HUMINA BREASTMILK KO NAGSISI AKO

Поділитися
Вставка
  • Опубліковано 29 лис 2024

КОМЕНТАРІ • 247

  • @joyfulpt1748
    @joyfulpt1748 3 роки тому +20

    I exclusively breastfed my daughter for 3yrs straight.ang secret tlaga to boost breastmilk supply ay wag magpastress, unlilatch at maniwalang marami kang breastmilk.be positive lang. So far 6yrs old na sya never nahospitalized,di sakitin.

  • @MomJacQ
    @MomJacQ 3 роки тому +20

    Yes mommy ganun po talaga kahit gaano pa karame sabaw at lactation suplements ang itake niyo kung hindi unli latch madedecrease po talaga ang supply..😢

  • @miss_annyasmin
    @miss_annyasmin 3 роки тому +5

    relate ako mamsh, pumping mom din ako at di nag direct latch sakin si baby. nag pump ako every 2 hours. malunggay at fenugreek ang pampadami ko ng milk, minsan milo. at wag po kumain ng maaaasim nakakahina ng milk supply. :)

  • @RJ-yc1te
    @RJ-yc1te 3 роки тому +4

    Totoo yan bawal talaga stress mamsh malaki nadudulot ng stress. Kaya think positive lang palagi and be thankful khit na konti lang lumalabas malaking bagay pa din ❤️💪🏻

  • @sarahollor2102
    @sarahollor2102 2 роки тому +2

    Here in Australia, dapat every 3hrs magpump at elast 20 to 30 minutes. Yan ang sbe ng lactation consultant dto.

  • @patrezai_621
    @patrezai_621 3 роки тому +2

    Take note Po momshie. Eto din Po quote ko bilang bf momshie.
    "Breastfeeding is 90% determination and 10% milk production."
    Kasi Nasa Atin Yun kung gusto mo talaga mag bf . Hindi dahil Po SA mahina o maliit nipple. Ako nga Po medyo flat pero malakas Po milk ko. Kasi pinursige ko Po talaga magbf kasi Yun Yung gusto ng baby ko at Yun din Po gusto ko. Don't give up di dahil mahina Yung gatas kundi nasa SA inyo na Po talaga Yun. Sobrang helpful talaga Yung bf momshie baby ko twice pa lng Po nahospital at lusog din Po ng baby ko.

  • @swataken8821
    @swataken8821 3 роки тому

    Lacta Flow mommy kellie .yan ininum ko noong wla ako masyadong milk tapos ngayon nag over suppy ako kaya tinigil ko muna ...babalik ko nlg pag lumakas na dumede c baby ...kakapanganak ko lg noong March 23 momshie at normal delivery ako ...3.4kg c baby at kahit mahirap ang labor ,kinaya ko at thanks God at hindi nya ako pinabayaan...

  • @kattmendoxa
    @kattmendoxa 3 роки тому

    Mamshie Kelie, kapag may budget try mo electric pump Spectra brand. Nakita ko lang sa ibang vlog maganda daw and lumakas ang milk niya. ❤

  • @anelyninsonginsong8088
    @anelyninsonginsong8088 3 роки тому +4

    hi momshie..we share almost the same story po.. i also have baby born on july 31. Nakasubaybay ako sa second baby mo at na impeksyon din po xa at nag mix feed din ako for 1 month and 2 weeks then after that nag decide ako e pure breastfeed. Nag pump ako every 2 hours noong 1 month na c baby at 0.5 oz ang milk nakuha ko, the second day 2oz, hanggang naging 2.25 oz, 3oz at 3.8 oz sa loob ng 1 week consistent pumping every 2-3 hours. At pag di naka pump, try pa dede ni baby para consistent pa rin ang production ng milk. So pag dating ng 3.8oz milk ko, nag start ako stop ng formula. So di pa pala talaga huli ang lahat. Pwde pa yan. Go lang Momshie. God bless! 😁😊

  • @lovelyrics3799
    @lovelyrics3799 3 роки тому +1

    Iwas stress lng monshie kc isa pa yan sa reason kung bkit komokunti milk mo .. keepsafe momshie..🙏♥️

  • @ericaching4296
    @ericaching4296 3 роки тому

    maglaga ka momsh ng malunggay, then un gamitin mo pangtimpla ng milo. effective sakin, then 3 times a day malunggay capsule.

