bukas po ako bibili e guitar torn between sa s-2hc or lsx ako pero itong vid mo sir and yung mga replies mo sa comment section ang nagpafinalize saken, lezgooo lsxxxxxx. thankyou sa review mo sir! You're doing great 🙏🙌
May guitar akong ganito. Pinag experiment ko lang hahha ginawa Kong 1 pick up lang at 1 volume. Tapos nasa bridge lng naka lagay na ang pick up. Pinalitan ko ng dimarzio tone zone sa extra guitar ko. Tsaka pa gumanda tunog.. Salamat sir tix sa review nyo po subrang helpful
Finally nakita ko na rin loob ng pickup cavity! Ayos, kaya pala nya ng HSH! Ngayon kailangan ko nalang makahanap ng stock na black neto haha. Maraming salamat sa mga technical reviews. Isang malaking tulong mga vids mo sa mga newbie luthiers at mahilig kumalikot ng mga gitara haha
Hello sir, maraming salamat po sa review.... Before ko napanuod itong review mo, nakabili na ako ng LSX... Quality din po siya, pero need din upgrade... God Bless and more power sa channel mo...
Thank you so much for this vid, Sir! Balak kong mag-ipon para sa ganitong gitara, plus upgrades: new pickups, and Floyd Rose hehe Maybe new paint din. Nandito na lahat ng kailangan kong malaman sa gitarang 'to Subbed right away, and looking forward to more vids
Sir Tagima tg530 naman po pls planning to upgrade mine ng wilkinson 2 point tremolo vs50 wilkinson hot rail neck/mid/bridge + coil switch/tap Any locking tuners na magfifit Pots etc.(inside pickguard) Please notice me po
Good Morning sir i have a question po about sa Tremolo Bridge gusto ko sana i upgrade yung bridge ng LSX ko kaso newbie pako tska baguha sa guitar bali 51.8mm po yung sting spacing nitong LSX so pwede po ba mag fit yung Musiclily Ultra 52.5mm Full Solid Brass 6-Screws PRS-Style Edge Tremolo Bridge for Strat Style Electric Guitar or itong Wilkinson WVP6-SB 54mm 5+1 Hole sa LSX ko or need ko pang mag redrill ng holes nito???? Gusto ko talaga palitan ng PRS style tremolo bridge any suggestions po sa pweding ipalit na pasok talaga sa holes
Verify ko lang po sir, with regards to standard pickguards, yung reason cguro kaya hindi papasok ang standard pickguard ay dahil mas mahaba ang 24-fret neck as compared to 21's and 22's. And so need i "abante" ng kaunti yung bridge towards the neck to maintain the 25.5 scale length tama po ba? Fan kase ako ng custom made guitars and i have some, pero i am considering buying this one since yung woods na ginamit is up to my preferences except sa rosewood fretboard as i prefer ebony. Salamat sa review nito sir.
ganyan din sakin yung LSX medyo hindi na glue ng mabuti yung fretboard sa neck, hairline lang na man yung gap pero sana hindi bumigay (sana man lang responsive yung main manufacturer ng JCraft). tsaka spacing ng tuners sa 5 at 6 masyadong malapit pero ok lang na man. binuksan ko din yung loob 250k pots hindi 500k.
Gustong gusto ko po talaga ito jcraft x-series lsx-1 may tanong lang po sana ako sir at pa compare na din Kung saan mas swak for music ministry ito ba or Jcraft t1 telecaster sabi kasi ng friend ko mas maganda yung jcraft t1 telecaster for clean
Tama sir cleaner ang tunog ng T1 at S1. Kung mas pref mo sir ang porma ng LSX1 ay pwede naman mag upgrade ng pickup na capable ng coil split. Advantage naman ng lsx series ay 24 frets 👌
Sir may i ask? Saan po ba nakakabili nang pickguard ng lsx kasi hirap maghanap nang ganyang sizes kasi usually sa mga online shops puro standard na pickguard makikita mo.
Posible sya sir kase ang design nya ay subject to revision without prior notice. Same lang din ng pag bago nila ng shaoe ng headstock. Pwedeng ginawa na nilang 10 ang radius ng mga latest release.
Sa sukat ay 51.8 to 52 mm. 2 ang sukat ng bridge, 2 1/16 at 2 3/16 pasok sa 2/16 ang sukat kaya eto ang nakikita kong matched sa kanyan. shp.ee/36m5u7r
Sa bare wood +/1mm lang ang diff. Nag measure ako ng isang Fender mij nag read sya ng 47.4. sa kapal sila ng paint nagka diff sa tingin ko kase mas manipis ang matte na paint compared sa mga gloss.
Boss salamat, sa pag review ng lsx, tanong ko lang, overall assestment mo, kapag ba napalitan na ng 500k ang value ng pots nya, ay magiging maganda na ang performance nya sa kabuuan? Bale yun lang ba ang kailangan palitan para maging quality na ang tunig nya? Salamat sa sagot idol, at anu anu pa kaya ang puedeng iupgrade para maging quality na sya?
Mas magiging maganda ang frequency response ng pickups pag napalitan ng tama at quality pots which is yung 500k lahat sila. Quality strings at tamang setup din ay sasabay na si LSX 🤘
Hi sir tix, meron ako gitara for newbie like me pero gusto ko sana iupgrade pickups, Ibanez gio grg gitara ko, ano po ba compatible ng pickup pede sa kanya? chugs trip ko tugtugan. thanks sir!
Sa totoo lang ok na ang pups ng ibanez sa mga bigatang tugtugan. Ang nagiging cause lang minsan kung bakit tumatabang ay dahil sa pagkaka setup (especially ng pickup height) at quality ng strings na gamit. Kung hindi pa napapa setup ay mas maganda na yun muna ang gawin at. Yan lagi ina advice ko na isagad muna ang potential ng stock bago mag upgrade. Atleast may basehan kung may improvements o wala. Btw sa budget-friendly pups ay may Entwistle, wilkinson at Tesla. Check the specs for specific applications. If willing to spend or invest in higher quality ay nandyan ang diMarzio, Seymour Duncan, EMG, at Bareknuckle
@@tixcustomsph thanks sir tix, last nalang po hm ba magagastos ko kung iupgrade ko pickup ko to Seymour D? Iba kasi talaga tunog ng pickup ko siguro dahil entry level lang tong ibanez gio ko compare sa mga ibanez rg series. Tumatanggap na kau sir ng service? I mean padala ko gitara ko from bicol, then upgrade nio pickup ko? Estimate po sir hm po kaya?
