dyan din ako sa 3sm , pati insurance ko 3sm na rin para isahang gawa tapos rekta na sa window pag punta sa lto. nakakatuwa nga ngayon e kaya na mag register ng kotse in 1 hr. dati abutin ka ng halfday kakahintay sa emission, insurance tsaka processing.
@jle818 Totoo po! Di lang halfday minsan whole day pa. Yung hassle din ng inspection sa LTO lalo kung walang parking. Pag natyempo pa na maraming tao naku po 🤦
@JaimejrLumacad Maaari nga po Sir lalo pg malabo na pati ang mata. Kaya hindi pa rin naman nila tinatanggal yung lumang proseso pwede pa rin magrehistro sa dating paraan.
Jan ako galing kahapon. yes mas madali na magrehistro punta ka lang jan kuha insurance online rehistro then goods na. hindi ako makapaniwala 20mins lang nakapag rehistro nako hahaha
@carljohannb.samson6142 Same bossing! Ako rin first time ko lang din kasi non. Nakahanda pa akong pumila maghapon at syempre LTO ang lakad alams na. Wala pang isang oras tapos na lahat parang ako pa yung nabitin hahah
@@ricketts604 Medyo papunta na nga po dun. Masmaganda rin kung maging standard na talaga. Pero sa ngayon sa dating process sa LTO pa rin po karamihan nagpaparehistro.
Sa Oona Insurance P600 lang yung car. Nagpa emission test ako kanina sabay kuha ng Oona insurance sa malapit sa emission testing. Dito sa Marikina area. at sa bahay ko na tinapos online. Wala ng pila sa LTO. Automatic pala na iiencode na ng emission test at yung Oona insurance sa LTO Portal mo.
@orenji13 Yung sa online registration po ba yung tinatanong nyo Sir? Pag i-e-enroll po kasi yung sasakyan sa LTMS portal nyo, ipepresent nyo muna yung OR/CR sa LTO sila dun ang maglilink. Meaning once nakaregister na, hindi na kelangan ipresent yung OR/CR sa mga susunod na taon na magrerenew ng registration sa portal.
Yes po since same checking lang din sila unless mas may items na wala yung casa. Or pag magpapa PMS isama yung “LTO certification pacakge” kahit may additional ng kaunti
@@RabbyCalicdan Oh okay gets! Oo nga po magandang point yun ah. Tutal kumpleto checklist naman PMS ng casa pwedeng mag implement ng adherence sa road worthiness same sa standard na irequire ni LTO. Kung all clear after ng PMS sa casa then automatically pasado na rin sa kanila for registration.
@@high5hive na banggit din ni Raffy Tulfo nun kahit Comprehensive dapat di na din hanapan ng TPL kasi doble doble.. pero salamat boss sa content actually nag 3SM ako this week dahil sa vlog mo hehe, nagpa link narin ako sa LTO sana nga next year online nalang parang drive thru lang ang bilis sana ganun lagi
ok yng mgn gnyn tulad s abroad, pero kailngan ang sistema ng lto eh katylad din ng bilis s abroad. mabbash tlga yan ng mga pinoy na naka experienced ng ganyan s abroad. unang una mapupuna q jan ung availability nyan, lahat b ng major cities eh may ganyan n? and gaano kbilis ang proseso. s middle east pra ka lng nag drive thru s mcdo.
@blacksheep864 Opo so far may accessible na PMVIC na nationwide in all regions. Mabilis lang din yung buong inspection and emission process exactly kung pano mismo sa video. Ang nagpatagal lang yung kwentuhan lol
Nag pa renew ako ng registration last year sa fixer which is a big mistake 😢. Tapos gumawa siya ng ibang LTMS Portal ko at dun nag upload nung motorcycle ko po. Pwede pa din ba ma upload yung vehicle ko sa portal ko yung gamit ko sa license ko po?
@josephtoledo2734 Tingin ko po pwede naman. Lalo kung sa inyo po nakapangalan yung rehistro masmadali. Kasi ganun din gagawin kung kunyari nabenta/bumili ng second hand kelangan din malipat yun, kaya malamang may option po na ganun. Di ko lang sure kung pwede nyo na gawin online baka kelangan sa LTO mismo ipa-link.
@@romywong7421 Eto po yung link para sa complete list ng requirements tska yung step-by-step process: ltoportal.ph/transfer-car-vehicle-ownership/#Transfer_of_Ownership_LTO_Requirements
DITO SA CALIFORNIA EVERY YEAR ANG RENEWAL. PERO EVERY OTHER YEAR LANG ANG EMISSION.....NI IINSPECT LANG MGA MECHANICAL KUNG NA AKSIDENTE AT NA SALVAGE NA AT GUSTO MO PA I PA GAWA AT I REGISTER ULIT
@EvendimataE Ibang klase po ata talaga sa ibang bansa. Mas preferred din ata magpalit na lang ng bagong sasakyan kesa magpagawa lalo kung maraming gagawin.
@@high5hive OO MEDYO MAHAL KSE MAG PA GAWA...PAG LUMA NA MAS MABUTI NA TALAGA MAG PALIT NA LANG. AKO LUMA YUNG SASAKYAN KO PERO DI AKO NAG PAPALIT KSE MARUNONG NAMAN AKONG MAG GAWA
@EvendimataE Nice! Ma-alam din po pala kayo magkalikot ng sasakyan. Masaya siguro jan lalo't maraming magagandang powertools at normal lang ata na may maluwag na garahe automatic pa yung garage door.
Tanong Lang pano Naka kalusot ang jeepney at tricycle... Sira ba Yung emission nyo? Kitang kita ko sobra usok kulay itim pero pasado..... Alisin na emission test...
hirap Ngayon sa mga emission centers pinapayagan nilang mag operate ang mga fixer sa loob ng facility nila. Magpapanggap na tauhan ng emission center tapos mabibiktima Yung di alam ang proseso.