  • @reslielomibao7620
    @reslielomibao7620 3 роки тому +11

    Try to pump every 1hr. Kc need tlga sna Unli latch..pero since ayw ni Baby ng unli latch dhl sa nipple confuse blik k sa pag pump ulit mamshie..iwasan magpakastress mamsh.. ♥️ may pag asa pa yan ulit mamshie..Try mo din mag Order sa shopee or lazada ng silicone nipple protector for breastfeeding, try mo lang momshie .. it can also Help.. sna mapansin mo tong comment ko and I hope it can help ♥️

    • @lhenzbautista8321
      @lhenzbautista8321 3 роки тому +2

      Ako din po ayaw Ng baby ko mag latch Kaya pump ako. Sobrang stressed ko siguro kumonti ang milk ko hanggang sa nawala na almost 1 month na ko walang gatas and lumiit yung breast ko 😢

    • @clarissapuyawan5315
      @clarissapuyawan5315 3 роки тому

      Nipple shield help momshie

  • @MonoRepublic2020
    @MonoRepublic2020 3 роки тому

    Hi Momshie Kelie, first time mom po ako and pure breastfeed. Advice po sa kin ng mama ko and nag research na din po ako tungkol dito. kumain ka lang po ng ulam na may maraming sabaw, Uminom ng Milo, chocolates and more on tubig para lumakas ulit yung gatas nyo..

  • @iamanj3058
    @iamanj3058 3 роки тому

    FTM here. Ilang days pa lang kame ni baby halos patak patak lng ang nalabas saken na milk khit nag pupump nmn ako. Di ko maipalatch sa kanya dahil 2weeks kong hindi pwede lapitan or hawakan si baby. Sana lumakas milk supply ko kht puro pump lng gngwa ko. Nainom ako ng malunggay supplements and masabaw and more water.

  • @crystalsilvestre165
    @crystalsilvestre165 3 роки тому

    Try nyo po lactation brownies from milky makers.. Super effective.. After 2 days lng po ng increase tlga milk supply ko..

  • @mommycler8232
    @mommycler8232 3 роки тому +2

    Hello momshie! Try niyo po milo na may bearbrand. Yun lang ginawa ko sobrang lakas ng milk ko ☺🍼 First time mom here 😁

  • @shenettah
    @shenettah 3 роки тому

    Sb po ni doc. bev its about supply and demand.. kpag new born, kasing laki kang ng jolen or calamansi ang sikmura ni baby.. so since newborn konti pa lang kailangan ni baby.. kpag nman 1 month kokonti pa rin. So dipende daw po tlga yung supply sa demand ni baby... at tsaka momsh sb daw latch unli latch dpat.. nabasa ko lang sa page po ni doc bev..

  • @nicoleberniceuy7715
    @nicoleberniceuy7715 3 роки тому +1

    Try niyo po mag magic 8 tapos drink po kayo m2 and megg malunggay po. Nakakatulong po talaga yun. Try niyo din mag halaan soup malakas po siya mag pa gatas. Good luck po sa breastfeeding journey niyo mommy!!

  • @redensonmagayon3191
    @redensonmagayon3191 3 роки тому +1

    Malunggay capsule momshie,laging my sabaw at huwag ka kakain ng saging at egg na prito na kakawalan un ng milk

  • @kristinevlog8922
    @kristinevlog8922 3 роки тому

    kumain ka ng sabaw ng shell higop ka ng maraming sabaw kumain ng gulay,inom ng moringa. olefera capsule

  • @rhodaevangelio6049
    @rhodaevangelio6049 3 роки тому

    Same po Tayo magkasunod Lang din po Tayo nanganak Jan.30 po ako.,,,humina din po milk ko Kasi nilagnat ako Kaya uminom ako ng gamot sa lagnat...,,ngayon po umiinom ko NATALAC tsaka po malunggay nilalaga ko yon ginagawa ko tubig

  • @cyanelle7866
    @cyanelle7866 3 роки тому

    Ako momsh 1st baby CS ako nung March 30, mahina din gatas ko at first kaya nagformula muna si baby for few days tapos nagtake ako ng natalac at puro masabaw na ulam madalas may malunggay pa after few days lumakas na milk ko nagppump din ako pero manual, ayaw na dn ni baby sa formula kaya puro breastmilk na saken at sa bote .

  • @clarissabaradas594
    @clarissabaradas594 3 роки тому +1

    Hala pareho tayo! 😅 nakaka frustrate naman talaga eh pag ang konti ng napa pump.. need ko na talaga makaipon ng milk kase malapit na ko bumalik sa work.. lahat na ininom ko, oatmeal, M2 malunggay, Mega Malunggay, Malunggay Choco drink ..haist. ang gagawin ko ngaun yung konting naipon ko sa ref yun muna ipapainom ko kay baby tapos magpa pump lang muna ko maghapon 😅

  • @kimtadeovlogs
    @kimtadeovlogs 3 роки тому +1

    Hi momsh!! Na experience ko din yan sa 4 na babies ko.. nakaka frustrate talaga at first.. but eventually lalakas din yang milk mo.. kase halos kakapanganak mo lang din.. so yung milk supply mo usually kung gano kadami lang yung need ng newborn mo ganun lang talaga ang ipoprovide mo.. plan ko din mag upload sa youtube channel ko ng tips pano dumami ung milk supply ko.. and my breastfeeding journey nadin sa 4 na babies ko gusto ko din share., baka may makuha ka din tips and advice sa video na gagawin ko momsh.. makatulong sayo kahit pano😊😘

  • @islaskyearkyshaaeris5797
    @islaskyearkyshaaeris5797 3 роки тому

    try mo po momshie direct latch para po lumakas.. pag Di po Kase direct latch mas Humihina po talaga based on my experience and my OB said to me..

