaga.. di ko lang sure kung damay jan.. medyo malayo naman na cya sa Tramo street.Parang yung katabing bahay mas mababa pa nga, pero much better din siguro magtanong tanong kung sakali interested talaga ang kukuha. Di ako makapagtanong masyado.. bihira lang tao nasa labas ng bahay.. hehe
@@BahayMotoRB malaki pulang lupa sir.. Ondoy sa labas niyang Santos Homes hangang leeg.. kahit nmn mga nakatira dito sasabihin din bahain diyan kya mababa appraised value property..
@@Abdelacruz14 ah kunsabagay.. di ko naman din kasi napuntaham jan noon, oo possible kasi malapit sa ilog.. pero dun ako nangupahan dati sa Evergreen Homes.. gang tuhod lang baha doon sa tinirhan ko di ramdam, pero sa ibang bahagi daw ng las piñas lubog din talaga, gadagat nmn kasi talaga ang baha dala ng bagyong yun.
tama.. ganda nga eh.. kung pwde lang sana ako e bid ko yan, ganda tlga ng location. Dami mag aagawan nyan, bihira lng talaga may foreclosed sa Las Piñas na under sa PAG-IBIG.. may mga nakikita ako sa bank foreclosed pero sobrang luma na din. Ang dami na nga daw naghahanap sabi nung guard kaso di nila maituro ng maayos kasi iba yung nakasulat na address eh pero tugma naman na walang nakatira at mukhang napabayaan na ng matagal na panahon yung bahay.. matibay lng structure nya na mga bakal.
@@GobangNewNormal oo nga, ako din dati nasanay lang ako jan pag tag ulan. Go lang idol pag pwde na.. exciting din mag bid at marami din namam chances.. lalo na pag wala kang kasabay...sure win na. Pero ngayon lalo dumadami ang nagbibid, kaya pataasan na din talaga. Nakadepende pa din talaga sa location at kung maganda ang bahay, daming kaagaw, hehe
not sure po, hindi na sya lumabas ulit kaya for sure meron na nyan nakakuha. Marami din daw po naghanap jan sa bahay nung nag visit ako. Bihira po ang foreclosed sa mga lugar na yan, swertehan lang kung may lumabas na for bidding.
Dami ng matatandang basher ni Sir.. parang ngayong lang nakapag-youtube.. try niyong maghanap ng foreclosed property para malaman niyo hirap niyan.. akala mo nmn binabayaran nila yung nag-video.. 😂
hehe, salamat idol, ayos lang naman, hayaan na sila, atleast mas ma improve pa natin mga susunod na video. Ganyan talaga ang life, yung iba nga jan sumisikat sa basher. Ang importante naman ay nakatulong tayo sa iba 😄😇🙏
di ako sure, parang ibang area cya.. pero bihira po yata, check nyo po sa listahan ni pag ibig, nasa website naman po lahat downloadable. Currently po sa list for this week ng 1st auction, meron lang apat nakalista.. puro po occupied yung tatlo at yun isa ay LOT ONLY.
wala po.. naluma na po yung bahay. Btw tapos na po ang bidding nito, its either may nakakuha na or lalabas ulit sa susunod na bidding kung walang nakakuha. Pero for sure meron na nakakuha nyan.
opo, madyo bahain pero nakasanayan ko na din jan, matagal ako nakatira jan.. pag umapaw na ang ilog baha talaga, pero mas malala doon sa may zapote.. mababa talaga at malapit na sa dagat/ilog.
dito naman is bago lang ako nag cocontent..kaya naisama ko yung pti paglilibot...pero yung mga recent ko na mga vdeos.. ni cut ko na po yung mga unnecessary scenes.. para di cya puro byahe lang. salamat pa rin sa feedback 👍
@@elordebracero9490 dpnde po sa bid offer nyo.. para malaman ang expected monthly amortization.. gamitin nyo po ang Loan Affordability Calculator sa Pag-ibig website
Very affordable po house dyan,, ganda p NG Lugar,, Connected n ako syo kabayan,, new friend from New Zealand,, dikitan mo n lng ako dto s munti ko tsanel please salamat, ingat..
tapos na po ito, last week pa po, ang bago po ngayon is Batch 15154 for Negotiated at Tranche SPB 222 for PUBLIC Auction check nyo po ang dalawang vlog na aking post sa description po nandoon ang mga links ng downloadable forms or direct po kayo sa main web site ng pag-ibig aquired assets, nasa description po ng aking mga video ang mga forms kasama sa listahan ng mga bahay.