@xpaul9875 Doble ingat po talaga dapat pag ganyan. Hangga't maari siguraduhin bago makipag transact kung pwede hingan ng ID. Kadalasan nakapaskil naman yung mga staff nila kaya kung wala yung picture dun sa org chart nila, baka hindi nila tao yun.
sa motor ko na naka link sa ltms account ko, punta sa PMVIC... aba after ng emission plus insurance. then sa ltms na ako nag renew... gcash mode of payment hehe INSURANCE + EMISSION = 1100 RENEW FEE AT GCASH = 330 TOTAL = 1430 LESS HASSLE , NO NEED NA PUNTA NG LTO OFFICE PARA PUMILA HEHE
@mr.eyeshield Swabe Sir! Gusto ko rin sana ganyan kaso yung motor ko po hindi sakin nakapangalan second hand ko nabili. Need muna matransfer ownership para maregister sa LTMS ko.
Grabe! 610.40 lang ang tariff rate premium ng 4-wheel private car! Bawal po yang sobrang taas ng singil jan eh may comm narin naman kayo sa 610.40 na premium!!!
@maxeisenhardt8174 Alam ko po hindi na under ng PMVIC yung insurance. Meron lang available na within the establishment. Pero malaking katanungan din talaga bakit anglayo ng price range between sa pinakamahal VS pinakamura.
@bler43 Not sure Sir kung same sa lahat ng LTO branches. Pero dito sa Window 12 daw po, ipe-present lang yung OR/CR then ililink na nila. Pag log in nyo sa LTMS portal nyo andun na yung sasakyan nyo.
@@high5hive ahh sa window 12 din ako sa las pinas branch nag pnta kaso sa case ko kasi both name ko at ng wife ko ung naka name.. pinagawa nya ako ng partnership achuchu dun sa ltms portal nung bumalik ako di naman nya nilink tapos sabay sabi sakin na bumalik nalang ako september kng kelan ko irerenew ung registration ko for the first time. ang weird
@bler43 Ah opo ganun nga daw. Kelangan same exact name kasi yung nakapangalan sa sasakyan tska dun sa profile nyo sa LTMS portal. Then dapat after ng most recent na rehistro daw. Kaya sabi dun sa Step 1 tapusin muna yung rehistro bago dumeretso sa window 12.
Pag naupdate na yung pangalan ng same name. Kelangan muna marehistro ng normal process once. Then sa mga succeeding, pwede na online via portal. Kelangan lng nung unang record under new name.
@@high5hive napa renew ko na ung sakin ser salmat sa vid nato haha na ilink na rin ung car ko sa LTMS portal ko and 3sm din ako nagpa pmvic muna bago pumunta ng LTO para mag renew and pa link ng account. Sa wakas na link na haha! next year sa 3SM nalang ako ppnta and kuwa tpl din tapos online nako magrerenew XD
Hi po ask ko lang, Yung sasakyan po kasi eh wife ko ang owner so naka pangalan sa kanya pagdating po ba sa LTO Portal pwedeng ako na spouse ang may Account sa Portal pero sasakyan ng asawa ko yung iadd sa registered vehicles?
@MrKenski12 Hindi po pwede, Sir. Kailangan po same yung pangalan sa rehistro ng sasakyan tska sa profile sa LTO portal. Sa case nyo po pwede siguro i-enroll yung vehicle sa LTMS portal account ni misis. Tapos yung LTMS portal ni misis na lang ang ilologin nyo sa phone nyo para irenew. May isa din po dito sa comment section pinaindicate daw nila na partership something yung rehistro nilang magasawa. Hindi ko po alam pano yun pero try nyo dun magcomment sa thread nya baka mabigyan din kayo ng other option.
Tama po hindi mandatory na sa PMVIC magpa emission at inspect. Convenient na option lang dahil maliban sa masmabilis, pwede na rin i-online. Depende na lang sa preference, pwede pa rin yung standard na process sa LTO gaya ng dati.
@anonymousph1751 Cebuana opo tinatanggap. M Lhullier hindi ko pa po natry, pero tingin ko same din naman. Kahit saan kinuha basta authorized na CTPL tinatanggap po sa LTO.
@kevinnadela1421 No need for appointment, Sir. Pwede po walk-in. Emission, inspection, and insurance lang naman po sa kanila. Yung registration fees and penalties pag paso, sa LTO pa rin naman po yun.
@DOo642 Dalawa po yun. Either ibigay na lng sa inyo ni utol nyo yung email/pwd ng LTMS portal nya, tapos yun na lng ilogin nyo sa phone nyo. Or, yun nga ilipat yung pangalan ng sasakyan sa inyo.
@@jed1285 Yun ang hindi ko pa po nattry. Sinearch ko po and sabi naman pag lost OR, pupunta lang daw sa LTO branch kung san last na-issue yung huling OR nyo and pwede daw mag request ng duplicate/replacement. Asa 30pesos lang daw yung fee.
@jed1285 Pwede na po yan. Pero counted as 1year paso na po malamang unless magreflect sa record nila yung renewal nyo ng 2023. Tanong na lang po nila sa LTO para sigurado.
@@high5hivepwde nmn s cebuana or M lhuiller kmuha CTPL legit nmn mhal tlga dyn s PMVIC ang insuranz halos kprice nya lng s LTO..sayang dn nmn kaz mttpid ntin
Bakit kailangan ang TPL insurance?? mayroon na akong Full coverage insurance?? kung may mangyari aksidente iyong Full coverage insurance ko ang magbabayad! para saan ang Third party liability insurance??
@user-gv8ge8yw6s Ang pagkakaalam ko po hindi na kailangan kumuha ng TPL kung meron nang sariling comprehensive insurance that already includes that. Para na lang po ata yun sa mga wala pa. I may stand corrected hindi po ako ganun kasigurado wala kasi ako non so hindi ko pa natry. Pero sana may makapag advise satin dito sa comment na meron na kung hindi na sila pinakuha.
@@high5hive un din pagkaka alam ko na dti nakipag talo pa nga ako kasi comprehensive isurance nga, yun pla khit comprehensive insurance wla ndw third party liability. kya ayun kumuha pa ako tpl.depende cguro sa insurance company kung included na o hindi kaya itanung mo din
@DOo642 Kaya nga po. Nalilito pa talaga ako sa part na yan. Masmaganda nga rin siguro itanong mismo sa Compre Insurance kung i-o-honor ba yung insurance nila sa LTO. Para kung sabihin man nilang oo, patulong na rin sa kanila kung pano yun idispute sa LTO. Masmainam ata sa kanila mismo manggaling kung pano ang tamang paliwanag.
@berttv7997 Pwede po Sir. Basta dala nyo po yung kopya ng OR/CR nung sasakyan na irerehistro. Hindi naman po sila humihingi ng ID so hindi rin chinecheck kung sa inyo ba yung sasakyan na nirerehistro.