  • @leahmariefainsan7460
    @leahmariefainsan7460 3 роки тому +4

    Unli latching lang po mamsh kahit walang lumalabas. Dadami din po yung milk mo soon, laway lang din ni baby ang sagot. Kaya mo po yan, fighting! ❤❤

  • @joychristiancampos2350
    @joychristiancampos2350 3 роки тому +1

    Try mo po inom ng VITASOY CHOCO, M2 MALUNGGAY JUICE, MALUNGGAY CAPSULE, MILO, yan po ung mga malakas maka gatas..

    • @shenshen5878
      @shenshen5878 3 роки тому

      Saan po nkakabili ng M2 malunggay juice?

    • @celgibson7219
      @celgibson7219 6 місяців тому

      Ok ba pag ovaltine ? Instead of Milo ? Thanks

  • @mykhensvloginitaly7378
    @mykhensvloginitaly7378 3 роки тому

    mag ulam ka ng masasabaw mamsh like tinolang manok , tas sabaw ng shells very effective

  • @jarapmabuhay2266
    @jarapmabuhay2266 3 роки тому +1

    Hi momshie💓 thank you for sharing!
    I love how genuine and humble you are💓
    I’m 36wks preggy 1st time momsh and malaking tulong po sakin ang pagsali sa mga breastfeeding groups like breastfeeding pinay and magic 8 mommies madami ako natutunan and mas nainspire ako to push BF
    hopefully mailaban ko ang pure breastfeed🙏🏽

  • @princessbucana4803
    @princessbucana4803 3 роки тому +10

    Mamshie..you did a great job sa pag pursue ng breastfeeding kay baby🙂im a first time mom at dumating din ako sa point na naisip ko i mixed feed baby ko kasi iyak ng iyak. Di din maiwasan masabihan ako ng parents ko na bigyan ng formula kasi konti daw yung bm ko. Kahit na nag tatalo na kami, i still choose to give bm instead of formula. Lahat po ng mommies meron enough na breastmilk. Konti lang sa una at di kailangan mag pump kasi konti palang kailangan ni baby. Direct latch po at magtiwala sa kakayahan natin magproduce ng milk. Sabi nga nila the body only works 1% pero ang mind talaga 99% to produce breastemilk. I used the milk letdown catcher para masalo yung letdown sa kabilang boob everytime na nag latch si baby. Iba po kasi yung suck ni baby na nakakapaglabas ng milk sa breast. She's turning 17 months this april and still ebf😘goodluck mamsh!kayang kaya mo yan❤❤hugs

    • @maksuke9239
      @maksuke9239 3 роки тому

      After delivery po ba pwd n gumamit ng electric breast pump?

    • @princessbucana4803
      @princessbucana4803 3 роки тому +1

      @@maksuke9239 after 6 weeks pa po adviseable gumamit ng pump kasi ang tendency is mag ooversupply kayo at prone to mastitis kapag before 6 weeks🙂better po mag hand express nalang if engorged talaga both breasts. hope this helps🤗Pero your choice naman po mamsh.

  • @eunesegailsadiwa1525
    @eunesegailsadiwa1525 3 роки тому

    Momshie unli latch direct latch is the key. Ganyan baby ko noon ayaw dumede sa akin. Wlang mggwa yang mga supplement kung hndi mo sya pinapa unli latch.
    Search mo si baby dudu docs
    and read reviews. Kaya mo pa sya pabalikin sa pagdede sayo. Magic sis super. Let me know kung natake mo ang advise q 😘

    • @eunesegailsadiwa1525
      @eunesegailsadiwa1525 3 роки тому

      Baby pa yan . Meron sila 6 mos napabalik nila sa pagdede kay mommy.

  • @kimberlyflavier5428
    @kimberlyflavier5428 7 місяців тому

    Same po 😭😭 nag fucus lang ako na mag normal delivery 18 days pospartum ngayon nag la latch sakin baby ko pero ginagawa nya lang pampatulog sobrang hina nya mag latch parang ginagawang Pacifier yung niple ko kaya sobrang hina ng milk ko sobrang dami ko na na inum na malugay supplements, nakaon na lactation cookies sabaw malunggay, pero wala ganun pa rin susundan ko journey nyo sana dumi din milk ko pag nag regular pump 💗

  • @mariaborbon1488
    @mariaborbon1488 3 роки тому +2

    Thank you momshie for sharing. 2 weeks old n si baby ko and hirap ako sa breastmilk supply ko . I’ll start pumping more often now