@@yvettemartinez7780 tapos na po ang bidding nito.. bihira lang po magkakaroon ng foreclose sa las Piñas kay pag-ibig, sa mga bank foreclose yata meron kaso di naman ako nag explore ng bank foreclose.
@@yvettemartinez7780 opo, tapos na yan.. weekly iba iba ang nakalista sa pag-ibig. kung walang nakakakuha lalabas ulit yan, pero di ko alam kung kelan. Pero malabo walang nakakakuha.. kasi maganda location jan at mura pa
for sure nakuha na po, di ko na nakita lumabas ulit sa listing eh. Tatlo po palagi yung options na pagpipilian nyo: 1. CASH (1 Month) 2. SHORT TERM (12 Months) 3. LONG TERM ( Up to 30 Years) Check nyo nalang po sa description ng aking video.. nakalagay po yung payment terms na pagpipilian at nasa bid forms din yan na fill upon nyo kapag kayo ay magbibid.
Hello po @BAHAY MOTO, nakita ko po sa wall ko itong channel ninyo. Totoo po ba na mahal na ang Lupa dyan sa Las Pinas City. Meron po ba kayong idea kung magkano na ang Average Market Value ng Lot per square meter sa Las Pinas especially sa may Las Pinas Village. . Maraming Salamat po 🙏🏽😊. Ingat nalang din po sa pagmomotor Host. 😊
opo.. 5% ng total bid offer mo ay bayaran mo cya ng cash sa pag-ibig.. applicable lng yung 5% na bid bond kapag nag bid ka under sa PUBLIC AUCTION(NO DISCOUNT) at saka PUBLIC AUCTION(WITH DISCOUNT). Kapag sa NEGOTIATED SALE ka naman nag bibid, 1K lang ang magiging reservation.. bale yung 1k na ang magiging bid bond mo, wala na yun 5% of the total bid offer.
hndi ko po alam.. pero hndi na po sya lumabas ulit kaya for sure meron na nakakuha.. sa dinami dami ng naghahanap ng las piñas.. kahit pa medyo bahain ang area.. tolerable at pagkainteresan pa din yan.. kasi bibihira lng talaga magkakaroon jan.. sa mahal ng mga properties jan
@@joselitomediona5298 pwede po, mag assign po kayo ng representative with SPA na notarized sa country kung saan kayo nag work, and valid id po. Check nyo po ang requirements for ofw. Di ko po masyado ma explain kasi di ko naman na experience.. pero nakalagay naman po checklist of requirements sa website. Yung e asign nyo po ai sabihan nyo nalang din po na mag inquire mismo sa pag-ibig regarding sa pag bibid kung ang mag bibid ay nasa ibang bansa..pinapayagan naman nila basta authorized nyo po yung tao na magbibod para sa inyo provided with legal documents na hinihingi ni pag-ibig... mas ok kung si Pag-ibig mismo mag advice for clear details.
opo pero tolerable naman, matagal po ako nakatira jan sa may pulanglupa din, nag rerent lng ng boarding house, bago ako makakuha ng foreclosed na tinitirhan ko na ngayon.
maayos pa nga yan, marami pang mas sira sira na foreclosed?.. anu ba ini expect nyo sa foreclosed? brand new? dami ngang gusto mabili yang bahay na yan, kayo panay reklamo sa buhay.. hehe 😅, ini stress nyo lng sarili nyo. suntok sa buwan magkaroon ng ganyan ka murang bahay sa las piñas... try nyo maghanap ng murang bahay jan.. mababa na ang 3M, maliban nlng kung sa squatter ka titira or yung mga bahay na under sa NHA. which is di nmn totally sayo.. pag may demolition.. goodbye ang bahay mo.
Lampas kalahati ng vlog nakakahilong paghahanap sa lugar, tapos pagdating tsaka lang hahanapin pa ulit. Vlog is very unprofessionally done, what a waste of time for viewers!!! Nobayan, kalawanging basura na yang bahay na iyan ah. Kaloob-looban pa, what's so good about it. Worth foreclosing talaga! Nobayan! Grrr...