@jedflores6676 Yung sa online lang po yun kung via LTMS portal na lang magrerenew next time. Kung hindi po nakapangalan sa inyo yung sasakyan, at hindi pa naka enroll sa LTMS portal nyo, ganitong ganito mismo sa video ang gagawin.
@daisytagnipez7219 Totoo po. Maiwasan yung mga aksidente due to failures kung lahat ng sasakyan dumaan sa tamang inspection bago payagaan sa public roads.
Ang LTO ang isa sa pinaka inefficient na gov office sa Pilipinas. Grabe red tape dyan. La magagawa, no choice tayo eh. Yung mga bagay na simple, pinapacomplicate nila.
@bryantan492 Marami pa nga po issue na hindi pa rin nareresolba hanggang ngayon. Pero yun nga, no choice talaga. Kahit ano mangyari magcocomply pa rin kung gusto natin magamit sasakyan.
@ianworksTV Pag ganun po, sa LTMS profile nung kung kanino nakapangalan yung sasakyan lang pwede i-link yung sasakyan. Or transfer ownership po muna sa inyo bago nyo mai-link sa portal nyo.
@DIYComputer-xj2xh Las Piñas area po, Sir. Pero merong PMVIC sa ibang lugar halos lahat ng area around metro. Kung di po ako nagkakamali counted pa rin as 4wheel vehicle yung L3 na FB so Php672 po sa emission + inspection. Tapos Php1,100 sa TPL. Masmataas lng ng onti kung diesel.
@jeovannygervero1797 Mukhang ang pinakamalapit po sa area nyo yung QCIS. Yun daw yung masmaganda at pati rehistro dun na ini-issue mismo. PMVIC Name: QCIS Motor Vehicle Inspection Service Address: Lot 2 Cattleya Ext., Barangay Bahay Toro, Tandang Sora, Diliman, QC
Tingin ko po hirap na rin ma-accomodate lahat sa LTO sa sobrang dami na ng bilang ng mga sasakyan. Kaya malaking tulong may online na tska yan nga yung inspection nag-outsource na rin sila sa private sector.
Hahaha... anytime pwede sabihin bagsak sasakyan mo. More gastos😂 then para maging ok talaga mag lagay😂 Promote pa more😂 I check nu ung mga jeep hahaha😂😂
@RegieEvangelista-nw5bj Actual inspection naman Sir with actual results yung mismong ginawa. Nasa video lahat may monitor bawat steps ikaw mismo kita mo live results mo. Yung print out ng MVIR na ibibigay nila para idala sa LTO, nandun yung complete rundown ng lahat ng lumabas na test results pati kung ilang score ang kelangan sa bawat parameters para pumasa.
@HerminianoBuscano Nakahiwalay po. Sa PMVIC diyan po yung area ng 4-wheels. Andun sa dulong area yung pang 2-wheels. May hiwalay na video rin po tayo pag registration ng motor andito: ua-cam.com/video/FmidB3NCHGk/v-deo.html
@GamingConsole-tr3vx Ang alam ko po hiwalay yung vehicle inspection sa emission test kahit dati pa nung walang PMVIC. D ko lang po sure kung bakit ganun yung proseso sa napuntahan nyo. Anong LTO branch po ba?
@romym4242 Hindi po required ang LTO inspection para magpa emission test. Pwede po kayo magpa emission ngayon tapos bukas or next week na kayo magpa inspection at magparehistro. 30 days po ang validity ng emission test results.
672 po so emission and inspection. 1100 sa insurance. 3010 sa LTO. Total po sakin is 4782. Pinakita po lahat yan sa video pati yung stub na binayaran sa Window 9.
@Dants_TV Baka mahirapan pa mangyari agad yan Sir. Kahit masimulan po muna siguro na maging mas strikto sa pagregulate. Para at least mabawas bawasan man lang kahit pano yung non-compliance.
Mismo po! Yun lang syempre hindi para sa lahat lalo kung maskino-consider yung budget. Pero kung sa convenience at oras na gugugulin yun maspabor talaga.
@RodelynSebastian-j2h Isang dekada mahigit na rin po po yung motor ko 2011 ko nabili 2nd hand. Kabutihang palad gamit ko pa rin umaandar pa. Swertihan din po.
@printscanxeroxservice1724 Iba iba din po bossing. May mga LTO branch na sadly medyo magulo pa rin. Pero may mga branch din na makikita natin maayos naman.
dyan din ako sa 3sm , pati insurance ko 3sm na rin para isahang gawa tapos rekta na sa window pag punta sa lto. nakakatuwa nga ngayon e kaya na mag register ng kotse in 1 hr. dati abutin ka ng halfday kakahintay sa emission, insurance tsaka processing.
@jle818 Totoo po! Di lang halfday minsan whole day pa. Yung hassle din ng inspection sa LTO lalo kung walang parking. Pag natyempo pa na maraming tao naku po 🤦
Magkano po inabot lahat sa 3sm?
@@erwynenriquez Php 672 po sa emission tapos Php 1,100 po ang insurance nila for 4-wheels gas. Php 1,752 total.
Pwede yang portal na yan sa mga bata bata pa at Marunong sa cellphone pag mga wala gaano pinag aralan at matatanda hirap na sa ganyan.
@JaimejrLumacad Maaari nga po Sir lalo pg malabo na pati ang mata. Kaya hindi pa rin naman nila tinatanggal yung lumang proseso pwede pa rin magrehistro sa dating paraan.
Your channel is really a blessing ty ty ty
@Arbigale Maraming salamat din po! 🙇
Jan ako galing kahapon. yes mas madali na magrehistro punta ka lang jan kuha insurance online rehistro then goods na. hindi ako makapaniwala 20mins lang nakapag rehistro nako hahaha
@carljohannb.samson6142 Same bossing! Ako rin first time ko lang din kasi non. Nakahanda pa akong pumila maghapon at syempre LTO ang lakad alams na. Wala pang isang oras tapos na lahat parang ako pa yung nabitin hahah
Ok yan may alternative tayo mapupuntahan
Diba po noh! Lalo na kung may malamit sa lugar nyo
hindi po yan alternative, yan na po ngayon ang norm, sa experienced ko in less than an hour registered na ang sasakyan nmin via MV Online Renewal.