Alam ko may legit na seller (want jp instruments) ng mga SD from Japan sa Lazada. Nasa 4200 to 5k+ ang humbuckers at 3500 +/- ang single. Mas ok sir kubg may plan na ipagawa sa shop ay mag pm dun sa ating FB page. Same lang din na Tix Customs Ph.
@@tixcustomsph String spacing: 10.5x5=52.5mm (2-1/16 inch); Mounting screw spacing: 67mm x 28.5mm(2-41/64 inch x 1-1/8 inch) yan po yung measurements ng bibilihin ko sir, fit po ba sa ltx tele ko?
Ang tone caps ng mga gitara ay para mag cut ng freq range ng pup. Kung walang tone control (pots at caps), lalabas ang lahat ng freq response ng pup. Pag naglagay tayo ng tone control, ipi-filter na nya yung freq range na kayang ilabas ng pup. Yan ang reason kung bakit yung iba ay naka tone bypass kase gusto nila na kung ano ang full range ng pup ay mailabas. Prang sa sasakyan din na may muffler, catalytic converter 😉
Anong pong size ng tusq nut ang Pede po sa jcraft lsx? Kasi measured nyo po ay E to e is 33.0mm Lowest na nakita ko po sa lazada is 34.5mm. May allowance pa po kaya ang string mula sa dulo ng fret?
Nasa vid din po sir ang measurement. Total width (actual) ay 41.8mm to 42 pero online ang sabi ay 43mm sir. Kung 34.5 ang lowest spacing ay may allowance pa din na 4.25 each side sa 43 at 3.75 naman sa 42. Check lang din ng actual kase pwedeng may konting diff ang mga napapakabit sa same model.
Matibay po ba kaya yung wood ng neck at body like d kaya sya mag warp or bend agad or kakayanin kaya mag retrofit ng floyd? salamat sa response btw nice vid very honest at informative
Salamat po! Matibay na ang neck at body kaya lang kahit gaano kamahal ng gitara basta di proper ang storage at pag aalaga ay pwedeng magka problema pa din. Para din tao na normal ang physique pero nasanay sa improper posture, nakukuba etc. Regarding retrofit ng floyd, yes kakayanin naman ng body.
Look for brands na CTS, Bourns at Alpha. 2 pcs na B500K for vol 1 and 2 at A500K for master tone. Pwede rin na A500K x2 sa vol pots at B500K naman sa master tone. Sa Lazada madami 👌
@@tixcustomsph One last question sir, aside sa 500k value ng pots, ano po ang size na pwede sa kanya? Nalilito kasi ako kung ano bilhin since merong 1/4, 3/8 etc. Sabi ng seller i measure ko daw ang size but di ko alam paano i measure yun. Salamat ulit sir.
Ok naman sila lahat sir kaya lang ang advantage ng lsx at ltx ay 24 frets comoared sa lpx na 22. Sa porma mga astig lahat sila sir. Ang advantage naman ng lpx ay yung open pole na pickups.
Maraming salamat sa support sir. Tingnan natin kung makakagawa tayo ng ganung vid. Habang wala pa ay pwede naman mag inquire sa ating page. Same name sa FB.
Ok lang din na 1 meg. As good as "no-load" na sya or direct out na may benefit na mag off. Mas ok kung A sa volume at B sa tone pero kung B lang ang available, ok lang din. Sa response magkaiba ang A at B pero they will both serve the same purpose in different ways.
Sir question lang po. Pag wala pong effects pedal, pano po makakatugtog ng mga pang rakrakan? Ampli lang po meron ako pero hindi naman po sya tunog rakrakan. May app po ba na effects na pwede palitan tone ng gitara? Ano po ba mga need para makatugtog ng rock? Hehe complete newbie lang po talaga ako. More power idol!
Tingin ko need mo ng guitar interface direct sa fon o pc. Irig ay isang example. Meron na din ibang naglalabasan na pwede sa android. Paki search lang din sa mga online shops yung guitar interface. Mukang yan ang sagot sa naiimagine mo 👍
@@tixcustomsphSabi kasi ni sir Mico Ong eh baka hindi kayanin nung wood.Bumili na lang ng floyd rose equipped.Eh mahal masiyado ang starting price ng floyd rose guitar hehehe.Kaya isip ko eh start muna sa 6 pt. May video ka ba sir o kilaal na nagfloyd rose dito o 2 point ?
@@tixcustomsph Saka sir Flat po ba ang neck nito ung parang wizard neck sa ibby o kaya jackson.Ung manipis na pang shred tlaaga?Kasi medyo mataba pa ung Fender type eh thank you dir!
Kung sa mga rock to metal na tugtugan, mas ok ang LSX. Pag ang tugtugan ay mga low gain, clean at vintage, go for S1. Mas ok sya sa jazz, blues, pop at moderate rock.
Napaka swete ko nakita ko ang vid na ito. New subs. Here. Ask lang ako master. Bagong bili ko ang lsx ko. Balak ko palitan ng puts.. ano poba kasya dito ung 3/8 or 1/4?
Mas madali i-setup ang LTX dahil naka fixed ang bridge. Nasa pref na din ng body shape kung tele o strat. Ang advantage naman ng LSX ay ang trem feature nya na pwedeng upgrade sa Floyd Rose. 👌
@@jeromebenitez4690 based sa LTX na na review natin last time, mas matapang ng konti ang bridge pup nitong LSX. Sa neck pup naman ay parehas lang sila. Dito sa vid, na mention lang din natin na kailangang mag palit ng mas mataas na value ng pots ang LSX kase naka 250k lang sya. Need ng 500K para mailabas lahat ng tunog. Ang stock pots naman ng LTX ay naka 500K na agad. Ang isang pinagkaiba nila sa control ay sa LSX, magkabukod ang volume control ng neck at bridge at main tone control. Sa LTX ay 2 pots lang which means master volume and master tone. May option ka na parang gawing killswitch ang sa LSX kase pwedeng i off ang volume ng isang pup at ang isa ay naka on.