  • @nicajavier7910
    @nicajavier7910 2 роки тому

    hello mamshie, lumakas pa po ba ulet gatas nyo? salamat

  • @shermiefaustino9645
    @shermiefaustino9645 3 роки тому

    Hello Mamsh. 1st time Mom here. Kakapanganak ko lang po nung March 28, Goal ko talaga is pure breastfeed si Baby dahil healthy at tipid nadin. 3 days after gaving birth hina pa ng milk ko lumakas nadin sya after ko mag take ng malunggay capsule. Sana lumakas nadin dumede si Baby. Sana dumami narin gatas mo Mamsh! 😊

  • @cristyenot2102
    @cristyenot2102 3 роки тому

    Relate much Momshie,pawala narin ang gatas ko.mix feed din c baby ko.ano po pwde kung gawin,bihira lang malunggay dto😔.magkaedad lang c baby khalix at baby katelyn ko..lagi po ako nanonod ng vlog mo Momshie.

  • @fayesantos2175
    @fayesantos2175 3 роки тому

    Unli-latch lang mamsh! You can also try lactation treats like galacto bombs or inom water every after feeding/pumping or every after wiwi, inom lang ng water. FTM po ako and thankfully malakas milk supply ko (oversupply pa nga) kaya PBF si baby. Kaso yung right boobie lang yung dinedede ngayon ni baby (oversupply tuloy) at yung left ko literal na patak nalang now, samantalang dati oversupply ako sa left side (sumisirit pa)😅 Ayaw nya talaga sa kaliwa. Fighting, mamsh! Road to PBF tayo esp now na pandemic ♥️

    • @mariantolibas7610
      @mariantolibas7610 9 місяців тому

      Ok lang po ba kahit right lang dumidede si baby?

  • @michellemoncano
    @michellemoncano 3 роки тому

    Uminom ka po nang Natalac Supplement at kain nang seafood like mga shell.,,yan po turo sakin nang mga nurse nong nanganak ako.

  • @iammhay3344
    @iammhay3344 3 роки тому

    sis relate ako sayo. goal ko mag pure BF kaso sobrang hina supply ng milk ko😌😔😔 nagttry din ako magpump kahit sobra konti nakukuha ko.. sobra sisi ko din nagfocus kc aq before paano manganak kakanood sa youtube .. expected ko kc magkakagatas na after manganak hnd pala ganun.. lesson learned tlga sis 😌 gudluck sis sana lumakas na milk natin. praying 🙏🙏🙏🙏

  • @IraG0427
    @IraG0427 3 роки тому +1

    Momshie try mo kya ung silicone pump like ung hakaa. Every hour mo sha ilagay.

  • @jcc18345
    @jcc18345 2 роки тому

    Momshie napaka informative ng videos mo. Thank you so much. Marami akong natutunan sayo ❤️

  • @chariscadayao7255
    @chariscadayao7255 3 роки тому

    oatmeal and pinakuluang dahon ng malunggay and milo momsh everyday.

  • @tiktokcraze7706
    @tiktokcraze7706 3 роки тому +2

    Natalac momshie 3x a dayyyy :)

  • @BrianLesterMancao
    @BrianLesterMancao Рік тому

    Saan Po kaya ate bomili Ng pump ninyo

  • @rialynpabalan5666
    @rialynpabalan5666 Рік тому

    Napapanis po ba ung best milk kpag nasa coller kase pag nasa work po ako wala kmi Don refrigerator

  • @mkavlogs7304
    @mkavlogs7304 3 роки тому

    Ganyan din ako momshie kell ayaw ni baby dumede sa akin dahil nahihirapan sya. Pinush lang namin na dapat masanay sya. Before ko sya padedehen sa bote sa akin muna sya after 3 weeks nasanay na sya sa akin. Go try lang po.☺

  • @IGSB0808
    @IGSB0808 3 роки тому +1

    Sa panganay ko dati Momshie pang 3rd day namin sa Hospital iyak na sya iyak akala ko kasi wala na sya na dede pero meron naman pala talaga Colostrum pa lang yun at sabi din ng Pedia pag CS mga 3days talaga makikita lalabas ang milk, kaya nasa Hospital pa lang napa Formula ko na sya kasi naawa ako naiyak sya kaya pag uwi mixed feed na tuloy sya suporta ang FM kapag ayaw sa dede ko. Tapos malaking factor din yung suporta ng paligid mo mga kasama mo na ipush ka mag BM sa panganay ko kasi sinasabihan nila ako bat di ko daw padedein sa bote kesa iyak ng iyak kaya na stress ako feeling ko hindi pa ako enough kaya mixfeed tuloy sya.
    Pero ngayon 2ND baby ko minamindset ko na din na EBF ako balakayojan sa sasabihin ng iba haha kahit ano manngyari at Unli Latch kasi wala naman ako work nasa bahay lang kami, lalo ako nag pursige kasi 2ND day pa lang sa Hospital tulo na agad milk ko after ko makainom ng mainit na Tea 😍 Kaso di naman inaasahan na admitt kami at hindi pa sya pwede padedein kaya bigat dede ko tumutulo magdamag wala ako dala pang Pump at bote, kaya nung pwede na sya dumede pinaubos ko talaga hanggat gusto nya, ayun sarap sa ginhawa 😅 Lesson learned dapat lagi dalhin essentials pang padede kasi you'll never know pag may emergency 😅😍