@@ricketts604 Medyo papunta na nga po dun. Masmaganda rin kung maging standard na talaga. Pero sa ngayon sa dating process sa LTO pa rin po karamihan nagpaparehistro.
Salamat sir sa information
@EliKiro Thank you for watching din po!
dapat talaga 2-3 years and minimum /max ng renewal ng motor at sasakyan para mas less volume ng dami ng renewal
@yvesrhernandez9580 Sa motor po hindi ko sure pero alam ko may ganyan na sa sasakyan. Masmahal lang ata ang babayaran.
Sa Oona Insurance P600 lang yung car. Nagpa emission test ako kanina sabay kuha ng Oona insurance sa malapit sa emission testing. Dito sa Marikina area. at sa bahay ko na tinapos online. Wala ng pila sa LTO. Automatic pala na iiencode na ng emission test at yung Oona insurance sa LTO Portal mo.
@onski100 Nice! Mura ng insurance may ibang branch po sila maliban sa Marikina?
pwede dyan change owenership?
@@ntyncs1 Sa LTO lang po ata mismo pwede ilakad yun Sir
sorry, beginner, bale CR lang ang bibigay no? tama ba? so sa email yon ipriprint na lang tama ba? or kailangan kunin yung original copy sa LTO ?
@orenji13 Yung sa online registration po ba yung tinatanong nyo Sir? Pag i-e-enroll po kasi yung sasakyan sa LTMS portal nyo, ipepresent nyo muna yung OR/CR sa LTO sila dun ang maglilink. Meaning once nakaregister na, hindi na kelangan ipresent yung OR/CR sa mga susunod na taon na magrerenew ng registration sa portal.
Aba ok yan brother hirap kayang pumila ng LTO
@OrelMoto88 Mismo, Sir! Lalo na pag natyempo ng dagsa ng tao maipit talaga sa pila kung minsan
Sana sa katulad kong casa maintained na same lang ginagawa dyan magka accreditation sa LTO
@RabbyCalicdan Ibig nyo po ba sabihin yung dealer or casa maging accredited din ng LTO to conduct the inspections?
Yes po since same checking lang din sila unless mas may items na wala yung casa. Or pag magpapa PMS isama yung “LTO certification pacakge” kahit may additional ng kaunti
@@RabbyCalicdan Oh okay gets! Oo nga po magandang point yun ah. Tutal kumpleto checklist naman PMS ng casa pwedeng mag implement ng adherence sa road worthiness same sa standard na irequire ni LTO. Kung all clear after ng PMS sa casa then automatically pasado na rin sa kanila for registration.
@@high5hive na banggit din ni Raffy Tulfo nun kahit Comprehensive dapat di na din hanapan ng TPL kasi doble doble.. pero salamat boss sa content actually nag 3SM ako this week dahil sa vlog mo hehe, nagpa link narin ako sa LTO sana nga next year online nalang parang drive thru lang ang bilis sana ganun lagi
@@RabbyCalicdan Alright! Hahah maraming salamat din po Sir for watching the video. Safe travels po 🫡
MAGALING MABILIS ANG SERBISYO NG MGA STAFF NG 3SM MVIC 👍🏼
@lionsonly3377 Kudos! Very knowledgeable din po sila sa bawat detalye hindi basta sumusunod lang sa instruction manual or handbook.
ok yng mgn gnyn tulad s abroad, pero kailngan ang sistema ng lto eh katylad din ng bilis s abroad. mabbash tlga yan ng mga pinoy na naka experienced ng ganyan s abroad. unang una mapupuna q jan ung availability nyan, lahat b ng major cities eh may ganyan n? and gaano kbilis ang proseso. s middle east pra ka lng nag drive thru s mcdo.
@blacksheep864 Opo so far may accessible na PMVIC na nationwide in all regions. Mabilis lang din yung buong inspection and emission process exactly kung pano mismo sa video. Ang nagpatagal lang yung kwentuhan lol
thank you sir.balik ulit kayo next year sir
Sir JM! Hahah opo maraming salamat ulit sa pag assist 🫡
anytime sir basta ikaw🥰
@@jmlozada-u2v 🙌
Nag pa renew ako ng registration last year sa fixer which is a big mistake 😢. Tapos gumawa siya ng ibang LTMS Portal ko at dun nag upload nung motorcycle ko po.
Pwede pa din ba ma upload yung vehicle ko sa portal ko yung gamit ko sa license ko po?
@josephtoledo2734 Tingin ko po pwede naman. Lalo kung sa inyo po nakapangalan yung rehistro masmadali. Kasi ganun din gagawin kung kunyari nabenta/bumili ng second hand kelangan din malipat yun, kaya malamang may option po na ganun. Di ko lang sure kung pwede nyo na gawin online baka kelangan sa LTO mismo ipa-link.
Paano proseso pag change of owner madali din ba makuha OR CR
@@romywong7421 Eto po yung link para sa complete list ng requirements tska yung step-by-step process:
ltoportal.ph/transfer-car-vehicle-ownership/#Transfer_of_Ownership_LTO_Requirements
Mabusisi yan! Mahal pa!!!
@francispamintuan842 Masmahal ng 100+ compared sa standard prices ng mga emission center. Pero kumpleto na with proper inspection.
Ang galing! Where is your location?
@SmilingStarfish-vh1nd Sa Las Piñas po. Pero may PMVIC across all areas in the metro. San po ba location nila?
Paano nman, mahahawakan ang O.R. Mahalaga kc may Copy.
@JasonReyes-dt1yx Kung online po nag-renew via LTMS portal, makakatanggap po ng copy ng OR sa email. Pwede po iprint para may dala laging kopya.
DITO SA CALIFORNIA EVERY YEAR ANG RENEWAL. PERO EVERY OTHER YEAR LANG ANG EMISSION.....NI IINSPECT LANG MGA MECHANICAL KUNG NA AKSIDENTE AT NA SALVAGE NA AT GUSTO MO PA I PA GAWA AT I REGISTER ULIT
@EvendimataE Ibang klase po ata talaga sa ibang bansa. Mas preferred din ata magpalit na lang ng bagong sasakyan kesa magpagawa lalo kung maraming gagawin.