Maraming salamat sir! May ltx kasi ako. Napaisip lang ako kung tama ba ba yun ang binili ko hahaha. Pero based sa mga sinabi nyo, goods na goods na pala to 😆
Designed ang X series sa mga moderate to heavy na tugtugan while yung T series at S series naman ay sa mga soft to moderate na tugtugan. Lahat sila magaganda lalo na at magagamit sa tamang application.
Sir worth it po kaya yung Jackson JS series over sa JCraft? Ang laki parin po kase ng price difference nila, yung Jackson po is about 13k pataas then itong JCraft specifically itong LSX at LTX nasa 5k lang po pero ang wood ng LTX e Mahogany na pero yung mga Jackson poplar po despite having much higher price point. Second question po ay ano po stand niyo po sa neck re-enforcements, may ganon daw po kase yung Jackson JS series po. Gusto ko lang po malaman kung ano po ba mas worth na bilhin bago po ako bumili. thank you po
@@tixcustomsph Sir yung Jackson JS12 po. lower end po ng Jackson po iyon pero about 13k po. may dahilan po kaya para maging ganon kataas ang price po niya, pero poplar po ang body,”? gusto ko po sana yung mabili ko yung tatagal specially yung wood ay matibay.
I see, may factor na din ang brand name. Yung materials na ginamit sa pag manufacture example yung mga hardwares ay pwedeng di na i upgrade. Pickups at electronics ng jackson ay mismo nadin. Ang reason kung bakit gugustuhin na bumili ng mga jcraft ay dahil sa excitement ng pag custom. Kung yung price diff nila ang gagamitin sa pag upgrade ng Jcraft, sigurado ako sobrang astig na LSX o LTX ang mangyayari 👌
@@tixcustomsph Actually sir mas naggagravitate po ko sa JCraft for future upgrades. Hardwares lang naman po sir ang masasabing low end sa JCraft po diba? Pero pag inupgrade na ang hardwares may possibility po na malampasan pa nya ang specs ng JS12?
Thank you sir! Tanong ko lang po sa tingin nyo po ba tatagal tong gitara na to? Hahaha maalaga naman ako sa mga gamit ko sir. May iba pa po ba kayong mare-recommend na guitar brand na budget friendly pero ok yung quality? Last question sir saang material po gawa yung fret wires nya? Yung una ko pong gitara eh napudpod na yung fret wires kaya kailangan na ipa-setup. Keep posting videos sir! Salamat
Kaya kong sabihin na tatagal sya sir lalo na at maalaga sa gamit. Yung mga unang labas dismayado din talaga ako kase parang styro sa gaan pero ang mga bagong labas ngayon ay masasabi natin na may ibubuga na. Tech partner tayo ng pinaka malaking distributor ng Jcraft dito sa atin. Kaming mga partners ang nagbibigay ng feedback sa mga dapat i-improve. Ang stock fret wires ay gawa sa nickel. Suggestion ko if ever na magpapa refret ay magpa re-radius na din sa 9.5" from stock 14' para Fender na Fender ang feel 👌🤘
Bat kaya hindi pa iimprove ng Jcraft ang quality ng mga gitara nila HAAHAHA ang pinaka kina disappoint ko dyan which is yung fret wires HAAHHA hindi stainless steels unlike sa mga low class international guitar like Behringer etc.
May mga napapa tyempo pa ring iba na may kailangan ayusin pero naka experience din naman kami na setup lang talaga ang kailangan. May kinalaman din siguro ang competition sa price. May naging improvements na din naman dun sa mga batch na late 2020.
@@tixcustomsph salamat sa reply sir, kung sakali tuloy niyo lang yung gantong pag rereview nyo, para mas marami kaming maging parepare and aware pag bibili ng mga tulad nyan Salamat sir
bukas po ako bibili e guitar torn between sa s-2hc or lsx ako pero itong vid mo sir and yung mga replies mo sa comment section ang nagpafinalize saken, lezgooo lsxxxxxx. thankyou sa review mo sir! You're doing great 🙏🙌
Goodluck sir!
May guitar akong ganito. Pinag experiment ko lang hahha ginawa Kong 1 pick up lang at 1 volume. Tapos nasa bridge lng naka lagay na ang pick up. Pinalitan ko ng dimarzio tone zone sa extra guitar ko. Tsaka pa gumanda tunog.. Salamat sir tix sa review nyo po subrang helpful
Salamat din sa support sir!
Finally nakita ko na rin loob ng pickup cavity! Ayos, kaya pala nya ng HSH! Ngayon kailangan ko nalang makahanap ng stock na black neto haha. Maraming salamat sa mga technical reviews. Isang malaking tulong mga vids mo sa mga newbie luthiers at mahilig kumalikot ng mga gitara haha
Maraming salamat sa support sir!
Hello sir, maraming salamat po sa review.... Before ko napanuod itong review mo, nakabili na ako ng LSX... Quality din po siya, pero need din upgrade... God Bless and more power sa channel mo...
Tama sir, good na good sya as project guitar. Salamat ng marami!
Thank you so much for this vid, Sir! Balak kong mag-ipon para sa ganitong gitara, plus upgrades: new pickups, and Floyd Rose hehe Maybe new paint din. Nandito na lahat ng kailangan kong malaman sa gitarang 'to
Subbed right away, and looking forward to more vids
Salamat po ng marami sir!
Sir Tagima tg530 naman po pls
planning to upgrade mine ng wilkinson 2 point tremolo vs50
wilkinson hot rail neck/mid/bridge + coil switch/tap
Any locking tuners na magfifit
Pots etc.(inside pickguard)
Please notice me po
Noted po sir. Once na may mapaligaw ulit na TG530 ay gawan din natin. Thanks!