  • @f1313-i1q
    @f1313-i1q 3 роки тому +1

    Momshie try mo mag power pump. 20 mins pump, 10 mins rest, 10 mins pump. Twice a day. Tapos need kasi nyan if pumping ka talaga, need 7 to 8 pump per day. Every 2 hours dapat pump.
    Ganyan din ako . Pump ako lagi noon and mix. Tapos one time super gutom sya tapos naubusan sya ng water bigla syang nag latch. Tapos smula nun unti unti inalis na yung formula. Ngayon nasa 90% breastfeed na sya. Hopefully ma pure na sis. Hayy. Haha.

    • @zednalynmendez785
      @zednalynmendez785 3 роки тому

      mommy ok lng po ba din ang hand express every 2 hours,gabi din po

    • @f1313-i1q
      @f1313-i1q 3 роки тому

      @@zednalynmendez785 pwede naman sis. Kaso medyo mhirap. Pero pwede naman.

    • @zednalynmendez785
      @zednalynmendez785 3 роки тому

      Lady Ann Juan ah ok sis,salamat try ko nga gawin yung 20minutes pump then rest,2 weeks old si baby pero medyo mahina milk ko,nalakas nmn pag nagmamalunggay me pero bihira kc wla nmn dito malunggay sa taiwan meron man pero malalayo nmn yung may tanim,kaya more water sabaw milo milk at oatmeal mga naiinom ko,sana lumakas pa sis gatas ko.

  • @momshjhen5722
    @momshjhen5722 3 роки тому

    Unli latch is the key talaga Para lumakas ang supply ng milk, aside sa sabaw, at any supplement na Yan... Kasi ung katawan mismo natin nagsasabi na mag produce ng milk, milk by demand kasi talaga... Bf mom for 2 yrs and 6 Mos with my son, ganyan ako dati 2 weeks after giving birth walang milk, pero pinilit ko talaga na sken dumedede si baby kahit ayaw PA nya nung una... Kahit konti nadede nya... Pero since Naka set ung mind ko na ebf ko sya, Ayun thank God hanggang 2 yrs mahigit sya ebf sya...kakaawat ko lang sa kanya since 5 Mos preggy na ako... Pero unli latch is the key talaga momsh...

  • @gracemarkvlogs9966
    @gracemarkvlogs9966 3 роки тому

    Ako ginawa ko uminom ng mga lactation drink at cookies pero wala mhina tlga yung supply ng milk ko nstress ako 😔try ko nga yng payo mo momshie kellie hoping na dumami na milk ko

  • @trishamendoza7261
    @trishamendoza7261 3 роки тому

    Pure bf ako mamshie, dto sa canada lactation cookies ang kinakain ko tapos madalas din sabaw ang foods. Pero kahit oatmeal lang at milo effective daw. Nag milk din ako sa umaga at gabi sabay ng cookies. Tapos every after bf ko kay baby umiinom ako water. Good thing hanggang ngaun meron pa din milk sya. Skin to skin din effective mamshie.

    • @mamamiasvlog2936
      @mamamiasvlog2936 3 роки тому +1

      hi milo din iniinom ko lakas gatas ko hehehe

  • @girlieannsongcuan266
    @girlieannsongcuan266 3 роки тому

    same situation here momshie 😞. magkasunod lng pla tayo ng delivery date.

  • @michelleanoche4749
    @michelleanoche4749 2 роки тому

    Halaaa😔 thank you so much po mamsh❤❤ ganun po nangyare sa akin.nawala agad gatas ko kc nkalimutan ko lagi mag pamp kc nga nabasa ako sa Furmula .😔😔

  • @erylemanalo4154
    @erylemanalo4154 3 роки тому

    hello mamshy paano ung case ko sjnce kaliwete ako lage ko lng sya napapalatch sa kaliwa tapos umunti ung milk supply ko sa kanan 😭

  • @arlyndecanonobleza5316
    @arlyndecanonobleza5316 3 роки тому

    Mamshie, try M2, chia and flax seeds nakakaboost ng milk supply. Laging may let down at basa mga damit ko sa pagtulo ng milk😊. Si baby ko ngbobottle feed din siya pero breastmilk ang laman galing sa mga na pump ko habang tulog siya. Unli latch din siya pag may chance kasi hinahanap niya yung pag latch talaga sakin at yung taste ng breastmilk. Tiwala lang and tyaga na mapa latch si baby at dumami milk mo.