@@high5hive OO MEDYO MAHAL KSE MAG PA GAWA...PAG LUMA NA MAS MABUTI NA TALAGA MAG PALIT NA LANG. AKO LUMA YUNG SASAKYAN KO PERO DI AKO NAG PAPALIT KSE MARUNONG NAMAN AKONG MAG GAWA
@EvendimataE Nice! Ma-alam din po pala kayo magkalikot ng sasakyan. Masaya siguro jan lalo't maraming magagandang powertools at normal lang ata na may maluwag na garahe automatic pa yung garage door.
sir mas mura sa lto main office east ave ang emission test kesa sa labas
@titosoriano9465 Ah talaga po? Nice! Maganda pala sa main. Swerte ng mga diyan malapit.
Regarding sa ORCR kasi nabasa yung ORCR ko kaya pangit tuloy itsura. Okay pa ba yun? Tatanggapin pa ba yun?
@joshjuntilla Opo Sir as long as readable pa lahat ng info. Lalo na yung CR number, chassis number, etc.
Tanong Lang pano Naka kalusot ang jeepney at tricycle... Sira ba Yung emission nyo? Kitang kita ko sobra usok kulay itim pero pasado..... Alisin na emission test...
non apearance kaya nakakalusot.... ito nga ebike ko battery operated kinuna ng emission test!!! kaso wala sila nakita usok!!
@sybenjamin2141 Hindi pa rin po maiwasan may mga ibang emission center pa rin na ganun. Tanguan/senyas lang okay na.
Goods yan
Yessir! Thank you for watching po
hirap Ngayon sa mga emission centers pinapayagan nilang mag operate ang mga fixer sa loob ng facility nila. Magpapanggap na tauhan ng emission center tapos mabibiktima Yung di alam ang proseso.
@xpaul9875 Doble ingat po talaga dapat pag ganyan. Hangga't maari siguraduhin bago makipag transact kung pwede hingan ng ID. Kadalasan nakapaskil naman yung mga staff nila kaya kung wala yung picture dun sa org chart nila, baka hindi nila tao yun.
Lodi tanong kulang Kong pwede mag pa registry na walang insurance.
@belterdetablan8968 Required po TPL insurance sa LTO pag magrerenew ng rehistro
sa motor ko na naka link sa ltms account ko, punta sa PMVIC... aba after ng emission plus insurance. then sa ltms na ako nag renew... gcash mode of payment hehe
INSURANCE + EMISSION = 1100
RENEW FEE AT GCASH = 330
TOTAL = 1430
LESS HASSLE , NO NEED NA PUNTA NG LTO OFFICE PARA PUMILA HEHE
@mr.eyeshield Swabe Sir! Gusto ko rin sana ganyan kaso yung motor ko po hindi sakin nakapangalan second hand ko nabili. Need muna matransfer ownership para maregister sa LTMS ko.
@@high5hive sige lng paps, soon 😁
🫡
Grabe! 610.40 lang ang tariff rate premium ng 4-wheel private car! Bawal po yang sobrang taas ng singil jan eh may comm narin naman kayo sa 610.40 na premium!!!
@maxeisenhardt8174 Alam ko po hindi na under ng PMVIC yung insurance. Meron lang available na within the establishment. Pero malaking katanungan din talaga bakit anglayo ng price range between sa pinakamahal VS pinakamura.
Gandang araw po. Saan LTO Branch nag renew kayo ? Salamat.
@recar5978 Sa LTO Las Piñas po
nalink nyo po ung ltms portal? san window ponyun paglink ssbhn lang dun tas mkkta agad sa ltms?
@bler43 Not sure Sir kung same sa lahat ng LTO branches. Pero dito sa Window 12 daw po, ipe-present lang yung OR/CR then ililink na nila. Pag log in nyo sa LTMS portal nyo andun na yung sasakyan nyo.
@@high5hive ahh sa window 12 din ako sa las pinas branch nag pnta kaso sa case ko kasi both name ko at ng wife ko ung naka name.. pinagawa nya ako ng partnership achuchu dun sa ltms portal nung bumalik ako di naman nya nilink tapos sabay sabi sakin na bumalik nalang ako september kng kelan ko irerenew ung registration ko for the first time. ang weird
@bler43 Ah opo ganun nga daw. Kelangan same exact name kasi yung nakapangalan sa sasakyan tska dun sa profile nyo sa LTMS portal. Then dapat after ng most recent na rehistro daw. Kaya sabi dun sa Step 1 tapusin muna yung rehistro bago dumeretso sa window 12.
Pag naupdate na yung pangalan ng same name. Kelangan muna marehistro ng normal process once. Then sa mga succeeding, pwede na online via portal. Kelangan lng nung unang record under new name.
@@high5hive napa renew ko na ung sakin ser salmat sa vid nato haha na ilink na rin ung car ko sa LTMS portal ko and 3sm din ako nagpa pmvic muna bago pumunta ng LTO para mag renew and pa link ng account. Sa wakas na link na haha! next year sa 3SM nalang ako ppnta and kuwa tpl din tapos online nako magrerenew XD
Hi po ask ko lang, Yung sasakyan po kasi eh wife ko ang owner so naka pangalan sa kanya pagdating po ba sa LTO Portal pwedeng ako na spouse ang may Account sa Portal pero sasakyan ng asawa ko yung iadd sa registered vehicles?
@MrKenski12 Hindi po pwede, Sir. Kailangan po same yung pangalan sa rehistro ng sasakyan tska sa profile sa LTO portal. Sa case nyo po pwede siguro i-enroll yung vehicle sa LTMS portal account ni misis. Tapos yung LTMS portal ni misis na lang ang ilologin nyo sa phone nyo para irenew. May isa din po dito sa comment section pinaindicate daw nila na partership something yung rehistro nilang magasawa. Hindi ko po alam pano yun pero try nyo dun magcomment sa thread nya baka mabigyan din kayo ng other option.
@@high5hive ok Salamat po!
Thank you for watching din po!
Hindi required ang MVIC, emission lng kelangan no need gumastos ng ndi naman kelangan, mabilis lang din sa LTO kapag nagparehistro
Tama po hindi mandatory na sa PMVIC magpa emission at inspect. Convenient na option lang dahil maliban sa masmabilis, pwede na rin i-online. Depende na lang sa preference, pwede pa rin yung standard na process sa LTO gaya ng dati.
tinatanggap pa ba yung cebuana or Mlhulier na Insurance bossing?