Salute Sir Tix. Madadayo din kita soon para sa Brownsville NYC Model T ko 🙏
Looking forward 🤘🤘🤘
I saw an ad, I don't skip. Nice video Sir
also ito pala yung nakita kong naka conductive paint, ngayon lang ako nakakita ng ganitong shielding.
Mas mabilis i apply ang conductive paint kaya time saving lalo na sa mga mass prod na guitars.
Thanks!
Good Morning sir i have a question po about sa Tremolo Bridge gusto ko sana i upgrade yung bridge ng LSX ko kaso newbie pako tska baguha sa guitar bali 51.8mm po yung sting spacing nitong LSX so pwede po ba mag fit yung Musiclily Ultra 52.5mm Full Solid Brass 6-Screws PRS-Style Edge Tremolo Bridge for Strat Style Electric Guitar or itong Wilkinson WVP6-SB 54mm 5+1 Hole sa LSX ko or need ko pang mag redrill ng holes nito???? Gusto ko talaga palitan ng PRS style tremolo bridge any suggestions po sa pweding ipalit na pasok talaga sa holes
Pwedeng mag fit ang 52.5 sir. Paki check lang nung dimension din ng block kung pasok sa cavity.
@mr.vox san ka nkabli ng replacement ng bridge?
Ilan sir measurement ng bridge screws nya? Ung lapad po sir
Verify ko lang po sir, with regards to standard pickguards, yung reason cguro kaya hindi papasok ang standard pickguard ay dahil mas mahaba ang 24-fret neck as compared to 21's and 22's. And so need i "abante" ng kaunti yung bridge towards the neck to maintain the 25.5 scale length tama po ba?
Fan kase ako ng custom made guitars and i have some, pero i am considering buying this one since yung woods na ginamit is up to my preferences except sa rosewood fretboard as i prefer ebony. Salamat sa review nito sir.
Well said po sir. Mismo yung tungkol sa pickguard. Salamat din po!
With regards to bridge naman, kelangan i-atras papunta sa strap button para makuha ang scale length or yung neck mismo ay iaatras palapit sa bridge.
Salamat sir ito ang tunay review ng fermata standard daw haha
Salamat ng marami sir!
ganyan din sakin yung LSX medyo hindi na glue ng mabuti yung fretboard sa neck, hairline lang na man yung gap pero sana hindi bumigay (sana man lang responsive yung main manufacturer ng JCraft). tsaka spacing ng tuners sa 5 at 6 masyadong malapit pero ok lang na man. binuksan ko din yung loob 250k pots hindi 500k.
May ilang units din talaga na nakakalusot pero may nattyempuhan na isesetup na lang talaga. Sa mass prod na gitara hindi talaga maiiwasan din.
@@tixcustomsph pero all in all sulit na man, pwede na pang laban sa branded, upgrade lang ng konti at parang branded na din yung LSX.
Well said sir. 👍
Sir sana next time LPX 2 naman Hahaha btw sobrang solid nitong vid
Noted sir thank you!
Gustong gusto ko po talaga ito jcraft x-series lsx-1 may tanong lang po sana ako sir at pa compare na din Kung saan mas swak for music ministry ito ba or Jcraft t1 telecaster sabi kasi ng friend ko mas maganda yung jcraft t1 telecaster for clean
Tama sir cleaner ang tunog ng T1 at S1. Kung mas pref mo sir ang porma ng LSX1 ay pwede naman mag upgrade ng pickup na capable ng coil split. Advantage naman ng lsx series ay 24 frets 👌
@@tixcustomsph anong name na magandang pick up po sir na ma order sa shopee for upgrade?
Go to lazada. Search yung. Wilkinson pickup for musiclily store.
sana sa susunod kasama review yung action ng straing sa frets
Pwede sana sir kaya lang ay hindi pare parehas ang bawat unit. Depende din sa nagse setup.
5:09 ano po title ng background music po?
Naku sorry sir hindi na natin natatandaan. Sa yt audio library ko sya na download. Thanks
Okay paden po kaya to sa medyo soft na tugtugan o pang heavy lng po tlga sya gusto kopo ksi mga pop rock lng eheads at rivermaya lng haha
Pasok sya sa sa mga ganung tugtugan 👍
Sir Tix, baka pwede po next naman i-review mo yun JCraft SC-2? balak ko kasi bumili not sure kung ok ba sya... Salamat po lodi and more power!
No worries if ever na may dumating dito sa ating shop ay try natin na magawaan. Salamat ng marami!
Hi sir pwede kaya mag mods ng trem block or diy bali yong block na manipis dagdagan ng bakal para kumapal ug bumigat ano masasabi mo sir?
Yes pwede as long as hindi sagabal sa play ng trem. May nabibili din naman na brass block na mas mabigat dun sa stock.
Idol Sana po napanain niyo to. Ano po ma I recommend niyo na budget meal na guitar 🎸??
Jcraft, Clifton or mga japan surplus sir.
solid review 🤟🤟
Thanks!
Sir may i ask? Saan po ba nakakabili nang pickguard ng lsx kasi hirap maghanap nang ganyang sizes kasi usually sa mga online shops puro standard na pickguard makikita mo.
Wala pang available na replacement ng pickguard ng lsx. Not sure kung meron sa jolly music. Need magpa custom oag wala talaga.
Sir Goodmorning. Ano pong length ng truss rod ng lsx? looking for replacement po.
Good morning, yan ang di pa nati sure sir dahil di pa tayo nakakapagbukas ng neck ng lsx.
Hello lods bakit ganun yung nakalagay sa website ng jcraft yung raduis ng fretboard ng lsx1 10 lang nung sinukat mo 14
Posible sya sir kase ang design nya ay subject to revision without prior notice. Same lang din ng pag bago nila ng shaoe ng headstock. Pwedeng ginawa na nilang 10 ang radius ng mga latest release.
@@tixcustomsph awts laking bagay pa naman kahit 14 man lang sa mga lead part
Yaan monsir at pag meron ulit pinagawa na mga late release ay sukatan ko ulit.
