Makikiraan lang po: Salamat po! Maliwanag po ang sinabi nyo Pastor, dahil ang hahatulan ng Diyos ay ang kasalanan ng tao, hindi ang kabutihang ginawa niya. Ang hangad ko lang ay makaalam ng katotohanan ang lahat ng mga tao upang sila'y maligtas. Bagamat halos lahat ng tao ay may kanya-kanyang relihiyon at paniniwala, dahil sa kagustuhan nilang mapaging-dapat at maligtas sa kaparusahan ng Diyos sa kanilang kasalanan sa dagat-dagatang apoy, ngunit kapag mali naman ang katuruan ng isang relihiyon na kanyang naaniban ay magiging mali din ang batayan niya ng kaligtasan na maaring ikapahamak lang niya sa impiyerno, sa halip na ikaligtas niya. Kaya't kapag aanib sa isang relihiyon ay alamin mo muna sa kanila kung ano ang kanilang katuruan kung paano matatanggap ang kaligtasan. Ganito ang tanong: Ano ang dapat kong gawin upang maligtas? Ganito ang iba't-ibang kasagutan mula sa bawat relihiyon sa tanong na ito: 1. UMANIB sa relihiyon 2. SUNDIN ang kautusan ng Diyos 3. SUNDIN ang kautusan ni Cristo 4. SUNDIN ang 7 sakramento 5. SUNDIN ang limang haligi ng magandang ugali. 6. GUMAWA ng kabutihan at magkawang-gawa 7. MAGPABAUTISMO sa tubig 8. MAGBAGONG buhay 9. MAGLINGKOD sa Diyos 10. MAGPENITENSYA at magpapako sa krus 11. MAGING DEBOTO ng itim na poong Jesus Nazareno, papa Jesus, mama Mary at iba pang mga santo at santa 12. ISUKO sa Diyos ang binhi ng ulupong 13. TANGGAPIN ang Panginoong Jesus bilang Panginoon at Tagapagligtas 14. MAGTIIS hanggang wakas 15. KILALANIN na si Jehovah ang tunay na Diyos, sundin ang Kanyang mga utos at umanib sa dalisay na relihiyon. 16. SUMAMPALATAYA at gumawa ng kabutihan 17. SUMAMPALATAYA at magpabautismo 18. SUMAMPALATAYA at sundin ang kautusan ng Diyos 19. SUMAMPALATAYA at isuko sa Diyos ang buong buhay 20. SUMAMPALATAYA sa Panginoong Jesu-Cristo Ang tamang kasagutan at paliwanag: Sa maniwala ka't hindi, ang tamang kasagutan sa katanungan sa itaas na: "Ano ang dapat kong gawin upang maligtas?" Gawa 16:30 ay ang nasa pang dalawangpu (20) na ganito ang nakasulat: "Sumampalataya ka sa Panginoong Jesus" ayon sa aklat ng Gawa 16:31 Iyan ang deretsahang sagot nina Pablo sa tanong ng Bantay bilanggo sa kanila kung ano ang dapat gawin upang maligtas. Ang mga naunang paraan naman na nabanggit sa itaas ay hindi makapagliligtas sa tao sa kaparusahan ng Diyos sa kanilang kasalanan dahil nababale-wala ng gawa ang biyayang kaloob ng Diyos na kaligtasan. Roma 11:6; Roma 9:16, 30-32 Ang katotohanang ito ay hindi matanggap ng maraming tao, dahil daw sa pahayag ni Santiago sa 2:17-22, kaya't ang gusto nila'y umasa sa kanilang gawa para sa Diyos kaysa umasa sa gawa ng Diyos para sa kanila. Juan 6:28-29 Tanong: Bakit ang sagot nina Pablo sa bantay bilanggo ay sumampalataya ka Panginoong Jesus upang maligtas? Sagot: 1.) Iyan mismo ang ipinangaral ng Panginoong Jesus, Juan 3:15-18,36; 6:29, 35, 40, 47; 7:38, 39; 8:24, 46; 11:25-26 2.) Iyan din ang ipinangaral