Hahaha, kalma lang lods, yes po, ganun po talaga ang totoo, mahirap po talaga hanapin, kahit yung guard at yun kapitbahay sa same block ay di nila maituro ng maayos. Kailangan mo talaga ng mahabang pasensya. pwede ka naman mag ffwd direct sa property. Kung hindi mo naman naranasan tumira sa lugar, hindi mo talaga ma appreciate yung value ng property. Pero try mo mag reasearch kung magkano na zonal value ngayon sa Las Piñas. Naluma lang yung bahay kasi matagal na walang nakatira, pero matibay pa yung structure nya. Kaya isa sa requirements ni Pag-ibig ay kailangan mo puntahan yung property para makita mo ang tunay na status. Di mo pa nakita yung ibang foreclosed na mga kalansay na yung bahay binibenta pa rin ni PAG-IBIG, lalo na pag mataas zonal value sa area. Ayun ang appraisal nila, wala tayong magagawa, pero para sakin, ang mura nyan sa location nya.
mura pa yan, kahit nga walang bahay, ang value ng lote ang nagpapataas jan, compare mo sa mga properties sa area, mababa 3M pinaka mura, sa bundok po mura ang lupa,hehe. Kaya better invest sa real estate, habang tumatagal, tumataas ang value lalo na pag well develop at urbanize na ang lugar. Maganda jan pag natapos na LRT sa c5 extension Pulanglupa, ang lapit lapit lang jan.
Noble choice of blog content. Keep it up brother. A big help for house hunters...
maraming salamat po 🙂😇
More power & God bless!!
maraming salamat po 🙂🙏😇
Thank you po sir sa vidéo more power po more vidéo at ingat po palagi
thank you po sa pag subaybay, more videos upcoming po 🙂
@@BahayMotoRB sir baka meron nman sa bandang batangas...parang crowded na po kase ang cavite...baka lng po salamat po sir😉👍🙏
@@janniedelapena2771 meron po, kaso meedyo malayo po sa location ko.. hehe
@MarissaKanno-yk9pg probably yes.. sa dami naghahanap ng bahay sa las piñas... tapos mura pa.. ang dami din daw naghanap nitong bahay noong pinuntahan ko to. Kung wala nakakakuha, lalabas ulit yan sa mga susunod na batches at yun ay hndi natin alam kung kelan since random ang listing ni pag ibig.
@MarissaKanno-yk9pg welcome po 🙂
Ang layo ng iyong video.Pwede naman Zapote papunta diyan
@@Inocencia-e7k thank you po, forward nyo nlng po ang video direct na sa property,
Grabe, murang mura! Keep up the good content po! ❤️💯
Thank you po, likewise 😊😇🙏
Nice content Roy.
Salamat, haha, kamusta... mas ok to totoong content walang scripted at prank 😅
Salamat po sa sharing
welcome po 🥰
Happy sunday sa ating lahat,dapat required talaga ng post mapping address ang number ng manga bahay,para de magkaligaw ligaw ang naghahanap.
Happy and blessed Sunday din po. Oo nga po eh, mas madali sana.. kaso meron talaga mga subd. na walang mga numbers, kaya masakit sa ulo maghanap.. very helpful yung mga numbers kasi di naman sa lahat ng oras may mapagtanungan.. laking abala din kasi yan lalo sa mga delivery riders kung walang matanungan at di kabisado yung subdivision. May mga subdivision naman na maayos may mga numbers talaga pero kadalasan wala eh, lalo na yun mga luma at matagal na na saubdivision. Wala naman kasi nagsulong ng ganyang batas kaya di talaga mapilit mga residents. Sa bahay ko din wla ako nilagay, pero katabi ko naman meron kaya ok na ako kahit di maglagay 🙂
Thank you ingat ♥️💐♥️
salamat po 🙂
Thank you po...
Welcome 😊
Kaya po yan pinagbili KC binabaha yan lugar..hanggang liig
yes, bumabaha nga jan pero tolerable nmn at matagal din ako nakatira malapit jan... marami pa rin ang may gusto kumuha dahil ang ganda ng location nya. Di naman yan ibebenta kung hinsi na foreclosed... napakamahal ng mga bahay sa Las Piñas, swerte pa rin nakakuha nyan lalo kung reasonable price.