Hi sir, tanong ko lang. Ubra kaya to sa high gauge na strings for metal genre sounding?
Yes sir, design din talaga sya sa mga metal genres. Isesetup lang din sya sa kung anong gauge ng strings at tuning ang gagamitin.
@@tixcustomsph ahh bale sir need pa palitan nut? Maraming salamat po 🙂
Kung mas mataba na gauge ang ipapalit ay ika calibrate lang yung nut. No need palitan unless need na i upgrade into bone or mga graphtech.
@@tixcustomsph salamat sir 😁
@@chrollolucilfer4843 welcome sir 😊
Pwede ko po ba yan palitan ng wilkinson WVC-SB and 54mm po ang sukat ng string spacing nya. Ok lang po ba yun? And compatible po ba un dito sa lsx?
Sa sukat ay 51.8 to 52 mm. 2 ang sukat ng bridge, 2 1/16 at 2 3/16 pasok sa 2/16 ang sukat kaya eto ang nakikita kong matched sa kanyan. shp.ee/36m5u7r
..ask ko lang kung pwede na gawing 500k ang volume pots ng Stratocaster?...sna mareplyan mo ito...slamat and more power...
Pwedeng pwede sir. 500K talaga ang gamit sa mga humbucker pickups. Good luck!
Kasing kapal ba nito yung mga Fender strats (45mm)? For futureproofing purposes sana pag bibili ako nito.
Sa bare wood +/1mm lang ang diff. Nag measure ako ng isang Fender mij nag read sya ng 47.4. sa kapal sila ng paint nagka diff sa tingin ko kase mas manipis ang matte na paint compared sa mga gloss.
ano pong pickguard pwedeng replacement?
Parang wala syang after market replacement. Need na i customize.
Boss salamat, sa pag review ng lsx, tanong ko lang, overall assestment mo, kapag ba napalitan na ng 500k ang value ng pots nya, ay magiging maganda na ang performance nya sa kabuuan? Bale yun lang ba ang kailangan palitan para maging quality na ang tunig nya? Salamat sa sagot idol, at anu anu pa kaya ang puedeng iupgrade para maging quality na sya?
Mas magiging maganda ang frequency response ng pickups pag napalitan ng tama at quality pots which is yung 500k lahat sila. Quality strings at tamang setup din ay sasabay na si LSX 🤘
Boss anung string ang maganda at quality na puede kong ipalit sa lsx ko,? Salamat po.
I would recommend GHS, DR at Dunlop Gauge 9 or 10 para dito sa lsx.
Hi sir tix, meron ako gitara for newbie like me pero gusto ko sana iupgrade pickups, Ibanez gio grg gitara ko, ano po ba compatible ng pickup pede sa kanya? chugs trip ko tugtugan. thanks sir!
Sa totoo lang ok na ang pups ng ibanez sa mga bigatang tugtugan. Ang nagiging cause lang minsan kung bakit tumatabang ay dahil sa pagkaka setup (especially ng pickup height) at quality ng strings na gamit. Kung hindi pa napapa setup ay mas maganda na yun muna ang gawin at. Yan lagi ina advice ko na isagad muna ang potential ng stock bago mag upgrade. Atleast may basehan kung may improvements o wala. Btw sa budget-friendly pups ay may Entwistle, wilkinson at Tesla. Check the specs for specific applications. If willing to spend or invest in higher quality ay nandyan ang diMarzio, Seymour Duncan, EMG, at Bareknuckle
@@tixcustomsph thanks sir tix, last nalang po hm ba magagastos ko kung iupgrade ko pickup ko to Seymour D? Iba kasi talaga tunog ng pickup ko siguro dahil entry level lang tong ibanez gio ko compare sa mga ibanez rg series. Tumatanggap na kau sir ng service? I mean padala ko gitara ko from bicol, then upgrade nio pickup ko? Estimate po sir hm po kaya?
Alam ko may legit na seller (want jp instruments) ng mga SD from Japan sa Lazada. Nasa 4200 to 5k+ ang humbuckers at 3500 +/- ang single. Mas ok sir kubg may plan na ipagawa sa shop ay mag pm dun sa ating FB page. Same lang din na Tix Customs Ph.
@@tixcustomsph noted sir follow ko page mo. Pm din ako. Thanks sir tix
Thanks!
hi sir tix! same measurements lang din po ba ang bridge ng lsx sa ltx? papalitan ko na po kasi yung bridge ng ltx ko. thanks!!
Yes parehas lang sila ng spacing 👌
@@tixcustomsph String spacing: 10.5x5=52.5mm (2-1/16 inch); Mounting screw spacing: 67mm x 28.5mm(2-41/64 inch x 1-1/8 inch)
yan po yung measurements ng bibilihin ko sir, fit po ba sa ltx tele ko?
hi sir, should i get s-1h or lsx? i'm a beginner palang po. thank you!!
Hello, I would recommend S-1H para masanay agad ang tenga sa full range na tunog ng gitara.
di poba matalas yung .022uf sa humbucker pag naka 500kpots?
tykaa balance lang poba yung .033uf??
Ang tone caps ng mga gitara ay para mag cut ng freq range ng pup. Kung walang tone control (pots at caps), lalabas ang lahat ng freq response ng pup. Pag naglagay tayo ng tone control, ipi-filter na nya yung freq range na kayang ilabas ng pup. Yan ang reason kung bakit yung iba ay naka tone bypass kase gusto nila na kung ano ang full range ng pup ay mailabas. Prang sa sasakyan din na may muffler, catalytic converter 😉
May long term review na po ba kayo nigo
Yan pa lang sir.
Anong pong size ng tusq nut ang Pede po sa jcraft lsx? Kasi measured nyo po ay E to e is 33.0mm
Lowest na nakita ko po sa lazada is 34.5mm. May allowance pa po kaya ang string mula sa dulo ng fret?