@anonymousph1751 Cebuana opo tinatanggap. M Lhullier hindi ko pa po natry, pero tingin ko same din naman. Kahit saan kinuha basta authorized na CTPL tinatanggap po sa LTO.
Pwede sakanila boss renewal ng registration delayed na ng 2 years? Kelangan din ba sakanila mag pasched ng appointment? Thank you
@kevinnadela1421 No need for appointment, Sir. Pwede po walk-in. Emission, inspection, and insurance lang naman po sa kanila. Yung registration fees and penalties pag paso, sa LTO pa rin naman po yun.
By schedule po ba sa MVIC? how much po total na binayaran sa case nyo? thanks!
Pwede po walk in. Php672 yung Emission kasama na full inspection. Php1,100 po yung insurance pag sa kanila na rin kukuha.
San location yan sir
@obedcutaran1353 Located along Alabang-Zapote Road
kailangan ba sa online registration, sayo nakapangalan yung sasakyan yung iinput mo sa LTO portal account mo?
@meisatomi6034 Opo kailangan same yung profile name sa LTMS tska yung registered name ng sasakyan.
@@high5hive pnu pag hindi?sa case ko nakapangalan sa kpatid ko na nasa abroad?.
@DOo642 Dalawa po yun. Either ibigay na lng sa inyo ni utol nyo yung email/pwd ng LTMS portal nya, tapos yun na lng ilogin nyo sa phone nyo. Or, yun nga ilipat yung pangalan ng sasakyan sa inyo.
@@high5hive pero mkakapag rehistro pa din ba ako the old way?
@@DOo642 Yes Sir sa online renewal lang naman po yun. Pag standard process basta dala nyo copy ng OR/CR kahit kanino nakapangalan.
Hindi na po ba need ng HPG clearance?
@wadeflash0003 Kung magpaparenew po ng rehistro hindi na. Pero kung transfer of ownership alam ko dun kelangan ng HPG clearance.
Pag nagparehistro ba lods dapat kung saan din yung address mo sa id?
@vroomview7674 Hindi po Sir. Kahit saang LTO branch po kayo magparehistro pwede.
Boss pwede rin ba dyan any tricycle pampasada?try mo rin boss.....
@jimsonabiquibil9627 Alam ko po boss pwede. May naka indicate po na price for motorcyle AND tricycle pag isesearch so most probably included.
meron po bang mga branches sa batangas
Meron po sa Lemery yung 8 Gears Motor. Meron din po sa Rosario tska sa Lipa.
hello po, OR CR lang po need sa emission test?
@daniellatagao2110 Opo OR/CR lang. Tska yung sasakyan 🙂
sir papano if nawala Yung o.r? cr Lang Meron. 1 year na kase expired registro
@@jed1285 Yun ang hindi ko pa po nattry. Sinearch ko po and sabi naman pag lost OR, pupunta lang daw sa LTO branch kung san last na-issue yung huling OR nyo and pwede daw mag request ng duplicate/replacement. Asa 30pesos lang daw yung fee.
@@high5hive sir so Hindi marenew ang rehistro pag walang o.r tama po? nahanap KO ang O.R Ng 2022 renewal pero ang 2023 dinapo eh.
@jed1285 Pwede na po yan. Pero counted as 1year paso na po malamang unless magreflect sa record nila yung renewal nyo ng 2023. Tanong na lang po nila sa LTO para sigurado.
FYI...
pmvic - 650
tpl (cebuana lhuiller) - 670
@02niknok. For 2-wheels ba to Sir or 4-wheels?
@@high5hive 4 wheels sir...
@@02niknok. Ibig po sabihin sa ibang PMVIC, 650 lang po ang TPL? Dito po kasi yung 650 pang motor, 1,100 pag sasakyan, 1,200 pag diesel.
@@high5hivepwde nmn s cebuana or M lhuiller kmuha CTPL legit nmn mhal tlga dyn s PMVIC ang insuranz halos kprice nya lng s LTO..sayang dn nmn kaz mttpid ntin
Oo nga po for insurance kahit hindi sa PMVIC kumuha basta accredited. Mukhang cebuana nga or mlhullier pinakamura noh?
ang problema lang dyan is ung sa LTO PORTAL ang HIRAP mag pa LINK grabe ! dapat gawin nilang manual pag register para madali
@agapitobagumbayan8280 Pano pong mahirap? Hindi po ba ipepresent lang yung OR/CR?
haha mas mabilis pag online hindi ka lang talaga marunong
@agapitobagumbayan8280 Kung sa inyo po nakapangalan sasakyan madali lang. Pag iba, medyo matrabaho kasi kelangan muna ipalipat ownership.
bakit walang bumagsak sa emission kahit masyadong mausok na sasakyan?
May mga emission na rin po na strict compliance hindi nila pinapasa yung mga ganyan.
Di pupunta parin kc sa smoke
@briggzenriquez-ye1sm Dito na rin po sa PMVIC pati smoke emission
Pwd mo ba pa upload ung motor vehicle mo kahit di pa naka transfer sa pangalan mo ung nabiling sasakyan?
@criscabrales1700 Kelangan po muna matransfer ownership. Dapat daw po same yung registered name ng sasakyan sa profile name sa LTMS portal.
Paano kaya kung napagpasapasahan na yung kotse example 3rd or 4th owned. Example naka open deed at nasa 1st owner pa rin ung name
@jigsss7chz475 Basta may kopya po kayo ng OR/CR sir walang kaso yun. Same process pa rin yung rehistro regardless kung kanino nakapangalan.
Bakit kailangan ang TPL insurance?? mayroon na akong Full coverage insurance?? kung may mangyari aksidente iyong Full
coverage insurance ko ang magbabayad! para saan ang Third party liability insurance??
@user-gv8ge8yw6s Ang pagkakaalam ko po hindi na kailangan kumuha ng TPL kung meron nang sariling comprehensive insurance that already includes that. Para na lang po ata yun sa mga wala pa. I may stand corrected hindi po ako ganun kasigurado wala kasi ako non so hindi ko pa natry. Pero sana may makapag advise satin dito sa comment na meron na kung hindi na sila pinakuha.
@@high5hiveSorry mga idols, pakukunin ka pa rin Ng TPL kahit naka COMPRE ka pa. Yesterday ganyan nangyari Sakin.