  • @vickyparinas5562
    @vickyparinas5562 3 роки тому +2

    Ako momsh, Magic 8, every 3 hrs nag pupump kasi ayaw mag latch ni baby, 2 week na si baby gusto ko mag pure milk ko siya, 1 week palang ako sa magic week, from 20ml ngayon nakaka 60ml to 100ml ako. 😊 Sumali ako sa isang Page The magic 8.

  • @praiserubrico3216
    @praiserubrico3216 3 роки тому +2

    You can try drip drop method momshie para mkabalik c baby mgbreastfed sayo at hindi sya mhirapan😊

  • @caylevian3014
    @caylevian3014 3 роки тому

    Nagkakaproblema din ako sa milk supply ko kasi gusto ko ma-pure breastfeed si baby. Nagtry ako mag-galacto bomb cookies, mukhang effective naman. Try nio din po or if pwede, bigyan po ng review.

  • @madelyncudiamat1988
    @madelyncudiamat1988 3 роки тому

    Sa akin momsh nakaka 5 oz mahigit ako o kaya lagpas pa sa bottle momsh. nagpupump ako momsh pero di ako gumagamit ng electric pump or yung manual pump. kamay lang po yung ginagamit ko. tapos yung kinakain ko malunggay na may sabaw . sobrang dami ng milk ko momsh. sa akin basta titigas yung dede ko pupump ko na siya.

  • @marinajoycereyes9047
    @marinajoycereyes9047 3 роки тому +2

    I had the same problem. I stopped pumping for 4 days cause my nipples were sore. I also stoped my supplements on those days dahil sa katamaran. When I got back to pumping, my output dropped from my best was 60ml to 20ml for the day. I freaked out!
    I made sure to hand express before pumping for 30 mins every 2 hours. It took me almost 3 weeks to make an output of 240ml for the day.
    By the way, my son doesn’t want to latch so pumping is life ako.
    You can do it!

  • @kristinemago8878
    @kristinemago8878 3 роки тому

    Anong gamit mong Pump, Momshie?

  • @apriljanemosquera23
    @apriljanemosquera23 3 роки тому

    Same problem sis humina din sakin kase nag ka pigsa ako sa pwet hindi ako nkpg pump ng ilang araw.mix feed din ako

  • @MayvelynDeGuzman
    @MayvelynDeGuzman 3 роки тому

    Try nyo po mag-malunggay capsule tapos Milo. May nagsabi lang sakin na pampalakas daw milo kaya ayun gingawa ko nang tubig yung milo hahah dati kasi sobrang unti lang ng milk ko pero ngayon okay na.

  • @joelarcillas9639
    @joelarcillas9639 Рік тому

    Pwede papo bang i breastfeeding si baby 1 month kona po kasi natigil kasi ang hina po ng gatas ko di din po kase ako kumakain o imiinom ng pampalakas ng gatas

  • @ansangil9219
    @ansangil9219 7 місяців тому

    Problema ko nman paano mababawasan ang supply ng milk ko kasi naiirita na ako lagi ako basa kahit nagpapump ako every 2hours maya maya basa nanaman.. sobrang tigas din ng dd ko masakit pati sa likod khit hininaan ko na pag inom ko ganun pdi 😢 gusto ko sna ung sapat lang😊

  • @michellemedina5262
    @michellemedina5262 3 роки тому

    ewan ko ba mamsh ang ginawa ko nuon sinantabi ko ung formula pinamigay ko para mapush sarile ko na bm lamg si bby, ayun 4months na sya ngaun exclusive pump kame, puyatan lng talaga tyaga kaya pa yan mamsh

  • @charleneelisan2624
    @charleneelisan2624 3 роки тому

    Join Breastfeeding Pinay sa Facebook group mamsh. Daming matutunan. Mix feeding din ako Kay baby nung first 2 weeks nya kasi kala ko di din enough milk ko at ayaw din ni baby maglatch. Mali pala ako. Our body can produce milk according sa need ni baby and proper latch position dapat.. Ngayon 6 weeks na si baby, pure breastfeed na sya. nagawa nya maglatch sakin. Mas macocontrol ni baby Yung supply Ng milk kesa sa pump mamsh. May factor din Yung skin to skin.

  • @maryfaithjoycardinal8632
    @maryfaithjoycardinal8632 3 роки тому

    dumaan din ako sa ganyan momshie. nakaka stress lalo pag kunti lang lumalabas na kaka stress. talagang na sad ako kasi pawala at pawala na lumabas. nag give up na lang ako. sana wag ka mag give up. sana may milk kana ulit..

  • @momshieritchelle2615
    @momshieritchelle2615 3 роки тому

    Same po tayo nang problema sa breastfeeding hindi po dumidede yung baby ko .