Nasa vid din po sir ang measurement. Total width (actual) ay 41.8mm to 42 pero online ang sabi ay 43mm sir. Kung 34.5 ang lowest spacing ay may allowance pa din na 4.25 each side sa 43 at 3.75 naman sa 42. Check lang din ng actual kase pwedeng may konting diff ang mga napapakabit sa same model.
pano boss kung magpapalit ng pickguard?
Siguro may available mismo sa jolly music or guitar pusher. Kung wala ay kelangan na i custom.
good day sir,tanong ko lang po bakit pag ginagamitan ko ng capo yung acoustic guitar ko may mga string na naging sharp & flat?salamat more power
Malamang kelangan po ma setup ng ayos ang gitara. Kasama na po dooj ang intonation.
@@tixcustomsph wala po kasing Luther dito sa amin ano kaya ang mabuting sulosyon?
Matibay po ba kaya yung wood ng neck at body like d kaya sya mag warp or bend agad or kakayanin kaya mag retrofit ng floyd? salamat sa response
btw nice vid very honest at informative
Salamat po! Matibay na ang neck at body kaya lang kahit gaano kamahal ng gitara basta di proper ang storage at pag aalaga ay pwedeng magka problema pa din. Para din tao na normal ang physique pero nasanay sa improper posture, nakukuba etc. Regarding retrofit ng floyd, yes kakayanin naman ng body.
@@tixcustomsph thankyou sa sagot nyo po more powerand videos to come sa channel nyo♥
Maraming salamat po sa support.
Pwede Po bang gawing sss configuration Po yang lsx1? Wala naman pong magiging problema Basta Tama mga measurements Po?
Pwedeng pwede sir basta tama sukat.
Sir ok lang ba if i DIY yung neck nya na i finish using a spray can? Ano procedure?
Ok lang. Pwedeng pwede naman. Kung gustong i stain, ay i sand muna ng 400 to 1k grit. Mask ang mga frets ng tape then spray.
Sir kung papalitan ko ng pickups to ano marerecommend mo? Thanks sa future reply😊
Yung mga wilkinson m series sir kung budget meal pero kung ba budgetan ay mga seymour duncan o dimarzio.
yung nga pots po ba ng tatlo is papalitan ko ng 500k?
Pwede naman hindi pero kung gusto i upgrade sa mas mataas na quality ay mas maganda.
Isa pa palang tanung idol, saan nakakabili nung value pots na 500k at magkano sya? Salamat idol.
Look for brands na CTS, Bourns at Alpha. 2 pcs na B500K for vol 1 and 2 at A500K for master tone. Pwede rin na A500K x2 sa vol pots at B500K naman sa master tone. Sa Lazada madami 👌
Salamat sa mabilis na reply idol, napakalaking tulong ang mga tips. At sugestion mo.
Walang anuman po sir!
Gaano po kakapal yung neck niya sa 3rd at 12th fret?
Same lang halos ng kapal pero iba feel dahil sa profile at finger board radius. Ang Fender ay 9.5" ang mga Jcraft ay 14".
Tanong ko lang po sir kung ano po bang brand ng pots(500k) ang pde nyo irecommend.kakabili ko po ng ganitong gitara 3 days ago..tnx po..
Alpha or CTS mga high quality at pabg matagalan 👌
Hi sir tanong lang po anong mas maganda na pang beginner Jcraft S-2hc or lsx po
Mas ok sa beginner ang S2HC 👍
@@tixcustomsph pero overall po ano mas better?
hello sir, quick question lang po, anong tremolo from musiclilly po ang kasukat ng Jcraft LSX? Ty po in advance.
Sa measurement natin ay 51.8mm go for the standard 52.5mm string spacing.
@@tixcustomsph thank you sir.
@@tixcustomsph One last question sir, aside sa 500k value ng pots, ano po ang size na pwede sa kanya? Nalilito kasi ako kung ano bilhin since merong 1/4, 3/8 etc. Sabi ng seller i measure ko daw ang size but di ko alam paano i measure yun. Salamat ulit sir.
Kalimitan lang ginagamit ang 1/4 or 6mm +/- sa mga may pickguard. Pag ang pagkakabitan ay sa wood cavity, go for the longer shaft na 3/8 or 10mm.
Ilan mm yung tremolo bridge nito
Nasa vid ang measurements sir 👍
pa review naman yung thomson special series
Sure sir once may nagpagawa dito sa shop. Thanks!
pero ok naman yang lsx na yan sir?
Yes sir ok sya.
Ask ko lang po compatible po ba yung wilkinson wvs50k na bridge dyan?
Kung 52.5mm ang string spacing pwede sya.
@@tixcustomsphsan den po makakahanap ng nut ng jcraft lsx?
@avedisdelossantos8879 dami naman online like musiclily 👍
Planning to buy po ano po ma rerecommend nyo lsx,ltx or lpx po?
Ok naman sila lahat sir kaya lang ang advantage ng lsx at ltx ay 24 frets comoared sa lpx na 22. Sa porma mga astig lahat sila sir. Ang advantage naman ng lpx ay yung open pole na pickups.
Boss ask lanh kung durable po ba ang mga Guyker locking tuners?
Di ko pa sure kase parang di pa natin nae-encounter yung brand dito sa shop. Thanks.
pwede ko pong malaman kung ilang K yung sa dalawang tones and isang volume po?
Pagkakatanda ko ay 500K ang value. Standard sya sa mga humbucker na pickups.
ano po ba yung mga nakalagay na pots sa tone and volume ng lsx? 250k lang po ba, para po ma upgrade ko
250K ang stock pero mas maganda ma upgrade sa 500K para bukas na bukas ang output ng pickups.
@@tixcustomsph maraming salamat po, subscribe ko na po kayo, nasagot nyo po ang aking mga katanungan
Maraming salamat sir!
Yung LPX1 models ng Jcraft ayos din po ba?
Wala pa tayong nae encounter na lpx nila but seems ok din sila sir.
Sir balak ko pong bumili ng first guitar ko mag request po sana ako ng vid tas i differentiate niyo po yung strat at tele
Maraming salamat sa support sir. Tingnan natin kung makakagawa tayo ng ganung vid. Habang wala pa ay pwede naman mag inquire sa ating page. Same name sa FB.