@@NickVentura-w9u Nice! Salamat sa pagconfirm Sir at least galing mismo sa nakatry na
@@high5hive un din pagkaka alam ko na dti nakipag talo pa nga ako kasi comprehensive isurance nga, yun pla khit comprehensive insurance wla ndw third party liability. kya ayun kumuha pa ako tpl.depende cguro sa insurance company kung included na o hindi kaya itanung mo din
@DOo642 Kaya nga po. Nalilito pa talaga ako sa part na yan. Masmaganda nga rin siguro itanong mismo sa Compre Insurance kung i-o-honor ba yung insurance nila sa LTO. Para kung sabihin man nilang oo, patulong na rin sa kanila kung pano yun idispute sa LTO. Masmainam ata sa kanila mismo manggaling kung pano ang tamang paliwanag.
Mas mura ang TPL sa mga Bangko. Sa BPI ako kumuha ng TPL. Ang gastos ko lang ay 560 pesos para sa Diesel na SUV.
@punongacacia5162 Oh talaga? Ngayon ko lang po nalaman yun salamat sa tip! Any BPI branch po yan?
pwede ba mag pa rehistro nang sasakyan kahit hinde pa sakin naka pangalan ung sasakyan?
@berttv7997 Pwede po Sir. Basta dala nyo po yung kopya ng OR/CR nung sasakyan na irerehistro. Hindi naman po sila humihingi ng ID so hindi rin chinecheck kung sa inyo ba yung sasakyan na nirerehistro.
so ubra lang ito kung naka pangalan sayo yun vehicle ?
@jedflores6676 Yung sa online lang po yun kung via LTMS portal na lang magrerenew next time. Kung hindi po nakapangalan sa inyo yung sasakyan, at hindi pa naka enroll sa LTMS portal nyo, ganitong ganito mismo sa video ang gagawin.
Location ng 3SM po sir
@obedcutaran1353 Sa Las Pinas po
Sir motorcycle puede Rin dyan SA 3SM, new subscriber mo po , salamat sa reply
@user-zb6nk4zq3f Yessir pwede rin po sa motor. May hiwalay na area para sa two wheels andun sa dulo na part. Thank you po! 🫡
Sarap marinig kapag sinasabi na para sa road worthiness ang sasakyan pero ang tanong ang mga kalsada natin Worthiness ba? I dont think so?
Yun lang masaklap. Dibale inaayos naman po nila yung mga kalsada tuwing eleksyon. Sakto next year na, magsisimula na ulit sila magbusy.
List of PMVIC in all areas:
ltoportal.ph/pmvic-private-motor-vehicle-inspection-centers/
maraming salamat po ulut sir
@@jeovannygervero1797 Likewise Sir! Thank you for watching din po. 🫡
mas ok pala sa QCIS kasi one stop shop na. don mo na din kukunin ang rehistro eh
Oh talaga? Hindi ko pa po alam QCIS. Sinearch ko tama po ba yung sa may QC yan?
@@high5hive mindandao avenue paps. 15-30 minutes lang tapos na agad. nagulat din ako non eh
@lollol-mg9cr Nice! Masubukan nga din minsan jan. Ano yun may LTO na rin po sa loob mismo? Or authorized sila mag issue talaga ng rehistro?
ako sa TAVEC BOHOL
Tagbilaran Vehicle Inspection Center 🙌
@@high5hive yes, po. Correct.
@@morganmorales9474 Ayos sir nationwide access na mga PMVIC
@@high5hive totoo po sir, para ma check yung mga sasakyan na road worthy ba.
@@morganmorales9474 💯
How much po sa 3sm? Thank you
Php 1,752 po lahat emission + TPL sa 3SM
need parin ba mag pa emssion pag pwede na sa online?
Opo yun lang ang kailangan sadyain. Pupunta lang sa PMVIC para magpa emission. Uwi na pagkatapos lahat ng susunod na steps online na.
Idol yung emission test result gano katagal validity? Thanks
@@kitnana1989 30 days po. Kung nagpa-emission kayo ng January 1, kahit sa January 30 na kayo magpa renew pwede pa yung emission results na hawak nyo 🙂
ano ba link para makita kung meron ganyan dito sa lugar namin?
@rehasmark3017 Eto po yung list of PMVIC nationwide:
ltoportal.ph/pmvic-private-motor-vehicle-inspection-centers/#google_vignette
Boss may additional payment pa register ng portal sa LTO
?
@Mongluro Wala pong bayad yung pagregister sa portal. Kung dun kayo magreregister sa PC nila dun may mag a assist din kung pano.
Sana ganyan lahat ang imision test.para safe ang sasakyan😢
@daisytagnipez7219 Totoo po. Maiwasan yung mga aksidente due to failures kung lahat ng sasakyan dumaan sa tamang inspection bago payagaan sa public roads.
Anong tinatawag nila e upload muna bago e smoke test
@jirehjohncardinal8179 Ano po ulit yung question nila, Sir? Sorry medyo magulo d ko maintindihan
Ang LTO ang isa sa pinaka inefficient na gov office sa Pilipinas. Grabe red tape dyan. La magagawa, no choice tayo eh. Yung mga bagay na simple, pinapacomplicate nila.
@bryantan492 Marami pa nga po issue na hindi pa rin nareresolba hanggang ngayon. Pero yun nga, no choice talaga. Kahit ano mangyari magcocomply pa rin kung gusto natin magamit sasakyan.
Paano kung hindi nakapangalan sayo yung sasakyan
@ianworksTV Pag ganun po, sa LTMS profile nung kung kanino nakapangalan yung sasakyan lang pwede i-link yung sasakyan. Or transfer ownership po muna sa inyo bago nyo mai-link sa portal nyo.
san po loc nyo sir ? hm pala emission ng l300 fb at tpl insurance?
@DIYComputer-xj2xh Las Piñas area po, Sir. Pero merong PMVIC sa ibang lugar halos lahat ng area around metro. Kung di po ako nagkakamali counted pa rin as 4wheel vehicle yung L3 na FB so Php672 po sa emission + inspection. Tapos Php1,100 sa TPL. Masmataas lng ng onti kung diesel.
saan po ang location
@jeovannygervero1797 Sa Las Piñas po. Pero marami pong PMVIC in all other areas.