ng Kanyang mga Alagad. Gawa 16:30-31; 10:43; 1 Juan 3:23; 5:1 3.) Ang pananampalatayang ito ay galing sa Diyos. Judas 1:3; Roma 12:3; 2 Pedro 1:1 4.) Ang pananampalataya din ang kalooban ng Diyos na ipinagagawa Niya sa mga tao upang sila'y magkaroon ng buhay na walang hanggan at kaligtasan, Juan 6:28, 29, 40, 47; 3:15-18; Gawa 16:30-31 5.) Ang kaligtasan ay biyaya ng Diyos, isang kaloob na walang bayad (free gift) na makakamtan, hindi sa gawa kundi sa pamamagitan ng pananampalataya sa Panginoong Jesus Galacia 3:22-24; Efeso 2:8,9; Tito 3:4-7; Roma 4:5-8 kahit siya pa ang pinakasamang taong sasampalataya sa Panginoong Jesus. 1 Timoteo 1:15,16 Kapag hindi ito ang batayan ng iyong pananampalataya sa Panginoong Jesu- Cristo para sa iyong kaligtasan ay mapapahiya ka't mapapahamak lamang Mateo 7:21-23 dahil umasa ka sa iyong mabubuting gawa para sa Diyos, sa halip na umasa ka sa gawa ng Diyos para sa iyo, Juan 6:28-29; Juan 3:16 ngunit kapag sumampalataya ka sa Panginoong Jesus ay hindi ka mapapahiya, (He that believed on Him shall not be confounded) 1 Pedro 2:6 Roma 9:33; 10:11-13 na katulad ng mga taong binanggit ng Panginoong Jesus sa Mateo 7:21-23 at hindi ka rin mapapahamak, ayon din sa sinabi ng Panginoong Jesus sa Juan 3:15-18 sa halip, ay maliligtas ka dahil sa biyaya ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya sa Panginoong Jesu-Cristo na Siyang ginawa mong pinakahandog para sa iyong kasalanan. Gawa 16:30, 31; Juan 3:16; 2 Timoteo 3:15; 1 Corinto 1:21; Isaias 53:1-10 Ganito ang mababasa sa 1 Corinto 1:21 at 2 Timoteo 3:15 "Sapagka't yamang sa karunungan ng Dios ay hindi nakilala ng sanglibutan ang Dios sa pamamagitan ng kaniyang karunungan, ay kinalugdan ng Dios na "iligtas" ang mga "nagsisisampalataya" sa pamamagitan ng kamangmangan ng pangangaral. (it pleased God by the foolishness of preaching to "save" them that "believe") Basahin din: 2 Timoteo 3:15 Ngayon, sa sandaling sumampalataya ka sa Panginoong Jesu-Cristo ng buong puso ay bibigyan ka ng Diyos ng buhay na walang hanggan at kaligtasan, kaya't kailangan mong magpabautismo bilang tatak ng iyong katuwiran ng pananampalataya Gawa 16:30-33; 10:43, 47; Roma 4:5-8 at iukol ang iyong buhay sa paggawa ng kabutihan, hindi para maligtas kundi dahil ligtas ka na. Efeso 2:8-10; Tito 3:4-8 Pahayag ng pananampalataya: O Diyos, patawarin po Ninyo ako na isang makasalanan. Ipinapahayag ko po ngayon na ang Panginoong Jesu-Cristo ang Panginoon na namatay sa krus para sa kabayaran ng aking mga kasalanan ayon sa Roma 5:8 at sumasampalataya po ako ng buong puso na Siya'y binuhay ng Diyos sa mga patay, ayon sa Roma 10:9-10, kaya't tinatanggap ko po ngayon ang buhay na walang hanggan at kaligtasang kaloob N'yo sa akin ayon sa Inyong biyaya sa Pangalan ng Panginoong Jesu-Cristo. Amen! Ngayon ay tandaan mo ang araw na ito, dahil ligtas ka na, kung ika'y sumampalataya ngayon sa Panginoong Jesus ng buong puso, pero "hindi ka naligtas dahil sa panalanging ito" kundi dahil sa biyaya (regalong walang bayad) ng Diyos sa iyo. Kaya't lumayo ka sa kasamaan, mamuhay na may pagpipigil at iukol ang iyong buhay sa paggawa ng kabutihan, 'hindi' para maligtas kundi 'dahil' ligtas ka na. Efeso 2:8-10; Tito 3:4-9 Ito'y bilang katibayan na maipapakita mo sa mga tao na tunay kang sumampalataya Santiago 2:14-23 at para din maipamahagi mo ang mga ito sa pananampalataya upang hindi ka matisod, hindi mo malimutang pinatawad ka na at hindi ka pabayaang maging tamad o walang bunga sa pagkakilala sa ating Panginoong Jesucristo. 2 Pedro 1:5-9 sa gayon ay maluwalhati ang Diyos sa iyong mabubuting gawa. Mateo 5:16 Hanapin mo rin ang relihiyon na nagtuturo na ang kaligtasan ay biyaya ng Diyos na kaloob (Regalong walang bayad) sa mga sumampalataya sa Panginoong Jesus at doon ka umanib upang lumago ka't tumatag sa buhay espirituwal sa pamamagitan ng Salita ng Diyos. Magpabautismo ka doon Gawa 16:30-33; Mateo 28:19, 20 at maglingkod ka sa Diyos na hindi pakitang tao kundi may katapatan at pag-ibig sa habang buhay upang makatanggap ka rin ng gantimpala sa Panginoon. Mateo 25:21, 23; 1 Corinto 16:14; Pahayag 22:12; 1 Corinto 3:14-15 Ngayong ika'y anak na ng Diyos at ligtas na, ay huwag kang mag-alala kung magkasala ka man, (Magkasala, hindi gumawa ng kasalanan) dahil walang taong gumagawa ng kabutihan na hindi nagkakasala ngunit may "Tagapamagitan" (Go between, Mediator, Attorney) tayo sa Ama, ang Panginoong Jesus na walang kasalanan. 1 Juan 2:1-2; Hebreo 7:25 Sa Diyos lamang ang kapurihan!
Pagkataposko pong tanggapin si kristo bilang personal savior.ligtas na po ba ako kahit gumawa po ako nang masama,dahil sabi mo Hindi kailangan Ang mabuting gawa
Panoorin mo kapatid ang next lesson, maonawaan mo ang halaga ng mabubuting gawa... maghintay kalang, di ko pa siguro na upload... pero sa isa kung channel marami na akong topic tungkol sa tanong mo...
Amen amen❤
Amen pastor, preach on God bless 🙏
Amen...
Amen
Makikiraan lang po: Salamat po!
Maliwanag po ang sinabi nyo Pastor, dahil ang hahatulan ng Diyos ay ang kasalanan ng tao, hindi ang kabutihang ginawa niya.
Ang hangad ko lang ay makaalam ng katotohanan ang lahat ng mga tao upang sila'y maligtas. Bagamat halos lahat ng tao ay may kanya-kanyang relihiyon at paniniwala, dahil sa kagustuhan nilang mapaging-dapat at maligtas sa kaparusahan ng Diyos sa kanilang kasalanan sa dagat-dagatang apoy, ngunit kapag mali naman ang katuruan ng isang relihiyon na kanyang naaniban ay magiging mali din ang batayan niya ng kaligtasan na maaring ikapahamak lang niya sa impiyerno, sa halip na ikaligtas niya.
Kaya't kapag aanib sa isang relihiyon ay alamin mo muna sa kanila kung ano ang kanilang katuruan kung paano matatanggap ang kaligtasan.
Ganito ang tanong:
Ano ang dapat kong gawin upang maligtas?
Ganito ang iba't-ibang kasagutan mula sa bawat relihiyon sa tanong na ito:
1. UMANIB sa relihiyon
2. SUNDIN ang kautusan ng Diyos
3. SUNDIN ang kautusan ni Cristo
4. SUNDIN ang 7 sakramento
5. SUNDIN ang limang haligi ng magandang ugali.
6. GUMAWA ng kabutihan at magkawang-gawa
7. MAGPABAUTISMO sa tubig
8. MAGBAGONG buhay
9. MAGLINGKOD sa Diyos
10. MAGPENITENSYA at magpapako sa krus
11. MAGING DEBOTO ng itim na poong Jesus Nazareno, papa Jesus, mama Mary at iba pang mga santo at santa
12. ISUKO sa Diyos ang binhi ng ulupong
13. TANGGAPIN ang Panginoong Jesus bilang Panginoon at Tagapagligtas
14. MAGTIIS hanggang wakas
15. KILALANIN na si Jehovah ang tunay na Diyos, sundin ang Kanyang mga utos at umanib sa dalisay na relihiyon.
16. SUMAMPALATAYA at gumawa ng kabutihan
17. SUMAMPALATAYA at magpabautismo
18. SUMAMPALATAYA at sundin ang kautusan ng Diyos
19. SUMAMPALATAYA at isuko sa Diyos ang buong buhay
20. SUMAMPALATAYA sa Panginoong Jesu-Cristo
Ang tamang kasagutan at paliwanag:
Sa maniwala ka't hindi, ang tamang kasagutan sa katanungan sa itaas na: "Ano ang dapat kong gawin upang maligtas?" Gawa 16:30 ay ang nasa pang dalawangpu (20) na ganito ang nakasulat: "Sumampalataya ka sa Panginoong Jesus" ayon sa aklat ng Gawa 16:31
Iyan ang deretsahang sagot nina Pablo sa tanong ng Bantay bilanggo sa kanila kung ano ang dapat gawin upang maligtas. Ang mga naunang paraan naman na nabanggit sa itaas ay hindi makapagliligtas sa tao sa kaparusahan ng Diyos sa kanilang kasalanan dahil nababale-wala ng gawa ang biyayang kaloob ng Diyos na kaligtasan. Roma 11:6; Roma 9:16, 30-32
Ang katotohanang ito ay hindi matanggap ng maraming tao, dahil daw sa pahayag ni Santiago sa 2:17-22, kaya't ang gusto nila'y umasa sa kanilang gawa para sa Diyos kaysa umasa sa gawa ng Diyos para sa kanila.
Juan 6:28-29
Tanong:
Bakit ang sagot nina Pablo sa bantay bilanggo ay sumampalataya ka Panginoong Jesus upang maligtas?
Sagot:
1.) Iyan mismo ang ipinangaral ng Panginoong Jesus, Juan 3:15-18,36; 6:29, 35, 40, 47; 7:38, 39; 8:24, 46; 11:25-26
2.) Iyan din ang ipinangaral ng Kanyang mga Alagad. Gawa 16:30-31; 10:43; 1 Juan 3:23; 5:1
3.) Ang pananampalatayang ito ay galing sa Diyos. Judas 1:3; Roma 12:3; 2 Pedro 1:1
4.) Ang pananampalataya din ang kalooban ng Diyos na ipinagagawa Niya sa mga tao upang sila'y magkaroon ng buhay na walang hanggan at kaligtasan, Juan 6:28, 29, 40, 47; 3:15-18; Gawa 16:30-31
5.) Ang kaligtasan ay biyaya ng Diyos, isang kaloob na walang bayad (free gift) na makakamtan, hindi sa gawa kundi sa pamamagitan ng pananampalataya sa Panginoong Jesus Galacia 3:22-24; Efeso 2:8,9; Tito 3:4-7; Roma 4:5-8 kahit siya pa ang pinakasamang taong sasampalataya sa Panginoong Jesus.
1 Timoteo 1:15,16
Kapag hindi ito ang batayan ng iyong pananampalataya sa Panginoong Jesu- Cristo para sa iyong kaligtasan ay mapapahiya ka't mapapahamak lamang Mateo 7:21-23 dahil umasa ka sa iyong mabubuting gawa para sa Diyos, sa halip na umasa ka sa gawa ng Diyos para sa iyo, Juan 6:28-29; Juan 3:16 ngunit kapag sumampalataya ka sa Panginoong Jesus ay hindi ka mapapahiya, (He that believed on Him shall not be confounded)
1 Pedro 2:6
Roma 9:33; 10:11-13 na katulad ng mga taong binanggit ng Panginoong Jesus sa Mateo 7:21-23 at hindi ka rin mapapahamak, ayon din sa sinabi ng Panginoong Jesus sa Juan 3:15-18 sa halip, ay maliligtas ka dahil sa biyaya ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya sa Panginoong Jesu-Cristo na Siyang ginawa mong pinakahandog para sa iyong kasalanan. Gawa 16:30, 31; Juan 3:16; 2 Timoteo 3:15; 1 Corinto 1:21; Isaias 53:1-10