Ok lang ba sir na 1 Meg ung volume and tone pots, parehong linear. Ano po advice niyo?
Ok lang din na 1 meg. As good as "no-load" na sya or direct out na may benefit na mag off. Mas ok kung A sa volume at B sa tone pero kung B lang ang available, ok lang din. Sa response magkaiba ang A at B pero they will both serve the same purpose in different ways.
Sir question lang po. Pag wala pong effects pedal, pano po makakatugtog ng mga pang rakrakan? Ampli lang po meron ako pero hindi naman po sya tunog rakrakan.
May app po ba na effects na pwede palitan tone ng gitara? Ano po ba mga need para makatugtog ng rock? Hehe complete newbie lang po talaga ako. More power idol!
Tingin ko need mo ng guitar interface direct sa fon o pc. Irig ay isang example. Meron na din ibang naglalabasan na pwede sa android. Paki search lang din sa mga online shops yung guitar interface. Mukang yan ang sagot sa naiimagine mo 👍
Yung lsx na nabili ko 500k pots na yung nakalagay
Sa mga bagong versions ay 500K na nga sila.
Kaya ba nito palitan floyd rose in the future kung iupgrade?
O kung di kaya eh 2 point trem na lang thank you sir!
The good news is kayang kaya 👌
@@tixcustomsphSabi kasi ni sir Mico Ong eh baka hindi kayanin nung wood.Bumili na lang ng floyd rose equipped.Eh mahal masiyado ang starting price ng floyd rose guitar hehehe.Kaya isip ko eh start muna sa 6 pt.
May video ka ba sir o kilaal na nagfloyd rose dito o 2 point ?
@@tixcustomsph Saka sir Flat po ba ang neck nito ung parang wizard neck sa ibby o kaya jackson.Ung manipis na pang shred tlaaga?Kasi medyo mataba pa ung Fender type eh thank you dir!
@@lilwayne1994 ako mismo gumawa ok naman sila.
m.facebook.com/story.php?story_fbid=4404713972872828&id=100000028050094
Hi sir. Worth ba iupgrade yung pots and pickups for this guitar?
Yes it's worth it 😉
@@tixcustomsph thank you! Planning to upgrade kasi to seymour duncan just in case ito na talaga kukunin ko.
Basta mai-setup sya ng tama sa application magiging proud ang gagamit sa kanya.
@@lienvicandroid pa send naman po ng link kung saan po makakabili g legit na duncun pick ups
Sa Want jp Music po sir sa Lazada. Mga legit items from japan.
kaya ba to lagyan ng floyd rose idol?
Yes tingin ko ay kakayanin naman ng body.
Sir ano sa tingin mo mas maganda jcraft LSX-1hh or Jcraft stratocaster s1?
Kung sa mga rock to metal na tugtugan, mas ok ang LSX. Pag ang tugtugan ay mga low gain, clean at vintage, go for S1. Mas ok sya sa jazz, blues, pop at moderate rock.
@@tixcustomsph thank for helping me decide which to buy
Welcome sir.
Sir standard po ba ung scale length? 25.5? Salamat
Yes sir 25.5
ask ko lang po if pwede po ba e convert yung bridge ng LSX into Floyd rose?
Pwede po sir 👍
@@tixcustomsph magkano po kaya yun Sir? my idea po ba kayo? like magkano yung service fee..
Ang rate natin sa conversion ng may existing cavity ay 2500 plus setup fee. You can visit our fb page para sa sample. Conversions.
@@tixcustomsph pwede po mahingi yung link ng page Sir? laking tulong po ng UA-cam channel ninyo
Same lang din ng name TIX customs ph
Ano po tawag dun sa panukat nyo na digital?
Vernier Caliper sir.
@@tixcustomsph tnx po. Try ko po humanap ng ganyan
Dami nyan sir sa lazada at shopee 😊
Pwedi din po kaya sya palitan ng 5way switch sir tix?
Sa stock pickups ay walang option na magamit sa 5-way. Kung papalitan ng pickups na 4 to 5 conductors yes pwedeng pwede sir.
@@tixcustomsph ayun maraming salamat po sir sana makapag pa setup po ako sau soon 🙏
Salamat ng marami!
ano pong potentiometer kailangan? 2-A500k 1-B500k? o 2-500k 1-A500k.??
Sa humbucker ay A500K at B500K. Kalimitan sa kanina ay B ang volume.
mali nabili ko, dalawang A nabili ko tapos isang B
ok lang po ba na ang gawin ko dalawang A ilagay ko sa dalawang Humbucker nya?? tapos B nman sa Tone ??
@user-wr5qj6xu3x yes ok lang
cge po salamat po
Sir ikaw po ba nag shield nyan o merong na siya shield nung pagbili mo?
May shielding na sya from factory sir. Conductive paint ang gamit.
@@tixcustomsph Maraming salamat po Sir.
Salamat din aa support sir!
San makabili?
Jolly music sir.
Napaka swete ko nakita ko ang vid na ito. New subs. Here. Ask lang ako master. Bagong bili ko ang lsx ko. Balak ko palitan ng puts.. ano poba kasya dito ung 3/8 or 1/4?
Thanks sir! Good na po sya sa 1/4 na haba ng shaft sir.
@@tixcustomsph e sir, pd ba lahat ng puts lagyan ng .022uf? 2vol at 1tune?
Sa tone oang nilalagay ang caps na . 022uF
@@tixcustomsph salamat sa info master...
Salamat din sir!
Bale ano po bang mas better? ito po bang lsx or yung ltx?
Mas madali i-setup ang LTX dahil naka fixed ang bridge. Nasa pref na din ng body shape kung tele o strat. Ang advantage naman ng LSX ay ang trem feature nya na pwedeng upgrade sa Floyd Rose. 👌
@@tixcustomsph e kung based po sa electronics, klase ng pickups, same lang din po ba sila?
@@jeromebenitez4690 based sa LTX na na review natin last time, mas matapang ng konti ang bridge pup nitong LSX. Sa neck pup naman ay parehas lang sila.