@@high5hive maraming salamat po sir sa sagot. sir isang tanong nalang po meron po ba d2 sa amin malapit sa commomwealth quezon city
@jeovannygervero1797 Mukhang ang pinakamalapit po sa area nyo yung QCIS. Yun daw yung masmaganda at pati rehistro dun na ini-issue mismo.
PMVIC Name: QCIS Motor Vehicle Inspection Service Address: Lot 2 Cattleya Ext., Barangay Bahay Toro, Tandang Sora, Diliman, QC
Emission test kahit di dala sasakyan Lagay lang issuhan agad ng test PASS
ano pong ilalagay kapag hndi dala yung sasakyan? thanks
@medinam420 Sa sasakyan po Sir pineperform yung emission test so technically kelangan andun para malaman kung passed or failed.
@@medinam420 ano pong ilalagay sir kapag hndi dala sasakyan? thanks
pera pera lng talaga sa LTO at kumikita jan yun mga opisyal ng LTO kada weekend may kickback yan 😂😂😂😂😂
@@Jenjen870 Mukhang may kakilala po kayo sa LTO
Madali lang Dati mag parehistro, inipit ni tugade to giveaway sa negosyo Nya yan para dyan na sa PMVIC mag parehistro common sense lang po .
Ah talaga po. Sabagay nga noh 'Private Motor Vehicle Inspection Center'. Iba iba kayang private parties may ari bawat center or under lahat sa kanya?
kesa nmn sa emission center lang na nalalagyan kaya ang daming bulok na jeep na nakakabyahe pa din at usok lang ang chini check..
Tingin ko po hirap na rin ma-accomodate lahat sa LTO sa sobrang dami na ng bilang ng mga sasakyan. Kaya malaking tulong may online na tska yan nga yung inspection nag-outsource na rin sila sa private sector.
bugok kaba mas na less nga corruption nung na allow ang pmvic sa labas. pag sa lto laki ng patong nila at mahaba pa ang pila. tanga 😂😂
Swertihan din sa LTO madalas mahaba pila kahit gano kaaga pumunta. Pero minsan wala ring tao pag matyempuhan.
Hahaha... anytime pwede sabihin bagsak sasakyan mo. More gastos😂 then para maging ok talaga mag lagay😂
Promote pa more😂
I check nu ung mga jeep hahaha😂😂
@RegieEvangelista-nw5bj Actual inspection naman Sir with actual results yung mismong ginawa. Nasa video lahat may monitor bawat steps ikaw mismo kita mo live results mo. Yung print out ng MVIR na ibibigay nila para idala sa LTO, nandun yung complete rundown ng lahat ng lumabas na test results pati kung ilang score ang kelangan sa bawat parameters para pumasa.
dapat hiwalay ang motor dumadami na sila
@HerminianoBuscano Nakahiwalay po. Sa PMVIC diyan po yung area ng 4-wheels. Andun sa dulong area yung pang 2-wheels. May hiwalay na video rin po tayo pag registration ng motor andito: ua-cam.com/video/FmidB3NCHGk/v-deo.html
bakit samin sa malabon nid kuna ng lto inspection bago mmakapag emission
@GamingConsole-tr3vx Ang alam ko po hiwalay yung vehicle inspection sa emission test kahit dati pa nung walang PMVIC. D ko lang po sure kung bakit ganun yung proseso sa napuntahan nyo. Anong LTO branch po ba?
mali ka naman dyan. kaka rehistro ko lang pero bago ka mag pa emission eh dapat galing ka na sa LTO for inspection
@romym4242 Hindi po required ang LTO inspection para magpa emission test. Pwede po kayo magpa emission ngayon tapos bukas or next week na kayo magpa inspection at magparehistro. 30 days po ang validity ng emission test results.
Mas maganda para sa akin thru PMVIC
@mykeedee6806 Same!
Mahal jan sa motor palang aabot na ng 1800
@sanymaldo6802 Based po Sir sa pricing nila as featured sa video pag motor, 560 for emission + inspection tapos 650 for insurance. Total of 1,210.
Makano na gastos mo hindi mo sinabi😊
672 po so emission and inspection. 1100 sa insurance. 3010 sa LTO. Total po sakin is 4782. Pinakita po lahat yan sa video pati yung stub na binayaran sa Window 9.
dpat tanggalin na yan mga emission center dami kong nakikitang mga bulok na jeep na nakakabyahe pa din.
@Dants_TV Baka mahirapan pa mangyari agad yan Sir. Kahit masimulan po muna siguro na maging mas strikto sa pagregulate. Para at least mabawas bawasan man lang kahit pano yung non-compliance.
Overpriced sa tpl.. Tapos pupunta kp pala sa lto... Useless mg pmvic.. Na pamahal pa..
@rontataron5874 Hindi po required na sakanila kumuha ng TPL choice nyo pa rin kahit san nyo gusto. May mga masmurang option po sa iba.
Mas ok pumunta sa ganyan kesa sa mga maliit na emission, mas mabilis at kinda premium feels.
Mismo po! Yun lang syempre hindi para sa lahat lalo kung maskino-consider yung budget. Pero kung sa convenience at oras na gugugulin yun maspabor talaga.
@@high5hive yun mga bulok na jeep dyan pa din sa emission center madali kasing lagyan yan kaya kahit bulok na jeep pumapasa pa din..
May mga nakikita na rin ako Sir na hindi pumapasa na ganyan sa emission center. Yun lang syempre meron at meron pa ring iba lalo yung mga kakilala na.
Dati nang kalakaran yan. No show no appearance
@redshift2024 Sa rehistro po ba? O pati sa emission?
Lto hindi public servant, palpak
@vincentyap2111 May mga branch nga po na hassle pero may mga branch na din naman na natry na mas okay. Sa LTO Las Pinas goods don!
Huwag na kayung bumili ng 2 ND hand na motor masmalaki pa Ang gastos kaysa bibili 🐊👹👿👌👌👌👌👌👌👌👌👌👌👌👌👌👌👌🐊🐊🐊🐊🐊🐊🐊🐊🐊🐊🐊🐊🦖🦖🦖🦖🦖🦖🦖🦖🦖🦖🦖
@RodelynSebastian-j2h Isang dekada mahigit na rin po po yung motor ko 2011 ko nabili 2nd hand. Kabutihang palad gamit ko pa rin umaandar pa. Swertihan din po.
LTO HINDI NA MAG BABAGO KAWATAN PA RIN