Ganito ang mababasa sa 1 Corinto 1:21 at 2 Timoteo 3:15
"Sapagka't yamang sa karunungan ng Dios ay hindi nakilala ng sanglibutan ang Dios sa pamamagitan ng kaniyang karunungan, ay kinalugdan ng Dios na "iligtas" ang mga "nagsisisampalataya" sa pamamagitan ng kamangmangan ng pangangaral. (it pleased God by the foolishness of preaching to "save" them that "believe")
Basahin din: 2 Timoteo 3:15
Ngayon, sa sandaling sumampalataya ka sa Panginoong Jesu-Cristo ng buong puso ay bibigyan ka ng Diyos ng buhay na walang hanggan at kaligtasan, kaya't kailangan mong magpabautismo bilang tatak ng iyong katuwiran ng pananampalataya Gawa 16:30-33; 10:43, 47; Roma 4:5-8 at iukol ang iyong buhay sa paggawa ng kabutihan, hindi para maligtas kundi dahil ligtas ka na. Efeso 2:8-10; Tito 3:4-8
Pahayag ng pananampalataya:
O Diyos, patawarin po Ninyo ako na isang makasalanan. Ipinapahayag ko po ngayon na ang Panginoong Jesu-Cristo ang Panginoon na namatay sa krus para sa kabayaran ng aking mga kasalanan ayon sa Roma 5:8 at sumasampalataya po ako ng buong puso na Siya'y binuhay ng Diyos sa mga patay, ayon sa Roma 10:9-10, kaya't tinatanggap ko po ngayon ang buhay na walang hanggan at kaligtasang kaloob N'yo sa akin ayon sa Inyong biyaya sa Pangalan ng Panginoong Jesu-Cristo. Amen!
Ngayon ay tandaan mo ang araw na ito, dahil ligtas ka na, kung ika'y sumampalataya ngayon sa Panginoong Jesus ng buong puso, pero "hindi ka naligtas dahil sa panalanging ito" kundi dahil sa biyaya (regalong walang bayad) ng Diyos sa iyo. Kaya't lumayo ka sa kasamaan, mamuhay na may pagpipigil at iukol ang iyong buhay sa paggawa ng kabutihan, 'hindi' para maligtas kundi 'dahil' ligtas ka na.
Efeso 2:8-10; Tito 3:4-9
Ito'y bilang katibayan na maipapakita mo sa mga tao na tunay kang sumampalataya Santiago 2:14-23 at para din maipamahagi mo ang mga ito sa pananampalataya upang hindi ka matisod, hindi mo malimutang pinatawad ka na at hindi ka pabayaang maging tamad o walang bunga sa pagkakilala sa ating Panginoong Jesucristo. 2 Pedro 1:5-9 sa gayon ay maluwalhati ang Diyos sa iyong mabubuting gawa. Mateo 5:16 Hanapin mo rin ang relihiyon na nagtuturo na ang kaligtasan ay biyaya ng Diyos na kaloob (Regalong walang bayad) sa mga sumampalataya sa Panginoong Jesus at doon ka umanib upang lumago ka't tumatag sa buhay espirituwal sa pamamagitan ng Salita ng Diyos. Magpabautismo ka doon Gawa 16:30-33; Mateo 28:19, 20 at maglingkod ka sa Diyos na hindi pakitang tao kundi may katapatan at pag-ibig sa habang buhay upang makatanggap ka rin ng gantimpala sa Panginoon.
Mateo 25:21, 23; 1 Corinto 16:14; Pahayag 22:12; 1 Corinto 3:14-15
Ngayong ika'y anak na ng Diyos at ligtas na, ay huwag kang mag-alala kung magkasala ka man, (Magkasala, hindi gumawa ng kasalanan) dahil walang taong gumagawa ng kabutihan na hindi nagkakasala ngunit may "Tagapamagitan" (Go between, Mediator, Attorney) tayo sa Ama, ang Panginoong Jesus na walang kasalanan.
1 Juan 2:1-2; Hebreo 7:25
Sa Diyos lamang ang kapurihan!
Pagkataposko pong tanggapin si kristo bilang personal savior.ligtas na po ba ako kahit gumawa po ako nang masama,dahil sabi mo Hindi kailangan Ang mabuting gawa
Panoorin mo kapatid ang next lesson, maonawaan mo ang halaga ng mabubuting gawa... maghintay kalang, di ko pa siguro na upload... pero sa isa kung channel marami na akong topic tungkol sa tanong mo...
Amen