Sir sna ma puntahan din po Windward Hills Brgy. Burol, Dasma po. Malapit lng daw Kadiwa Mababa lng po start ng bid offer nya.. 50sq lot nya
salamat po sa info, medyo malayo na po talaga sa location ko, check nyo po sa ibang vlogger, marami po nag cocover sa Dasma, kaso lang not sure mukhang mga busy din po yata sila. Me din po may work sa weekdays kaya weekend lang po talaga nakakapaglibot. Ginawa ko na din hobby ang pag iikot sa Cavite. haha 😅 Upcoming lang po ibang post sa ibang properties, edit mode pa po 🙂
Abang ko sir ung Celina Plains so far po ung Villa Antonina po mukha medyo pa n unit ano po..😊
@@zamj3n20 bukas ko upload, work mode muna 😅
Patingin nman po baka meron dito sa Calamba Laguna..
Check nyo po sa ibang vlogger ma'am, may nag cocover po jan banda sa Laguna. Medyo malayo po ako sa location nyo po, di abot ng powers, hehe
Bahain sa lugar na yan.. kung magbibid kayo i-add niyo na pangpataas ng bahay..
sakto lang naman sir, matagal din nangungupahan sa Pulanglupa, noong Ondoy, hanggang tuhod lang baha doon sa inuupahan ko, yung bahain lang jan ay sa zapote malapit.. jan banda medyo di naman masyado mula nung tinambakan sa harap ng elem. school gawa ng condo na ginawa sa Real Street. pero sa Tramo alam ko bahain din talaga.. di ko lang sure kung damay jan.. medyo malayo naman na cya sa Tramo street.Parang yung katabing bahay mas mababa pa nga, pero much better din siguro magtanong tanong kung sakali interested talaga ang kukuha. Di ako makapagtanong masyado.. bihira lang tao nasa labas ng bahay.. hehe
@@BahayMotoRB malaki pulang lupa sir.. Ondoy sa labas niyang Santos Homes hangang leeg.. kahit nmn mga nakatira dito sasabihin din bahain diyan kya mababa appraised value property..
@@Abdelacruz14 ah kunsabagay.. di ko naman din kasi napuntaham jan noon, oo possible kasi malapit sa ilog.. pero dun ako nangupahan dati sa Evergreen Homes.. gang tuhod lang baha doon sa tinirhan ko di ramdam, pero sa ibang bahagi daw ng las piñas lubog din talaga, gadagat nmn kasi talaga ang baha dala ng bagyong yun.
@@BahayMotoRB sana sipagin ka magupload lagi sir! naka-subscribe na ako..
@@Abdelacruz14 salamat sir, sa abot ng makakaya.. hehe, ginagawa ko na ngang mission to.. ang maikot ang buong cavite at kalapit lugar.. haha 😄
Ang ganda nyan sir mura na yan mahal ng lot dyan
Pde naman yan tanungin sa hoa para cgurado ka bago mag bid
tama.. ganda nga eh.. kung pwde lang sana ako e bid ko yan, ganda tlga ng location. Dami mag aagawan nyan, bihira lng talaga may foreclosed sa Las Piñas na under sa PAG-IBIG.. may mga nakikita ako sa bank foreclosed pero sobrang luma na din. Ang dami na nga daw naghahanap sabi nung guard kaso di nila maituro ng maayos kasi iba yung nakasulat na address eh pero tugma naman na walang nakatira at mukhang napabayaan na ng matagal na panahon yung bahay.. matibay lng structure nya na mga bakal.
tama.. ang taas na ng value ng mga properties jan sa Las Piñas
Medyo binabaha lang dyan pag tagulan , pero sanayan lang , sarap sana mag bid pero di pa ako pde
@@GobangNewNormal oo nga, ako din dati nasanay lang ako jan pag tag ulan. Go lang idol pag pwde na.. exciting din mag bid at marami din namam chances.. lalo na pag wala kang kasabay...sure win na. Pero ngayon lalo dumadami ang nagbibid, kaya pataasan na din talaga. Nakadepende pa din talaga sa location at kung maganda ang bahay, daming kaagaw, hehe
@@BahayMotoRBgaano po binabaha?
meron ka ba sa Quezon City
sorry po, malayo po ako sa location
pls chk if there are foreclosed t Calamba Park Place, Calamba City
Thank you, medyo malayo po ako sa area
Hello po pano po makita lahat ng for bidding dito sa las piñas sana masagot
panoorin nyo po ang GUIDE ko na video.. nandoon po ang walkthrough kung paano makita ang listahan ng mga properties.
ua-cam.com/video/iqtT-MkeJiQ/v-deo.html
panu po at thru pagibig poba
yes po.. kaso tapos na po ang bidding period nito
nabili na po ba hanap ko yzapote pulanglupa or tramo basta malapit sa aldana
not sure po, hindi na sya lumabas ulit kaya for sure meron na nyan nakakuha. Marami din daw po naghanap jan sa bahay nung nag visit ako. Bihira po ang foreclosed sa mga lugar na yan, swertehan lang kung may lumabas na for bidding.