  • @jennylyndelacruz1554
    @jennylyndelacruz1554 3 роки тому

    Momsh babalik po yan bsta unli latch/2 hrs pumping lang po ulit at more on fluid... If.yoy want join ka sa magic 8 mommies sbra nakakainspire at damit ka.po mattunan

  • @arlyngamiao8118
    @arlyngamiao8118 3 роки тому

    Same problem ma'am and first time mom po ako pero Ang gamit ko na po nipple silicone try mo ma'am mas lalakas pa yung milk mo kapag😊

  • @edenridley6723
    @edenridley6723 3 роки тому

    Problema ko din yan at 2days ko nang di pinapadede si baby dahil nag decide na kami mag formula nalang...bale 1month lang siya nakadede sa akin

  • @angelmaebarredo2795
    @angelmaebarredo2795 3 роки тому

    Same po tayo momshie Kelly humina ndin po milk ko then ayaw din mag latch ni baby nung una nakakapag pump ako ng 2oz ngayon po wala pang 1oz minsan. Nagtetake ndin ng malunggay capsule. Gusto ko pdin mag bm si baby sana.

  • @paparhey8230
    @paparhey8230 3 роки тому

    Try mo momshie Yung ginataang papaya . Pang pagatas din Yun
    Yan Lang po kinain ko nung nanganak ako sa panganay ko at sa pangalawa . Ngayon mag tatatlo na baka gawin ko nanaman Yun mag kagatas Lang ulit ako .
    Hehe try nyo Lang po momshie

  • @roselynpiamonte6451
    @roselynpiamonte6451 2 роки тому

    Lagi talaga ako na nood ng vlog mo kc firstime mom kodin wala pako masyado alam para sa baby ko

  • @AngelMendoza-lc5hw
    @AngelMendoza-lc5hw 3 роки тому

    Mommshie kelie may related questiob din ako. Mababalik pa ba ang milk production natin kahit di n umaabot ng one oz yung gatas natin? Kasi medyu pareha tayo ng situation. Nag depend nako sa formula, first time mom kasi ako.

    • @sheilamaeisubal1084
      @sheilamaeisubal1084 3 роки тому +1

      Yes momsh.. determination kg dedication lang💪

    • @AngelMendoza-lc5hw
      @AngelMendoza-lc5hw 3 роки тому

      @@sheilamaeisubal1084 thank youu 😊

    • @carminabotalon8743
      @carminabotalon8743 Рік тому

      Paano po kung hndi n dumedede ai baby nandto po kasi ako sa abroad ng tourist 3mos at bglaan po ako nailayo sa baby

  • @jhaselcandido8762
    @jhaselcandido8762 3 роки тому

    Ask ko lng po pag pure breastfeed c baby pero ayaw nia mglatch sken puro pump lng gngwa ko posible ba na mwla milk ko pag hindi mismo c baby ang nglalatch sken?

  • @geraldinearisme427
    @geraldinearisme427 3 роки тому

    Hello po momshie kelie ask ko lang po if pwede ng mag take ng vitamins yung baby ko exactly 3 weeks po sya ngayon

    • @MomshieKelie
      @MomshieKelie  3 роки тому

      Pwede naman po kung advisable ng doctor nya po

  • @maryjoyloquinario4081
    @maryjoyloquinario4081 9 місяців тому

    Ako dahil sa stress subrang hina natalaga ng milk q. Hindi q na pansin siguro nung 5mos,bby q kunti na gatas q mag 6mos na sya nitong 15. Kahit kunti lng lumabas pinadede q rin c bby ayaw q talaga mag fomrula. Nung 1 to 4 subrang dami ng milk q. Kaya ngayon dahil araw² stress naghihina din pala.😢😢 awang awa na ako sa bby q. 2nd bby q ngayon to

  • @joannemaylucena3880
    @joannemaylucena3880 3 роки тому

    Ako Momshie nanganak na din last March 25 and proub breastfeed mom aq..sobrang lakas ng gatas ko ngaun,nakakatuwa😍

  • @mclovesmaranan6562
    @mclovesmaranan6562 3 роки тому

    Momshie sobrang lungkot ko di na po dumami yung gatas ko panu po dadami ulit😭😭 help nyo nmn po ako

  • @celinebarrion1621
    @celinebarrion1621 3 роки тому

    Sis try mo po ung pigeon bottles, ung wideneck po or ung peristaltic nipples kasi never po nanipple confuse si baby ko doon. Malambot po kasi un. Un po gamit ko sa expressed milk ko.

  • @normalataib6904
    @normalataib6904 3 роки тому

    Malaki talaga ang tulong ng pag seset ng goal mindset na purely breastmilk si bb mamshie. Highly recommended ang gatas na Lactation ang name po nakakahelp din po sya sa milk supply natin

  • @kristelmellejor7006
    @kristelmellejor7006 2 роки тому

    Momshie ask ko lng po nag stop na kasi si baby 3months ago mag breastfeed meron pa po bang possibility na babalik yung milk ko?

  • @maival8030
    @maival8030 3 роки тому

    Mega malunggay po. Humina din milk ko mommy, uminom ako ng mega malunggay tapos pump ako 7x a day. Naging okay na ☺ tsaka milo2.