Dito sa vid, na mention lang din natin na kailangang mag palit ng mas mataas na value ng pots ang LSX kase naka 250k lang sya. Need ng 500K para mailabas lahat ng tunog. Ang stock pots naman ng LTX ay naka 500K na agad. Ang isang pinagkaiba nila sa control ay sa LSX, magkabukod ang volume control ng neck at bridge at main tone control. Sa LTX ay 2 pots lang which means master volume and master tone. May option ka na parang gawing killswitch ang sa LSX kase pwedeng i off ang volume ng isang pup at ang isa ay naka on.
Maraming salamat sir! May ltx kasi ako. Napaisip lang ako kung tama ba ba yun ang binili ko hahaha. Pero based sa mga sinabi nyo, goods na goods na pala to 😆
Maganda ang ltx. Tamang setup lang at quality strings ang katapat.
Nc pwedi pala sya HSH
Pwede sir!
Ano po ba mas okay na jcraft x series? yung telecaster or stratocaster?
Designed ang X series sa mga moderate to heavy na tugtugan while yung T series at S series naman ay sa mga soft to moderate na tugtugan. Lahat sila magaganda lalo na at magagamit sa tamang application.
Thank you sir
Welcome po!
By the way po galing nyo mag review, sa inyo agad ako nanonood pag may mga tanong ako about sa gitara
Regarding sa Tele at Strat na X series naman, same lang sila ng sistema. Ang naiba lang ay ang korte ng body. Dun na papasok ang personal preference.
Ayus ang gitara..
Thanks!
Bago ko bilhin tong gitara nato upgrade ko nalang tong behringer strat ko HAHAHAH
may fb page po kayo?
Yes po. Tix Customs Ph din po sa FB
Sir worth it po kaya yung Jackson JS series over sa JCraft? Ang laki parin po kase ng price difference nila, yung Jackson po is about 13k pataas then itong JCraft specifically itong LSX at LTX nasa 5k lang po pero ang wood ng LTX e Mahogany na pero yung mga Jackson poplar po despite having much higher price point. Second question po ay ano po stand niyo po sa neck re-enforcements, may ganon daw po kase yung Jackson JS series po. Gusto ko lang po malaman kung ano po ba mas worth na bilhin bago po ako bumili. thank you po
Ano pong specific model ng Jackson ang ikino compare natin sa LSX at LTX sir? Try din po natin check ang specs nya.
@@tixcustomsph Sir yung Jackson JS12 po. lower end po ng Jackson po iyon pero about 13k po. may dahilan po kaya para maging ganon kataas ang price po niya, pero poplar po ang body,”? gusto ko po sana yung mabili ko yung tatagal specially yung wood ay matibay.
I see, may factor na din ang brand name. Yung materials na ginamit sa pag manufacture example yung mga hardwares ay pwedeng di na i upgrade. Pickups at electronics ng jackson ay mismo nadin. Ang reason kung bakit gugustuhin na bumili ng mga jcraft ay dahil sa excitement ng pag custom. Kung yung price diff nila ang gagamitin sa pag upgrade ng Jcraft, sigurado ako sobrang astig na LSX o LTX ang mangyayari 👌
@@tixcustomsph Actually sir mas naggagravitate po ko sa JCraft for future upgrades. Hardwares lang naman po sir ang masasabing low end sa JCraft po diba? Pero pag inupgrade na ang hardwares may possibility po na malampasan pa nya ang specs ng JS12?
Very possible po sir lalo na kung pickups ang uunahin kase sa totoo lang no match ang pup ng Jcraft compared sa JS
Thank you sir! Tanong ko lang po sa tingin nyo po ba tatagal tong gitara na to? Hahaha maalaga naman ako sa mga gamit ko sir.
May iba pa po ba kayong mare-recommend na guitar brand na budget friendly pero ok yung quality?
Last question sir saang material po gawa yung fret wires nya? Yung una ko pong gitara eh napudpod na yung fret wires kaya kailangan na ipa-setup. Keep posting videos sir! Salamat
Kaya kong sabihin na tatagal sya sir lalo na at maalaga sa gamit. Yung mga unang labas dismayado din talaga ako kase parang styro sa gaan pero ang mga bagong labas ngayon ay masasabi natin na may ibubuga na. Tech partner tayo ng pinaka malaking distributor ng Jcraft dito sa atin. Kaming mga partners ang nagbibigay ng feedback sa mga dapat i-improve. Ang stock fret wires ay gawa sa nickel. Suggestion ko if ever na magpapa refret ay magpa re-radius na din sa 9.5" from stock 14' para Fender na Fender ang feel 👌🤘
@@tixcustomsph Thank you sir sa pagreply at suggestion nyo! 🤘
Grabeng review to ahh hahaha
Heto ang honest review
Hindi yung kukunin lang loob nyo para bilhin nyo talaga tung gitara lol
Salamat sir!
Bat kaya hindi pa iimprove ng Jcraft ang quality ng mga gitara nila HAAHAHA ang pinaka kina disappoint ko dyan which is yung fret wires HAAHHA hindi stainless steels unlike sa mga low class international guitar like Behringer etc.
May mga napapa tyempo pa ring iba na may kailangan ayusin pero naka experience din naman kami na setup lang talaga ang kailangan. May kinalaman din siguro ang competition sa price. May naging improvements na din naman dun sa mga batch na late 2020.
@@tixcustomsph salamat sa reply sir, kung sakali tuloy niyo lang yung gantong pag rereview nyo, para mas marami kaming maging parepare and aware pag bibili ng mga tulad nyan
Salamat sir
Malamit salamat din sir! Please spread the word 🤘
Sobrang daming ads
Check po natin kung mababawasan. Si yt din kase naglalagay. Thanks
Tulong na natin kay boss Tix un ano ka ba.Ilang segundo lang naman.Libre 'yan oh tapos konting ads lang naman.
m.facebook.com/story.php?story_fbid=4404713972872828&id=100000028050094
Sa output jack nya po? mono po ba sya o stereo?
Mono sya.