Hi pwede ba mang hingi ng mga forms na eh fill out ang mga forms para makasali din ako sa pag bid from your mga vedios
nasa description po ng video ang mga link or punta kayo sa official website ng pag-ibig under Properties for Sale
Dami ng matatandang basher ni Sir.. parang ngayong lang nakapag-youtube.. try niyong maghanap ng foreclosed property para malaman niyo hirap niyan.. akala mo nmn binabayaran nila yung nag-video.. 😂
hehe, salamat idol, ayos lang naman, hayaan na sila, atleast mas ma improve pa natin mga susunod na video. Ganyan talaga ang life, yung iba nga jan sumisikat sa basher. Ang importante naman ay nakatulong tayo sa iba 😄😇🙏
good evening sir. available po kaya ito?
pag di po sya lumabas ulit sa for bidding, hndi po available
sir baka po meron sa antipolo baka lang po🥰
di ako sure, parang ibang area cya.. pero bihira po yata, check nyo po sa listahan ni pag ibig, nasa website naman po lahat downloadable. Currently po sa list for this week ng 1st auction, meron lang apat nakalista.. puro po occupied yung tatlo at yun isa ay LOT ONLY.
Available p ba to sir,magkano ang cashout
tapos na po ang bidding nito.. for sure meron na nakakuha nyan
Mura nga yan
opo, swerte ng nakakuha nyan 🙂
Parang occupied may aircon yung bahay
wala pong tao.. kinakalawang na mga pinto at bakal pati mga grills sa labas
Hello po may tao po b sa loob. May aircon pa po? Unoccupied po kya siya
wala po.. naluma na po yung bahay. Btw tapos na po ang bidding nito, its either may nakakuha na or lalabas ulit sa susunod na bidding kung walang nakakuha. Pero for sure meron na nakakuha nyan.
Thankss keep up the vlogging sir andami niyu pong matutulungan and God bless ❤❤❤
@@dockimvlogs1870 maraming salamat po 🙂
Dapat ksbisado mo na lugar at bahay para hindi nagaaksaya ng panahon at oras
luh... paano ko nmnnkabisaduhin yun lalo na kung di nmn ako taga doon? 😅
Nabaha po ata sa pulang lupa....
opo, madyo bahain pero nakasanayan ko na din jan, matagal ako nakatira jan.. pag umapaw na ang ilog baha talaga, pero mas malala doon sa may zapote.. mababa talaga at malapit na sa dagat/ilog.
Mas maganda sir kung maikli lang uung travel sa video mas mag focus ka dun sa house tnx
dito naman is bago lang ako nag cocontent..kaya naisama ko yung pti paglilibot...pero yung mga recent ko na mga vdeos.. ni cut ko na po yung mga unnecessary scenes.. para di cya puro byahe lang. salamat pa rin sa feedback 👍
Magkano cash and hulugan through pag ibig
@@elordebracero9490 dpnde po sa bid offer nyo.. para malaman ang expected monthly amortization.. gamitin nyo po ang Loan Affordability Calculator sa Pag-ibig website
Very affordable po house dyan,, ganda p NG Lugar,, Connected n ako syo kabayan,, new friend from New Zealand,, dikitan mo n lng ako dto s munti ko tsanel please salamat, ingat..
thank you po, nice New Zealand 🙂
@@BahayMotoRB salamat din.
Please Kailngn kong form now saan po bid pag iBIG
tapos na po ito, last week pa po, ang bago po ngayon is Batch 15154 for Negotiated at Tranche SPB 222 for PUBLIC Auction check nyo po ang dalawang vlog na aking post sa description po nandoon ang mga links ng downloadable forms or direct po kayo sa main web site ng pag-ibig aquired assets, nasa description po ng aking mga video ang mga forms kasama sa listahan ng mga bahay.