  • @criselfabillar2393
    @criselfabillar2393 3 роки тому

    momshie...para daw lumaks milk ntn dpt daw isang kilong prutas natn araw araw...dpt my kamote dn o saging... milo nkkpgplkas milk dn at oatmeal... c bby k snay skn magdede.hrap aq mag pa feeding bottle. ang problema ko pano ko xa iiwan pag aalis alis aq

  • @merrypanzuelo4210
    @merrypanzuelo4210 3 роки тому

    Maganda poba gamitin yan electric pump? Pampalabas po ng gatas. FTM po ako❤️

    • @MomshieKelie
      @MomshieKelie  3 роки тому

      Hindi ko po gusto eto masakit sa nipple. Nag order pako ibang klase na pump

  • @ricorivadenera
    @ricorivadenera 3 роки тому

    Mixed feed din ako kay baby dati pero after 1month nagpure breastfeed na nagmindset din ako sa suporta din ng asawa ko sa akin na tlaga umasa c baby at pra dko ma feel na fail ako pagdating sa breastfeeding kay baby 😀

  • @jesmaeanne9649
    @jesmaeanne9649 3 роки тому +1

    Magpump po kayo the same time na nagfefeed kay baby. That is, for example, if nagfefeed ka kay baby every 2 hrs, every 2 hrs ka din magpump. It works based on supply and demand kasi. Think positive din po. Yes, yes. Feed on demand

  • @jeeperzabala7539
    @jeeperzabala7539 3 роки тому

    Kakapanganak ko lang nong March 25. Three days palang nakapag 1 oz nako ngayon nakaka anim na 4 oz total of 24 oz ako per day.
    Nag te take ako ng malunggay capsule and maraming sabaw na hinihigop :)
    Panay pump ako simula madaling araw every 3 hrs kase nasa NICU si baby no
    Dalaga palang ako tinuruan ako ni mommy ko na dapat breastfeed ko si baby para matibay yung teeth, health and bones ni baby.
    Kase 3 years ako breastfeednsa mama ko hahaha 😬

  • @victoriacunanan7538
    @victoriacunanan7538 3 роки тому

    1st! humina din akin momsh😊

  • @jannajadebaqueque7434
    @jannajadebaqueque7434 3 роки тому

    Mamsh. Yung sa akin isang dede lng ang mlakas mg produce ng milk, ang sa kbila hndi ako mkapump🤦. Ok lng po ba yun?

  • @clarissapuyawan5315
    @clarissapuyawan5315 3 роки тому +1

    MAmshie try the elvie pump b4 my milk for the whole day 2 oz only now go up to 5 oz

  • @momshieleysam1780
    @momshieleysam1780 3 роки тому +3

    Mag natalac po kayo mommy.

  • @jellyanntamse1180
    @jellyanntamse1180 3 роки тому

    monshie tanong kulang ano poba vitamins ni bby mo.

  • @marinellasoriano9430
    @marinellasoriano9430 3 роки тому

    2weeks palang si baby nung nag stop/humina milk production ko momshie. Super sakit si boobs na ang bigat hanggang sa nilagnat ako tapos tuluyan nang nawala.. Sinubukan ko din padedein directly si baby pero ayaw nya umiiyak na kasi wala masipsip.

    • @dyiselaharaja9678
      @dyiselaharaja9678 3 роки тому

      Hello po ask lang po nagtry po ba kayo mag pump noon?

  • @edengracesalem134
    @edengracesalem134 3 роки тому

    First time mommy here dn po. Nakakafrustrate po pg hindi pure breast feed si baby, lalo na pg madaming nag ssabi sayo na mag bfeed ka.
    Nong 2weeks kz c baby nagoa hilot po ako para lumakas ang milk ko, maganda nmn ang result kz tumutulo lng gatas ko non, then nong pinapadede ko na c baby umiiyak kz di sya sanay sa nipple ko, kinukuha agad ng inlaws ko pra ibottle,kya ngayon c baby nka bottle.
    Pero nag ssupliment ako ng nactalac capsul at mother nature na drink para lumakas, 1oz prn nakkuha ko. Good thing po at napanood ko tong video mo momsh dpt pla every 2hrs.
    Try ko po para ma pure bfeed ko c baby

  • @begendelatorrie7233
    @begendelatorrie7233 3 роки тому

    Curios lang po ako mommy Kelly anung kaibahan po sa pag papa de de sa mismo nating susu kisa sa pump.

  • @kathyarac303
    @kathyarac303 3 роки тому

    Anong gamit niyo po na pumping machine

  • @teamricohermozo9778
    @teamricohermozo9778 3 роки тому

    Ganyan din ako sa first baby ko. Dati ang sipag ko mag pump kahit nasa office ako, Kaso nung nag pang gabi schedule na ako tinamad na ako mag pump, super pag sisisi ko talaga, and now in pregnant plan ko na mag breastfeeding 100%