Pero tpos n bidding pero open p po b?
Kailngn ko sn kz las pinas pwede po b pki tulungn po ako
@@yvettemartinez7780 tapos na po ang bidding nito.. bihira lang po magkakaroon ng foreclose sa las Piñas kay pag-ibig, sa mga bank foreclose yata meron kaso di naman ako nag explore ng bank foreclose.
@@yvettemartinez7780 opo, tapos na yan.. weekly iba iba ang nakalista sa pag-ibig. kung walang nakakakuha lalabas ulit yan, pero di ko alam kung kelan. Pero malabo walang nakakakuha.. kasi maganda location jan at mura pa
How to join the bidding? Hope you vlog for it.
thank you, gagawa na po, hehe, upload ko nalang pag naayos
Nakuha na po Kaya to sir? Ang laki ng LOTe at mura pa. Ask ko Lang po pagngbid po ba ng no discount kailangan full pay ung bid amount agad?
for sure nakuha na po, di ko na nakita lumabas ulit sa listing eh.
Tatlo po palagi yung options na pagpipilian nyo:
1. CASH (1 Month)
2. SHORT TERM (12 Months)
3. LONG TERM ( Up to 30 Years)
Check nyo nalang po sa description ng aking video.. nakalagay po yung payment terms na pagpipilian at nasa bid forms din yan na fill upon nyo kapag kayo ay magbibid.
😢saan ba dyan at magkano
nasa video po ang price pati address
Magkano Po yan
tapos na po bidding nito.. may nakakuha na po yata
Hello po @BAHAY MOTO, nakita ko po sa wall ko itong channel ninyo. Totoo po ba na mahal na ang Lupa dyan sa Las Pinas City. Meron po ba kayong idea kung magkano na ang Average Market Value ng Lot per square meter sa Las Pinas especially sa may Las Pinas Village. . Maraming Salamat po 🙏🏽😊. Ingat nalang din po sa pagmomotor Host. 😊
Maraming salamat po, nasa site po ng BIR check nyo po dito. www.bir.gov.ph/index.php/zonal-values.html
@@BahayMotoRB hello sir available panna iron thanks
@@josiejones9271hello po, tapos na po ang bidding nito.. abang nalang po pag meron ulit.. kaso bibihira talaga magkaroon jan sa las piñas
Salamat po sir
Un po ba bid bond Sir is cash ba2yaran?
opo.. 5% ng total bid offer mo ay bayaran mo cya ng cash sa pag-ibig.. applicable lng yung 5% na bid bond kapag nag bid ka under sa PUBLIC AUCTION(NO DISCOUNT) at saka PUBLIC AUCTION(WITH DISCOUNT).
Kapag sa NEGOTIATED SALE ka naman nag bibid, 1K lang ang magiging reservation.. bale yung 1k na ang magiging bid bond mo, wala na yun 5% of the total bid offer.
@@BahayMotoRB Thank u so much po,very useful ng mga videos mo at nadag2an ang knowledge ko,keep it up and more subs po
@@aileenalkeni9420 Thank you din po 🤭😇
Hi available pa po ba yan?
hindi na po, tapos na po yung bidding period nya
Bahain jan,pansinin mo matataas ang floring jan
tama po, pro matagal din ako tumira jan sa may Evergreen Homes, more than 10 yeears na, sanayan lang pag tag ulan... tolerable nmn ang baha 🙂
nakuha na po ito boss?
hndi ko po alam.. pero hndi na po sya lumabas ulit kaya for sure meron na nakakuha.. sa dinami dami ng naghahanap ng las piñas.. kahit pa medyo bahain ang area.. tolerable at pagkainteresan pa din yan.. kasi bibihira lng talaga magkakaroon jan.. sa mahal ng mga properties jan
Paano mgbid sir
may post po ako na guide kung paano mag bid, panoorin nyo lang po, ask lang po kayo kung may tanong pa po 🙂
Kahit po dto ako sa ibang bansa . Puwede b
@@joselitomediona5298 pwede po, mag assign po kayo ng representative with SPA na notarized sa country kung saan kayo nag work, and valid id po. Check nyo po ang requirements for ofw. Di ko po masyado ma explain kasi di ko naman na experience.. pero nakalagay naman po checklist of requirements sa website. Yung e asign nyo po ai sabihan nyo nalang din po na mag inquire mismo sa pag-ibig regarding sa pag bibid kung ang mag bibid ay nasa ibang bansa..pinapayagan naman nila basta authorized nyo po yung tao na magbibod para sa inyo provided with legal documents na hinihingi ni pag-ibig... mas ok kung si Pag-ibig mismo mag advice for clear details.
Thank you
Nahilo ako sa camera mo nakaksuka. Sana kinut mo nalang yung part na nawawala ka. Sobrang nakakahilong nakakasuka yung pag ikot mo ng cam.
yes po.. cut na po mga gnyan sa mga new videos, thank you 🙂
bahain jan sa santos 😅
tama pero sanayan lang din tlga
Tapos na po ba ang bidding sir ?
dito tapos na po, every week iba iba ang for bidding.
Binabaha po yan lugar na yan santos Kaya pinag bibili
opo pero tolerable naman, matagal po ako nakatira jan sa may pulanglupa din, nag rerent lng ng boarding house, bago ako makakuha ng foreclosed na tinitirhan ko na ngayon.
Pinas Palpak always
hehe, Nasa tao na din talaga ang problema, dinamay pa ang buong bansa 🙂
Anoba talaga hinahanap mo
Ang Gulo mauubos na video
hinahanap ko po ang forever ko.. hehe 😄,✌️ you can forward naman po.. hanap ng bahay na may kasamang tour na din 😄
Nag Road Trip kalang yata
opo, may kasamang roadtrip na din 😄 pinapakita ko lang po kung paano ko pinuntahan at hinanap yung property, sorna 😅✌️
Sira sira
maayos pa nga yan, marami pang mas sira sira na foreclosed?.. anu ba ini expect nyo sa foreclosed? brand new? dami ngang gusto mabili yang bahay na yan, kayo panay reklamo sa buhay.. hehe 😅, ini stress nyo lng sarili nyo. suntok sa buwan magkaroon ng ganyan ka murang bahay sa las piñas... try nyo maghanap ng murang bahay jan.. mababa na ang 3M, maliban nlng kung sa squatter ka titira or yung mga bahay na under sa NHA. which is di nmn totally sayo.. pag may demolition.. goodbye ang bahay mo.
Lampas kalahati ng vlog nakakahilong paghahanap sa lugar, tapos pagdating tsaka lang hahanapin pa ulit. Vlog is very unprofessionally done, what a waste of time for viewers!!! Nobayan, kalawanging basura na yang bahay na iyan ah. Kaloob-looban pa, what's so good about it. Worth foreclosing talaga! Nobayan! Grrr...
Hahaha, kalma lang lods, yes po, ganun po talaga ang totoo, mahirap po talaga hanapin, kahit yung guard at yun kapitbahay sa same block ay di nila maituro ng maayos. Kailangan mo talaga ng mahabang pasensya. pwede ka naman mag ffwd direct sa property. Kung hindi mo naman naranasan tumira sa lugar, hindi mo talaga ma appreciate yung value ng property. Pero try mo mag reasearch kung magkano na zonal value ngayon sa Las Piñas. Naluma lang yung bahay kasi matagal na walang nakatira, pero matibay pa yung structure nya. Kaya isa sa requirements ni Pag-ibig ay kailangan mo puntahan yung property para makita mo ang tunay na status. Di mo pa nakita yung ibang foreclosed na mga kalansay na yung bahay binibenta pa rin ni PAG-IBIG, lalo na pag mataas zonal value sa area. Ayun ang appraisal nila, wala tayong magagawa, pero para sakin, ang mura nyan sa location nya.
Bulok na ang mahal
mura pa yan, kahit nga walang bahay, ang value ng lote ang nagpapataas jan, compare mo sa mga properties sa area, mababa 3M pinaka mura, sa bundok po mura ang lupa,hehe. Kaya better invest sa real estate, habang tumatagal, tumataas ang value lalo na pag well develop at urbanize na ang lugar. Maganda jan pag natapos na LRT sa c5 extension Pulanglupa, ang lapit lapit lang jan.
Anong Purpose moba
ang maghanap ng forever po... hehe, naku highblood ka po ata mam, you can forward po kung gusto mo makita agad yung bahay 😇
Salamat po sa sharing
welcome po